Surah As-Saffat in Tagalog: translation and audio
Surah 37 · الصافات · Those who set the Ranks · 182 verses
Surah As-Saffat verse by verse: the Arabic with a recitation you can repeat, the transliteration, and the Tagalog translation by Dar Al-Salam Center. For the meaning of every word, see Surah As-Saffat word by word in English.
Verse 1
وَٱلصَّـٰٓفَّـٰتِ صَفًّا
Transliteration wal-ṣāfāti ṣaffan
Tagalog Sumpa man sa mga [anghel na] nakahanay sa isang hanay,
Verse 2
فَٱلزَّٰجِرَٰتِ زَجْرًا
Transliteration fal-zājirāti zajran
Tagalog saka sa mga tagapagtaboy sa isang pagtataboy,
Verse 3
فَٱلتَّـٰلِيَـٰتِ ذِكْرًا
Transliteration fal-tāliyāti dhik'ran
Tagalog saka sa mga bumibigkas ng isang paalaala;
Verse 4
إِنَّ إِلَـٰهَكُمْ لَوَٰحِدٌ
Transliteration inna ilāhakum lawāḥidun
Tagalog tunay na ang Diyos ninyo ay talagang nag-iisa,
Verse 5
رَّبُّ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا وَرَبُّ ٱلْمَشَـٰرِقِ
Transliteration rabbu l-samāwāti wal-arḍi wamā baynahumā warabbu l-mashāriqi
Tagalog ang Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito at ang Panginoon ng mga silangan.
Verse 6
إِنَّا زَيَّنَّا ٱلسَّمَآءَ ٱلدُّنْيَا بِزِينَةٍ ٱلْكَوَاكِبِ
Transliteration innā zayyannā l-samāa l-dun'yā bizīnatin l-kawākibi
Tagalog Tunay na Kami ay gumayak sa langit na pinakamababa ng gayak: ang mga tala,
Verse 7
وَحِفْظًا مِّن كُلِّ شَيْطَـٰنٍ مَّارِدٍ
Transliteration waḥif'ẓan min kulli shayṭānin māridin
Tagalog at bilang pangangalaga laban sa bawat demonyong naghihimagsik.
Verse 8
لَّا يَسَّمَّعُونَ إِلَى ٱلْمَلَإِ ٱلْأَعْلَىٰ وَيُقْذَفُونَ مِن كُلِّ جَانِبٍ
Transliteration lā yassammaʿūna ilā l-mala-i l-aʿlā wayuq'dhafūna min kulli jānibin
Tagalog Hindi sila nakikinig-kinig sa konsehong pinakamataas [malibang] habang pinupukol sila mula sa bawat gilid
Verse 9
دُحُورًا ۖ وَلَهُمْ عَذَابٌ وَاصِبٌ
Transliteration duḥūran walahum ʿadhābun wāṣibun
Tagalog sa isang pagpapalayas. Ukol sa mga ito ay isang pagdurusang palagian,
Verse 10
إِلَّا مَنْ خَطِفَ ٱلْخَطْفَةَ فَأَتْبَعَهُۥ شِهَابٌ ثَاقِبٌ
Transliteration illā man khaṭifa l-khaṭfata fa-atbaʿahu shihābun thāqibun
Tagalog maliban sa sinumang humahablot ng hablot ngunit sinusundan siya ng isang ningas na nanunuot.
Verse 11
فَٱسْتَفْتِهِمْ أَهُمْ أَشَدُّ خَلْقًا أَم مَّنْ خَلَقْنَآ ۚ إِنَّا خَلَقْنَـٰهُم مِّن طِينٍ لَّازِبٍۭ
Transliteration fa-is'taftihim ahum ashaddu khalqan am man khalaqnā innā khalaqnāhum min ṭīnin lāzibin
Tagalog Kaya magpahabilin ka sa kanila: "Sila ba ay higit na matindi sa pagkakalikha o ang [ibang] nilikha Namin?" Tunay na Kami ay lumikha sa kanila mula sa isang putik na malagkit.
Verse 12
بَلْ عَجِبْتَ وَيَسْخَرُونَ
Transliteration bal ʿajib'ta wayaskharūna
Tagalog Bagkus namangha ka habang nanunuya sila.
Verse 13
وَإِذَا ذُكِّرُوا۟ لَا يَذْكُرُونَ
Transliteration wa-idhā dhukkirū lā yadhkurūna
Tagalog Kapag pinaalalahanan sila ay hindi sila nag-aalaala.
Verse 14
وَإِذَا رَأَوْا۟ ءَايَةً يَسْتَسْخِرُونَ
Transliteration wa-idhā ra-aw āyatan yastaskhirūna
Tagalog Kapag nakakita sila ng isang tanda ay ipinatutuya nila.
Verse 15
وَقَالُوٓا۟ إِنْ هَـٰذَآ إِلَّا سِحْرٌ مُّبِينٌ
Transliteration waqālū in hādhā illā siḥ'run mubīnun
Tagalog Nagsasabi sila: "Walang iba ito kundi isang panggagaway na malinaw.
Verse 16
أَءِذَا مِتْنَا وَكُنَّا تُرَابًا وَعِظَـٰمًا أَءِنَّا لَمَبْعُوثُونَ
Transliteration a-idhā mit'nā wakunnā turāban waʿiẓāman a-innā lamabʿūthūna
Tagalog Kapag namatay ba kami at kami ay naging alabok at mga buto, tunay bang kami ay talagang mga bubuhayin
Verse 17
أَوَءَابَآؤُنَا ٱلْأَوَّلُونَ
Transliteration awaābāunā l-awalūna
Tagalog at ang mga ninuno ba naming sinauna?"
Verse 18
قُلْ نَعَمْ وَأَنتُمْ دَٰخِرُونَ
Transliteration qul naʿam wa-antum dākhirūna
Tagalog Sabihin mo: "Oo, at kayo ay mga aabahin."
Verse 19
فَإِنَّمَا هِىَ زَجْرَةٌ وَٰحِدَةٌ فَإِذَا هُمْ يَنظُرُونَ
Transliteration fa-innamā hiya zajratun wāḥidatun fa-idhā hum yanẓurūna
Tagalog Saka ito ay nag-iisang bulyaw lamang, saka biglang sila ay nakatingin.
Verse 20
وَقَالُوا۟ يَـٰوَيْلَنَا هَـٰذَا يَوْمُ ٱلدِّينِ
Transliteration waqālū yāwaylanā hādhā yawmu l-dīni
Tagalog Magsasabi sila: "O kapighatian sa amin! Ito ay ang Araw ng Paggantimpala."
Verse 21
هَـٰذَا يَوْمُ ٱلْفَصْلِ ٱلَّذِى كُنتُم بِهِۦ تُكَذِّبُونَ
Transliteration hādhā yawmu l-faṣli alladhī kuntum bihi tukadhibūna
Tagalog Ito ay ang Araw ng Pagpapasya na kayo dati dito ay nagpapasinungaling.
Verse 22
۞ ٱحْشُرُوا۟ ٱلَّذِينَ ظَلَمُوا۟ وَأَزْوَٰجَهُمْ وَمَا كَانُوا۟ يَعْبُدُونَ
Transliteration uḥ'shurū alladhīna ẓalamū wa-azwājahum wamā kānū yaʿbudūna
Tagalog [Sasabihin]: "Kalapin ninyo ang mga lumabag sa katarungan, ang mga kauri nila, at ang anumang dati nilang sinasamba
Verse 23
مِن دُونِ ٱللَّهِ فَٱهْدُوهُمْ إِلَىٰ صِرَٰطِ ٱلْجَحِيمِ
Transliteration min dūni l-lahi fa-ih'dūhum ilā ṣirāṭi l-jaḥīmi
Tagalog bukod pa kay Allāh, saka patnubayan ninyo sila tungo sa landasin ng Impiyerno,
Verse 24
وَقِفُوهُمْ ۖ إِنَّهُم مَّسْـُٔولُونَ
Transliteration waqifūhum innahum masūlūna
Tagalog at patigilin ninyo sila; tunay na sila ay mga pananagutin."
Verse 25
مَا لَكُمْ لَا تَنَاصَرُونَ
Transliteration mā lakum lā tanāṣarūna
Tagalog [Sasabihin]: "Ano ang mayroon sa inyo na hindi kayo nag-aadyaan?"
Verse 26
بَلْ هُمُ ٱلْيَوْمَ مُسْتَسْلِمُونَ
Transliteration bal humu l-yawma mus'taslimūna
Tagalog Bagkus sila sa Araw na iyon ay mga susuko.
Verse 27
وَأَقْبَلَ بَعْضُهُمْ عَلَىٰ بَعْضٍ يَتَسَآءَلُونَ
Transliteration wa-aqbala baʿḍuhum ʿalā baʿḍin yatasāalūna
Tagalog Lalapit ang iba sa kanila sa iba pa, na nagtatanungan.
Verse 28
قَالُوٓا۟ إِنَّكُمْ كُنتُمْ تَأْتُونَنَا عَنِ ٱلْيَمِينِ
Transliteration qālū innakum kuntum tatūnanā ʿani l-yamīni
Tagalog Magsasabi sila: "Tunay kayo ay dating pumupunta sa amin buhat sa kanan."
Verse 29
قَالُوا۟ بَل لَّمْ تَكُونُوا۟ مُؤْمِنِينَ
Transliteration qālū bal lam takūnū mu'minīna
Tagalog Magsasabi sila: "Bagkus hindi kayo dati mga mananampalataya.
Verse 30
وَمَا كَانَ لَنَا عَلَيْكُم مِّن سُلْطَـٰنٍۭ ۖ بَلْ كُنتُمْ قَوْمًا طَـٰغِينَ
Transliteration wamā kāna lanā ʿalaykum min sul'ṭānin bal kuntum qawman ṭāghīna
Tagalog Hindi kami nagkaroon sa inyo ng anumang kapamahalaan; bagkus kayo dati ay mga taong tagapagmalabis.
Verse 31
فَحَقَّ عَلَيْنَا قَوْلُ رَبِّنَآ ۖ إِنَّا لَذَآئِقُونَ
Transliteration faḥaqqa ʿalaynā qawlu rabbinā innā ladhāiqūna
Tagalog Kaya nagindapat sa atin ang hatol ng Panginoon natin; tunay na tayo ay talagang mga lalasap [ng pagdurusa].
Verse 32
فَأَغْوَيْنَـٰكُمْ إِنَّا كُنَّا غَـٰوِينَ
Transliteration fa-aghwaynākum innā kunnā ghāwīna
Tagalog Kaya naglisya kami sa inyo; tunay na kami ay dating mga nalilisya."
Verse 33
فَإِنَّهُمْ يَوْمَئِذٍ فِى ٱلْعَذَابِ مُشْتَرِكُونَ
Transliteration fa-innahum yawma-idhin fī l-ʿadhābi mush'tarikūna
Tagalog Kaya tunay na sila sa Araw na iyon sa pagdurusa ay mga lumalahok.
Verse 34
إِنَّا كَذَٰلِكَ نَفْعَلُ بِٱلْمُجْرِمِينَ
Transliteration innā kadhālika nafʿalu bil-muj'rimīna
Tagalog Tunay na Kami ay gagawa ng gayon sa mga salarin.
Verse 35
إِنَّهُمْ كَانُوٓا۟ إِذَا قِيلَ لَهُمْ لَآ إِلَـٰهَ إِلَّا ٱللَّهُ يَسْتَكْبِرُونَ
Transliteration innahum kānū idhā qīla lahum lā ilāha illā l-lahu yastakbirūna
Tagalog Tunay na sila dati, kapag sinabi sa kanila na walang Diyos kundi si Allāh, ay nagmamalaki
Verse 36
وَيَقُولُونَ أَئِنَّا لَتَارِكُوٓا۟ ءَالِهَتِنَا لِشَاعِرٍ مَّجْنُونٍۭ
Transliteration wayaqūlūna a-innā latārikū ālihatinā lishāʿirin majnūnin
Tagalog at nagsasabi: "Tunay na kami ba ay talagang mga mag-iiwan sa mga diyos namin dahil sa isang manunulang baliw?"
Verse 37
بَلْ جَآءَ بِٱلْحَقِّ وَصَدَّقَ ٱلْمُرْسَلِينَ
Transliteration bal jāa bil-ḥaqi waṣaddaqa l-mur'salīna
Tagalog Bagkus naghatid siya ng katotohanan at nagpatotoo sa mga isinugo.
Verse 38
إِنَّكُمْ لَذَآئِقُوا۟ ٱلْعَذَابِ ٱلْأَلِيمِ
Transliteration innakum ladhāiqū l-ʿadhābi l-alīmi
Tagalog Tunay na kayo ay talagang mga lalasap ng pagdurusang masakit.
Verse 39
وَمَا تُجْزَوْنَ إِلَّا مَا كُنتُمْ تَعْمَلُونَ
Transliteration wamā tuj'zawna illā mā kuntum taʿmalūna
Tagalog Hindi kayo gagantihan maliban ng ayon sa dati ninyong ginagawa,
Verse 40
إِلَّا عِبَادَ ٱللَّهِ ٱلْمُخْلَصِينَ
Transliteration illā ʿibāda l-lahi l-mukh'laṣīna
Tagalog maliban sa mga itinanging lingkod ni Allāh.
Verse 41
أُو۟لَـٰٓئِكَ لَهُمْ رِزْقٌ مَّعْلُومٌ
Transliteration ulāika lahum riz'qun maʿlūmun
Tagalog Ang mga iyon ay may ukol sa kanila na isang panustos na nalalaman:
Verse 42
فَوَٰكِهُ ۖ وَهُم مُّكْرَمُونَ
Transliteration fawākihu wahum muk'ramūna
Tagalog mga bungang-kahoy, habang sila ay mga pinararangalan
Verse 43
فِى جَنَّـٰتِ ٱلنَّعِيمِ
Transliteration fī jannāti l-naʿīmi
Tagalog sa mga hardin ng kaginhawahan,
Verse 44
عَلَىٰ سُرُرٍ مُّتَقَـٰبِلِينَ
Transliteration ʿalā sururin mutaqābilīna
Tagalog sa mga kama na mga magkakaharap.
Verse 45
يُطَافُ عَلَيْهِم بِكَأْسٍ مِّن مَّعِينٍۭ
Transliteration yuṭāfu ʿalayhim bikasin min maʿīnin
Tagalog Magpapaikot sa kanila ng kopa mula sa isang [bukal na] umaagos,
Verse 46
بَيْضَآءَ لَذَّةٍ لِّلشَّـٰرِبِينَ
Transliteration bayḍāa ladhatin lilshāribīna
Tagalog na maputi, na kasarapan para sa mga iinom.
Verse 47
لَا فِيهَا غَوْلٌ وَلَا هُمْ عَنْهَا يُنزَفُونَ
Transliteration lā fīhā ghawlun walā hum ʿanhā yunzafūna
Tagalog Wala ritong kalanguan at hindi sila buhat dito palalasingin.
Verse 48
وَعِندَهُمْ قَـٰصِرَٰتُ ٱلطَّرْفِ عِينٌ
Transliteration waʿindahum qāṣirātu l-ṭarfi ʿīnun
Tagalog Sa piling nila ay may mga babaing naglilimita ng sulyap, na [may magandang] mga mata,
Verse 49
كَأَنَّهُنَّ بَيْضٌ مَّكْنُونٌ
Transliteration ka-annahunna bayḍun maknūnun
Tagalog na para bang sila ay mga itlog na itinatago.
Verse 50
فَأَقْبَلَ بَعْضُهُمْ عَلَىٰ بَعْضٍ يَتَسَآءَلُونَ
Transliteration fa-aqbala baʿḍuhum ʿalā baʿḍin yatasāalūna
Tagalog Kaya lalapit ang iba sa kanila sa iba pa habang nagtatanungan.
Verse 51
قَالَ قَآئِلٌ مِّنْهُمْ إِنِّى كَانَ لِى قَرِينٌ
Transliteration qāla qāilun min'hum innī kāna lī qarīnun
Tagalog Sasabihin ng isang magsasabi kabilang sa kanila: "Tunay na ako ay dating may isang kapisan
Verse 52
يَقُولُ أَءِنَّكَ لَمِنَ ٱلْمُصَدِّقِينَ
Transliteration yaqūlu a-innaka lamina l-muṣadiqīna
Tagalog na nagsasabi: "Tunay na ikaw ba ay talagang kabilang sa mga tagapagpatotoo?
Verse 53
أَءِذَا مِتْنَا وَكُنَّا تُرَابًا وَعِظَـٰمًا أَءِنَّا لَمَدِينُونَ
Transliteration a-idhā mit'nā wakunnā turāban waʿiẓāman a-innā lamadīnūna
Tagalog Kapag ba namatay ba kami at kami ay naging alabok at mga buto, tunay bang kami ay talagang mga tutumbasan?"
Verse 54
قَالَ هَلْ أَنتُم مُّطَّلِعُونَ
Transliteration qāla hal antum muṭṭaliʿūna
Tagalog Magsasabi ito: "Kayo kaya ay mga titingin?"
Verse 55
فَٱطَّلَعَ فَرَءَاهُ فِى سَوَآءِ ٱلْجَحِيمِ
Transliteration fa-iṭṭalaʿa faraāhu fī sawāi l-jaḥīmi
Tagalog Kaya titingin ito saka makikita nito iyon sa kalagitnaan ng Impiyerno.
Verse 56
قَالَ تَٱللَّهِ إِن كِدتَّ لَتُرْدِينِ
Transliteration qāla tal-lahi in kidtta latur'dīni
Tagalog Magsasabi ito: "Sumpa man kay Allāh, tunay na muntik ka talagang sumawi sa akin.
Verse 57
وَلَوْلَا نِعْمَةُ رَبِّى لَكُنتُ مِنَ ٱلْمُحْضَرِينَ
Transliteration walawlā niʿ'matu rabbī lakuntu mina l-muḥ'ḍarīna
Tagalog Kung hindi dahil sa biyaya ng Panginoon ko, talaga sanang ako ay naging kabilang na sa mga padadaluhin [sa pagdurusa].
Verse 58
أَفَمَا نَحْنُ بِمَيِّتِينَ
Transliteration afamā naḥnu bimayyitīna
Tagalog Kaya ba tayo ay hindi mga namatay,
Verse 59
إِلَّا مَوْتَتَنَا ٱلْأُولَىٰ وَمَا نَحْنُ بِمُعَذَّبِينَ
Transliteration illā mawtatanā l-ūlā wamā naḥnu bimuʿadhabīna
Tagalog maliban sa pagkamatay nating una, at tayo ay hindi mga pagdurusahin?"
Verse 60
إِنَّ هَـٰذَا لَهُوَ ٱلْفَوْزُ ٱلْعَظِيمُ
Transliteration inna hādhā lahuwa l-fawzu l-ʿaẓīmu
Tagalog Tunay na ito ay talagang ang pagkatamong sukdulan.
Verse 61
لِمِثْلِ هَـٰذَا فَلْيَعْمَلِ ٱلْعَـٰمِلُونَ
Transliteration limith'li hādhā falyaʿmali l-ʿāmilūna
Tagalog Para sa tulad nito ay gumawa ang mga tagagawa.
Verse 62
أَذَٰلِكَ خَيْرٌ نُّزُلًا أَمْ شَجَرَةُ ٱلزَّقُّومِ
Transliteration adhālika khayrun nuzulan am shajaratu l-zaqūmi
Tagalog Iyon ba ay higit na mabuti bilang tuluyan o ang puno ng zaqqūm?
Verse 63
إِنَّا جَعَلْنَـٰهَا فِتْنَةً لِّلظَّـٰلِمِينَ
Transliteration innā jaʿalnāhā fit'natan lilẓẓālimīna
Tagalog Tunay na Kami ay gumawa roon bilang pagsubok para sa mga tagalabag sa katarungan.
Verse 64
إِنَّهَا شَجَرَةٌ تَخْرُجُ فِىٓ أَصْلِ ٱلْجَحِيمِ
Transliteration innahā shajaratun takhruju fī aṣli l-jaḥīmi
Tagalog Tunay na ito ay isang punong-kahoy na lumalabas sa ugat ng Impiyerno.
Verse 65
طَلْعُهَا كَأَنَّهُۥ رُءُوسُ ٱلشَّيَـٰطِينِ
Transliteration ṭalʿuhā ka-annahu ruūsu l-shayāṭīni
Tagalog Ang mga usbong nito ay para bang ang mga iyon ay mga ulo ng mga demonyo.
Verse 66
فَإِنَّهُمْ لَـَٔاكِلُونَ مِنْهَا فَمَالِـُٔونَ مِنْهَا ٱلْبُطُونَ
Transliteration fa-innahum laākilūna min'hā famāliūna min'hā l-buṭūna
Tagalog Saka tunay na sila ay talagang mga kakain mula rito saka mga pupuno mula rito ng mga tiyan.
Verse 67
ثُمَّ إِنَّ لَهُمْ عَلَيْهَا لَشَوْبًا مِّنْ حَمِيمٍ
Transliteration thumma inna lahum ʿalayhā lashawban min ḥamīmin
Tagalog Pagkatapos tunay na ukol sa kanila higit doon ay talagang isang halo ng nakapapasong tubig.
Verse 68
ثُمَّ إِنَّ مَرْجِعَهُمْ لَإِلَى ٱلْجَحِيمِ
Transliteration thumma inna marjiʿahum la-ilā l-jaḥīmi
Tagalog Pagkatapos tunay na ang babalikan nila ay talagang tungo sa Impiyerno.
Verse 69
إِنَّهُمْ أَلْفَوْا۟ ءَابَآءَهُمْ ضَآلِّينَ
Transliteration innahum alfaw ābāahum ḍāllīna
Tagalog Tunay na sila ay nakasumpong sa mga magulang nila na mga naliligaw.
Verse 70
فَهُمْ عَلَىٰٓ ءَاثَـٰرِهِمْ يُهْرَعُونَ
Transliteration fahum ʿalā āthārihim yuh'raʿūna
Tagalog Kaya sila sa mga bakas ng mga iyon ay nag-aapura.
Verse 71
وَلَقَدْ ضَلَّ قَبْلَهُمْ أَكْثَرُ ٱلْأَوَّلِينَ
Transliteration walaqad ḍalla qablahum aktharu l-awalīna
Tagalog Talaga ngang naligaw bago nila ang higit na marami sa mga sinauna.
Verse 72
وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا فِيهِم مُّنذِرِينَ
Transliteration walaqad arsalnā fīhim mundhirīna
Tagalog Talaga ngang nagsugo Kami sa gitna nila ng mga tagapagbabala.
Verse 73
فَٱنظُرْ كَيْفَ كَانَ عَـٰقِبَةُ ٱلْمُنذَرِينَ
Transliteration fa-unẓur kayfa kāna ʿāqibatu l-mundharīna
Tagalog Kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga binalaan,
Verse 74
إِلَّا عِبَادَ ٱللَّهِ ٱلْمُخْلَصِينَ
Transliteration illā ʿibāda l-lahi l-mukh'laṣīna
Tagalog maliban sa mga itinanging lingkod ni Allāh.
Verse 75
وَلَقَدْ نَادَىٰنَا نُوحٌ فَلَنِعْمَ ٱلْمُجِيبُونَ
Transliteration walaqad nādānā nūḥun falaniʿ'ma l-mujībūna
Tagalog Talaga ngang nanawagan sa Amin si Noe, saka talagang kay inam ang Tagatugon.
Verse 76
وَنَجَّيْنَـٰهُ وَأَهْلَهُۥ مِنَ ٱلْكَرْبِ ٱلْعَظِيمِ
Transliteration wanajjaynāhu wa-ahlahu mina l-karbi l-ʿaẓīmi
Tagalog Nagligtas Kami sa kanya at sa mag-anak niya mula sa dalamhating sukdulan.
Verse 77
وَجَعَلْنَا ذُرِّيَّتَهُۥ هُمُ ٱلْبَاقِينَ
Transliteration wajaʿalnā dhurriyyatahu humu l-bāqīna
Tagalog Gumawa Kami sa mga supling niya na sila ay ang mga natitira.
Verse 78
وَتَرَكْنَا عَلَيْهِ فِى ٱلْـَٔاخِرِينَ
Transliteration wataraknā ʿalayhi fī l-ākhirīna
Tagalog Nag-iwan Kami para sa kanya sa mga nahuli [ng magandang pagbanggit].
Verse 79
سَلَـٰمٌ عَلَىٰ نُوحٍ فِى ٱلْعَـٰلَمِينَ
Transliteration salāmun ʿalā nūḥin fī l-ʿālamīna
Tagalog Kapayapaan ay sumakay Noe sa mga nilalang.
Verse 80
إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجْزِى ٱلْمُحْسِنِينَ
Transliteration innā kadhālika najzī l-muḥ'sinīna
Tagalog Tunay na Kami ay gayon gumaganti sa mga tagagawa ng maganda.
Verse 81
إِنَّهُۥ مِنْ عِبَادِنَا ٱلْمُؤْمِنِينَ
Transliteration innahu min ʿibādinā l-mu'minīna
Tagalog Tunay na siya ay kabilang sa mga lingkod Naming mga mananampalataya.
Verse 82
ثُمَّ أَغْرَقْنَا ٱلْـَٔاخَرِينَ
Transliteration thumma aghraqnā l-ākharīna
Tagalog Pagkatapos nilunod Namin ang mga iba pa.
Verse 83
۞ وَإِنَّ مِن شِيعَتِهِۦ لَإِبْرَٰهِيمَ
Transliteration wa-inna min shīʿatihi la-ib'rāhīma
Tagalog Tunay na kabilang sa kakampi niya ay talagang si Abraham
Verse 84
إِذْ جَآءَ رَبَّهُۥ بِقَلْبٍ سَلِيمٍ
Transliteration idh jāa rabbahu biqalbin salīmin
Tagalog noong dumating siya sa Panginoon niya nang may pusong malinis,
Verse 85
إِذْ قَالَ لِأَبِيهِ وَقَوْمِهِۦ مَاذَا تَعْبُدُونَ
Transliteration idh qāla li-abīhi waqawmihi mādhā taʿbudūna
Tagalog noong nagsabi siya sa ama niya at mga kababayan niya: "Ano ang sinasamba ninyo?
Verse 86
أَئِفْكًا ءَالِهَةً دُونَ ٱللَّهِ تُرِيدُونَ
Transliteration a-if'kan ālihatan dūna l-lahi turīdūna
Tagalog Isang panlilinlang ba na mga diyos bukod pa kay Allāh ay ninanais ninyo?
Verse 87
فَمَا ظَنُّكُم بِرَبِّ ٱلْعَـٰلَمِينَ
Transliteration famā ẓannukum birabbi l-ʿālamīna
Tagalog Kaya ano ang palagay ninyo sa Panginoon ng mga nilalang?"
Verse 88
فَنَظَرَ نَظْرَةً فِى ٱلنُّجُومِ
Transliteration fanaẓara naẓratan fī l-nujūmi
Tagalog Kaya tumingin siya nang isang tingin sa mga bituin,
Verse 89
فَقَالَ إِنِّى سَقِيمٌ
Transliteration faqāla innī saqīmun
Tagalog saka nagsabi: "Tunay na ako ay maysakit."
Verse 90
فَتَوَلَّوْا۟ عَنْهُ مُدْبِرِينَ
Transliteration fatawallaw ʿanhu mud'birīna
Tagalog Kaya tumalikod sila palayo sa kanya habang mga lumilisan.
Verse 91
فَرَاغَ إِلَىٰٓ ءَالِهَتِهِمْ فَقَالَ أَلَا تَأْكُلُونَ
Transliteration farāgha ilā ālihatihim faqāla alā takulūna
Tagalog Kaya tumalilis siya sa mga diyos nila saka nagsabi: "Hindi ba kayo kumakain?
Verse 92
مَا لَكُمْ لَا تَنطِقُونَ
Transliteration mā lakum lā tanṭiqūna
Tagalog Ano ang mayroon sa inyo na hindi kayo bumibigkas?"
Verse 93
فَرَاغَ عَلَيْهِمْ ضَرْبًۢا بِٱلْيَمِينِ
Transliteration farāgha ʿalayhim ḍarban bil-yamīni
Tagalog Kaya tumalilis siya laban sa kanila ng isang hampas sa pamamagitan ng kanang kamay.
Verse 94
فَأَقْبَلُوٓا۟ إِلَيْهِ يَزِفُّونَ
Transliteration fa-aqbalū ilayhi yaziffūna
Tagalog Kaya lumapit [ang mga mananamba] patungo sa kanya, na kumakaripas.
Verse 95
قَالَ أَتَعْبُدُونَ مَا تَنْحِتُونَ
Transliteration qāla ataʿbudūna mā tanḥitūna
Tagalog Nagsabi siya: "Sumasamba ba kayo sa nilililok ninyo
Verse 96
وَٱللَّهُ خَلَقَكُمْ وَمَا تَعْمَلُونَ
Transliteration wal-lahu khalaqakum wamā taʿmalūna
Tagalog samantalang si Allāh ay lumikha sa inyo at sa ginagawa ninyo?"
Verse 97
قَالُوا۟ ٱبْنُوا۟ لَهُۥ بُنْيَـٰنًا فَأَلْقُوهُ فِى ٱلْجَحِيمِ
Transliteration qālū ib'nū lahu bun'yānan fa-alqūhu fī l-jaḥīmi
Tagalog Nagsabi sila: "Magpatayo kayo para sa kanya ng isang gusali, saka itapon ninyo siya sa Impiyerno."
Verse 98
فَأَرَادُوا۟ بِهِۦ كَيْدًا فَجَعَلْنَـٰهُمُ ٱلْأَسْفَلِينَ
Transliteration fa-arādū bihi kaydan fajaʿalnāhumu l-asfalīna
Tagalog Kaya nagnais sila sa kanya ng isang pakana, ngunit gumawa Kami sa kanila bilang mga pinakamababa.
Verse 99
وَقَالَ إِنِّى ذَاهِبٌ إِلَىٰ رَبِّى سَيَهْدِينِ
Transliteration waqāla innī dhāhibun ilā rabbī sayahdīni
Tagalog Nagsabi siya: "Tunay na ako ay pupunta sa Panginoon ko; magpapatnubay Siya sa akin.
Verse 100
رَبِّ هَبْ لِى مِنَ ٱلصَّـٰلِحِينَ
Transliteration rabbi hab lī mina l-ṣāliḥīna
Tagalog Panginoon ko, magkaloob Ka para sa akin [ng anak] kabilang sa mga maayos."
Verse 101
فَبَشَّرْنَـٰهُ بِغُلَـٰمٍ حَلِيمٍ
Transliteration fabasharnāhu bighulāmin ḥalīmin
Tagalog Kaya nagbalita Kami sa kanya ng nakagagalak hinggil sa isang batang matimpiin.
Verse 102
فَلَمَّا بَلَغَ مَعَهُ ٱلسَّعْىَ قَالَ يَـٰبُنَىَّ إِنِّىٓ أَرَىٰ فِى ٱلْمَنَامِ أَنِّىٓ أَذْبَحُكَ فَٱنظُرْ مَاذَا تَرَىٰ ۚ قَالَ يَـٰٓأَبَتِ ٱفْعَلْ مَا تُؤْمَرُ ۖ سَتَجِدُنِىٓ إِن شَآءَ ٱللَّهُ مِنَ ٱلصَّـٰبِرِينَ
Transliteration falammā balagha maʿahu l-saʿya qāla yābunayya innī arā fī l-manāmi annī adhbaḥuka fa-unẓur mādhā tarā qāla yāabati if'ʿal mā tu'maru satajidunī in shāa l-lahu mina l-ṣābirīna
Tagalog Kaya noong umabot ito kasama sa kanya sa [gulang ng] pagpupunyagi ay nagsabi siya: "O munting anak ko, tunay na ako ay nakakikita sa pagtulog na ako ay kumakatay sa iyo, kaya tumingin ka kung ano nakikita mo." Nagsabi ito: "O ama ko, gawin mo po ang ipinag-uutos sa iyo. Matatagpuan mo po ako, kung niloob ni Allāh, kabilang sa mga nagtitiis."
Verse 103
فَلَمَّآ أَسْلَمَا وَتَلَّهُۥ لِلْجَبِينِ
Transliteration falammā aslamā watallahu lil'jabīni
Tagalog Kaya noong nagpasailalim silang dalawa at naglapag siya rito sa noo,
Verse 104
وَنَـٰدَيْنَـٰهُ أَن يَـٰٓإِبْرَٰهِيمُ
Transliteration wanādaynāhu an yāib'rāhīmu
Tagalog nanawagan Kami sa kanya: "O Abraham,
Verse 105
قَدْ صَدَّقْتَ ٱلرُّءْيَآ ۚ إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجْزِى ٱلْمُحْسِنِينَ
Transliteration qad ṣaddaqta l-ru'yā innā kadhālika najzī l-muḥ'sinīna
Tagalog nagpatotoo ka nga sa panaginip. Tunay na Kami ay gayon gumaganti sa mga tagagawa ng maganda."
Verse 106
إِنَّ هَـٰذَا لَهُوَ ٱلْبَلَـٰٓؤُا۟ ٱلْمُبِينُ
Transliteration inna hādhā lahuwa l-balāu l-mubīnu
Tagalog Tunay na ito ay talagang ang paglilitis na malinaw.
Verse 107
وَفَدَيْنَـٰهُ بِذِبْحٍ عَظِيمٍ
Transliteration wafadaynāhu bidhib'ḥin ʿaẓīmin
Tagalog Tumubos Kami sa kanya sa pamamagitan ng isang alay na dakila.
Verse 108
وَتَرَكْنَا عَلَيْهِ فِى ٱلْـَٔاخِرِينَ
Transliteration wataraknā ʿalayhi fī l-ākhirīna
Tagalog Nag-iwan Kami para sa kanya [ng magandang pagbanggit] sa mga nahuli.
Verse 109
سَلَـٰمٌ عَلَىٰٓ إِبْرَٰهِيمَ
Transliteration salāmun ʿalā ib'rāhīma
Tagalog Kapayapaan ay sumakay Abraham.
Verse 110
كَذَٰلِكَ نَجْزِى ٱلْمُحْسِنِينَ
Transliteration kadhālika najzī l-muḥ'sinīna
Tagalog Gayon Kami gumaganti sa mga tagagawa ng maganda.
Verse 111
إِنَّهُۥ مِنْ عِبَادِنَا ٱلْمُؤْمِنِينَ
Transliteration innahu min ʿibādinā l-mu'minīna
Tagalog Tunay na siya ay kabilang sa mga lingkod Naming mga mananampalataya.
Verse 112
وَبَشَّرْنَـٰهُ بِإِسْحَـٰقَ نَبِيًّا مِّنَ ٱلصَّـٰلِحِينَ
Transliteration wabasharnāhu bi-is'ḥāqa nabiyyan mina l-ṣāliḥīna
Tagalog Nagbalita Kami sa kanya ng nakalulugod hinggil kay Isaac bilang propeta kabilang sa mga maayos.
Verse 113
وَبَـٰرَكْنَا عَلَيْهِ وَعَلَىٰٓ إِسْحَـٰقَ ۚ وَمِن ذُرِّيَّتِهِمَا مُحْسِنٌ وَظَالِمٌ لِّنَفْسِهِۦ مُبِينٌ
Transliteration wabāraknā ʿalayhi waʿalā is'ḥāqa wamin dhurriyyatihimā muḥ'sinun waẓālimun linafsihi mubīnun
Tagalog Pinagpala Namin siya at si Isaac. Kabilang sa mga supling nilang dalawa ay tagagawa ng maganda at malinaw na tagalabag sa katarungan sa sarili nito.
Verse 114
وَلَقَدْ مَنَنَّا عَلَىٰ مُوسَىٰ وَهَـٰرُونَ
Transliteration walaqad manannā ʿalā mūsā wahārūna
Tagalog Talagang nagmagandang-loob Kami kina Moises at Aaron.
Verse 115
وَنَجَّيْنَـٰهُمَا وَقَوْمَهُمَا مِنَ ٱلْكَرْبِ ٱلْعَظِيمِ
Transliteration wanajjaynāhumā waqawmahumā mina l-karbi l-ʿaẓīmi
Tagalog Nagligtas Kami sa kanilang dalawa at sa mag-anak nilang dalawa mula sa dalamhating sukdulan.
Verse 116
وَنَصَرْنَـٰهُمْ فَكَانُوا۟ هُمُ ٱلْغَـٰلِبِينَ
Transliteration wanaṣarnāhum fakānū humu l-ghālibīna
Tagalog Nag-adya Kami sa kanila kaya sila ay naging ang mga nananaig.
Verse 117
وَءَاتَيْنَـٰهُمَا ٱلْكِتَـٰبَ ٱلْمُسْتَبِينَ
Transliteration waātaynāhumā l-kitāba l-mus'tabīna
Tagalog Nagbigay Kami sa kanilang dalawa ng Kasulatang naglilinaw
Verse 118
وَهَدَيْنَـٰهُمَا ٱلصِّرَٰطَ ٱلْمُسْتَقِيمَ
Transliteration wahadaynāhumā l-ṣirāṭa l-mus'taqīma
Tagalog Nagpatnubay Kami sa kanilang dalawa sa landasing tuwid.
Verse 119
وَتَرَكْنَا عَلَيْهِمَا فِى ٱلْـَٔاخِرِينَ
Transliteration wataraknā ʿalayhimā fī l-ākhirīna
Tagalog Nag-iwan Kami para sa kanilang dalawa [ng magandang pagbanggit] sa mga nahuli.
Verse 120
سَلَـٰمٌ عَلَىٰ مُوسَىٰ وَهَـٰرُونَ
Transliteration salāmun ʿalā mūsā wahārūna
Tagalog Kapayapaan ay sumakina Moises at Aaron.
Verse 121
إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجْزِى ٱلْمُحْسِنِينَ
Transliteration innā kadhālika najzī l-muḥ'sinīna
Tagalog Tunay na Kami ay gayon gumaganti sa mga tagagawa ng maganda.
Verse 122
إِنَّهُمَا مِنْ عِبَادِنَا ٱلْمُؤْمِنِينَ
Transliteration innahumā min ʿibādinā l-mu'minīna
Tagalog Tunay na silang dalawa ay kabilang sa mga lingkod Naming mga mananampalataya.
Verse 123
وَإِنَّ إِلْيَاسَ لَمِنَ ٱلْمُرْسَلِينَ
Transliteration wa-inna il'yāsa lamina l-mur'salīna
Tagalog Tunay na si Elias ay talagang kabilang sa mga isinugo,
Verse 124
إِذْ قَالَ لِقَوْمِهِۦٓ أَلَا تَتَّقُونَ
Transliteration idh qāla liqawmihi alā tattaqūna
Tagalog noong nagsabi siya sa mga kalipi niya: "Hindi ba kayo mangingilag magkasala?
Verse 125
أَتَدْعُونَ بَعْلًا وَتَذَرُونَ أَحْسَنَ ٱلْخَـٰلِقِينَ
Transliteration atadʿūna baʿlan watadharūna aḥsana l-khāliqīna
Tagalog Dumadalangin ba kayo kay Baal at nagtatatwa kayo sa pinakamagaling sa mga tagalikha,
Verse 126
ٱللَّهَ رَبَّكُمْ وَرَبَّ ءَابَآئِكُمُ ٱلْأَوَّلِينَ
Transliteration al-laha rabbakum warabba ābāikumu l-awalīna
Tagalog kay Allāh na Panginoon ninyo at Panginoon ng mga ninuno ninyong mga sinauna?"
Verse 127
فَكَذَّبُوهُ فَإِنَّهُمْ لَمُحْضَرُونَ
Transliteration fakadhabūhu fa-innahum lamuḥ'ḍarūna
Tagalog Ngunit nagpasinungaling sila sa kanya kaya tunay na sila ay talagang mga padadaluhin [sa pagdurusa],
Verse 128
إِلَّا عِبَادَ ٱللَّهِ ٱلْمُخْلَصِينَ
Transliteration illā ʿibāda l-lahi l-mukh'laṣīna
Tagalog maliban sa mga itinanging lingkod ni Allāh.
Verse 129
وَتَرَكْنَا عَلَيْهِ فِى ٱلْـَٔاخِرِينَ
Transliteration wataraknā ʿalayhi fī l-ākhirīna
Tagalog Nag-iwan Kami para sa kanya [ng magandang pagbanggit] sa mga nahuli.
Verse 130
سَلَـٰمٌ عَلَىٰٓ إِلْ يَاسِينَ
Transliteration salāmun ʿalā il yāsīna
Tagalog Kapayapaan ay sumakay Elias.
Verse 131
إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجْزِى ٱلْمُحْسِنِينَ
Transliteration innā kadhālika najzī l-muḥ'sinīna
Tagalog Tunay na Kami ay gayon gumaganti sa mga tagagawa ng maganda.
Verse 132
إِنَّهُۥ مِنْ عِبَادِنَا ٱلْمُؤْمِنِينَ
Transliteration innahu min ʿibādinā l-mu'minīna
Tagalog Tunay na siya ay kabilang sa mga lingkod Naming mga mananampalataya.
Verse 133
وَإِنَّ لُوطًا لَّمِنَ ٱلْمُرْسَلِينَ
Transliteration wa-inna lūṭan lamina l-mur'salīna
Tagalog Tunay na si Lot ay talagang kabilang sa mga isinugo,
Verse 134
إِذْ نَجَّيْنَـٰهُ وَأَهْلَهُۥٓ أَجْمَعِينَ
Transliteration idh najjaynāhu wa-ahlahu ajmaʿīna
Tagalog noong nagligtas Kami sa kanya at sa mag-anak niya nang magkakasama,
Verse 135
إِلَّا عَجُوزًا فِى ٱلْغَـٰبِرِينَ
Transliteration illā ʿajūzan fī l-ghābirīna
Tagalog maliban sa isang matandang babae sa mga nagpapaiwan.
Verse 136
ثُمَّ دَمَّرْنَا ٱلْـَٔاخَرِينَ
Transliteration thumma dammarnā l-ākharīna
Tagalog Pagkatapos winasak Namin ang mga iba pa.
Verse 137
وَإِنَّكُمْ لَتَمُرُّونَ عَلَيْهِم مُّصْبِحِينَ
Transliteration wa-innakum latamurrūna ʿalayhim muṣ'biḥīna
Tagalog Tunay na kayo ay talagang nagdaraan sa kanila sa umaga
Verse 138
وَبِٱلَّيْلِ ۗ أَفَلَا تَعْقِلُونَ
Transliteration wabi-al-layli afalā taʿqilūna
Tagalog at sa gabi. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa?
Verse 139
وَإِنَّ يُونُسَ لَمِنَ ٱلْمُرْسَلِينَ
Transliteration wa-inna yūnusa lamina l-mur'salīna
Tagalog Tunay na si Jonas ay talagang kabilang sa mga isinugo,
Verse 140
إِذْ أَبَقَ إِلَى ٱلْفُلْكِ ٱلْمَشْحُونِ
Transliteration idh abaqa ilā l-ful'ki l-mashḥūni
Tagalog noong tumakas siya patungo sa daong na nilulanan.
Verse 141
فَسَاهَمَ فَكَانَ مِنَ ٱلْمُدْحَضِينَ
Transliteration fasāhama fakāna mina l-mud'ḥaḍīna
Tagalog Kaya nakipagpalabunutan siya ngunit siya ay naging kabilang sa mga natalo.
Verse 142
فَٱلْتَقَمَهُ ٱلْحُوتُ وَهُوَ مُلِيمٌ
Transliteration fal-taqamahu l-ḥūtu wahuwa mulīmun
Tagalog Kaya nilamon siya ng isda habang siya ay masisisi.
Verse 143
فَلَوْلَآ أَنَّهُۥ كَانَ مِنَ ٱلْمُسَبِّحِينَ
Transliteration falawlā annahu kāna mina l-musabiḥīna
Tagalog Kaya kung hindi dahil siya ay naging kabilang sa mga tagapagluwalhati,
Verse 144
لَلَبِثَ فِى بَطْنِهِۦٓ إِلَىٰ يَوْمِ يُبْعَثُونَ
Transliteration lalabitha fī baṭnihi ilā yawmi yub'ʿathūna
Tagalog talaga sanang namalagi siya sa tiyan niyon hanggang sa Araw na bubuhaying muli sila.
Verse 145
۞ فَنَبَذْنَـٰهُ بِٱلْعَرَآءِ وَهُوَ سَقِيمٌ
Transliteration fanabadhnāhu bil-ʿarāi wahuwa saqīmun
Tagalog Ngunit itinapon Namin siya sa baybaying hungkag habang siya ay maysakit.
Verse 146
وَأَنۢبَتْنَا عَلَيْهِ شَجَرَةً مِّن يَقْطِينٍ
Transliteration wa-anbatnā ʿalayhi shajaratan min yaqṭīnin
Tagalog Nagpatubo Kami sa ibabaw niya ng isang puno ng malakalabasa.
Verse 147
وَأَرْسَلْنَـٰهُ إِلَىٰ مِا۟ئَةِ أَلْفٍ أَوْ يَزِيدُونَ
Transliteration wa-arsalnāhu ilā mi-ati alfin aw yazīdūna
Tagalog Nagsugo Kami sa kanya sa isang daang libo o nakahihigit sila.
Verse 148
فَـَٔامَنُوا۟ فَمَتَّعْنَـٰهُمْ إِلَىٰ حِينٍ
Transliteration faāmanū famattaʿnāhum ilā ḥīnin
Tagalog Kaya sumampalataya sila kaya nagpatamasa Kami sa kanila hanggang sa isang panahon.
Verse 149
فَٱسْتَفْتِهِمْ أَلِرَبِّكَ ٱلْبَنَاتُ وَلَهُمُ ٱلْبَنُونَ
Transliteration fa-is'taftihim alirabbika l-banātu walahumu l-banūna
Tagalog Kaya magpahabilin ka sa kanila: "Ukol ba sa Panginoon mo ay ang mga anak na babae at ukol sa kanila at ang mga anak na lalaki?"
Verse 150
أَمْ خَلَقْنَا ٱلْمَلَـٰٓئِكَةَ إِنَـٰثًا وَهُمْ شَـٰهِدُونَ
Transliteration am khalaqnā l-malāikata ināthan wahum shāhidūna
Tagalog O lumikha ba Kami ng mga anghel bilang mga babae habang sila ay mga sumasaksi?
Verse 151
أَلَآ إِنَّهُم مِّنْ إِفْكِهِمْ لَيَقُولُونَ
Transliteration alā innahum min if'kihim layaqūlūna
Tagalog Pansinin, tunay na sila dala ng kabulaanan nila ay talagang nagsasabi:
Verse 152
وَلَدَ ٱللَّهُ وَإِنَّهُمْ لَكَـٰذِبُونَ
Transliteration walada l-lahu wa-innahum lakādhibūna
Tagalog "Nagkaanak si Allāh." Tunay na sila ay talagang mga sinungaling.
Verse 153
أَصْطَفَى ٱلْبَنَاتِ عَلَى ٱلْبَنِينَ
Transliteration aṣṭafā l-banāti ʿalā l-banīna
Tagalog Humirang ba Siya ng mga anak na babae higit sa mga anak na lalaki?
Verse 154
مَا لَكُمْ كَيْفَ تَحْكُمُونَ
Transliteration mā lakum kayfa taḥkumūna
Tagalog Ano ang mayroon sa inyo? Papaano kayong humahatol?
Verse 155
أَفَلَا تَذَكَّرُونَ
Transliteration afalā tadhakkarūna
Tagalog Kaya hindi ba kayo magsasaalaala?
Verse 156
أَمْ لَكُمْ سُلْطَـٰنٌ مُّبِينٌ
Transliteration am lakum sul'ṭānun mubīnun
Tagalog O mayroon ba kayong isang kapamahalaang malinaw?
Verse 157
فَأْتُوا۟ بِكِتَـٰبِكُمْ إِن كُنتُمْ صَـٰدِقِينَ
Transliteration fatū bikitābikum in kuntum ṣādiqīna
Tagalog Kaya maglahad kayo ng kasulatan ninyo kung kayo ay mga tapat.
Verse 158
وَجَعَلُوا۟ بَيْنَهُۥ وَبَيْنَ ٱلْجِنَّةِ نَسَبًا ۚ وَلَقَدْ عَلِمَتِ ٱلْجِنَّةُ إِنَّهُمْ لَمُحْضَرُونَ
Transliteration wajaʿalū baynahu wabayna l-jinati nasaban walaqad ʿalimati l-jinatu innahum lamuḥ'ḍarūna
Tagalog Nag-angkin sila sa pagitan Niya at ng mga [anghel na] nakakubli ng isang pagkakamag-anak. Talaga ngang nalaman ng mga [anghel na] nakakubli na tunay na sila ay talagang mga padadaluhin [sa pagdurusa].
Verse 159
سُبْحَـٰنَ ٱللَّهِ عَمَّا يَصِفُونَ
Transliteration sub'ḥāna l-lahi ʿammā yaṣifūna
Tagalog Kaluwalhatian kay Allāh higit sa anumang inilalarawan nila,
Verse 160
إِلَّا عِبَادَ ٱللَّهِ ٱلْمُخْلَصِينَ
Transliteration illā ʿibāda l-lahi l-mukh'laṣīna
Tagalog maliban sa mga itinanging lingkod ni Allāh.
Verse 161
فَإِنَّكُمْ وَمَا تَعْبُدُونَ
Transliteration fa-innakum wamā taʿbudūna
Tagalog Kaya tunay na kayo at ang anumang sinasamba ninyo,
Verse 162
مَآ أَنتُمْ عَلَيْهِ بِفَـٰتِنِينَ
Transliteration mā antum ʿalayhi bifātinīna
Tagalog kayo palayo sa Kanya ay hindi mga makatutukso,
Verse 163
إِلَّا مَنْ هُوَ صَالِ ٱلْجَحِيمِ
Transliteration illā man huwa ṣāli l-jaḥīmi
Tagalog maliban sa sinumang masusunog sa Impiyerno.
Verse 164
وَمَا مِنَّآ إِلَّا لَهُۥ مَقَامٌ مَّعْلُومٌ
Transliteration wamā minnā illā lahu maqāmun maʿlūmun
Tagalog [Magsasabi ang mga anghel]: "Walang kabilang sa amin malibang mayroon siyang isang katayuang nalalaman.
Verse 165
وَإِنَّا لَنَحْنُ ٱلصَّآفُّونَ
Transliteration wa-innā lanaḥnu l-ṣāfūna
Tagalog Tunay na kami ay talagang kami ang mga nakahanay.
Verse 166
وَإِنَّا لَنَحْنُ ٱلْمُسَبِّحُونَ
Transliteration wa-innā lanaḥnu l-musabiḥūna
Tagalog Tunay na kami ay talagang kami ang mga tagaluwalhati."
Verse 167
وَإِن كَانُوا۟ لَيَقُولُونَ
Transliteration wa-in kānū layaqūlūna
Tagalog Tunay na sila dati ay talagang nagsasabi:
Verse 168
لَوْ أَنَّ عِندَنَا ذِكْرًا مِّنَ ٱلْأَوَّلِينَ
Transliteration law anna ʿindanā dhik'ran mina l-awalīna
Tagalog "Kung sakaling mayroon tayong isang paalaala mula sa mga sinauna,
Verse 169
لَكُنَّا عِبَادَ ٱللَّهِ ٱلْمُخْلَصِينَ
Transliteration lakunnā ʿibāda l-lahi l-mukh'laṣīna
Tagalog talaga sanang tayo ay naging mga itinatanging lingkod ni Allāh."
Verse 170
فَكَفَرُوا۟ بِهِۦ ۖ فَسَوْفَ يَعْلَمُونَ
Transliteration fakafarū bihi fasawfa yaʿlamūna
Tagalog Ngunit tumanggi silang sumampalataya rito, kaya malalaman nila.
Verse 171
وَلَقَدْ سَبَقَتْ كَلِمَتُنَا لِعِبَادِنَا ٱلْمُرْسَلِينَ
Transliteration walaqad sabaqat kalimatunā liʿibādinā l-mur'salīna
Tagalog Talaga ngang nauna ang salita Namin para sa mga lingkod Naming mga isinugo:
Verse 172
إِنَّهُمْ لَهُمُ ٱلْمَنصُورُونَ
Transliteration innahum lahumu l-manṣūrūna
Tagalog Tunay na sila, ukol sa kanila [na maging] ang mga iaadya;
Verse 173
وَإِنَّ جُندَنَا لَهُمُ ٱلْغَـٰلِبُونَ
Transliteration wa-inna jundanā lahumu l-ghālibūna
Tagalog at tunay na ang mga kawal Namin, ukol sa kanila [na maging] ang tagadaig.
Verse 174
فَتَوَلَّ عَنْهُمْ حَتَّىٰ حِينٍ
Transliteration fatawalla ʿanhum ḥattā ḥīnin
Tagalog Kaya tumalikod ka palayo sa kanila hanggang sa isang panahon.
Verse 175
وَأَبْصِرْهُمْ فَسَوْفَ يُبْصِرُونَ
Transliteration wa-abṣir'hum fasawfa yub'ṣirūna
Tagalog Tumingin ka sa kanila sapagkat makikita nila.
Verse 176
أَفَبِعَذَابِنَا يَسْتَعْجِلُونَ
Transliteration afabiʿadhābinā yastaʿjilūna
Tagalog Kaya ba sa pagdurusang dulot Namin ay nagmamadali sila?
Verse 177
فَإِذَا نَزَلَ بِسَاحَتِهِمْ فَسَآءَ صَبَاحُ ٱلْمُنذَرِينَ
Transliteration fa-idhā nazala bisāḥatihim fasāa ṣabāḥu l-mundharīna
Tagalog Ngunit kapag bumaba ito sa bakuran nila, kay sagwa ang umaga ng mga binalaan!
Verse 178
وَتَوَلَّ عَنْهُمْ حَتَّىٰ حِينٍ
Transliteration watawalla ʿanhum ḥattā ḥīnin
Tagalog Tumalikod ka palayo sa kanila hanggang sa isang panahon.
Verse 179
وَأَبْصِرْ فَسَوْفَ يُبْصِرُونَ
Transliteration wa-abṣir fasawfa yub'ṣirūna
Tagalog Tumingin ka sapagkat makikita nila.
Verse 180
سُبْحَـٰنَ رَبِّكَ رَبِّ ٱلْعِزَّةِ عَمَّا يَصِفُونَ
Transliteration sub'ḥāna rabbika rabbi l-ʿizati ʿammā yaṣifūna
Tagalog Kaluwalhatian sa Panginoon mo, ang Panginoon ng Kapangyarihan, higit sa anumang inilalarawan nila.
Verse 181
وَسَلَـٰمٌ عَلَى ٱلْمُرْسَلِينَ
Transliteration wasalāmun ʿalā l-mur'salīna
Tagalog Kapayapaan sa mga isinugo.
Verse 182
وَٱلْحَمْدُ لِلَّهِ رَبِّ ٱلْعَـٰلَمِينَ
Transliteration wal-ḥamdu lillahi rabbi l-ʿālamīna
Tagalog Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.
Read Surah As-Saffat in another language
- English (word by word)
- Albanian
- Amazigh
- Amharic
- Assamese
- Azerbaijani
- Bambara
- Bangla
- Bosnian
- Bulgarian
- Chechen
- Chinese
- Czech
- Dari
- Dhivehi
- Dutch
- Finnish
- French
- German
- Gujarati
- Hausa
- Hebrew
- Hindi
- Indonesian
- Italian
- Japanese
- Kannada
- Kazakh
- Khmer
- Kinyarwanda
- Korean
- Kurdish
- Luganda
- Malay
- Malayalam
- Maranao
- Marathi
- Nepali
- Norwegian
- Oromo
- Pashto
- Persian
- Polish
- Portuguese
- Romanian
- Russian
- Sindhi
- Sinhala
- Somali
- Spanish
- Swahili
- Swedish
- Tajik
- Tamil
- Tatar
- Telugu
- Thai
- Turkish
- Ukrainian
- Urdu
- Uyghur
- Uzbek
- Vietnamese
- Yao
- Yoruba
All 114 surahs in Tagalog: the Qur’an in Tagalog.
Tagalog translation: Dar Al-Salam Center, from Quran.com. Transliteration: Quran.com. Recitation: Mishary Alafasy, from EveryAyah.com. MyDugsi is a learning aid, not a replacement for a qualified teacher.