MyDugsiStart learning

Surah Ash-Shu'ara in Tagalog: translation and audio

Surah 26 · الشعراء · The Poets · 227 verses

Surah Ash-Shu'ara verse by verse: the Arabic with a recitation you can repeat, the transliteration, and the Tagalog translation by Dar Al-Salam Center. For the meaning of every word, see Surah Ash-Shu'ara word by word in English.

Verse 1

طسٓمٓ

Transliteration tta-seen-meem

Tagalog Ṭā. Sīn. Mīm.

Verse 2

تِلْكَ ءَايَـٰتُ ٱلْكِتَـٰبِ ٱلْمُبِينِ

Transliteration til'ka āyātu l-kitābi l-mubīni

Tagalog Ang mga ito ay ang mga talata ng Aklat na naglilinaw.

Verse 3

لَعَلَّكَ بَـٰخِعٌ نَّفْسَكَ أَلَّا يَكُونُوا۟ مُؤْمِنِينَ

Transliteration laʿallaka bākhiʿun nafsaka allā yakūnū mu'minīna

Tagalog Baka ikaw ay kikitil ng sarili mo na hindi sila maging mga mananampalataya.

Verse 4

إِن نَّشَأْ نُنَزِّلْ عَلَيْهِم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ ءَايَةً فَظَلَّتْ أَعْنَـٰقُهُمْ لَهَا خَـٰضِعِينَ

Transliteration in nasha nunazzil ʿalayhim mina l-samāi āyatan faẓallat aʿnāquhum lahā khāḍiʿīna

Tagalog Kung niloob Namin ay magbababa Kami sa kanila mula sa langit ng isang tanda kaya mananatili ang mga leeg nila na mga nakatungo roon.

Verse 5

وَمَا يَأْتِيهِم مِّن ذِكْرٍ مِّنَ ٱلرَّحْمَـٰنِ مُحْدَثٍ إِلَّا كَانُوا۟ عَنْهُ مُعْرِضِينَ

Transliteration wamā yatīhim min dhik'rin mina l-raḥmāni muḥ'dathin illā kānū ʿanhu muʿ'riḍīna

Tagalog Walang pumupunta sa kanila na isang paalaala mula sa Napakamaawain, na bagong baba, malibang sila rito ay mga umaayaw.

Verse 6

فَقَدْ كَذَّبُوا۟ فَسَيَأْتِيهِمْ أَنۢبَـٰٓؤُا۟ مَا كَانُوا۟ بِهِۦ يَسْتَهْزِءُونَ

Transliteration faqad kadhabū fasayatīhim anbāu mā kānū bihi yastahziūna

Tagalog Kaya nagpasinungaling nga sila kaya pupunta sa kanila ang mga balita ng anumang dati nilang kinukutya.

Verse 7

أَوَلَمْ يَرَوْا۟ إِلَى ٱلْأَرْضِ كَمْ أَنۢبَتْنَا فِيهَا مِن كُلِّ زَوْجٍ كَرِيمٍ

Transliteration awalam yaraw ilā l-arḍi kam anbatnā fīhā min kulli zawjin karīmin

Tagalog Hindi ba sila nakita sa lupa kung ilan ang pinatubo Namin dito mula sa bawat uring marangal?

Verse 8

إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَـَٔايَةً ۖ وَمَا كَانَ أَكْثَرُهُم مُّؤْمِنِينَ

Transliteration inna fī dhālika laāyatan wamā kāna aktharuhum mu'minīna

Tagalog Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.

Verse 9

وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلْعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ

Transliteration wa-inna rabbaka lahuwa l-ʿazīzu l-raḥīmu

Tagalog Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.

Verse 10

وَإِذْ نَادَىٰ رَبُّكَ مُوسَىٰٓ أَنِ ٱئْتِ ٱلْقَوْمَ ٱلظَّـٰلِمِينَ

Transliteration wa-idh nādā rabbuka mūsā ani i'ti l-qawma l-ẓālimīna

Tagalog [Banggitin] noong nanawagan ang Panginoon mo kay Moises: "Pumunta ka sa mga taong tagalabag sa katarungan,

Verse 11

قَوْمَ فِرْعَوْنَ ۚ أَلَا يَتَّقُونَ

Transliteration qawma fir'ʿawna alā yattaqūna

Tagalog ang mga tao ni Paraon. Hindi ba sila nangingilag magkasala?"

Verse 12

قَالَ رَبِّ إِنِّىٓ أَخَافُ أَن يُكَذِّبُونِ

Transliteration qāla rabbi innī akhāfu an yukadhibūni

Tagalog Nagsabi ito: "Panginoon ko, tunay na ako ay nangangamba na magpasinungaling sila sa akin.

Verse 13

وَيَضِيقُ صَدْرِى وَلَا يَنطَلِقُ لِسَانِى فَأَرْسِلْ إِلَىٰ هَـٰرُونَ

Transliteration wayaḍīqu ṣadrī walā yanṭaliqu lisānī fa-arsil ilā hārūna

Tagalog Maninikip ang dibdib ko at hindi tatatas ang dila ko; kaya magsugo Ka [kay Anghel Gabriel] patungo kay Aaron.

Verse 14

وَلَهُمْ عَلَىَّ ذَنۢبٌ فَأَخَافُ أَن يَقْتُلُونِ

Transliteration walahum ʿalayya dhanbun fa-akhāfu an yaqtulūni

Tagalog Sa kanila laban sa akin ay may isang pagkakasala, kaya nangangamba ako na patayin nila ako."

Verse 15

قَالَ كَلَّا ۖ فَٱذْهَبَا بِـَٔايَـٰتِنَآ ۖ إِنَّا مَعَكُم مُّسْتَمِعُونَ

Transliteration qāla kallā fa-idh'habā biāyātinā innā maʿakum mus'tamiʿūna

Tagalog Nagsabi Siya: "Aba’y hindi. Kaya pumunta kayong dalawa kalakip ng mga tanda Namin. Tunay na Kami, kasama sa inyo, ay makikinig.

Verse 16

فَأْتِيَا فِرْعَوْنَ فَقُولَآ إِنَّا رَسُولُ رَبِّ ٱلْعَـٰلَمِينَ

Transliteration fatiyā fir'ʿawna faqūlā innā rasūlu rabbi l-ʿālamīna

Tagalog Kaya pumunta kayong dalawa kay Paraon saka magsabi kayong dalawa: Tunay na kami ay sugo ng Panginoon ng mga nilalang,

Verse 17

أَنْ أَرْسِلْ مَعَنَا بَنِىٓ إِسْرَٰٓءِيلَ

Transliteration an arsil maʿanā banī is'rāīla

Tagalog na ipadala mo kasama sa amin ang mga anak ni Israel."

Verse 18

قَالَ أَلَمْ نُرَبِّكَ فِينَا وَلِيدًا وَلَبِثْتَ فِينَا مِنْ عُمُرِكَ سِنِينَ

Transliteration qāla alam nurabbika fīnā walīdan walabith'ta fīnā min ʿumurika sinīna

Tagalog Nagsabi iyon: "Hindi ba kami nag-alaga sa iyo sa amin noong bata [ka] pa at namalagi ka sa amin mula sa buhay mo nang ilang taon?

Verse 19

وَفَعَلْتَ فَعْلَتَكَ ٱلَّتِى فَعَلْتَ وَأَنتَ مِنَ ٱلْكَـٰفِرِينَ

Transliteration wafaʿalta faʿlataka allatī faʿalta wa-anta mina l-kāfirīna

Tagalog Gumawa ka ng kagagawan mo na ginawa mo habang ikaw ay kabilang sa mga tagatangging tumanaw ng utang na loob."

Verse 20

قَالَ فَعَلْتُهَآ إِذًا وَأَنَا۠ مِنَ ٱلضَّآلِّينَ

Transliteration qāla faʿaltuhā idhan wa-anā mina l-ḍālīna

Tagalog Nagsabi siya: "Nagawa ko iyon nang sandaling iyon habang ako ay kabilang sa mga naliligaw.

Verse 21

فَفَرَرْتُ مِنكُمْ لَمَّا خِفْتُكُمْ فَوَهَبَ لِى رَبِّى حُكْمًا وَجَعَلَنِى مِنَ ٱلْمُرْسَلِينَ

Transliteration fafarartu minkum lammā khif'tukum fawahaba lī rabbī ḥuk'man wajaʿalanī mina l-mur'salīna

Tagalog Kaya tumalilis ako mula sa inyo noong nangamba ako sa inyo ngunit nagkaloob sa akin ang Panginoon ko ng karunungan at nagtalaga Siya sa akin kabilang sa mga isinugo.

Verse 22

وَتِلْكَ نِعْمَةٌ تَمُنُّهَا عَلَىَّ أَنْ عَبَّدتَّ بَنِىٓ إِسْرَٰٓءِيلَ

Transliteration watil'ka niʿ'matun tamunnuhā ʿalayya an ʿabbadtta banī is'rāīla

Tagalog Iyon [ay isang biyayang ipinanunumbat mo sa akin: na nang-alipin ka sa mga anak ni Israel!"

Verse 23

قَالَ فِرْعَوْنُ وَمَا رَبُّ ٱلْعَـٰلَمِينَ

Transliteration qāla fir'ʿawnu wamā rabbu l-ʿālamīna

Tagalog Nagsabi si Paraon: "At ano ang Panginoon ng mga nilalang?"

Verse 24

قَالَ رَبُّ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَآ ۖ إِن كُنتُم مُّوقِنِينَ

Transliteration qāla rabbu l-samāwāti wal-arḍi wamā baynahumā in kuntum mūqinīna

Tagalog Nagsabi siya: "Ang Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, kung kayo ay naging mga nakatitiyak."

Verse 25

قَالَ لِمَنْ حَوْلَهُۥٓ أَلَا تَسْتَمِعُونَ

Transliteration qāla liman ḥawlahu alā tastamiʿūna

Tagalog Nagsabi iyon sa nakapaligid doon: "Hindi ba kayo nakikinig?"

Verse 26

قَالَ رَبُّكُمْ وَرَبُّ ءَابَآئِكُمُ ٱلْأَوَّلِينَ

Transliteration qāla rabbukum warabbu ābāikumu l-awalīna

Tagalog Nagsabi siya: "Ang Panginoon ninyo at ang Panginoon ng mga ninuno ninyong sinauna."

Verse 27

قَالَ إِنَّ رَسُولَكُمُ ٱلَّذِىٓ أُرْسِلَ إِلَيْكُمْ لَمَجْنُونٌ

Transliteration qāla inna rasūlakumu alladhī ur'sila ilaykum lamajnūnun

Tagalog Nagsabi iyon: "Tunay na ang sugo ninyo na isinugo sa inyo ay talagang baliw."

Verse 28

قَالَ رَبُّ ٱلْمَشْرِقِ وَٱلْمَغْرِبِ وَمَا بَيْنَهُمَآ ۖ إِن كُنتُمْ تَعْقِلُونَ

Transliteration qāla rabbu l-mashriqi wal-maghribi wamā baynahumā in kuntum taʿqilūna

Tagalog Nagsabi siya: "Ang Panginoon ng silangan at kanluran at anumang nasa pagitan ng dalawang ito, kung kayo ay naging nakapag-uunawa."

Verse 29

قَالَ لَئِنِ ٱتَّخَذْتَ إِلَـٰهًا غَيْرِى لَأَجْعَلَنَّكَ مِنَ ٱلْمَسْجُونِينَ

Transliteration qāla la-ini ittakhadhta ilāhan ghayrī la-ajʿalannaka mina l-masjūnīna

Tagalog Nagsabi iyon: "Talagang kung gumawa ka ng isang diyos na iba pa sa akin ay talagang gagawa nga ako sa iyo kabilang sa mga ibinilanggo."

Verse 30

قَالَ أَوَلَوْ جِئْتُكَ بِشَىْءٍ مُّبِينٍ

Transliteration qāla awalaw ji'tuka bishayin mubīnin

Tagalog Nagsabi siya: "Kahit pa ba naghatid ako sa iyo ng isang bagay na malinaw?"

Verse 31

قَالَ فَأْتِ بِهِۦٓ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّـٰدِقِينَ

Transliteration qāla fati bihi in kunta mina l-ṣādiqīna

Tagalog Nagsabi iyon: "Kaya maglahad ka nito kung ikaw ay naging kabilang sa mga tapat."

Verse 32

فَأَلْقَىٰ عَصَاهُ فَإِذَا هِىَ ثُعْبَانٌ مُّبِينٌ

Transliteration fa-alqā ʿaṣāhu fa-idhā hiya thuʿ'bānun mubīnun

Tagalog Kaya pumukol siya ng tungkod niya saka biglang ito ay isang ulupong na malinaw.

Verse 33

وَنَزَعَ يَدَهُۥ فَإِذَا هِىَ بَيْضَآءُ لِلنَّـٰظِرِينَ

Transliteration wanazaʿa yadahu fa-idhā hiya bayḍāu lilnnāẓirīna

Tagalog Humugot siya ng kamay niya saka biglang ito ay maputi para sa mga tagatingin.

Verse 34

قَالَ لِلْمَلَإِ حَوْلَهُۥٓ إِنَّ هَـٰذَا لَسَـٰحِرٌ عَلِيمٌ

Transliteration qāla lil'mala-i ḥawlahu inna hādhā lasāḥirun ʿalīmun

Tagalog Nagsabi iyon sa konseho sa paligid niyon: "Tunay na ito ay talagang isang manggagaway na maalam.

Verse 35

يُرِيدُ أَن يُخْرِجَكُم مِّنْ أَرْضِكُم بِسِحْرِهِۦ فَمَاذَا تَأْمُرُونَ

Transliteration yurīdu an yukh'rijakum min arḍikum bisiḥ'rihi famādhā tamurūna

Tagalog Nagnanais siya na magpalabas sa inyo mula sa lupain ninyo sa pamamagitan ng panggagaway niya; kaya ano ang ipag-uutos ninyo?"

Verse 36

قَالُوٓا۟ أَرْجِهْ وَأَخَاهُ وَٱبْعَثْ فِى ٱلْمَدَآئِنِ حَـٰشِرِينَ

Transliteration qālū arjih wa-akhāhu wa-ib'ʿath fī l-madāini ḥāshirīna

Tagalog Nagsabi sila: "Mag-antala ka sa kanya at sa kapatid niya at magpadala ka sa mga lungsod ng mga tagakalap,

Verse 37

يَأْتُوكَ بِكُلِّ سَحَّارٍ عَلِيمٍ

Transliteration yatūka bikulli saḥḥārin ʿalīmin

Tagalog na magdadala sa iyo ng bawat mapanggaway na maalam."

Verse 38

فَجُمِعَ ٱلسَّحَرَةُ لِمِيقَـٰتِ يَوْمٍ مَّعْلُومٍ

Transliteration fajumiʿa l-saḥaratu limīqāti yawmin maʿlūmin

Tagalog Kaya tinipon ang mga manggagaway para sa itinakdang oras ng isang araw na nalalaman.

Verse 39

وَقِيلَ لِلنَّاسِ هَلْ أَنتُم مُّجْتَمِعُونَ

Transliteration waqīla lilnnāsi hal antum muj'tamiʿūna

Tagalog Sinabi sa mga tao: "Kayo kaya ay mga magtitipon?

Verse 40

لَعَلَّنَا نَتَّبِعُ ٱلسَّحَرَةَ إِن كَانُوا۟ هُمُ ٱلْغَـٰلِبِينَ

Transliteration laʿallanā nattabiʿu l-saḥarata in kānū humu l-ghālibīna

Tagalog Nang sa gayon tayo ay susunod sa mga manggagaway kung sila ay magiging ang mga tagapanaig."

Verse 41

فَلَمَّا جَآءَ ٱلسَّحَرَةُ قَالُوا۟ لِفِرْعَوْنَ أَئِنَّ لَنَا لَأَجْرًا إِن كُنَّا نَحْنُ ٱلْغَـٰلِبِينَ

Transliteration falammā jāa l-saḥaratu qālū lifir'ʿawna a-inna lanā la-ajran in kunnā naḥnu l-ghālibīna

Tagalog Kaya noong dumating na ang mga manggagaway ay nagsabi sila kay Paraon: "Tunay ba na mayroon kami talagang pabuya kung kami ay naging ang mga tagapanaig?"

Verse 42

قَالَ نَعَمْ وَإِنَّكُمْ إِذًا لَّمِنَ ٱلْمُقَرَّبِينَ

Transliteration qāla naʿam wa-innakum idhan lamina l-muqarabīna

Tagalog Nagsabi iyon: "Oo, at tunay na kayo samakatuwid ay talagang kabilang sa mga palalapitin [sa akin]."

Verse 43

قَالَ لَهُم مُّوسَىٰٓ أَلْقُوا۟ مَآ أَنتُم مُّلْقُونَ

Transliteration qāla lahum mūsā alqū mā antum mul'qūna

Tagalog Nagsabi sa kanila si Moises: "Pumukol kayo ng anumang kayo ay mga pupukol."

Verse 44

فَأَلْقَوْا۟ حِبَالَهُمْ وَعِصِيَّهُمْ وَقَالُوا۟ بِعِزَّةِ فِرْعَوْنَ إِنَّا لَنَحْنُ ٱلْغَـٰلِبُونَ

Transliteration fa-alqaw ḥibālahum waʿiṣiyyahum waqālū biʿizzati fir'ʿawna innā lanaḥnu l-ghālibūna

Tagalog Kaya pumukol sila ng mga lubid nila at mga tungkod nila at nagsabi sila: "Sumpa man sa kapangyarihan ni Paraon, tunay na kami, talagang kami, ay ang mga tagapanaig."

Verse 45

فَأَلْقَىٰ مُوسَىٰ عَصَاهُ فَإِذَا هِىَ تَلْقَفُ مَا يَأْفِكُونَ

Transliteration fa-alqā mūsā ʿaṣāhu fa-idhā hiya talqafu mā yafikūna

Tagalog Kaya pumukol si Moises ng tungkod niya saka biglang ito ay lumalamon sa ipinanlilinlang nila.

Verse 46

فَأُلْقِىَ ٱلسَّحَرَةُ سَـٰجِدِينَ

Transliteration fa-ul'qiya l-saḥaratu sājidīna

Tagalog Kaya napahandusay ang mga manggagaway na mga nakapatirapa.

Verse 47

قَالُوٓا۟ ءَامَنَّا بِرَبِّ ٱلْعَـٰلَمِينَ

Transliteration qālū āmannā birabbi l-ʿālamīna

Tagalog Nagsabi sila: "Sumampalataya kami sa Panginoon ng mga nilalang,

Verse 48

رَبِّ مُوسَىٰ وَهَـٰرُونَ

Transliteration rabbi mūsā wahārūna

Tagalog ang Panginoon nina Moises at Aaron."

Verse 49

قَالَ ءَامَنتُمْ لَهُۥ قَبْلَ أَنْ ءَاذَنَ لَكُمْ ۖ إِنَّهُۥ لَكَبِيرُكُمُ ٱلَّذِى عَلَّمَكُمُ ٱلسِّحْرَ فَلَسَوْفَ تَعْلَمُونَ ۚ لَأُقَطِّعَنَّ أَيْدِيَكُمْ وَأَرْجُلَكُم مِّنْ خِلَـٰفٍ وَلَأُصَلِّبَنَّكُمْ أَجْمَعِينَ

Transliteration qāla āmantum lahu qabla an ādhana lakum innahu lakabīrukumu alladhī ʿallamakumu l-siḥ'ra falasawfa taʿlamūna la-uqaṭṭiʿanna aydiyakum wa-arjulakum min khilāfin wala-uṣallibannakum ajmaʿīna

Tagalog Nagsabi iyon: "Naniwala kayo sa kanya bago ako magpahintulot sa inyo? Tunay na siya ay talagang ang pasimuno ninyo na nagturo sa inyo ng panggagaway, kaya talagang malalaman ninyo. Talagang magpuputul-putol nga ako ng mga kamay ninyo at mga paa ninyo nang magkabilaan at talagang magbibitin nga ako sa inyo nang magkakasama."

Verse 50

قَالُوا۟ لَا ضَيْرَ ۖ إِنَّآ إِلَىٰ رَبِّنَا مُنقَلِبُونَ

Transliteration qālū lā ḍayra innā ilā rabbinā munqalibūna

Tagalog Nagsabi sila: "Walang kapinsalaan; tunay na kami ay sa Panginoon namin mga uuwi.

Verse 51

إِنَّا نَطْمَعُ أَن يَغْفِرَ لَنَا رَبُّنَا خَطَـٰيَـٰنَآ أَن كُنَّآ أَوَّلَ ٱلْمُؤْمِنِينَ

Transliteration innā naṭmaʿu an yaghfira lanā rabbunā khaṭāyānā an kunnā awwala l-mu'minīna

Tagalog Tunay na kami ay nagmimithi na magpatawad sa amin ang Panginoon namin sa mga pagkakamali namin dahil kami ay naging una sa mga mananampalataya."

Verse 52

۞ وَأَوْحَيْنَآ إِلَىٰ مُوسَىٰٓ أَنْ أَسْرِ بِعِبَادِىٓ إِنَّكُم مُّتَّبَعُونَ

Transliteration wa-awḥaynā ilā mūsā an asri biʿibādī innakum muttabaʿūna

Tagalog Nagkasi Kami kay Moises: "Maglakbay ka sa gabi kasama ng mga lingkod Ko; tunay na kayo ay mga susundan."

Verse 53

فَأَرْسَلَ فِرْعَوْنُ فِى ٱلْمَدَآئِنِ حَـٰشِرِينَ

Transliteration fa-arsala fir'ʿawnu fī l-madāini ḥāshirīna

Tagalog Kaya nagsugo si Paraon sa mga lungsod ng mga tagakalap, [na nagsasabi]:

Verse 54

إِنَّ هَـٰٓؤُلَآءِ لَشِرْذِمَةٌ قَلِيلُونَ

Transliteration inna hāulāi lashir'dhimatun qalīlūna

Tagalog "Tunay na ang mga ito ay talagang isang kawang kaunti.

Verse 55

وَإِنَّهُمْ لَنَا لَغَآئِظُونَ

Transliteration wa-innahum lanā laghāiẓūna

Tagalog Tunay na sila sa atin ay talagang mga nagpapangitngit.

Verse 56

وَإِنَّا لَجَمِيعٌ حَـٰذِرُونَ

Transliteration wa-innā lajamīʿun ḥādhirūna

Tagalog Tunay na tayo ay talagang isang katipunang nag-iingat."

Verse 57

فَأَخْرَجْنَـٰهُم مِّن جَنَّـٰتٍ وَعُيُونٍ

Transliteration fa-akhrajnāhum min jannātin waʿuyūnin

Tagalog Kaya nagpalabas Kami sa kanila mula sa mga hardin at mga bukal,

Verse 58

وَكُنُوزٍ وَمَقَامٍ كَرِيمٍ

Transliteration wakunūzin wamaqāmin karīmin

Tagalog at mga kayamanan at pinananatilihang marangal.

Verse 59

كَذَٰلِكَ وَأَوْرَثْنَـٰهَا بَنِىٓ إِسْرَٰٓءِيلَ

Transliteration kadhālika wa-awrathnāhā banī is'rāīla

Tagalog Gayon nga, at nagpamana Kami ng mga ito sa mga anak ni Israel.

Verse 60

فَأَتْبَعُوهُم مُّشْرِقِينَ

Transliteration fa-atbaʿūhum mush'riqīna

Tagalog Kaya sumunod ang mga iyon sa kanila nang sumisikat [ang araw].

Verse 61

فَلَمَّا تَرَٰٓءَا ٱلْجَمْعَانِ قَالَ أَصْحَـٰبُ مُوسَىٰٓ إِنَّا لَمُدْرَكُونَ

Transliteration falammā tarāā l-jamʿāni qāla aṣḥābu mūsā innā lamud'rakūna

Tagalog Kaya noong nagkakitaan ang dalawang pangkat, nagsabi ang mga kasamahan ni Moises: "Tunay na tayo ay talagang mga maaabutan."

Verse 62

قَالَ كَلَّآ ۖ إِنَّ مَعِىَ رَبِّى سَيَهْدِينِ

Transliteration qāla kallā inna maʿiya rabbī sayahdīni

Tagalog Nagsabi siya: "Aba’y hindi; tunay na kasama sa akin, ang Panginoon ko ay magpapatnubay sa akin."

Verse 63

فَأَوْحَيْنَآ إِلَىٰ مُوسَىٰٓ أَنِ ٱضْرِب بِّعَصَاكَ ٱلْبَحْرَ ۖ فَٱنفَلَقَ فَكَانَ كُلُّ فِرْقٍ كَٱلطَّوْدِ ٱلْعَظِيمِ

Transliteration fa-awḥaynā ilā mūsā ani iḍ'rib biʿaṣāka l-baḥra fa-infalaqa fakāna kullu fir'qin kal-ṭawdi l-ʿaẓīmi

Tagalog Kaya nagkasi Kami kay Moises, na [nagsasabi]: "Hampasin mo ng tungkod mo ang dagat." Kaya nabiyak iyon saka ang bawat bahagi ay naging gaya ng bundok na dambuhala.

Verse 64

وَأَزْلَفْنَا ثَمَّ ٱلْـَٔاخَرِينَ

Transliteration wa-azlafnā thamma l-ākharīna

Tagalog Nagpalapit Kami roon ng mga iba pa.

Verse 65

وَأَنجَيْنَا مُوسَىٰ وَمَن مَّعَهُۥٓ أَجْمَعِينَ

Transliteration wa-anjaynā mūsā waman maʿahu ajmaʿīna

Tagalog Nagligtas Kami kay Moises at sa sinumang kasama sa kanya nang magkakasama.

Verse 66

ثُمَّ أَغْرَقْنَا ٱلْـَٔاخَرِينَ

Transliteration thumma aghraqnā l-ākharīna

Tagalog Pagkatapos lumunod Kami sa mga iba.

Verse 67

إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَـَٔايَةً ۖ وَمَا كَانَ أَكْثَرُهُم مُّؤْمِنِينَ

Transliteration inna fī dhālika laāyatan wamā kāna aktharuhum mu'minīna

Tagalog Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.

Verse 68

وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلْعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ

Transliteration wa-inna rabbaka lahuwa l-ʿazīzu l-raḥīmu

Tagalog Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.

Verse 69

وَٱتْلُ عَلَيْهِمْ نَبَأَ إِبْرَٰهِيمَ

Transliteration wa-ut'lu ʿalayhim naba-a ib'rāhīma

Tagalog Bumigkas ka sa kanila ng balita kay Abraham,

Verse 70

إِذْ قَالَ لِأَبِيهِ وَقَوْمِهِۦ مَا تَعْبُدُونَ

Transliteration idh qāla li-abīhi waqawmihi mā taʿbudūna

Tagalog noong nagsabi siya sa ama niya at mga kababayan niya: "Ano ang sinasamba ninyo?"

Verse 71

قَالُوا۟ نَعْبُدُ أَصْنَامًا فَنَظَلُّ لَهَا عَـٰكِفِينَ

Transliteration qālū naʿbudu aṣnāman fanaẓallu lahā ʿākifīna

Tagalog Nagsabi sila: "Sumasamba kami sa mga anito saka nananatili kami sa mga ito na mga namimintuho."

Verse 72

قَالَ هَلْ يَسْمَعُونَكُمْ إِذْ تَدْعُونَ

Transliteration qāla hal yasmaʿūnakum idh tadʿūna

Tagalog Nagsabi siya: "Nakaririnig kaya sila sa inyo kapag dumadalangin kayo?

Verse 73

أَوْ يَنفَعُونَكُمْ أَوْ يَضُرُّونَ

Transliteration aw yanfaʿūnakum aw yaḍurrūna

Tagalog O nakapagpapakinabang sila sa inyo o nakapipinsala sila?"

Verse 74

قَالُوا۟ بَلْ وَجَدْنَآ ءَابَآءَنَا كَذَٰلِكَ يَفْعَلُونَ

Transliteration qālū bal wajadnā ābāanā kadhālika yafʿalūna

Tagalog Nagsabi sila: "Bagkus nakatagpo kami sa mga magulang namin na gumagawa ng gayon."

Verse 75

قَالَ أَفَرَءَيْتُم مَّا كُنتُمْ تَعْبُدُونَ

Transliteration qāla afara-aytum mā kuntum taʿbudūna

Tagalog Nagsabi siya: "Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa anumang kayo ay dati nang sumasamba:

Verse 76

أَنتُمْ وَءَابَآؤُكُمُ ٱلْأَقْدَمُونَ

Transliteration antum waābāukumu l-aqdamūna

Tagalog kayo at ang mga ninuno ninyong pinakanauna?

Verse 77

فَإِنَّهُمْ عَدُوٌّ لِّىٓ إِلَّا رَبَّ ٱلْعَـٰلَمِينَ

Transliteration fa-innahum ʿaduwwun lī illā rabba l-ʿālamīna

Tagalog Tunay na sila ay kaaway para sa akin, maliban sa Panginoon ng mga nilalang,

Verse 78

ٱلَّذِى خَلَقَنِى فَهُوَ يَهْدِينِ

Transliteration alladhī khalaqanī fahuwa yahdīni

Tagalog na lumikha sa akin saka Siya ay nagpapatnubay sa akin;

Verse 79

وَٱلَّذِى هُوَ يُطْعِمُنِى وَيَسْقِينِ

Transliteration wa-alladhī huwa yuṭ'ʿimunī wayasqīni

Tagalog na Siya ay nagpapakain sa akin at nagpapainom sa akin;

Verse 80

وَإِذَا مَرِضْتُ فَهُوَ يَشْفِينِ

Transliteration wa-idhā mariḍ'tu fahuwa yashfīni

Tagalog at kapag nagkasakit ako, Siya ay nagpapagaling sa akin;

Verse 81

وَٱلَّذِى يُمِيتُنِى ثُمَّ يُحْيِينِ

Transliteration wa-alladhī yumītunī thumma yuḥ'yīni

Tagalog na magbibigay-kamatayan sa akin, pagkatapos magbibigay-buhay sa akin;

Verse 82

وَٱلَّذِىٓ أَطْمَعُ أَن يَغْفِرَ لِى خَطِيٓـَٔتِى يَوْمَ ٱلدِّينِ

Transliteration wa-alladhī aṭmaʿu an yaghfira lī khaṭīatī yawma l-dīni

Tagalog na nagmimithi ako na magpatawad Siya sa akin sa mga kamalian ko sa Araw ng Paggantimpala.

Verse 83

رَبِّ هَبْ لِى حُكْمًا وَأَلْحِقْنِى بِٱلصَّـٰلِحِينَ

Transliteration rabbi hab lī ḥuk'man wa-alḥiq'nī bil-ṣāliḥīna

Tagalog Panginoon ko, magkaloob Ka para sa akin ng karunungan at magsama Ka sa akin sa mga maayos.

Verse 84

وَٱجْعَل لِّى لِسَانَ صِدْقٍ فِى ٱلْـَٔاخِرِينَ

Transliteration wa-ij'ʿal lī lisāna ṣid'qin fī l-ākhirīna

Tagalog Gumawa Ka para sa akin ng isang magandang pagbubunyi sa mga huling [salinlahi].

Verse 85

وَٱجْعَلْنِى مِن وَرَثَةِ جَنَّةِ ٱلنَّعِيمِ

Transliteration wa-ij'ʿalnī min warathati jannati l-naʿīmi

Tagalog Gumawa Ka sa akin na kabilang sa mga tagapagmana ng Hardin ng Kaginhawahan.

Verse 86

وَٱغْفِرْ لِأَبِىٓ إِنَّهُۥ كَانَ مِنَ ٱلضَّآلِّينَ

Transliteration wa-igh'fir li-abī innahu kāna mina l-ḍālīna

Tagalog Magpatawad Ka sa ama ko; tunay na siya noon ay kabilang sa mga ligaw.

Verse 87

وَلَا تُخْزِنِى يَوْمَ يُبْعَثُونَ

Transliteration walā tukh'zinī yawma yub'ʿathūna

Tagalog Huwag Kang magpahiya sa akin sa araw na bubuhayin sila:

Verse 88

يَوْمَ لَا يَنفَعُ مَالٌ وَلَا بَنُونَ

Transliteration yawma lā yanfaʿu mālun walā banūna

Tagalog sa Araw na walang makapagpapakinabang na yaman ni mga anak,

Verse 89

إِلَّا مَنْ أَتَى ٱللَّهَ بِقَلْبٍ سَلِيمٍ

Transliteration illā man atā l-laha biqalbin salīmin

Tagalog maliban sa sinumang pumunta kay Allāh nang may pusong ligtas.

Verse 90

وَأُزْلِفَتِ ٱلْجَنَّةُ لِلْمُتَّقِينَ

Transliteration wa-uz'lifati l-janatu lil'muttaqīna

Tagalog Ilalapit ang Paraiso sa mga tagapangilag magkasala.

Verse 91

وَبُرِّزَتِ ٱلْجَحِيمُ لِلْغَاوِينَ

Transliteration waburrizati l-jaḥīmu lil'ghāwīna

Tagalog Itatanghal ang Impiyerno sa mga nalilisya.

Verse 92

وَقِيلَ لَهُمْ أَيْنَ مَا كُنتُمْ تَعْبُدُونَ

Transliteration waqīla lahum ayna mā kuntum taʿbudūna

Tagalog Sasabihin sa kanila: "Nasaan na ang dati ninyong sinasamba

Verse 93

مِن دُونِ ٱللَّهِ هَلْ يَنصُرُونَكُمْ أَوْ يَنتَصِرُونَ

Transliteration min dūni l-lahi hal yanṣurūnakum aw yantaṣirūna

Tagalog bukod pa kay Allāh? Mag-aadya kaya sila sa inyo o maiaadya sila?

Verse 94

فَكُبْكِبُوا۟ فِيهَا هُمْ وَٱلْغَاوُۥنَ

Transliteration fakub'kibū fīhā hum wal-ghāwūna

Tagalog Kaya ibubulid sila nang pasubsob doon: sila at ang mga nalilisya,

Verse 95

وَجُنُودُ إِبْلِيسَ أَجْمَعُونَ

Transliteration wajunūdu ib'līsa ajmaʿūna

Tagalog at ang mga kawal ni Satanas, na magkakasama.

Verse 96

قَالُوا۟ وَهُمْ فِيهَا يَخْتَصِمُونَ

Transliteration qālū wahum fīhā yakhtaṣimūna

Tagalog Magsasabi sila habang sila roon ay nag-aalitan:

Verse 97

تَٱللَّهِ إِن كُنَّا لَفِى ضَلَـٰلٍ مُّبِينٍ

Transliteration tal-lahi in kunnā lafī ḍalālin mubīnin

Tagalog "Sumpa man kay Allāh, tunay na kami dati ay talagang nasa isang pagkaligaw na malinaw,

Verse 98

إِذْ نُسَوِّيكُم بِرَبِّ ٱلْعَـٰلَمِينَ

Transliteration idh nusawwīkum birabbi l-ʿālamīna

Tagalog noong nagpapantay kami sa inyo sa Panginoon ng mga nilalang.

Verse 99

وَمَآ أَضَلَّنَآ إِلَّا ٱلْمُجْرِمُونَ

Transliteration wamā aḍallanā illā l-muj'rimūna

Tagalog Walang nagligaw sa amin kundi ang mga salarin.

Verse 100

فَمَا لَنَا مِن شَـٰفِعِينَ

Transliteration famā lanā min shāfiʿīna

Tagalog Kaya walang ukol sa amin na anumang mga tagapamagitan,

Verse 101

وَلَا صَدِيقٍ حَمِيمٍ

Transliteration walā ṣadīqin ḥamīmin

Tagalog ni kaibigang malapit.

Verse 102

فَلَوْ أَنَّ لَنَا كَرَّةً فَنَكُونَ مِنَ ٱلْمُؤْمِنِينَ

Transliteration falaw anna lanā karratan fanakūna mina l-mu'minīna

Tagalog Kaya kung sakaling mayroon kaming panunumbalik, kami ay magiging kabilang sa mga mananampalataya.

Verse 103

إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَـَٔايَةً ۖ وَمَا كَانَ أَكْثَرُهُم مُّؤْمِنِينَ

Transliteration inna fī dhālika laāyatan wamā kāna aktharuhum mu'minīna

Tagalog Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.

Verse 104

وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلْعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ

Transliteration wa-inna rabbaka lahuwa l-ʿazīzu l-raḥīmu

Tagalog Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.

Verse 105

كَذَّبَتْ قَوْمُ نُوحٍ ٱلْمُرْسَلِينَ

Transliteration kadhabat qawmu nūḥin l-mur'salīna

Tagalog Nagpasinungaling ang mga kababayan ni Noe sa mga isinugo

Verse 106

إِذْ قَالَ لَهُمْ أَخُوهُمْ نُوحٌ أَلَا تَتَّقُونَ

Transliteration idh qāla lahum akhūhum nūḥun alā tattaqūna

Tagalog noong nagsabi sa kanila ang kapatid nilang si Noe: "Hindi ba kayo mangingilag magkasala?

Verse 107

إِنِّى لَكُمْ رَسُولٌ أَمِينٌ

Transliteration innī lakum rasūlun amīnun

Tagalog Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkatitiwalaan.

Verse 108

فَٱتَّقُوا۟ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ

Transliteration fa-ittaqū l-laha wa-aṭīʿūni

Tagalog Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.

Verse 109

وَمَآ أَسْـَٔلُكُمْ عَلَيْهِ مِنْ أَجْرٍ ۖ إِنْ أَجْرِىَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ ٱلْعَـٰلَمِينَ

Transliteration wamā asalukum ʿalayhi min ajrin in ajriya illā ʿalā rabbi l-ʿālamīna

Tagalog Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng anumang pabuya; walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa Panginoon ng mga nilalang.

Verse 110

فَٱتَّقُوا۟ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ

Transliteration fa-ittaqū l-laha wa-aṭīʿūni

Tagalog Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.

Verse 111

۞ قَالُوٓا۟ أَنُؤْمِنُ لَكَ وَٱتَّبَعَكَ ٱلْأَرْذَلُونَ

Transliteration qālū anu'minu laka wa-ittabaʿaka l-ardhalūna

Tagalog Nagsabi sila: "Maniniwala ba kami sa iyo samantalang sumunod sa iyo ang mga pinakahamak?"

Verse 112

قَالَ وَمَا عِلْمِى بِمَا كَانُوا۟ يَعْمَلُونَ

Transliteration qāla wamā ʿil'mī bimā kānū yaʿmalūna

Tagalog Nagsabi siya: "At ano ang kaalaman ko sa anumang dati nilang ginagawa?

Verse 113

إِنْ حِسَابُهُمْ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّى ۖ لَوْ تَشْعُرُونَ

Transliteration in ḥisābuhum illā ʿalā rabbī law tashʿurūna

Tagalog Walang iba ang pagtutuos sa kanila kundi nasa Panginoon ko, kung sakaling nakararamdam kayo.

Verse 114

وَمَآ أَنَا۠ بِطَارِدِ ٱلْمُؤْمِنِينَ

Transliteration wamā anā biṭāridi l-mu'minīna

Tagalog Ako ay hindi magtataboy sa mga mananampalataya.

Verse 115

إِنْ أَنَا۠ إِلَّا نَذِيرٌ مُّبِينٌ

Transliteration in anā illā nadhīrun mubīnun

Tagalog Walang iba ako kundi isang mapagbabalang malinaw."

Verse 116

قَالُوا۟ لَئِن لَّمْ تَنتَهِ يَـٰنُوحُ لَتَكُونَنَّ مِنَ ٱلْمَرْجُومِينَ

Transliteration qālū la-in lam tantahi yānūḥu latakūnanna mina l-marjūmīna

Tagalog Nagsabi sila: "Talagang kung hindi ka titigil, O Noe, talagang ikaw nga ay magiging kabilang sa mga babatuhin."

Verse 117

قَالَ رَبِّ إِنَّ قَوْمِى كَذَّبُونِ

Transliteration qāla rabbi inna qawmī kadhabūni

Tagalog Nagsabi siya: "Panginoon ko, tunay na ang mga kababayan ko ay nagpasinungaling sa akin.

Verse 118

فَٱفْتَحْ بَيْنِى وَبَيْنَهُمْ فَتْحًا وَنَجِّنِى وَمَن مَّعِىَ مِنَ ٱلْمُؤْمِنِينَ

Transliteration fa-if'taḥ baynī wabaynahum fatḥan wanajjinī waman maʿiya mina l-mu'minīna

Tagalog Kaya humusga Ka sa pagitan ko at nila ng isang paghuhusga at magligtas Ka sa akin at sa sinumang kasama sa akin kabilang sa mga mananampalataya."

Verse 119

فَأَنجَيْنَـٰهُ وَمَن مَّعَهُۥ فِى ٱلْفُلْكِ ٱلْمَشْحُونِ

Transliteration fa-anjaynāhu waman maʿahu fī l-ful'ki l-mashḥūni

Tagalog Kaya nagligtas Kami sa kanya at sinumang kasama sa kanya sa daong na nilulanan.

Verse 120

ثُمَّ أَغْرَقْنَا بَعْدُ ٱلْبَاقِينَ

Transliteration thumma aghraqnā baʿdu l-bāqīna

Tagalog Pagkatapos nilunod Namin, matapos niyan, ang mga naiiwan.

Verse 121

إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَـَٔايَةً ۖ وَمَا كَانَ أَكْثَرُهُم مُّؤْمِنِينَ

Transliteration inna fī dhālika laāyatan wamā kāna aktharuhum mu'minīna

Tagalog Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.

Verse 122

وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلْعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ

Transliteration wa-inna rabbaka lahuwa l-ʿazīzu l-raḥīmu

Tagalog Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.

Verse 123

كَذَّبَتْ عَادٌ ٱلْمُرْسَلِينَ

Transliteration kadhabat ʿādun l-mur'salīna

Tagalog Nagpasinungaling ang `Ād sa mga isinugo

Verse 124

إِذْ قَالَ لَهُمْ أَخُوهُمْ هُودٌ أَلَا تَتَّقُونَ

Transliteration idh qāla lahum akhūhum hūdun alā tattaqūna

Tagalog noong nagsabi sa kanila ang kapatid nilang si Hūd: "Hindi ba kayo mangingilag magkasala?

Verse 125

إِنِّى لَكُمْ رَسُولٌ أَمِينٌ

Transliteration innī lakum rasūlun amīnun

Tagalog Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkatitiwalaan.

Verse 126

فَٱتَّقُوا۟ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ

Transliteration fa-ittaqū l-laha wa-aṭīʿūni

Tagalog Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.

Verse 127

وَمَآ أَسْـَٔلُكُمْ عَلَيْهِ مِنْ أَجْرٍ ۖ إِنْ أَجْرِىَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ ٱلْعَـٰلَمِينَ

Transliteration wamā asalukum ʿalayhi min ajrin in ajriya illā ʿalā rabbi l-ʿālamīna

Tagalog Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng anumang pabuya; walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa Panginoon ng mga nilalang.

Verse 128

أَتَبْنُونَ بِكُلِّ رِيعٍ ءَايَةً تَعْبَثُونَ

Transliteration atabnūna bikulli rīʿin āyatan taʿbathūna

Tagalog Nagpapatayo ba kayo sa bawat mataas na pook ng isang tanda habang nagbiru-biro kayo

Verse 129

وَتَتَّخِذُونَ مَصَانِعَ لَعَلَّكُمْ تَخْلُدُونَ

Transliteration watattakhidhūna maṣāniʿa laʿallakum takhludūna

Tagalog at gumagawa kayo ng mga muog nang sa gayon kayo ay mananatili?

Verse 130

وَإِذَا بَطَشْتُم بَطَشْتُمْ جَبَّارِينَ

Transliteration wa-idhā baṭashtum baṭashtum jabbārīna

Tagalog Kapag dumaluhong kayo ay dumadaluhong kayo gaya ng mga maniniil.

Verse 131

فَٱتَّقُوا۟ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ

Transliteration fa-ittaqū l-laha wa-aṭīʿūni

Tagalog Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.

Verse 132

وَٱتَّقُوا۟ ٱلَّذِىٓ أَمَدَّكُم بِمَا تَعْلَمُونَ

Transliteration wa-ittaqū alladhī amaddakum bimā taʿlamūna

Tagalog Mangilag kayong magkasala sa nagkaloob sa inyo ng nalalaman ninyo.

Verse 133

أَمَدَّكُم بِأَنْعَـٰمٍ وَبَنِينَ

Transliteration amaddakum bi-anʿāmin wabanīna

Tagalog Nagkaloob sa inyo ng mga hayupan at mga anak,

Verse 134

وَجَنَّـٰتٍ وَعُيُونٍ

Transliteration wajannātin waʿuyūnin

Tagalog at ng mga hardin at mga bukal.

Verse 135

إِنِّىٓ أَخَافُ عَلَيْكُمْ عَذَابَ يَوْمٍ عَظِيمٍ

Transliteration innī akhāfu ʿalaykum ʿadhāba yawmin ʿaẓīmin

Tagalog Tunay na ako ay nangangamba para sa inyo ng isang pagdurusa sa isang araw na sukdulan.

Verse 136

قَالُوا۟ سَوَآءٌ عَلَيْنَآ أَوَعَظْتَ أَمْ لَمْ تَكُن مِّنَ ٱلْوَٰعِظِينَ

Transliteration qālū sawāon ʿalaynā awaʿaẓta am lam takun mina l-wāʿiẓīna

Tagalog Nagsabi sila: "Magkatulad sa amin: nangaral ka man o hindi ka naging kabilang sa mga tagapangaral.

Verse 137

إِنْ هَـٰذَآ إِلَّا خُلُقُ ٱلْأَوَّلِينَ

Transliteration in hādhā illā khuluqu l-awalīna

Tagalog Walang iba ito kundi kaugalian ng mga sinauna.

Verse 138

وَمَا نَحْنُ بِمُعَذَّبِينَ

Transliteration wamā naḥnu bimuʿadhabīna

Tagalog Kami ay hindi mga pagdurusahin."

Verse 139

فَكَذَّبُوهُ فَأَهْلَكْنَـٰهُمْ ۗ إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَـَٔايَةً ۖ وَمَا كَانَ أَكْثَرُهُم مُّؤْمِنِينَ

Transliteration fakadhabūhu fa-ahlaknāhum inna fī dhālika laāyatan wamā kāna aktharuhum mu'minīna

Tagalog Kaya nagpasinungaling sila sa kanya saka nagpahamak Kami sa kanila. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.

Verse 140

وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلْعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ

Transliteration wa-inna rabbaka lahuwa l-ʿazīzu l-raḥīmu

Tagalog Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.

Verse 141

كَذَّبَتْ ثَمُودُ ٱلْمُرْسَلِينَ

Transliteration kadhabat thamūdu l-mur'salīna

Tagalog Nagpasinungaling ang Thamūd sa mga isinugo

Verse 142

إِذْ قَالَ لَهُمْ أَخُوهُمْ صَـٰلِحٌ أَلَا تَتَّقُونَ

Transliteration idh qāla lahum akhūhum ṣāliḥun alā tattaqūna

Tagalog noong nagsabi sa kanila ang kapatid nilang si Ṣāliḥ: "Hindi ba kayo mangingilag magkasala?

Verse 143

إِنِّى لَكُمْ رَسُولٌ أَمِينٌ

Transliteration innī lakum rasūlun amīnun

Tagalog Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkatitiwalaan.

Verse 144

فَٱتَّقُوا۟ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ

Transliteration fa-ittaqū l-laha wa-aṭīʿūni

Tagalog Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.

Verse 145

وَمَآ أَسْـَٔلُكُمْ عَلَيْهِ مِنْ أَجْرٍ ۖ إِنْ أَجْرِىَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ ٱلْعَـٰلَمِينَ

Transliteration wamā asalukum ʿalayhi min ajrin in ajriya illā ʿalā rabbi l-ʿālamīna

Tagalog Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng anumang pabuya; walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa Panginoon ng mga nilalang.

Verse 146

أَتُتْرَكُونَ فِى مَا هَـٰهُنَآ ءَامِنِينَ

Transliteration atut'rakūna fī mā hāhunā āminīna

Tagalog Iiwanan ba kayo sa anumang narito na mga natitiwasay

Verse 147

فِى جَنَّـٰتٍ وَعُيُونٍ

Transliteration fī jannātin waʿuyūnin

Tagalog sa mga hardin at mga bukal,

Verse 148

وَزُرُوعٍ وَنَخْلٍ طَلْعُهَا هَضِيمٌ

Transliteration wazurūʿin wanakhlin ṭalʿuhā haḍīmun

Tagalog at mga pananim at mga punong datiles na ang mga usbong ng mga ito ay malambot?

Verse 149

وَتَنْحِتُونَ مِنَ ٱلْجِبَالِ بُيُوتًا فَـٰرِهِينَ

Transliteration watanḥitūna mina l-jibāli buyūtan fārihīna

Tagalog Umuukit kayo mula sa mga bundok ng mga bahay, nang may kabihasaan.

Verse 150

فَٱتَّقُوا۟ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ

Transliteration fa-ittaqū l-laha wa-aṭīʿūni

Tagalog Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.

Verse 151

وَلَا تُطِيعُوٓا۟ أَمْرَ ٱلْمُسْرِفِينَ

Transliteration walā tuṭīʿū amra l-mus'rifīna

Tagalog Huwag kayong tumalima sa utos ng mga nagpapakalabis,

Verse 152

ٱلَّذِينَ يُفْسِدُونَ فِى ٱلْأَرْضِ وَلَا يُصْلِحُونَ

Transliteration alladhīna yuf'sidūna fī l-arḍi walā yuṣ'liḥūna

Tagalog na nanggugulo sa lupa at hindi nagsasaayos.

Verse 153

قَالُوٓا۟ إِنَّمَآ أَنتَ مِنَ ٱلْمُسَحَّرِينَ

Transliteration qālū innamā anta mina l-musaḥarīna

Tagalog Nagsabi sila: "Ikaw lamang ay kabilang sa mga pinaggagaway.

Verse 154

مَآ أَنتَ إِلَّا بَشَرٌ مِّثْلُنَا فَأْتِ بِـَٔايَةٍ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّـٰدِقِينَ

Transliteration mā anta illā basharun mith'lunā fati biāyatin in kunta mina l-ṣādiqīna

Tagalog Walang iba ka kundi isang taong tulad namin kaya maglahad ng isang tanda kung ikaw ay kabilang sa mga tapat."

Verse 155

قَالَ هَـٰذِهِۦ نَاقَةٌ لَّهَا شِرْبٌ وَلَكُمْ شِرْبُ يَوْمٍ مَّعْلُومٍ

Transliteration qāla hādhihi nāqatun lahā shir'bun walakum shir'bu yawmin maʿlūmin

Tagalog Nagsabi siya: "Ito ay isang dumalagang kamelyo. Ukol dito ay pag-inom at ukol sa inyo ay pag-inom sa isang araw na nalalaman.

Verse 156

وَلَا تَمَسُّوهَا بِسُوٓءٍ فَيَأْخُذَكُمْ عَذَابُ يَوْمٍ عَظِيمٍ

Transliteration walā tamassūhā bisūin fayakhudhakum ʿadhābu yawmin ʿaẓīmin

Tagalog Huwag kayong sumaling dito ng isang kasagwaan para [hindi] kayo daklutin ng isang pagdurusa sa isang araw na sukdulan."

Verse 157

فَعَقَرُوهَا فَأَصْبَحُوا۟ نَـٰدِمِينَ

Transliteration faʿaqarūhā fa-aṣbaḥū nādimīna

Tagalog Ngunit kinatay nila ito kaya sila ay naging mga nagsisisi.

Verse 158

فَأَخَذَهُمُ ٱلْعَذَابُ ۗ إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَـَٔايَةً ۖ وَمَا كَانَ أَكْثَرُهُم مُّؤْمِنِينَ

Transliteration fa-akhadhahumu l-ʿadhābu inna fī dhālika laāyatan wamā kāna aktharuhum mu'minīna

Tagalog Kaya dumaklot sa kanila ang pagdurusa. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.

Verse 159

وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلْعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ

Transliteration wa-inna rabbaka lahuwa l-ʿazīzu l-raḥīmu

Tagalog Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.

Verse 160

كَذَّبَتْ قَوْمُ لُوطٍ ٱلْمُرْسَلِينَ

Transliteration kadhabat qawmu lūṭin l-mur'salīna

Tagalog Nagpasinungaling ang mga kababayan ni Lot sa mga isinugo

Verse 161

إِذْ قَالَ لَهُمْ أَخُوهُمْ لُوطٌ أَلَا تَتَّقُونَ

Transliteration idh qāla lahum akhūhum lūṭun alā tattaqūna

Tagalog noong nagsabi sa kanila ang kapatid nilang si Lot: "Hindi ba kayo mangingilag magkasala?

Verse 162

إِنِّى لَكُمْ رَسُولٌ أَمِينٌ

Transliteration innī lakum rasūlun amīnun

Tagalog Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkatitiwalaan.

Verse 163

فَٱتَّقُوا۟ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ

Transliteration fa-ittaqū l-laha wa-aṭīʿūni

Tagalog Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.

Verse 164

وَمَآ أَسْـَٔلُكُمْ عَلَيْهِ مِنْ أَجْرٍ ۖ إِنْ أَجْرِىَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ ٱلْعَـٰلَمِينَ

Transliteration wamā asalukum ʿalayhi min ajrin in ajriya illā ʿalā rabbi l-ʿālamīna

Tagalog Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng anumang pabuya; walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa Panginoon ng mga nilalang.

Verse 165

أَتَأْتُونَ ٱلذُّكْرَانَ مِنَ ٱلْعَـٰلَمِينَ

Transliteration atatūna l-dhuk'rāna mina l-ʿālamīna

Tagalog Pumupunta ba kayo sa mga lalaki ng mga nilalang

Verse 166

وَتَذَرُونَ مَا خَلَقَ لَكُمْ رَبُّكُم مِّنْ أَزْوَٰجِكُم ۚ بَلْ أَنتُمْ قَوْمٌ عَادُونَ

Transliteration watadharūna mā khalaqa lakum rabbukum min azwājikum bal antum qawmun ʿādūna

Tagalog at nag-iiwan kayo sa nilikha para sa inyo ng Panginoon ninyo na mga asawa ninyo? Bagkus kayo ay mga taong tagalabag.

Verse 167

قَالُوا۟ لَئِن لَّمْ تَنتَهِ يَـٰلُوطُ لَتَكُونَنَّ مِنَ ٱلْمُخْرَجِينَ

Transliteration qālū la-in lam tantahi yālūṭu latakūnanna mina l-mukh'rajīna

Tagalog Nagsabi sila: "Talagang kung hindi ka titigil, O Lot, talagang ikaw nga ay magiging kabilang sa mga palilisanin."

Verse 168

قَالَ إِنِّى لِعَمَلِكُم مِّنَ ٱلْقَالِينَ

Transliteration qāla innī liʿamalikum mina l-qālīna

Tagalog Nagsabi siya: "Tunay na ako sa gawain ninyo ay kabilang sa mga nasusuklam.

Verse 169

رَبِّ نَجِّنِى وَأَهْلِى مِمَّا يَعْمَلُونَ

Transliteration rabbi najjinī wa-ahlī mimmā yaʿmalūna

Tagalog Panginoon ko, iligtas Mo ako at ang mag-anak ko mula sa ginagawa nila."

Verse 170

فَنَجَّيْنَـٰهُ وَأَهْلَهُۥٓ أَجْمَعِينَ

Transliteration fanajjaynāhu wa-ahlahu ajmaʿīna

Tagalog Kaya nagligtas Kami sa kanya at sa mag-anak niya nang magkakasama,

Verse 171

إِلَّا عَجُوزًا فِى ٱلْغَـٰبِرِينَ

Transliteration illā ʿajūzan fī l-ghābirīna

Tagalog maliban sa isang matandang babae sa mga nagpapaiwan.

Verse 172

ثُمَّ دَمَّرْنَا ٱلْـَٔاخَرِينَ

Transliteration thumma dammarnā l-ākharīna

Tagalog Pagkatapos winasak Namin ang mga iba pa.

Verse 173

وَأَمْطَرْنَا عَلَيْهِم مَّطَرًا ۖ فَسَآءَ مَطَرُ ٱلْمُنذَرِينَ

Transliteration wa-amṭarnā ʿalayhim maṭaran fasāa maṭaru l-mundharīna

Tagalog Nagpaulan Kami sa kanila ng isang ulan, saka kay sagwa ang ulan ng mga binalaan.

Verse 174

إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَـَٔايَةً ۖ وَمَا كَانَ أَكْثَرُهُم مُّؤْمِنِينَ

Transliteration inna fī dhālika laāyatan wamā kāna aktharuhum mu'minīna

Tagalog Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.

Verse 175

وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلْعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ

Transliteration wa-inna rabbaka lahuwa l-ʿazīzu l-raḥīmu

Tagalog Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.

Verse 176

كَذَّبَ أَصْحَـٰبُ لْـَٔيْكَةِ ٱلْمُرْسَلِينَ

Transliteration kadhaba aṣḥābu al'aykati l-mur'salīna

Tagalog Nagpasinungaling ang mga naninirahan sa kasukalan sa mga isinugo

Verse 177

إِذْ قَالَ لَهُمْ شُعَيْبٌ أَلَا تَتَّقُونَ

Transliteration idh qāla lahum shuʿaybun alā tattaqūna

Tagalog noong nagsabi sa kanila si Shu`ayb: "Hindi ba kayo mangingilag magkasala?

Verse 178

إِنِّى لَكُمْ رَسُولٌ أَمِينٌ

Transliteration innī lakum rasūlun amīnun

Tagalog Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkatitiwalaan.

Verse 179

فَٱتَّقُوا۟ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ

Transliteration fa-ittaqū l-laha wa-aṭīʿūni

Tagalog Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.

Verse 180

وَمَآ أَسْـَٔلُكُمْ عَلَيْهِ مِنْ أَجْرٍ ۖ إِنْ أَجْرِىَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ ٱلْعَـٰلَمِينَ

Transliteration wamā asalukum ʿalayhi min ajrin in ajriya illā ʿalā rabbi l-ʿālamīna

Tagalog Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng anumang pabuya; walang pabuya sa akin kundi nasa Panginoon ng mga nilalang.

Verse 181

۞ أَوْفُوا۟ ٱلْكَيْلَ وَلَا تَكُونُوا۟ مِنَ ٱلْمُخْسِرِينَ

Transliteration awfū l-kayla walā takūnū mina l-mukh'sirīna

Tagalog Maglubus-lubos kayo ng pagtatakal at huwag kayong maging kabilang sa mga tagapagpalugi.

Verse 182

وَزِنُوا۟ بِٱلْقِسْطَاسِ ٱلْمُسْتَقِيمِ

Transliteration wazinū bil-qis'ṭāsi l-mus'taqīmi

Tagalog Tumimbang kayo sa pamamagitan ng timbangang tuwid.

Verse 183

وَلَا تَبْخَسُوا۟ ٱلنَّاسَ أَشْيَآءَهُمْ وَلَا تَعْثَوْا۟ فِى ٱلْأَرْضِ مُفْسِدِينَ

Transliteration walā tabkhasū l-nāsa ashyāahum walā taʿthaw fī l-arḍi muf'sidīna

Tagalog Huwag kayong magpakulang sa mga tao sa mga bagay-bagay nila, at huwag kayong manampalasan sa lupa bilang mga tagagulo.

Verse 184

وَٱتَّقُوا۟ ٱلَّذِى خَلَقَكُمْ وَٱلْجِبِلَّةَ ٱلْأَوَّلِينَ

Transliteration wa-ittaqū alladhī khalaqakum wal-jibilata l-awalīna

Tagalog Mangilag kayong magkasala sa lumikha sa inyo at mga salinlahing nauna.

Verse 185

قَالُوٓا۟ إِنَّمَآ أَنتَ مِنَ ٱلْمُسَحَّرِينَ

Transliteration qālū innamā anta mina l-musaḥarīna

Tagalog Nagsabi sila: "Ikaw ay kabilang sa mga pinaggagaway lamang.

Verse 186

وَمَآ أَنتَ إِلَّا بَشَرٌ مِّثْلُنَا وَإِن نَّظُنُّكَ لَمِنَ ٱلْكَـٰذِبِينَ

Transliteration wamā anta illā basharun mith'lunā wa-in naẓunnuka lamina l-kādhibīna

Tagalog Walang iba ka kundi isang taong tulad naming. Tunay nagpapalagay kami na ikaw ay talagang kabilang sa mga sinungaling.

Verse 187

فَأَسْقِطْ عَلَيْنَا كِسَفًا مِّنَ ٱلسَّمَآءِ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّـٰدِقِينَ

Transliteration fa-asqiṭ ʿalaynā kisafan mina l-samāi in kunta mina l-ṣādiqīna

Tagalog Kaya magpabagsak ka sa amin ng tipak-tipak mula sa langit kung ikaw ay naging kabilang sa mga tapat."

Verse 188

قَالَ رَبِّىٓ أَعْلَمُ بِمَا تَعْمَلُونَ

Transliteration qāla rabbī aʿlamu bimā taʿmalūna

Tagalog Nagsabi siya: "Ang Panginoon ko ay higit maalam sa anumang ginagawa ninyo."

Verse 189

فَكَذَّبُوهُ فَأَخَذَهُمْ عَذَابُ يَوْمِ ٱلظُّلَّةِ ۚ إِنَّهُۥ كَانَ عَذَابَ يَوْمٍ عَظِيمٍ

Transliteration fakadhabūhu fa-akhadhahum ʿadhābu yawmi l-ẓulati innahu kāna ʿadhāba yawmin ʿaẓīmin

Tagalog Kaya nagpasinungaling sila sa kanya kaya dumaklot sa kanila ang pagdurusa sa araw ng maitim na ulap. Tunay na iyon ay naging isang pagdurusa sa isang araw na sukdulan.

Verse 190

إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَـَٔايَةً ۖ وَمَا كَانَ أَكْثَرُهُم مُّؤْمِنِينَ

Transliteration inna fī dhālika laāyatan wamā kāna aktharuhum mu'minīna

Tagalog Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.

Verse 191

وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلْعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ

Transliteration wa-inna rabbaka lahuwa l-ʿazīzu l-raḥīmu

Tagalog Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.

Verse 192

وَإِنَّهُۥ لَتَنزِيلُ رَبِّ ٱلْعَـٰلَمِينَ

Transliteration wa-innahu latanzīlu rabbi l-ʿālamīna

Tagalog Tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang pagbababa ng Panginoon ng mga nilalang.

Verse 193

نَزَلَ بِهِ ٱلرُّوحُ ٱلْأَمِينُ

Transliteration nazala bihi l-rūḥu l-amīnu

Tagalog Bumaba kalakip nito ang Espiritung Mapagkakatiwalaan

Verse 194

عَلَىٰ قَلْبِكَ لِتَكُونَ مِنَ ٱلْمُنذِرِينَ

Transliteration ʿalā qalbika litakūna mina l-mundhirīna

Tagalog sa puso mo upang ikaw ay maging kabilang sa mga tagapagbabala

Verse 195

بِلِسَانٍ عَرَبِىٍّ مُّبِينٍ

Transliteration bilisānin ʿarabiyyin mubīnin

Tagalog sa pamamagitan ng wikang Arabeng malinaw.

Verse 196

وَإِنَّهُۥ لَفِى زُبُرِ ٱلْأَوَّلِينَ

Transliteration wa-innahu lafī zuburi l-awalīna

Tagalog Tunay na ito ay talagang nasa mga kalatas ng mga sinauna.

Verse 197

أَوَلَمْ يَكُن لَّهُمْ ءَايَةً أَن يَعْلَمَهُۥ عُلَمَـٰٓؤُا۟ بَنِىٓ إِسْرَٰٓءِيلَ

Transliteration awalam yakun lahum āyatan an yaʿlamahu ʿulamāu banī is'rāīla

Tagalog Hindi ba ito para sa kanila naging isang tanda, na makaalam nito ang mga maalam sa mga anak ni Israel?

Verse 198

وَلَوْ نَزَّلْنَـٰهُ عَلَىٰ بَعْضِ ٱلْأَعْجَمِينَ

Transliteration walaw nazzalnāhu ʿalā baʿḍi l-aʿjamīna

Tagalog Kung sakaling nagbaba Kami nito sa isa sa mga dayuhan

Verse 199

فَقَرَأَهُۥ عَلَيْهِم مَّا كَانُوا۟ بِهِۦ مُؤْمِنِينَ

Transliteration faqara-ahu ʿalayhim mā kānū bihi mu'minīna

Tagalog saka bumigkas siya nito sa kanila, hindi sila dahil dito magiging mga mananampalataya.

Verse 200

كَذَٰلِكَ سَلَكْنَـٰهُ فِى قُلُوبِ ٱلْمُجْرِمِينَ

Transliteration kadhālika salaknāhu fī qulūbi l-muj'rimīna

Tagalog Gayon Kami nagsingit nito sa mga puso ng mga salarin.

Verse 201

لَا يُؤْمِنُونَ بِهِۦ حَتَّىٰ يَرَوُا۟ ٱلْعَذَابَ ٱلْأَلِيمَ

Transliteration lā yu'minūna bihi ḥattā yarawū l-ʿadhāba l-alīma

Tagalog Hindi sila sumasampalataya rito hanggang sa makita nila ang pagdurusang masakit.

Verse 202

فَيَأْتِيَهُم بَغْتَةً وَهُمْ لَا يَشْعُرُونَ

Transliteration fayatiyahum baghtatan wahum lā yashʿurūna

Tagalog Kaya pupunta ito sa kanila nang biglaan habang sila ay hindi nakararamdam.

Verse 203

فَيَقُولُوا۟ هَلْ نَحْنُ مُنظَرُونَ

Transliteration fayaqūlū hal naḥnu munẓarūna

Tagalog Kaya magsasabi sila: "Tayo kaya ay mga ipagpapaliban?"

Verse 204

أَفَبِعَذَابِنَا يَسْتَعْجِلُونَ

Transliteration afabiʿadhābinā yastaʿjilūna

Tagalog Kaya ba sa pagdurusang dulot Namin ay nagmamadali sila?

Verse 205

أَفَرَءَيْتَ إِن مَّتَّعْنَـٰهُمْ سِنِينَ

Transliteration afara-ayta in mattaʿnāhum sinīna

Tagalog Kaya nakita mo ba kung nagpatamasa Kami sa kanila nang ilang taon?

Verse 206

ثُمَّ جَآءَهُم مَّا كَانُوا۟ يُوعَدُونَ

Transliteration thumma jāahum mā kānū yūʿadūna

Tagalog Pagkatapos dumating sa kanila ang dating ipinangangako sa kanila.

Verse 207

مَآ أَغْنَىٰ عَنْهُم مَّا كَانُوا۟ يُمَتَّعُونَ

Transliteration mā aghnā ʿanhum mā kānū yumattaʿūna

Tagalog Ano ang naidulot para sa kanila ng anumang dating ipinatatamasa sa kanila?

Verse 208

وَمَآ أَهْلَكْنَا مِن قَرْيَةٍ إِلَّا لَهَا مُنذِرُونَ

Transliteration wamā ahlaknā min qaryatin illā lahā mundhirūna

Tagalog Hindi Kami nagpahamak ng anumang pamayanan malibang habang mayroon itong mga tagapagbabala

Verse 209

ذِكْرَىٰ وَمَا كُنَّا ظَـٰلِمِينَ

Transliteration dhik'rā wamā kunnā ẓālimīna

Tagalog bilang paalaala, samantalang hindi Kami naging tagalabag sa katarungan.

Verse 210

وَمَا تَنَزَّلَتْ بِهِ ٱلشَّيَـٰطِينُ

Transliteration wamā tanazzalat bihi l-shayāṭīnu

Tagalog Hindi nagbabaan kalakip nito ang mga demonyo.

Verse 211

وَمَا يَنۢبَغِى لَهُمْ وَمَا يَسْتَطِيعُونَ

Transliteration wamā yanbaghī lahum wamā yastaṭīʿūna

Tagalog Hindi ito nararapat para sa kanila at hindi sila nakakakaya.

Verse 212

إِنَّهُمْ عَنِ ٱلسَّمْعِ لَمَعْزُولُونَ

Transliteration innahum ʿani l-samʿi lamaʿzūlūna

Tagalog Tunay na sila buhat sa pagdinig ay talagang mga ibinukod.

Verse 213

فَلَا تَدْعُ مَعَ ٱللَّهِ إِلَـٰهًا ءَاخَرَ فَتَكُونَ مِنَ ٱلْمُعَذَّبِينَ

Transliteration falā tadʿu maʿa l-lahi ilāhan ākhara fatakūna mina l-muʿadhabīna

Tagalog Kaya huwag kang dumalangin kasama kay Allāh sa isang diyos na iba pa para ikaw ay [hindi] maging kabilang sa mga pagdurusahin.

Verse 214

وَأَنذِرْ عَشِيرَتَكَ ٱلْأَقْرَبِينَ

Transliteration wa-andhir ʿashīrataka l-aqrabīna

Tagalog Magbabala ka sa angkan mong mga pinakamalalapit na kaanak.

Verse 215

وَٱخْفِضْ جَنَاحَكَ لِمَنِ ٱتَّبَعَكَ مِنَ ٱلْمُؤْمِنِينَ

Transliteration wa-ikh'fiḍ janāḥaka limani ittabaʿaka mina l-mu'minīna

Tagalog Magbaba ka ng loob mo para sa sinumang sumunod sa iyo kabilang sa mga mananampalataya.

Verse 216

فَإِنْ عَصَوْكَ فَقُلْ إِنِّى بَرِىٓءٌ مِّمَّا تَعْمَلُونَ

Transliteration fa-in ʿaṣawka faqul innī barīon mimmā taʿmalūna

Tagalog Ngunit kung sumuway sila sa iyo ay sabihin mo: "Tunay na ako ay walang-kaugnayan sa anumang ginagawa ninyo."

Verse 217

وَتَوَكَّلْ عَلَى ٱلْعَزِيزِ ٱلرَّحِيمِ

Transliteration watawakkal ʿalā l-ʿazīzi l-raḥīmi

Tagalog Manalig ka sa Makapangyarihan, Maawain,

Verse 218

ٱلَّذِى يَرَىٰكَ حِينَ تَقُومُ

Transliteration alladhī yarāka ḥīna taqūmu

Tagalog na nakakikita sa iyo kapag bumabangon ka

Verse 219

وَتَقَلُّبَكَ فِى ٱلسَّـٰجِدِينَ

Transliteration wataqallubaka fī l-sājidīna

Tagalog at sa paggalaw-galaw sa mga nagpapatirapa.

Verse 220

إِنَّهُۥ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلْعَلِيمُ

Transliteration innahu huwa l-samīʿu l-ʿalīmu

Tagalog Tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Maalam.

Verse 221

هَلْ أُنَبِّئُكُمْ عَلَىٰ مَن تَنَزَّلُ ٱلشَّيَـٰطِينُ

Transliteration hal unabbi-ukum ʿalā man tanazzalu l-shayāṭīnu

Tagalog Magbabalita kaya Ako sa inyo kung sa kanino nagbababaan ang mga demonyo?

Verse 222

تَنَزَّلُ عَلَىٰ كُلِّ أَفَّاكٍ أَثِيمٍ

Transliteration tanazzalu ʿalā kulli affākin athīmin

Tagalog Nagbababaan sila sa bawat manlilinlang na makasalanan,

Verse 223

يُلْقُونَ ٱلسَّمْعَ وَأَكْثَرُهُمْ كَـٰذِبُونَ

Transliteration yul'qūna l-samʿa wa-aktharuhum kādhibūna

Tagalog habang nagpupukol sila ng napakinggan at ang higit na marami sa kanila ay mga sinungaling.

Verse 224

وَٱلشُّعَرَآءُ يَتَّبِعُهُمُ ٱلْغَاوُۥنَ

Transliteration wal-shuʿarāu yattabiʿuhumu l-ghāwūna

Tagalog Ang mga manunula ay sumusunod sa kanila ang mga nalilisya.

Verse 225

أَلَمْ تَرَ أَنَّهُمْ فِى كُلِّ وَادٍ يَهِيمُونَ

Transliteration alam tara annahum fī kulli wādin yahīmūna

Tagalog Hindi mo ba nakita na sila sa bawat larangan ay tumatahak,

Verse 226

وَأَنَّهُمْ يَقُولُونَ مَا لَا يَفْعَلُونَ

Transliteration wa-annahum yaqūlūna mā lā yafʿalūna

Tagalog at na sila ay nagsasabi ng hindi nila ginagawa,

Verse 227

إِلَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَعَمِلُوا۟ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ وَذَكَرُوا۟ ٱللَّهَ كَثِيرًا وَٱنتَصَرُوا۟ مِنۢ بَعْدِ مَا ظُلِمُوا۟ ۗ وَسَيَعْلَمُ ٱلَّذِينَ ظَلَمُوٓا۟ أَىَّ مُنقَلَبٍ يَنقَلِبُونَ

Transliteration illā alladhīna āmanū waʿamilū l-ṣāliḥāti wadhakarū l-laha kathīran wa-intaṣarū min baʿdi mā ẓulimū wasayaʿlamu alladhīna ẓalamū ayya munqalabin yanqalibūna

Tagalog maliban sa mga sumampalataya, gumawa ng mga maayos, nag-alaala kay Allāh nang madalas, at naiadya nang matapos na labagin sila sa katarungan. Makaaalam ang mga lumabag sa katarungan kung sa aling uwian uuwi sila.

Read Surah Ash-Shu'ara in another language

All languages

All 114 surahs in Tagalog: the Qur’an in Tagalog.

Learn it in MyDugsi

Tagalog translation: Dar Al-Salam Center, from Quran.com. Transliteration: Quran.com. Recitation: Mishary Alafasy, from EveryAyah.com. MyDugsi is a learning aid, not a replacement for a qualified teacher.