Surah Ghafir in Tagalog: translation and audio
Surah 40 · غافر · The Forgiver · 85 verses
Surah Ghafir verse by verse: the Arabic with a recitation you can repeat, the transliteration, and the Tagalog translation by Dar Al-Salam Center. For the meaning of every word, see Surah Ghafir word by word in English.
Verse 1
حمٓ
Transliteration hha-meem
Tagalog Ḥā. Mīm.
Verse 2
تَنزِيلُ ٱلْكِتَـٰبِ مِنَ ٱللَّهِ ٱلْعَزِيزِ ٱلْعَلِيمِ
Transliteration tanzīlu l-kitābi mina l-lahi l-ʿazīzi l-ʿalīmi
Tagalog Ang pagbababa ng Aklat ay mula kay Allāh, ang Makapangyarihan, ang Maalam.
Verse 3
غَافِرِ ٱلذَّنۢبِ وَقَابِلِ ٱلتَّوْبِ شَدِيدِ ٱلْعِقَابِ ذِى ٱلطَّوْلِ ۖ لَآ إِلَـٰهَ إِلَّا هُوَ ۖ إِلَيْهِ ٱلْمَصِيرُ
Transliteration ghāfiri l-dhanbi waqābili l-tawbi shadīdi l-ʿiqābi dhī l-ṭawli lā ilāha illā huwa ilayhi l-maṣīru
Tagalog ang Tagapagpatawad ng pagkakasala, ang Tagatanggap ng pagbabalik-loob, ang Matindi ang parusa, ang May-kaya. Walang Diyos kundi Siya; sa Kanya ang kahahantungan.
Verse 4
مَا يُجَـٰدِلُ فِىٓ ءَايَـٰتِ ٱللَّهِ إِلَّا ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ فَلَا يَغْرُرْكَ تَقَلُّبُهُمْ فِى ٱلْبِلَـٰدِ
Transliteration mā yujādilu fī āyāti l-lahi illā alladhīna kafarū falā yaghrur'ka taqallubuhum fī l-bilādi
Tagalog Walang nakikipagtalo hinggil sa mga talata ni Allāh kundi ang mga tumangging sumampalataya, kaya huwag manlinlang sa iyo ang paggala-gala nila sa bayan.
Verse 5
كَذَّبَتْ قَبْلَهُمْ قَوْمُ نُوحٍ وَٱلْأَحْزَابُ مِنۢ بَعْدِهِمْ ۖ وَهَمَّتْ كُلُّ أُمَّةٍۭ بِرَسُولِهِمْ لِيَأْخُذُوهُ ۖ وَجَـٰدَلُوا۟ بِٱلْبَـٰطِلِ لِيُدْحِضُوا۟ بِهِ ٱلْحَقَّ فَأَخَذْتُهُمْ ۖ فَكَيْفَ كَانَ عِقَابِ
Transliteration kadhabat qablahum qawmu nūḥin wal-aḥzābu min baʿdihim wahammat kullu ummatin birasūlihim liyakhudhūhu wajādalū bil-bāṭili liyud'ḥiḍū bihi l-ḥaqa fa-akhadhtuhum fakayfa kāna ʿiqābi
Tagalog Nagpasinungaling bago nila ang mga kababayan ni Noe at ang mga lapian nang matapos nila. Nagtangka ang bawat kalipunan sa sugo nila upang dumaklot sa kanya. Nakipagtalo sila sa pamamagitan ng kabulaanan upang magpamali sa pamamagitan nito sa katotohanan. Kaya dumaklot Ako sa kanila kaya papaano naging ang parusa Ko?
Verse 6
وَكَذَٰلِكَ حَقَّتْ كَلِمَتُ رَبِّكَ عَلَى ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓا۟ أَنَّهُمْ أَصْحَـٰبُ ٱلنَّارِ
Transliteration wakadhālika ḥaqqat kalimatu rabbika ʿalā alladhīna kafarū annahum aṣḥābu l-nāri
Tagalog Gayon nagindapat ang salita ng Panginoon mo sa mga tumangging sumampalataya, na sila ay mga maninirahan sa Apoy.
Verse 7
ٱلَّذِينَ يَحْمِلُونَ ٱلْعَرْشَ وَمَنْ حَوْلَهُۥ يُسَبِّحُونَ بِحَمْدِ رَبِّهِمْ وَيُؤْمِنُونَ بِهِۦ وَيَسْتَغْفِرُونَ لِلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ رَبَّنَا وَسِعْتَ كُلَّ شَىْءٍ رَّحْمَةً وَعِلْمًا فَٱغْفِرْ لِلَّذِينَ تَابُوا۟ وَٱتَّبَعُوا۟ سَبِيلَكَ وَقِهِمْ عَذَابَ ٱلْجَحِيمِ
Transliteration alladhīna yaḥmilūna l-ʿarsha waman ḥawlahu yusabbiḥūna biḥamdi rabbihim wayu'minūna bihi wayastaghfirūna lilladhīna āmanū rabbanā wasiʿ'ta kulla shayin raḥmatan waʿil'man fa-igh'fir lilladhīna tābū wa-ittabaʿū sabīlaka waqihim ʿadhāba l-jaḥīmi
Tagalog Ang mga [anghel] na nagpapasan ng Trono at ang mga nasa paligid nito ay nagluluwalhati kalakip ng pagpupuri sa Panginoon nila, sumasampalataya sa Kanya, at humihingi ng tawad para sa mga sumampalataya, [na nagsasabi]: "Panginoon namin, sumaklaw Ka sa bawat bagay sa awa at kaalaman, kaya magpatawad Ka sa mga nagbalik-loob at sumunod sa landas Mo, at magsanggalang Ka sa kanila sa pagdurusa sa Impiyerno.
Verse 8
رَبَّنَا وَأَدْخِلْهُمْ جَنَّـٰتِ عَدْنٍ ٱلَّتِى وَعَدتَّهُمْ وَمَن صَلَحَ مِنْ ءَابَآئِهِمْ وَأَزْوَٰجِهِمْ وَذُرِّيَّـٰتِهِمْ ۚ إِنَّكَ أَنتَ ٱلْعَزِيزُ ٱلْحَكِيمُ
Transliteration rabbanā wa-adkhil'hum jannāti ʿadnin allatī waʿadttahum waman ṣalaḥa min ābāihim wa-azwājihim wadhurriyyātihim innaka anta l-ʿazīzu l-ḥakīmu
Tagalog Panginoon namin, at magpapasok Ka sa kanila sa mga Hardin ng Eden na ipinangako Mo sa kanila at sa sinumang umayos kabilang sa mga magulang nila, mga asawa nila, at mga supling nila. Tunay na Ikaw ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.
Verse 9
وَقِهِمُ ٱلسَّيِّـَٔاتِ ۚ وَمَن تَقِ ٱلسَّيِّـَٔاتِ يَوْمَئِذٍ فَقَدْ رَحِمْتَهُۥ ۚ وَذَٰلِكَ هُوَ ٱلْفَوْزُ ٱلْعَظِيمُ
Transliteration waqihimu l-sayiāti waman taqi l-sayiāti yawma-idhin faqad raḥim'tahu wadhālika huwa l-fawzu l-ʿaẓīmu
Tagalog Magsanggalang Ka sa kanila sa mga masagwang gawa. Ang sinumang isasanggalang Mo sa mga masagwang gawa sa Araw na iyon ay naawa Ka nga sa kanya. Iyon ay ang pagkatamong sukdulan."
Verse 10
إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ يُنَادَوْنَ لَمَقْتُ ٱللَّهِ أَكْبَرُ مِن مَّقْتِكُمْ أَنفُسَكُمْ إِذْ تُدْعَوْنَ إِلَى ٱلْإِيمَـٰنِ فَتَكْفُرُونَ
Transliteration inna alladhīna kafarū yunādawna lamaqtu l-lahi akbaru min maqtikum anfusakum idh tud'ʿawna ilā l-īmāni fatakfurūna
Tagalog Tunay na ang mga tumangging sumampalataya ay tatawagin: "Talagang ang pagkamuhi ni Allāh ay higit na malaki kaysa sa pagkamuhi ninyo sa mga sarili ninyo noong inaanyayahan kayo sa pananampalataya ngunit tumatanggi kayong sumampalataya."
Verse 11
قَالُوا۟ رَبَّنَآ أَمَتَّنَا ٱثْنَتَيْنِ وَأَحْيَيْتَنَا ٱثْنَتَيْنِ فَٱعْتَرَفْنَا بِذُنُوبِنَا فَهَلْ إِلَىٰ خُرُوجٍ مِّن سَبِيلٍ
Transliteration qālū rabbanā amattanā ith'natayni wa-aḥyaytanā ith'natayni fa-iʿ'tarafnā bidhunūbinā fahal ilā khurūjin min sabīlin
Tagalog Magsasabi sila: "Panginoon namin, nagbigay-kamatayan Ka sa amin nang dalawang ulit at nagbigay-buhay Ka sa amin nang dalawang ulit, saka umamin kami sa mga pagkakasala namin. Kaya tungo sa paglabas kaya ay may anumang landas?"
Verse 12
ذَٰلِكُم بِأَنَّهُۥٓ إِذَا دُعِىَ ٱللَّهُ وَحْدَهُۥ كَفَرْتُمْ ۖ وَإِن يُشْرَكْ بِهِۦ تُؤْمِنُوا۟ ۚ فَٱلْحُكْمُ لِلَّهِ ٱلْعَلِىِّ ٱلْكَبِيرِ
Transliteration dhālikum bi-annahu idhā duʿiya l-lahu waḥdahu kafartum wa-in yush'rak bihi tu'minū fal-ḥuk'mu lillahi l-ʿaliyi l-kabīri
Tagalog [Sasabihin]: "Iyon ay dahil kapag dinalanginan si Allāh nang mag-isa, tumatanggi kayong sumampalataya; at kung tinatambalan Siya, sumasampalataya kayo. Kaya ang paghahatol ay ukol kay Allāh, ang Mataas, ang Malaki."
Verse 13
هُوَ ٱلَّذِى يُرِيكُمْ ءَايَـٰتِهِۦ وَيُنَزِّلُ لَكُم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ رِزْقًا ۚ وَمَا يَتَذَكَّرُ إِلَّا مَن يُنِيبُ
Transliteration huwa alladhī yurīkum āyātihi wayunazzilu lakum mina l-samāi riz'qan wamā yatadhakkaru illā man yunību
Tagalog Siya ay ang nagpapakita sa inyo ng mga tanda Niya at nagbababa para sa inyo mula sa langit ng panustos. Walang nagsasaalaala kundi ang sinumang nagsisising bumabalik.
Verse 14
فَٱدْعُوا۟ ٱللَّهَ مُخْلِصِينَ لَهُ ٱلدِّينَ وَلَوْ كَرِهَ ٱلْكَـٰفِرُونَ
Transliteration fa-id'ʿū l-laha mukh'liṣīna lahu l-dīna walaw kariha l-kāfirūna
Tagalog Kaya dumalangin kayo kay Allāh habang mga nagpapakawagas sa Kanya sa relihiyon kahit pa man nasuklam ang mga tagatangging sumampalataya.
Verse 15
رَفِيعُ ٱلدَّرَجَـٰتِ ذُو ٱلْعَرْشِ يُلْقِى ٱلرُّوحَ مِنْ أَمْرِهِۦ عَلَىٰ مَن يَشَآءُ مِنْ عِبَادِهِۦ لِيُنذِرَ يَوْمَ ٱلتَّلَاقِ
Transliteration rafīʿu l-darajāti dhū l-ʿarshi yul'qī l-rūḥa min amrihi ʿalā man yashāu min ʿibādihi liyundhira yawma l-talāqi
Tagalog Ang Angat sa mga antas, ang May Trono, nagtatalaga Siya ng pagsisiwalat mula sa utos Niya sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya upang magbabala ng Araw ng pagkikita.
Verse 16
يَوْمَ هُم بَـٰرِزُونَ ۖ لَا يَخْفَىٰ عَلَى ٱللَّهِ مِنْهُمْ شَىْءٌ ۚ لِّمَنِ ٱلْمُلْكُ ٱلْيَوْمَ ۖ لِلَّهِ ٱلْوَٰحِدِ ٱلْقَهَّارِ
Transliteration yawma hum bārizūna lā yakhfā ʿalā l-lahi min'hum shayon limani l-mul'ku l-yawma lillahi l-wāḥidi l-qahāri
Tagalog Sa Araw na sila ay mga lilitaw, walang nakakukubli kay Allāh mula sa kanila na anuman. Sa kanino ang paghahari sa Araw na ito? Sa kay Allāh, ang Nag-iisa, ang Palalupig.
Verse 17
ٱلْيَوْمَ تُجْزَىٰ كُلُّ نَفْسٍۭ بِمَا كَسَبَتْ ۚ لَا ظُلْمَ ٱلْيَوْمَ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ سَرِيعُ ٱلْحِسَابِ
Transliteration al-yawma tuj'zā kullu nafsin bimā kasabat lā ẓul'ma l-yawma inna l-laha sarīʿu l-ḥisābi
Tagalog Sa Araw na ito, gagantihan ang bawat kaluluwa ayon sa nakamit nito. Walang kawalang-katarungan sa Araw na ito. Tunay na si Allāh ay Mabilis ang pagtutuos.
Verse 18
وَأَنذِرْهُمْ يَوْمَ ٱلْـَٔازِفَةِ إِذِ ٱلْقُلُوبُ لَدَى ٱلْحَنَاجِرِ كَـٰظِمِينَ ۚ مَا لِلظَّـٰلِمِينَ مِنْ حَمِيمٍ وَلَا شَفِيعٍ يُطَاعُ
Transliteration wa-andhir'hum yawma l-āzifati idhi l-qulūbu ladā l-ḥanājiri kāẓimīna mā lilẓẓālimīna min ḥamīmin walā shafīʿin yuṭāʿu
Tagalog Magbabala ka sa kanila ng Araw ng Papalapit kapag ang mga puso ay nasa tabi ng mga lalamunan habang mga nagpipigil. Walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan na anumang matalik na kaibigan ni tagapagpamagitang tatalimain.
Verse 19
يَعْلَمُ خَآئِنَةَ ٱلْأَعْيُنِ وَمَا تُخْفِى ٱلصُّدُورُ
Transliteration yaʿlamu khāinata l-aʿyuni wamā tukh'fī l-ṣudūru
Tagalog Nakaaalam Siya sa taksil sa mga mata at anumang ikinukubli ng mga dibdib.
Verse 20
وَٱللَّهُ يَقْضِى بِٱلْحَقِّ ۖ وَٱلَّذِينَ يَدْعُونَ مِن دُونِهِۦ لَا يَقْضُونَ بِشَىْءٍ ۗ إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلْبَصِيرُ
Transliteration wal-lahu yaqḍī bil-ḥaqi wa-alladhīna yadʿūna min dūnihi lā yaqḍūna bishayin inna l-laha huwa l-samīʿu l-baṣīru
Tagalog Si Allāh ay humuhusga ayon sa katotohanan samantalang ang mga dumadalangin sa bukod pa sa Kanya ay hindi humuhusga ayon sa anuman. Tunay na si Allāh ay ang Madinigin, ang Nakakikita.
Verse 21
۞ أَوَلَمْ يَسِيرُوا۟ فِى ٱلْأَرْضِ فَيَنظُرُوا۟ كَيْفَ كَانَ عَـٰقِبَةُ ٱلَّذِينَ كَانُوا۟ مِن قَبْلِهِمْ ۚ كَانُوا۟ هُمْ أَشَدَّ مِنْهُمْ قُوَّةً وَءَاثَارًا فِى ٱلْأَرْضِ فَأَخَذَهُمُ ٱللَّهُ بِذُنُوبِهِمْ وَمَا كَانَ لَهُم مِّنَ ٱللَّهِ مِن وَاقٍ
Transliteration awalam yasīrū fī l-arḍi fayanẓurū kayfa kāna ʿāqibatu alladhīna kānū min qablihim kānū hum ashadda min'hum quwwatan waāthāran fī l-arḍi fa-akhadhahumu l-lahu bidhunūbihim wamā kāna lahum mina l-lahi min wāqin
Tagalog Hindi ba sila humayo sa lupain para tumingin sila kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga iyon dati bago pa nila? Dati ang mga iyon ay higit na matindi kaysa sa kanila sa lakas at mga bakas sa lupain, ngunit dumaklot sa kanila si Allāh dahil sa mga pagkakasala nila. Hindi nagkaroon sa kanila laban kay Allāh ng anumang tagasangga.
Verse 22
ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ كَانَت تَّأْتِيهِمْ رُسُلُهُم بِٱلْبَيِّنَـٰتِ فَكَفَرُوا۟ فَأَخَذَهُمُ ٱللَّهُ ۚ إِنَّهُۥ قَوِىٌّ شَدِيدُ ٱلْعِقَابِ
Transliteration dhālika bi-annahum kānat tatīhim rusuluhum bil-bayināti fakafarū fa-akhadhahumu l-lahu innahu qawiyyun shadīdu l-ʿiqābi
Tagalog Iyon ay dahil sila dati ay dinadalhan ng mga sugo nila ng mga malinaw na patunay ngunit tumanggi silang sumampalataya kaya dumaklot sa kanila si Allāh. Tunay na Siya ay Malakas, Matindi ang pagpaparusa.
Verse 23
وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا مُوسَىٰ بِـَٔايَـٰتِنَا وَسُلْطَـٰنٍ مُّبِينٍ
Transliteration walaqad arsalnā mūsā biāyātinā wasul'ṭānin mubīnin
Tagalog Talaga ngang nagsugo Kami kay Moises kalakip ng mga tanda Namin at isang katunayang malinaw
Verse 24
إِلَىٰ فِرْعَوْنَ وَهَـٰمَـٰنَ وَقَـٰرُونَ فَقَالُوا۟ سَـٰحِرٌ كَذَّابٌ
Transliteration ilā fir'ʿawna wahāmāna waqārūna faqālū sāḥirun kadhābun
Tagalog kina Paraon, Hāmān, at Qārūn, ngunit nagsabi sila: "Isang manggagaway na palasinungaling!"
Verse 25
فَلَمَّا جَآءَهُم بِٱلْحَقِّ مِنْ عِندِنَا قَالُوا۟ ٱقْتُلُوٓا۟ أَبْنَآءَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ مَعَهُۥ وَٱسْتَحْيُوا۟ نِسَآءَهُمْ ۚ وَمَا كَيْدُ ٱلْكَـٰفِرِينَ إِلَّا فِى ضَلَـٰلٍ
Transliteration falammā jāahum bil-ḥaqi min ʿindinā qālū uq'tulū abnāa alladhīna āmanū maʿahu wa-is'taḥyū nisāahum wamā kaydu l-kāfirīna illā fī ḍalālin
Tagalog Kaya noong naghatid siya sa kanila ng katotohanan mula sa ganang Amin ay nagsabi sila: "Patayin ninyo ang mga lalaking anak ng mga sumampalataya kasama sa kanya at pamuhayin ninyo ang mga babae nila." Walang iba ang pakana ng mga tagatangging sumampalataya kundi nasa isang pagkaligaw.
Verse 26
وَقَالَ فِرْعَوْنُ ذَرُونِىٓ أَقْتُلْ مُوسَىٰ وَلْيَدْعُ رَبَّهُۥٓ ۖ إِنِّىٓ أَخَافُ أَن يُبَدِّلَ دِينَكُمْ أَوْ أَن يُظْهِرَ فِى ٱلْأَرْضِ ٱلْفَسَادَ
Transliteration waqāla fir'ʿawnu dharūnī aqtul mūsā walyadʿu rabbahu innī akhāfu an yubaddila dīnakum aw an yuẓ'hira fī l-arḍi l-fasāda
Tagalog Nagsabi si Paraon: "Hayaan ninyo ako, papatayin ko si Moises at dumalangin siya sa Panginoon niya. Tunay na ako ay nangangamba na magpalit siya sa relihiyon ninyo o na magpangibabaw siya sa lupain ng kaguluhan."
Verse 27
وَقَالَ مُوسَىٰٓ إِنِّى عُذْتُ بِرَبِّى وَرَبِّكُم مِّن كُلِّ مُتَكَبِّرٍ لَّا يُؤْمِنُ بِيَوْمِ ٱلْحِسَابِ
Transliteration waqāla mūsā innī ʿudh'tu birabbī warabbikum min kulli mutakabbirin lā yu'minu biyawmi l-ḥisābi
Tagalog Nagsabi si Moises: "Tunay na ako ay nagpakupkop sa Panginoon ko at Panginoon ninyo laban sa bawat nagpapakamalaking hindi sumasampalataya sa Araw ng Pagtutuos."
Verse 28
وَقَالَ رَجُلٌ مُّؤْمِنٌ مِّنْ ءَالِ فِرْعَوْنَ يَكْتُمُ إِيمَـٰنَهُۥٓ أَتَقْتُلُونَ رَجُلًا أَن يَقُولَ رَبِّىَ ٱللَّهُ وَقَدْ جَآءَكُم بِٱلْبَيِّنَـٰتِ مِن رَّبِّكُمْ ۖ وَإِن يَكُ كَـٰذِبًا فَعَلَيْهِ كَذِبُهُۥ ۖ وَإِن يَكُ صَادِقًا يُصِبْكُم بَعْضُ ٱلَّذِى يَعِدُكُمْ ۖ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهْدِى مَنْ هُوَ مُسْرِفٌ كَذَّابٌ
Transliteration waqāla rajulun mu'minun min āli fir'ʿawna yaktumu īmānahu ataqtulūna rajulan an yaqūla rabbiya l-lahu waqad jāakum bil-bayināti min rabbikum wa-in yaku kādhiban faʿalayhi kadhibuhu wa-in yaku ṣādiqan yuṣib'kum baʿḍu alladhī yaʿidukum inna l-laha lā yahdī man huwa mus'rifun kadhābun
Tagalog May nagsabing isang lalaking mananampalataya kabilang sa mag-anak ni Paraon, na nagtatago ng pananampalataya niya: "Papatay ba kayo ng isang lalaki dahil nagsasabi siya: 'Ang Panginoon ko ay si Allāh,’ samantalang naghatid nga siya sa inyo ng mga malinaw na patunay mula sa Panginoon ninyo? Kung siya ay naging isang sinungaling, laban sa kanya ang kasinungalingan niya. Kung siya ay naging isang tapat, tatama sa inyo ang ilan sa ipinangangako niya sa inyo. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa sinumang siya ay nagpapakalabis na palasinungaling.
Verse 29
يَـٰقَوْمِ لَكُمُ ٱلْمُلْكُ ٱلْيَوْمَ ظَـٰهِرِينَ فِى ٱلْأَرْضِ فَمَن يَنصُرُنَا مِنۢ بَأْسِ ٱللَّهِ إِن جَآءَنَا ۚ قَالَ فِرْعَوْنُ مَآ أُرِيكُمْ إِلَّا مَآ أَرَىٰ وَمَآ أَهْدِيكُمْ إِلَّا سَبِيلَ ٱلرَّشَادِ
Transliteration yāqawmi lakumu l-mul'ku l-yawma ẓāhirīna fī l-arḍi faman yanṣurunā min basi l-lahi in jāanā qāla fir'ʿawnu mā urīkum illā mā arā wamā ahdīkum illā sabīla l-rashādi
Tagalog O mga kalipi ko, sa inyo ang paghahari ngayong araw habang mga tagapangibabaw sa lupain, ngunit sino ang mag-aadya sa atin laban sa parusa ni Allāh kung dumating ito sa atin?" Nagsabi si Paraon: "Wala akong ipinakikita sa inyo kundi ang nakikita ko at wala akong ipinapatnubay sa inyo kundi ang landas ng kagabayan."
Verse 30
وَقَالَ ٱلَّذِىٓ ءَامَنَ يَـٰقَوْمِ إِنِّىٓ أَخَافُ عَلَيْكُم مِّثْلَ يَوْمِ ٱلْأَحْزَابِ
Transliteration waqāla alladhī āmana yāqawmi innī akhāfu ʿalaykum mith'la yawmi l-aḥzābi
Tagalog Nagsabi ang sumampalataya: "O mga kalipi ko, tunay na ako ay nangangamba para sa inyo ng tulad ng araw ng mga lapian,
Verse 31
مِثْلَ دَأْبِ قَوْمِ نُوحٍ وَعَادٍ وَثَمُودَ وَٱلَّذِينَ مِنۢ بَعْدِهِمْ ۚ وَمَا ٱللَّهُ يُرِيدُ ظُلْمًا لِّلْعِبَادِ
Transliteration mith'la dabi qawmi nūḥin waʿādin wathamūda wa-alladhīna min baʿdihim wamā l-lahu yurīdu ẓul'man lil'ʿibādi
Tagalog tulad ng kinagawian ng mga kababayan ni Noe, ng `Ād, ng Thamūd, at ng mga matapos na sa kanila. Hindi si Allāh nagnanais ng isang kawalang-katarungan para sa mga lingkod [Niya].
Verse 32
وَيَـٰقَوْمِ إِنِّىٓ أَخَافُ عَلَيْكُمْ يَوْمَ ٱلتَّنَادِ
Transliteration wayāqawmi innī akhāfu ʿalaykum yawma l-tanādi
Tagalog O mga kababayan ko, tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa Araw ng Pagtatawagan,
Verse 33
يَوْمَ تُوَلُّونَ مُدْبِرِينَ مَا لَكُم مِّنَ ٱللَّهِ مِنْ عَاصِمٍ ۗ وَمَن يُضْلِلِ ٱللَّهُ فَمَا لَهُۥ مِنْ هَادٍ
Transliteration yawma tuwallūna mud'birīna mā lakum mina l-lahi min ʿāṣimin waman yuḍ'lili l-lahu famā lahu min hādin
Tagalog sa Araw na tatalikod kayo habang mga tumatakas. Walang ukol sa inyo laban kay Allāh na anumang tagapagsanggalang. Ang sinumang ililigaw ni Allāh ay walang ukol dito na anumang tagapagpatnubay.
Verse 34
وَلَقَدْ جَآءَكُمْ يُوسُفُ مِن قَبْلُ بِٱلْبَيِّنَـٰتِ فَمَا زِلْتُمْ فِى شَكٍّ مِّمَّا جَآءَكُم بِهِۦ ۖ حَتَّىٰٓ إِذَا هَلَكَ قُلْتُمْ لَن يَبْعَثَ ٱللَّهُ مِنۢ بَعْدِهِۦ رَسُولًا ۚ كَذَٰلِكَ يُضِلُّ ٱللَّهُ مَنْ هُوَ مُسْرِفٌ مُّرْتَابٌ
Transliteration walaqad jāakum yūsufu min qablu bil-bayināti famā zil'tum fī shakkin mimmā jāakum bihi ḥattā idhā halaka qul'tum lan yabʿatha l-lahu min baʿdihi rasūlan kadhālika yuḍillu l-lahu man huwa mus'rifun mur'tābun
Tagalog Talaga ngang naghatid sa inyo si Jose bago pa niyon ng mga malinaw na patunay, ngunit hindi kayo huminto sa isang pagdududa sa inihatid niya sa inyo hanggang sa, nang namatay siya, nagsabi kayo: "Hindi magpapadala si Allāh nang matapos niya ng isang sugo." Gayon nagliligaw si Allāh sa sinumang siya ay nagpapakalabis na nag-aalinlangan.
Verse 35
ٱلَّذِينَ يُجَـٰدِلُونَ فِىٓ ءَايَـٰتِ ٱللَّهِ بِغَيْرِ سُلْطَـٰنٍ أَتَىٰهُمْ ۖ كَبُرَ مَقْتًا عِندَ ٱللَّهِ وَعِندَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ ۚ كَذَٰلِكَ يَطْبَعُ ٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ قَلْبِ مُتَكَبِّرٍ جَبَّارٍ
Transliteration alladhīna yujādilūna fī āyāti l-lahi bighayri sul'ṭānin atāhum kabura maqtan ʿinda l-lahi waʿinda alladhīna āmanū kadhālika yaṭbaʿu l-lahu ʿalā kulli qalbi mutakabbirin jabbārin
Tagalog Ang mga nakikipagtalo hinggil sa mga tanda ni Allāh nang walang katunayang pumunta sa kanila ay malaki sa pagkamuhi sa ganang kay Allāh at sa ganang mga sumampalataya. Gayon nagpipinid si Allāh sa bawat pusong nagpapakamalaking mapaniil.
Verse 36
وَقَالَ فِرْعَوْنُ يَـٰهَـٰمَـٰنُ ٱبْنِ لِى صَرْحًا لَّعَلِّىٓ أَبْلُغُ ٱلْأَسْبَـٰبَ
Transliteration waqāla fir'ʿawnu yāhāmānu ib'ni lī ṣarḥan laʿallī ablughu l-asbāba
Tagalog Nagsabi si Paraon: "O Hāmān, magpatayo ka para sa akin ng isang tore nang sa gayon ako ay aabot sa mga daanan:
Verse 37
أَسْبَـٰبَ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ فَأَطَّلِعَ إِلَىٰٓ إِلَـٰهِ مُوسَىٰ وَإِنِّى لَأَظُنُّهُۥ كَـٰذِبًا ۚ وَكَذَٰلِكَ زُيِّنَ لِفِرْعَوْنَ سُوٓءُ عَمَلِهِۦ وَصُدَّ عَنِ ٱلسَّبِيلِ ۚ وَمَا كَيْدُ فِرْعَوْنَ إِلَّا فِى تَبَابٍ
Transliteration asbāba l-samāwāti fa-aṭṭaliʿa ilā ilāhi mūsā wa-innī la-aẓunnuhu kādhiban wakadhālika zuyyina lifir'ʿawna sūu ʿamalihi waṣudda ʿani l-sabīli wamā kaydu fir'ʿawna illā fī tabābin
Tagalog mga daanan tungo sa mga langit para makatingin ako sa Diyos ni Moises. Tunay na ako ay talagang nagpapalagay na siya ay isang sinungaling." Gayon ipinang-akit para kay Paraon ang kasagwaan ng gawain niya at hinadlangan siya sa landas. Walang [kahahantungan] ang pakana ni Paraon kundi sa isang pagkawasak.
Verse 38
وَقَالَ ٱلَّذِىٓ ءَامَنَ يَـٰقَوْمِ ٱتَّبِعُونِ أَهْدِكُمْ سَبِيلَ ٱلرَّشَادِ
Transliteration waqāla alladhī āmana yāqawmi ittabiʿūni ahdikum sabīla l-rashādi
Tagalog Nagsabi ang sumampalataya: "O mga kababayan ko, sumunod kayo sa akin, magpapatnubay ako sa inyo sa landas ng kagabayan.
Verse 39
يَـٰقَوْمِ إِنَّمَا هَـٰذِهِ ٱلْحَيَوٰةُ ٱلدُّنْيَا مَتَـٰعٌ وَإِنَّ ٱلْـَٔاخِرَةَ هِىَ دَارُ ٱلْقَرَارِ
Transliteration yāqawmi innamā hādhihi l-ḥayatu l-dun'yā matāʿun wa-inna l-ākhirata hiya dāru l-qarāri
Tagalog O mga kalipi ko, ang buhay na ito sa Mundo ay isang natatamasa lamang at tunay na ang Kabilang-buhay ay ang tahanan ng pamamalagian.
Verse 40
مَنْ عَمِلَ سَيِّئَةً فَلَا يُجْزَىٰٓ إِلَّا مِثْلَهَا ۖ وَمَنْ عَمِلَ صَـٰلِحًا مِّن ذَكَرٍ أَوْ أُنثَىٰ وَهُوَ مُؤْمِنٌ فَأُو۟لَـٰٓئِكَ يَدْخُلُونَ ٱلْجَنَّةَ يُرْزَقُونَ فِيهَا بِغَيْرِ حِسَابٍ
Transliteration man ʿamila sayyi-atan falā yuj'zā illā mith'lahā waman ʿamila ṣāliḥan min dhakarin aw unthā wahuwa mu'minun fa-ulāika yadkhulūna l-janata yur'zaqūna fīhā bighayri ḥisābin
Tagalog Ang sinumang gumawa ng isang masagwang gawa ay hindi gagantihan maliban ng tulad nito. Ang sinumang gumawa ng isang maayos, na lalaki man o babae habang siya ay isang mananampalataya, ang mga iyon ay papasok sa Hardin, na tutustusan doon nang walang pagtutuos.
Verse 41
۞ وَيَـٰقَوْمِ مَا لِىٓ أَدْعُوكُمْ إِلَى ٱلنَّجَوٰةِ وَتَدْعُونَنِىٓ إِلَى ٱلنَّارِ
Transliteration wayāqawmi mā lī adʿūkum ilā l-najati watadʿūnanī ilā l-nāri
Tagalog O mga kababayan ko, ano ang mayroon ako na nag-aanyaya ako sa inyo tungo sa kaligtasan samantalang nag-aanyaya kayo sa akin tungo sa Apoy?
Verse 42
تَدْعُونَنِى لِأَكْفُرَ بِٱللَّهِ وَأُشْرِكَ بِهِۦ مَا لَيْسَ لِى بِهِۦ عِلْمٌ وَأَنَا۠ أَدْعُوكُمْ إِلَى ٱلْعَزِيزِ ٱلْغَفَّـٰرِ
Transliteration tadʿūnanī li-akfura bil-lahi wa-ush'rika bihi mā laysa lī bihi ʿil'mun wa-anā adʿūkum ilā l-ʿazīzi l-ghafāri
Tagalog Nag-aanyaya kayo sa akin upang tumanggi akong sumampalataya kay Allāh at magtambal ako sa Kanya ng anumang hindi ako nagkaroon ng kaalaman hinggil doon samantalang ako ay nag-aanyaya sa inyo tungo sa [Kanya], ang Makapangyarihan, ang Palapatawad.
Verse 43
لَا جَرَمَ أَنَّمَا تَدْعُونَنِىٓ إِلَيْهِ لَيْسَ لَهُۥ دَعْوَةٌ فِى ٱلدُّنْيَا وَلَا فِى ٱلْـَٔاخِرَةِ وَأَنَّ مَرَدَّنَآ إِلَى ٱللَّهِ وَأَنَّ ٱلْمُسْرِفِينَ هُمْ أَصْحَـٰبُ ٱلنَّارِ
Transliteration lā jarama annamā tadʿūnanī ilayhi laysa lahu daʿwatun fī l-dun'yā walā fī l-ākhirati wa-anna maraddanā ilā l-lahi wa-anna l-mus'rifīna hum aṣḥābu l-nāri
Tagalog Walang pasubali na ang ipinaaanyaya ninyo sa akin ay walang ukol ditong isang pag-aanyaya sa Mundo ni sa Kabilang-buhay, na ang pagsasaulian sa amin ay kay Allāh, at na ang mga nagpapakalabis ay ang mga maninirahan sa Apoy.
Verse 44
فَسَتَذْكُرُونَ مَآ أَقُولُ لَكُمْ ۚ وَأُفَوِّضُ أَمْرِىٓ إِلَى ٱللَّهِ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ بَصِيرٌۢ بِٱلْعِبَادِ
Transliteration fasatadhkurūna mā aqūlu lakum wa-ufawwiḍu amrī ilā l-lahi inna l-laha baṣīrun bil-ʿibādi
Tagalog Kaya makaaalaala kayo sa sinasabi ko sa inyo. Ipinagkakatiwala ko ang nauukol sa akin kay Allāh; tunay na si Allāh ay Nakakikita sa mga lingkod [Niya]."
Verse 45
فَوَقَىٰهُ ٱللَّهُ سَيِّـَٔاتِ مَا مَكَرُوا۟ ۖ وَحَاقَ بِـَٔالِ فِرْعَوْنَ سُوٓءُ ٱلْعَذَابِ
Transliteration fawaqāhu l-lahu sayyiāti mā makarū waḥāqa biāli fir'ʿawna sūu l-ʿadhābi
Tagalog Kaya nagsanggalang sa kanya si Allāh sa mga masagwang gawa na ipinakana nila. Pumaligid sa mga kampon ni Paraon ang kasagwaan ng pagdurusa.
Verse 46
ٱلنَّارُ يُعْرَضُونَ عَلَيْهَا غُدُوًّا وَعَشِيًّا ۖ وَيَوْمَ تَقُومُ ٱلسَّاعَةُ أَدْخِلُوٓا۟ ءَالَ فِرْعَوْنَ أَشَدَّ ٱلْعَذَابِ
Transliteration al-nāru yuʿ'raḍūna ʿalayhā ghuduwwan waʿashiyyan wayawma taqūmu l-sāʿatu adkhilū āla fir'ʿawna ashadda l-ʿadhābi
Tagalog Ang Apoy, isasalang sila roon sa umaga at gabi. Sa Araw na sasapit ang Huling Sandali [ay sasabihin]: "Magpapasok kayo sa mga kampon ni Paraon sa pinakamatindi sa pagdurusa."
Verse 47
وَإِذْ يَتَحَآجُّونَ فِى ٱلنَّارِ فَيَقُولُ ٱلضُّعَفَـٰٓؤُا۟ لِلَّذِينَ ٱسْتَكْبَرُوٓا۟ إِنَّا كُنَّا لَكُمْ تَبَعًا فَهَلْ أَنتُم مُّغْنُونَ عَنَّا نَصِيبًا مِّنَ ٱلنَّارِ
Transliteration wa-idh yataḥājjūna fī l-nāri fayaqūlu l-ḍuʿafāu lilladhīna is'takbarū innā kunnā lakum tabaʿan fahal antum mugh'nūna ʿannā naṣīban mina l-nāri
Tagalog [Banggitin] kapag magkakatwiranan sila sa loob ng apoy saka magsasabi ang mga mahina sa mga nagmalaki: "Tunay na kami para sa inyo ay naging tagasunod. Kaya kayo kaya ay mga magtutulak para sa amin ng isang bahagi mula sa apoy?"
Verse 48
قَالَ ٱلَّذِينَ ٱسْتَكْبَرُوٓا۟ إِنَّا كُلٌّ فِيهَآ إِنَّ ٱللَّهَ قَدْ حَكَمَ بَيْنَ ٱلْعِبَادِ
Transliteration qāla alladhīna is'takbarū innā kullun fīhā inna l-laha qad ḥakama bayna l-ʿibādi
Tagalog Magsasabi ang mga nagmalaki: "Tunay na tayo ay lahat nasa loob nito; tunay na si Allāh ay humatol na sa pagitan ng mga lingkod [Niya]."
Verse 49
وَقَالَ ٱلَّذِينَ فِى ٱلنَّارِ لِخَزَنَةِ جَهَنَّمَ ٱدْعُوا۟ رَبَّكُمْ يُخَفِّفْ عَنَّا يَوْمًا مِّنَ ٱلْعَذَابِ
Transliteration waqāla alladhīna fī l-nāri likhazanati jahannama id'ʿū rabbakum yukhaffif ʿannā yawman mina l-ʿadhābi
Tagalog Magsasabi ang mga nasa apoy sa mga [anghel na] tanod ng Impiyerno: "Dumalangin kayo sa Panginoon ninyo na magpagaan Siya para sa amin ng isang araw mula sa pagdurusa."
Verse 50
قَالُوٓا۟ أَوَلَمْ تَكُ تَأْتِيكُمْ رُسُلُكُم بِٱلْبَيِّنَـٰتِ ۖ قَالُوا۟ بَلَىٰ ۚ قَالُوا۟ فَٱدْعُوا۟ ۗ وَمَا دُعَـٰٓؤُا۟ ٱلْكَـٰفِرِينَ إِلَّا فِى ضَلَـٰلٍ
Transliteration qālū awalam taku tatīkum rusulukum bil-bayināti qālū balā qālū fa-id'ʿū wamā duʿāu l-kāfirīna illā fī ḍalālin
Tagalog Magsasabi sila: "Hindi ba dati nagdadala sa inyo ang mga sugo ninyo ng mga malinaw na patunay?" Magsasabi ang mga iyon: "Oo." Magsasabi sila: "Kaya dumalangin kayo," at walang [kahahantungan] ang panalangin ng mga tagatangging sumampalataya kundi sa isang pagkaligaw."
Verse 51
إِنَّا لَنَنصُرُ رُسُلَنَا وَٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ فِى ٱلْحَيَوٰةِ ٱلدُّنْيَا وَيَوْمَ يَقُومُ ٱلْأَشْهَـٰدُ
Transliteration innā lananṣuru rusulanā wa-alladhīna āmanū fī l-ḥayati l-dun'yā wayawma yaqūmu l-ashhādu
Tagalog Tunay na Kami ay talagang nag-aadya sa mga sugo Namin at mga sumampalataya sa buhay na pangmundo at sa Araw na titindig ang mga saksi,
Verse 52
يَوْمَ لَا يَنفَعُ ٱلظَّـٰلِمِينَ مَعْذِرَتُهُمْ ۖ وَلَهُمُ ٱللَّعْنَةُ وَلَهُمْ سُوٓءُ ٱلدَّارِ
Transliteration yawma lā yanfaʿu l-ẓālimīna maʿdhiratuhum walahumu l-laʿnatu walahum sūu l-dāri
Tagalog sa Araw na hindi magpapakinabang sa mga tagalabag sa katarungan ang dahi-dahilan nila. Ukol sa kanila ang sumpa at ukol sa kanila ang kasagwaan ng tahanan.
Verse 53
وَلَقَدْ ءَاتَيْنَا مُوسَى ٱلْهُدَىٰ وَأَوْرَثْنَا بَنِىٓ إِسْرَٰٓءِيلَ ٱلْكِتَـٰبَ
Transliteration walaqad ātaynā mūsā l-hudā wa-awrathnā banī is'rāīla l-kitāba
Tagalog Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng patnubay at nagpamana Kami sa mga anak ni Israel ng Kasulatan
Verse 54
هُدًى وَذِكْرَىٰ لِأُو۟لِى ٱلْأَلْبَـٰبِ
Transliteration hudan wadhik'rā li-ulī l-albābi
Tagalog bilang patnubay at bilang paalaala para sa mga may isip.
Verse 55
فَٱصْبِرْ إِنَّ وَعْدَ ٱللَّهِ حَقٌّ وَٱسْتَغْفِرْ لِذَنۢبِكَ وَسَبِّحْ بِحَمْدِ رَبِّكَ بِٱلْعَشِىِّ وَٱلْإِبْكَـٰرِ
Transliteration fa-iṣ'bir inna waʿda l-lahi ḥaqqun wa-is'taghfir lidhanbika wasabbiḥ biḥamdi rabbika bil-ʿashiyi wal-ib'kāri
Tagalog Kaya magtiis ka; tunay na ang pangako ni Allāh ay totoo. Humingi ka ng tawad para sa pagkakasala mo at magluwalhati ka kalakip ng pagpupuri sa Panginoon mo sa gabi at pag-uumaga.
Verse 56
إِنَّ ٱلَّذِينَ يُجَـٰدِلُونَ فِىٓ ءَايَـٰتِ ٱللَّهِ بِغَيْرِ سُلْطَـٰنٍ أَتَىٰهُمْ ۙ إِن فِى صُدُورِهِمْ إِلَّا كِبْرٌ مَّا هُم بِبَـٰلِغِيهِ ۚ فَٱسْتَعِذْ بِٱللَّهِ ۖ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلْبَصِيرُ
Transliteration inna alladhīna yujādilūna fī āyāti l-lahi bighayri sul'ṭānin atāhum in fī ṣudūrihim illā kib'run mā hum bibālighīhi fa-is'taʿidh bil-lahi innahu huwa l-samīʿu l-baṣīru
Tagalog Tunay na ang mga nakikipagtalo hinggil sa mga tanda ni Allāh nang walang isang katunayang pumunta sa kanila, walang nasa mga dibdib nila kundi isang pagmamalaking hindi sila makaaabot roon. Kaya humiling ka ng pagkukupkop ni Allāh; tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita.
Verse 57
لَخَلْقُ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ أَكْبَرُ مِنْ خَلْقِ ٱلنَّاسِ وَلَـٰكِنَّ أَكْثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعْلَمُونَ
Transliteration lakhalqu l-samāwāti wal-arḍi akbaru min khalqi l-nāsi walākinna akthara l-nāsi lā yaʿlamūna
Tagalog Talagang ang pagkakalikha sa mga langit at lupa ay higit na malaki kaysa sa pagkalikha sa mga tao, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam.
Verse 58
وَمَا يَسْتَوِى ٱلْأَعْمَىٰ وَٱلْبَصِيرُ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَعَمِلُوا۟ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ وَلَا ٱلْمُسِىٓءُ ۚ قَلِيلًا مَّا تَتَذَكَّرُونَ
Transliteration wamā yastawī l-aʿmā wal-baṣīru wa-alladhīna āmanū waʿamilū l-ṣāliḥāti walā l-musīu qalīlan mā tatadhakkarūna
Tagalog Hindi nagkakapantaya ang bulag at ang nakakikita, ang mga sumampalataya at mga gumawa ng mga maayos at ang tagagawa ng masagwa. Kaunti ang isinasaalaala ninyo!
Verse 59
إِنَّ ٱلسَّاعَةَ لَـَٔاتِيَةٌ لَّا رَيْبَ فِيهَا وَلَـٰكِنَّ أَكْثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يُؤْمِنُونَ
Transliteration inna l-sāʿata laātiyatun lā rayba fīhā walākinna akthara l-nāsi lā yu'minūna
Tagalog Tunay na ang Huling Sandali ay talagang darating na walang pag-aalinlangan hinggil dito, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi sumasampalataya.
Verse 60
وَقَالَ رَبُّكُمُ ٱدْعُونِىٓ أَسْتَجِبْ لَكُمْ ۚ إِنَّ ٱلَّذِينَ يَسْتَكْبِرُونَ عَنْ عِبَادَتِى سَيَدْخُلُونَ جَهَنَّمَ دَاخِرِينَ
Transliteration waqāla rabbukumu id'ʿūnī astajib lakum inna alladhīna yastakbirūna ʿan ʿibādatī sayadkhulūna jahannama dākhirīna
Tagalog Nagsabi ang Panginoon ninyo: "Dumalangin kayo sa Akin, tutugon Ako sa inyo." Tunay na ang mga nagmamalaki sa [pag-ayaw sa] pagsamba sa Akin ay papasok sa Impiyerno na mga nagpapakaaba.
Verse 61
ٱللَّهُ ٱلَّذِى جَعَلَ لَكُمُ ٱلَّيْلَ لِتَسْكُنُوا۟ فِيهِ وَٱلنَّهَارَ مُبْصِرًا ۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَذُو فَضْلٍ عَلَى ٱلنَّاسِ وَلَـٰكِنَّ أَكْثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَشْكُرُونَ
Transliteration al-lahu alladhī jaʿala lakumu al-layla litaskunū fīhi wal-nahāra mub'ṣiran inna l-laha ladhū faḍlin ʿalā l-nāsi walākinna akthara l-nāsi lā yashkurūna
Tagalog Si Allāh ang gumawa para sa inyo ng gabi upang tumahan kayo roon at ng maghapon bilang nagpapakita. Tunay na si Allāh ay talagang may kabutihang-loob sa mga tao, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nagpapasalamat.
Verse 62
ذَٰلِكُمُ ٱللَّهُ رَبُّكُمْ خَـٰلِقُ كُلِّ شَىْءٍ لَّآ إِلَـٰهَ إِلَّا هُوَ ۖ فَأَنَّىٰ تُؤْفَكُونَ
Transliteration dhālikumu l-lahu rabbukum khāliqu kulli shayin lā ilāha illā huwa fa-annā tu'fakūna
Tagalog Gayon si Allāh, ang Panginoon ninyo na Tagalikha ng bawat bagay. Walang Diyos kundi Siya, kaya paanong nalilinlang kayo?
Verse 63
كَذَٰلِكَ يُؤْفَكُ ٱلَّذِينَ كَانُوا۟ بِـَٔايَـٰتِ ٱللَّهِ يَجْحَدُونَ
Transliteration kadhālika yu'faku alladhīna kānū biāyāti l-lahi yajḥadūna
Tagalog Gayon nalilinlang ang mga sila dati ay sa mga tanda ni Allāh nagkakaila.
Verse 64
ٱللَّهُ ٱلَّذِى جَعَلَ لَكُمُ ٱلْأَرْضَ قَرَارًا وَٱلسَّمَآءَ بِنَآءً وَصَوَّرَكُمْ فَأَحْسَنَ صُوَرَكُمْ وَرَزَقَكُم مِّنَ ٱلطَّيِّبَـٰتِ ۚ ذَٰلِكُمُ ٱللَّهُ رَبُّكُمْ ۖ فَتَبَارَكَ ٱللَّهُ رَبُّ ٱلْعَـٰلَمِينَ
Transliteration al-lahu alladhī jaʿala lakumu l-arḍa qarāran wal-samāa bināan waṣawwarakum fa-aḥsana ṣuwarakum warazaqakum mina l-ṭayibāti dhālikumu l-lahu rabbukum fatabāraka l-lahu rabbu l-ʿālamīna
Tagalog Si Allāh ay ang gumawa para sa inyo ng lupa bilang pamamalagian at ng langit bilang bubungan, nagbigay-anyo sa inyo saka nagpaganda sa mga anyo ninyo, at nagtustos sa inyo ng mga kaaya-ayang bagay. Gayon si Allāh, ang Panginoon ninyo. Kaya mapagpala si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.
Verse 65
هُوَ ٱلْحَىُّ لَآ إِلَـٰهَ إِلَّا هُوَ فَٱدْعُوهُ مُخْلِصِينَ لَهُ ٱلدِّينَ ۗ ٱلْحَمْدُ لِلَّهِ رَبِّ ٱلْعَـٰلَمِينَ
Transliteration huwa l-ḥayu lā ilāha illā huwa fa-id'ʿūhu mukh'liṣīna lahu l-dīna l-ḥamdu lillahi rabbi l-ʿālamīna
Tagalog Siya ay ang Buhay; walang Diyos kundi Siya kaya dumalangin kayo sa Kanya habang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa relihiyon. Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.
Verse 66
۞ قُلْ إِنِّى نُهِيتُ أَنْ أَعْبُدَ ٱلَّذِينَ تَدْعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ لَمَّا جَآءَنِىَ ٱلْبَيِّنَـٰتُ مِن رَّبِّى وَأُمِرْتُ أَنْ أُسْلِمَ لِرَبِّ ٱلْعَـٰلَمِينَ
Transliteration qul innī nuhītu an aʿbuda alladhīna tadʿūna min dūni l-lahi lammā jāaniya l-bayinātu min rabbī wa-umir'tu an us'lima lirabbi l-ʿālamīna
Tagalog Sabihin mo: "Tunay na ako ay sinaway na sumamba sa mga dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh, noong dumating sa akin ang mga malinaw na patunay mula sa Panginoon ko, at inutusan na magpasakop sa Panginoon ng mga nilalang."
Verse 67
هُوَ ٱلَّذِى خَلَقَكُم مِّن تُرَابٍ ثُمَّ مِن نُّطْفَةٍ ثُمَّ مِنْ عَلَقَةٍ ثُمَّ يُخْرِجُكُمْ طِفْلًا ثُمَّ لِتَبْلُغُوٓا۟ أَشُدَّكُمْ ثُمَّ لِتَكُونُوا۟ شُيُوخًا ۚ وَمِنكُم مَّن يُتَوَفَّىٰ مِن قَبْلُ ۖ وَلِتَبْلُغُوٓا۟ أَجَلًا مُّسَمًّى وَلَعَلَّكُمْ تَعْقِلُونَ
Transliteration huwa alladhī khalaqakum min turābin thumma min nuṭ'fatin thumma min ʿalaqatin thumma yukh'rijukum ṭif'lan thumma litablughū ashuddakum thumma litakūnū shuyūkhan waminkum man yutawaffā min qablu walitablughū ajalan musamman walaʿallakum taʿqilūna
Tagalog Siya ay ang lumikha sa inyo mula sa alabok, pagkatapos mula sa isang patak, pagkatapos mula sa isang malalinta, pagkatapos nagpapalabas Siya inyo bilang bata, pagkatapos upang umabot kayo sa kalakasan ninyo, pagkatapos upang kayo ay maging mga matanda – at mayroon sa inyo na pinapapanaw bago pa niyon – at upang umabot kayo sa isang taning na tinukoy, at nang sa gayon kayo ay makapag-uunawa.
Verse 68
هُوَ ٱلَّذِى يُحْىِۦ وَيُمِيتُ ۖ فَإِذَا قَضَىٰٓ أَمْرًا فَإِنَّمَا يَقُولُ لَهُۥ كُن فَيَكُونُ
Transliteration huwa alladhī yuḥ'yī wayumītu fa-idhā qaḍā amran fa-innamā yaqūlu lahu kun fayakūnu
Tagalog Siya ay ang nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan, saka kapag nagtadhana Siya ng isang bagay ay nagsasabi lamang Siya rito na mangyari saka mangyayari ito.
Verse 69
أَلَمْ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ يُجَـٰدِلُونَ فِىٓ ءَايَـٰتِ ٱللَّهِ أَنَّىٰ يُصْرَفُونَ
Transliteration alam tara ilā alladhīna yujādilūna fī āyāti l-lahi annā yuṣ'rafūna
Tagalog Hindi ka ba nakakita sa mga nakikipagtalo hinggil sa mga tanda ni Allāh kung paano silang inililihis?
Verse 70
ٱلَّذِينَ كَذَّبُوا۟ بِٱلْكِتَـٰبِ وَبِمَآ أَرْسَلْنَا بِهِۦ رُسُلَنَا ۖ فَسَوْفَ يَعْلَمُونَ
Transliteration alladhīna kadhabū bil-kitābi wabimā arsalnā bihi rusulanā fasawfa yaʿlamūna
Tagalog [Sila] ang mga nagpasinungaling sa Aklat at sa ipinasugo Namin sa mga sugo Namin, saka malalaman nila
Verse 71
إِذِ ٱلْأَغْلَـٰلُ فِىٓ أَعْنَـٰقِهِمْ وَٱلسَّلَـٰسِلُ يُسْحَبُونَ
Transliteration idhi l-aghlālu fī aʿnāqihim wal-salāsilu yus'ḥabūna
Tagalog kapag ang mga kulyar ay nasa mga leeg nila at ang mga tanikala habang hinahatak sila
Verse 72
فِى ٱلْحَمِيمِ ثُمَّ فِى ٱلنَّارِ يُسْجَرُونَ
Transliteration fī l-ḥamīmi thumma fī l-nāri yus'jarūna
Tagalog sa nakapapasong tubig. Pagkatapos sa Apoy ay paliliyabin sila.
Verse 73
ثُمَّ قِيلَ لَهُمْ أَيْنَ مَا كُنتُمْ تُشْرِكُونَ
Transliteration thumma qīla lahum ayna mā kuntum tush'rikūna
Tagalog Pagkatapos sasabihin sa kanila: "Nasaan na ang dati ninyo itinatambal
Verse 74
مِن دُونِ ٱللَّهِ ۖ قَالُوا۟ ضَلُّوا۟ عَنَّا بَل لَّمْ نَكُن نَّدْعُوا۟ مِن قَبْلُ شَيْـًٔا ۚ كَذَٰلِكَ يُضِلُّ ٱللَّهُ ٱلْكَـٰفِرِينَ
Transliteration min dūni l-lahi qālū ḍallū ʿannā bal lam nakun nadʿū min qablu shayan kadhālika yuḍillu l-lahu l-kāfirīna
Tagalog bukod pa kay Allāh. Magsasabi sila: "Nawala sila sa amin; bagkus hindi kami dati dumadalangin bago pa niyon sa anuman." Gayon nagliligaw si Allāh sa mga tagatangging sumampalataya.
Verse 75
ذَٰلِكُم بِمَا كُنتُمْ تَفْرَحُونَ فِى ٱلْأَرْضِ بِغَيْرِ ٱلْحَقِّ وَبِمَا كُنتُمْ تَمْرَحُونَ
Transliteration dhālikum bimā kuntum tafraḥūna fī l-arḍi bighayri l-ḥaqi wabimā kuntum tamraḥūna
Tagalog [Sasabihin]: "Iyon ay dahil kayo dati ay natutuwa sa Mundo ayon sa hindi karapatan at dahil kayo dati ay nagpapakasaya.
Verse 76
ٱدْخُلُوٓا۟ أَبْوَٰبَ جَهَنَّمَ خَـٰلِدِينَ فِيهَا ۖ فَبِئْسَ مَثْوَى ٱلْمُتَكَبِّرِينَ
Transliteration ud'khulū abwāba jahannama khālidīna fīhā fabi'sa mathwā l-mutakabirīna
Tagalog Pumasok kayo sa mga pintuan ng Impiyerno bilang mga mananatili roon. Kaya kay saklap ang tuluyan ng mga nagpapakamalaki!"
Verse 77
فَٱصْبِرْ إِنَّ وَعْدَ ٱللَّهِ حَقٌّ ۚ فَإِمَّا نُرِيَنَّكَ بَعْضَ ٱلَّذِى نَعِدُهُمْ أَوْ نَتَوَفَّيَنَّكَ فَإِلَيْنَا يُرْجَعُونَ
Transliteration fa-iṣ'bir inna waʿda l-lahi ḥaqqun fa-immā nuriyannaka baʿḍa alladhī naʿiduhum aw natawaffayannaka fa-ilaynā yur'jaʿūna
Tagalog Kay magtiis ka; tunay na ang pangako ni Allāh ay totoo. Kaya alinman: magpapakita nga Kami sa iyo ng ilan sa ipinangangako Namin sa kanila o magpapapanaw nga Kami sa iyo, saka tungo sa Amin pababalikin sila.
Verse 78
وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا رُسُلًا مِّن قَبْلِكَ مِنْهُم مَّن قَصَصْنَا عَلَيْكَ وَمِنْهُم مَّن لَّمْ نَقْصُصْ عَلَيْكَ ۗ وَمَا كَانَ لِرَسُولٍ أَن يَأْتِىَ بِـَٔايَةٍ إِلَّا بِإِذْنِ ٱللَّهِ ۚ فَإِذَا جَآءَ أَمْرُ ٱللَّهِ قُضِىَ بِٱلْحَقِّ وَخَسِرَ هُنَالِكَ ٱلْمُبْطِلُونَ
Transliteration walaqad arsalnā rusulan min qablika min'hum man qaṣaṣnā ʿalayka wamin'hum man lam naqṣuṣ ʿalayka wamā kāna lirasūlin an yatiya biāyatin illā bi-idh'ni l-lahi fa-idhā jāa amru l-lahi quḍiya bil-ḥaqi wakhasira hunālika l-mub'ṭilūna
Tagalog Talaga ngang nagsugo Kami ng mga sugo bago mo pa. Mayroon sa kanila na isinalaysay Namin sa iyo at mayroon sa kanila na hindi Namin isinalaysay sa iyo. Hindi naging ukol sa isang sugo na magdala ito ng isang tanda malibang ayon sa pahintulot ni Allāh. Kaya kapag dumating ang utos ni Allāh, huhusga ayon sa katotohanan at malulugi roon ang mga nagpapabula.
Verse 79
ٱللَّهُ ٱلَّذِى جَعَلَ لَكُمُ ٱلْأَنْعَـٰمَ لِتَرْكَبُوا۟ مِنْهَا وَمِنْهَا تَأْكُلُونَ
Transliteration al-lahu alladhī jaʿala lakumu l-anʿāma litarkabū min'hā wamin'hā takulūna
Tagalog Si Allāh ay ang gumawa para sa inyo ng mga hayupan upang sumakay kayo mula sa mga ito at mula sa mga ito ay kumakain kayo.
Verse 80
وَلَكُمْ فِيهَا مَنَـٰفِعُ وَلِتَبْلُغُوا۟ عَلَيْهَا حَاجَةً فِى صُدُورِكُمْ وَعَلَيْهَا وَعَلَى ٱلْفُلْكِ تُحْمَلُونَ
Transliteration walakum fīhā manāfiʿu walitablughū ʿalayhā ḥājatan fī ṣudūrikum waʿalayhā waʿalā l-ful'ki tuḥ'malūna
Tagalog Ukol sa inyo sa mga ito ay mga pakinabang at upang umabot kayo lulan ng mga ito sa isang pangangailangang nasa mga dibdib ninyo. Lulan ng mga ito at lulan ng mga daong dinadala kayo.
Verse 81
وَيُرِيكُمْ ءَايَـٰتِهِۦ فَأَىَّ ءَايَـٰتِ ٱللَّهِ تُنكِرُونَ
Transliteration wayurīkum āyātihi fa-ayya āyāti l-lahi tunkirūna
Tagalog Nagpapakita Siya sa inyo ng mga tanda Niya. Kaya sa alin sa mga tanda ni Allāh kayo nagkakaila?
Verse 82
أَفَلَمْ يَسِيرُوا۟ فِى ٱلْأَرْضِ فَيَنظُرُوا۟ كَيْفَ كَانَ عَـٰقِبَةُ ٱلَّذِينَ مِن قَبْلِهِمْ ۚ كَانُوٓا۟ أَكْثَرَ مِنْهُمْ وَأَشَدَّ قُوَّةً وَءَاثَارًا فِى ٱلْأَرْضِ فَمَآ أَغْنَىٰ عَنْهُم مَّا كَانُوا۟ يَكْسِبُونَ
Transliteration afalam yasīrū fī l-arḍi fayanẓurū kayfa kāna ʿāqibatu alladhīna min qablihim kānū akthara min'hum wa-ashadda quwwatan waāthāran fī l-arḍi famā aghnā ʿanhum mā kānū yaksibūna
Tagalog Kaya hindi ba sila humayo sa lupain para tumingin sila kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga nauna pa sa kanila? Dati ang mga iyon ay higit na marami kaysa sa kanila at higit na matindi sa lakas at mga bakas sa lupain ngunit walang naidulot sa kanila ang dati nilang nakakamit.
Verse 83
فَلَمَّا جَآءَتْهُمْ رُسُلُهُم بِٱلْبَيِّنَـٰتِ فَرِحُوا۟ بِمَا عِندَهُم مِّنَ ٱلْعِلْمِ وَحَاقَ بِهِم مَّا كَانُوا۟ بِهِۦ يَسْتَهْزِءُونَ
Transliteration falammā jāathum rusuluhum bil-bayināti fariḥū bimā ʿindahum mina l-ʿil'mi waḥāqa bihim mā kānū bihi yastahziūna
Tagalog Kaya noong naghatid sa kanila ang mga sugo nila ng mga malinaw na patunay, natuwa sila sa taglay nila na kaalaman at pumaligid sa kanila ang dati nilang kinukutya.
Verse 84
فَلَمَّا رَأَوْا۟ بَأْسَنَا قَالُوٓا۟ ءَامَنَّا بِٱللَّهِ وَحْدَهُۥ وَكَفَرْنَا بِمَا كُنَّا بِهِۦ مُشْرِكِينَ
Transliteration falammā ra-aw basanā qālū āmannā bil-lahi waḥdahu wakafarnā bimā kunnā bihi mush'rikīna
Tagalog Kaya noong nakakita sila sa parusa Namin, nagsabi sila: "Sumampalataya kami kay Allāh lamang at tumanggi kaming sumampalataya sa anumang kami dati ay sa Kanya mga tagapagtambal [niyon]."
Verse 85
فَلَمْ يَكُ يَنفَعُهُمْ إِيمَـٰنُهُمْ لَمَّا رَأَوْا۟ بَأْسَنَا ۖ سُنَّتَ ٱللَّهِ ٱلَّتِى قَدْ خَلَتْ فِى عِبَادِهِۦ ۖ وَخَسِرَ هُنَالِكَ ٱلْكَـٰفِرُونَ
Transliteration falam yaku yanfaʿuhum īmānuhum lammā ra-aw basanā sunnata l-lahi allatī qad khalat fī ʿibādihi wakhasira hunālika l-kāfirūna
Tagalog Ngunit hindi nangyaring magpapakinabang sa kanila ang pananampalataya nila kapag nakita nila ang parusa Namin. [Ito] ang kalakaran ni Allāh na nagdaan nga sa mga lingkod Niya. Nalugi roon ang mga tagatangging sumampalataya.
Read Surah Ghafir in another language
- English (word by word)
- Albanian
- Amazigh
- Amharic
- Assamese
- Azerbaijani
- Bambara
- Bangla
- Bosnian
- Bulgarian
- Chechen
- Chinese
- Czech
- Dari
- Dhivehi
- Dutch
- Finnish
- French
- German
- Gujarati
- Hausa
- Hebrew
- Hindi
- Indonesian
- Italian
- Japanese
- Kannada
- Kazakh
- Khmer
- Kinyarwanda
- Korean
- Kurdish
- Luganda
- Malay
- Malayalam
- Maranao
- Marathi
- Nepali
- Norwegian
- Oromo
- Pashto
- Persian
- Polish
- Portuguese
- Romanian
- Russian
- Sindhi
- Sinhala
- Somali
- Spanish
- Swahili
- Swedish
- Tajik
- Tamil
- Tatar
- Telugu
- Thai
- Turkish
- Ukrainian
- Urdu
- Uyghur
- Uzbek
- Vietnamese
- Yao
- Yoruba
All 114 surahs in Tagalog: the Qur’an in Tagalog.
Tagalog translation: Dar Al-Salam Center, from Quran.com. Transliteration: Quran.com. Recitation: Mishary Alafasy, from EveryAyah.com. MyDugsi is a learning aid, not a replacement for a qualified teacher.