MyDugsiStart learning

Surah Az-Zumar in Tagalog: translation and audio

Surah 39 · الزمر · The Troops · 75 verses

Surah Az-Zumar verse by verse: the Arabic with a recitation you can repeat, the transliteration, and the Tagalog translation by Dar Al-Salam Center. For the meaning of every word, see Surah Az-Zumar word by word in English.

Verse 1

تَنزِيلُ ٱلْكِتَـٰبِ مِنَ ٱللَّهِ ٱلْعَزِيزِ ٱلْحَكِيمِ

Transliteration tanzīlu l-kitābi mina l-lahi l-ʿazīzi l-ḥakīmi

Tagalog Ang pagbababa ng Aklat ay mula kay Allāh, ang Makapangyarihan, ang Marunong.

Verse 2

إِنَّآ أَنزَلْنَآ إِلَيْكَ ٱلْكِتَـٰبَ بِٱلْحَقِّ فَٱعْبُدِ ٱللَّهَ مُخْلِصًا لَّهُ ٱلدِّينَ

Transliteration innā anzalnā ilayka l-kitāba bil-ḥaqi fa-uʿ'budi l-laha mukh'liṣan lahu l-dīna

Tagalog Tunay na Kami ay nagpababa sa iyo ng Aklat kalakip ng katotohanan, kaya sumamba ka kay Allāh habang nagpapakawagas para sa Kanya sa relihiyon.

Verse 3

أَلَا لِلَّهِ ٱلدِّينُ ٱلْخَالِصُ ۚ وَٱلَّذِينَ ٱتَّخَذُوا۟ مِن دُونِهِۦٓ أَوْلِيَآءَ مَا نَعْبُدُهُمْ إِلَّا لِيُقَرِّبُونَآ إِلَى ٱللَّهِ زُلْفَىٰٓ إِنَّ ٱللَّهَ يَحْكُمُ بَيْنَهُمْ فِى مَا هُمْ فِيهِ يَخْتَلِفُونَ ۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهْدِى مَنْ هُوَ كَـٰذِبٌ كَفَّارٌ

Transliteration alā lillahi l-dīnu l-khāliṣu wa-alladhīna ittakhadhū min dūnihi awliyāa mā naʿbuduhum illā liyuqarribūnā ilā l-lahi zul'fā inna l-laha yaḥkumu baynahum fī mā hum fīhi yakhtalifūna inna l-laha lā yahdī man huwa kādhibun kaffārun

Tagalog Pansinin, ukol kay Allāh ang relihiyong wagas. Ang mga gumagawa sa bukod pa sa Kanya bilang mga tagapagtangkilik [ay nagsasabi]: "Hindi kami sumasamba sa kanila kundi upang magpalapit sila sa amin kay Allāh sa kadikitan." Tunay na si Allāh ay maghahatol sa pagitan nila hinggil sa anumang sila hinggil doon ay nagkakaiba-iba. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa sinumang sinungaling na palatangging sumampalataya.

Verse 4

لَّوْ أَرَادَ ٱللَّهُ أَن يَتَّخِذَ وَلَدًا لَّٱصْطَفَىٰ مِمَّا يَخْلُقُ مَا يَشَآءُ ۚ سُبْحَـٰنَهُۥ ۖ هُوَ ٱللَّهُ ٱلْوَٰحِدُ ٱلْقَهَّارُ

Transliteration law arāda l-lahu an yattakhidha waladan la-iṣ'ṭafā mimmā yakhluqu mā yashāu sub'ḥānahu huwa l-lahu l-wāḥidu l-qahāru

Tagalog Kung sakaling nagnais si Allāh na gumawa ng isang anak ay talaga sanang humirang Siya mula sa anumang nililikha Niya ng niloloob Niya. Kaluwalhatian sa Kanya! Siya ay si Allāh, ang Nag-iisa, ang Palalupig.

Verse 5

خَلَقَ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضَ بِٱلْحَقِّ ۖ يُكَوِّرُ ٱلَّيْلَ عَلَى ٱلنَّهَارِ وَيُكَوِّرُ ٱلنَّهَارَ عَلَى ٱلَّيْلِ ۖ وَسَخَّرَ ٱلشَّمْسَ وَٱلْقَمَرَ ۖ كُلٌّ يَجْرِى لِأَجَلٍ مُّسَمًّى ۗ أَلَا هُوَ ٱلْعَزِيزُ ٱلْغَفَّـٰرُ

Transliteration khalaqa l-samāwāti wal-arḍa bil-ḥaqi yukawwiru al-layla ʿalā l-nahāri wayukawwiru l-nahāra ʿalā al-layli wasakhara l-shamsa wal-qamara kullun yajrī li-ajalin musamman alā huwa l-ʿazīzu l-ghafāru

Tagalog Lumikha Siya ng mga langit at lupa ayon sa katotohanan. Nagpupulupot Siya ng gabi sa maghapon at nagpupulupot Siya ng maghapon sa gabi. Nagpasilbi Siya ng araw at buwan; bawat isa ay umiinog para sa isang taning na tinukoy. Pansinin, Siya ay ang Makapangyarihan, ang Palapatawad.

Verse 6

خَلَقَكُم مِّن نَّفْسٍ وَٰحِدَةٍ ثُمَّ جَعَلَ مِنْهَا زَوْجَهَا وَأَنزَلَ لَكُم مِّنَ ٱلْأَنْعَـٰمِ ثَمَـٰنِيَةَ أَزْوَٰجٍ ۚ يَخْلُقُكُمْ فِى بُطُونِ أُمَّهَـٰتِكُمْ خَلْقًا مِّنۢ بَعْدِ خَلْقٍ فِى ظُلُمَـٰتٍ ثَلَـٰثٍ ۚ ذَٰلِكُمُ ٱللَّهُ رَبُّكُمْ لَهُ ٱلْمُلْكُ ۖ لَآ إِلَـٰهَ إِلَّا هُوَ ۖ فَأَنَّىٰ تُصْرَفُونَ

Transliteration khalaqakum min nafsin wāḥidatin thumma jaʿala min'hā zawjahā wa-anzala lakum mina l-anʿāmi thamāniyata azwājin yakhluqukum fī buṭūni ummahātikum khalqan min baʿdi khalqin fī ẓulumātin thalāthin dhālikumu l-lahu rabbukum lahu l-mul'ku lā ilāha illā huwa fa-annā tuṣ'rafūna

Tagalog Lumikha Siya sa inyo mula sa nag-iisang kaluluwa. Pagkatapos gumawa Siya mula rito ng kabiyak nito. Nagpababa Siya para sa inyo mula sa mga hayupan ng walong magkapares. Lumilikha Siya sa inyo sa mga tiyan ng mga ina ninyo sa isang paglikha nang matapos ng isang paglikha sa tatlong kadiliman. Iyon si Allāh, ang Panginoon ninyo; ukol sa Kanya ang paghahari. Walang Diyos kundi Siya. Kaya paano kayong inililihis?"

Verse 7

إِن تَكْفُرُوا۟ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَنِىٌّ عَنكُمْ ۖ وَلَا يَرْضَىٰ لِعِبَادِهِ ٱلْكُفْرَ ۖ وَإِن تَشْكُرُوا۟ يَرْضَهُ لَكُمْ ۗ وَلَا تَزِرُ وَازِرَةٌ وِزْرَ أُخْرَىٰ ۗ ثُمَّ إِلَىٰ رَبِّكُم مَّرْجِعُكُمْ فَيُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمْ تَعْمَلُونَ ۚ إِنَّهُۥ عَلِيمٌۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ

Transliteration in takfurū fa-inna l-laha ghaniyyun ʿankum walā yarḍā liʿibādihi l-kuf'ra wa-in tashkurū yarḍahu lakum walā taziru wāziratun wiz'ra ukh'rā thumma ilā rabbikum marjiʿukum fayunabbi-ukum bimā kuntum taʿmalūna innahu ʿalīmun bidhāti l-ṣudūri

Tagalog Kung tatanggi kayong sumampalataya, tunay na si Allāh ay Walang-pangangailangan sa inyo at hindi Siya nalulugod para sa mga lingkod Niya sa kawalang-pananampalataya. Kung magpapasalamat kayo ay malulugod Siya roon para sa inyo. Hindi magpapasan ang isang tagapasan ng pasanin ng iba. Pagkatapos tungo sa Panginoon ninyo ang babalikan ninyo saka magbabalita Siya sa inyo hinggil sa anumang dati ninyong ginagawa. Tunay na Siya ay Maalam sa laman ng mga dibdib.

Verse 8

۞ وَإِذَا مَسَّ ٱلْإِنسَـٰنَ ضُرٌّ دَعَا رَبَّهُۥ مُنِيبًا إِلَيْهِ ثُمَّ إِذَا خَوَّلَهُۥ نِعْمَةً مِّنْهُ نَسِىَ مَا كَانَ يَدْعُوٓا۟ إِلَيْهِ مِن قَبْلُ وَجَعَلَ لِلَّهِ أَندَادًا لِّيُضِلَّ عَن سَبِيلِهِۦ ۚ قُلْ تَمَتَّعْ بِكُفْرِكَ قَلِيلًا ۖ إِنَّكَ مِنْ أَصْحَـٰبِ ٱلنَّارِ

Transliteration wa-idhā massa l-insāna ḍurrun daʿā rabbahu munīban ilayhi thumma idhā khawwalahu niʿ'matan min'hu nasiya mā kāna yadʿū ilayhi min qablu wajaʿala lillahi andādan liyuḍilla ʿan sabīlihi qul tamattaʿ bikuf'rika qalīlan innaka min aṣḥābi l-nāri

Tagalog Kapag may sumaling sa tao na isang kapinsalaan ay nananalangin ito sa Panginoon nito habang nagsisising bumabalik sa Kanya. Pagkatapos kapag gumawad Siya rito ng isang biyaya mula sa Kanya ay nakalilimot ito ng dati nitong idinadalangin sa Kanya bago pa niyon at gumagawa ito para kay Allāh ng mga kaagaw upang magligaw palayo sa landas Niya. Sabihin mo: "Magtamasa ka ng kawalang-pananampalataya mo nang kaunti; tunay na ikaw ay kabilang sa mga maninirahan sa Apoy."

Verse 9

أَمَّنْ هُوَ قَـٰنِتٌ ءَانَآءَ ٱلَّيْلِ سَاجِدًا وَقَآئِمًا يَحْذَرُ ٱلْـَٔاخِرَةَ وَيَرْجُوا۟ رَحْمَةَ رَبِّهِۦ ۗ قُلْ هَلْ يَسْتَوِى ٱلَّذِينَ يَعْلَمُونَ وَٱلَّذِينَ لَا يَعْلَمُونَ ۗ إِنَّمَا يَتَذَكَّرُ أُو۟لُوا۟ ٱلْأَلْبَـٰبِ

Transliteration amman huwa qānitun ānāa al-layli sājidan waqāiman yaḥdharu l-ākhirata wayarjū raḥmata rabbihi qul hal yastawī alladhīna yaʿlamūna wa-alladhīna lā yaʿlamūna innamā yatadhakkaru ulū l-albābi

Tagalog O ang sinumang siya ay masunurin sa mga sandali ng gabi habang nakapatirapa at nakatayo, na nangingilag sa Kabilang-buhay at nag-aasam awa ng Panginoon Niya [ay higit na mabuti]? Sabihin mo: "Nagkakapantay kaya ang mga nakaaalam at ang mga hindi nakaaalam? Nagsasaalaala lamang ang mga may isip."

Verse 10

قُلْ يَـٰعِبَادِ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ ٱتَّقُوا۟ رَبَّكُمْ ۚ لِلَّذِينَ أَحْسَنُوا۟ فِى هَـٰذِهِ ٱلدُّنْيَا حَسَنَةٌ ۗ وَأَرْضُ ٱللَّهِ وَٰسِعَةٌ ۗ إِنَّمَا يُوَفَّى ٱلصَّـٰبِرُونَ أَجْرَهُم بِغَيْرِ حِسَابٍ

Transliteration qul yāʿibādi alladhīna āmanū ittaqū rabbakum lilladhīna aḥsanū fī hādhihi l-dun'yā ḥasanatun wa-arḍu l-lahi wāsiʿatun innamā yuwaffā l-ṣābirūna ajrahum bighayri ḥisābin

Tagalog Sabihin mo [ang sabi Ko]: "O mga lingkod Ko na mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo. Ukol sa mga gumawa ng maganda sa Mundong ito ay [ganting] maganda. Ang lupa ni Allāh ay malawak. Lulubus-lubusin lamang ang mga nagtitiis sa pabuya sa kanila nang walang pagtutuos."

Verse 11

قُلْ إِنِّىٓ أُمِرْتُ أَنْ أَعْبُدَ ٱللَّهَ مُخْلِصًا لَّهُ ٱلدِّينَ

Transliteration qul innī umir'tu an aʿbuda l-laha mukh'liṣan lahu l-dīna

Tagalog Sabihin mo: "Tunay na ako ay inutusan na sumamba kay Allāh habang nagpapakawagas para sa Kanya sa relihiyon

Verse 12

وَأُمِرْتُ لِأَنْ أَكُونَ أَوَّلَ ٱلْمُسْلِمِينَ

Transliteration wa-umir'tu li-an akūna awwala l-mus'limīna

Tagalog at inutusan upang ako ay maging una sa mga tagapasakop."

Verse 13

قُلْ إِنِّىٓ أَخَافُ إِنْ عَصَيْتُ رَبِّى عَذَابَ يَوْمٍ عَظِيمٍ

Transliteration qul innī akhāfu in ʿaṣaytu rabbī ʿadhāba yawmin ʿaẓīmin

Tagalog Sabihin mo: "Tunay na ako ay nangangamba, kung sumuway ako sa Panginoon ko, sa pagdurusa sa isang Araw na sukdulan."

Verse 14

قُلِ ٱللَّهَ أَعْبُدُ مُخْلِصًا لَّهُۥ دِينِى

Transliteration quli l-laha aʿbudu mukh'liṣan lahu dīnī

Tagalog Sabihin mo: "Kay Allāh ako sumasamba habang nagpapakawagas para sa Kanya sa relihiyon ko.

Verse 15

فَٱعْبُدُوا۟ مَا شِئْتُم مِّن دُونِهِۦ ۗ قُلْ إِنَّ ٱلْخَـٰسِرِينَ ٱلَّذِينَ خَسِرُوٓا۟ أَنفُسَهُمْ وَأَهْلِيهِمْ يَوْمَ ٱلْقِيَـٰمَةِ ۗ أَلَا ذَٰلِكَ هُوَ ٱلْخُسْرَانُ ٱلْمُبِينُ

Transliteration fa-uʿ'budū mā shi'tum min dūnihi qul inna l-khāsirīna alladhīna khasirū anfusahum wa-ahlīhim yawma l-qiyāmati alā dhālika huwa l-khus'rānu l-mubīnu

Tagalog Kaya sambahin ninyo ang anumang niloob ninyo bukod pa sa Kanya." Sabihin mo: "Tunay na ang mga lugi ay ang mga nagpalugi sa mga sarili nila at mga mag-anak nila sa Araw ng Pagbangon." Pansinin, iyon ay ang pagkaluging malinaw.

Verse 16

لَهُم مِّن فَوْقِهِمْ ظُلَلٌ مِّنَ ٱلنَّارِ وَمِن تَحْتِهِمْ ظُلَلٌ ۚ ذَٰلِكَ يُخَوِّفُ ٱللَّهُ بِهِۦ عِبَادَهُۥ ۚ يَـٰعِبَادِ فَٱتَّقُونِ

Transliteration lahum min fawqihim ẓulalun mina l-nāri wamin taḥtihim ẓulalun dhālika yukhawwifu l-lahu bihi ʿibādahu yāʿibādi fa-ittaqūni

Tagalog Magkakaroon sila mula sa ibabaw nila ng mga kulandong mula sa apoy at mula sa ilalim nila ng mga kulandong. Iyon ay ipinapangamba ni Allāh sa mga lingkod Niya, [na nagsasabi]: "O mga lingkod Ko, kaya mangilag kayong magkasala sa Akin."

Verse 17

وَٱلَّذِينَ ٱجْتَنَبُوا۟ ٱلطَّـٰغُوتَ أَن يَعْبُدُوهَا وَأَنَابُوٓا۟ إِلَى ٱللَّهِ لَهُمُ ٱلْبُشْرَىٰ ۚ فَبَشِّرْ عِبَادِ

Transliteration wa-alladhīna ij'tanabū l-ṭāghūta an yaʿbudūhā wa-anābū ilā l-lahi lahumu l-bush'rā fabashir ʿibādi

Tagalog Ang mga umiwas sa mapagmalabis na sumamba sila rito at nagsisising bumabalik kay Allāh, ukol sa kanila ang balitang nakagagalak. Kaya magbalita ka ng nakagagalak sa mga lingkod Ko,

Verse 18

ٱلَّذِينَ يَسْتَمِعُونَ ٱلْقَوْلَ فَيَتَّبِعُونَ أَحْسَنَهُۥٓ ۚ أُو۟لَـٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ هَدَىٰهُمُ ٱللَّهُ ۖ وَأُو۟لَـٰٓئِكَ هُمْ أُو۟لُوا۟ ٱلْأَلْبَـٰبِ

Transliteration alladhīna yastamiʿūna l-qawla fayattabiʿūna aḥsanahu ulāika alladhīna hadāhumu l-lahu wa-ulāika hum ulū l-albābi

Tagalog na mga nakikinig sa sinabi saka sumusunod sila sa pinakamaganda rito. Ang mga iyon ay ang mga pinatnubayan ni Allāh at ang mga iyon ay ang mga may isip.

Verse 19

أَفَمَنْ حَقَّ عَلَيْهِ كَلِمَةُ ٱلْعَذَابِ أَفَأَنتَ تُنقِذُ مَن فِى ٱلنَّارِ

Transliteration afaman ḥaqqa ʿalayhi kalimatu l-ʿadhābi afa-anta tunqidhu man fī l-nāri

Tagalog Kaya ba ang sinumang nagindapat sa kanya ang hatol ng pagdurusa, ikaw ba ay sasagip sa sinumang nasa Apoy?

Verse 20

لَـٰكِنِ ٱلَّذِينَ ٱتَّقَوْا۟ رَبَّهُمْ لَهُمْ غُرَفٌ مِّن فَوْقِهَا غُرَفٌ مَّبْنِيَّةٌ تَجْرِى مِن تَحْتِهَا ٱلْأَنْهَـٰرُ ۖ وَعْدَ ٱللَّهِ ۖ لَا يُخْلِفُ ٱللَّهُ ٱلْمِيعَادَ

Transliteration lākini alladhīna ittaqaw rabbahum lahum ghurafun min fawqihā ghurafun mabniyyatun tajrī min taḥtihā l-anhāru waʿda l-lahi lā yukh'lifu l-lahu l-mīʿāda

Tagalog Subalit ang mga nangilag magkasala sa Panginoon nila, ukol sa kanila ay mga silid na mula sa ibabaw ng mga ito ay may mga silid na ipinatayo, na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Bilang pangako ni Allāh, hindi sumisira si Allāh sa naipangako.

Verse 21

أَلَمْ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ أَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءً فَسَلَكَهُۥ يَنَـٰبِيعَ فِى ٱلْأَرْضِ ثُمَّ يُخْرِجُ بِهِۦ زَرْعًا مُّخْتَلِفًا أَلْوَٰنُهُۥ ثُمَّ يَهِيجُ فَتَرَىٰهُ مُصْفَرًّا ثُمَّ يَجْعَلُهُۥ حُطَـٰمًا ۚ إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَذِكْرَىٰ لِأُو۟لِى ٱلْأَلْبَـٰبِ

Transliteration alam tara anna l-laha anzala mina l-samāi māan fasalakahu yanābīʿa fī l-arḍi thumma yukh'riju bihi zarʿan mukh'talifan alwānuhu thumma yahīju fatarāhu muṣ'farran thumma yajʿaluhu ḥuṭāman inna fī dhālika ladhik'rā li-ulī l-albābi

Tagalog Hindi mo ba nakita na si Allāh ay nagpababa mula sa langit ng tubig saka nagpanuot Siya nito sa mga bukal sa lupa, pagkatapos nagpapalabas Siya sa pamamagitan nito ng pananim na nagkakaiba-iba ang mga kulay nito, pagkatapos nalalanta ito kaya nakikita mo ito na naninilaw, pagkatapos gumagawa Siya rito na mga pira-piraso. Tunay na sa gayon ay talagang may paalaala para sa mga may isip.

Verse 22

أَفَمَن شَرَحَ ٱللَّهُ صَدْرَهُۥ لِلْإِسْلَـٰمِ فَهُوَ عَلَىٰ نُورٍ مِّن رَّبِّهِۦ ۚ فَوَيْلٌ لِّلْقَـٰسِيَةِ قُلُوبُهُم مِّن ذِكْرِ ٱللَّهِ ۚ أُو۟لَـٰٓئِكَ فِى ضَلَـٰلٍ مُّبِينٍ

Transliteration afaman sharaḥa l-lahu ṣadrahu lil'is'lāmi fahuwa ʿalā nūrin min rabbihi fawaylun lil'qāsiyati qulūbuhum min dhik'ri l-lahi ulāika fī ḍalālin mubīnin

Tagalog Kaya ba ang sinumang nagpaluwag si Allāh sa dibdib niya para sa Islām kaya siya ay nasa isang liwanag mula sa Panginoon niya [ay gaya ng iba]? Kaya kapighatian ay ukol sa matigas ang mga puso nila sa pag-alaala kay Allāh. Ang mga iyon ay nasa isang pagkaligaw na malinaw.

Verse 23

ٱللَّهُ نَزَّلَ أَحْسَنَ ٱلْحَدِيثِ كِتَـٰبًا مُّتَشَـٰبِهًا مَّثَانِىَ تَقْشَعِرُّ مِنْهُ جُلُودُ ٱلَّذِينَ يَخْشَوْنَ رَبَّهُمْ ثُمَّ تَلِينُ جُلُودُهُمْ وَقُلُوبُهُمْ إِلَىٰ ذِكْرِ ٱللَّهِ ۚ ذَٰلِكَ هُدَى ٱللَّهِ يَهْدِى بِهِۦ مَن يَشَآءُ ۚ وَمَن يُضْلِلِ ٱللَّهُ فَمَا لَهُۥ مِنْ هَادٍ

Transliteration al-lahu nazzala aḥsana l-ḥadīthi kitāban mutashābihan mathāniya taqshaʿirru min'hu julūdu alladhīna yakhshawna rabbahum thumma talīnu julūduhum waqulūbuhum ilā dhik'ri l-lahi dhālika hudā l-lahi yahdī bihi man yashāu waman yuḍ'lili l-lahu famā lahu min hādin

Tagalog Si Allāh ay nagbaba ng pinakamaganda sa pag-uusap, na isang Aklat na nagkakawangisan na nag-uulit-ulit. Nangingilabot mula rito ang mga balat ng mga natatakot sa Panginoon nila; pagkatapos lumalambot ang mga balat nila at ang mga puso nila sa pagkaalaala kay Allāh. Iyon ay patnubay ni Allāh; nagpapatnubay Siya sa pamamagitan niyon sa sinumang niloloob Niya. Ang sinumang ililigaw ni Allāh ay walang ukol dito na anumang tagapagpatnubay.

Verse 24

أَفَمَن يَتَّقِى بِوَجْهِهِۦ سُوٓءَ ٱلْعَذَابِ يَوْمَ ٱلْقِيَـٰمَةِ ۚ وَقِيلَ لِلظَّـٰلِمِينَ ذُوقُوا۟ مَا كُنتُمْ تَكْسِبُونَ

Transliteration afaman yattaqī biwajhihi sūa l-ʿadhābi yawma l-qiyāmati waqīla lilẓẓālimīna dhūqū mā kuntum taksibūna

Tagalog Kaya ba ang sinumang nagsasangga sa pamamagitan ng mukha niya sa kasagwaan ng pagdurusa sa Araw ng Pagbangon [ay gaya ng iba]? Sasabihin sa mga tagalabag sa katarungan: "Lasapin ninyo ang dati ninyong kinakamit."

Verse 25

كَذَّبَ ٱلَّذِينَ مِن قَبْلِهِمْ فَأَتَىٰهُمُ ٱلْعَذَابُ مِنْ حَيْثُ لَا يَشْعُرُونَ

Transliteration kadhaba alladhīna min qablihim fa-atāhumu l-ʿadhābu min ḥaythu lā yashʿurūna

Tagalog Nagpasinungaling ang mga nauna pa sa mga ito, saka pumunta sa kanila ang pagdurusa mula sa kung saan hindi sila nakararamdam.

Verse 26

فَأَذَاقَهُمُ ٱللَّهُ ٱلْخِزْىَ فِى ٱلْحَيَوٰةِ ٱلدُّنْيَا ۖ وَلَعَذَابُ ٱلْـَٔاخِرَةِ أَكْبَرُ ۚ لَوْ كَانُوا۟ يَعْلَمُونَ

Transliteration fa-adhāqahumu l-lahu l-khiz'ya fī l-ḥayati l-dun'yā walaʿadhābu l-ākhirati akbaru law kānū yaʿlamūna

Tagalog Kaya nagpalasap sa kanila si Allāh ng kahihiyan sa buhay na pangmundo. Talagang ang pagdurusa sa Kabilang-buhay ay higit na malaki, kung sakaling sila dati ay nakaaalam.

Verse 27

وَلَقَدْ ضَرَبْنَا لِلنَّاسِ فِى هَـٰذَا ٱلْقُرْءَانِ مِن كُلِّ مَثَلٍ لَّعَلَّهُمْ يَتَذَكَّرُونَ

Transliteration walaqad ḍarabnā lilnnāsi fī hādhā l-qur'āni min kulli mathalin laʿallahum yatadhakkarūna

Tagalog Talaga ngang naglahad Kami para sa mga tao sa Qur’ān na ito ng bawat paghahalintulad nang sa gayon sila ay magsasaalaala.

Verse 28

قُرْءَانًا عَرَبِيًّا غَيْرَ ذِى عِوَجٍ لَّعَلَّهُمْ يَتَّقُونَ

Transliteration qur'ānan ʿarabiyyan ghayra dhī ʿiwajin laʿallahum yattaqūna

Tagalog Bilang Qur’ān na Arabe na walang isang kabaluktutan nang sa gayon sila mangingilag magkasala.

Verse 29

ضَرَبَ ٱللَّهُ مَثَلًا رَّجُلًا فِيهِ شُرَكَآءُ مُتَشَـٰكِسُونَ وَرَجُلًا سَلَمًا لِّرَجُلٍ هَلْ يَسْتَوِيَانِ مَثَلًا ۚ ٱلْحَمْدُ لِلَّهِ ۚ بَلْ أَكْثَرُهُمْ لَا يَعْلَمُونَ

Transliteration ḍaraba l-lahu mathalan rajulan fīhi shurakāu mutashākisūna warajulan salaman lirajulin hal yastawiyāni mathalan l-ḥamdu lillahi bal aktharuhum lā yaʿlamūna

Tagalog Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad ng isang lalaki na dito ay may mga magkatambal na nagbabangayan [sa pagmamay-ari] at sa isang lalaking nakalaan sa isang lalaki [ang pagmamay-ari]. Nagkakapantay kaya silang dalawa sa paghahalintulad? Ang papuri ay ukol kay Allāh. Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.

Verse 30

إِنَّكَ مَيِّتٌ وَإِنَّهُم مَّيِّتُونَ

Transliteration innaka mayyitun wa-innahum mayyitūna

Tagalog Tunay na ikaw ay mamamatay at tunay na sila ay mga mamamatay.

Verse 31

ثُمَّ إِنَّكُمْ يَوْمَ ٱلْقِيَـٰمَةِ عِندَ رَبِّكُمْ تَخْتَصِمُونَ

Transliteration thumma innakum yawma l-qiyāmati ʿinda rabbikum takhtaṣimūna

Tagalog Pagkatapos tunay na kayo sa Araw ng Pagbangon sa harap ng Panginoon ninyo ay mag-aalitan.

Verse 32

۞ فَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّن كَذَبَ عَلَى ٱللَّهِ وَكَذَّبَ بِٱلصِّدْقِ إِذْ جَآءَهُۥٓ ۚ أَلَيْسَ فِى جَهَنَّمَ مَثْوًى لِّلْكَـٰفِرِينَ

Transliteration faman aẓlamu mimman kadhaba ʿalā l-lahi wakadhaba bil-ṣid'qi idh jāahu alaysa fī jahannama mathwan lil'kāfirīna

Tagalog Kaya sino ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang nagsinungaling laban kay Allāh at nagpasinungaling sa katapatan noong dumating ito sa kanya? Hindi ba sa Impiyerno ay may tuluyan para sa mga tagatangging sumampalataya?

Verse 33

وَٱلَّذِى جَآءَ بِٱلصِّدْقِ وَصَدَّقَ بِهِۦٓ ۙ أُو۟لَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلْمُتَّقُونَ

Transliteration wa-alladhī jāa bil-ṣid'qi waṣaddaqa bihi ulāika humu l-mutaqūna

Tagalog Ang naghatid ng katapatan at nagpatotoo rito, ang mga iyon ay ang mga tagapangilag magkasala.

Verse 34

لَهُم مَّا يَشَآءُونَ عِندَ رَبِّهِمْ ۚ ذَٰلِكَ جَزَآءُ ٱلْمُحْسِنِينَ

Transliteration lahum mā yashāūna ʿinda rabbihim dhālika jazāu l-muḥ'sinīna

Tagalog Ukol sa kanila ang anumang niloloob nila sa piling ng Panginoon nila. Iyon ay ang ganti sa mga tagagawa ng maganda

Verse 35

لِيُكَفِّرَ ٱللَّهُ عَنْهُمْ أَسْوَأَ ٱلَّذِى عَمِلُوا۟ وَيَجْزِيَهُمْ أَجْرَهُم بِأَحْسَنِ ٱلَّذِى كَانُوا۟ يَعْمَلُونَ

Transliteration liyukaffira l-lahu ʿanhum aswa-a alladhī ʿamilū wayajziyahum ajrahum bi-aḥsani alladhī kānū yaʿmalūna

Tagalog upang magtakip-sala si Allāh para sa kanila sa pinakamasagwa sa ginawa nila at gumanti Siya sa kanila ng pabuya nila ayon sa pinakamaganda sa dati nilang ginagawa.

Verse 36

أَلَيْسَ ٱللَّهُ بِكَافٍ عَبْدَهُۥ ۖ وَيُخَوِّفُونَكَ بِٱلَّذِينَ مِن دُونِهِۦ ۚ وَمَن يُضْلِلِ ٱللَّهُ فَمَا لَهُۥ مِنْ هَادٍ

Transliteration alaysa l-lahu bikāfin ʿabdahu wayukhawwifūnaka bi-alladhīna min dūnihi waman yuḍ'lili l-lahu famā lahu min hādin

Tagalog Hindi ba si Allāh ay nakasasapat sa lingkod Niya? Nagpapangamba sila sa iyo sa pamamagitan ng mga bukod pa sa Kanya. Ang sinumang ililigaw ni Allāh ay walang ukol dito na anumang tagapagpatnubay.

Verse 37

وَمَن يَهْدِ ٱللَّهُ فَمَا لَهُۥ مِن مُّضِلٍّ ۗ أَلَيْسَ ٱللَّهُ بِعَزِيزٍ ذِى ٱنتِقَامٍ

Transliteration waman yahdi l-lahu famā lahu min muḍillin alaysa l-lahu biʿazīzin dhī intiqāmin

Tagalog Ang sinumang papatnubayan ni Allāh ay walang ukol dito na anumang tagapagligaw. Hindi ba si Allāh ay Makapangyarihan, May paghihiganti?

Verse 38

وَلَئِن سَأَلْتَهُم مَّنْ خَلَقَ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضَ لَيَقُولُنَّ ٱللَّهُ ۚ قُلْ أَفَرَءَيْتُم مَّا تَدْعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ إِنْ أَرَادَنِىَ ٱللَّهُ بِضُرٍّ هَلْ هُنَّ كَـٰشِفَـٰتُ ضُرِّهِۦٓ أَوْ أَرَادَنِى بِرَحْمَةٍ هَلْ هُنَّ مُمْسِكَـٰتُ رَحْمَتِهِۦ ۚ قُلْ حَسْبِىَ ٱللَّهُ ۖ عَلَيْهِ يَتَوَكَّلُ ٱلْمُتَوَكِّلُونَ

Transliteration wala-in sa-altahum man khalaqa l-samāwāti wal-arḍa layaqūlunna l-lahu qul afara-aytum mā tadʿūna min dūni l-lahi in arādaniya l-lahu biḍurrin hal hunna kāshifātu ḍurrihi aw arādanī biraḥmatin hal hunna mum'sikātu raḥmatihi qul ḥasbiya l-lahu ʿalayhi yatawakkalu l-mutawakilūna

Tagalog Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang lumikha ng mga langit at lupa ay talagang magsasabi nga silang si Allāh. Sabihin mo: "Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh? Kung nagnais sa akin si Allāh ng isang pinsala, sila kaya ay makapag-aalis ng pinsala Niya? O kung nagnais Siya sa akin ng awa, sila kaya ay makapipigil ng awa Niya?" Sabihin mo: "Kasapatan sa akin si Allāh. Sa Kanya nananalig ang mga nananalig."

Verse 39

قُلْ يَـٰقَوْمِ ٱعْمَلُوا۟ عَلَىٰ مَكَانَتِكُمْ إِنِّى عَـٰمِلٌ ۖ فَسَوْفَ تَعْلَمُونَ

Transliteration qul yāqawmi iʿ'malū ʿalā makānatikum innī ʿāmilun fasawfa taʿlamūna

Tagalog Sabihin mo: "O mga kalipi ko, gumawa kayo ayon sa kalagayan ninyo; tunay na ako ay gumagawa kaya makaaalam kayo

Verse 40

مَن يَأْتِيهِ عَذَابٌ يُخْزِيهِ وَيَحِلُّ عَلَيْهِ عَذَابٌ مُّقِيمٌ

Transliteration man yatīhi ʿadhābun yukh'zīhi wayaḥillu ʿalayhi ʿadhābun muqīmun

Tagalog sa kung kanino pupunta ang isang pagdurusang magpapahiya sa kanya at dadapo ang isang pagdurusang mananatili."

Verse 41

إِنَّآ أَنزَلْنَا عَلَيْكَ ٱلْكِتَـٰبَ لِلنَّاسِ بِٱلْحَقِّ ۖ فَمَنِ ٱهْتَدَىٰ فَلِنَفْسِهِۦ ۖ وَمَن ضَلَّ فَإِنَّمَا يَضِلُّ عَلَيْهَا ۖ وَمَآ أَنتَ عَلَيْهِم بِوَكِيلٍ

Transliteration innā anzalnā ʿalayka l-kitāba lilnnāsi bil-ḥaqi famani ih'tadā falinafsihi waman ḍalla fa-innamā yaḍillu ʿalayhā wamā anta ʿalayhim biwakīlin

Tagalog Tunay na Kami ay nagpababa sa iyo ng Aklat para sa mga tao kalakip ng katotohanan. Kaya ang sinumang napatnubayan ay para sa sarili niya at ang sinumang naligaw ay naliligaw lamang para sa [kapinsalaan] nito. Ikaw sa kanila ay hindi isang pinananaligan.

Verse 42

ٱللَّهُ يَتَوَفَّى ٱلْأَنفُسَ حِينَ مَوْتِهَا وَٱلَّتِى لَمْ تَمُتْ فِى مَنَامِهَا ۖ فَيُمْسِكُ ٱلَّتِى قَضَىٰ عَلَيْهَا ٱلْمَوْتَ وَيُرْسِلُ ٱلْأُخْرَىٰٓ إِلَىٰٓ أَجَلٍ مُّسَمًّى ۚ إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَـَٔايَـٰتٍ لِّقَوْمٍ يَتَفَكَّرُونَ

Transliteration al-lahu yatawaffā l-anfusa ḥīna mawtihā wa-allatī lam tamut fī manāmihā fayum'siku allatī qaḍā ʿalayhā l-mawta wayur'silu l-ukh'rā ilā ajalin musamman inna fī dhālika laāyātin liqawmin yatafakkarūna

Tagalog Si Allāh ay kumukuha sa mga kaluluwa sa sandali ng kamatayan ng mga ito at sa [mga kaluluwa ng] mga hindi namatay sa pagtulog ng mga ito. Kaya pumipigil Siya sa mga [kaluluwang] nagtadhana Siya sa mga ito ng kamatayan at nagpapawala Siya sa mga iba pa hanggang sa isang taning na tinukoy. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nag-iisip-isip.

Verse 43

أَمِ ٱتَّخَذُوا۟ مِن دُونِ ٱللَّهِ شُفَعَآءَ ۚ قُلْ أَوَلَوْ كَانُوا۟ لَا يَمْلِكُونَ شَيْـًٔا وَلَا يَعْقِلُونَ

Transliteration ami ittakhadhū min dūni l-lahi shufaʿāa qul awalaw kānū lā yamlikūna shayan walā yaʿqilūna

Tagalog O gumawa ba sila sa bukod pa kay Allāh bilang mga tagapagpamagitan? Sabihin mo: "Kahit ba sila ay hindi nakapangyayari sa anuman at hindi nakapag-uunawa?"

Verse 44

قُل لِّلَّهِ ٱلشَّفَـٰعَةُ جَمِيعًا ۖ لَّهُۥ مُلْكُ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ ۖ ثُمَّ إِلَيْهِ تُرْجَعُونَ

Transliteration qul lillahi l-shafāʿatu jamīʿan lahu mul'ku l-samāwāti wal-arḍi thumma ilayhi tur'jaʿūna

Tagalog Sabihin mo: "Sa kay Allāh ang [pagpapahintulot ng] pamamagitan sa kalahatan. Sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa. Pagkatapos tungo sa Kanya pababalikin kayo."

Verse 45

وَإِذَا ذُكِرَ ٱللَّهُ وَحْدَهُ ٱشْمَأَزَّتْ قُلُوبُ ٱلَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِٱلْـَٔاخِرَةِ ۖ وَإِذَا ذُكِرَ ٱلَّذِينَ مِن دُونِهِۦٓ إِذَا هُمْ يَسْتَبْشِرُونَ

Transliteration wa-idhā dhukira l-lahu waḥdahu ish'ma-azzat qulūbu alladhīna lā yu'minūna bil-ākhirati wa-idhā dhukira alladhīna min dūnihi idhā hum yastabshirūna

Tagalog Kapag binanggit si Allāh nang mag-isa, nagmamaliit ang mga puso ng mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay. Kapag binanggit ang mga bukod pa sa Kanya, biglang sila ay nagagalak.

Verse 46

قُلِ ٱللَّهُمَّ فَاطِرَ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ عَـٰلِمَ ٱلْغَيْبِ وَٱلشَّهَـٰدَةِ أَنتَ تَحْكُمُ بَيْنَ عِبَادِكَ فِى مَا كَانُوا۟ فِيهِ يَخْتَلِفُونَ

Transliteration quli l-lahuma fāṭira l-samāwāti wal-arḍi ʿālima l-ghaybi wal-shahādati anta taḥkumu bayna ʿibādika fī mā kānū fīhi yakhtalifūna

Tagalog Sabihin mo: "O Allāh, Tagalalang ng mga langit at lupa, Nakaaalam sa Lingid at Nasasaksihan, Ikaw ay humahatol sa pagitan ng mga lingkod Mo sa anumang dati silang nagkakaiba-iba."

Verse 47

وَلَوْ أَنَّ لِلَّذِينَ ظَلَمُوا۟ مَا فِى ٱلْأَرْضِ جَمِيعًا وَمِثْلَهُۥ مَعَهُۥ لَٱفْتَدَوْا۟ بِهِۦ مِن سُوٓءِ ٱلْعَذَابِ يَوْمَ ٱلْقِيَـٰمَةِ ۚ وَبَدَا لَهُم مِّنَ ٱللَّهِ مَا لَمْ يَكُونُوا۟ يَحْتَسِبُونَ

Transliteration walaw anna lilladhīna ẓalamū mā fī l-arḍi jamīʿan wamith'lahu maʿahu la-if'tadaw bihi min sūi l-ʿadhābi yawma l-qiyāmati wabadā lahum mina l-lahi mā lam yakūnū yaḥtasibūna

Tagalog Kung sakaling taglay ng mga lumabag sa katarungan ang anumang nasa lupa sa kalahatan at tulad nito kasama rito, talaga sanang tumubos sila [sa mga sarili] sa pamamagitan nito mula sa kasagwaan ng pagdurusa sa Araw ng Pagbangon. Matatambad para sa kanila mula kay Allāh ang hindi nila dati aakalain.

Verse 48

وَبَدَا لَهُمْ سَيِّـَٔاتُ مَا كَسَبُوا۟ وَحَاقَ بِهِم مَّا كَانُوا۟ بِهِۦ يَسْتَهْزِءُونَ

Transliteration wabadā lahum sayyiātu mā kasabū waḥāqa bihim mā kānū bihi yastahziūna

Tagalog Matatambad sa kanila ang mga masagwa sa nakamit nila at papaligid sa kanila ang dati nilang kinukutya.

Verse 49

فَإِذَا مَسَّ ٱلْإِنسَـٰنَ ضُرٌّ دَعَانَا ثُمَّ إِذَا خَوَّلْنَـٰهُ نِعْمَةً مِّنَّا قَالَ إِنَّمَآ أُوتِيتُهُۥ عَلَىٰ عِلْمٍۭ ۚ بَلْ هِىَ فِتْنَةٌ وَلَـٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ

Transliteration fa-idhā massa l-insāna ḍurrun daʿānā thumma idhā khawwalnāhu niʿ'matan minnā qāla innamā ūtītuhu ʿalā ʿil'min bal hiya fit'natun walākinna aktharahum lā yaʿlamūna

Tagalog Kaya kapag may sumaling sa tao na isang pinsala ay dumadalangin siya sa Amin. Pagkatapos kapag gumawad Kami sa kanya ng isang biyaya mula sa Amin ay nagsasabi siya: "Binigyan lamang ako nito dahil sa kaalaman." Bagkus ito ay isang pagsubok, subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.

Verse 50

قَدْ قَالَهَا ٱلَّذِينَ مِن قَبْلِهِمْ فَمَآ أَغْنَىٰ عَنْهُم مَّا كَانُوا۟ يَكْسِبُونَ

Transliteration qad qālahā alladhīna min qablihim famā aghnā ʿanhum mā kānū yaksibūna

Tagalog Nagsabi na nito ang mga nauna pa sa kanila ngunit walang naidulot sa kanila ang dati nilang nakakamit.

Verse 51

فَأَصَابَهُمْ سَيِّـَٔاتُ مَا كَسَبُوا۟ ۚ وَٱلَّذِينَ ظَلَمُوا۟ مِنْ هَـٰٓؤُلَآءِ سَيُصِيبُهُمْ سَيِّـَٔاتُ مَا كَسَبُوا۟ وَمَا هُم بِمُعْجِزِينَ

Transliteration fa-aṣābahum sayyiātu mā kasabū wa-alladhīna ẓalamū min hāulāi sayuṣībuhum sayyiātu mā kasabū wamā hum bimuʿ'jizīna

Tagalog Kaya tumama sa kanila ang mga masagwa sa nakamit nila. Ang mga lumabag sa katarungan kabilang sa mga ito ay tatama sa kanila ang mga masagwa sa nakamit nila at hindi sila mga makapagpapawalang-kakayahan.

Verse 52

أَوَلَمْ يَعْلَمُوٓا۟ أَنَّ ٱللَّهَ يَبْسُطُ ٱلرِّزْقَ لِمَن يَشَآءُ وَيَقْدِرُ ۚ إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَـَٔايَـٰتٍ لِّقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ

Transliteration awalam yaʿlamū anna l-laha yabsuṭu l-riz'qa liman yashāu wayaqdiru inna fī dhālika laāyātin liqawmin yu'minūna

Tagalog Hindi ba sila nakaalam na si Allāh ay nagpapaluwag sa panustos para sa sinumang niloloob Niya at naghihigpit? Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong sumasampalataya.

Verse 53

۞ قُلْ يَـٰعِبَادِىَ ٱلَّذِينَ أَسْرَفُوا۟ عَلَىٰٓ أَنفُسِهِمْ لَا تَقْنَطُوا۟ مِن رَّحْمَةِ ٱللَّهِ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ يَغْفِرُ ٱلذُّنُوبَ جَمِيعًا ۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلْغَفُورُ ٱلرَّحِيمُ

Transliteration qul yāʿibādiya alladhīna asrafū ʿalā anfusihim lā taqnaṭū min raḥmati l-lahi inna l-laha yaghfiru l-dhunūba jamīʿan innahu huwa l-ghafūru l-raḥīmu

Tagalog Sabihin mo [na sinabi Ko]: "O mga lingkod Ko na nagpakalabis laban sa mga sarili nila, huwag kayong malagutan ng pag-asa sa awa ni Allāh. Tunay na si Allāh ay nagpapatawad sa mga pagkakasala sa kalahatan. Tunay na Siya ay ang Mapagpatawad, ang Maawain."

Verse 54

وَأَنِيبُوٓا۟ إِلَىٰ رَبِّكُمْ وَأَسْلِمُوا۟ لَهُۥ مِن قَبْلِ أَن يَأْتِيَكُمُ ٱلْعَذَابُ ثُمَّ لَا تُنصَرُونَ

Transliteration wa-anībū ilā rabbikum wa-aslimū lahu min qabli an yatiyakumu l-ʿadhābu thumma lā tunṣarūna

Tagalog Nagsisising bumalik kayo sa Panginoon ninyo, magpasakop kayo sa Kanya bago pa pumunta sa inyo ang pagdurusa, pagkatapos hindi kayo maiaadya.

Verse 55

وَٱتَّبِعُوٓا۟ أَحْسَنَ مَآ أُنزِلَ إِلَيْكُم مِّن رَّبِّكُم مِّن قَبْلِ أَن يَأْتِيَكُمُ ٱلْعَذَابُ بَغْتَةً وَأَنتُمْ لَا تَشْعُرُونَ

Transliteration wa-ittabiʿū aḥsana mā unzila ilaykum min rabbikum min qabli an yatiyakumu l-ʿadhābu baghtatan wa-antum lā tashʿurūna

Tagalog Sumunod kayo sa pinakamaganda sa pinababa sa inyo mula sa Panginoon ninyo bago pa pumunta sa inyo ang pagdurusa nang biglaan habang kayo ay hindi nakararamdam,

Verse 56

أَن تَقُولَ نَفْسٌ يَـٰحَسْرَتَىٰ عَلَىٰ مَا فَرَّطتُ فِى جَنۢبِ ٱللَّهِ وَإِن كُنتُ لَمِنَ ٱلسَّـٰخِرِينَ

Transliteration an taqūla nafsun yāḥasratā ʿalā mā farraṭtu fī janbi l-lahi wa-in kuntu lamina l-sākhirīna

Tagalog na baka magsabi ang isang kaluluwa: "O panghihinayang sa anumang pinabayaan ko sa nauukol kay Allāh at tunay na ako dati ay talagang kabilang sa mga nanunuya,"

Verse 57

أَوْ تَقُولَ لَوْ أَنَّ ٱللَّهَ هَدَىٰنِى لَكُنتُ مِنَ ٱلْمُتَّقِينَ

Transliteration aw taqūla law anna l-laha hadānī lakuntu mina l-mutaqīna

Tagalog o baka magsabi ito: "Kung sakaling si Allāh ay nagpatnubay sa akin, talaga sanang ako ay naging kabilang sa mga tagapangilag magkasala;"

Verse 58

أَوْ تَقُولَ حِينَ تَرَى ٱلْعَذَابَ لَوْ أَنَّ لِى كَرَّةً فَأَكُونَ مِنَ ٱلْمُحْسِنِينَ

Transliteration aw taqūla ḥīna tarā l-ʿadhāba law anna lī karratan fa-akūna mina l-muḥ'sinīna

Tagalog o baka magsabi ito kapag nakikita nito ang pagdurusa: "Kung sana mayroon akong isang pagbabalik para ako ay maging kabilang sa mga tagagawa ng maganda."

Verse 59

بَلَىٰ قَدْ جَآءَتْكَ ءَايَـٰتِى فَكَذَّبْتَ بِهَا وَٱسْتَكْبَرْتَ وَكُنتَ مِنَ ٱلْكَـٰفِرِينَ

Transliteration balā qad jāatka āyātī fakadhabta bihā wa-is'takbarta wakunta mina l-kāfirīna

Tagalog Bagkus dumating nga sa iyo ang mga tanda Ko ngunit nagpasinungaling ka sa mga ito, nagmalaki ka, at ikaw ay naging kabilang sa mga tagatangging sumampalataya.

Verse 60

وَيَوْمَ ٱلْقِيَـٰمَةِ تَرَى ٱلَّذِينَ كَذَبُوا۟ عَلَى ٱللَّهِ وُجُوهُهُم مُّسْوَدَّةٌ ۚ أَلَيْسَ فِى جَهَنَّمَ مَثْوًى لِّلْمُتَكَبِّرِينَ

Transliteration wayawma l-qiyāmati tarā alladhīna kadhabū ʿalā l-lahi wujūhuhum mus'waddatun alaysa fī jahannama mathwan lil'mutakabbirīna

Tagalog Sa Araw ng Pagbangon, makikita mo ang mga nagsinungaling laban kay Allāh habang ang mga mukha nila ay nangingitim. Hindi ba sa Impiyerno ay may tuluyan para sa mga nagpapakamalaki?

Verse 61

وَيُنَجِّى ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ٱتَّقَوْا۟ بِمَفَازَتِهِمْ لَا يَمَسُّهُمُ ٱلسُّوٓءُ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ

Transliteration wayunajjī l-lahu alladhīna ittaqaw bimafāzatihim lā yamassuhumu l-sūu walā hum yaḥzanūna

Tagalog Magliligtas si Allāh sa mga nangilag magkasala sa pamamagitan ng pagtamo nila; hindi sasaling sa kanila ang kasagwaan ni sila ay malulungkot.

Verse 62

ٱللَّهُ خَـٰلِقُ كُلِّ شَىْءٍ ۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَىْءٍ وَكِيلٌ

Transliteration al-lahu khāliqu kulli shayin wahuwa ʿalā kulli shayin wakīlun

Tagalog Si Allāh ay ang Tagalikha ng bawat bagay at Siya sa bawat bagay ay Pinananaligan.

Verse 63

لَّهُۥ مَقَالِيدُ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ ۗ وَٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ بِـَٔايَـٰتِ ٱللَّهِ أُو۟لَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلْخَـٰسِرُونَ

Transliteration lahu maqālīdu l-samāwāti wal-arḍi wa-alladhīna kafarū biāyāti l-lahi ulāika humu l-khāsirūna

Tagalog Sa Kanya ang mga susi ng mga langit at lupa. Ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga lugi.

Verse 64

قُلْ أَفَغَيْرَ ٱللَّهِ تَأْمُرُوٓنِّىٓ أَعْبُدُ أَيُّهَا ٱلْجَـٰهِلُونَ

Transliteration qul afaghayra l-lahi tamurūnnī aʿbudu ayyuhā l-jāhilūna

Tagalog Sabihin mo: "Kaya ba sa iba pa kay Allāh nag-uutos kayo sa akin na sumamba ako, o mga mangmang?"

Verse 65

وَلَقَدْ أُوحِىَ إِلَيْكَ وَإِلَى ٱلَّذِينَ مِن قَبْلِكَ لَئِنْ أَشْرَكْتَ لَيَحْبَطَنَّ عَمَلُكَ وَلَتَكُونَنَّ مِنَ ٱلْخَـٰسِرِينَ

Transliteration walaqad ūḥiya ilayka wa-ilā alladhīna min qablika la-in ashrakta layaḥbaṭanna ʿamaluka walatakūnanna mina l-khāsirīna

Tagalog Talaga ngang ikinasi sa iyo at sa mga nauna pa sa iyo na talagang kung nagtambal ka [kay Allāh] ay talagang mawawalang-kabuluhan nga ang gawa mo at talagang magiging kabilang ka nga sa mga lugi.

Verse 66

بَلِ ٱللَّهَ فَٱعْبُدْ وَكُن مِّنَ ٱلشَّـٰكِرِينَ

Transliteration bali l-laha fa-uʿ'bud wakun mina l-shākirīna

Tagalog Bagkus kay Allāh ay sumamba ka at maging kabilang ka sa mga tagapagpasalamat.

Verse 67

وَمَا قَدَرُوا۟ ٱللَّهَ حَقَّ قَدْرِهِۦ وَٱلْأَرْضُ جَمِيعًا قَبْضَتُهُۥ يَوْمَ ٱلْقِيَـٰمَةِ وَٱلسَّمَـٰوَٰتُ مَطْوِيَّـٰتٌۢ بِيَمِينِهِۦ ۚ سُبْحَـٰنَهُۥ وَتَعَـٰلَىٰ عَمَّا يُشْرِكُونَ

Transliteration wamā qadarū l-laha ḥaqqa qadrihi wal-arḍu jamīʿan qabḍatuhu yawma l-qiyāmati wal-samāwātu maṭwiyyātun biyamīnihi sub'ḥānahu wataʿālā ʿammā yush'rikūna

Tagalog Hindi sila nagpahalaga kay Allāh nang totoong pagpapahalaga sa Kanya. Ang lupa sa kalahatan ay isang dakot Niya sa Araw ng Pagkabuhay at ang mga langit ay mga nakatupi sa kanang kamay Niya. Kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya higit sa anumang itinatambal nila sa Kanya.

Verse 68

وَنُفِخَ فِى ٱلصُّورِ فَصَعِقَ مَن فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَمَن فِى ٱلْأَرْضِ إِلَّا مَن شَآءَ ٱللَّهُ ۖ ثُمَّ نُفِخَ فِيهِ أُخْرَىٰ فَإِذَا هُمْ قِيَامٌ يَنظُرُونَ

Transliteration wanufikha fī l-ṣūri faṣaʿiqa man fī l-samāwāti waman fī l-arḍi illā man shāa l-lahu thumma nufikha fīhi ukh'rā fa-idhā hum qiyāmun yanẓurūna

Tagalog Iihip sa tambuli saka mamamatay ang sinumang nasa mga langit at ang sinumang nasa lupa maliban sa sinumang niloob ni Allāh. Pagkatapos iihip dito sa muli, saka biglang sila ay mga nakatayo, na nakatingin.

Verse 69

وَأَشْرَقَتِ ٱلْأَرْضُ بِنُورِ رَبِّهَا وَوُضِعَ ٱلْكِتَـٰبُ وَجِا۟ىٓءَ بِٱلنَّبِيِّـۧنَ وَٱلشُّهَدَآءِ وَقُضِىَ بَيْنَهُم بِٱلْحَقِّ وَهُمْ لَا يُظْلَمُونَ

Transliteration wa-ashraqati l-arḍu binūri rabbihā wawuḍiʿa l-kitābu wajīa bil-nabiyīna wal-shuhadāi waquḍiya baynahum bil-ḥaqi wahum lā yuẓ'lamūna

Tagalog Sisikat ang lupa sa liwanag ng Panginoon nito, ilalagay ang talaan [ng mga gawa], dadalhin ang mga propeta at ang mga saksi, at maghuhusga sa pagitan nila ayon sa katotohanan habang sila ay nilalabag sa katarungan.

Verse 70

وَوُفِّيَتْ كُلُّ نَفْسٍ مَّا عَمِلَتْ وَهُوَ أَعْلَمُ بِمَا يَفْعَلُونَ

Transliteration wawuffiyat kullu nafsin mā ʿamilat wahuwa aʿlamu bimā yafʿalūna

Tagalog Lulubus-lubusin ang bawat kaluluwa sa [kabayaran ng] anumang ginawa nito; at Siya ay higit na maalam sa anumang ginagawa nila.

Verse 71

وَسِيقَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓا۟ إِلَىٰ جَهَنَّمَ زُمَرًا ۖ حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءُوهَا فُتِحَتْ أَبْوَٰبُهَا وَقَالَ لَهُمْ خَزَنَتُهَآ أَلَمْ يَأْتِكُمْ رُسُلٌ مِّنكُمْ يَتْلُونَ عَلَيْكُمْ ءَايَـٰتِ رَبِّكُمْ وَيُنذِرُونَكُمْ لِقَآءَ يَوْمِكُمْ هَـٰذَا ۚ قَالُوا۟ بَلَىٰ وَلَـٰكِنْ حَقَّتْ كَلِمَةُ ٱلْعَذَابِ عَلَى ٱلْكَـٰفِرِينَ

Transliteration wasīqa alladhīna kafarū ilā jahannama zumaran ḥattā idhā jāūhā futiḥat abwābuhā waqāla lahum khazanatuhā alam yatikum rusulun minkum yatlūna ʿalaykum āyāti rabbikum wayundhirūnakum liqāa yawmikum hādhā qālū balā walākin ḥaqqat kalimatu l-ʿadhābi ʿalā l-kāfirīna

Tagalog Aakayin ang mga tumangging sumampalataya patungo sa Impiyerno nang pangkat-pangkat hanggang sa, kapag dumating sila roon, bubuksan ang mga pintuan niyon at magsasabi sa kanila ang mga tanod niyon: "Wala bang pumunta sa inyo na mga sugong kabilang sa inyo, na bumibigkas sa inyo ng mga tanda ng Panginoon ninyo at nagbababala sa inyo sa pakikipagkita sa Araw ninyong ito?" Sasabihin nila: "Oo; ngunit nagindapat ang hatol ng pagdurusa sa mga tagatangging sumampalataya."

Verse 72

قِيلَ ٱدْخُلُوٓا۟ أَبْوَٰبَ جَهَنَّمَ خَـٰلِدِينَ فِيهَا ۖ فَبِئْسَ مَثْوَى ٱلْمُتَكَبِّرِينَ

Transliteration qīla ud'khulū abwāba jahannama khālidīna fīhā fabi'sa mathwā l-mutakabirīna

Tagalog Sasabihin: "Pumasok kayo sa mga pintuan ng Impiyerno bilang mga mananatili roon. Kaya kay saklap ang tuluyan ng mga nagpapakamalaki!"

Verse 73

وَسِيقَ ٱلَّذِينَ ٱتَّقَوْا۟ رَبَّهُمْ إِلَى ٱلْجَنَّةِ زُمَرًا ۖ حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءُوهَا وَفُتِحَتْ أَبْوَٰبُهَا وَقَالَ لَهُمْ خَزَنَتُهَا سَلَـٰمٌ عَلَيْكُمْ طِبْتُمْ فَٱدْخُلُوهَا خَـٰلِدِينَ

Transliteration wasīqa alladhīna ittaqaw rabbahum ilā l-janati zumaran ḥattā idhā jāūhā wafutiḥat abwābuhā waqāla lahum khazanatuhā salāmun ʿalaykum ṭib'tum fa-ud'khulūhā khālidīna

Tagalog Aakayin ang mga nangilag magkasala sa Panginoon nila patungo sa Paraiso nang pangkat-pangkat hanggang sa, kapag dumating sila roon, bubuksan ang mga pintuan niyon at magsasabi sa kanila ng mga tanod niyon: "Kapayapaan ay sumainyo! Nagpakaaya-aya kayo kaya pumasok kayo rito bilang mga mananatili."

Verse 74

وَقَالُوا۟ ٱلْحَمْدُ لِلَّهِ ٱلَّذِى صَدَقَنَا وَعْدَهُۥ وَأَوْرَثَنَا ٱلْأَرْضَ نَتَبَوَّأُ مِنَ ٱلْجَنَّةِ حَيْثُ نَشَآءُ ۖ فَنِعْمَ أَجْرُ ٱلْعَـٰمِلِينَ

Transliteration waqālū l-ḥamdu lillahi alladhī ṣadaqanā waʿdahu wa-awrathanā l-arḍa natabawwa-u mina l-janati ḥaythu nashāu faniʿ'ma ajru l-ʿāmilīna

Tagalog Magsasabi sila: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagtotoo sa amin ng pangako Niya at nagpamana sa amin ng lupa. Manunuluyan kami sa Paraiso saanman namin loloobin. Kaya kay inam ang pabuya sa mga tagagawa!"

Verse 75

وَتَرَى ٱلْمَلَـٰٓئِكَةَ حَآفِّينَ مِنْ حَوْلِ ٱلْعَرْشِ يُسَبِّحُونَ بِحَمْدِ رَبِّهِمْ ۖ وَقُضِىَ بَيْنَهُم بِٱلْحَقِّ وَقِيلَ ٱلْحَمْدُ لِلَّهِ رَبِّ ٱلْعَـٰلَمِينَ

Transliteration watarā l-malāikata ḥāffīna min ḥawli l-ʿarshi yusabbiḥūna biḥamdi rabbihim waquḍiya baynahum bil-ḥaqi waqīla l-ḥamdu lillahi rabbi l-ʿālamīna

Tagalog Makikita mo ang mga anghel na nakapalibot sa paligid ng Trono, habang nagluluwalhati kalakip ng pagpupuri sa Panginoon nila. Huhusga sa pagitan nila ayon sa katotohanan at sasabihin: "Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang."

Read Surah Az-Zumar in another language

All languages

All 114 surahs in Tagalog: the Qur’an in Tagalog.

Learn it in MyDugsi

Tagalog translation: Dar Al-Salam Center, from Quran.com. Transliteration: Quran.com. Recitation: Mishary Alafasy, from EveryAyah.com. MyDugsi is a learning aid, not a replacement for a qualified teacher.