Surah Az-Zukhruf in Tagalog: translation and audio
Surah 43 · الزخرف · The Ornaments of Gold · 89 verses
Surah Az-Zukhruf verse by verse: the Arabic with a recitation you can repeat, the transliteration, and the Tagalog translation by Dar Al-Salam Center. For the meaning of every word, see Surah Az-Zukhruf word by word in English.
Verse 1
حمٓ
Transliteration hha-meem
Tagalog Ḥā. Mīm.
Verse 2
وَٱلْكِتَـٰبِ ٱلْمُبِينِ
Transliteration wal-kitābi l-mubīni
Tagalog Sumpa man sa Aklat na naglilinaw,
Verse 3
إِنَّا جَعَلْنَـٰهُ قُرْءَٰنًا عَرَبِيًّا لَّعَلَّكُمْ تَعْقِلُونَ
Transliteration innā jaʿalnāhu qur'ānan ʿarabiyyan laʿallakum taʿqilūna
Tagalog tunay na Kami ay gumawa nito bilang Qur’ān na Arabe nang sa gayon kayo ay makapag-uunawa.
Verse 4
وَإِنَّهُۥ فِىٓ أُمِّ ٱلْكِتَـٰبِ لَدَيْنَا لَعَلِىٌّ حَكِيمٌ
Transliteration wa-innahu fī ummi l-kitābi ladaynā laʿaliyyun ḥakīmun
Tagalog Tunay na ito, sa Ina ng Aklat na nasa Amin, ay talagang mataas, marunong.
Verse 5
أَفَنَضْرِبُ عَنكُمُ ٱلذِّكْرَ صَفْحًا أَن كُنتُمْ قَوْمًا مُّسْرِفِينَ
Transliteration afanaḍribu ʿankumu l-dhik'ra ṣafḥan an kuntum qawman mus'rifīna
Tagalog Kaya ba magbabaling Kami palayo sa inyo ng paalaala sa isang tabi dahil kayo ay mga taong nagpapakalabis?
Verse 6
وَكَمْ أَرْسَلْنَا مِن نَّبِىٍّ فِى ٱلْأَوَّلِينَ
Transliteration wakam arsalnā min nabiyyin fī l-awalīna
Tagalog Kay rami ng isinugo Namin na propeta sa mga sinauna.
Verse 7
وَمَا يَأْتِيهِم مِّن نَّبِىٍّ إِلَّا كَانُوا۟ بِهِۦ يَسْتَهْزِءُونَ
Transliteration wamā yatīhim min nabiyyin illā kānū bihi yastahziūna
Tagalog Walang pumupunta sa kanila na isang propeta malibang sila noon sa kanya ay nangungutya.
Verse 8
فَأَهْلَكْنَآ أَشَدَّ مِنْهُم بَطْشًا وَمَضَىٰ مَثَلُ ٱلْأَوَّلِينَ
Transliteration fa-ahlaknā ashadda min'hum baṭshan wamaḍā mathalu l-awalīna
Tagalog Kaya nagpahamak Kami sa higit na matindi kaysa sa kanila sa bagsik at nagdaan ang tulad sa mga sinauna.
Verse 9
وَلَئِن سَأَلْتَهُم مَّنْ خَلَقَ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضَ لَيَقُولُنَّ خَلَقَهُنَّ ٱلْعَزِيزُ ٱلْعَلِيمُ
Transliteration wala-in sa-altahum man khalaqa l-samāwāti wal-arḍa layaqūlunna khalaqahunna l-ʿazīzu l-ʿalīmu
Tagalog Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang lumikha ng mga langit at lupa ay talagang magsasabi nga sila na lumikha ng mga ito ang Makapangyarihan, ang Maalam,
Verse 10
ٱلَّذِى جَعَلَ لَكُمُ ٱلْأَرْضَ مَهْدًا وَجَعَلَ لَكُمْ فِيهَا سُبُلًا لَّعَلَّكُمْ تَهْتَدُونَ
Transliteration alladhī jaʿala lakumu l-arḍa mahdan wajaʿala lakum fīhā subulan laʿallakum tahtadūna
Tagalog na gumawa para sa inyo ng lupa bilang himlayan at gumawa para sa inyo roon ng mga landas nang harinawa kayo ay mapatnubayan,
Verse 11
وَٱلَّذِى نَزَّلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءًۢ بِقَدَرٍ فَأَنشَرْنَا بِهِۦ بَلْدَةً مَّيْتًا ۚ كَذَٰلِكَ تُخْرَجُونَ
Transliteration wa-alladhī nazzala mina l-samāi māan biqadarin fa-ansharnā bihi baldatan maytan kadhālika tukh'rajūna
Tagalog na nagbaba mula sa langit ng tubig ayon sa isang sukat saka nagpabuhay sa pamamagitan nito sa isang patay na bayan. Gayon kayo palalabasin.
Verse 12
وَٱلَّذِى خَلَقَ ٱلْأَزْوَٰجَ كُلَّهَا وَجَعَلَ لَكُم مِّنَ ٱلْفُلْكِ وَٱلْأَنْعَـٰمِ مَا تَرْكَبُونَ
Transliteration wa-alladhī khalaqa l-azwāja kullahā wajaʿala lakum mina l-ful'ki wal-anʿāmi mā tarkabūna
Tagalog at na lumikha ng mga magkapares sa kabuuan ng mga ito at gumawa para sa inyo mula sa mga daong at mga hayupan ng sinasakyan ninyo
Verse 13
لِتَسْتَوُۥا۟ عَلَىٰ ظُهُورِهِۦ ثُمَّ تَذْكُرُوا۟ نِعْمَةَ رَبِّكُمْ إِذَا ٱسْتَوَيْتُمْ عَلَيْهِ وَتَقُولُوا۟ سُبْحَـٰنَ ٱلَّذِى سَخَّرَ لَنَا هَـٰذَا وَمَا كُنَّا لَهُۥ مُقْرِنِينَ
Transliteration litastawū ʿalā ẓuhūrihi thumma tadhkurū niʿ'mata rabbikum idhā is'tawaytum ʿalayhi wataqūlū sub'ḥāna alladhī sakhara lanā hādhā wamā kunnā lahu muq'rinīna
Tagalog upang lumuklok kayo sa mga likod ng mga ito, pagkatapos makaalaala kayo sa biyaya ng Panginoon ninyo kapag nakaluklok na kayo sa mga ito at magsabi kayo: "Kaluwalhatian sa Kanya na nagpasilbi para sa amin ng mga ito samantalang kami sa mga ito ay hindi naging mga makapananaig.
Verse 14
وَإِنَّآ إِلَىٰ رَبِّنَا لَمُنقَلِبُونَ
Transliteration wa-innā ilā rabbinā lamunqalibūna
Tagalog Tunay na kami sa Panginoon namin ay talagang mga uuwi."
Verse 15
وَجَعَلُوا۟ لَهُۥ مِنْ عِبَادِهِۦ جُزْءًا ۚ إِنَّ ٱلْإِنسَـٰنَ لَكَفُورٌ مُّبِينٌ
Transliteration wajaʿalū lahu min ʿibādihi juz'an inna l-insāna lakafūrun mubīnun
Tagalog Nagturing sila para sa Kanya mula sa mga lingkod Niya ng isang bahagi. Tunay na ang tao ay talagang isang malinaw na mapagtangging magpasalamat.
Verse 16
أَمِ ٱتَّخَذَ مِمَّا يَخْلُقُ بَنَاتٍ وَأَصْفَىٰكُم بِٱلْبَنِينَ
Transliteration ami ittakhadha mimmā yakhluqu banātin wa-aṣfākum bil-banīna
Tagalog O gumawa ba Siya mula sa nililikha Niya ng mga babaing anak at humirang Siya sa inyo ng mga lalaking anak?
Verse 17
وَإِذَا بُشِّرَ أَحَدُهُم بِمَا ضَرَبَ لِلرَّحْمَـٰنِ مَثَلًا ظَلَّ وَجْهُهُۥ مُسْوَدًّا وَهُوَ كَظِيمٌ
Transliteration wa-idhā bushira aḥaduhum bimā ḍaraba lilrraḥmāni mathalan ẓalla wajhuhu mus'waddan wahuwa kaẓīmun
Tagalog Kapag binalitaan ang isa sa kanila ng [ng pagsilang ng] inilahad niya para sa Napakamaawain bilang paghahalintulad, ang mukha niya ay naging nangingitim habang siya ay hapis.
Verse 18
أَوَمَن يُنَشَّؤُا۟ فِى ٱلْحِلْيَةِ وَهُوَ فِى ٱلْخِصَامِ غَيْرُ مُبِينٍ
Transliteration awaman yunasha-u fī l-ḥil'yati wahuwa fī l-khiṣāmi ghayru mubīnin
Tagalog O ang sinumang pinalalaki ba sa mga hiyas, habang siya sa pakikipag-alitan ay hindi malinaw, [ay inuugnay kay Allāh]?
Verse 19
وَجَعَلُوا۟ ٱلْمَلَـٰٓئِكَةَ ٱلَّذِينَ هُمْ عِبَـٰدُ ٱلرَّحْمَـٰنِ إِنَـٰثًا ۚ أَشَهِدُوا۟ خَلْقَهُمْ ۚ سَتُكْتَبُ شَهَـٰدَتُهُمْ وَيُسْـَٔلُونَ
Transliteration wajaʿalū l-malāikata alladhīna hum ʿibādu l-raḥmāni ināthan ashahidū khalqahum satuk'tabu shahādatuhum wayus'alūna
Tagalog Nagturing sila sa mga anghel na mga lingkod ng Napakamaawain bilang mga babae. Nakasaksi ba sila sa paglikha sa mga iyon? Isusulat ang pagsaksi nila at tatanungin sila.
Verse 20
وَقَالُوا۟ لَوْ شَآءَ ٱلرَّحْمَـٰنُ مَا عَبَدْنَـٰهُم ۗ مَّا لَهُم بِذَٰلِكَ مِنْ عِلْمٍ ۖ إِنْ هُمْ إِلَّا يَخْرُصُونَ
Transliteration waqālū law shāa l-raḥmānu mā ʿabadnāhum mā lahum bidhālika min ʿil'min in hum illā yakhruṣūna
Tagalog Nagsabi sila: "Kung sakaling niloob ng Napakamaawain ay hindi sana kami sumamba sa kanila." Walang ukol sa kanila hinggil doon na anumang kaalaman. Walang iba sila kundi nagsasapantaha.
Verse 21
أَمْ ءَاتَيْنَـٰهُمْ كِتَـٰبًا مِّن قَبْلِهِۦ فَهُم بِهِۦ مُسْتَمْسِكُونَ
Transliteration am ātaynāhum kitāban min qablihi fahum bihi mus'tamsikūna
Tagalog O nagbigay Kami sa kanila ng isang aklat bago pa nito kaya sila roon ay mga kumakapit?
Verse 22
بَلْ قَالُوٓا۟ إِنَّا وَجَدْنَآ ءَابَآءَنَا عَلَىٰٓ أُمَّةٍ وَإِنَّا عَلَىٰٓ ءَاثَـٰرِهِم مُّهْتَدُونَ
Transliteration bal qālū innā wajadnā ābāanā ʿalā ummatin wa-innā ʿalā āthārihim muh'tadūna
Tagalog Bagkus nagsabi sila: "Tunay kami ay nakatagpo sa mga magulang namin sa isang paniniwala, at tunay na kami sa mga bakas nila ay mga napapatnubayan."
Verse 23
وَكَذَٰلِكَ مَآ أَرْسَلْنَا مِن قَبْلِكَ فِى قَرْيَةٍ مِّن نَّذِيرٍ إِلَّا قَالَ مُتْرَفُوهَآ إِنَّا وَجَدْنَآ ءَابَآءَنَا عَلَىٰٓ أُمَّةٍ وَإِنَّا عَلَىٰٓ ءَاثَـٰرِهِم مُّقْتَدُونَ
Transliteration wakadhālika mā arsalnā min qablika fī qaryatin min nadhīrin illā qāla mut'rafūhā innā wajadnā ābāanā ʿalā ummatin wa-innā ʿalā āthārihim muq'tadūna
Tagalog Gaya niyon, hindi Kami nagsugo bago mo pa sa isang pamayanan ng anumang mapagbabala malibang nagsabi ang mga pinariwasa roon: "Tunay na kami ay nakatagpo sa mga magulang namin sa isang paniniwala, at tunay na kami sa mga bakas nila ay mga tumutulad."
Verse 24
۞ قَـٰلَ أَوَلَوْ جِئْتُكُم بِأَهْدَىٰ مِمَّا وَجَدتُّمْ عَلَيْهِ ءَابَآءَكُمْ ۖ قَالُوٓا۟ إِنَّا بِمَآ أُرْسِلْتُم بِهِۦ كَـٰفِرُونَ
Transliteration qāla awalaw ji'tukum bi-ahdā mimmā wajadttum ʿalayhi ābāakum qālū innā bimā ur'sil'tum bihi kāfirūna
Tagalog Nagsabi [ang sugo sa kanila]: "Kahit pa ba naghatid ako sa inyo ng higit na patnubay kaysa sa natagpuan ninyo sa mga magulang ninyo?" Nagsabi sila: "Tunay na kami sa ipinasugo sa inyo ay mga tagatangging sumampalataya."
Verse 25
فَٱنتَقَمْنَا مِنْهُمْ ۖ فَٱنظُرْ كَيْفَ كَانَ عَـٰقِبَةُ ٱلْمُكَذِّبِينَ
Transliteration fa-intaqamnā min'hum fa-unẓur kayfa kāna ʿāqibatu l-mukadhibīna
Tagalog Kaya naghiganti Kami sa kanila. Kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagapagpasinungaling.
Verse 26
وَإِذْ قَالَ إِبْرَٰهِيمُ لِأَبِيهِ وَقَوْمِهِۦٓ إِنَّنِى بَرَآءٌ مِّمَّا تَعْبُدُونَ
Transliteration wa-idh qāla ib'rāhīmu li-abīhi waqawmihi innanī barāon mimmā taʿbudūna
Tagalog [Banggitin] noong nagsabi si Abraham sa ama niya at mga kababayan niya: "Tunay na ako ay walang-kaugnayan sa anumang sinasamba ninyo,
Verse 27
إِلَّا ٱلَّذِى فَطَرَنِى فَإِنَّهُۥ سَيَهْدِينِ
Transliteration illā alladhī faṭaranī fa-innahu sayahdīni
Tagalog maliban sa lumalang sa akin sapagkat tunay na Siya ay magpapatnubay sa akin."
Verse 28
وَجَعَلَهَا كَلِمَةًۢ بَاقِيَةً فِى عَقِبِهِۦ لَعَلَّهُمْ يَرْجِعُونَ
Transliteration wajaʿalahā kalimatan bāqiyatan fī ʿaqibihi laʿallahum yarjiʿūna
Tagalog Gumawa siya rito bilang pangungusap na mananatili sa mga inapo niya nang sa gayon sila ay babalik.
Verse 29
بَلْ مَتَّعْتُ هَـٰٓؤُلَآءِ وَءَابَآءَهُمْ حَتَّىٰ جَآءَهُمُ ٱلْحَقُّ وَرَسُولٌ مُّبِينٌ
Transliteration bal mattaʿtu hāulāi waābāahum ḥattā jāahumu l-ḥaqu warasūlun mubīnun
Tagalog Bagkus nagpatamasa Ako sa mga ito at mga magulang nila hanggang sa dumating sa kanila ang katotohanan at isang sugong malinaw.
Verse 30
وَلَمَّا جَآءَهُمُ ٱلْحَقُّ قَالُوا۟ هَـٰذَا سِحْرٌ وَإِنَّا بِهِۦ كَـٰفِرُونَ
Transliteration walammā jāahumu l-ḥaqu qālū hādhā siḥ'run wa-innā bihi kāfirūna
Tagalog Noong dumating sa kanila ang katotohanan ay nagsabi sila: "Ito ay panggagaway at tunay na kami rito ay mga tagatangging sumampalataya."
Verse 31
وَقَالُوا۟ لَوْلَا نُزِّلَ هَـٰذَا ٱلْقُرْءَانُ عَلَىٰ رَجُلٍ مِّنَ ٱلْقَرْيَتَيْنِ عَظِيمٍ
Transliteration waqālū lawlā nuzzila hādhā l-qur'ānu ʿalā rajulin mina l-qaryatayni ʿaẓīmin
Tagalog Nagsabi sila: "Bakit kasi hindi ibinaba ang Qur’ān na ito sa isang lalaking, mula sa dalawang pamayanan, na dakila."
Verse 32
أَهُمْ يَقْسِمُونَ رَحْمَتَ رَبِّكَ ۚ نَحْنُ قَسَمْنَا بَيْنَهُم مَّعِيشَتَهُمْ فِى ٱلْحَيَوٰةِ ٱلدُّنْيَا ۚ وَرَفَعْنَا بَعْضَهُمْ فَوْقَ بَعْضٍ دَرَجَـٰتٍ لِّيَتَّخِذَ بَعْضُهُم بَعْضًا سُخْرِيًّا ۗ وَرَحْمَتُ رَبِّكَ خَيْرٌ مِّمَّا يَجْمَعُونَ
Transliteration ahum yaqsimūna raḥmata rabbika naḥnu qasamnā baynahum maʿīshatahum fī l-ḥayati l-dun'yā warafaʿnā baʿḍahum fawqa baʿḍin darajātin liyattakhidha baʿḍuhum baʿḍan sukh'riyyan waraḥmatu rabbika khayrun mimmā yajmaʿūna
Tagalog Sila ba ay namamahagi ng awa ng Panginoon mo? Kami ay namamahagi sa pagitan nila ng kabuhayan nila sa buhay na pangmundo. Nag-angat Kami sa iba sa kanila higit sa iba pa sa mga antas upang gumamit ang iba sa kanila sa iba pa sa pagsisilbi. Ang awa ng Panginoon mo ay higit na mabuti kaysa sa anumang tinitipon nila.
Verse 33
وَلَوْلَآ أَن يَكُونَ ٱلنَّاسُ أُمَّةً وَٰحِدَةً لَّجَعَلْنَا لِمَن يَكْفُرُ بِٱلرَّحْمَـٰنِ لِبُيُوتِهِمْ سُقُفًا مِّن فِضَّةٍ وَمَعَارِجَ عَلَيْهَا يَظْهَرُونَ
Transliteration walawlā an yakūna l-nāsu ummatan wāḥidatan lajaʿalnā liman yakfuru bil-raḥmāni libuyūtihim suqufan min fiḍḍatin wamaʿārija ʿalayhā yaẓharūna
Tagalog Kung hindi dahil sa ang mga tao ay magiging nag-iisang kalipunan [sa kawalang-pananampalataya] ay talaga sanang gumawa para sa sinumang tumatangging sumampalataya sa Napakamaawain para sa mga bahay nila ng mga bubong na pilak at mga hagdanan, na sa mga ito papaibabaw sila,
Verse 34
وَلِبُيُوتِهِمْ أَبْوَٰبًا وَسُرُرًا عَلَيْهَا يَتَّكِـُٔونَ
Transliteration walibuyūtihim abwāban wasururan ʿalayhā yattakiūna
Tagalog at para sa mga bahay nila ng mga pinto, mga kama na sa mga ito sasandal sila,
Verse 35
وَزُخْرُفًا ۚ وَإِن كُلُّ ذَٰلِكَ لَمَّا مَتَـٰعُ ٱلْحَيَوٰةِ ٱلدُّنْيَا ۚ وَٱلْـَٔاخِرَةُ عِندَ رَبِّكَ لِلْمُتَّقِينَ
Transliteration wazukh'rufan wa-in kullu dhālika lammā matāʿu l-ḥayati l-dun'yā wal-ākhiratu ʿinda rabbika lil'muttaqīna
Tagalog at palamuting ginto. Walang iba ang lahat ng iyon kundi natatamasa sa buhay na pangmundo. Ang Kabilang-buhay sa ganang Panginoon mo ay para sa mga tagapangilag magkasala.
Verse 36
وَمَن يَعْشُ عَن ذِكْرِ ٱلرَّحْمَـٰنِ نُقَيِّضْ لَهُۥ شَيْطَـٰنًا فَهُوَ لَهُۥ قَرِينٌ
Transliteration waman yaʿshu ʿan dhik'ri l-raḥmāni nuqayyiḍ lahu shayṭānan fahuwa lahu qarīnun
Tagalog Ang sinumang nabubulagan sa pag-alaala sa Napakamaawain ay magtatalaga para sa kanya ng isang demonyo, kaya ito para sa kanya ay isang kapisan.
Verse 37
وَإِنَّهُمْ لَيَصُدُّونَهُمْ عَنِ ٱلسَّبِيلِ وَيَحْسَبُونَ أَنَّهُم مُّهْتَدُونَ
Transliteration wa-innahum layaṣuddūnahum ʿani l-sabīli wayaḥsabūna annahum muh'tadūna
Tagalog Tunay na ang mga ito ay talagang sumasagabal sa kanila sa landas habang nag-aakala sila na sila ay mga napapatnubayan
Verse 38
حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءَنَا قَالَ يَـٰلَيْتَ بَيْنِى وَبَيْنَكَ بُعْدَ ٱلْمَشْرِقَيْنِ فَبِئْسَ ٱلْقَرِينُ
Transliteration ḥattā idhā jāanā qāla yālayta baynī wabaynaka buʿ'da l-mashriqayni fabi'sa l-qarīnu
Tagalog hanggang sa, kapag dumating siya sa Amin, ay magsasabi siya: "O kung sana sa pagitan ko at pagitan mo ay layo ng dalawang silangan sapagkat kay saklap ang kapisan!"
Verse 39
وَلَن يَنفَعَكُمُ ٱلْيَوْمَ إِذ ظَّلَمْتُمْ أَنَّكُمْ فِى ٱلْعَذَابِ مُشْتَرِكُونَ
Transliteration walan yanfaʿakumu l-yawma idh ẓalamtum annakum fī l-ʿadhābi mush'tarikūna
Tagalog Hindi magpapakinabang sa inyo sa Araw na iyon kapag lumabag kayo sa katarungan na kayo sa pagdurusa ay mga magkalahok.
Verse 40
أَفَأَنتَ تُسْمِعُ ٱلصُّمَّ أَوْ تَهْدِى ٱلْعُمْىَ وَمَن كَانَ فِى ضَلَـٰلٍ مُّبِينٍ
Transliteration afa-anta tus'miʿu l-ṣuma aw tahdī l-ʿum'ya waman kāna fī ḍalālin mubīnin
Tagalog Kaya ikaw ba ay nagpaparinig sa mga bingi o nagpapatnubay sa mga bulag at sinumang naging nasa isang pagkaligaw na malinaw?
Verse 41
فَإِمَّا نَذْهَبَنَّ بِكَ فَإِنَّا مِنْهُم مُّنتَقِمُونَ
Transliteration fa-immā nadhhabanna bika fa-innā min'hum muntaqimūna
Tagalog Kaya alin sa dalawa: mag-aalis nga Kami sa iyo saka tunay na Kami sa kanila ay maghihiganti,
Verse 42
أَوْ نُرِيَنَّكَ ٱلَّذِى وَعَدْنَـٰهُمْ فَإِنَّا عَلَيْهِم مُّقْتَدِرُونَ
Transliteration aw nuriyannaka alladhī waʿadnāhum fa-innā ʿalayhim muq'tadirūna
Tagalog o magpapakita nga Kami sa iyo ng ipinangako Namin sa kanila saka tunay na Kami sa kanila ay nakakakaya.
Verse 43
فَٱسْتَمْسِكْ بِٱلَّذِىٓ أُوحِىَ إِلَيْكَ ۖ إِنَّكَ عَلَىٰ صِرَٰطٍ مُّسْتَقِيمٍ
Transliteration fa-is'tamsik bi-alladhī ūḥiya ilayka innaka ʿalā ṣirāṭin mus'taqīmin
Tagalog Kaya mangunyapit ka sa ikinasi sa iyo; tunay na ikaw ay nasa isang landasing tuwid.
Verse 44
وَإِنَّهُۥ لَذِكْرٌ لَّكَ وَلِقَوْمِكَ ۖ وَسَوْفَ تُسْـَٔلُونَ
Transliteration wa-innahu ladhik'run laka waliqawmika wasawfa tus'alūna
Tagalog Tunay na ito ay talagang isang pagbanggit para sa iyo at para sa mga kababayan mo, at tatanungin kayo.
Verse 45
وَسْـَٔلْ مَنْ أَرْسَلْنَا مِن قَبْلِكَ مِن رُّسُلِنَآ أَجَعَلْنَا مِن دُونِ ٱلرَّحْمَـٰنِ ءَالِهَةً يُعْبَدُونَ
Transliteration wasal man arsalnā min qablika min rusulinā ajaʿalnā min dūni l-raḥmāni ālihatan yuʿ'badūna
Tagalog Magtanong ka sa mga isinugo Namin bago mo pa kabilang sa mga sugo Namin kung nagtalaga ba Kami bukod pa sa Napakamaawain ng mga diyos na sasambahin?
Verse 46
وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا مُوسَىٰ بِـَٔايَـٰتِنَآ إِلَىٰ فِرْعَوْنَ وَمَلَإِي۟هِۦ فَقَالَ إِنِّى رَسُولُ رَبِّ ٱلْعَـٰلَمِينَ
Transliteration walaqad arsalnā mūsā biāyātinā ilā fir'ʿawna wamala-ihi faqāla innī rasūlu rabbi l-ʿālamīna
Tagalog Talaga ngang nagsugo Kami kay Moises, kalakip ng mga tanda Namin, kay Paraon at sa konseho nito kaya nagsabi siya: "Tunay na ako ay sugo ng Panginoon ng mga nilalang."
Verse 47
فَلَمَّا جَآءَهُم بِـَٔايَـٰتِنَآ إِذَا هُم مِّنْهَا يَضْحَكُونَ
Transliteration falammā jāahum biāyātinā idhā hum min'hā yaḍḥakūna
Tagalog Ngunit noong naghatid siya sa kanila ng mga tanda Namin, biglang sila sa mga ito ay tumatawa.
Verse 48
وَمَا نُرِيهِم مِّنْ ءَايَةٍ إِلَّا هِىَ أَكْبَرُ مِنْ أُخْتِهَا ۖ وَأَخَذْنَـٰهُم بِٱلْعَذَابِ لَعَلَّهُمْ يَرْجِعُونَ
Transliteration wamā nurīhim min āyatin illā hiya akbaru min ukh'tihā wa-akhadhnāhum bil-ʿadhābi laʿallahum yarjiʿūna
Tagalog Hindi Kami nagpapakita sa kanila ng anumang tanda malibang ito ay higit na malaki kaysa sa nauna ito. Nagpataw Kami sa kanila ng pagdurusa nang sa gayon sila ay babalik.
Verse 49
وَقَالُوا۟ يَـٰٓأَيُّهَ ٱلسَّاحِرُ ٱدْعُ لَنَا رَبَّكَ بِمَا عَهِدَ عِندَكَ إِنَّنَا لَمُهْتَدُونَ
Transliteration waqālū yāayyuha l-sāḥiru ud'ʿu lanā rabbaka bimā ʿahida ʿindaka innanā lamuh'tadūna
Tagalog Nagsabi sila: "O manggagaway, dumalangin ka para sa amin sa Panginoon mo ng itinipan Niya sa piling mo; tunay na kami ay talagang mga mapapatnubayan."
Verse 50
فَلَمَّا كَشَفْنَا عَنْهُمُ ٱلْعَذَابَ إِذَا هُمْ يَنكُثُونَ
Transliteration falammā kashafnā ʿanhumu l-ʿadhāba idhā hum yankuthūna
Tagalog Ngunit noong pumawi Kami sa kanila ng pagdurusa, biglang sila ay sumisira [sa usapan].
Verse 51
وَنَادَىٰ فِرْعَوْنُ فِى قَوْمِهِۦ قَالَ يَـٰقَوْمِ أَلَيْسَ لِى مُلْكُ مِصْرَ وَهَـٰذِهِ ٱلْأَنْهَـٰرُ تَجْرِى مِن تَحْتِىٓ ۖ أَفَلَا تُبْصِرُونَ
Transliteration wanādā fir'ʿawnu fī qawmihi qāla yāqawmi alaysa lī mul'ku miṣ'ra wahādhihi l-anhāru tajrī min taḥtī afalā tub'ṣirūna
Tagalog Nanawagan si Paraon sa mga tao niya. Nagsabi siya: "O mga tao ko, hindi ba sa akin ang paghahari sa Ehipto habang ang mga ilog na ito ay dumadaloy mula sa ilalim ko? Kaya hindi ba kayo nakakikita?
Verse 52
أَمْ أَنَا۠ خَيْرٌ مِّنْ هَـٰذَا ٱلَّذِى هُوَ مَهِينٌ وَلَا يَكَادُ يُبِينُ
Transliteration am anā khayrun min hādhā alladhī huwa mahīnun walā yakādu yubīnu
Tagalog O ako ba ay higit na mabuti kaysa rito na siyang hamak na hindi halos nakapaglilinaw?
Verse 53
فَلَوْلَآ أُلْقِىَ عَلَيْهِ أَسْوِرَةٌ مِّن ذَهَبٍ أَوْ جَآءَ مَعَهُ ٱلْمَلَـٰٓئِكَةُ مُقْتَرِنِينَ
Transliteration falawlā ul'qiya ʿalayhi aswiratun min dhahabin aw jāa maʿahu l-malāikatu muq'tarinīna
Tagalog Kaya bakit hindi nag-ukol sa kanya ng mga pulseras na ginto o dumating kasama sa kanya ang mga anghel na mga magkakapisan?"
Verse 54
فَٱسْتَخَفَّ قَوْمَهُۥ فَأَطَاعُوهُ ۚ إِنَّهُمْ كَانُوا۟ قَوْمًا فَـٰسِقِينَ
Transliteration fa-is'takhaffa qawmahu fa-aṭāʿūhu innahum kānū qawman fāsiqīna
Tagalog Kaya nanloko siya sa mga tao niya saka tumalima naman sila sa kanya. Tunay na sila ay dating mga taong suwail.
Verse 55
فَلَمَّآ ءَاسَفُونَا ٱنتَقَمْنَا مِنْهُمْ فَأَغْرَقْنَـٰهُمْ أَجْمَعِينَ
Transliteration falammā āsafūnā intaqamnā min'hum fa-aghraqnāhum ajmaʿīna
Tagalog Kaya noong nang-inis sila sa Amin ay naghiganti Kami sa kanila saka lumunod Kami sa kanila nang magkakasama.
Verse 56
فَجَعَلْنَـٰهُمْ سَلَفًا وَمَثَلًا لِّلْـَٔاخِرِينَ
Transliteration fajaʿalnāhum salafan wamathalan lil'ākhirīna
Tagalog Kaya gumawa Kami sa kanila ng isang pagpapauna at isang paghahalintulad para sa mga huli.
Verse 57
۞ وَلَمَّا ضُرِبَ ٱبْنُ مَرْيَمَ مَثَلًا إِذَا قَوْمُكَ مِنْهُ يَصِدُّونَ
Transliteration walammā ḍuriba ub'nu maryama mathalan idhā qawmuka min'hu yaṣiddūna
Tagalog Noong inilahad ang anak ni Maria bilang paghahalintulad, biglang ang mga kababayan mo sa kanya ay naghiyawan.
Verse 58
وَقَالُوٓا۟ ءَأَـٰلِهَتُنَا خَيْرٌ أَمْ هُوَ ۚ مَا ضَرَبُوهُ لَكَ إِلَّا جَدَلًۢا ۚ بَلْ هُمْ قَوْمٌ خَصِمُونَ
Transliteration waqālū aālihatunā khayrun am huwa mā ḍarabūhu laka illā jadalan bal hum qawmun khaṣimūna
Tagalog Nagsabi sila: "Ang mga diyos namin ba ay higit na mabuti o siya?" Hindi sila naglahad nito para sa iyo kundi bilang pakikipagtalo. Bagkus sila ay mga taong palaalitan.
Verse 59
إِنْ هُوَ إِلَّا عَبْدٌ أَنْعَمْنَا عَلَيْهِ وَجَعَلْنَـٰهُ مَثَلًا لِّبَنِىٓ إِسْرَٰٓءِيلَ
Transliteration in huwa illā ʿabdun anʿamnā ʿalayhi wajaʿalnāhu mathalan libanī is'rāīla
Tagalog Walang iba siya kundi isang lingkod na nagbiyaya Kami sa kanya at gumawa Kami sa kanya bilang paghahalintulad para sa mga anak ni Israel.
Verse 60
وَلَوْ نَشَآءُ لَجَعَلْنَا مِنكُم مَّلَـٰٓئِكَةً فِى ٱلْأَرْضِ يَخْلُفُونَ
Transliteration walaw nashāu lajaʿalnā minkum malāikatan fī l-arḍi yakhlufūna
Tagalog Kung sakaling loloobin Namin ay talaga sanang gumawa Kami [sa halip] sa inyo ng mga anghel sa lupa na maghahalilihan.
Verse 61
وَإِنَّهُۥ لَعِلْمٌ لِّلسَّاعَةِ فَلَا تَمْتَرُنَّ بِهَا وَٱتَّبِعُونِ ۚ هَـٰذَا صِرَٰطٌ مُّسْتَقِيمٌ
Transliteration wa-innahu laʿil'mun lilssāʿati falā tamtarunna bihā wa-ittabiʿūni hādhā ṣirāṭun mus'taqīmun
Tagalog Tunay na si Jesus ay talagang kaalaman sa Huling Sandali kaya huwag nga kayong mag-aalinlangan doon at sumunod kayo sa akin. Ito ay isang landasing tuwid.
Verse 62
وَلَا يَصُدَّنَّكُمُ ٱلشَّيْطَـٰنُ ۖ إِنَّهُۥ لَكُمْ عَدُوٌّ مُّبِينٌ
Transliteration walā yaṣuddannakumu l-shayṭānu innahu lakum ʿaduwwun mubīnun
Tagalog Huwag ngang sasagabal sa inyo ang demonyo; tunay na siya para sa inyo ay isang kaaway na malinaw.
Verse 63
وَلَمَّا جَآءَ عِيسَىٰ بِٱلْبَيِّنَـٰتِ قَالَ قَدْ جِئْتُكُم بِٱلْحِكْمَةِ وَلِأُبَيِّنَ لَكُم بَعْضَ ٱلَّذِى تَخْتَلِفُونَ فِيهِ ۖ فَٱتَّقُوا۟ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ
Transliteration walammā jāa ʿīsā bil-bayināti qāla qad ji'tukum bil-ḥik'mati wali-ubayyina lakum baʿḍa alladhī takhtalifūna fīhi fa-ittaqū l-laha wa-aṭīʿūni
Tagalog Noong naghatid si Jesus ng mga malinaw na patunay ay nagsabi siya: "Naghatid nga ako sa inyo ng karunungan at upang maglinaw ako para sa inyo ng ilan sa nagkakaiba-iba kayo hinggil doon. Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.
Verse 64
إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ رَبِّى وَرَبُّكُمْ فَٱعْبُدُوهُ ۚ هَـٰذَا صِرَٰطٌ مُّسْتَقِيمٌ
Transliteration inna l-laha huwa rabbī warabbukum fa-uʿ'budūhu hādhā ṣirāṭun mus'taqīmun
Tagalog Tunay na si Allāh ay Panginoon ko at Panginoon ninyo kaya sumamba kayo sa Kanya. Ito ay landasing tuwid."
Verse 65
فَٱخْتَلَفَ ٱلْأَحْزَابُ مِنۢ بَيْنِهِمْ ۖ فَوَيْلٌ لِّلَّذِينَ ظَلَمُوا۟ مِنْ عَذَابِ يَوْمٍ أَلِيمٍ
Transliteration fa-ikh'talafa l-aḥzābu min baynihim fawaylun lilladhīna ẓalamū min ʿadhābi yawmin alīmin
Tagalog Ngunit nagkaiba-iba ang mga lapian mula sa gitna nila, kaya kapighatian ay ukol sa mga lumabag sa katarungan mula sa isang pagdurusa sa isang Araw na masakit.
Verse 66
هَلْ يَنظُرُونَ إِلَّا ٱلسَّاعَةَ أَن تَأْتِيَهُم بَغْتَةً وَهُمْ لَا يَشْعُرُونَ
Transliteration hal yanẓurūna illā l-sāʿata an tatiyahum baghtatan wahum lā yashʿurūna
Tagalog Naghihintay kaya sila maliban ng Huling Sandali, na sumapit ito sa kanila nang biglaan habang sila ay hindi nakararamdam?
Verse 67
ٱلْأَخِلَّآءُ يَوْمَئِذٍۭ بَعْضُهُمْ لِبَعْضٍ عَدُوٌّ إِلَّا ٱلْمُتَّقِينَ
Transliteration al-akhilāu yawma-idhin baʿḍuhum libaʿḍin ʿaduwwun illā l-mutaqīna
Tagalog Ang mga matalik na magkaibigan, sa Araw na iyon, ang iba sa kanila para sa iba pa ay kaaway, maliban sa mga tagapangilag magkasala.
Verse 68
يَـٰعِبَادِ لَا خَوْفٌ عَلَيْكُمُ ٱلْيَوْمَ وَلَآ أَنتُمْ تَحْزَنُونَ
Transliteration yāʿibādi lā khawfun ʿalaykumu l-yawma walā antum taḥzanūna
Tagalog O mga lingkod Ko, walang pangamba sa inyo sa Araw na iyon at kayo ay hindi malulungkot.
Verse 69
ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ بِـَٔايَـٰتِنَا وَكَانُوا۟ مُسْلِمِينَ
Transliteration alladhīna āmanū biāyātinā wakānū mus'limīna
Tagalog [Sila ay] ang mga sumampalataya sa mga tanda Namin at sila noon ay mga tagapagpasakop.
Verse 70
ٱدْخُلُوا۟ ٱلْجَنَّةَ أَنتُمْ وَأَزْوَٰجُكُمْ تُحْبَرُونَ
Transliteration ud'khulū l-janata antum wa-azwājukum tuḥ'barūna
Tagalog Pumasok kayo sa Paraiso habang kayo at ang mga kabiyak ninyo ay pinagagalak.
Verse 71
يُطَافُ عَلَيْهِم بِصِحَافٍ مِّن ذَهَبٍ وَأَكْوَابٍ ۖ وَفِيهَا مَا تَشْتَهِيهِ ٱلْأَنفُسُ وَتَلَذُّ ٱلْأَعْيُنُ ۖ وَأَنتُمْ فِيهَا خَـٰلِدُونَ
Transliteration yuṭāfu ʿalayhim biṣiḥāfin min dhahabin wa-akwābin wafīhā mā tashtahīhi l-anfusu wataladhu l-aʿyunu wa-antum fīhā khālidūna
Tagalog Magpapalibot sa kanila ng mga platong yari sa ginto at mga baso. Naroon ang ninanasa ng mga sarili at minamasarap ng mga mata habang kayo roon ay mga mananatili.
Verse 72
وَتِلْكَ ٱلْجَنَّةُ ٱلَّتِىٓ أُورِثْتُمُوهَا بِمَا كُنتُمْ تَعْمَلُونَ
Transliteration watil'ka l-janatu allatī ūrith'tumūhā bimā kuntum taʿmalūna
Tagalog Iyon ay ang Hardin na ipinamana sa inyo dahil sa dati ninyong ginagawa.
Verse 73
لَكُمْ فِيهَا فَـٰكِهَةٌ كَثِيرَةٌ مِّنْهَا تَأْكُلُونَ
Transliteration lakum fīhā fākihatun kathīratun min'hā takulūna
Tagalog Para sa inyo roon ay bungang-kahoy na marami at mula sa mga ito ay kakain kayo.
Verse 74
إِنَّ ٱلْمُجْرِمِينَ فِى عَذَابِ جَهَنَّمَ خَـٰلِدُونَ
Transliteration inna l-muj'rimīna fī ʿadhābi jahannama khālidūna
Tagalog Tunay na ang mga salarin sa pagdurusa sa Impiyerno ay mga mananatili.
Verse 75
لَا يُفَتَّرُ عَنْهُمْ وَهُمْ فِيهِ مُبْلِسُونَ
Transliteration lā yufattaru ʿanhum wahum fīhi mub'lisūna
Tagalog Hindi pahuhupain ito para sa kanila, habang sila roon ay mga nalulumbay.
Verse 76
وَمَا ظَلَمْنَـٰهُمْ وَلَـٰكِن كَانُوا۟ هُمُ ٱلظَّـٰلِمِينَ
Transliteration wamā ẓalamnāhum walākin kānū humu l-ẓālimīna
Tagalog Hindi Kami lumabag sa katarungan sa kanila subalit sila dati ay ang mga tagalabag sa katarungan.
Verse 77
وَنَادَوْا۟ يَـٰمَـٰلِكُ لِيَقْضِ عَلَيْنَا رَبُّكَ ۖ قَالَ إِنَّكُم مَّـٰكِثُونَ
Transliteration wanādaw yāmāliku liyaqḍi ʿalaynā rabbuka qāla innakum mākithūna
Tagalog Mananawagan sila: "O Mālik, magpawakas sa amin ang Panginoon mo." Magsasabi siya: "Tunay na kayo ay mga mamamalagi."
Verse 78
لَقَدْ جِئْنَـٰكُم بِٱلْحَقِّ وَلَـٰكِنَّ أَكْثَرَكُمْ لِلْحَقِّ كَـٰرِهُونَ
Transliteration laqad ji'nākum bil-ḥaqi walākinna aktharakum lil'ḥaqqi kārihūna
Tagalog Talaga ngang naghatid Kami sa inyo ng katotohanan subalit ang higit na marami sa inyo sa katotohanan ay mga nasusuklam.
Verse 79
أَمْ أَبْرَمُوٓا۟ أَمْرًا فَإِنَّا مُبْرِمُونَ
Transliteration am abramū amran fa-innā mub'rimūna
Tagalog O nagpatibay sila ng isang usapin sapagkat tunay na Kami ay tagapagpatibay?
Verse 80
أَمْ يَحْسَبُونَ أَنَّا لَا نَسْمَعُ سِرَّهُمْ وَنَجْوَىٰهُم ۚ بَلَىٰ وَرُسُلُنَا لَدَيْهِمْ يَكْتُبُونَ
Transliteration am yaḥsabūna annā lā nasmaʿu sirrahum wanajwāhum balā warusulunā ladayhim yaktubūna
Tagalog O nag-aakala sila na tunay na Kami ay hindi nakaririnig ng lihim nila at pagsasarilinan nila? Bagkus [nakaririnig], at ang mga sugo Namin sa piling nila ay nagtatala.
Verse 81
قُلْ إِن كَانَ لِلرَّحْمَـٰنِ وَلَدٌ فَأَنَا۠ أَوَّلُ ٱلْعَـٰبِدِينَ
Transliteration qul in kāna lilrraḥmāni waladun fa-anā awwalu l-ʿābidīna
Tagalog Sabihin mo: "Kung nagkaroon ang Napakamaawain ng isang anak, ako ay ang una sa mga tagasamba."
Verse 82
سُبْحَـٰنَ رَبِّ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ رَبِّ ٱلْعَرْشِ عَمَّا يَصِفُونَ
Transliteration sub'ḥāna rabbi l-samāwāti wal-arḍi rabbi l-ʿarshi ʿammā yaṣifūna
Tagalog Kaluwalhatian sa Panginoon ng mga langit at lupa, Panginoon ng Trono, higit sa inilalarawan nila.
Verse 83
فَذَرْهُمْ يَخُوضُوا۟ وَيَلْعَبُوا۟ حَتَّىٰ يُلَـٰقُوا۟ يَوْمَهُمُ ٱلَّذِى يُوعَدُونَ
Transliteration fadharhum yakhūḍū wayalʿabū ḥattā yulāqū yawmahumu alladhī yūʿadūna
Tagalog Kaya hayaan mo silang sumuong [sa kabulaanan] at maglaro hanggang sa makipagkita sila sa araw nilang ipinangangako sa kanila.
Verse 84
وَهُوَ ٱلَّذِى فِى ٱلسَّمَآءِ إِلَـٰهٌ وَفِى ٱلْأَرْضِ إِلَـٰهٌ ۚ وَهُوَ ٱلْحَكِيمُ ٱلْعَلِيمُ
Transliteration wahuwa alladhī fī l-samāi ilāhun wafī l-arḍi ilāhun wahuwa l-ḥakīmu l-ʿalīmu
Tagalog Siya ang sa langit ay Diyos at sa lupa ay Diyos. Siya ay ang Marunong, ang Maalam.
Verse 85
وَتَبَارَكَ ٱلَّذِى لَهُۥ مُلْكُ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا وَعِندَهُۥ عِلْمُ ٱلسَّاعَةِ وَإِلَيْهِ تُرْجَعُونَ
Transliteration watabāraka alladhī lahu mul'ku l-samāwāti wal-arḍi wamā baynahumā waʿindahu ʿil'mu l-sāʿati wa-ilayhi tur'jaʿūna
Tagalog Mapagpala ang sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito. Nasa Kanya ang kaalaman sa Huling Sandali at tungo sa Kanya pababalikin kayo.
Verse 86
وَلَا يَمْلِكُ ٱلَّذِينَ يَدْعُونَ مِن دُونِهِ ٱلشَّفَـٰعَةَ إِلَّا مَن شَهِدَ بِٱلْحَقِّ وَهُمْ يَعْلَمُونَ
Transliteration walā yamliku alladhīna yadʿūna min dūnihi l-shafāʿata illā man shahida bil-ḥaqi wahum yaʿlamūna
Tagalog Hindi nakapagdudulot ang mga dinadalanginan nila bukod pa sa Kanya ng pamamagitan maliban sa mga sumaksi sa katotohanan habang sila ay nakaaalam.
Verse 87
وَلَئِن سَأَلْتَهُم مَّنْ خَلَقَهُمْ لَيَقُولُنَّ ٱللَّهُ ۖ فَأَنَّىٰ يُؤْفَكُونَ
Transliteration wala-in sa-altahum man khalaqahum layaqūlunna l-lahu fa-annā yu'fakūna
Tagalog Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang lumikha sa kanila ay talagang magsasabi nga silang si Allāh. Kaya paanong nalilinlang sila?
Verse 88
وَقِيلِهِۦ يَـٰرَبِّ إِنَّ هَـٰٓؤُلَآءِ قَوْمٌ لَّا يُؤْمِنُونَ
Transliteration waqīlihi yārabbi inna hāulāi qawmun lā yu'minūna
Tagalog [Kumikilala si Allāh] sa sabi niya: "O Panginoon ko, tunay na ang mga ito ay mga taong hindi sumasampalataya."
Verse 89
فَٱصْفَحْ عَنْهُمْ وَقُلْ سَلَـٰمٌ ۚ فَسَوْفَ يَعْلَمُونَ
Transliteration fa-iṣ'faḥ ʿanhum waqul salāmun fasawfa yaʿlamūna
Tagalog Kaya umiwas ka sa kanila at magsabi ka: "Kapayapaan!" sapagkat malalaman nila.
Read Surah Az-Zukhruf in another language
- English (word by word)
- Albanian
- Amazigh
- Amharic
- Assamese
- Azerbaijani
- Bambara
- Bangla
- Bosnian
- Bulgarian
- Chechen
- Chinese
- Czech
- Dari
- Dhivehi
- Dutch
- Finnish
- French
- German
- Gujarati
- Hausa
- Hebrew
- Hindi
- Indonesian
- Italian
- Japanese
- Kannada
- Kazakh
- Khmer
- Kinyarwanda
- Korean
- Kurdish
- Luganda
- Malay
- Malayalam
- Maranao
- Marathi
- Nepali
- Norwegian
- Oromo
- Pashto
- Persian
- Polish
- Portuguese
- Romanian
- Russian
- Sindhi
- Sinhala
- Somali
- Spanish
- Swahili
- Swedish
- Tajik
- Tamil
- Tatar
- Telugu
- Thai
- Turkish
- Ukrainian
- Urdu
- Uyghur
- Uzbek
- Vietnamese
- Yao
- Yoruba
All 114 surahs in Tagalog: the Qur’an in Tagalog.
Tagalog translation: Dar Al-Salam Center, from Quran.com. Transliteration: Quran.com. Recitation: Mishary Alafasy, from EveryAyah.com. MyDugsi is a learning aid, not a replacement for a qualified teacher.