MyDugsiStart learning

Surah Al-Hajj in Tagalog: translation and audio

Surah 22 · الحج · The Pilgrimage · 78 verses

Surah Al-Hajj verse by verse: the Arabic with a recitation you can repeat, the transliteration, and the Tagalog translation by Dar Al-Salam Center. For the meaning of every word, see Surah Al-Hajj word by word in English.

Verse 1

يَـٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ ٱتَّقُوا۟ رَبَّكُمْ ۚ إِنَّ زَلْزَلَةَ ٱلسَّاعَةِ شَىْءٌ عَظِيمٌ

Transliteration yāayyuhā l-nāsu ittaqū rabbakum inna zalzalata l-sāʿati shayon ʿaẓīmun

Tagalog O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo! Tunay na ang pagyanig ng Huling Sandali ay isang bagay na sukdulan.

Verse 2

يَوْمَ تَرَوْنَهَا تَذْهَلُ كُلُّ مُرْضِعَةٍ عَمَّآ أَرْضَعَتْ وَتَضَعُ كُلُّ ذَاتِ حَمْلٍ حَمْلَهَا وَتَرَى ٱلنَّاسَ سُكَـٰرَىٰ وَمَا هُم بِسُكَـٰرَىٰ وَلَـٰكِنَّ عَذَابَ ٱللَّهِ شَدِيدٌ

Transliteration yawma tarawnahā tadhhalu kullu mur'ḍiʿatin ʿammā arḍaʿat wataḍaʿu kullu dhāti ḥamlin ḥamlahā watarā l-nāsa sukārā wamā hum bisukārā walākinna ʿadhāba l-lahi shadīdun

Tagalog Sa Araw na makakikita kayo rito, malilingat ang bawat tagapasuso sa pinasuso nito, maglalaglag ang bawat may dala [sa sinapupunan] ng dinadala nito, at makakikita ka sa mga tao na mga lasing samantalang hindi sila lasing, subalit ang pagdurusang dulot ni Allāh ay matindi.

Verse 3

وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يُجَـٰدِلُ فِى ٱللَّهِ بِغَيْرِ عِلْمٍ وَيَتَّبِعُ كُلَّ شَيْطَـٰنٍ مَّرِيدٍ

Transliteration wamina l-nāsi man yujādilu fī l-lahi bighayri ʿil'min wayattabiʿu kulla shayṭānin marīdin

Tagalog May mga tao na nakikipagtalo hinggil kay Allāh nang walang kaalaman at sumusunod sa bawat demonyong mapaghimagsik.

Verse 4

كُتِبَ عَلَيْهِ أَنَّهُۥ مَن تَوَلَّاهُ فَأَنَّهُۥ يُضِلُّهُۥ وَيَهْدِيهِ إِلَىٰ عَذَابِ ٱلسَّعِيرِ

Transliteration kutiba ʿalayhi annahu man tawallāhu fa-annahu yuḍilluhu wayahdīhi ilā ʿadhābi l-saʿīri

Tagalog Itinakda sa kanya na ang sinumang tumangkilik sa kanya, tunay na siya ay magliligaw rito at magpapatnubay rito tungo sa pagdurusa sa Liyab.

Verse 5

يَـٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ إِن كُنتُمْ فِى رَيْبٍ مِّنَ ٱلْبَعْثِ فَإِنَّا خَلَقْنَـٰكُم مِّن تُرَابٍ ثُمَّ مِن نُّطْفَةٍ ثُمَّ مِنْ عَلَقَةٍ ثُمَّ مِن مُّضْغَةٍ مُّخَلَّقَةٍ وَغَيْرِ مُخَلَّقَةٍ لِّنُبَيِّنَ لَكُمْ ۚ وَنُقِرُّ فِى ٱلْأَرْحَامِ مَا نَشَآءُ إِلَىٰٓ أَجَلٍ مُّسَمًّى ثُمَّ نُخْرِجُكُمْ طِفْلًا ثُمَّ لِتَبْلُغُوٓا۟ أَشُدَّكُمْ ۖ وَمِنكُم مَّن يُتَوَفَّىٰ وَمِنكُم مَّن يُرَدُّ إِلَىٰٓ أَرْذَلِ ٱلْعُمُرِ لِكَيْلَا يَعْلَمَ مِنۢ بَعْدِ عِلْمٍ شَيْـًٔا ۚ وَتَرَى ٱلْأَرْضَ هَامِدَةً فَإِذَآ أَنزَلْنَا عَلَيْهَا ٱلْمَآءَ ٱهْتَزَّتْ وَرَبَتْ وَأَنۢبَتَتْ مِن كُلِّ زَوْجٍۭ بَهِيجٍ

Transliteration yāayyuhā l-nāsu in kuntum fī raybin mina l-baʿthi fa-innā khalaqnākum min turābin thumma min nuṭ'fatin thumma min ʿalaqatin thumma min muḍ'ghatin mukhallaqatin waghayri mukhallaqatin linubayyina lakum wanuqirru fī l-arḥāmi mā nashāu ilā ajalin musamman thumma nukh'rijukum ṭif'lan thumma litablughū ashuddakum waminkum man yutawaffā waminkum man yuraddu ilā ardhali l-ʿumuri likaylā yaʿlama min baʿdi ʿil'min shayan watarā l-arḍa hāmidatan fa-idhā anzalnā ʿalayhā l-māa ih'tazzat warabat wa-anbatat min kulli zawjin bahījin

Tagalog O mga tao, kung kayo ay nasa isang pag-aalinlangan sa pagbubuhay, tunay na Kami ay lumikha sa inyo mula sa alabok, pagkatapos mula sa isang patak, pagkatapos mula sa isang malalinta, pagkatapos mula sa isang kimpal na laman na inanyuan at hindi inanyuan, upang maglinaw Kami para sa inyo. Nagpapanatili Kami sa mga sinapupunan ng niloloob Namin hanggang sa isang taning na tinukoy, pagkatapos nagpapalabas Kami sa inyo bilang bata, pagkatapos upang umabot kayo sa kalakasan ninyo. Mayroon sa inyo na pinapapanaw at mayroon sa inyo na pinaaabot sa pinakahamak na gulang upang hindi siya makaalam, noong matapos ng isang kaalaman, ng anuman. Nakakikita ka na ang lupa ay patay, ngunit kapag nagpababa Kami sa ibabaw nito ng tubig ay gumalaw-galaw ito, lumalago ito, at nagpapatubo ito ng bawat uring marilag.

Verse 6

ذَٰلِكَ بِأَنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلْحَقُّ وَأَنَّهُۥ يُحْىِ ٱلْمَوْتَىٰ وَأَنَّهُۥ عَلَىٰ كُلِّ شَىْءٍ قَدِيرٌ

Transliteration dhālika bi-anna l-laha huwa l-ḥaqu wa-annahu yuḥ'yī l-mawtā wa-annahu ʿalā kulli shayin qadīrun

Tagalog Iyon ay dahil si Allāh ay ang Katotohanan, na Siya ay nagbibigay-buhay sa mga patay, na Siya sa bawat ay May-kakayahan,

Verse 7

وَأَنَّ ٱلسَّاعَةَ ءَاتِيَةٌ لَّا رَيْبَ فِيهَا وَأَنَّ ٱللَّهَ يَبْعَثُ مَن فِى ٱلْقُبُورِ

Transliteration wa-anna l-sāʿata ātiyatun lā rayba fīhā wa-anna l-laha yabʿathu man fī l-qubūri

Tagalog na ang Huling Sandali ay darating, walang pag-aalinlangan dito, at na si Allāh ay bubuhay sa mga nasa mga libingan.

Verse 8

وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يُجَـٰدِلُ فِى ٱللَّهِ بِغَيْرِ عِلْمٍ وَلَا هُدًى وَلَا كِتَـٰبٍ مُّنِيرٍ

Transliteration wamina l-nāsi man yujādilu fī l-lahi bighayri ʿil'min walā hudan walā kitābin munīrin

Tagalog May mga tao na nakikipagtalo hinggil kay Allāh nang walang kaalaman ni patnubay ni isang kasulatan na nagbibigay-liwanag.

Verse 9

ثَانِىَ عِطْفِهِۦ لِيُضِلَّ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ ۖ لَهُۥ فِى ٱلدُّنْيَا خِزْىٌ ۖ وَنُذِيقُهُۥ يَوْمَ ٱلْقِيَـٰمَةِ عَذَابَ ٱلْحَرِيقِ

Transliteration thāniya ʿiṭ'fihi liyuḍilla ʿan sabīli l-lahi lahu fī l-dun'yā khiz'yun wanudhīquhu yawma l-qiyāmati ʿadhāba l-ḥarīqi

Tagalog Nagbabaluktot ng leeg niya [sa kapalaluan] upang magligaw palayo sa landas ni Allāh, ukol sa kanya sa Mundo ay isang kahihiyan. Magpapalasap Kami sa kanya sa Araw ng Pagbangon ng pagdurusa sa pagsunog.

Verse 10

ذَٰلِكَ بِمَا قَدَّمَتْ يَدَاكَ وَأَنَّ ٱللَّهَ لَيْسَ بِظَلَّـٰمٍ لِّلْعَبِيدِ

Transliteration dhālika bimā qaddamat yadāka wa-anna l-laha laysa biẓallāmin lil'ʿabīdi

Tagalog Iyon ay dahil sa ipinauna ng mga kamay mo at na si Allāh ay hindi palalabag sa katarungan sa mga lingkod.

Verse 11

وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يَعْبُدُ ٱللَّهَ عَلَىٰ حَرْفٍ ۖ فَإِنْ أَصَابَهُۥ خَيْرٌ ٱطْمَأَنَّ بِهِۦ ۖ وَإِنْ أَصَابَتْهُ فِتْنَةٌ ٱنقَلَبَ عَلَىٰ وَجْهِهِۦ خَسِرَ ٱلدُّنْيَا وَٱلْـَٔاخِرَةَ ۚ ذَٰلِكَ هُوَ ٱلْخُسْرَانُ ٱلْمُبِينُ

Transliteration wamina l-nāsi man yaʿbudu l-laha ʿalā ḥarfin fa-in aṣābahu khayrun iṭ'ma-anna bihi wa-in aṣābathu fit'natun inqalaba ʿalā wajhihi khasira l-dun'yā wal-ākhirata dhālika huwa l-khus'rānu l-mubīnu

Tagalog Mayroon sa mga tao na sumasamba kay Allāh sa isang gilid. Kaya kapag may tumama sa kanya na isang mabuti, napapanatag siya rito; at kapag may tumama sa kanya na isang pagsubok, umuuwi siya sa [dating] mukha niya. Nalugi siya sa Mundo at Kabilang-buhay. Iyon ay ang pagkaluging malinaw.

Verse 12

يَدْعُوا۟ مِن دُونِ ٱللَّهِ مَا لَا يَضُرُّهُۥ وَمَا لَا يَنفَعُهُۥ ۚ ذَٰلِكَ هُوَ ٱلضَّلَـٰلُ ٱلْبَعِيدُ

Transliteration yadʿū min dūni l-lahi mā lā yaḍurruhu wamā lā yanfaʿuhu dhālika huwa l-ḍalālu l-baʿīdu

Tagalog Dumadalangin siya sa bukod pa kay Allāh, na hindi nakapipinsala sa kanya at hindi nagpapakinabang sa kanya. Iyon ay ang pagkaligaw na malayo.

Verse 13

يَدْعُوا۟ لَمَن ضَرُّهُۥٓ أَقْرَبُ مِن نَّفْعِهِۦ ۚ لَبِئْسَ ٱلْمَوْلَىٰ وَلَبِئْسَ ٱلْعَشِيرُ

Transliteration yadʿū laman ḍarruhu aqrabu min nafʿihi labi'sa l-mawlā walabi'sa l-ʿashīru

Tagalog Dumadalangin siya sa talagang ang pagpinsala nito ay higit na malapit kaysa sa pagpapakinabang nito. Talagang kay saklap ang pinagpapatangkilikan at talagang kay saklap ang kapisan!

Verse 14

إِنَّ ٱللَّهَ يُدْخِلُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَعَمِلُوا۟ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ جَنَّـٰتٍ تَجْرِى مِن تَحْتِهَا ٱلْأَنْهَـٰرُ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ يَفْعَلُ مَا يُرِيدُ

Transliteration inna l-laha yud'khilu alladhīna āmanū waʿamilū l-ṣāliḥāti jannātin tajrī min taḥtihā l-anhāru inna l-laha yafʿalu mā yurīdu

Tagalog Tunay na si Allāh ay magpapapasok sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Tunay na si Allāh ay gumagawa ng anumang ninanais Niya.

Verse 15

مَن كَانَ يَظُنُّ أَن لَّن يَنصُرَهُ ٱللَّهُ فِى ٱلدُّنْيَا وَٱلْـَٔاخِرَةِ فَلْيَمْدُدْ بِسَبَبٍ إِلَى ٱلسَّمَآءِ ثُمَّ لْيَقْطَعْ فَلْيَنظُرْ هَلْ يُذْهِبَنَّ كَيْدُهُۥ مَا يَغِيظُ

Transliteration man kāna yaẓunnu an lan yanṣurahu l-lahu fī l-dun'yā wal-ākhirati falyamdud bisababin ilā l-samāi thumma l'yaqṭaʿ falyanẓur hal yudh'hibanna kayduhu mā yaghīẓu

Tagalog Ang sinumang nagpapalagay na hindi mag-aadya si Allāh [sa Propeta] sa Mundo at Kabilang-buhay ay magpaabot siya ng isang tali sa bubong. Pagkatapos putulin niya [ito] saka tumingin siya: mag-aalis nga kaya ang pakana niya ng anumang nagpapangitngit [sa kanya]?

Verse 16

وَكَذَٰلِكَ أَنزَلْنَـٰهُ ءَايَـٰتٍۭ بَيِّنَـٰتٍ وَأَنَّ ٱللَّهَ يَهْدِى مَن يُرِيدُ

Transliteration wakadhālika anzalnāhu āyātin bayyinātin wa-anna l-laha yahdī man yurīdu

Tagalog Gayon nagpababa nito bilang mga talata na malilinaw na patunay, at na [dahil] si Allāh ay nagpapatnubay sa sinumang ninanais Niya.

Verse 17

إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَٱلَّذِينَ هَادُوا۟ وَٱلصَّـٰبِـِٔينَ وَٱلنَّصَـٰرَىٰ وَٱلْمَجُوسَ وَٱلَّذِينَ أَشْرَكُوٓا۟ إِنَّ ٱللَّهَ يَفْصِلُ بَيْنَهُمْ يَوْمَ ٱلْقِيَـٰمَةِ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَىْءٍ شَهِيدٌ

Transliteration inna alladhīna āmanū wa-alladhīna hādū wal-ṣābiīna wal-naṣārā wal-majūsa wa-alladhīna ashrakū inna l-laha yafṣilu baynahum yawma l-qiyāmati inna l-laha ʿalā kulli shayin shahīdun

Tagalog Tunay na ang mga sumampalataya, ang mga nagpakahudyo, ang mga Sabeano, ang mga Kristiyano, ang mga Mago, at ang mga nagtambal [kay Allāh], tunay na si Allāh ay magbubukod sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay Saksi.

Verse 18

أَلَمْ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ يَسْجُدُ لَهُۥ مَن فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَمَن فِى ٱلْأَرْضِ وَٱلشَّمْسُ وَٱلْقَمَرُ وَٱلنُّجُومُ وَٱلْجِبَالُ وَٱلشَّجَرُ وَٱلدَّوَآبُّ وَكَثِيرٌ مِّنَ ٱلنَّاسِ ۖ وَكَثِيرٌ حَقَّ عَلَيْهِ ٱلْعَذَابُ ۗ وَمَن يُهِنِ ٱللَّهُ فَمَا لَهُۥ مِن مُّكْرِمٍ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ يَفْعَلُ مَا يَشَآءُ ۩

Transliteration alam tara anna l-laha yasjudu lahu man fī l-samāwāti waman fī l-arḍi wal-shamsu wal-qamaru wal-nujūmu wal-jibālu wal-shajaru wal-dawābu wakathīrun mina l-nāsi wakathīrun ḥaqqa ʿalayhi l-ʿadhābu waman yuhini l-lahu famā lahu min muk'rimin inna l-laha yafʿalu mā yashāu

Tagalog Hindi mo ba napag-alaman na kay Allāh ay nagpapatirapa ang sinumang nasa mga langit, ang sinumang nasa lupa, ang araw, ang buwan, ang mga bituin, ang mga bundok, ang mga punong-kahoy, ang mga hayop, at ang marami sa mga tao. May marami na nagindapat sa kanila ang pagdurusa. Ang sinumang hinahamak ni Allāh ay walang ukol sa kanya na anumang tagapagparangal. Tunay na si Allāh ay gumagawa ng anumang niloloob Niya.

Verse 19

۞ هَـٰذَانِ خَصْمَانِ ٱخْتَصَمُوا۟ فِى رَبِّهِمْ ۖ فَٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ قُطِّعَتْ لَهُمْ ثِيَابٌ مِّن نَّارٍ يُصَبُّ مِن فَوْقِ رُءُوسِهِمُ ٱلْحَمِيمُ

Transliteration hādhāni khaṣmāni ikh'taṣamū fī rabbihim fa-alladhīna kafarū quṭṭiʿat lahum thiyābun min nārin yuṣabbu min fawqi ruūsihimu l-ḥamīmu

Tagalog Ang dalawang ito ay magkaalitan na nag-aalitan hinggil sa Panginoon nila. Ngunit ang mga tumangging sumampalataya ay may pagpuputul-putulin para sa kanila na mga damit mula sa apoy. Ibubuhos mula sa ibabaw ng mga ulo nila ang nakapapasong tubig.

Verse 20

يُصْهَرُ بِهِۦ مَا فِى بُطُونِهِمْ وَٱلْجُلُودُ

Transliteration yuṣ'haru bihi mā fī buṭūnihim wal-julūdu

Tagalog Malulusaw sa pamamagitan nito ang nasa mga tiyan nila at ang mga balat.

Verse 21

وَلَهُم مَّقَـٰمِعُ مِنْ حَدِيدٍ

Transliteration walahum maqāmiʿu min ḥadīdin

Tagalog Para [sa pagpalo] sa kanila ay mga pambambo yari sa bakal.

Verse 22

كُلَّمَآ أَرَادُوٓا۟ أَن يَخْرُجُوا۟ مِنْهَا مِنْ غَمٍّ أُعِيدُوا۟ فِيهَا وَذُوقُوا۟ عَذَابَ ٱلْحَرِيقِ

Transliteration kullamā arādū an yakhrujū min'hā min ghammin uʿīdū fīhā wadhūqū ʿadhāba l-ḥarīqi

Tagalog Sa tuwing magnanais sila na lumabas mula roon dahil sa pighati ay panunumbalikin sila roon at [sasabihin]: "Lasapin ninyo ang pagdurusa ng pagsusunog."

Verse 23

إِنَّ ٱللَّهَ يُدْخِلُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَعَمِلُوا۟ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ جَنَّـٰتٍ تَجْرِى مِن تَحْتِهَا ٱلْأَنْهَـٰرُ يُحَلَّوْنَ فِيهَا مِنْ أَسَاوِرَ مِن ذَهَبٍ وَلُؤْلُؤًا ۖ وَلِبَاسُهُمْ فِيهَا حَرِيرٌ

Transliteration inna l-laha yud'khilu alladhīna āmanū waʿamilū l-ṣāliḥāti jannātin tajrī min taḥtihā l-anhāru yuḥallawna fīhā min asāwira min dhahabin walu'lu-an walibāsuhum fīhā ḥarīrun

Tagalog Tunay na si Allāh ay magpapasok sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Gagayakan sila roon ng mga pulseras na ginto at mga mutya. Ang kasuutan nila sa mga iyon ay sutla.

Verse 24

وَهُدُوٓا۟ إِلَى ٱلطَّيِّبِ مِنَ ٱلْقَوْلِ وَهُدُوٓا۟ إِلَىٰ صِرَٰطِ ٱلْحَمِيدِ

Transliteration wahudū ilā l-ṭayibi mina l-qawli wahudū ilā ṣirāṭi l-ḥamīdi

Tagalog Pinatnubayan sila tungo sa kaaya-aya kabilang sa sinasabi at pinatnubayan sila tungo sa landasin ng Kapuri-puri.

Verse 25

إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ وَيَصُدُّونَ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ وَٱلْمَسْجِدِ ٱلْحَرَامِ ٱلَّذِى جَعَلْنَـٰهُ لِلنَّاسِ سَوَآءً ٱلْعَـٰكِفُ فِيهِ وَٱلْبَادِ ۚ وَمَن يُرِدْ فِيهِ بِإِلْحَادٍۭ بِظُلْمٍ نُّذِقْهُ مِنْ عَذَابٍ أَلِيمٍ

Transliteration inna alladhīna kafarū wayaṣuddūna ʿan sabīli l-lahi wal-masjidi l-ḥarāmi alladhī jaʿalnāhu lilnnāsi sawāan l-ʿākifu fīhi wal-bādi waman yurid fīhi bi-il'ḥādin biẓul'min nudhiq'hu min ʿadhābin alīmin

Tagalog Tunay na ang mga tumangging sumampalataya at sumagabal sa landas ni Allāh at Masjid na Pinakababanal na ginawa Namin para sa mga tao na magkapantay ang namimintuho roon at ang dumadayo. Ang sinumang nagnanais doon ng isang paglihis sa pamamagitan ng isang paglabag sa katarungan ay magpapalasap Kami sa kanya ng isang pagdurusang masakit.

Verse 26

وَإِذْ بَوَّأْنَا لِإِبْرَٰهِيمَ مَكَانَ ٱلْبَيْتِ أَن لَّا تُشْرِكْ بِى شَيْـًٔا وَطَهِّرْ بَيْتِىَ لِلطَّآئِفِينَ وَٱلْقَآئِمِينَ وَٱلرُّكَّعِ ٱلسُّجُودِ

Transliteration wa-idh bawwanā li-ib'rāhīma makāna l-bayti an lā tush'rik bī shayan waṭahhir baytiya lilṭṭāifīna wal-qāimīna wal-rukaʿi l-sujūdi

Tagalog [Banggitin] noong nagtalaga Kami para kay Abraham ng pook ng Bahay, na [nagsasabi]: "Huwag kang magtambal sa Akin ng anuman at magdalisay ka ng Bahay Ko para sa mga pumapalibot, mga tumatayo [sa pagdarasal], at mga tagayukod na nagpapatirapa.

Verse 27

وَأَذِّن فِى ٱلنَّاسِ بِٱلْحَجِّ يَأْتُوكَ رِجَالًا وَعَلَىٰ كُلِّ ضَامِرٍ يَأْتِينَ مِن كُلِّ فَجٍّ عَمِيقٍ

Transliteration wa-adhin fī l-nāsi bil-ḥaji yatūka rijālan waʿalā kulli ḍāmirin yatīna min kulli fajjin ʿamīqin

Tagalog Magpahayag ka sa mga tao ng ḥajj, pupunta sila sa iyo nang mga naglalakad at lulan ng bawat payat na kamelyo: pupunta ang mga ito mula sa bawat daanang malalim,

Verse 28

لِّيَشْهَدُوا۟ مَنَـٰفِعَ لَهُمْ وَيَذْكُرُوا۟ ٱسْمَ ٱللَّهِ فِىٓ أَيَّامٍ مَّعْلُومَـٰتٍ عَلَىٰ مَا رَزَقَهُم مِّنۢ بَهِيمَةِ ٱلْأَنْعَـٰمِ ۖ فَكُلُوا۟ مِنْهَا وَأَطْعِمُوا۟ ٱلْبَآئِسَ ٱلْفَقِيرَ

Transliteration liyashhadū manāfiʿa lahum wayadhkurū is'ma l-lahi fī ayyāmin maʿlūmātin ʿalā mā razaqahum min bahīmati l-anʿāmi fakulū min'hā wa-aṭʿimū l-bāisa l-faqīra

Tagalog upang makasaksi sila ng mga pakinabang para sa kanila at bumanggit sila sa pangalan ni Allāh sa mga araw na nalalaman dahil sa itinustos Niya sa kanila na hayop na mga panghayupan. Kaya kumain kayo mula sa mga ito at magpakain kayo sa sawing-palad na maralita.

Verse 29

ثُمَّ لْيَقْضُوا۟ تَفَثَهُمْ وَلْيُوفُوا۟ نُذُورَهُمْ وَلْيَطَّوَّفُوا۟ بِٱلْبَيْتِ ٱلْعَتِيقِ

Transliteration thumma l'yaqḍū tafathahum walyūfū nudhūrahum walyaṭṭawwafū bil-bayti l-ʿatīqi

Tagalog Pagkatapos, tumapos sila ng mga ritwal nila, tumupad sila ng mga panata nila, at magpalibut-libot sila sa Bahay na Matanda.

Verse 30

ذَٰلِكَ وَمَن يُعَظِّمْ حُرُمَـٰتِ ٱللَّهِ فَهُوَ خَيْرٌ لَّهُۥ عِندَ رَبِّهِۦ ۗ وَأُحِلَّتْ لَكُمُ ٱلْأَنْعَـٰمُ إِلَّا مَا يُتْلَىٰ عَلَيْكُمْ ۖ فَٱجْتَنِبُوا۟ ٱلرِّجْسَ مِنَ ٱلْأَوْثَـٰنِ وَٱجْتَنِبُوا۟ قَوْلَ ٱلزُّورِ

Transliteration dhālika waman yuʿaẓẓim ḥurumāti l-lahi fahuwa khayrun lahu ʿinda rabbihi wa-uḥillat lakumu l-anʿāmu illā mā yut'lā ʿalaykum fa-ij'tanibū l-rij'sa mina l-awthāni wa-ij'tanibū qawla l-zūri

Tagalog Iyon [ang kautusan]; at ang sinumang gumagalang sa mga pinakababanal ni Allāh, iyon ay higit na mabuti para sa kanya sa ganang Panginoon niya. Ipinahintulot para sa inyo ang mga hayupan maliban sa [bawal na] babanggitin sa inyo. Kaya umiwas kayo sa kasalaulaan mula sa mga diyus-diyusan at umiwas kayo sa pagsabi ng kabulaanan,

Verse 31

حُنَفَآءَ لِلَّهِ غَيْرَ مُشْرِكِينَ بِهِۦ ۚ وَمَن يُشْرِكْ بِٱللَّهِ فَكَأَنَّمَا خَرَّ مِنَ ٱلسَّمَآءِ فَتَخْطَفُهُ ٱلطَّيْرُ أَوْ تَهْوِى بِهِ ٱلرِّيحُ فِى مَكَانٍ سَحِيقٍ

Transliteration ḥunafāa lillahi ghayra mush'rikīna bihi waman yush'rik bil-lahi faka-annamā kharra mina l-samāi fatakhṭafuhu l-ṭayru aw tahwī bihi l-rīḥu fī makānin saḥīqin

Tagalog bilang mga nakakiling kay Allāh, na hindi mga tagapagtambal sa Kanya. Ang sinumang nagtatambal kay Allāh ay para bang bumagsak siya mula sa langit kaya dadagit sa kanya ang mga ibon o tatangay sa kanya ang hangin sa isang pook na liblib.

Verse 32

ذَٰلِكَ وَمَن يُعَظِّمْ شَعَـٰٓئِرَ ٱللَّهِ فَإِنَّهَا مِن تَقْوَى ٱلْقُلُوبِ

Transliteration dhālika waman yuʿaẓẓim shaʿāira l-lahi fa-innahā min taqwā l-qulūbi

Tagalog Iyon nga. Ang sinumang dumadakila sa mga sagisag ni Allāh, tunay na ang mga ito ay bahagi ng pangingilag magkasala ng mga puso.

Verse 33

لَكُمْ فِيهَا مَنَـٰفِعُ إِلَىٰٓ أَجَلٍ مُّسَمًّى ثُمَّ مَحِلُّهَآ إِلَى ٱلْبَيْتِ ٱلْعَتِيقِ

Transliteration lakum fīhā manāfiʿu ilā ajalin musamman thumma maḥilluhā ilā l-bayti l-ʿatīqi

Tagalog Ukol sa inyo sa mga ito ay mga pakinabang hanggang sa isang taning na tinukoy. Pagkatapos ang pook ng mga ito ay hanggang sa Bahay na Matanda.

Verse 34

وَلِكُلِّ أُمَّةٍ جَعَلْنَا مَنسَكًا لِّيَذْكُرُوا۟ ٱسْمَ ٱللَّهِ عَلَىٰ مَا رَزَقَهُم مِّنۢ بَهِيمَةِ ٱلْأَنْعَـٰمِ ۗ فَإِلَـٰهُكُمْ إِلَـٰهٌ وَٰحِدٌ فَلَهُۥٓ أَسْلِمُوا۟ ۗ وَبَشِّرِ ٱلْمُخْبِتِينَ

Transliteration walikulli ummatin jaʿalnā mansakan liyadhkurū is'ma l-lahi ʿalā mā razaqahum min bahīmati l-anʿāmi fa-ilāhukum ilāhun wāḥidun falahu aslimū wabashiri l-mukh'bitīna

Tagalog Para sa bawat kalipunan ay nagtalaga Kami ng isang pamamaraan upang bumanggit sila sa pangalan ni Allāh sa itinustos Niya sa kanila na hayop ng mga hayupan sapagkat ang Diyos ninyo ay nag-iisang Diyos kaya sa Kanya ay magpasakop kayo. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga nagpapakaaba,

Verse 35

ٱلَّذِينَ إِذَا ذُكِرَ ٱللَّهُ وَجِلَتْ قُلُوبُهُمْ وَٱلصَّـٰبِرِينَ عَلَىٰ مَآ أَصَابَهُمْ وَٱلْمُقِيمِى ٱلصَّلَوٰةِ وَمِمَّا رَزَقْنَـٰهُمْ يُنفِقُونَ

Transliteration alladhīna idhā dhukira l-lahu wajilat qulūbuhum wal-ṣābirīna ʿalā mā aṣābahum wal-muqīmī l-ṣalati wamimmā razaqnāhum yunfiqūna

Tagalog na kapag binanggit si Allāh ay nasisindak ang mga puso nila, na mga tagapagtiis sa anumang tumama sa kanila, na mga tagapanatili ng dasal, at mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol sila.

Verse 36

وَٱلْبُدْنَ جَعَلْنَـٰهَا لَكُم مِّن شَعَـٰٓئِرِ ٱللَّهِ لَكُمْ فِيهَا خَيْرٌ ۖ فَٱذْكُرُوا۟ ٱسْمَ ٱللَّهِ عَلَيْهَا صَوَآفَّ ۖ فَإِذَا وَجَبَتْ جُنُوبُهَا فَكُلُوا۟ مِنْهَا وَأَطْعِمُوا۟ ٱلْقَانِعَ وَٱلْمُعْتَرَّ ۚ كَذَٰلِكَ سَخَّرْنَـٰهَا لَكُمْ لَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ

Transliteration wal-bud'na jaʿalnāhā lakum min shaʿāiri l-lahi lakum fīhā khayrun fa-udh'kurū is'ma l-lahi ʿalayhā ṣawāffa fa-idhā wajabat junūbuhā fakulū min'hā wa-aṭʿimū l-qāniʿa wal-muʿ'tara kadhālika sakharnāhā lakum laʿallakum tashkurūna

Tagalog Ang mga kamelyo at mga baka ay ginawa para sa inyo bilang kabilang sa mga sagisag ni Allāh; ukol sa inyo sa mga ito ay mabuti. Kaya bumanggit kayo sa pangalan ni Allāh sa mga ito habang mga nakahanay. Kaya kapag bumagsak ang mga tagiliran ng mga ito ay kumain kayo mula sa mga ito at magpakain kayo ng nagkakasya at nagpapalimos. Gayon Kami nagpasilbi ng mga ito para sa inyo nang sa gayon kayo magpapasalamat.

Verse 37

لَن يَنَالَ ٱللَّهَ لُحُومُهَا وَلَا دِمَآؤُهَا وَلَـٰكِن يَنَالُهُ ٱلتَّقْوَىٰ مِنكُمْ ۚ كَذَٰلِكَ سَخَّرَهَا لَكُمْ لِتُكَبِّرُوا۟ ٱللَّهَ عَلَىٰ مَا هَدَىٰكُمْ ۗ وَبَشِّرِ ٱلْمُحْسِنِينَ

Transliteration lan yanāla l-laha luḥūmuhā walā dimāuhā walākin yanāluhu l-taqwā minkum kadhālika sakharahā lakum litukabbirū l-laha ʿalā mā hadākum wabashiri l-muḥ'sinīna

Tagalog Hindi makararating kay Allāh ang mga laman ng mga ito ni ang mga dugo ng mga ito, subalit nakararating sa Kanya ang pangingilag magkasala mula sa inyo. Gayon nagpasilbi ng mga ito para sa inyo upang dumakila kayo kay Allāh dahil nagpatnubay Siya sa inyo. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga tagagawa ng maganda.

Verse 38

۞ إِنَّ ٱللَّهَ يُدَٰفِعُ عَنِ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓا۟ ۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ كُلَّ خَوَّانٍ كَفُورٍ

Transliteration inna l-laha yudāfiʿu ʿani alladhīna āmanū inna l-laha lā yuḥibbu kulla khawwānin kafūrin

Tagalog Tunay na si Allāh ay nagtatanggol sa mga sumampalataya. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa bawat palataksil na mapagkaila sa utang na loob.

Verse 39

أُذِنَ لِلَّذِينَ يُقَـٰتَلُونَ بِأَنَّهُمْ ظُلِمُوا۟ ۚ وَإِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ نَصْرِهِمْ لَقَدِيرٌ

Transliteration udhina lilladhīna yuqātalūna bi-annahum ẓulimū wa-inna l-laha ʿalā naṣrihim laqadīrun

Tagalog Ipinahintulot [ang pakikipaglaban] para sa mga kinakalaban dahil sila ay nilabag sa katarungan. Tunay na si Allāh sa pag-aadya sa kanila ay talagang May-kakayahan.

Verse 40

ٱلَّذِينَ أُخْرِجُوا۟ مِن دِيَـٰرِهِم بِغَيْرِ حَقٍّ إِلَّآ أَن يَقُولُوا۟ رَبُّنَا ٱللَّهُ ۗ وَلَوْلَا دَفْعُ ٱللَّهِ ٱلنَّاسَ بَعْضَهُم بِبَعْضٍ لَّهُدِّمَتْ صَوَٰمِعُ وَبِيَعٌ وَصَلَوَٰتٌ وَمَسَـٰجِدُ يُذْكَرُ فِيهَا ٱسْمُ ٱللَّهِ كَثِيرًا ۗ وَلَيَنصُرَنَّ ٱللَّهُ مَن يَنصُرُهُۥٓ ۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَقَوِىٌّ عَزِيزٌ

Transliteration alladhīna ukh'rijū min diyārihim bighayri ḥaqqin illā an yaqūlū rabbunā l-lahu walawlā dafʿu l-lahi l-nāsa baʿḍahum bibaʿḍin lahuddimat ṣawāmiʿu wabiyaʿun waṣalawātun wamasājidu yudh'karu fīhā us'mu l-lahi kathīran walayanṣuranna l-lahu man yanṣuruhu inna l-laha laqawiyyun ʿazīzun

Tagalog [Sila] ang mga pinalisan mula sa mga tahanan nila nang walang karapatan maliban na nagsabi sila: "Ang Panginoon namin ay si Allāh." Kung hindi sa pagsupil ni Allāh sa mga tao, sa iba sa kanila sa pamamagitan ng iba pa, talaga sanang may winasak na mga monasteryo, mga simbahan, mga sinagoga, at mga masjid na binabanggit sa mga ito ang pangalan ni Allāh nang madalas. Talagang mag-aadya nga si Allāh sa sinumang nag-aadya sa Kanya. Tunay na si Allāh ay talagang Malakas, Makapangyarihan.

Verse 41

ٱلَّذِينَ إِن مَّكَّنَّـٰهُمْ فِى ٱلْأَرْضِ أَقَامُوا۟ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتَوُا۟ ٱلزَّكَوٰةَ وَأَمَرُوا۟ بِٱلْمَعْرُوفِ وَنَهَوْا۟ عَنِ ٱلْمُنكَرِ ۗ وَلِلَّهِ عَـٰقِبَةُ ٱلْأُمُورِ

Transliteration alladhīna in makkannāhum fī l-arḍi aqāmū l-ṣalata waātawū l-zakata wa-amarū bil-maʿrūfi wanahaw ʿani l-munkari walillahi ʿāqibatu l-umūri

Tagalog [Sila] ang mga kung nagbigay-kapangyarihan Kami sa kanila sa lupa ay magpapanatili ng pagdarasal, magbibigay ng zakāh, mag-uutos ng nakabubuti, at sasaway sa nakasasama. Sa kay Allāh ang [mabuting] kahihinatnan ng mga bagay.

Verse 42

وَإِن يُكَذِّبُوكَ فَقَدْ كَذَّبَتْ قَبْلَهُمْ قَوْمُ نُوحٍ وَعَادٌ وَثَمُودُ

Transliteration wa-in yukadhibūka faqad kadhabat qablahum qawmu nūḥin waʿādun wathamūdu

Tagalog Kung nagpapasinungaling sila sa iyo ay nagpasinungaling na bago nila ang mga tao nina Noe, `Ād, at Thamūd,

Verse 43

وَقَوْمُ إِبْرَٰهِيمَ وَقَوْمُ لُوطٍ

Transliteration waqawmu ib'rāhīma waqawmu lūṭin

Tagalog at ang mga tao ni Abraham, at ang mga tao ni Lot,

Verse 44

وَأَصْحَـٰبُ مَدْيَنَ ۖ وَكُذِّبَ مُوسَىٰ فَأَمْلَيْتُ لِلْكَـٰفِرِينَ ثُمَّ أَخَذْتُهُمْ ۖ فَكَيْفَ كَانَ نَكِيرِ

Transliteration wa-aṣḥābu madyana wakudhiba mūsā fa-amlaytu lil'kāfirīna thumma akhadhtuhum fakayfa kāna nakīri

Tagalog at ang mga naninirahan sa Madyan. Pinasinungalingan si Moises kaya nagpatagal Ako para sa mga tagatangging sumampalataya, pagkatapos dumaklot Ako sa kanila kaya papaano naging ang pagtutol Ko?

Verse 45

فَكَأَيِّن مِّن قَرْيَةٍ أَهْلَكْنَـٰهَا وَهِىَ ظَالِمَةٌ فَهِىَ خَاوِيَةٌ عَلَىٰ عُرُوشِهَا وَبِئْرٍ مُّعَطَّلَةٍ وَقَصْرٍ مَّشِيدٍ

Transliteration faka-ayyin min qaryatin ahlaknāhā wahiya ẓālimatun fahiya khāwiyatun ʿalā ʿurūshihā wabi'rin muʿaṭṭalatin waqaṣrin mashīdin

Tagalog Kaya may ilan nang pamayanan na nagpahamak Kami nito samantalang ito ay tagalabag sa katarungan kaya ito ay nakaguho sa mga bubong na ito, [may ilan nang] balon na pinabayaan, at [may ilan nang] palasyong pinatayog.

Verse 46

أَفَلَمْ يَسِيرُوا۟ فِى ٱلْأَرْضِ فَتَكُونَ لَهُمْ قُلُوبٌ يَعْقِلُونَ بِهَآ أَوْ ءَاذَانٌ يَسْمَعُونَ بِهَا ۖ فَإِنَّهَا لَا تَعْمَى ٱلْأَبْصَـٰرُ وَلَـٰكِن تَعْمَى ٱلْقُلُوبُ ٱلَّتِى فِى ٱلصُّدُورِ

Transliteration afalam yasīrū fī l-arḍi fatakūna lahum qulūbun yaʿqilūna bihā aw ādhānun yasmaʿūna bihā fa-innahā lā taʿmā l-abṣāru walākin taʿmā l-qulūbu allatī fī l-ṣudūri

Tagalog Kaya hindi ba sila naglakbay sa lupain para magkaroon sila ng mga pusong nakapag-uunawa sila sa pamamagitan ng mga ito o ng mga taingang nakaririnig sila sa pamamagitan ng mga ito? Tunay na ang mga [matang] ito ay hindi nabubulag ang mga paningin subalit nabubulag ang mga puso na nasa mga dibdib.

Verse 47

وَيَسْتَعْجِلُونَكَ بِٱلْعَذَابِ وَلَن يُخْلِفَ ٱللَّهُ وَعْدَهُۥ ۚ وَإِنَّ يَوْمًا عِندَ رَبِّكَ كَأَلْفِ سَنَةٍ مِّمَّا تَعُدُّونَ

Transliteration wayastaʿjilūnaka bil-ʿadhābi walan yukh'lifa l-lahu waʿdahu wa-inna yawman ʿinda rabbika ka-alfi sanatin mimmā taʿuddūna

Tagalog Humihiling sila sa iyo ng pagmamadali sa pagdurusa at hindi sisira si Allāh sa pangako Niya. Tunay na ang isang araw sa ganang Panginoon mo ay gaya ng isang libong taon mula sa binibilang ninyo.

Verse 48

وَكَأَيِّن مِّن قَرْيَةٍ أَمْلَيْتُ لَهَا وَهِىَ ظَالِمَةٌ ثُمَّ أَخَذْتُهَا وَإِلَىَّ ٱلْمَصِيرُ

Transliteration waka-ayyin min qaryatin amlaytu lahā wahiya ẓālimatun thumma akhadhtuhā wa-ilayya l-maṣīru

Tagalog Kaya may ilan nang pamayanan na nagpatagal Ako rito samantalang ito ay tagalabag sa katarungan. Pagkatapos dumaklot Ako rito, at tungo sa Akin ang hantungan.

Verse 49

قُلْ يَـٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ إِنَّمَآ أَنَا۠ لَكُمْ نَذِيرٌ مُّبِينٌ

Transliteration qul yāayyuhā l-nāsu innamā anā lakum nadhīrun mubīnun

Tagalog Sabihin mo: "O mga tao, ako lamang para sa inyo ay isang mapagbabalang malinaw."

Verse 50

فَٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَعَمِلُوا۟ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ لَهُم مَّغْفِرَةٌ وَرِزْقٌ كَرِيمٌ

Transliteration fa-alladhīna āmanū waʿamilū l-ṣāliḥāti lahum maghfiratun wariz'qun karīmun

Tagalog Kaya ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ukol sa kanila ay isang kapatawaran at isang panustos na masagana.

Verse 51

وَٱلَّذِينَ سَعَوْا۟ فِىٓ ءَايَـٰتِنَا مُعَـٰجِزِينَ أُو۟لَـٰٓئِكَ أَصْحَـٰبُ ٱلْجَحِيمِ

Transliteration wa-alladhīna saʿaw fī āyātinā muʿājizīna ulāika aṣḥābu l-jaḥīmi

Tagalog Ang mga nagsikap sa [pagpapasinungaling] mga tanda Namin habang mga nagtatangkang magpawalang-kakayahan, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Impiyerno.

Verse 52

وَمَآ أَرْسَلْنَا مِن قَبْلِكَ مِن رَّسُولٍ وَلَا نَبِىٍّ إِلَّآ إِذَا تَمَنَّىٰٓ أَلْقَى ٱلشَّيْطَـٰنُ فِىٓ أُمْنِيَّتِهِۦ فَيَنسَخُ ٱللَّهُ مَا يُلْقِى ٱلشَّيْطَـٰنُ ثُمَّ يُحْكِمُ ٱللَّهُ ءَايَـٰتِهِۦ ۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ

Transliteration wamā arsalnā min qablika min rasūlin walā nabiyyin illā idhā tamannā alqā l-shayṭānu fī um'niyyatihi fayansakhu l-lahu mā yul'qī l-shayṭānu thumma yuḥ'kimu l-lahu āyātihi wal-lahu ʿalīmun ḥakīmun

Tagalog Hindi Kami nagsugo bago mo pa ng isang sugo ni isang propeta malibang kapag bumigkas siya ay nagpupukol ang demonyo sa pagbigkas niya, ngunit nagpapawalang-bisa si Allāh sa ipinupukol ng demonyo. Pagkatapos nagpapatibay si Allāh sa mga tanda Niya. Si Allāh ay Maalam, Marunong.

Verse 53

لِّيَجْعَلَ مَا يُلْقِى ٱلشَّيْطَـٰنُ فِتْنَةً لِّلَّذِينَ فِى قُلُوبِهِم مَّرَضٌ وَٱلْقَاسِيَةِ قُلُوبُهُمْ ۗ وَإِنَّ ٱلظَّـٰلِمِينَ لَفِى شِقَاقٍۭ بَعِيدٍ

Transliteration liyajʿala mā yul'qī l-shayṭānu fit'natan lilladhīna fī qulūbihim maraḍun wal-qāsiyati qulūbuhum wa-inna l-ẓālimīna lafī shiqāqin baʿīdin

Tagalog [Iyan ay] upang gumawa Siya sa ipinupukol ng demonyo bilang pagsubok para sa mga may sakit sa mga puso nila at matigas ang mga puso nila. Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan ay talagang nasa isang hidwaang malayo.

Verse 54

وَلِيَعْلَمَ ٱلَّذِينَ أُوتُوا۟ ٱلْعِلْمَ أَنَّهُ ٱلْحَقُّ مِن رَّبِّكَ فَيُؤْمِنُوا۟ بِهِۦ فَتُخْبِتَ لَهُۥ قُلُوبُهُمْ ۗ وَإِنَّ ٱللَّهَ لَهَادِ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓا۟ إِلَىٰ صِرَٰطٍ مُّسْتَقِيمٍ

Transliteration waliyaʿlama alladhīna ūtū l-ʿil'ma annahu l-ḥaqu min rabbika fayu'minū bihi fatukh'bita lahu qulūbuhum wa-inna l-laha lahādi alladhīna āmanū ilā ṣirāṭin mus'taqīmin

Tagalog [Iyan ay] upang makaalam ang mga binigyan ng kaalaman na ito ay ang katotohanan mula sa Panginoon mo para sumampalataya sila rito para magpakababa rito ang mga puso nila. Tunay na si Allāh ay talagang tagapagpatnubay sa mga sumampalataya tungo sa isang landasing tuwid.

Verse 55

وَلَا يَزَالُ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ فِى مِرْيَةٍ مِّنْهُ حَتَّىٰ تَأْتِيَهُمُ ٱلسَّاعَةُ بَغْتَةً أَوْ يَأْتِيَهُمْ عَذَابُ يَوْمٍ عَقِيمٍ

Transliteration walā yazālu alladhīna kafarū fī mir'yatin min'hu ḥattā tatiyahumu l-sāʿatu baghtatan aw yatiyahum ʿadhābu yawmin ʿaqīmin

Tagalog Hindi tumitigil na ang mga tumangging sumampalataya ay nasa isang pag-aalangan dito hanggang sa pumunta sa kanila ang Huling Sandali nang biglaan o pumunta sa kanila ang isang pagdurusa sa isang araw na mapanira.

Verse 56

ٱلْمُلْكُ يَوْمَئِذٍ لِّلَّهِ يَحْكُمُ بَيْنَهُمْ ۚ فَٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَعَمِلُوا۟ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ فِى جَنَّـٰتِ ٱلنَّعِيمِ

Transliteration al-mul'ku yawma-idhin lillahi yaḥkumu baynahum fa-alladhīna āmanū waʿamilū l-ṣāliḥāti fī jannāti l-naʿīmi

Tagalog Ang paghahari sa Araw na iyon ay sa kay Allāh; hahatol Siya sa pagitan nila. Kaya ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay nasa mga hardin ng kaginhawahan.

Verse 57

وَٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ وَكَذَّبُوا۟ بِـَٔايَـٰتِنَا فَأُو۟لَـٰٓئِكَ لَهُمْ عَذَابٌ مُّهِينٌ

Transliteration wa-alladhīna kafarū wakadhabū biāyātinā fa-ulāika lahum ʿadhābun muhīnun

Tagalog Ang mga tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa mga tanda Namin, ang mga iyon ay may ukol sa kanila na isang pagdurusang manghahamak.

Verse 58

وَٱلَّذِينَ هَاجَرُوا۟ فِى سَبِيلِ ٱللَّهِ ثُمَّ قُتِلُوٓا۟ أَوْ مَاتُوا۟ لَيَرْزُقَنَّهُمُ ٱللَّهُ رِزْقًا حَسَنًا ۚ وَإِنَّ ٱللَّهَ لَهُوَ خَيْرُ ٱلرَّٰزِقِينَ

Transliteration wa-alladhīna hājarū fī sabīli l-lahi thumma qutilū aw mātū layarzuqannahumu l-lahu riz'qan ḥasanan wa-inna l-laha lahuwa khayru l-rāziqīna

Tagalog Ang mga lumikas sa landas ni Allāh, pagkatapos napatay sila o namatay sila, ay talagang magtutustos sa kanila si Allāh ng isang panustos na maganda. Tunay na si Allāh ay talagang Siya ang pinakamabuti sa mga tagapagtustos.

Verse 59

لَيُدْخِلَنَّهُم مُّدْخَلًا يَرْضَوْنَهُۥ ۗ وَإِنَّ ٱللَّهَ لَعَلِيمٌ حَلِيمٌ

Transliteration layud'khilannahum mud'khalan yarḍawnahu wa-inna l-laha laʿalīmun ḥalīmun

Tagalog Talagang magpapapasok nga Siya sa kanila sa isang pinagpapasukang kalulugdan nila. Tunay na si Allāh ay talagang Maalam, Matimpiin.

Verse 60

۞ ذَٰلِكَ وَمَنْ عَاقَبَ بِمِثْلِ مَا عُوقِبَ بِهِۦ ثُمَّ بُغِىَ عَلَيْهِ لَيَنصُرَنَّهُ ٱللَّهُ ۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَعَفُوٌّ غَفُورٌ

Transliteration dhālika waman ʿāqaba bimith'li mā ʿūqiba bihi thumma bughiya ʿalayhi layanṣurannahu l-lahu inna l-laha laʿafuwwun ghafūrun

Tagalog Iyon nga. Ang sinumang nagpasakit ng tulad sa ipinasakit sa kanya, pagkatapos siniil siya, talagang mag-aadya nga sa kanya si Allāh. Tunay na si Allāh ay talagang Mapagpaumanhin, Mapagpatawad.

Verse 61

ذَٰلِكَ بِأَنَّ ٱللَّهَ يُولِجُ ٱلَّيْلَ فِى ٱلنَّهَارِ وَيُولِجُ ٱلنَّهَارَ فِى ٱلَّيْلِ وَأَنَّ ٱللَّهَ سَمِيعٌۢ بَصِيرٌ

Transliteration dhālika bi-anna l-laha yūliju al-layla fī l-nahāri wayūliju l-nahāra fī al-layli wa-anna l-laha samīʿun baṣīrun

Tagalog Iyon ay dahil si Allāh ay nagpapapasok ng gabi sa maghapon at nagpapapasok ng maghapon sa gabi at dahil si Allāh ay Madinigin, Nakakikita.

Verse 62

ذَٰلِكَ بِأَنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلْحَقُّ وَأَنَّ مَا يَدْعُونَ مِن دُونِهِۦ هُوَ ٱلْبَـٰطِلُ وَأَنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلْعَلِىُّ ٱلْكَبِيرُ

Transliteration dhālika bi-anna l-laha huwa l-ḥaqu wa-anna mā yadʿūna min dūnihi huwa l-bāṭilu wa-anna l-laha huwa l-ʿaliyu l-kabīru

Tagalog Iyon ay dahil si Allāh ay ang Katotohanan, dahil ang anumang dinadalanginan nila bukod pa sa Kanya ay ang kabulaanan, at dahil si Allāh ay ang Mataas, ang Malaki.

Verse 63

أَلَمْ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ أَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءً فَتُصْبِحُ ٱلْأَرْضُ مُخْضَرَّةً ۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَطِيفٌ خَبِيرٌ

Transliteration alam tara anna l-laha anzala mina l-samāi māan fatuṣ'biḥu l-arḍu mukh'ḍarratan inna l-laha laṭīfun khabīrun

Tagalog Hindi ka ba nakakita na si Allāh ay nagpababa mula sa langit ng tubig kaya ang lupa ay nagiging luntian? Tunay na si Allāh ay Mapagtalos, Mapagbatid.

Verse 64

لَّهُۥ مَا فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَمَا فِى ٱلْأَرْضِ ۗ وَإِنَّ ٱللَّهَ لَهُوَ ٱلْغَنِىُّ ٱلْحَمِيدُ

Transliteration lahu mā fī l-samāwāti wamā fī l-arḍi wa-inna l-laha lahuwa l-ghaniyu l-ḥamīdu

Tagalog Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang sa nasa lupa. Tunay na si Allāh ay talagang Siya ang Walang-pangangailangan, ang Kapuri-puri.

Verse 65

أَلَمْ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ سَخَّرَ لَكُم مَّا فِى ٱلْأَرْضِ وَٱلْفُلْكَ تَجْرِى فِى ٱلْبَحْرِ بِأَمْرِهِۦ وَيُمْسِكُ ٱلسَّمَآءَ أَن تَقَعَ عَلَى ٱلْأَرْضِ إِلَّا بِإِذْنِهِۦٓ ۗ إِنَّ ٱللَّهَ بِٱلنَّاسِ لَرَءُوفٌ رَّحِيمٌ

Transliteration alam tara anna l-laha sakhara lakum mā fī l-arḍi wal-ful'ka tajrī fī l-baḥri bi-amrihi wayum'siku l-samāa an taqaʿa ʿalā l-arḍi illā bi-idh'nihi inna l-laha bil-nāsi laraūfun raḥīmun

Tagalog Hindi ka ba nakakita na si Allāh ay nagpasilbi para sa inyo ng anumang nasa lupa at ng mga sasakyang-dagat na naglalayag sa dagat ayon sa utos Niya. Pumipigil Siya sa langit na bumagsak ito sa lupa malibang ayon sa pahintulot Niya. Tunay na si Allāh sa mga tao ay talagang Mahabagin, Maawain.

Verse 66

وَهُوَ ٱلَّذِىٓ أَحْيَاكُمْ ثُمَّ يُمِيتُكُمْ ثُمَّ يُحْيِيكُمْ ۗ إِنَّ ٱلْإِنسَـٰنَ لَكَفُورٌ

Transliteration wahuwa alladhī aḥyākum thumma yumītukum thumma yuḥ'yīkum inna l-insāna lakafūrun

Tagalog Siya ay ang nagbigay-buhay sa inyo, pagkatapos magbibigay-kamatayan sa inyo. Tunay na ang tao ay talagang mapagtangging magpasalamat.

Verse 67

لِّكُلِّ أُمَّةٍ جَعَلْنَا مَنسَكًا هُمْ نَاسِكُوهُ ۖ فَلَا يُنَـٰزِعُنَّكَ فِى ٱلْأَمْرِ ۚ وَٱدْعُ إِلَىٰ رَبِّكَ ۖ إِنَّكَ لَعَلَىٰ هُدًى مُّسْتَقِيمٍ

Transliteration likulli ummatin jaʿalnā mansakan hum nāsikūhu falā yunāziʿunnaka fī l-amri wa-ud'ʿu ilā rabbika innaka laʿalā hudan mus'taqīmin

Tagalog Para sa bawat kalipunan ay nagtalaga Kami ng isang panuntunan na sila ay nagsasagawa nito kaya huwag nga silang makipagtunggali sa iyo sa usapin. Mag-anyaya ka tungo sa Panginoon mo; tunay na ikaw ay talagang nasa isang patnubay na tuwid.

Verse 68

وَإِن جَـٰدَلُوكَ فَقُلِ ٱللَّهُ أَعْلَمُ بِمَا تَعْمَلُونَ

Transliteration wa-in jādalūka faquli l-lahu aʿlamu bimā taʿmalūna

Tagalog Kung makikipagtalo sila sa iyo ay sabihin mo: "Si Allāh ay higit na maalam sa anumang ginagawa ninyo."

Verse 69

ٱللَّهُ يَحْكُمُ بَيْنَكُمْ يَوْمَ ٱلْقِيَـٰمَةِ فِيمَا كُنتُمْ فِيهِ تَخْتَلِفُونَ

Transliteration al-lahu yaḥkumu baynakum yawma l-qiyāmati fīmā kuntum fīhi takhtalifūna

Tagalog Si Allāh ay hahatol sa pagitan ninyo sa Araw ng Pagbangon hinggil sa anumang kayo dati ay nagkakaiba-iba.

Verse 70

أَلَمْ تَعْلَمْ أَنَّ ٱللَّهَ يَعْلَمُ مَا فِى ٱلسَّمَآءِ وَٱلْأَرْضِ ۗ إِنَّ ذَٰلِكَ فِى كِتَـٰبٍ ۚ إِنَّ ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرٌ

Transliteration alam taʿlam anna l-laha yaʿlamu mā fī l-samāi wal-arḍi inna dhālika fī kitābin inna dhālika ʿalā l-lahi yasīrun

Tagalog Hindi ka ba nakaalam na si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa langit at lupa. Tunay na iyon ay nasa isang aklat. Tunay na iyon kay Allāh ay madali.

Verse 71

وَيَعْبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ مَا لَمْ يُنَزِّلْ بِهِۦ سُلْطَـٰنًا وَمَا لَيْسَ لَهُم بِهِۦ عِلْمٌ ۗ وَمَا لِلظَّـٰلِمِينَ مِن نَّصِيرٍ

Transliteration wayaʿbudūna min dūni l-lahi mā lam yunazzil bihi sul'ṭānan wamā laysa lahum bihi ʿil'mun wamā lilẓẓālimīna min naṣīrin

Tagalog Sumasamba sila sa bukod pa kay Allāh, na hindi Siya nagbababa hinggil doon ng isang katunayan at na walang ukol sa kanila hinggil doon na isang kaalaman. Walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan na isang mapag-adya.

Verse 72

وَإِذَا تُتْلَىٰ عَلَيْهِمْ ءَايَـٰتُنَا بَيِّنَـٰتٍ تَعْرِفُ فِى وُجُوهِ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ ٱلْمُنكَرَ ۖ يَكَادُونَ يَسْطُونَ بِٱلَّذِينَ يَتْلُونَ عَلَيْهِمْ ءَايَـٰتِنَا ۗ قُلْ أَفَأُنَبِّئُكُم بِشَرٍّ مِّن ذَٰلِكُمُ ۗ ٱلنَّارُ وَعَدَهَا ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ ۖ وَبِئْسَ ٱلْمَصِيرُ

Transliteration wa-idhā tut'lā ʿalayhim āyātunā bayyinātin taʿrifu fī wujūhi alladhīna kafarū l-munkara yakādūna yasṭūna bi-alladhīna yatlūna ʿalayhim āyātinā qul afa-unabbi-ukum bisharrin min dhālikumu l-nāru waʿadahā l-lahu alladhīna kafarū wabi'sa l-maṣīru

Tagalog Kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda Namin bilang mga malinaw na patunay, makikilala mo sa mga mukha ng mga tumangging sumampalataya ang pagtutol. Halos lumantak sila sa mga bumibigkas sa kanila ng mga tanda Namin. Sabihin mo: "Kaya magbabalita ba ako sa inyo hinggil sa higit na masama kaysa roon? Ang apoy ay ipinangako ni Allāh sa mga tumangging sumampalataya. Kay saklap ang hantungan!"

Verse 73

يَـٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ ضُرِبَ مَثَلٌ فَٱسْتَمِعُوا۟ لَهُۥٓ ۚ إِنَّ ٱلَّذِينَ تَدْعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ لَن يَخْلُقُوا۟ ذُبَابًا وَلَوِ ٱجْتَمَعُوا۟ لَهُۥ ۖ وَإِن يَسْلُبْهُمُ ٱلذُّبَابُ شَيْـًٔا لَّا يَسْتَنقِذُوهُ مِنْهُ ۚ ضَعُفَ ٱلطَّالِبُ وَٱلْمَطْلُوبُ

Transliteration yāayyuhā l-nāsu ḍuriba mathalun fa-is'tamiʿū lahu inna alladhīna tadʿūna min dūni l-lahi lan yakhluqū dhubāban walawi ij'tamaʿū lahu wa-in yaslub'humu l-dhubābu shayan lā yastanqidhūhu min'hu ḍaʿufa l-ṭālibu wal-maṭlūbu

Tagalog O mga tao, may inilahad na isang paghahalintulad kaya makinig kayo roon. Tunay na ang dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh ay hindi makalilikha ng isang langaw, kahit pa nagkaisa sila para roon. Kung mangangagaw sa kanila ang langaw ng isang bagay ay hindi sila makapapasagip niyon mula rito. Humina ang humuhuli at ang hinuhuli.

Verse 74

مَا قَدَرُوا۟ ٱللَّهَ حَقَّ قَدْرِهِۦٓ ۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَقَوِىٌّ عَزِيزٌ

Transliteration mā qadarū l-laha ḥaqqa qadrihi inna l-laha laqawiyyun ʿazīzun

Tagalog Hindi sila nagpahalaga kay Allāh nang totoong pagpapahalaga sa Kanya. Tunay na si Allāh ay talagang Malakas, Makapangyarihan.

Verse 75

ٱللَّهُ يَصْطَفِى مِنَ ٱلْمَلَـٰٓئِكَةِ رُسُلًا وَمِنَ ٱلنَّاسِ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ سَمِيعٌۢ بَصِيرٌ

Transliteration al-lahu yaṣṭafī mina l-malāikati rusulan wamina l-nāsi inna l-laha samīʿun baṣīrun

Tagalog Si Allāh ay humihirang mula sa mga anghel ng mga sugo at mula sa mga tao. Tunay na si Allāh ay Madinigin, Nakakikita.

Verse 76

يَعْلَمُ مَا بَيْنَ أَيْدِيهِمْ وَمَا خَلْفَهُمْ ۗ وَإِلَى ٱللَّهِ تُرْجَعُ ٱلْأُمُورُ

Transliteration yaʿlamu mā bayna aydīhim wamā khalfahum wa-ilā l-lahi tur'jaʿu l-umūru

Tagalog Nakaaalam Siya sa anumang nasa pagitan ng mga kamay nila at anumang nasa likuran nila. Tungo kay Allāh pababalikin ang mga usapin.

Verse 77

يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ ٱرْكَعُوا۟ وَٱسْجُدُوا۟ وَٱعْبُدُوا۟ رَبَّكُمْ وَٱفْعَلُوا۟ ٱلْخَيْرَ لَعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ ۩

Transliteration yāayyuhā alladhīna āmanū ir'kaʿū wa-us'judū wa-uʿ'budū rabbakum wa-if'ʿalū l-khayra laʿallakum tuf'liḥūna

Tagalog O mga sumampalataya, yumukod kayo, magpatirapa kayo, sumamba kayo sa Panginoon ninyo, at gumawa kayo ng kabutihan nang sa gayon kayo ay magtatagumpay.

Verse 78

وَجَـٰهِدُوا۟ فِى ٱللَّهِ حَقَّ جِهَادِهِۦ ۚ هُوَ ٱجْتَبَىٰكُمْ وَمَا جَعَلَ عَلَيْكُمْ فِى ٱلدِّينِ مِنْ حَرَجٍ ۚ مِّلَّةَ أَبِيكُمْ إِبْرَٰهِيمَ ۚ هُوَ سَمَّىٰكُمُ ٱلْمُسْلِمِينَ مِن قَبْلُ وَفِى هَـٰذَا لِيَكُونَ ٱلرَّسُولُ شَهِيدًا عَلَيْكُمْ وَتَكُونُوا۟ شُهَدَآءَ عَلَى ٱلنَّاسِ ۚ فَأَقِيمُوا۟ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتُوا۟ ٱلزَّكَوٰةَ وَٱعْتَصِمُوا۟ بِٱللَّهِ هُوَ مَوْلَىٰكُمْ ۖ فَنِعْمَ ٱلْمَوْلَىٰ وَنِعْمَ ٱلنَّصِيرُ

Transliteration wajāhidū fī l-lahi ḥaqqa jihādihi huwa ij'tabākum wamā jaʿala ʿalaykum fī l-dīni min ḥarajin millata abīkum ib'rāhīma huwa sammākumu l-mus'limīna min qablu wafī hādhā liyakūna l-rasūlu shahīdan ʿalaykum watakūnū shuhadāa ʿalā l-nāsi fa-aqīmū l-ṣalata waātū l-zakata wa-iʿ'taṣimū bil-lahi huwa mawlākum faniʿ'ma l-mawlā waniʿ'ma l-naṣīru

Tagalog Makibaka kayo alang-alang kay Allāh nang totoong pakikibaka. Siya ay humalal sa inyo at hindi Siya naglagay sa inyo sa relihiyon ng anumang pagkaasiwa, bilang kapaniwalaan ng ama ninyong si Abraham. Siya ay nagpangalan sa inyo na mga Muslim bago pa niyan at sa [Qur’ān na] ito upang ang Sugo ay maging isang saksi sa inyo at kayo ay maging mga saksi sa mga tao. Kaya magpanatili kayo ng pagdarasal, magbigay kayo ng zakāh, at magpasanggalang kayo kay Allāh. Siya ay ang Pinagpapatangkilikan ninyo! Kaya kay inam ang Pinagpapatangkilikan at kay inam ang Mapag-adya!

Read Surah Al-Hajj in another language

All languages

All 114 surahs in Tagalog: the Qur’an in Tagalog.

Learn it in MyDugsi

Tagalog translation: Dar Al-Salam Center, from Quran.com. Transliteration: Quran.com. Recitation: Mishary Alafasy, from EveryAyah.com. MyDugsi is a learning aid, not a replacement for a qualified teacher.