MyDugsiStart learning

Surah Ya-Sin in Tagalog: translation and audio

Surah 36 · يس · Ya Sin · 83 verses

Surah Ya-Sin verse by verse: the Arabic with a recitation you can repeat, the transliteration, and the Tagalog translation by Dar Al-Salam Center. For the meaning of every word, see Surah Ya-Sin word by word in English.

Verse 1

يسٓ

Transliteration ya-seen

Tagalog Yā. Sīn.

Verse 2

وَٱلْقُرْءَانِ ٱلْحَكِيمِ

Transliteration wal-qur'āni l-ḥakīmi

Tagalog Sumpa man sa Qur’ān na marunong,

Verse 3

إِنَّكَ لَمِنَ ٱلْمُرْسَلِينَ

Transliteration innaka lamina l-mur'salīna

Tagalog tunay na ikaw ay talagang kabilang sa mga isinugo

Verse 4

عَلَىٰ صِرَٰطٍ مُّسْتَقِيمٍ

Transliteration ʿalā ṣirāṭin mus'taqīmin

Tagalog batay sa isang landasing tuwid,

Verse 5

تَنزِيلَ ٱلْعَزِيزِ ٱلرَّحِيمِ

Transliteration tanzīla l-ʿazīzi l-raḥīmi

Tagalog bilang pagbababa ng Makapangyarihan, Maawain,

Verse 6

لِتُنذِرَ قَوْمًا مَّآ أُنذِرَ ءَابَآؤُهُمْ فَهُمْ غَـٰفِلُونَ

Transliteration litundhira qawman mā undhira ābāuhum fahum ghāfilūna

Tagalog upang magbabala ka sa mga tao na hindi binalaan ang mga ninuno nila, kaya sila ay mga nalilingat.

Verse 7

لَقَدْ حَقَّ ٱلْقَوْلُ عَلَىٰٓ أَكْثَرِهِمْ فَهُمْ لَا يُؤْمِنُونَ

Transliteration laqad ḥaqqa l-qawlu ʿalā aktharihim fahum lā yu'minūna

Tagalog Talaga ngang nagkatotoo ang sabi sa higit na marami sa kanila, kaya sila ay hindi sumasampalataya.

Verse 8

إِنَّا جَعَلْنَا فِىٓ أَعْنَـٰقِهِمْ أَغْلَـٰلًا فَهِىَ إِلَى ٱلْأَذْقَانِ فَهُم مُّقْمَحُونَ

Transliteration innā jaʿalnā fī aʿnāqihim aghlālan fahiya ilā l-adhqāni fahum muq'maḥūna

Tagalog Tunay na Kami ay naglagay sa mga leeg nila ng mga kulyar saka ang mga ito ay hanggang sa mga baba nila, kaya sila ay mga pinatitingala.

Verse 9

وَجَعَلْنَا مِنۢ بَيْنِ أَيْدِيهِمْ سَدًّا وَمِنْ خَلْفِهِمْ سَدًّا فَأَغْشَيْنَـٰهُمْ فَهُمْ لَا يُبْصِرُونَ

Transliteration wajaʿalnā min bayni aydīhim saddan wamin khalfihim saddan fa-aghshaynāhum fahum lā yub'ṣirūna

Tagalog Naglagay Kami sa harapan nila ng isang sagabal at sa likuran nila ng isang sagabal, saka bumalot Kami sa kanila kaya sila ay hindi nakakikita.

Verse 10

وَسَوَآءٌ عَلَيْهِمْ ءَأَنذَرْتَهُمْ أَمْ لَمْ تُنذِرْهُمْ لَا يُؤْمِنُونَ

Transliteration wasawāon ʿalayhim a-andhartahum am lam tundhir'hum lā yu'minūna

Tagalog Magkapantay sa kanila na nagbabala ka man sa kanila o hindi ka nagbabala sa kanila: hindi sila sumasampalataya.

Verse 11

إِنَّمَا تُنذِرُ مَنِ ٱتَّبَعَ ٱلذِّكْرَ وَخَشِىَ ٱلرَّحْمَـٰنَ بِٱلْغَيْبِ ۖ فَبَشِّرْهُ بِمَغْفِرَةٍ وَأَجْرٍ كَرِيمٍ

Transliteration innamā tundhiru mani ittabaʿa l-dhik'ra wakhashiya l-raḥmāna bil-ghaybi fabashir'hu bimaghfiratin wa-ajrin karīmin

Tagalog Makapagbabala ka lamang sa sinumang sumunod sa paalaala at natakot sa Napakamaawain nang lingid. Kaya magbalita ka ng nakagagalak sa kanya hinggil sa isang kapatawaran at isang pabuyang marangal.

Verse 12

إِنَّا نَحْنُ نُحْىِ ٱلْمَوْتَىٰ وَنَكْتُبُ مَا قَدَّمُوا۟ وَءَاثَـٰرَهُمْ ۚ وَكُلَّ شَىْءٍ أَحْصَيْنَـٰهُ فِىٓ إِمَامٍ مُّبِينٍ

Transliteration innā naḥnu nuḥ'yī l-mawtā wanaktubu mā qaddamū waāthārahum wakulla shayin aḥṣaynāhu fī imāmin mubīnin

Tagalog Tunay na Kami ay nagbibigay-buhay sa mga patay at nagtatala ng anumang ipinauna nila at mga bakas nila. Sa bawat bagay ay nag-isa-isa Kami sa isang talaang malinaw.

Verse 13

وَٱضْرِبْ لَهُم مَّثَلًا أَصْحَـٰبَ ٱلْقَرْيَةِ إِذْ جَآءَهَا ٱلْمُرْسَلُونَ

Transliteration wa-iḍ'rib lahum mathalan aṣḥāba l-qaryati idh jāahā l-mur'salūna

Tagalog Maglahad ka para sa kanila ng isang paghahalintulad: ang mga naninirahan sa pamayanan noong dumating doon ang mga isinugo,

Verse 14

إِذْ أَرْسَلْنَآ إِلَيْهِمُ ٱثْنَيْنِ فَكَذَّبُوهُمَا فَعَزَّزْنَا بِثَالِثٍ فَقَالُوٓا۟ إِنَّآ إِلَيْكُم مُّرْسَلُونَ

Transliteration idh arsalnā ilayhimu ith'nayni fakadhabūhumā faʿazzaznā bithālithin faqālū innā ilaykum mur'salūna

Tagalog noong nagsugo Kami sa kanila ng dalawa ngunit nagpasinungaling sila sa kanilang dalawa kaya kinatigan Namin ng ikatlo, saka nagsabi sila: "Tunay na kami sa inyo ay mga isinugo."

Verse 15

قَالُوا۟ مَآ أَنتُمْ إِلَّا بَشَرٌ مِّثْلُنَا وَمَآ أَنزَلَ ٱلرَّحْمَـٰنُ مِن شَىْءٍ إِنْ أَنتُمْ إِلَّا تَكْذِبُونَ

Transliteration qālū mā antum illā basharun mith'lunā wamā anzala l-raḥmānu min shayin in antum illā takdhibūna

Tagalog Nagsabi ang mga iyon: "Walang iba kayo kundi mga taong tulad namin. Hindi nagpababa ang Napakamaawain ng anuman. Walang iba kayo kundi nagsisinungaling."

Verse 16

قَالُوا۟ رَبُّنَا يَعْلَمُ إِنَّآ إِلَيْكُمْ لَمُرْسَلُونَ

Transliteration qālū rabbunā yaʿlamu innā ilaykum lamur'salūna

Tagalog Nagsabi sila: "Ang Panginoon namin ay nakaaalam na tunay na Kami sa inyo ay talagang mga isinugo."

Verse 17

وَمَا عَلَيْنَآ إِلَّا ٱلْبَلَـٰغُ ٱلْمُبِينُ

Transliteration wamā ʿalaynā illā l-balāghu l-mubīnu

Tagalog Walang kailangan sa Amin kundi ang pagpapaabot na malinaw.

Verse 18

قَالُوٓا۟ إِنَّا تَطَيَّرْنَا بِكُمْ ۖ لَئِن لَّمْ تَنتَهُوا۟ لَنَرْجُمَنَّكُمْ وَلَيَمَسَّنَّكُم مِّنَّا عَذَابٌ أَلِيمٌ

Transliteration qālū innā taṭayyarnā bikum la-in lam tantahū lanarjumannakum walayamassannakum minnā ʿadhābun alīmun

Tagalog Nagsabi ang mga iyon: "Tunay na kami ay nagtuturing ng kamalasan sa inyo. Talagang kung hindi kayo titigil ay talagang babatuhin nga namin kayo at talagang sasalingin nga kayo mula sa amin ng isang pagdurusang masakit."

Verse 19

قَالُوا۟ طَـٰٓئِرُكُم مَّعَكُمْ ۚ أَئِن ذُكِّرْتُم ۚ بَلْ أَنتُمْ قَوْمٌ مُّسْرِفُونَ

Transliteration qālū ṭāirukum maʿakum a-in dhukkir'tum bal antum qawmun mus'rifūna

Tagalog Nagsabi sila: "Ang kamalasan ninyo ay kasama sa inyo. [Kamalasan] ba kung pinaalalahanan kayo? Bagkus kayo ay mga taong nagmamalabis."

Verse 20

وَجَآءَ مِنْ أَقْصَا ٱلْمَدِينَةِ رَجُلٌ يَسْعَىٰ قَالَ يَـٰقَوْمِ ٱتَّبِعُوا۟ ٱلْمُرْسَلِينَ

Transliteration wajāa min aqṣā l-madīnati rajulun yasʿā qāla yāqawmi ittabiʿū l-mur'salīna

Tagalog May dumating mula sa pinakaliblib ng lungsod na isang lalaking tumatakbo, na nagsabi: "O mga kababayan ko, sumunod kayo sa mga isinugo.

Verse 21

ٱتَّبِعُوا۟ مَن لَّا يَسْـَٔلُكُمْ أَجْرًا وَهُم مُّهْتَدُونَ

Transliteration ittabiʿū man lā yasalukum ajran wahum muh'tadūna

Tagalog Sumunod kayo sa mga hindi humihingi sa inyo ng isang pabuya at sila ay mga napapatnubayan.

Verse 22

وَمَا لِىَ لَآ أَعْبُدُ ٱلَّذِى فَطَرَنِى وَإِلَيْهِ تُرْجَعُونَ

Transliteration wamā liya lā aʿbudu alladhī faṭaranī wa-ilayhi tur'jaʿūna

Tagalog Ano ang mayroon sa akin na hindi ako sumasamba sa lumalang sa akin at tungo sa Kanya pababalikin kayo?

Verse 23

ءَأَتَّخِذُ مِن دُونِهِۦٓ ءَالِهَةً إِن يُرِدْنِ ٱلرَّحْمَـٰنُ بِضُرٍّ لَّا تُغْنِ عَنِّى شَفَـٰعَتُهُمْ شَيْـًٔا وَلَا يُنقِذُونِ

Transliteration a-attakhidhu min dūnihi ālihatan in yurid'ni l-raḥmānu biḍurrin lā tugh'ni ʿannī shafāʿatuhum shayan walā yunqidhūni

Tagalog Gagawa ba ako ng bukod pa sa Kanya bilang mga diyos? Kung magnanais sa akin ang Napakamaawain ng isang pinsala ay hindi makapagdudulot sa akin ang pamamagitan nila ng anuman at hindi sila makasasagip sa akin.

Verse 24

إِنِّىٓ إِذًا لَّفِى ضَلَـٰلٍ مُّبِينٍ

Transliteration innī idhan lafī ḍalālin mubīnin

Tagalog Tunay na ako, samakatuwid, ay talagang nasa isang pagkaligaw na malinaw.

Verse 25

إِنِّىٓ ءَامَنتُ بِرَبِّكُمْ فَٱسْمَعُونِ

Transliteration innī āmantu birabbikum fa-is'maʿūni

Tagalog Tunay na ako ay sumampalataya sa Panginoon ninyo, kaya makinig kayo sa akin."

Verse 26

قِيلَ ٱدْخُلِ ٱلْجَنَّةَ ۖ قَالَ يَـٰلَيْتَ قَوْمِى يَعْلَمُونَ

Transliteration qīla ud'khuli l-janata qāla yālayta qawmī yaʿlamūna

Tagalog Sasabihin: "Pumasok ka sa paraiso." Magsasabi siya: "O kung sana ang mga kababayan ko ay nakaaalam

Verse 27

بِمَا غَفَرَ لِى رَبِّى وَجَعَلَنِى مِنَ ٱلْمُكْرَمِينَ

Transliteration bimā ghafara lī rabbī wajaʿalanī mina l-muk'ramīna

Tagalog sa pagpapatawad sa akin ng Panginoon ko at paggawa Niya sa akin kabilang sa mga pinararangalan."

Verse 28

۞ وَمَآ أَنزَلْنَا عَلَىٰ قَوْمِهِۦ مِنۢ بَعْدِهِۦ مِن جُندٍ مِّنَ ٱلسَّمَآءِ وَمَا كُنَّا مُنزِلِينَ

Transliteration wamā anzalnā ʿalā qawmihi min baʿdihi min jundin mina l-samāi wamā kunnā munzilīna

Tagalog Hindi Kami nagpababa sa mga kababayan niya nang matapos niya ng anumang mga kawal mula sa langit at hindi nangyaring Kami ay magpapababa.

Verse 29

إِن كَانَتْ إِلَّا صَيْحَةً وَٰحِدَةً فَإِذَا هُمْ خَـٰمِدُونَ

Transliteration in kānat illā ṣayḥatan wāḥidatan fa-idhā hum khāmidūna

Tagalog Walang iba iyon kundi nag-iisang hiyaw saka biglang sila ay mga nalipol.

Verse 30

يَـٰحَسْرَةً عَلَى ٱلْعِبَادِ ۚ مَا يَأْتِيهِم مِّن رَّسُولٍ إِلَّا كَانُوا۟ بِهِۦ يَسْتَهْزِءُونَ

Transliteration yāḥasratan ʿalā l-ʿibādi mā yatīhim min rasūlin illā kānū bihi yastahziūna

Tagalog O isang panghihinayang sa mga lingkod. Walang pumunta sa kanila na anumang sugo malibang sila dati ay nangungutya.

Verse 31

أَلَمْ يَرَوْا۟ كَمْ أَهْلَكْنَا قَبْلَهُم مِّنَ ٱلْقُرُونِ أَنَّهُمْ إِلَيْهِمْ لَا يَرْجِعُونَ

Transliteration alam yaraw kam ahlaknā qablahum mina l-qurūni annahum ilayhim lā yarjiʿūna

Tagalog Hindi ba sila nagsaalang-alang kung ilan ang ipinahamak Namin bago nila kabilang sa mga salinlahi – na ang mga iyon tungo sa kanila ay hindi babalik?

Verse 32

وَإِن كُلٌّ لَّمَّا جَمِيعٌ لَّدَيْنَا مُحْضَرُونَ

Transliteration wa-in kullun lammā jamīʿun ladaynā muḥ'ḍarūna

Tagalog Walang iba ang bawat isa kundi lahat sa harap Namin mga padadaluhin.

Verse 33

وَءَايَةٌ لَّهُمُ ٱلْأَرْضُ ٱلْمَيْتَةُ أَحْيَيْنَـٰهَا وَأَخْرَجْنَا مِنْهَا حَبًّا فَمِنْهُ يَأْكُلُونَ

Transliteration waāyatun lahumu l-arḍu l-maytatu aḥyaynāhā wa-akhrajnā min'hā ḥabban famin'hu yakulūna

Tagalog Isang tanda para sa kanila ang lupang patay; nagbigay-buhay Kami rito at nagpalabas Kami mula rito ng mga butil, saka mula rito ay kumakain sila.

Verse 34

وَجَعَلْنَا فِيهَا جَنَّـٰتٍ مِّن نَّخِيلٍ وَأَعْنَـٰبٍ وَفَجَّرْنَا فِيهَا مِنَ ٱلْعُيُونِ

Transliteration wajaʿalnā fīhā jannātin min nakhīlin wa-aʿnābin wafajjarnā fīhā mina l-ʿuyūni

Tagalog Gumawa Kami rito ng mga hardin ng datiles at mga ubas at nagpabulwak Kami rito ng mga bukal

Verse 35

لِيَأْكُلُوا۟ مِن ثَمَرِهِۦ وَمَا عَمِلَتْهُ أَيْدِيهِمْ ۖ أَفَلَا يَشْكُرُونَ

Transliteration liyakulū min thamarihi wamā ʿamilathu aydīhim afalā yashkurūna

Tagalog upang kumain sila mula sa bunga nito. Hindi gumawa sa mga ito ang mga kamay nila. Kaya hindi ba sila magpapasalamat?

Verse 36

سُبْحَـٰنَ ٱلَّذِى خَلَقَ ٱلْأَزْوَٰجَ كُلَّهَا مِمَّا تُنۢبِتُ ٱلْأَرْضُ وَمِنْ أَنفُسِهِمْ وَمِمَّا لَا يَعْلَمُونَ

Transliteration sub'ḥāna alladhī khalaqa l-azwāja kullahā mimmā tunbitu l-arḍu wamin anfusihim wamimmā lā yaʿlamūna

Tagalog Kaluwalhatian sa lumikha ng mga uri sa kabuuan ng mga ito mula sa mga pinatutubo ng lupa, mula sa mga sarili nila, at mula sa hindi nila nalalaman.

Verse 37

وَءَايَةٌ لَّهُمُ ٱلَّيْلُ نَسْلَخُ مِنْهُ ٱلنَّهَارَ فَإِذَا هُم مُّظْلِمُونَ

Transliteration waāyatun lahumu al-laylu naslakhu min'hu l-nahāra fa-idhā hum muẓ'limūna

Tagalog Isang tanda para sa kanila ang gabi. Nag-aalis Kami mula rito ng maghapon, kaya biglang sila ay mga napagdidiliman.

Verse 38

وَٱلشَّمْسُ تَجْرِى لِمُسْتَقَرٍّ لَّهَا ۚ ذَٰلِكَ تَقْدِيرُ ٱلْعَزِيزِ ٱلْعَلِيمِ

Transliteration wal-shamsu tajrī limus'taqarrin lahā dhālika taqdīru l-ʿazīzi l-ʿalīmi

Tagalog Ang araw ay umiinog para sa isang pagtitigilan para rito. Iyon ay ang pagtatakda ng Makapangyarihan, Maalam.

Verse 39

وَٱلْقَمَرَ قَدَّرْنَـٰهُ مَنَازِلَ حَتَّىٰ عَادَ كَٱلْعُرْجُونِ ٱلْقَدِيمِ

Transliteration wal-qamara qaddarnāhu manāzila ḥattā ʿāda kal-ʿur'jūni l-qadīmi

Tagalog Ang buwan ay nagtakda Kami rito ng mga yugto hanggang sa umulit ito gaya ng buwig na magulang.

Verse 40

لَا ٱلشَّمْسُ يَنۢبَغِى لَهَآ أَن تُدْرِكَ ٱلْقَمَرَ وَلَا ٱلَّيْلُ سَابِقُ ٱلنَّهَارِ ۚ وَكُلٌّ فِى فَلَكٍ يَسْبَحُونَ

Transliteration lā l-shamsu yanbaghī lahā an tud'rika l-qamara walā al-laylu sābiqu l-nahāri wakullun fī falakin yasbaḥūna

Tagalog Ang araw ay hindi nararapat para rito na umabot sa buwan at ang gabi ay hindi mauuna sa maghapon. Lahat, sa ikutan, ay lumalangoy.

Verse 41

وَءَايَةٌ لَّهُمْ أَنَّا حَمَلْنَا ذُرِّيَّتَهُمْ فِى ٱلْفُلْكِ ٱلْمَشْحُونِ

Transliteration waāyatun lahum annā ḥamalnā dhurriyyatahum fī l-ful'ki l-mashḥūni

Tagalog Isang tanda para sa kanila na Kami ay nagdala sa mga supling nila sa daong na nilulanan.

Verse 42

وَخَلَقْنَا لَهُم مِّن مِّثْلِهِۦ مَا يَرْكَبُونَ

Transliteration wakhalaqnā lahum min mith'lihi mā yarkabūna

Tagalog Lumikha Kami para sa kanila mula sa tulad niyon ng sinasakyan nila.

Verse 43

وَإِن نَّشَأْ نُغْرِقْهُمْ فَلَا صَرِيخَ لَهُمْ وَلَا هُمْ يُنقَذُونَ

Transliteration wa-in nasha nugh'riq'hum falā ṣarīkha lahum walā hum yunqadhūna

Tagalog Kung loloobin Namin ay lulunurin Namin sila saka walang [tutugon sa] pagtili para sa kanila ni sila ay sasagipin,

Verse 44

إِلَّا رَحْمَةً مِّنَّا وَمَتَـٰعًا إِلَىٰ حِينٍ

Transliteration illā raḥmatan minnā wamatāʿan ilā ḥīnin

Tagalog maliban bilang awa mula sa Amin at bilang natatamasa hanggang sa isang panahon.

Verse 45

وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ ٱتَّقُوا۟ مَا بَيْنَ أَيْدِيكُمْ وَمَا خَلْفَكُمْ لَعَلَّكُمْ تُرْحَمُونَ

Transliteration wa-idhā qīla lahumu ittaqū mā bayna aydīkum wamā khalfakum laʿallakum tur'ḥamūna

Tagalog Kapag sinabi sa kanila: "Mangilag kayo sa anumang nasa harapan ninyo at anumang nasa likuran ninyo, nang sa gayon kayo ay kaaawaan."

Verse 46

وَمَا تَأْتِيهِم مِّنْ ءَايَةٍ مِّنْ ءَايَـٰتِ رَبِّهِمْ إِلَّا كَانُوا۟ عَنْهَا مُعْرِضِينَ

Transliteration wamā tatīhim min āyatin min āyāti rabbihim illā kānū ʿanhā muʿ'riḍīna

Tagalog Walang pumupunta sa kanila na isang tanda kabilang sa mga tanda ng Panginoon nila malibang sila noon doon ay mga umaayaw.

Verse 47

وَإِذَا قِيلَ لَهُمْ أَنفِقُوا۟ مِمَّا رَزَقَكُمُ ٱللَّهُ قَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ لِلَّذِينَ ءَامَنُوٓا۟ أَنُطْعِمُ مَن لَّوْ يَشَآءُ ٱللَّهُ أَطْعَمَهُۥٓ إِنْ أَنتُمْ إِلَّا فِى ضَلَـٰلٍ مُّبِينٍ

Transliteration wa-idhā qīla lahum anfiqū mimmā razaqakumu l-lahu qāla alladhīna kafarū lilladhīna āmanū anuṭ'ʿimu man law yashāu l-lahu aṭʿamahu in antum illā fī ḍalālin mubīnin

Tagalog Kapag sinabi sa kanila: "Gumugol kayo mula sa itinustos sa inyo ni Allāh," nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya sa mga sumampalataya: "Magpapakain ba kami ng sinumang kung sakaling loloobin ni Allāh ay pinakain sana Niya? Walang iba kayo kundi nasa isang pagkaligaw na malinaw."

Verse 48

وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَـٰذَا ٱلْوَعْدُ إِن كُنتُمْ صَـٰدِقِينَ

Transliteration wayaqūlūna matā hādhā l-waʿdu in kuntum ṣādiqīna

Tagalog Nagsasabi sila: "Kailan ang pangakong ito kung kayo ay mga tapat?"

Verse 49

مَا يَنظُرُونَ إِلَّا صَيْحَةً وَٰحِدَةً تَأْخُذُهُمْ وَهُمْ يَخِصِّمُونَ

Transliteration mā yanẓurūna illā ṣayḥatan wāḥidatan takhudhuhum wahum yakhiṣṣimūna

Tagalog Wala silang hinihintay kundi nag-iisang hiyaw na dadaklot sa kanila habang sila ay nag-aalitan.

Verse 50

فَلَا يَسْتَطِيعُونَ تَوْصِيَةً وَلَآ إِلَىٰٓ أَهْلِهِمْ يَرْجِعُونَ

Transliteration falā yastaṭīʿūna tawṣiyatan walā ilā ahlihim yarjiʿūna

Tagalog Kaya hindi sila makakakaya ng isang pagtatagubilin, ni tungo sa mag-anak nila ay babalik sila.

Verse 51

وَنُفِخَ فِى ٱلصُّورِ فَإِذَا هُم مِّنَ ٱلْأَجْدَاثِ إِلَىٰ رَبِّهِمْ يَنسِلُونَ

Transliteration wanufikha fī l-ṣūri fa-idhā hum mina l-ajdāthi ilā rabbihim yansilūna

Tagalog Iihip sa tambuli kaya biglang sila mula sa mga puntod patungo sa Panginoon nila ay magmamatulin.

Verse 52

قَالُوا۟ يَـٰوَيْلَنَا مَنۢ بَعَثَنَا مِن مَّرْقَدِنَا ۜ ۗ هَـٰذَا مَا وَعَدَ ٱلرَّحْمَـٰنُ وَصَدَقَ ٱلْمُرْسَلُونَ

Transliteration qālū yāwaylanā man baʿathanā min marqadinā hādhā mā waʿada l-raḥmānu waṣadaqa l-mur'salūna

Tagalog Magsasabi sila: "O kapighatian sa amin! Sino ang bumuhay na muli sa atin mula sa tulugan natin?" [Sasagutin sila:] "Ito ay ang ipinangako ng Pinakamaawain at nagtapat ang mga isinugo."

Verse 53

إِن كَانَتْ إِلَّا صَيْحَةً وَٰحِدَةً فَإِذَا هُمْ جَمِيعٌ لَّدَيْنَا مُحْضَرُونَ

Transliteration in kānat illā ṣayḥatan wāḥidatan fa-idhā hum jamīʿun ladaynā muḥ'ḍarūna

Tagalog Walang iba ito kundi nag-iisang hiyaw saka biglang sila ay isang katipunan, na sa harap Namin mga padadaluhin.

Verse 54

فَٱلْيَوْمَ لَا تُظْلَمُ نَفْسٌ شَيْـًٔا وَلَا تُجْزَوْنَ إِلَّا مَا كُنتُمْ تَعْمَلُونَ

Transliteration fal-yawma lā tuẓ'lamu nafsun shayan walā tuj'zawna illā mā kuntum taʿmalūna

Tagalog Kaya sa araw na ito walang lalabagin sa katarungan na isang kaluluwa sa anuman at hindi kayo gagantihan malibang ayon sa dati ninyong ginagawa.

Verse 55

إِنَّ أَصْحَـٰبَ ٱلْجَنَّةِ ٱلْيَوْمَ فِى شُغُلٍ فَـٰكِهُونَ

Transliteration inna aṣḥāba l-janati l-yawma fī shughulin fākihūna

Tagalog Tunay na ang mga maninirahan sa Paraiso, sa Araw na iyon, ay nasa pagkaabala, na mga nagpapasarap.

Verse 56

هُمْ وَأَزْوَٰجُهُمْ فِى ظِلَـٰلٍ عَلَى ٱلْأَرَآئِكِ مُتَّكِـُٔونَ

Transliteration hum wa-azwājuhum fī ẓilālin ʿalā l-arāiki muttakiūna

Tagalog Sila at ang mga asawa nila ay nasa lilim, na sa mga kama mga nakasandal.

Verse 57

لَهُمْ فِيهَا فَـٰكِهَةٌ وَلَهُم مَّا يَدَّعُونَ

Transliteration lahum fīhā fākihatun walahum mā yaddaʿūna

Tagalog Magkakaroon sila roon ng bungang-kahoy at magkakaroon sila ng anumang ipananawagan nila.

Verse 58

سَلَـٰمٌ قَوْلًا مِّن رَّبٍّ رَّحِيمٍ

Transliteration salāmun qawlan min rabbin raḥīmin

Tagalog "Kapayapaan," bilang sabi mula sa isang Panginoong Maawain.

Verse 59

وَٱمْتَـٰزُوا۟ ٱلْيَوْمَ أَيُّهَا ٱلْمُجْرِمُونَ

Transliteration wa-im'tāzū l-yawma ayyuhā l-muj'rimūna

Tagalog "Mabukod kayo ngayong araw, O mga salarin.

Verse 60

۞ أَلَمْ أَعْهَدْ إِلَيْكُمْ يَـٰبَنِىٓ ءَادَمَ أَن لَّا تَعْبُدُوا۟ ٱلشَّيْطَـٰنَ ۖ إِنَّهُۥ لَكُمْ عَدُوٌّ مُّبِينٌ

Transliteration alam aʿhad ilaykum yābanī ādama an lā taʿbudū l-shayṭāna innahu lakum ʿaduwwun mubīnun

Tagalog Hindi ba nag-atas Ako sa inyo, o mga anak ni Adan, na huwag kayong sumamba sa demonyo – tunay na siya para sa inyo ay isang kaaway na malinaw –

Verse 61

وَأَنِ ٱعْبُدُونِى ۚ هَـٰذَا صِرَٰطٌ مُّسْتَقِيمٌ

Transliteration wa-ani uʿ'budūnī hādhā ṣirāṭun mus'taqīmun

Tagalog at na sumamba kayo sa Akin? Ito ay isang landasing tuwid.

Verse 62

وَلَقَدْ أَضَلَّ مِنكُمْ جِبِلًّا كَثِيرًا ۖ أَفَلَمْ تَكُونُوا۟ تَعْقِلُونَ

Transliteration walaqad aḍalla minkum jibillan kathīran afalam takūnū taʿqilūna

Tagalog Talaga ngang nagligaw siya mula sa inyo ng kinapal na marami. Kaya hindi ba nangyaring kayo ay nakapag-uunawa?

Verse 63

هَـٰذِهِۦ جَهَنَّمُ ٱلَّتِى كُنتُمْ تُوعَدُونَ

Transliteration hādhihi jahannamu allatī kuntum tūʿadūna

Tagalog Ito ay Impiyerno na dati kayong pinangangakuan.

Verse 64

ٱصْلَوْهَا ٱلْيَوْمَ بِمَا كُنتُمْ تَكْفُرُونَ

Transliteration iṣ'lawhā l-yawma bimā kuntum takfurūna

Tagalog Masunog kayo rito ngayong araw dahil kayo dati ay tumatangging sumampalataya."

Verse 65

ٱلْيَوْمَ نَخْتِمُ عَلَىٰٓ أَفْوَٰهِهِمْ وَتُكَلِّمُنَآ أَيْدِيهِمْ وَتَشْهَدُ أَرْجُلُهُم بِمَا كَانُوا۟ يَكْسِبُونَ

Transliteration al-yawma nakhtimu ʿalā afwāhihim watukallimunā aydīhim watashhadu arjuluhum bimā kānū yaksibūna

Tagalog Sa Araw na iyon, magpipinid Kami sa mga bibig nila at magsasalita sa Amin ang mga kamay nila at sasaksi ang mga paa nila hinggil sa dati nilang kinakamit.

Verse 66

وَلَوْ نَشَآءُ لَطَمَسْنَا عَلَىٰٓ أَعْيُنِهِمْ فَٱسْتَبَقُوا۟ ٱلصِّرَٰطَ فَأَنَّىٰ يُبْصِرُونَ

Transliteration walaw nashāu laṭamasnā ʿalā aʿyunihim fa-is'tabaqū l-ṣirāṭa fa-annā yub'ṣirūna

Tagalog Kung sakaling niloloob Namin ay talaga sanang pumawi Kami sa mga mata nila saka mag-uunahan sila sa landasin ngunit paano silang makakikita?

Verse 67

وَلَوْ نَشَآءُ لَمَسَخْنَـٰهُمْ عَلَىٰ مَكَانَتِهِمْ فَمَا ٱسْتَطَـٰعُوا۟ مُضِيًّا وَلَا يَرْجِعُونَ

Transliteration walaw nashāu lamasakhnāhum ʿalā makānatihim famā is'taṭāʿū muḍiyyan walā yarjiʿūna

Tagalog Kung sakaling niloloob Namin ay talaga sanang nagpabagong-anyo Kami sa kanila sa kinaroroonan nila kaya hindi sila makakakaya ng isang paglisan at hindi sila babalik.

Verse 68

وَمَن نُّعَمِّرْهُ نُنَكِّسْهُ فِى ٱلْخَلْقِ ۖ أَفَلَا يَعْقِلُونَ

Transliteration waman nuʿammir'hu nunakkis'hu fī l-khalqi afalā yaʿqilūna

Tagalog Ang sinumang pinatatanda Namin ay babaliktarin Namin siya sa pagkakalikha. Kaya hindi ba sila nakapag-uunawa?

Verse 69

وَمَا عَلَّمْنَـٰهُ ٱلشِّعْرَ وَمَا يَنۢبَغِى لَهُۥٓ ۚ إِنْ هُوَ إِلَّا ذِكْرٌ وَقُرْءَانٌ مُّبِينٌ

Transliteration wamā ʿallamnāhu l-shiʿ'ra wamā yanbaghī lahu in huwa illā dhik'run waqur'ānun mubīnun

Tagalog Hindi Kami nagturo sa kanya ng tula at hindi iyon nararapat para sa kanya. Walang iba ito kundi isang paalaala at isang Qur'ān na malinaw

Verse 70

لِّيُنذِرَ مَن كَانَ حَيًّا وَيَحِقَّ ٱلْقَوْلُ عَلَى ٱلْكَـٰفِرِينَ

Transliteration liyundhira man kāna ḥayyan wayaḥiqqa l-qawlu ʿalā l-kāfirīna

Tagalog upang magbabala sa sinumang siya ay buhay at [upang] magindapat ang hatol sa mga tagatangging sumampalataya.

Verse 71

أَوَلَمْ يَرَوْا۟ أَنَّا خَلَقْنَا لَهُم مِّمَّا عَمِلَتْ أَيْدِينَآ أَنْعَـٰمًا فَهُمْ لَهَا مَـٰلِكُونَ

Transliteration awalam yaraw annā khalaqnā lahum mimmā ʿamilat aydīnā anʿāman fahum lahā mālikūna

Tagalog Hindi ba sila nakaalam na Kami ay lumikha para sa kanila mula sa ginawa ng mga kamay Namin na mga hayupan kaya sila sa mga ito ay mga tagapagmay-ari?

Verse 72

وَذَلَّلْنَـٰهَا لَهُمْ فَمِنْهَا رَكُوبُهُمْ وَمِنْهَا يَأْكُلُونَ

Transliteration wadhallalnāhā lahum famin'hā rakūbuhum wamin'hā yakulūna

Tagalog Nagpaamo Kami sa mga ito para sa kanila kaya ilan sa mga ito ay mga sasakyan nila at ilan sa mga ito ay kinakain nila.

Verse 73

وَلَهُمْ فِيهَا مَنَـٰفِعُ وَمَشَارِبُ ۖ أَفَلَا يَشْكُرُونَ

Transliteration walahum fīhā manāfiʿu wamashāribu afalā yashkurūna

Tagalog Para sa kanila sa mga ito ay mga pakinabang at mga inumin. Kaya hindi ba sila magpapasalamat?

Verse 74

وَٱتَّخَذُوا۟ مِن دُونِ ٱللَّهِ ءَالِهَةً لَّعَلَّهُمْ يُنصَرُونَ

Transliteration wa-ittakhadhū min dūni l-lahi ālihatan laʿallahum yunṣarūna

Tagalog Gumawa sila sa bukod pa kay Allāh ng mga diyos, nang sa gayon sila ay iaadya.

Verse 75

لَا يَسْتَطِيعُونَ نَصْرَهُمْ وَهُمْ لَهُمْ جُندٌ مُّحْضَرُونَ

Transliteration lā yastaṭīʿūna naṣrahum wahum lahum jundun muḥ'ḍarūna

Tagalog Hindi nakakakaya ang mga ito ng pag-aadya sa kanila samantalang sila para sa mga ito ay mga kawal na padadaluhin.

Verse 76

فَلَا يَحْزُنكَ قَوْلُهُمْ ۘ إِنَّا نَعْلَمُ مَا يُسِرُّونَ وَمَا يُعْلِنُونَ

Transliteration falā yaḥzunka qawluhum innā naʿlamu mā yusirrūna wamā yuʿ'linūna

Tagalog Kaya huwag magpalungkot sa iyo ang sabi nila; tunay na Kami ay nakaaalam sa anumang inililihim nila at anumang inihahayag nila.

Verse 77

أَوَلَمْ يَرَ ٱلْإِنسَـٰنُ أَنَّا خَلَقْنَـٰهُ مِن نُّطْفَةٍ فَإِذَا هُوَ خَصِيمٌ مُّبِينٌ

Transliteration awalam yara l-insānu annā khalaqnāhu min nuṭ'fatin fa-idhā huwa khaṣīmun mubīnun

Tagalog Hindi ba nakaalam ang tao na Kami ay lumikha sa kanya mula sa isang patak saka biglang siya ay isang kaalitang malinaw.

Verse 78

وَضَرَبَ لَنَا مَثَلًا وَنَسِىَ خَلْقَهُۥ ۖ قَالَ مَن يُحْىِ ٱلْعِظَـٰمَ وَهِىَ رَمِيمٌ

Transliteration waḍaraba lanā mathalan wanasiya khalqahu qāla man yuḥ'yī l-ʿiẓāma wahiya ramīmun

Tagalog Naglahad siya para sa Amin ng isang paghahalintulad at nakalimot siya sa pagkalikha sa kanya. Nagsabi siya: "Sino ang magbibigay-buhay sa mga buto samantalang ang mga ito ay bulok na?"

Verse 79

قُلْ يُحْيِيهَا ٱلَّذِىٓ أَنشَأَهَآ أَوَّلَ مَرَّةٍ ۖ وَهُوَ بِكُلِّ خَلْقٍ عَلِيمٌ

Transliteration qul yuḥ'yīhā alladhī ansha-ahā awwala marratin wahuwa bikulli khalqin ʿalīmun

Tagalog Sabihin mo: "Magbibigay-buhay sa mga ito ang nagpaluwal sa mga ito sa unang pagkakataon; at Siya sa bawat nilikha ay Maalam."

Verse 80

ٱلَّذِى جَعَلَ لَكُم مِّنَ ٱلشَّجَرِ ٱلْأَخْضَرِ نَارًا فَإِذَآ أَنتُم مِّنْهُ تُوقِدُونَ

Transliteration alladhī jaʿala lakum mina l-shajari l-akhḍari nāran fa-idhā antum min'hu tūqidūna

Tagalog [Siya] ang gumawa para sa inyo mula sa mga punong-kahoy na luntian ng isang apoy, saka biglang kayo mula sa mga ito ay nagpapaningas.

Verse 81

أَوَلَيْسَ ٱلَّذِى خَلَقَ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضَ بِقَـٰدِرٍ عَلَىٰٓ أَن يَخْلُقَ مِثْلَهُم ۚ بَلَىٰ وَهُوَ ٱلْخَلَّـٰقُ ٱلْعَلِيمُ

Transliteration awalaysa alladhī khalaqa l-samāwāti wal-arḍa biqādirin ʿalā an yakhluqa mith'lahum balā wahuwa l-khalāqu l-ʿalīmu

Tagalog Hindi ba ang lumikha ng mga langit at lupa ay nakakakayang lumikha ng tulad nila? Oo, at Siya ay ang Palalikha, ang Maalam.

Verse 82

إِنَّمَآ أَمْرُهُۥٓ إِذَآ أَرَادَ شَيْـًٔا أَن يَقُولَ لَهُۥ كُن فَيَكُونُ

Transliteration innamā amruhu idhā arāda shayan an yaqūla lahu kun fayakūnu

Tagalog Tanging ang utos Niya, kapag nagnais Siya ng isang bagay, ay na magsabi rito: "Mangyari," saka mangyayari ito.

Verse 83

فَسُبْحَـٰنَ ٱلَّذِى بِيَدِهِۦ مَلَكُوتُ كُلِّ شَىْءٍ وَإِلَيْهِ تُرْجَعُونَ

Transliteration fasub'ḥāna alladhī biyadihi malakūtu kulli shayin wa-ilayhi tur'jaʿūna

Tagalog Kaya kaluwalhatian sa Kanya na nasa kamay Niya ang pagkahari sa bawat bagay, at tungo sa Kanya pababalikin kayo.

Read Surah Ya-Sin in another language

All languages

All 114 surahs in Tagalog: the Qur’an in Tagalog.

Learn it in MyDugsi

Tagalog translation: Dar Al-Salam Center, from Quran.com. Transliteration: Quran.com. Recitation: Mishary Alafasy, from EveryAyah.com. MyDugsi is a learning aid, not a replacement for a qualified teacher.