MyDugsiStart learning

Surah Fussilat in Tagalog: translation and audio

Surah 41 · فصلت · Explained in Detail · 54 verses

Surah Fussilat verse by verse: the Arabic with a recitation you can repeat, the transliteration, and the Tagalog translation by Dar Al-Salam Center. For the meaning of every word, see Surah Fussilat word by word in English.

Verse 1

حمٓ

Transliteration hha-meem

Tagalog Ḥā. Mīm.

Verse 2

تَنزِيلٌ مِّنَ ٱلرَّحْمَـٰنِ ٱلرَّحِيمِ

Transliteration tanzīlun mina l-raḥmāni l-raḥīmi

Tagalog [Ito ay] isang pagbababa mula sa [Kanya], ang Napakamaawain, ang Maawain.

Verse 3

كِتَـٰبٌ فُصِّلَتْ ءَايَـٰتُهُۥ قُرْءَانًا عَرَبِيًّا لِّقَوْمٍ يَعْلَمُونَ

Transliteration kitābun fuṣṣilat āyātuhu qur'ānan ʿarabiyyan liqawmin yaʿlamūna

Tagalog isang Aklat na dinetalye ang mga talata nito, bilang Qur’ān na Arabe para sa mga taong umaalam,

Verse 4

بَشِيرًا وَنَذِيرًا فَأَعْرَضَ أَكْثَرُهُمْ فَهُمْ لَا يَسْمَعُونَ

Transliteration bashīran wanadhīran fa-aʿraḍa aktharuhum fahum lā yasmaʿūna

Tagalog bilang mapagbalita ng nakagagalak at bilang mapagbabala, ngunit umayaw ang higit na marami sa kanila kaya sila ay hindi dumidinig.

Verse 5

وَقَالُوا۟ قُلُوبُنَا فِىٓ أَكِنَّةٍ مِّمَّا تَدْعُونَآ إِلَيْهِ وَفِىٓ ءَاذَانِنَا وَقْرٌ وَمِنۢ بَيْنِنَا وَبَيْنِكَ حِجَابٌ فَٱعْمَلْ إِنَّنَا عَـٰمِلُونَ

Transliteration waqālū qulūbunā fī akinnatin mimmā tadʿūnā ilayhi wafī ādhāninā waqrun wamin bayninā wabaynika ḥijābun fa-iʿ'mal innanā ʿāmilūna

Tagalog Nagsabi sila: "Ang mga puso namin ay nasa loob ng mga panakip laban sa ipinaaanyaya mo sa amin, sa mga tainga namin ay may pagkabingi, at sa pagitan namin at pagitan mo ay may isang tabing. Kaya gumawa ka; tunay na kami ay mga tagagawa."

Verse 6

قُلْ إِنَّمَآ أَنَا۠ بَشَرٌ مِّثْلُكُمْ يُوحَىٰٓ إِلَىَّ أَنَّمَآ إِلَـٰهُكُمْ إِلَـٰهٌ وَٰحِدٌ فَٱسْتَقِيمُوٓا۟ إِلَيْهِ وَٱسْتَغْفِرُوهُ ۗ وَوَيْلٌ لِّلْمُشْرِكِينَ

Transliteration qul innamā anā basharun mith'lukum yūḥā ilayya annamā ilāhukum ilāhun wāḥidun fa-is'taqīmū ilayhi wa-is'taghfirūhu wawaylun lil'mush'rikīna

Tagalog Sabihin mo: "Ako ay tao lamang tulad ninyo. Ikinakasi sa akin na ang Diyos ninyo ay Diyos na nag-iisa lamang, kaya magpakatuwid kayo sa Kanya at humingi kayo ng tawad sa Kanya." Kapighatian ay ukol sa mga tagapagtambal,

Verse 7

ٱلَّذِينَ لَا يُؤْتُونَ ٱلزَّكَوٰةَ وَهُم بِٱلْـَٔاخِرَةِ هُمْ كَـٰفِرُونَ

Transliteration alladhīna lā yu'tūna l-zakata wahum bil-ākhirati hum kāfirūna

Tagalog na mga hindi nagbibigay ng zakāh at sila sa Kabilang-buhay, sila ay mga tagatangging sumampalataya.

Verse 8

إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَعَمِلُوا۟ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ لَهُمْ أَجْرٌ غَيْرُ مَمْنُونٍ

Transliteration inna alladhīna āmanū waʿamilū l-ṣāliḥāti lahum ajrun ghayru mamnūnin

Tagalog Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ukol sa kanila ay isang pabuyang hindi matitigil.

Verse 9

۞ قُلْ أَئِنَّكُمْ لَتَكْفُرُونَ بِٱلَّذِى خَلَقَ ٱلْأَرْضَ فِى يَوْمَيْنِ وَتَجْعَلُونَ لَهُۥٓ أَندَادًا ۚ ذَٰلِكَ رَبُّ ٱلْعَـٰلَمِينَ

Transliteration qul a-innakum latakfurūna bi-alladhī khalaqa l-arḍa fī yawmayni watajʿalūna lahu andādan dhālika rabbu l-ʿālamīna

Tagalog Sabihin mo: "Tunay na kayo ba ay talagang tumatangging sumampalataya sa lumikha ng lupa sa dalawang araw at gumagawa sa Kanya ng mga kaagaw? Iyon ay ang Panginoon ng mga nilalang."

Verse 10

وَجَعَلَ فِيهَا رَوَٰسِىَ مِن فَوْقِهَا وَبَـٰرَكَ فِيهَا وَقَدَّرَ فِيهَآ أَقْوَٰتَهَا فِىٓ أَرْبَعَةِ أَيَّامٍ سَوَآءً لِّلسَّآئِلِينَ

Transliteration wajaʿala fīhā rawāsiya min fawqihā wabāraka fīhā waqaddara fīhā aqwātahā fī arbaʿati ayyāmin sawāan lilssāilīna

Tagalog Naglagay Siya rito ng mga matatag na bundok mula sa ibabaw nito. Nagpala Siya rito at nagtakda Siya rito ng mga makakain dito sa [pagkalubos ng] apat na araw nang magkapantay para sa mga nagtatanong.

Verse 11

ثُمَّ ٱسْتَوَىٰٓ إِلَى ٱلسَّمَآءِ وَهِىَ دُخَانٌ فَقَالَ لَهَا وَلِلْأَرْضِ ٱئْتِيَا طَوْعًا أَوْ كَرْهًا قَالَتَآ أَتَيْنَا طَآئِعِينَ

Transliteration thumma is'tawā ilā l-samāi wahiya dukhānun faqāla lahā walil'arḍi i'tiyā ṭawʿan aw karhan qālatā ataynā ṭāiʿīna

Tagalog Pagkatapos bumaling Siya sa langit habang ito ay usok pa saka nagsabi Siya rito at sa lupa: "Pumunta kayong dalawa sa pagtalima o sapilitan." Nagsabi silang dalawa: "Pupunta kami na mga tumatalima."

Verse 12

فَقَضَىٰهُنَّ سَبْعَ سَمَـٰوَاتٍ فِى يَوْمَيْنِ وَأَوْحَىٰ فِى كُلِّ سَمَآءٍ أَمْرَهَا ۚ وَزَيَّنَّا ٱلسَّمَآءَ ٱلدُّنْيَا بِمَصَـٰبِيحَ وَحِفْظًا ۚ ذَٰلِكَ تَقْدِيرُ ٱلْعَزِيزِ ٱلْعَلِيمِ

Transliteration faqaḍāhunna sabʿa samāwātin fī yawmayni wa-awḥā fī kulli samāin amrahā wazayyannā l-samāa l-dun'yā bimaṣābīḥa waḥif'ẓan dhālika taqdīru l-ʿazīzi l-ʿalīmi

Tagalog Saka tumapos Siya sa mga ito bilang pitong langit sa dalawang araw at nagkasi Siya sa bawat langit ng utos dito. Gumayak Kami sa langit na pinakamababa ng mga lampara at bilang pangangalaga. Iyon ay ang pagtatakda [Niya], ang Makapangyarihan, ang Maalam.

Verse 13

فَإِنْ أَعْرَضُوا۟ فَقُلْ أَنذَرْتُكُمْ صَـٰعِقَةً مِّثْلَ صَـٰعِقَةِ عَادٍ وَثَمُودَ

Transliteration fa-in aʿraḍū faqul andhartukum ṣāʿiqatan mith'la ṣāʿiqati ʿādin wathamūda

Tagalog Kaya kung umayaw sila ay sabihin mo: "Nagbabala ako sa inyo ng isang lintik tulad ng lintik ng `Ād at Thamūd.

Verse 14

إِذْ جَآءَتْهُمُ ٱلرُّسُلُ مِنۢ بَيْنِ أَيْدِيهِمْ وَمِنْ خَلْفِهِمْ أَلَّا تَعْبُدُوٓا۟ إِلَّا ٱللَّهَ ۖ قَالُوا۟ لَوْ شَآءَ رَبُّنَا لَأَنزَلَ مَلَـٰٓئِكَةً فَإِنَّا بِمَآ أُرْسِلْتُم بِهِۦ كَـٰفِرُونَ

Transliteration idh jāathumu l-rusulu min bayni aydīhim wamin khalfihim allā taʿbudū illā l-laha qālū law shāa rabbunā la-anzala malāikatan fa-innā bimā ur'sil'tum bihi kāfirūna

Tagalog [Nangyari iyon] noong dumating sa kanila ang mga sugo mula sa harapan nila at mula sa likuran nila, [na nagsasabi]: "Huwag kayong sumamba kundi kay Allāh." Nagsabi sila: "Kung sakaling niloob ng Panginoon namin ay talaga sanang nagpababa Siya ng mga anghel, kaya tunay na kami sa ipinasugo sa inyo ay mga tagatangging sumampalataya."

Verse 15

فَأَمَّا عَادٌ فَٱسْتَكْبَرُوا۟ فِى ٱلْأَرْضِ بِغَيْرِ ٱلْحَقِّ وَقَالُوا۟ مَنْ أَشَدُّ مِنَّا قُوَّةً ۖ أَوَلَمْ يَرَوْا۟ أَنَّ ٱللَّهَ ٱلَّذِى خَلَقَهُمْ هُوَ أَشَدُّ مِنْهُمْ قُوَّةً ۖ وَكَانُوا۟ بِـَٔايَـٰتِنَا يَجْحَدُونَ

Transliteration fa-ammā ʿādun fa-is'takbarū fī l-arḍi bighayri l-ḥaqi waqālū man ashaddu minnā quwwatan awalam yaraw anna l-laha alladhī khalaqahum huwa ashaddu min'hum quwwatan wakānū biāyātinā yajḥadūna

Tagalog Tungkol sa `Ād, nagmalaki sila sa lupain ayon sa hindi karapatan at nagsabi sila: "Sino ang higit na matindi kaysa sa amin sa lakas?" Hindi ba sila nagsaalang-alang na si Allāh na lumikha sa kanila ay higit na matindi kaysa sa kanila sa lakas? Sila dati sa mga talata Namin ay nagkakaila.

Verse 16

فَأَرْسَلْنَا عَلَيْهِمْ رِيحًا صَرْصَرًا فِىٓ أَيَّامٍ نَّحِسَاتٍ لِّنُذِيقَهُمْ عَذَابَ ٱلْخِزْىِ فِى ٱلْحَيَوٰةِ ٱلدُّنْيَا ۖ وَلَعَذَابُ ٱلْـَٔاخِرَةِ أَخْزَىٰ ۖ وَهُمْ لَا يُنصَرُونَ

Transliteration fa-arsalnā ʿalayhim rīḥan ṣarṣaran fī ayyāmin naḥisātin linudhīqahum ʿadhāba l-khiz'yi fī l-ḥayati l-dun'yā walaʿadhābu l-ākhirati akhzā wahum lā yunṣarūna

Tagalog Kaya nagsugo Kami sa kanila ng isang hanging humahagunot sa mga araw na sawing-palad upang magpalasap Kami sa kanila ng pagdurusa ng kahihiyan sa buhay na pangmundo. Talagang ang pagdurusa sa Kabilang-buhay ay higit na kahiya-hiya habang sila ay hindi iaadya.

Verse 17

وَأَمَّا ثَمُودُ فَهَدَيْنَـٰهُمْ فَٱسْتَحَبُّوا۟ ٱلْعَمَىٰ عَلَى ٱلْهُدَىٰ فَأَخَذَتْهُمْ صَـٰعِقَةُ ٱلْعَذَابِ ٱلْهُونِ بِمَا كَانُوا۟ يَكْسِبُونَ

Transliteration wa-ammā thamūdu fahadaynāhum fa-is'taḥabbū l-ʿamā ʿalā l-hudā fa-akhadhathum ṣāʿiqatu l-ʿadhābi l-hūni bimā kānū yaksibūna

Tagalog Tungkol sa Thamūd, nagpatnubay Kami sa kanila ngunit umibig sila nang higit sa pagkabulag kaysa sa patnubay kaya dumaklot sa kanila ang lintik ng pagdurusang humahamak dahil sa dati nilang nakakamit.

Verse 18

وَنَجَّيْنَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَكَانُوا۟ يَتَّقُونَ

Transliteration wanajjaynā alladhīna āmanū wakānū yattaqūna

Tagalog Nagligtas Kami sa mga sumampalataya at nangingilag magkasala noon.

Verse 19

وَيَوْمَ يُحْشَرُ أَعْدَآءُ ٱللَّهِ إِلَى ٱلنَّارِ فَهُمْ يُوزَعُونَ

Transliteration wayawma yuḥ'sharu aʿdāu l-lahi ilā l-nāri fahum yūzaʿūna

Tagalog Sa araw na kakalapin ang mga kaaway ni Allāh patungo sa Apoy saka sila ay pagpapangkatin

Verse 20

حَتَّىٰٓ إِذَا مَا جَآءُوهَا شَهِدَ عَلَيْهِمْ سَمْعُهُمْ وَأَبْصَـٰرُهُمْ وَجُلُودُهُم بِمَا كَانُوا۟ يَعْمَلُونَ

Transliteration ḥattā idhā mā jāūhā shahida ʿalayhim samʿuhum wa-abṣāruhum wajulūduhum bimā kānū yaʿmalūna

Tagalog hanggang sa, kapag dumating sila roon, sasaksi laban sa kanila ang pandinig nila, ang mga paningin nila, at mga balat nila sa dati nilang ginagawa.

Verse 21

وَقَالُوا۟ لِجُلُودِهِمْ لِمَ شَهِدتُّمْ عَلَيْنَا ۖ قَالُوٓا۟ أَنطَقَنَا ٱللَّهُ ٱلَّذِىٓ أَنطَقَ كُلَّ شَىْءٍ وَهُوَ خَلَقَكُمْ أَوَّلَ مَرَّةٍ وَإِلَيْهِ تُرْجَعُونَ

Transliteration waqālū lijulūdihim lima shahidttum ʿalaynā qālū anṭaqanā l-lahu alladhī anṭaqa kulla shayin wahuwa khalaqakum awwala marratin wa-ilayhi tur'jaʿūna

Tagalog Magsasabi sila sa mga balat nila: "Bakit kayo sumaksi laban sa amin?" Magsasabi ang mga ito: "Nagpabigkas sa amin si Allāh na nagpabigkas sa bawat bagay. Siya ay lumikha sa inyo sa unang pagkakataon, at tungo sa Kanya pababalikin kayo.

Verse 22

وَمَا كُنتُمْ تَسْتَتِرُونَ أَن يَشْهَدَ عَلَيْكُمْ سَمْعُكُمْ وَلَآ أَبْصَـٰرُكُمْ وَلَا جُلُودُكُمْ وَلَـٰكِن ظَنَنتُمْ أَنَّ ٱللَّهَ لَا يَعْلَمُ كَثِيرًا مِّمَّا تَعْمَلُونَ

Transliteration wamā kuntum tastatirūna an yashhada ʿalaykum samʿukum walā abṣārukum walā julūdukum walākin ẓanantum anna l-laha lā yaʿlamu kathīran mimmā taʿmalūna

Tagalog Hindi kayo dati nagtatakip [ng mga sarili] na baka sumaksi laban sa inyo ang pandinig ninyo, ni ang mga paningin ninyo, at ni ang mga balat ninyo; subalit nagpalagay kayo na si Allāh ay hindi nakaaalam sa marami sa ginagawa ninyo.

Verse 23

وَذَٰلِكُمْ ظَنُّكُمُ ٱلَّذِى ظَنَنتُم بِرَبِّكُمْ أَرْدَىٰكُمْ فَأَصْبَحْتُم مِّنَ ٱلْخَـٰسِرِينَ

Transliteration wadhālikum ẓannukumu alladhī ẓanantum birabbikum ardākum fa-aṣbaḥtum mina l-khāsirīna

Tagalog Yaong pagpapalagay ninyo na ipinagpalagay ninyo sa Panginoon ninyo ay nagpasawi sa inyo kaya kayo ay naging kabilang sa mga lugi."

Verse 24

فَإِن يَصْبِرُوا۟ فَٱلنَّارُ مَثْوًى لَّهُمْ ۖ وَإِن يَسْتَعْتِبُوا۟ فَمَا هُم مِّنَ ٱلْمُعْتَبِينَ

Transliteration fa-in yaṣbirū fal-nāru mathwan lahum wa-in yastaʿtibū famā hum mina l-muʿ'tabīna

Tagalog Kaya kung makatitiis sila, ang Apoy ay isang tuluyan para sa kanila. Kung hihiling silang magpasiya [kay Allāh] ay hindi sila kabilang sa mga magpapasiya.

Verse 25

۞ وَقَيَّضْنَا لَهُمْ قُرَنَآءَ فَزَيَّنُوا۟ لَهُم مَّا بَيْنَ أَيْدِيهِمْ وَمَا خَلْفَهُمْ وَحَقَّ عَلَيْهِمُ ٱلْقَوْلُ فِىٓ أُمَمٍ قَدْ خَلَتْ مِن قَبْلِهِم مِّنَ ٱلْجِنِّ وَٱلْإِنسِ ۖ إِنَّهُمْ كَانُوا۟ خَـٰسِرِينَ

Transliteration waqayyaḍnā lahum quranāa fazayyanū lahum mā bayna aydīhim wamā khalfahum waḥaqqa ʿalayhimu l-qawlu fī umamin qad khalat min qablihim mina l-jini wal-insi innahum kānū khāsirīna

Tagalog Nagtalaga Kami para sa kanila ng mga kapisan sakit ipang-aakit ng mga ito para sa kanila ang nasa harapan nila at ang nasa likuran nila [na kasalanan]. Nagindapat sa kanila ang hatol sa mga kalipunang nagdaan na bago pa nila kabilang sa jinn at tao. Tunay na sila ay mga lugi noon.

Verse 26

وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ لَا تَسْمَعُوا۟ لِهَـٰذَا ٱلْقُرْءَانِ وَٱلْغَوْا۟ فِيهِ لَعَلَّكُمْ تَغْلِبُونَ

Transliteration waqāla alladhīna kafarū lā tasmaʿū lihādhā l-qur'āni wal-ghaw fīhi laʿallakum taghlibūna

Tagalog Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: "Huwag kayong makinig sa Qur’ān na ito at sumatsat kayo [sa pagbigkas] nito, nang sa gayon kayo ay mananaig.

Verse 27

فَلَنُذِيقَنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ عَذَابًا شَدِيدًا وَلَنَجْزِيَنَّهُمْ أَسْوَأَ ٱلَّذِى كَانُوا۟ يَعْمَلُونَ

Transliteration falanudhīqanna alladhīna kafarū ʿadhāban shadīdan walanajziyannahum aswa-a alladhī kānū yaʿmalūna

Tagalog Kaya talagang magpapalasap nga Kami sa mga tumangging sumampalataya ng isang pagdurusang matindi at talagang gaganti nga Kami sa kanila ng pinakamasagwa sa dati nilang ginagawa.

Verse 28

ذَٰلِكَ جَزَآءُ أَعْدَآءِ ٱللَّهِ ٱلنَّارُ ۖ لَهُمْ فِيهَا دَارُ ٱلْخُلْدِ ۖ جَزَآءًۢ بِمَا كَانُوا۟ بِـَٔايَـٰتِنَا يَجْحَدُونَ

Transliteration dhālika jazāu aʿdāi l-lahi l-nāru lahum fīhā dāru l-khul'di jazāan bimā kānū biāyātinā yajḥadūna

Tagalog Iyon ay ang ganti sa mga kaaway ni Allāh – ang Apoy. Ukol sa kanila roon ang tahanan ng kawalang-hanggan bilang ganti dahil sila dati sa mga tanda Namin ay nagkakaila.

Verse 29

وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ رَبَّنَآ أَرِنَا ٱلَّذَيْنِ أَضَلَّانَا مِنَ ٱلْجِنِّ وَٱلْإِنسِ نَجْعَلْهُمَا تَحْتَ أَقْدَامِنَا لِيَكُونَا مِنَ ٱلْأَسْفَلِينَ

Transliteration waqāla alladhīna kafarū rabbanā arinā alladhayni aḍallānā mina l-jini wal-insi najʿalhumā taḥta aqdāminā liyakūnā mina l-asfalīna

Tagalog Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: "Panginoon namin, magpakita Ka sa amin ng dalawang nagligaw sa amin kabilang sa jinn at tao, maglalagay kami sa kanilang dalawa sa ilalim ng mga paa namin upang silang dalawa ay maging kabilang sa mga pinakamababa."

Verse 30

إِنَّ ٱلَّذِينَ قَالُوا۟ رَبُّنَا ٱللَّهُ ثُمَّ ٱسْتَقَـٰمُوا۟ تَتَنَزَّلُ عَلَيْهِمُ ٱلْمَلَـٰٓئِكَةُ أَلَّا تَخَافُوا۟ وَلَا تَحْزَنُوا۟ وَأَبْشِرُوا۟ بِٱلْجَنَّةِ ٱلَّتِى كُنتُمْ تُوعَدُونَ

Transliteration inna alladhīna qālū rabbunā l-lahu thumma is'taqāmū tatanazzalu ʿalayhimu l-malāikatu allā takhāfū walā taḥzanū wa-abshirū bil-janati allatī kuntum tūʿadūna

Tagalog Tunay na ang mga nagsabi: "Si Allāh ay ang Panginoon namin," pagkatapos nagpakatuwid, magbababaan sa kanila ang mga anghel na [magsasabi]: "Huwag kayong mangamba, huwag kayong malungkot, at magalak kayo sa Paraiso na sa inyo dati ay ipinangangako.

Verse 31

نَحْنُ أَوْلِيَآؤُكُمْ فِى ٱلْحَيَوٰةِ ٱلدُّنْيَا وَفِى ٱلْـَٔاخِرَةِ ۖ وَلَكُمْ فِيهَا مَا تَشْتَهِىٓ أَنفُسُكُمْ وَلَكُمْ فِيهَا مَا تَدَّعُونَ

Transliteration naḥnu awliyāukum fī l-ḥayati l-dun'yā wafī l-ākhirati walakum fīhā mā tashtahī anfusukum walakum fīhā mā taddaʿūna

Tagalog Kami ay mga katangkilik ninyo sa buhay na pangmundo at sa Kabilang-buhay. Ukol sa inyo roon ang ninanasa ng mga sarili ninyo at ukol sa inyo roon ang anumang hinihiling ninyo,

Verse 32

نُزُلًا مِّنْ غَفُورٍ رَّحِيمٍ

Transliteration nuzulan min ghafūrin raḥīmin

Tagalog bilang pang-aliw mula sa Mapagpatawad, Maawain."

Verse 33

وَمَنْ أَحْسَنُ قَوْلًا مِّمَّن دَعَآ إِلَى ٱللَّهِ وَعَمِلَ صَـٰلِحًا وَقَالَ إِنَّنِى مِنَ ٱلْمُسْلِمِينَ

Transliteration waman aḥsanu qawlan mimman daʿā ilā l-lahi waʿamila ṣāliḥan waqāla innanī mina l-mus'limīna

Tagalog Sino pa ang higit na maganda sa sinasabi kaysa sa sinumang nag-anyaya tungo kay Allāh, gumawa ng maayos, at nagsabi: "Tunay na ako ay kabilang sa mga tagapagpasakop."

Verse 34

وَلَا تَسْتَوِى ٱلْحَسَنَةُ وَلَا ٱلسَّيِّئَةُ ۚ ٱدْفَعْ بِٱلَّتِى هِىَ أَحْسَنُ فَإِذَا ٱلَّذِى بَيْنَكَ وَبَيْنَهُۥ عَدَٰوَةٌ كَأَنَّهُۥ وَلِىٌّ حَمِيمٌ

Transliteration walā tastawī l-ḥasanatu walā l-sayi-atu id'faʿ bi-allatī hiya aḥsanu fa-idhā alladhī baynaka wabaynahu ʿadāwatun ka-annahu waliyyun ḥamīmun

Tagalog Hindi nagkakapantay ang magandang gawa at ang masagwang gawa. Itulak mo [ang masagwa] sa pamamagitan ng siyang higit na maganda, saka biglang ang [taong] sa pagitan mo at sa pagitan niya ay may pagkamuhi ay [magiging] para bang siya ay isang katangkilik na matalik.

Verse 35

وَمَا يُلَقَّىٰهَآ إِلَّا ٱلَّذِينَ صَبَرُوا۟ وَمَا يُلَقَّىٰهَآ إِلَّا ذُو حَظٍّ عَظِيمٍ

Transliteration wamā yulaqqāhā illā alladhīna ṣabarū wamā yulaqqāhā illā dhū ḥaẓẓin ʿaẓīmin

Tagalog Walang ginagawaran nito kundi ang mga nagtiis at walang ginagawaran nito kundi ang isang may isang bahaging dakila.

Verse 36

وَإِمَّا يَنزَغَنَّكَ مِنَ ٱلشَّيْطَـٰنِ نَزْغٌ فَٱسْتَعِذْ بِٱللَّهِ ۖ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلْعَلِيمُ

Transliteration wa-immā yanzaghannaka mina l-shayṭāni nazghun fa-is'taʿidh bil-lahi innahu huwa l-samīʿu l-ʿalīmu

Tagalog Kung may magbubuyo nga sa iyo mula sa demonyo na isang pambubuyo ay humiling ka ng pagkukupkop kay Allāh; tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Maalam.

Verse 37

وَمِنْ ءَايَـٰتِهِ ٱلَّيْلُ وَٱلنَّهَارُ وَٱلشَّمْسُ وَٱلْقَمَرُ ۚ لَا تَسْجُدُوا۟ لِلشَّمْسِ وَلَا لِلْقَمَرِ وَٱسْجُدُوا۟ لِلَّهِ ٱلَّذِى خَلَقَهُنَّ إِن كُنتُمْ إِيَّاهُ تَعْبُدُونَ

Transliteration wamin āyātihi al-laylu wal-nahāru wal-shamsu wal-qamaru lā tasjudū lilshamsi walā lil'qamari wa-us'judū lillahi alladhī khalaqahunna in kuntum iyyāhu taʿbudūna

Tagalog Kabilang sa mga tanda Niya ang gabi at ang maghapon, at ang araw at ang buwan. Huwag kayong magpatirapa sa araw ni sa buwan. Magpatirapa kayo kay Allāh na lumikha ng mga ito, kung kayo ay sa Kanya sumasamba.

Verse 38

فَإِنِ ٱسْتَكْبَرُوا۟ فَٱلَّذِينَ عِندَ رَبِّكَ يُسَبِّحُونَ لَهُۥ بِٱلَّيْلِ وَٱلنَّهَارِ وَهُمْ لَا يَسْـَٔمُونَ ۩

Transliteration fa-ini is'takbarū fa-alladhīna ʿinda rabbika yusabbiḥūna lahu bi-al-layli wal-nahāri wahum lā yasamūna

Tagalog Ngunit kung nagmalaki sila, ang mga nasa piling ng Panginoon mo ay nagluluwalhati sa Kanya sa gabi at maghapon habang sila ay hindi nanghihinawa.

Verse 39

وَمِنْ ءَايَـٰتِهِۦٓ أَنَّكَ تَرَى ٱلْأَرْضَ خَـٰشِعَةً فَإِذَآ أَنزَلْنَا عَلَيْهَا ٱلْمَآءَ ٱهْتَزَّتْ وَرَبَتْ ۚ إِنَّ ٱلَّذِىٓ أَحْيَاهَا لَمُحْىِ ٱلْمَوْتَىٰٓ ۚ إِنَّهُۥ عَلَىٰ كُلِّ شَىْءٍ قَدِيرٌ

Transliteration wamin āyātihi annaka tarā l-arḍa khāshiʿatan fa-idhā anzalnā ʿalayhā l-māa ih'tazzat warabat inna alladhī aḥyāhā lamuḥ'yī l-mawtā innahu ʿalā kulli shayin qadīrun

Tagalog Kabilang sa mga tanda Niya na ikaw ay nakakikita na ang lupa ay tigang ngunit kapag nagpababa Kami sa ibabaw nito ng tubig ay gumalaw-galaw ito at lumago ito. Tunay na ang nagbigay-buhay rito ay talagang tagapagbigay-buhay sa mga patay. Tunay na Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.

Verse 40

إِنَّ ٱلَّذِينَ يُلْحِدُونَ فِىٓ ءَايَـٰتِنَا لَا يَخْفَوْنَ عَلَيْنَآ ۗ أَفَمَن يُلْقَىٰ فِى ٱلنَّارِ خَيْرٌ أَم مَّن يَأْتِىٓ ءَامِنًا يَوْمَ ٱلْقِيَـٰمَةِ ۚ ٱعْمَلُوا۟ مَا شِئْتُمْ ۖ إِنَّهُۥ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌ

Transliteration inna alladhīna yul'ḥidūna fī āyātinā lā yakhfawna ʿalaynā afaman yul'qā fī l-nāri khayrun am man yatī āminan yawma l-qiyāmati iʿ'malū mā shi'tum innahu bimā taʿmalūna baṣīrun

Tagalog Tunay na ang mga lumilihis sa mga tanda Namin ay hindi nakakukubli sa Amin. Kaya ba ang sinumang itatapon sa Apoy ay higit na mabuti o ang sinumang pupunta nang ligtas sa Araw ng Pagbangon? Gawin ninyo ang niloob ninyo; tunay na Siya sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita.

Verse 41

إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ بِٱلذِّكْرِ لَمَّا جَآءَهُمْ ۖ وَإِنَّهُۥ لَكِتَـٰبٌ عَزِيزٌ

Transliteration inna alladhīna kafarū bil-dhik'ri lammā jāahum wa-innahu lakitābun ʿazīzun

Tagalog Tunay na ang mga tumangging sumampalataya sa paalaala noong dumating ito sa kanila [ay parurusahan.] Tunay na ito ay talagang isang Aklat na makapangyarihan.

Verse 42

لَّا يَأْتِيهِ ٱلْبَـٰطِلُ مِنۢ بَيْنِ يَدَيْهِ وَلَا مِنْ خَلْفِهِۦ ۖ تَنزِيلٌ مِّنْ حَكِيمٍ حَمِيدٍ

Transliteration lā yatīhi l-bāṭilu min bayni yadayhi walā min khalfihi tanzīlun min ḥakīmin ḥamīdin

Tagalog Hindi pumupunta rito ang kabulaanan mula sa harapan nito ni mula sa likuran nito. [Ito ay] isang pagbababa mula sa Marunong, Kapuri-puri.

Verse 43

مَّا يُقَالُ لَكَ إِلَّا مَا قَدْ قِيلَ لِلرُّسُلِ مِن قَبْلِكَ ۚ إِنَّ رَبَّكَ لَذُو مَغْفِرَةٍ وَذُو عِقَابٍ أَلِيمٍ

Transliteration mā yuqālu laka illā mā qad qīla lilrrusuli min qablika inna rabbaka ladhū maghfiratin wadhū ʿiqābin alīmin

Tagalog Walang sinasabi sa iyo kundi ang sinabi na sa mga sugo bago mo pa; tunay na ang Panginoon mo ay talagang may pagpapatawad at may parusang masakit.

Verse 44

وَلَوْ جَعَلْنَـٰهُ قُرْءَانًا أَعْجَمِيًّا لَّقَالُوا۟ لَوْلَا فُصِّلَتْ ءَايَـٰتُهُۥٓ ۖ ءَا۬عْجَمِىٌّ وَعَرَبِىٌّ ۗ قُلْ هُوَ لِلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ هُدًى وَشِفَآءٌ ۖ وَٱلَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ فِىٓ ءَاذَانِهِمْ وَقْرٌ وَهُوَ عَلَيْهِمْ عَمًى ۚ أُو۟لَـٰٓئِكَ يُنَادَوْنَ مِن مَّكَانٍۭ بَعِيدٍ

Transliteration walaw jaʿalnāhu qur'ānan aʿjamiyyan laqālū lawlā fuṣṣilat āyātuhu āʿ'jamiyyun waʿarabiyyun qul huwa lilladhīna āmanū hudan washifāon wa-alladhīna lā yu'minūna fī ādhānihim waqrun wahuwa ʿalayhim ʿaman ulāika yunādawna min makānin baʿīdin

Tagalog Kung sakaling gumawa Kami rito bilang Qur’ān na di-Arabe ay talaga sanang nagsabi sila: "Bakit kaya hindi dinetalye ang mga talata nito? [Ito] ba ay di-Arabe at Arabe [ang Sugo]? Sabihin mo: "Ito para sa mga sumampalataya ay isang patnubay at isang lunas." Ang mga hindi sumasampalataya, sa mga tainga nila ay may kabingihan at ito sa kanila ay pagkabulag. Ang mga iyon ay tinatawag mula sa isang pook na malayo.

Verse 45

وَلَقَدْ ءَاتَيْنَا مُوسَى ٱلْكِتَـٰبَ فَٱخْتُلِفَ فِيهِ ۗ وَلَوْلَا كَلِمَةٌ سَبَقَتْ مِن رَّبِّكَ لَقُضِىَ بَيْنَهُمْ ۚ وَإِنَّهُمْ لَفِى شَكٍّ مِّنْهُ مُرِيبٍ

Transliteration walaqad ātaynā mūsā l-kitāba fa-ukh'tulifa fīhi walawlā kalimatun sabaqat min rabbika laquḍiya baynahum wa-innahum lafī shakkin min'hu murībin

Tagalog Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng Kasulatan, ngunit nagkaiba-iba hinggil doon. Kung hindi dahil sa isang salitang nauna mula sa Panginoon mo ay talaga sanang humusga sa pagitan nila. Tunay na sila ay talagang nasa isang pagdududa roon, na nag-aalinlangan.

Verse 46

مَّنْ عَمِلَ صَـٰلِحًا فَلِنَفْسِهِۦ ۖ وَمَنْ أَسَآءَ فَعَلَيْهَا ۗ وَمَا رَبُّكَ بِظَلَّـٰمٍ لِّلْعَبِيدِ

Transliteration man ʿamila ṣāliḥan falinafsihi waman asāa faʿalayhā wamā rabbuka biẓallāmin lil'ʿabīdi

Tagalog Ang sinumang gumawa ng maayos, [ito] ay para sa sarili niya; at ang sinumang nagpasagwa, [ito] ay laban dito. Ang Panginoon mo ay hindi palalabag sa katarungan sa mga alipin [Niya].

Verse 47

۞ إِلَيْهِ يُرَدُّ عِلْمُ ٱلسَّاعَةِ ۚ وَمَا تَخْرُجُ مِن ثَمَرَٰتٍ مِّنْ أَكْمَامِهَا وَمَا تَحْمِلُ مِنْ أُنثَىٰ وَلَا تَضَعُ إِلَّا بِعِلْمِهِۦ ۚ وَيَوْمَ يُنَادِيهِمْ أَيْنَ شُرَكَآءِى قَالُوٓا۟ ءَاذَنَّـٰكَ مَا مِنَّا مِن شَهِيدٍ

Transliteration ilayhi yuraddu ʿil'mu l-sāʿati wamā takhruju min thamarātin min akmāmihā wamā taḥmilu min unthā walā taḍaʿu illā biʿil'mihi wayawma yunādīhim ayna shurakāī qālū ādhannāka mā minnā min shahīdin

Tagalog Sa Kanya iniugnay ang kaalaman sa Huling Sandali. Walang lumalabas na anumang mga bunga mula sa mga saha ng mga ito at walang nagbubuntis na anumang babae ni nagsisilang malibang nasa kaalaman Niya. Sa Araw na tatawag Siya sa kanila, [na nagsasabi]: "Nasaan ang mga katambal sa Akin?" Magsasabi sila: "Nagpahayag kami sa Iyo na wala na mula sa amin na anumang saksi."

Verse 48

وَضَلَّ عَنْهُم مَّا كَانُوا۟ يَدْعُونَ مِن قَبْلُ ۖ وَظَنُّوا۟ مَا لَهُم مِّن مَّحِيصٍ

Transliteration waḍalla ʿanhum mā kānū yadʿūna min qablu waẓannū mā lahum min maḥīṣin

Tagalog Nawala sa kanila ang dati nilang dinadalanginan bago pa niyon. Nakatiyak sila na walang ukol sa kanila na anumang mapupuslitan.

Verse 49

لَّا يَسْـَٔمُ ٱلْإِنسَـٰنُ مِن دُعَآءِ ٱلْخَيْرِ وَإِن مَّسَّهُ ٱلشَّرُّ فَيَـُٔوسٌ قَنُوطٌ

Transliteration lā yasamu l-insānu min duʿāi l-khayri wa-in massahu l-sharu fayaūsun qanūṭun

Tagalog Hindi nanghihinawa ang tao sa pagdalangin ng kabutihan; at kung sumaling sa kanya ang kasamaan, nalagutan ng pag-asa at nawalan ng pag-asa [siya].

Verse 50

وَلَئِنْ أَذَقْنَـٰهُ رَحْمَةً مِّنَّا مِنۢ بَعْدِ ضَرَّآءَ مَسَّتْهُ لَيَقُولَنَّ هَـٰذَا لِى وَمَآ أَظُنُّ ٱلسَّاعَةَ قَآئِمَةً وَلَئِن رُّجِعْتُ إِلَىٰ رَبِّىٓ إِنَّ لِى عِندَهُۥ لَلْحُسْنَىٰ ۚ فَلَنُنَبِّئَنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ بِمَا عَمِلُوا۟ وَلَنُذِيقَنَّهُم مِّنْ عَذَابٍ غَلِيظٍ

Transliteration wala-in adhaqnāhu raḥmatan minnā min baʿdi ḍarrāa massathu layaqūlanna hādhā lī wamā aẓunnu l-sāʿata qāimatan wala-in rujiʿ'tu ilā rabbī inna lī ʿindahu lalḥus'nā falanunabbi-anna alladhīna kafarū bimā ʿamilū walanudhīqannahum min ʿadhābin ghalīẓin

Tagalog Talagang kung nagpalasap Kami sa kanya ng isang awa mula sa Amin nang matapos ng kariwaraang sumaling sa kanya ay talagang magsasabi nga siya: "Ito ay ukol sa akin at hindi ako nagpapalagay na ang Huling Sandali ay sasapit. Talagang kung pinabalik ako sa Panginoon ko, tunay na ukol sa akin sa ganang Kanya ay talagang pinakamaganda." Kaya talagang magbabalita nga Kami sa mga tumangging sumampalataya hinggil sa ginawa nila at talagang magpapalasap nga Kami sa kanila ng isang pagdurusang magaspang.

Verse 51

وَإِذَآ أَنْعَمْنَا عَلَى ٱلْإِنسَـٰنِ أَعْرَضَ وَنَـَٔا بِجَانِبِهِۦ وَإِذَا مَسَّهُ ٱلشَّرُّ فَذُو دُعَآءٍ عَرِيضٍ

Transliteration wa-idhā anʿamnā ʿalā l-insāni aʿraḍa wanaā bijānibihi wa-idhā massahu l-sharu fadhū duʿāin ʿarīḍin

Tagalog Kapag nagbiyaya Kami sa tao, umaayaw siya at naglalayo siya ng sarili niya. Kapag sumaling sa kanya ang kasamaan, [siya ay] may panalanging malawak.

Verse 52

قُلْ أَرَءَيْتُمْ إِن كَانَ مِنْ عِندِ ٱللَّهِ ثُمَّ كَفَرْتُم بِهِۦ مَنْ أَضَلُّ مِمَّنْ هُوَ فِى شِقَاقٍۭ بَعِيدٍ

Transliteration qul ara-aytum in kāna min ʿindi l-lahi thumma kafartum bihi man aḍallu mimman huwa fī shiqāqin baʿīdin

Tagalog Sabihin mo: "Nagsaalang-alang ba kayo kung [ang Qur’ān na] ito ay mula sa ganang kay Allāh, pagkatapos tumanggi kayong sumampalataya rito? Sino pa ang higit na ligaw kaysa sa sinumang siya ay na nasa isang hidwaang malayo?"

Verse 53

سَنُرِيهِمْ ءَايَـٰتِنَا فِى ٱلْـَٔافَاقِ وَفِىٓ أَنفُسِهِمْ حَتَّىٰ يَتَبَيَّنَ لَهُمْ أَنَّهُ ٱلْحَقُّ ۗ أَوَلَمْ يَكْفِ بِرَبِّكَ أَنَّهُۥ عَلَىٰ كُلِّ شَىْءٍ شَهِيدٌ

Transliteration sanurīhim āyātinā fī l-āfāqi wafī anfusihim ḥattā yatabayyana lahum annahu l-ḥaqu awalam yakfi birabbika annahu ʿalā kulli shayin shahīdun

Tagalog Magpapakita Kami sa kanila ng mga tanda Namin sa mga abot-tanaw at sa mga sarili nila hanggang sa luminaw para sa kanila na ito ay ang katotohanan. Hindi ba nakasapat ang Panginoon mo na Siya sa bawat bagay ay Saksi?

Verse 54

أَلَآ إِنَّهُمْ فِى مِرْيَةٍ مِّن لِّقَآءِ رَبِّهِمْ ۗ أَلَآ إِنَّهُۥ بِكُلِّ شَىْءٍ مُّحِيطٌۢ

Transliteration alā innahum fī mir'yatin min liqāi rabbihim alā innahu bikulli shayin muḥīṭun

Tagalog Pansinin, tunay na sila ay nasa isang pag-aalangan sa pakikipagkita sa Panginoon nila. Pansinin, tunay na Siya sa bawat bagay ay Tagasaklaw.

Read Surah Fussilat in another language

All languages

All 114 surahs in Tagalog: the Qur’an in Tagalog.

Learn it in MyDugsi

Tagalog translation: Dar Al-Salam Center, from Quran.com. Transliteration: Quran.com. Recitation: Mishary Alafasy, from EveryAyah.com. MyDugsi is a learning aid, not a replacement for a qualified teacher.