Surah Adh-Dhariyat in Tagalog: translation and audio
Surah 51 · الذاريات · The Winnowing Winds · 60 verses
Surah Adh-Dhariyat verse by verse: the Arabic with a recitation you can repeat, the transliteration, and the Tagalog translation by Dar Al-Salam Center. For the meaning of every word, see Surah Adh-Dhariyat word by word in English.
Verse 1
وَٱلذَّٰرِيَـٰتِ ذَرْوًا
Transliteration wal-dhāriyāti dharwan
Tagalog Sumpa man sa mga [hanging] tagapagpalipad sa pagpapalipad [ng alikabok],
Verse 2
فَٱلْحَـٰمِلَـٰتِ وِقْرًا
Transliteration fal-ḥāmilāti wiq'ran
Tagalog saka sa mga [ulap na] tagapagdala ng lulan [na ulap],
Verse 3
فَٱلْجَـٰرِيَـٰتِ يُسْرًا
Transliteration fal-jāriyāti yus'ran
Tagalog at sa mga [daong na] tagapaglayag nang magaan,
Verse 4
فَٱلْمُقَسِّمَـٰتِ أَمْرًا
Transliteration fal-muqasimāti amran
Tagalog saka sa mga [anghel na] tagapagbahagi ng nauukol,
Verse 5
إِنَّمَا تُوعَدُونَ لَصَادِقٌ
Transliteration innamā tūʿadūna laṣādiqun
Tagalog tunay na ang ipinangangako sa inyo ay talagang tapat,
Verse 6
وَإِنَّ ٱلدِّينَ لَوَٰقِعٌ
Transliteration wa-inna l-dīna lawāqiʿun
Tagalog at tunay na ang paggagantimpala ay talagang magaganap!
Verse 7
وَٱلسَّمَآءِ ذَاتِ ٱلْحُبُكِ
Transliteration wal-samāi dhāti l-ḥubuki
Tagalog Sumpa man sa langit na may mga daanan,
Verse 8
إِنَّكُمْ لَفِى قَوْلٍ مُّخْتَلِفٍ
Transliteration innakum lafī qawlin mukh'talifin
Tagalog tunay na kayo ay talagang nasa isang pagsasabing nagkakaiba.
Verse 9
يُؤْفَكُ عَنْهُ مَنْ أُفِكَ
Transliteration yu'faku ʿanhu man ufika
Tagalog Nalilinlang palayo rito ang sinumang nalinlang.
Verse 10
قُتِلَ ٱلْخَرَّٰصُونَ
Transliteration qutila l-kharāṣūna
Tagalog Napahamak ang mga palasapantaha,
Verse 11
ٱلَّذِينَ هُمْ فِى غَمْرَةٍ سَاهُونَ
Transliteration alladhīna hum fī ghamratin sāhūna
Tagalog na sila sa isang pagkalubog [sa kamangmangan] ay mga nakaliligta.
Verse 12
يَسْـَٔلُونَ أَيَّانَ يَوْمُ ٱلدِّينِ
Transliteration yasalūna ayyāna yawmu l-dīni
Tagalog Nagtatanong sila: "Kailan ang Araw ng Paggagantimpala?"
Verse 13
يَوْمَ هُمْ عَلَى ٱلنَّارِ يُفْتَنُونَ
Transliteration yawma hum ʿalā l-nāri yuf'tanūna
Tagalog Sa araw na sila sa ibabaw ng Apoy ay sinisilaban.
Verse 14
ذُوقُوا۟ فِتْنَتَكُمْ هَـٰذَا ٱلَّذِى كُنتُم بِهِۦ تَسْتَعْجِلُونَ
Transliteration dhūqū fit'natakum hādhā alladhī kuntum bihi tastaʿjilūna
Tagalog Lasapin ninyo ang pagsilab sa inyo; ito ay ang dati ninyong minamadali!
Verse 15
إِنَّ ٱلْمُتَّقِينَ فِى جَنَّـٰتٍ وَعُيُونٍ
Transliteration inna l-mutaqīna fī jannātin waʿuyūnin
Tagalog Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga hardin at mga bukal,
Verse 16
ءَاخِذِينَ مَآ ءَاتَىٰهُمْ رَبُّهُمْ ۚ إِنَّهُمْ كَانُوا۟ قَبْلَ ذَٰلِكَ مُحْسِنِينَ
Transliteration ākhidhīna mā ātāhum rabbuhum innahum kānū qabla dhālika muḥ'sinīna
Tagalog habang mga kumukuha ng anumang ibinigay sa kanila ng Panginoon nila. Tunay na sila dati bago niyon ay mga tagagawa ng maganda.
Verse 17
كَانُوا۟ قَلِيلًا مِّنَ ٱلَّيْلِ مَا يَهْجَعُونَ
Transliteration kānū qalīlan mina al-layli mā yahjaʿūna
Tagalog Sila dati ay kaunti mula sa gabi ang iniidlip.
Verse 18
وَبِٱلْأَسْحَارِ هُمْ يَسْتَغْفِرُونَ
Transliteration wabil-asḥāri hum yastaghfirūna
Tagalog Sa mga huling bahagi ng gabi, sila ay humihingi ng tawad.
Verse 19
وَفِىٓ أَمْوَٰلِهِمْ حَقٌّ لِّلسَّآئِلِ وَٱلْمَحْرُومِ
Transliteration wafī amwālihim ḥaqqun lilssāili wal-maḥrūmi
Tagalog Sa mga yaman nila ay may karapatan para sa nanghihingi at napagkakaitan.
Verse 20
وَفِى ٱلْأَرْضِ ءَايَـٰتٌ لِّلْمُوقِنِينَ
Transliteration wafī l-arḍi āyātun lil'mūqinīna
Tagalog Sa lupa ay may mga tanda para sa mga nakatitiyak,
Verse 21
وَفِىٓ أَنفُسِكُمْ ۚ أَفَلَا تُبْصِرُونَ
Transliteration wafī anfusikum afalā tub'ṣirūna
Tagalog at sa mga sarili ninyo. Kaya hindi ba kayo nakakikita?
Verse 22
وَفِى ٱلسَّمَآءِ رِزْقُكُمْ وَمَا تُوعَدُونَ
Transliteration wafī l-samāi riz'qukum wamā tūʿadūna
Tagalog Sa langit ay ang panustos ninyo at ang ipinangangako sa inyo.
Verse 23
فَوَرَبِّ ٱلسَّمَآءِ وَٱلْأَرْضِ إِنَّهُۥ لَحَقٌّ مِّثْلَ مَآ أَنَّكُمْ تَنطِقُونَ
Transliteration fawarabbi l-samāi wal-arḍi innahu laḥaqqun mith'la mā annakum tanṭiqūna
Tagalog Kaya sumpa man sa Panginoon ng langit at lupa, tunay na ito ay talagang katotohanan tulad ng anuman na kayo ay bumibigkas [niyon].
Verse 24
هَلْ أَتَىٰكَ حَدِيثُ ضَيْفِ إِبْرَٰهِيمَ ٱلْمُكْرَمِينَ
Transliteration hal atāka ḥadīthu ḍayfi ib'rāhīma l-muk'ramīna
Tagalog Dumating kaya sa iyo ang salaysay ng mga panauhin ni Abraham, na mga pinarangalan?
Verse 25
إِذْ دَخَلُوا۟ عَلَيْهِ فَقَالُوا۟ سَلَـٰمًا ۖ قَالَ سَلَـٰمٌ قَوْمٌ مُّنكَرُونَ
Transliteration idh dakhalū ʿalayhi faqālū salāman qāla salāmun qawmun munkarūna
Tagalog Noong pumasok sila sa kanya saka nagsabi sila ng kapayapaan ay nagsabi naman siya: "Kapayapaan, mga taong di-kilala."
Verse 26
فَرَاغَ إِلَىٰٓ أَهْلِهِۦ فَجَآءَ بِعِجْلٍ سَمِينٍ
Transliteration farāgha ilā ahlihi fajāa biʿij'lin samīnin
Tagalog Kaya tumalilis siya sa mag-anak niya, saka naghatid ng isang guyang mataba.
Verse 27
فَقَرَّبَهُۥٓ إِلَيْهِمْ قَالَ أَلَا تَأْكُلُونَ
Transliteration faqarrabahu ilayhim qāla alā takulūna
Tagalog Kaya naglapit siya nito sa kanila; nagsabi siya: "Hindi ba kayo kakain?"
Verse 28
فَأَوْجَسَ مِنْهُمْ خِيفَةً ۖ قَالُوا۟ لَا تَخَفْ ۖ وَبَشَّرُوهُ بِغُلَـٰمٍ عَلِيمٍ
Transliteration fa-awjasa min'hum khīfatan qālū lā takhaf wabasharūhu bighulāmin ʿalīmin
Tagalog Kaya nakadama siya mula sa kanila ng pangangamba. Nagsabi sila: "Huwag kang mangamba." Nagbalita sila ng nakagagalak sa kanya hinggil sa isang batang lalaking maalam.
Verse 29
فَأَقْبَلَتِ ٱمْرَأَتُهُۥ فِى صَرَّةٍ فَصَكَّتْ وَجْهَهَا وَقَالَتْ عَجُوزٌ عَقِيمٌ
Transliteration fa-aqbalati im'ra-atuhu fī ṣarratin faṣakkat wajhahā waqālat ʿajūzun ʿaqīmun
Tagalog Kaya lumapit ang maybahay niya habang nasa paghihiyaw saka tinampal nito ang mukha nito at nagsabi: "Matandang babaing baog [ako]!"
Verse 30
قَالُوا۟ كَذَٰلِكِ قَالَ رَبُّكِ ۖ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلْحَكِيمُ ٱلْعَلِيمُ
Transliteration qālū kadhāliki qāla rabbuki innahu huwa l-ḥakīmu l-ʿalīmu
Tagalog Nagsabi sila: "Gayon nagsabi ng Panginoon mo; tunay na Siya ay ang Marunong, ang Maalam."
Verse 31
۞ قَالَ فَمَا خَطْبُكُمْ أَيُّهَا ٱلْمُرْسَلُونَ
Transliteration qāla famā khaṭbukum ayyuhā l-mur'salūna
Tagalog Nagsabi siya: "Kaya ano ang sadya ninyo, O mga isinugo?"
Verse 32
قَالُوٓا۟ إِنَّآ أُرْسِلْنَآ إِلَىٰ قَوْمٍ مُّجْرِمِينَ
Transliteration qālū innā ur'sil'nā ilā qawmin muj'rimīna
Tagalog Nagsabi sila: "Tunay na kami ay isinugo sa mga taong salarin,
Verse 33
لِنُرْسِلَ عَلَيْهِمْ حِجَارَةً مِّن طِينٍ
Transliteration linur'sila ʿalayhim ḥijāratan min ṭīnin
Tagalog upang magsugo kami sa kanila ng mga batong yari sa luwad,
Verse 34
مُّسَوَّمَةً عِندَ رَبِّكَ لِلْمُسْرِفِينَ
Transliteration musawwamatan ʿinda rabbika lil'mus'rifīna
Tagalog tinatakan sa ganang Panginoon mo na para sa mga tagapagmalabis."
Verse 35
فَأَخْرَجْنَا مَن كَانَ فِيهَا مِنَ ٱلْمُؤْمِنِينَ
Transliteration fa-akhrajnā man kāna fīhā mina l-mu'minīna
Tagalog Kaya nagpalabas Kami ng sinumang dati ay naroon kabilang sa mga mananampalataya.
Verse 36
فَمَا وَجَدْنَا فِيهَا غَيْرَ بَيْتٍ مِّنَ ٱلْمُسْلِمِينَ
Transliteration famā wajadnā fīhā ghayra baytin mina l-mus'limīna
Tagalog Ngunit wala kaming natagpuan doon maliban sa isang sambahayan ng mga tagapagpasakop.
Verse 37
وَتَرَكْنَا فِيهَآ ءَايَةً لِّلَّذِينَ يَخَافُونَ ٱلْعَذَابَ ٱلْأَلِيمَ
Transliteration wataraknā fīhā āyatan lilladhīna yakhāfūna l-ʿadhāba l-alīma
Tagalog Nag-iwan Kami roon ng isang tanda para sa mga nangangamba sa pagdurusang masakit.
Verse 38
وَفِى مُوسَىٰٓ إِذْ أَرْسَلْنَـٰهُ إِلَىٰ فِرْعَوْنَ بِسُلْطَـٰنٍ مُّبِينٍ
Transliteration wafī mūsā idh arsalnāhu ilā fir'ʿawna bisul'ṭānin mubīnin
Tagalog Kay Moises [ay may tanda] noong nagsugo Kami sa kanya kay Paraon kalakip ng isang katunayang malinaw.
Verse 39
فَتَوَلَّىٰ بِرُكْنِهِۦ وَقَالَ سَـٰحِرٌ أَوْ مَجْنُونٌ
Transliteration fatawallā biruk'nihi waqāla sāḥirun aw majnūnun
Tagalog Ngunit tumalikod siya kasabay ng kampon niya at nagsabi: "Manggagaway o baliw."
Verse 40
فَأَخَذْنَـٰهُ وَجُنُودَهُۥ فَنَبَذْنَـٰهُمْ فِى ٱلْيَمِّ وَهُوَ مُلِيمٌ
Transliteration fa-akhadhnāhu wajunūdahu fanabadhnāhum fī l-yami wahuwa mulīmun
Tagalog Kaya kinuha Namin siya at ang mga kawal niya saka itinapon Namin sila sa dagat habang siya ay masisisi.
Verse 41
وَفِى عَادٍ إِذْ أَرْسَلْنَا عَلَيْهِمُ ٱلرِّيحَ ٱلْعَقِيمَ
Transliteration wafī ʿādin idh arsalnā ʿalayhimu l-rīḥa l-ʿaqīma
Tagalog Sa `Ād [ay may tanda] noong nagsugo Kami sa kanila ng hanging baog.
Verse 42
مَا تَذَرُ مِن شَىْءٍ أَتَتْ عَلَيْهِ إِلَّا جَعَلَتْهُ كَٱلرَّمِيمِ
Transliteration mā tadharu min shayin atat ʿalayhi illā jaʿalathu kal-ramīmi
Tagalog Hindi ito nagpapabaya ng anumang bagay na pinuntahan nito malibang ginawa nito iyon gaya ng nalansag.
Verse 43
وَفِى ثَمُودَ إِذْ قِيلَ لَهُمْ تَمَتَّعُوا۟ حَتَّىٰ حِينٍ
Transliteration wafī thamūda idh qīla lahum tamattaʿū ḥattā ḥīnin
Tagalog Sa Thamūd [ay may tanda] noong sinabi sa kanila: "Magtamasa kayo hanggang sa pansamantala."
Verse 44
فَعَتَوْا۟ عَنْ أَمْرِ رَبِّهِمْ فَأَخَذَتْهُمُ ٱلصَّـٰعِقَةُ وَهُمْ يَنظُرُونَ
Transliteration faʿataw ʿan amri rabbihim fa-akhadhathumu l-ṣāʿiqatu wahum yanẓurūna
Tagalog Ngunit nagpakapalalo sila sa utos ng Panginoon nila kaya dumaklot sa kanila ang lintik habang sila ay nakatingin.
Verse 45
فَمَا ٱسْتَطَـٰعُوا۟ مِن قِيَامٍ وَمَا كَانُوا۟ مُنتَصِرِينَ
Transliteration famā is'taṭāʿū min qiyāmin wamā kānū muntaṣirīna
Tagalog Kaya hindi sila nakakaya ng pagtayo at hindi sila dati mga naiaadya.
Verse 46
وَقَوْمَ نُوحٍ مِّن قَبْلُ ۖ إِنَّهُمْ كَانُوا۟ قَوْمًا فَـٰسِقِينَ
Transliteration waqawma nūḥin min qablu innahum kānū qawman fāsiqīna
Tagalog [Nagpahamak Kami] sa mga kababayan ni Noe bago pa niyon; tunay na sila dati ay mga taong suwail.
Verse 47
وَٱلسَّمَآءَ بَنَيْنَـٰهَا بِأَيْي۟دٍ وَإِنَّا لَمُوسِعُونَ
Transliteration wal-samāa banaynāhā bi-aydin wa-innā lamūsiʿūna
Tagalog Ang langit ay ipinatayo Namin ito sa pamamagitan ng kapangyarihan at tunay na Kami ay talagang tagapagpalawak [nito].
Verse 48
وَٱلْأَرْضَ فَرَشْنَـٰهَا فَنِعْمَ ٱلْمَـٰهِدُونَ
Transliteration wal-arḍa farashnāhā faniʿ'ma l-māhidūna
Tagalog Ang lupa ay inilatag Namin ito, saka kay inam na tagapaghimlay [Kami].
Verse 49
وَمِن كُلِّ شَىْءٍ خَلَقْنَا زَوْجَيْنِ لَعَلَّكُمْ تَذَكَّرُونَ
Transliteration wamin kulli shayin khalaqnā zawjayni laʿallakum tadhakkarūna
Tagalog Mula sa bawat bagay ay lumikha kami ng magkapares, nang sa gayon kayo ay magsasaalaala.
Verse 50
فَفِرُّوٓا۟ إِلَى ٱللَّهِ ۖ إِنِّى لَكُم مِّنْهُ نَذِيرٌ مُّبِينٌ
Transliteration fafirrū ilā l-lahi innī lakum min'hu nadhīrun mubīnun
Tagalog Kaya tumakas kayo patungo kay Allāh; tunay na ako para sa inyo laban dito ay isang mapagbabalang malinaw.
Verse 51
وَلَا تَجْعَلُوا۟ مَعَ ٱللَّهِ إِلَـٰهًا ءَاخَرَ ۖ إِنِّى لَكُم مِّنْهُ نَذِيرٌ مُّبِينٌ
Transliteration walā tajʿalū maʿa l-lahi ilāhan ākhara innī lakum min'hu nadhīrun mubīnun
Tagalog Huwag kayong gumawa kasama kay Allāh ng isang diyos na iba pa; tunay na ako para sa inyo laban dito ay isang mapagbabalang malinaw.
Verse 52
كَذَٰلِكَ مَآ أَتَى ٱلَّذِينَ مِن قَبْلِهِم مِّن رَّسُولٍ إِلَّا قَالُوا۟ سَاحِرٌ أَوْ مَجْنُونٌ
Transliteration kadhālika mā atā alladhīna min qablihim min rasūlin illā qālū sāḥirun aw majnūnun
Tagalog Gayon din, walang pumunta sa mga [tao] bago pa nila na isang sugo malibang nagsabi sila: "Isang manggagaway o isang baliw."
Verse 53
أَتَوَاصَوْا۟ بِهِۦ ۚ بَلْ هُمْ قَوْمٌ طَاغُونَ
Transliteration atawāṣaw bihi bal hum qawmun ṭāghūna
Tagalog Nagtagubilinan ba sila hinggil dito? Bagkus sila ay mga taong tagapagmalabis.
Verse 54
فَتَوَلَّ عَنْهُمْ فَمَآ أَنتَ بِمَلُومٍ
Transliteration fatawalla ʿanhum famā anta bimalūmin
Tagalog Kaya tumalikod ka palayo sa kanila sapagkat ikaw ay hindi masisisi.
Verse 55
وَذَكِّرْ فَإِنَّ ٱلذِّكْرَىٰ تَنفَعُ ٱلْمُؤْمِنِينَ
Transliteration wadhakkir fa-inna l-dhik'rā tanfaʿu l-mu'minīna
Tagalog Magpaalaala ka sapagkat tunay na ang paalaala ay nagpapakinabang sa mga mananampalataya.
Verse 56
وَمَا خَلَقْتُ ٱلْجِنَّ وَٱلْإِنسَ إِلَّا لِيَعْبُدُونِ
Transliteration wamā khalaqtu l-jina wal-insa illā liyaʿbudūni
Tagalog Hindi Ako lumikha ng jinn at tao kundi upang sumamba sila sa Akin.
Verse 57
مَآ أُرِيدُ مِنْهُم مِّن رِّزْقٍ وَمَآ أُرِيدُ أَن يُطْعِمُونِ
Transliteration mā urīdu min'hum min riz'qin wamā urīdu an yuṭ'ʿimūni
Tagalog Hindi Ako nagnanais mula sa kanila ng anumang panustos at hindi Ako nagnanais na magpakain sila sa Akin.
Verse 58
إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلرَّزَّاقُ ذُو ٱلْقُوَّةِ ٱلْمَتِينُ
Transliteration inna l-laha huwa l-razāqu dhū l-quwati l-matīnu
Tagalog Tunay na si Allāh ay ang Palatustos, ang May Lakas, ang Matibay.
Verse 59
فَإِنَّ لِلَّذِينَ ظَلَمُوا۟ ذَنُوبًا مِّثْلَ ذَنُوبِ أَصْحَـٰبِهِمْ فَلَا يَسْتَعْجِلُونِ
Transliteration fa-inna lilladhīna ẓalamū dhanūban mith'la dhanūbi aṣḥābihim falā yastaʿjilūni
Tagalog Saka tunay na ukol sa mga lumabag sa katarungan ay mga pagkakasalang tulad ng mga pagkakasala ng mga kasamahan nila, kaya huwag silang magmadali sa Akin.
Verse 60
فَوَيْلٌ لِّلَّذِينَ كَفَرُوا۟ مِن يَوْمِهِمُ ٱلَّذِى يُوعَدُونَ
Transliteration fawaylun lilladhīna kafarū min yawmihimu alladhī yūʿadūna
Tagalog Kaya kapighatian ay ukol sa mga tumangging sumampalataya, mula sa araw nila na pinangangakuan sila [ng pagdurusa].
Read Surah Adh-Dhariyat in another language
- English (word by word)
- Albanian
- Amazigh
- Amharic
- Assamese
- Azerbaijani
- Bambara
- Bangla
- Bosnian
- Bulgarian
- Chechen
- Chinese
- Czech
- Dari
- Dhivehi
- Dutch
- Finnish
- French
- German
- Gujarati
- Hausa
- Hebrew
- Hindi
- Indonesian
- Italian
- Japanese
- Kannada
- Kazakh
- Khmer
- Kinyarwanda
- Korean
- Kurdish
- Luganda
- Malay
- Malayalam
- Maranao
- Marathi
- Nepali
- Norwegian
- Oromo
- Pashto
- Persian
- Polish
- Portuguese
- Romanian
- Russian
- Sindhi
- Sinhala
- Somali
- Spanish
- Swahili
- Swedish
- Tajik
- Tamil
- Tatar
- Telugu
- Thai
- Turkish
- Ukrainian
- Urdu
- Uyghur
- Uzbek
- Vietnamese
- Yao
- Yoruba
All 114 surahs in Tagalog: the Qur’an in Tagalog.
Tagalog translation: Dar Al-Salam Center, from Quran.com. Transliteration: Quran.com. Recitation: Mishary Alafasy, from EveryAyah.com. MyDugsi is a learning aid, not a replacement for a qualified teacher.