MyDugsiStart learning

Surah Ash-Shuraa in Tagalog: translation and audio

Surah 42 · الشورى · The Consultation · 53 verses

Surah Ash-Shuraa verse by verse: the Arabic with a recitation you can repeat, the transliteration, and the Tagalog translation by Dar Al-Salam Center. For the meaning of every word, see Surah Ash-Shuraa word by word in English.

Verse 1

حمٓ

Transliteration hha-meem

Tagalog Ḥā. Mīm.

Verse 2

عٓسٓقٓ

Transliteration ain-seen-qaf

Tagalog `Ayn. Sīn. Qāf.

Verse 3

كَذَٰلِكَ يُوحِىٓ إِلَيْكَ وَإِلَى ٱلَّذِينَ مِن قَبْلِكَ ٱللَّهُ ٱلْعَزِيزُ ٱلْحَكِيمُ

Transliteration kadhālika yūḥī ilayka wa-ilā alladhīna min qablika l-lahu l-ʿazīzu l-ḥakīmu

Tagalog Gayon nagkakasi sa iyo at sa mga nauna pa sa iyo si Allāh, ang Makapangyarihan, ang Marunong.

Verse 4

لَهُۥ مَا فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَمَا فِى ٱلْأَرْضِ ۖ وَهُوَ ٱلْعَلِىُّ ٱلْعَظِيمُ

Transliteration lahu mā fī l-samāwāti wamā fī l-arḍi wahuwa l-ʿaliyu l-ʿaẓīmu

Tagalog Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Siya ay ang Mataas, ang Sukdulan.

Verse 5

تَكَادُ ٱلسَّمَـٰوَٰتُ يَتَفَطَّرْنَ مِن فَوْقِهِنَّ ۚ وَٱلْمَلَـٰٓئِكَةُ يُسَبِّحُونَ بِحَمْدِ رَبِّهِمْ وَيَسْتَغْفِرُونَ لِمَن فِى ٱلْأَرْضِ ۗ أَلَآ إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلْغَفُورُ ٱلرَّحِيمُ

Transliteration takādu l-samāwātu yatafaṭṭarna min fawqihinna wal-malāikatu yusabbiḥūna biḥamdi rabbihim wayastaghfirūna liman fī l-arḍi alā inna l-laha huwa l-ghafūru l-raḥīmu

Tagalog Halos ang mga langit ay nagkakabitak-bitak mula sa ibabaw ng mga ito samantalang ang mga anghel ay nagluluwalhati kalakip ng pagpupuri sa Panginoon nila at humihingi ng tawad para sa sinumang nasa lupa. Pansinin, tunay na si Allāh ay ang Mapagpatawad, ang Maawain.

Verse 6

وَٱلَّذِينَ ٱتَّخَذُوا۟ مِن دُونِهِۦٓ أَوْلِيَآءَ ٱللَّهُ حَفِيظٌ عَلَيْهِمْ وَمَآ أَنتَ عَلَيْهِم بِوَكِيلٍ

Transliteration wa-alladhīna ittakhadhū min dūnihi awliyāa l-lahu ḥafīẓun ʿalayhim wamā anta ʿalayhim biwakīlin

Tagalog Ang mga gumawa sa bukod pa sa Kanya bilang mga katangkilik, si Allāh ay Mapag-ingat sa kanila at ikaw sa kanila ay hindi isang pinananaligan.

Verse 7

وَكَذَٰلِكَ أَوْحَيْنَآ إِلَيْكَ قُرْءَانًا عَرَبِيًّا لِّتُنذِرَ أُمَّ ٱلْقُرَىٰ وَمَنْ حَوْلَهَا وَتُنذِرَ يَوْمَ ٱلْجَمْعِ لَا رَيْبَ فِيهِ ۚ فَرِيقٌ فِى ٱلْجَنَّةِ وَفَرِيقٌ فِى ٱلسَّعِيرِ

Transliteration wakadhālika awḥaynā ilayka qur'ānan ʿarabiyyan litundhira umma l-qurā waman ḥawlahā watundhira yawma l-jamʿi lā rayba fīhi farīqun fī l-janati wafarīqun fī l-saʿīri

Tagalog Gayon Kami nagkasi sa iyo ng isang Qur’ān na Arabe upang magbabala ka sa Ina ng mga Pamayanan at sinumang nasa paligid nito at magbabala ka ng Araw ng Pagtipon, na walang pag-aalinlangan hinggil doon. May isang pangkat sa Hardin at may isang pangkat sa Liyab.

Verse 8

وَلَوْ شَآءَ ٱللَّهُ لَجَعَلَهُمْ أُمَّةً وَٰحِدَةً وَلَـٰكِن يُدْخِلُ مَن يَشَآءُ فِى رَحْمَتِهِۦ ۚ وَٱلظَّـٰلِمُونَ مَا لَهُم مِّن وَلِىٍّ وَلَا نَصِيرٍ

Transliteration walaw shāa l-lahu lajaʿalahum ummatan wāḥidatan walākin yud'khilu man yashāu fī raḥmatihi wal-ẓālimūna mā lahum min waliyyin walā naṣīrin

Tagalog Kung sakaling niloob ni Allāh ay talaga sanang gumawa Siya sa kanila bilang nag-iisang kalipunan ,subalit nagpapapasok Siya sa sinumang niloob Niya sa awa Niya. Ang mga tagalabag sa katarungan ay walang ukol sa kanila na anumang katangkilik ni mapag-adya.

Verse 9

أَمِ ٱتَّخَذُوا۟ مِن دُونِهِۦٓ أَوْلِيَآءَ ۖ فَٱللَّهُ هُوَ ٱلْوَلِىُّ وَهُوَ يُحْىِ ٱلْمَوْتَىٰ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَىْءٍ قَدِيرٌ

Transliteration ami ittakhadhū min dūnihi awliyāa fal-lahu huwa l-waliyu wahuwa yuḥ'yī l-mawtā wahuwa ʿalā kulli shayin qadīrun

Tagalog O gumawa sila sa bukod pa sa Kanya ng mga katangkilik, gayong si Allāh ay ang Katangkilik. Siya ay ang nagbibigay-buhay sa mga patay. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.

Verse 10

وَمَا ٱخْتَلَفْتُمْ فِيهِ مِن شَىْءٍ فَحُكْمُهُۥٓ إِلَى ٱللَّهِ ۚ ذَٰلِكُمُ ٱللَّهُ رَبِّى عَلَيْهِ تَوَكَّلْتُ وَإِلَيْهِ أُنِيبُ

Transliteration wamā ikh'talaftum fīhi min shayin faḥuk'muhu ilā l-lahi dhālikumu l-lahu rabbī ʿalayhi tawakkaltu wa-ilayhi unību

Tagalog Ang anumang nagkaiba-iba kayo hinggil sa anumang bagay, ang kahatulan nito ay sa kay Allāh. Iyon ay si Allāh, ang Panginoon ko; sa Kanya ako nanalig at tungo sa Kanya ako nagsisising bumabalik.

Verse 11

فَاطِرُ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ ۚ جَعَلَ لَكُم مِّنْ أَنفُسِكُمْ أَزْوَٰجًا وَمِنَ ٱلْأَنْعَـٰمِ أَزْوَٰجًا ۖ يَذْرَؤُكُمْ فِيهِ ۚ لَيْسَ كَمِثْلِهِۦ شَىْءٌ ۖ وَهُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلْبَصِيرُ

Transliteration fāṭiru l-samāwāti wal-arḍi jaʿala lakum min anfusikum azwājan wamina l-anʿāmi azwājan yadhra-ukum fīhi laysa kamith'lihi shayon wahuwa l-samīʿu l-baṣīru

Tagalog Ang Tagalalang ng mga langit at lupa, gumawa Siya para sa inyo mula sa mga sarili ninyo ng mga kabiyak at mula sa mga hayupan ng mga kabiyak, na nagpaparami Siya sa inyo dahil doon. Walang katulad sa Kanya na anuman, at Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita.

Verse 12

لَهُۥ مَقَالِيدُ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ ۖ يَبْسُطُ ٱلرِّزْقَ لِمَن يَشَآءُ وَيَقْدِرُ ۚ إِنَّهُۥ بِكُلِّ شَىْءٍ عَلِيمٌ

Transliteration lahu maqālīdu l-samāwāti wal-arḍi yabsuṭu l-riz'qa liman yashāu wayaqdiru innahu bikulli shayin ʿalīmun

Tagalog Sa Kanya ang mga susi ng mga langit at lupa. Nagpapaluwag Siya ng panustos para sa sinumang niloloob Niya at naghihigpit Siya. Tunay na Siya sa bawat bagay ay Maalam.

Verse 13

۞ شَرَعَ لَكُم مِّنَ ٱلدِّينِ مَا وَصَّىٰ بِهِۦ نُوحًا وَٱلَّذِىٓ أَوْحَيْنَآ إِلَيْكَ وَمَا وَصَّيْنَا بِهِۦٓ إِبْرَٰهِيمَ وَمُوسَىٰ وَعِيسَىٰٓ ۖ أَنْ أَقِيمُوا۟ ٱلدِّينَ وَلَا تَتَفَرَّقُوا۟ فِيهِ ۚ كَبُرَ عَلَى ٱلْمُشْرِكِينَ مَا تَدْعُوهُمْ إِلَيْهِ ۚ ٱللَّهُ يَجْتَبِىٓ إِلَيْهِ مَن يَشَآءُ وَيَهْدِىٓ إِلَيْهِ مَن يُنِيبُ

Transliteration sharaʿa lakum mina l-dīni mā waṣṣā bihi nūḥan wa-alladhī awḥaynā ilayka wamā waṣṣaynā bihi ib'rāhīma wamūsā waʿīsā an aqīmū l-dīna walā tatafarraqū fīhi kabura ʿalā l-mush'rikīna mā tadʿūhum ilayhi l-lahu yajtabī ilayhi man yashāu wayahdī ilayhi man yunību

Tagalog Nagsabatas Siya para sa inyo mula sa relihiyon ng anumang itinagubilin Niya kay Noe, ng ikinasi sa iyo, at anumang itinagubilin kina Abraham, Moises, at Jesus, na [nagsasabi]: "Magpanatili kayo ng Relihiyon at huwag kayong magkahati-hati rito." Lumaki [sa bigat] sa mga tagapagtambal ang ipinaaanyaya mo sa kanila. Si Allāh ay humalal para sa Kanya ng sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay tungo sa Kanya ng sinumang nagsisising bumabalik.

Verse 14

وَمَا تَفَرَّقُوٓا۟ إِلَّا مِنۢ بَعْدِ مَا جَآءَهُمُ ٱلْعِلْمُ بَغْيًۢا بَيْنَهُمْ ۚ وَلَوْلَا كَلِمَةٌ سَبَقَتْ مِن رَّبِّكَ إِلَىٰٓ أَجَلٍ مُّسَمًّى لَّقُضِىَ بَيْنَهُمْ ۚ وَإِنَّ ٱلَّذِينَ أُورِثُوا۟ ٱلْكِتَـٰبَ مِنۢ بَعْدِهِمْ لَفِى شَكٍّ مِّنْهُ مُرِيبٍ

Transliteration wamā tafarraqū illā min baʿdi mā jāahumu l-ʿil'mu baghyan baynahum walawlā kalimatun sabaqat min rabbika ilā ajalin musamman laquḍiya baynahum wa-inna alladhīna ūrithū l-kitāba min baʿdihim lafī shakkin min'hu murībin

Tagalog Hindi sila nagkawatak-watak kundi nang matapos na dumating sa kanila ang kaalaman dala ng paglabag sa pagitan nila. Kung hindi dahil sa isang salitang nauna mula sa Panginoon mo hanggang sa isang taning na tinukoy ay talaga sanang humusga sa pagitan nila. Tunay na ang mga pinagmana ng kasulatan nang matapos nila ay talagang nasa isang pagdududa roon, na nag-aalinlangan.

Verse 15

فَلِذَٰلِكَ فَٱدْعُ ۖ وَٱسْتَقِمْ كَمَآ أُمِرْتَ ۖ وَلَا تَتَّبِعْ أَهْوَآءَهُمْ ۖ وَقُلْ ءَامَنتُ بِمَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ مِن كِتَـٰبٍ ۖ وَأُمِرْتُ لِأَعْدِلَ بَيْنَكُمُ ۖ ٱللَّهُ رَبُّنَا وَرَبُّكُمْ ۖ لَنَآ أَعْمَـٰلُنَا وَلَكُمْ أَعْمَـٰلُكُمْ ۖ لَا حُجَّةَ بَيْنَنَا وَبَيْنَكُمُ ۖ ٱللَّهُ يَجْمَعُ بَيْنَنَا ۖ وَإِلَيْهِ ٱلْمَصِيرُ

Transliteration falidhālika fa-ud'ʿu wa-is'taqim kamā umir'ta walā tattabiʿ ahwāahum waqul āmantu bimā anzala l-lahu min kitābin wa-umir'tu li-aʿdila baynakumu l-lahu rabbunā warabbukum lanā aʿmālunā walakum aʿmālukum lā ḥujjata baynanā wabaynakumu l-lahu yajmaʿu baynanā wa-ilayhi l-maṣīru

Tagalog Kaya para roon ay mag-anyaya ka, magpakatuwid ka gaya ng ipinag-utos sa iyo, huwag kang sumunod sa mga pithaya nila, at magsabi ka: "Sumampalataya ako sa pinababa ni Allāh na Aklat, at inutusan ako na magmakatarungan sa gitna ninyo. Si Allāh ay Panginoon namin at Panginoon ninyo. Ukol sa amin ang mga gawa namin at ukol sa inyo ang mga gawa ninyo. Walang katwiran sa pagitan namin at pagitan ninyo. Si Allāh ay kakalap sa pagitan natin. Tungo sa Kanya ang kahahantungan."

Verse 16

وَٱلَّذِينَ يُحَآجُّونَ فِى ٱللَّهِ مِنۢ بَعْدِ مَا ٱسْتُجِيبَ لَهُۥ حُجَّتُهُمْ دَاحِضَةٌ عِندَ رَبِّهِمْ وَعَلَيْهِمْ غَضَبٌ وَلَهُمْ عَذَابٌ شَدِيدٌ

Transliteration wa-alladhīna yuḥājjūna fī l-lahi min baʿdi mā us'tujība lahu ḥujjatuhum dāḥiḍatun ʿinda rabbihim waʿalayhim ghaḍabun walahum ʿadhābun shadīdun

Tagalog Ang mga nakikipangatwiran hinggil kay Allāh nang matapos na tinugon, ang katwiran nila ay walang-saysay sa ganang Panginoon mo. Sumakanila ay galit at ukol sa kanila ay isang pagdurusang matindi.

Verse 17

ٱللَّهُ ٱلَّذِىٓ أَنزَلَ ٱلْكِتَـٰبَ بِٱلْحَقِّ وَٱلْمِيزَانَ ۗ وَمَا يُدْرِيكَ لَعَلَّ ٱلسَّاعَةَ قَرِيبٌ

Transliteration al-lahu alladhī anzala l-kitāba bil-ḥaqi wal-mīzāna wamā yud'rīka laʿalla l-sāʿata qarībun

Tagalog Si Allāh ay ang nagpababa ng Aklat sa katotohanan at timbangan. Ano ang magpapabatid sa iyo na marahil ang Huling Sandali ay malapit na?

Verse 18

يَسْتَعْجِلُ بِهَا ٱلَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِهَا ۖ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ مُشْفِقُونَ مِنْهَا وَيَعْلَمُونَ أَنَّهَا ٱلْحَقُّ ۗ أَلَآ إِنَّ ٱلَّذِينَ يُمَارُونَ فِى ٱلسَّاعَةِ لَفِى ضَلَـٰلٍۭ بَعِيدٍ

Transliteration yastaʿjilu bihā alladhīna lā yu'minūna bihā wa-alladhīna āmanū mush'fiqūna min'hā wayaʿlamūna annahā l-ḥaqu alā inna alladhīna yumārūna fī l-sāʿati lafī ḍalālin baʿīdin

Tagalog Nagmamadali nito ang mga hindi sumasampalataya rito. Ang mga sumampalataya ay mga nababagabag dito at nakaaalam na ito ay ang katotohanan. Pansinin, tunay na ang mga nag-aalangan hinggil sa Huling Sandali ay talagang nasa isang pagkaligaw na malayo.

Verse 19

ٱللَّهُ لَطِيفٌۢ بِعِبَادِهِۦ يَرْزُقُ مَن يَشَآءُ ۖ وَهُوَ ٱلْقَوِىُّ ٱلْعَزِيزُ

Transliteration al-lahu laṭīfun biʿibādihi yarzuqu man yashāu wahuwa l-qawiyu l-ʿazīzu

Tagalog Si Allāh ay Mabait sa mga lingkod Niya, na nagtutustos sinumang niloob Niya; at Siya ay ang Malakas, ang Makapangyarihan.

Verse 20

مَن كَانَ يُرِيدُ حَرْثَ ٱلْـَٔاخِرَةِ نَزِدْ لَهُۥ فِى حَرْثِهِۦ ۖ وَمَن كَانَ يُرِيدُ حَرْثَ ٱلدُّنْيَا نُؤْتِهِۦ مِنْهَا وَمَا لَهُۥ فِى ٱلْـَٔاخِرَةِ مِن نَّصِيبٍ

Transliteration man kāna yurīdu ḥartha l-ākhirati nazid lahu fī ḥarthihi waman kāna yurīdu ḥartha l-dun'yā nu'tihi min'hā wamā lahu fī l-ākhirati min naṣībin

Tagalog Ang sinumang nangyaring nagnanais ng pagtatanim sa Kabilang-buhay ay magdaragdag Kami para sa kanya sa pagtatanim niya. Ang sinumang nangyaring nagnanais ng pagtatanim sa Mundo ay magbibigay Kami sa kanya mula rito at walang ukol sa kanya sa Kabilang-buhay na anumang bahagi.

Verse 21

أَمْ لَهُمْ شُرَكَـٰٓؤُا۟ شَرَعُوا۟ لَهُم مِّنَ ٱلدِّينِ مَا لَمْ يَأْذَنۢ بِهِ ٱللَّهُ ۚ وَلَوْلَا كَلِمَةُ ٱلْفَصْلِ لَقُضِىَ بَيْنَهُمْ ۗ وَإِنَّ ٱلظَّـٰلِمِينَ لَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ

Transliteration am lahum shurakāu sharaʿū lahum mina l-dīni mā lam yadhan bihi l-lahu walawlā kalimatu l-faṣli laquḍiya baynahum wa-inna l-ẓālimīna lahum ʿadhābun alīmun

Tagalog O nagkaroon ba sila ng mga katambal [kay Allāh] na nagsabatas para sa kanila sa relihiyon ng hindi pumayag dito si Allāh? Kung hindi dahil sa salita ng pagpasya ay talaga sanang humusga sa pagitan nila. Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan, ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.

Verse 22

تَرَى ٱلظَّـٰلِمِينَ مُشْفِقِينَ مِمَّا كَسَبُوا۟ وَهُوَ وَاقِعٌۢ بِهِمْ ۗ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَعَمِلُوا۟ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ فِى رَوْضَاتِ ٱلْجَنَّاتِ ۖ لَهُم مَّا يَشَآءُونَ عِندَ رَبِّهِمْ ۚ ذَٰلِكَ هُوَ ٱلْفَضْلُ ٱلْكَبِيرُ

Transliteration tarā l-ẓālimīna mush'fiqīna mimmā kasabū wahuwa wāqiʿun bihim wa-alladhīna āmanū waʿamilū l-ṣāliḥāti fī rawḍāti l-janāti lahum mā yashāūna ʿinda rabbihim dhālika huwa l-faḍlu l-kabīru

Tagalog Makikita ka sa mga tagalabag sa katarungan na mga nababagabag sa nakamit nila, at ito ay magaganap sa kanila. Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay nasa mga halamanan ng mga hardin; ukol sa kanila ang niloloob nila sa piling ng Panginoon nila. Iyon ay ang kabutihang-loob na malaki.

Verse 23

ذَٰلِكَ ٱلَّذِى يُبَشِّرُ ٱللَّهُ عِبَادَهُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَعَمِلُوا۟ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ ۗ قُل لَّآ أَسْـَٔلُكُمْ عَلَيْهِ أَجْرًا إِلَّا ٱلْمَوَدَّةَ فِى ٱلْقُرْبَىٰ ۗ وَمَن يَقْتَرِفْ حَسَنَةً نَّزِدْ لَهُۥ فِيهَا حُسْنًا ۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٌ شَكُورٌ

Transliteration dhālika alladhī yubashiru l-lahu ʿibādahu alladhīna āmanū waʿamilū l-ṣāliḥāti qul lā asalukum ʿalayhi ajran illā l-mawadata fī l-qur'bā waman yaqtarif ḥasanatan nazid lahu fīhā ḥus'nan inna l-laha ghafūrun shakūrun

Tagalog Iyon ay ang ibinabalitang nakagagalak ni Allāh sa mga lingkod Niya na mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos. Sabihin mo: "Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng isang pabuya maliban sa pagmamahal alang-alang sa pagkakamag-anak." Ang sinumang nagtamo ng isang magandang gawa ay magdaragdag Kami para sa kanya rito ng kagandahan. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Mapagpasalamat.

Verse 24

أَمْ يَقُولُونَ ٱفْتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبًا ۖ فَإِن يَشَإِ ٱللَّهُ يَخْتِمْ عَلَىٰ قَلْبِكَ ۗ وَيَمْحُ ٱللَّهُ ٱلْبَـٰطِلَ وَيُحِقُّ ٱلْحَقَّ بِكَلِمَـٰتِهِۦٓ ۚ إِنَّهُۥ عَلِيمٌۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ

Transliteration am yaqūlūna if'tarā ʿalā l-lahi kadhiban fa-in yasha-i l-lahu yakhtim ʿalā qalbika wayamḥu l-lahu l-bāṭila wayuḥiqqu l-ḥaqa bikalimātihi innahu ʿalīmun bidhāti l-ṣudūri

Tagalog O nagsasabi ba sila: "Gumawa-gawa siya laban kay Allāh ng isang kasinungalingan?" Ngunit kung niloob ni Allāh ay magpipinid Siya sa puso mo. Bumubura si Allāh ng kabulaanan at nagtototoo Siya ng katotohanan sa pamamagitan ng mga salita Niya. Tunay na Siya ay Maalam sa mga laman ng mga dibdib.

Verse 25

وَهُوَ ٱلَّذِى يَقْبَلُ ٱلتَّوْبَةَ عَنْ عِبَادِهِۦ وَيَعْفُوا۟ عَنِ ٱلسَّيِّـَٔاتِ وَيَعْلَمُ مَا تَفْعَلُونَ

Transliteration wahuwa alladhī yaqbalu l-tawbata ʿan ʿibādihi wayaʿfū ʿani l-sayiāti wayaʿlamu mā tafʿalūna

Tagalog Siya ay ang tumatanggap ng pagbabalik-loob buhat sa mga lingkod Niya, nagpapaumanhin sa mga masagwang gawa, nakaaalam sa ginagawa ninyo,

Verse 26

وَيَسْتَجِيبُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَعَمِلُوا۟ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ وَيَزِيدُهُم مِّن فَضْلِهِۦ ۚ وَٱلْكَـٰفِرُونَ لَهُمْ عَذَابٌ شَدِيدٌ

Transliteration wayastajību alladhīna āmanū waʿamilū l-ṣāliḥāti wayazīduhum min faḍlihi wal-kāfirūna lahum ʿadhābun shadīdun

Tagalog tumutugon sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, at nagdaragdag sa kanila mula sa kabutihang-loob Niya. Ang mga tagatangging sumampalataya, ukol sa kanila ay isang pagdurusang matindi.

Verse 27

۞ وَلَوْ بَسَطَ ٱللَّهُ ٱلرِّزْقَ لِعِبَادِهِۦ لَبَغَوْا۟ فِى ٱلْأَرْضِ وَلَـٰكِن يُنَزِّلُ بِقَدَرٍ مَّا يَشَآءُ ۚ إِنَّهُۥ بِعِبَادِهِۦ خَبِيرٌۢ بَصِيرٌ

Transliteration walaw basaṭa l-lahu l-riz'qa liʿibādihi labaghaw fī l-arḍi walākin yunazzilu biqadarin mā yashāu innahu biʿibādihi khabīrun baṣīrun

Tagalog Kung sakaling nagpaluwag si Allāh ng panustos para sa mga lingkod Niya ay talaga sanang nanampalasan sila sa lupain subalit nagbababa Siya ayon sa sukat na niloloob Niya. Tunay na Siya sa mga lingkod Niya ay Mapagbatid, Nakakikita.

Verse 28

وَهُوَ ٱلَّذِى يُنَزِّلُ ٱلْغَيْثَ مِنۢ بَعْدِ مَا قَنَطُوا۟ وَيَنشُرُ رَحْمَتَهُۥ ۚ وَهُوَ ٱلْوَلِىُّ ٱلْحَمِيدُ

Transliteration wahuwa alladhī yunazzilu l-ghaytha min baʿdi mā qanaṭū wayanshuru raḥmatahu wahuwa l-waliyu l-ḥamīdu

Tagalog Siya ay ang nagbababa ng ulan, nang matapos na nalagutan sila ng pag-asa, at nagkakalat ng awa Niya. Siya ay ang Katangkilik, ang Kapuri-puri.

Verse 29

وَمِنْ ءَايَـٰتِهِۦ خَلْقُ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ وَمَا بَثَّ فِيهِمَا مِن دَآبَّةٍ ۚ وَهُوَ عَلَىٰ جَمْعِهِمْ إِذَا يَشَآءُ قَدِيرٌ

Transliteration wamin āyātihi khalqu l-samāwāti wal-arḍi wamā batha fīhimā min dābbatin wahuwa ʿalā jamʿihim idhā yashāu qadīrun

Tagalog Kabilang sa mga tanda Niya ang pagkalikha ng mga langit at lupa at ang ikinalat Niya sa mga ito na gumagalaw na nilalang. Siya, sa pagtipon sa kanila kapag loloobin Niya, ay May-kakayahan.

Verse 30

وَمَآ أَصَـٰبَكُم مِّن مُّصِيبَةٍ فَبِمَا كَسَبَتْ أَيْدِيكُمْ وَيَعْفُوا۟ عَن كَثِيرٍ

Transliteration wamā aṣābakum min muṣībatin fabimā kasabat aydīkum wayaʿfū ʿan kathīrin

Tagalog Ang anumang tumama sa inyo na kasawiang-palad ay dahil sa nakamit ng mga kamay ninyo – at nagpapaumanhin Siya sa marami.

Verse 31

وَمَآ أَنتُم بِمُعْجِزِينَ فِى ٱلْأَرْضِ ۖ وَمَا لَكُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ مِن وَلِىٍّ وَلَا نَصِيرٍ

Transliteration wamā antum bimuʿ'jizīna fī l-arḍi wamā lakum min dūni l-lahi min waliyyin walā naṣīrin

Tagalog Kayo ay hindi mga makapagpapawalang-kakayahan sa lupa; walang ukol sa inyo bukod pa kay Allāh na anumang katangkilik ni mapag-adya.

Verse 32

وَمِنْ ءَايَـٰتِهِ ٱلْجَوَارِ فِى ٱلْبَحْرِ كَٱلْأَعْلَـٰمِ

Transliteration wamin āyātihi l-jawāri fī l-baḥri kal-aʿlāmi

Tagalog Kabilang sa mga tanda Niya ang mga daong sa dagat, gaya ng mga bundok.

Verse 33

إِن يَشَأْ يُسْكِنِ ٱلرِّيحَ فَيَظْلَلْنَ رَوَاكِدَ عَلَىٰ ظَهْرِهِۦٓ ۚ إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَـَٔايَـٰتٍ لِّكُلِّ صَبَّارٍ شَكُورٍ

Transliteration in yasha yus'kini l-rīḥa fayaẓlalna rawākida ʿalā ẓahrihi inna fī dhālika laāyātin likulli ṣabbārin shakūrin

Tagalog Kung loloobin Niya ay magpapatahan Siya sa mga hangin para manatili ang mga iyon na mga nakatigil sa ibabaw nito – tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa bawat palatiis na mapagpasalamat –

Verse 34

أَوْ يُوبِقْهُنَّ بِمَا كَسَبُوا۟ وَيَعْفُ عَن كَثِيرٍ

Transliteration aw yūbiq'hunna bimā kasabū wayaʿfu ʿan kathīrin

Tagalog o makasisira Siya sa mga ito dahil sa nakamit nila at magpapaumanhin Siya sa marami

Verse 35

وَيَعْلَمَ ٱلَّذِينَ يُجَـٰدِلُونَ فِىٓ ءَايَـٰتِنَا مَا لَهُم مِّن مَّحِيصٍ

Transliteration wayaʿlama alladhīna yujādilūna fī āyātinā mā lahum min maḥīṣin

Tagalog at [upang] makaalam ang mga nakikipagtalo hinggil sa mga tanda Namin na walang ukol sa kanila na anumang mapupuslitan.

Verse 36

فَمَآ أُوتِيتُم مِّن شَىْءٍ فَمَتَـٰعُ ٱلْحَيَوٰةِ ٱلدُّنْيَا ۖ وَمَا عِندَ ٱللَّهِ خَيْرٌ وَأَبْقَىٰ لِلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَعَلَىٰ رَبِّهِمْ يَتَوَكَّلُونَ

Transliteration famā ūtītum min shayin famatāʿu l-ḥayati l-dun'yā wamā ʿinda l-lahi khayrun wa-abqā lilladhīna āmanū waʿalā rabbihim yatawakkalūna

Tagalog Kaya ang ibinigay sa inyo na anuman ay natatamasa sa buhay na pangmundo. Ang nasa ganang kay Allāh ay higit na mabuti at higit na mamamalagi para sa mga sumampalataya at sa Panginoon nila ay nananalig;

Verse 37

وَٱلَّذِينَ يَجْتَنِبُونَ كَبَـٰٓئِرَ ٱلْإِثْمِ وَٱلْفَوَٰحِشَ وَإِذَا مَا غَضِبُوا۟ هُمْ يَغْفِرُونَ

Transliteration wa-alladhīna yajtanibūna kabāira l-ith'mi wal-fawāḥisha wa-idhā mā ghaḍibū hum yaghfirūna

Tagalog at mga umiiwas sa malalaki sa kasalanan at mahahalay, at kapag nagalit sila, sila ay nagpapatawad;

Verse 38

وَٱلَّذِينَ ٱسْتَجَابُوا۟ لِرَبِّهِمْ وَأَقَامُوا۟ ٱلصَّلَوٰةَ وَأَمْرُهُمْ شُورَىٰ بَيْنَهُمْ وَمِمَّا رَزَقْنَـٰهُمْ يُنفِقُونَ

Transliteration wa-alladhīna is'tajābū lirabbihim wa-aqāmū l-ṣalata wa-amruhum shūrā baynahum wamimmā razaqnāhum yunfiqūna

Tagalog at mga tumugon sa Panginoon nila, nagpanatili sa pagdarasal, at ang usapin nila ay sanggunian sa pagitan nila, at mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol sila;

Verse 39

وَٱلَّذِينَ إِذَآ أَصَابَهُمُ ٱلْبَغْىُ هُمْ يَنتَصِرُونَ

Transliteration wa-alladhīna idhā aṣābahumu l-baghyu hum yantaṣirūna

Tagalog at mga kapag tumama sa kanila ang paglabag, sila ay nag-aadya [sa mga sarili].

Verse 40

وَجَزَٰٓؤُا۟ سَيِّئَةٍ سَيِّئَةٌ مِّثْلُهَا ۖ فَمَنْ عَفَا وَأَصْلَحَ فَأَجْرُهُۥ عَلَى ٱللَّهِ ۚ إِنَّهُۥ لَا يُحِبُّ ٱلظَّـٰلِمِينَ

Transliteration wajazāu sayyi-atin sayyi-atun mith'luhā faman ʿafā wa-aṣlaḥa fa-ajruhu ʿalā l-lahi innahu lā yuḥibbu l-ẓālimīna

Tagalog Ang ganti sa masagwang gawa ay isang masagwa gawang tulad niyon; ngunit ang sinumang nagpaumanhin at nakipag-ayos, ang pabuya sa kanya ay nasa kay Allāh. Tunay na Siya ay hindi umiibig sa mga tagalabag sa katarungan.

Verse 41

وَلَمَنِ ٱنتَصَرَ بَعْدَ ظُلْمِهِۦ فَأُو۟لَـٰٓئِكَ مَا عَلَيْهِم مِّن سَبِيلٍ

Transliteration walamani intaṣara baʿda ẓul'mihi fa-ulāika mā ʿalayhim min sabīlin

Tagalog Talagang ang sinumang nag-adya [sa sarili] matapos ng kawalang-katarungan sa kanya, ang mga iyon ay wala sa kanilang anumang dahilan [sa paninisi].

Verse 42

إِنَّمَا ٱلسَّبِيلُ عَلَى ٱلَّذِينَ يَظْلِمُونَ ٱلنَّاسَ وَيَبْغُونَ فِى ٱلْأَرْضِ بِغَيْرِ ٱلْحَقِّ ۚ أُو۟لَـٰٓئِكَ لَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ

Transliteration innamā l-sabīlu ʿalā alladhīna yaẓlimūna l-nāsa wayabghūna fī l-arḍi bighayri l-ḥaqi ulāika lahum ʿadhābun alīmun

Tagalog Ang dahilan [sa paninisi] lamang ay nasa mga lumalabag sa katarungan sa mga tao at naniniil sa lupain nang walang karapatan. Ang mga iyon ay may ukol sa kanila na isang pagdurusang masakit.

Verse 43

وَلَمَن صَبَرَ وَغَفَرَ إِنَّ ذَٰلِكَ لَمِنْ عَزْمِ ٱلْأُمُورِ

Transliteration walaman ṣabara waghafara inna dhālika lamin ʿazmi l-umūri

Tagalog Talagang ang sinumang nagtiis at nagpatawad, tunay na iyon ay talagang kabilang sa pinagpapasyahan sa mga usapin.

Verse 44

وَمَن يُضْلِلِ ٱللَّهُ فَمَا لَهُۥ مِن وَلِىٍّ مِّنۢ بَعْدِهِۦ ۗ وَتَرَى ٱلظَّـٰلِمِينَ لَمَّا رَأَوُا۟ ٱلْعَذَابَ يَقُولُونَ هَلْ إِلَىٰ مَرَدٍّ مِّن سَبِيلٍ

Transliteration waman yuḍ'lili l-lahu famā lahu min waliyyin min baʿdihi watarā l-ẓālimīna lammā ra-awū l-ʿadhāba yaqūlūna hal ilā maraddin min sabīlin

Tagalog Ang sinumang ililigaw ni Allāh ay walang ukol dito na anumang katangkilik nang matapos Niya. Makikita mo na ang mga tagalabag sa katarungan, kapag nakita nila ang pagdurusa, ay magsasabi: "Tungo kaya sa isang mababalikan [sa Mundo] ay may anumang landas?"

Verse 45

وَتَرَىٰهُمْ يُعْرَضُونَ عَلَيْهَا خَـٰشِعِينَ مِنَ ٱلذُّلِّ يَنظُرُونَ مِن طَرْفٍ خَفِىٍّ ۗ وَقَالَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓا۟ إِنَّ ٱلْخَـٰسِرِينَ ٱلَّذِينَ خَسِرُوٓا۟ أَنفُسَهُمْ وَأَهْلِيهِمْ يَوْمَ ٱلْقِيَـٰمَةِ ۗ أَلَآ إِنَّ ٱلظَّـٰلِمِينَ فِى عَذَابٍ مُّقِيمٍ

Transliteration watarāhum yuʿ'raḍūna ʿalayhā khāshiʿīna mina l-dhuli yanẓurūna min ṭarfin khafiyyin waqāla alladhīna āmanū inna l-khāsirīna alladhīna khasirū anfusahum wa-ahlīhim yawma l-qiyāmati alā inna l-ẓālimīna fī ʿadhābin muqīmin

Tagalog Makikita mo sila na isinasalang doon [sa Apoy] habang mga nagpapakumbaba dahil sa kaabahan, na tumitingin mula sa isang sulyap na kubli. Magsasabi ang mga sumampalataya: "Tunay na ang mga lugi ay ang mga nagpalugi ng mga sarili nila at mga mag-anak nila sa Araw ng Pagbangon. Pansinin, tunay na ang mga tagalabag sa katarungan ay nasa isang pagdurusang mananatili."

Verse 46

وَمَا كَانَ لَهُم مِّنْ أَوْلِيَآءَ يَنصُرُونَهُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ ۗ وَمَن يُضْلِلِ ٱللَّهُ فَمَا لَهُۥ مِن سَبِيلٍ

Transliteration wamā kāna lahum min awliyāa yanṣurūnahum min dūni l-lahi waman yuḍ'lili l-lahu famā lahu min sabīlin

Tagalog Walang ukol sa kanila na anumang mga katangkilik na mag-aadya sa kanila bukod pa kay Allāh. Ang sinumang ililigaw ni Allāh ay walang ukol dito na anumang landas.

Verse 47

ٱسْتَجِيبُوا۟ لِرَبِّكُم مِّن قَبْلِ أَن يَأْتِىَ يَوْمٌ لَّا مَرَدَّ لَهُۥ مِنَ ٱللَّهِ ۚ مَا لَكُم مِّن مَّلْجَإٍ يَوْمَئِذٍ وَمَا لَكُم مِّن نَّكِيرٍ

Transliteration is'tajībū lirabbikum min qabli an yatiya yawmun lā maradda lahu mina l-lahi mā lakum min malja-in yawma-idhin wamā lakum min nakīrin

Tagalog Tumugon kayo sa Panginoon ninyo bago pa na may sumapit na isang Araw na walang matutulakan para roon mula kay Allāh. Walang ukol sa inyo na anumang madudulugan sa Araw na iyon at walang ukol sa inyo na anumang pagkakaila.

Verse 48

فَإِنْ أَعْرَضُوا۟ فَمَآ أَرْسَلْنَـٰكَ عَلَيْهِمْ حَفِيظًا ۖ إِنْ عَلَيْكَ إِلَّا ٱلْبَلَـٰغُ ۗ وَإِنَّآ إِذَآ أَذَقْنَا ٱلْإِنسَـٰنَ مِنَّا رَحْمَةً فَرِحَ بِهَا ۖ وَإِن تُصِبْهُمْ سَيِّئَةٌۢ بِمَا قَدَّمَتْ أَيْدِيهِمْ فَإِنَّ ٱلْإِنسَـٰنَ كَفُورٌ

Transliteration fa-in aʿraḍū famā arsalnāka ʿalayhim ḥafīẓan in ʿalayka illā l-balāghu wa-innā idhā adhaqnā l-insāna minnā raḥmatan fariḥa bihā wa-in tuṣib'hum sayyi-atun bimā qaddamat aydīhim fa-inna l-insāna kafūrun

Tagalog Ngunit kung umayaw sila, hindi Kami nagsugo sa iyo sa kanila bilang mapag-ingat. Walang kailangan sa iyo kundi ang pagpapaabot. Tunay na kapag nagpalasap Kami sa tao mula sa Amin ng isang awa ay natutuwa siya rito. Kung tatama sa kanila ang isang masagwang gawa dahil sa ipinauna ng mga kamay nila, tunay na ang tao ay mapagtangging magpasalamat.

Verse 49

لِّلَّهِ مُلْكُ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ ۚ يَخْلُقُ مَا يَشَآءُ ۚ يَهَبُ لِمَن يَشَآءُ إِنَـٰثًا وَيَهَبُ لِمَن يَشَآءُ ٱلذُّكُورَ

Transliteration lillahi mul'ku l-samāwāti wal-arḍi yakhluqu mā yashāu yahabu liman yashāu ināthan wayahabu liman yashāu l-dhukūra

Tagalog Sa kay Allāh ang paghahari sa mga langit at lupa. Lumilikha Siya ng niloloob Niya. Nagkakaloob Siya sa sinumang niloloob Niya ng mga [anak na] babae at nagkakaloob Siya sa sinumang niloloob Niya ng mga [anak na] lalaki.

Verse 50

أَوْ يُزَوِّجُهُمْ ذُكْرَانًا وَإِنَـٰثًا ۖ وَيَجْعَلُ مَن يَشَآءُ عَقِيمًا ۚ إِنَّهُۥ عَلِيمٌ قَدِيرٌ

Transliteration aw yuzawwijuhum dhuk'rānan wa-ināthan wayajʿalu man yashāu ʿaqīman innahu ʿalīmun qadīrun

Tagalog O ipinagpapares Niya sila bilang mga lalaki at mga babae. Gumagawa Siya sa sinumang niloloob Niya bilang baog. Tunay na Siya ay Maalam, May-kakayahan.

Verse 51

۞ وَمَا كَانَ لِبَشَرٍ أَن يُكَلِّمَهُ ٱللَّهُ إِلَّا وَحْيًا أَوْ مِن وَرَآئِ حِجَابٍ أَوْ يُرْسِلَ رَسُولًا فَيُوحِىَ بِإِذْنِهِۦ مَا يَشَآءُ ۚ إِنَّهُۥ عَلِىٌّ حَكِيمٌ

Transliteration wamā kāna libasharin an yukallimahu l-lahu illā waḥyan aw min warāi ḥijābin aw yur'sila rasūlan fayūḥiya bi-idh'nihi mā yashāu innahu ʿaliyyun ḥakīmun

Tagalog Hindi naging ukol sa tao na kausapin siya ni Allāh maliban sa isang pagkasi, o sa likuran ng isang tabing, o magsugo Siya ng isang sugo para magkasi iyon ayon sa pahintulot Niya ng anumang niloloob Niya. Tunay na Siya ay Mataas, Marunong.

Verse 52

وَكَذَٰلِكَ أَوْحَيْنَآ إِلَيْكَ رُوحًا مِّنْ أَمْرِنَا ۚ مَا كُنتَ تَدْرِى مَا ٱلْكِتَـٰبُ وَلَا ٱلْإِيمَـٰنُ وَلَـٰكِن جَعَلْنَـٰهُ نُورًا نَّهْدِى بِهِۦ مَن نَّشَآءُ مِنْ عِبَادِنَا ۚ وَإِنَّكَ لَتَهْدِىٓ إِلَىٰ صِرَٰطٍ مُّسْتَقِيمٍ

Transliteration wakadhālika awḥaynā ilayka rūḥan min amrinā mā kunta tadrī mā l-kitābu walā l-īmānu walākin jaʿalnāhu nūran nahdī bihi man nashāu min ʿibādinā wa-innaka latahdī ilā ṣirāṭin mus'taqīmin

Tagalog Gayon Kami nagkasi sa iyo ng isang espiritu mula sa nauukol sa Amin. Hindi ka noon nakaaalam kung ano ang Aklat ni ang pananampalataya, subalit gumawa Kami rito bilang liwanag na nagpapatnubay Kami sa pamamagitan nito sa sinumang niloloob Namin kabilang sa mga lingkod Namin. Tunay na ikaw ay talagang nagpapatnubay tungo sa isang landasing tuwid:

Verse 53

صِرَٰطِ ٱللَّهِ ٱلَّذِى لَهُۥ مَا فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَمَا فِى ٱلْأَرْضِ ۗ أَلَآ إِلَى ٱللَّهِ تَصِيرُ ٱلْأُمُورُ

Transliteration ṣirāṭi l-lahi alladhī lahu mā fī l-samāwāti wamā fī l-arḍi alā ilā l-lahi taṣīru l-umūru

Tagalog ang landasin ni Allāh na sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Pansinin, tungo kay Allāh hahantong ang mga usapin.

Read Surah Ash-Shuraa in another language

All languages

All 114 surahs in Tagalog: the Qur’an in Tagalog.

Learn it in MyDugsi

Tagalog translation: Dar Al-Salam Center, from Quran.com. Transliteration: Quran.com. Recitation: Mishary Alafasy, from EveryAyah.com. MyDugsi is a learning aid, not a replacement for a qualified teacher.