Surah Luqman in Tagalog: translation and audio
Surah 31 · لقمان · Luqman · 34 verses
Surah Luqman verse by verse: the Arabic with a recitation you can repeat, the transliteration, and the Tagalog translation by Dar Al-Salam Center. For the meaning of every word, see Surah Luqman word by word in English.
Verse 1
الٓمٓ
Transliteration alif-lam-meem
Tagalog Alif. Lām. Mīm.
Verse 2
تِلْكَ ءَايَـٰتُ ٱلْكِتَـٰبِ ٱلْحَكِيمِ
Transliteration til'ka āyātu l-kitābi l-ḥakīmi
Tagalog Ang mga ito ay ang mga talata ng Aklat na marunong
Verse 3
هُدًى وَرَحْمَةً لِّلْمُحْسِنِينَ
Transliteration hudan waraḥmatan lil'muḥ'sinīna
Tagalog bilang patnubay at awa para sa mga tagagawa ng maganda,
Verse 4
ٱلَّذِينَ يُقِيمُونَ ٱلصَّلَوٰةَ وَيُؤْتُونَ ٱلزَّكَوٰةَ وَهُم بِٱلْـَٔاخِرَةِ هُمْ يُوقِنُونَ
Transliteration alladhīna yuqīmūna l-ṣalata wayu'tūna l-zakata wahum bil-ākhirati hum yūqinūna
Tagalog na mga nagpapanatili ng pagdarasal at nagbibigay ng zakāh, at sila, sa Kabilang-buhay, sila ay nakatitiyak.
Verse 5
أُو۟لَـٰٓئِكَ عَلَىٰ هُدًى مِّن رَّبِّهِمْ ۖ وَأُو۟لَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلْمُفْلِحُونَ
Transliteration ulāika ʿalā hudan min rabbihim wa-ulāika humu l-muf'liḥūna
Tagalog Ang mga iyon ay nasa patnubay mula sa Panginoon nila at ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay.
Verse 6
وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يَشْتَرِى لَهْوَ ٱلْحَدِيثِ لِيُضِلَّ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ بِغَيْرِ عِلْمٍ وَيَتَّخِذَهَا هُزُوًا ۚ أُو۟لَـٰٓئِكَ لَهُمْ عَذَابٌ مُّهِينٌ
Transliteration wamina l-nāsi man yashtarī lahwa l-ḥadīthi liyuḍilla ʿan sabīli l-lahi bighayri ʿil'min wayattakhidhahā huzuwan ulāika lahum ʿadhābun muhīnun
Tagalog May mga tao na bumibili ng paglilibang ng pag-uusap upang magligaw palayo sa landas ni Allāh nang walang kaalaman at gumagawa rito bilang pangungutya. Ang mga iyon ay may ukol sa kanila na isang pagdurusang manghahamak.
Verse 7
وَإِذَا تُتْلَىٰ عَلَيْهِ ءَايَـٰتُنَا وَلَّىٰ مُسْتَكْبِرًا كَأَن لَّمْ يَسْمَعْهَا كَأَنَّ فِىٓ أُذُنَيْهِ وَقْرًا ۖ فَبَشِّرْهُ بِعَذَابٍ أَلِيمٍ
Transliteration wa-idhā tut'lā ʿalayhi āyātunā wallā mus'takbiran ka-an lam yasmaʿhā ka-anna fī udhunayhi waqran fabashir'hu biʿadhābin alīmin
Tagalog Kapag binibigkas sa kanya ang mga talata Namin ay tumatalikod siya na nagmamalaki na para bang hindi siya nakarinig sa mga ito, na para bang sa mga tainga niya ay may pagkabingi. Kaya magbalita ka sa kanya hinggil sa isang pagdurusang masakit.
Verse 8
إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَعَمِلُوا۟ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ لَهُمْ جَنَّـٰتُ ٱلنَّعِيمِ
Transliteration inna alladhīna āmanū waʿamilū l-ṣāliḥāti lahum jannātu l-naʿīmi
Tagalog Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ukol sa kanila ang mga hardin ng kaginhawahan
Verse 9
خَـٰلِدِينَ فِيهَا ۖ وَعْدَ ٱللَّهِ حَقًّا ۚ وَهُوَ ٱلْعَزِيزُ ٱلْحَكِيمُ
Transliteration khālidīna fīhā waʿda l-lahi ḥaqqan wahuwa l-ʿazīzu l-ḥakīmu
Tagalog bilang mga mananatili sa mga ito bilang pangako ni Allāh, na totohanan. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.
Verse 10
خَلَقَ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ بِغَيْرِ عَمَدٍ تَرَوْنَهَا ۖ وَأَلْقَىٰ فِى ٱلْأَرْضِ رَوَٰسِىَ أَن تَمِيدَ بِكُمْ وَبَثَّ فِيهَا مِن كُلِّ دَآبَّةٍ ۚ وَأَنزَلْنَا مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءً فَأَنۢبَتْنَا فِيهَا مِن كُلِّ زَوْجٍ كَرِيمٍ
Transliteration khalaqa l-samāwāti bighayri ʿamadin tarawnahā wa-alqā fī l-arḍi rawāsiya an tamīda bikum wabatha fīhā min kulli dābbatin wa-anzalnā mina l-samāi māan fa-anbatnā fīhā min kulli zawjin karīmin
Tagalog Lumikha Siya ng mga langit nang walang mga haliging nakikita ninyo. Naglapat Siya sa lupa ng mga matatag na bundok nang hindi gumalaw-galaw ang mga ito sa inyo. Nagkalat Siya rito ng bawat gumagalaw na nilalang. Nagpababa Kami mula sa langit ng tubig at nagpatubo Kami sa lupa ng bawat uring marangal.
Verse 11
هَـٰذَا خَلْقُ ٱللَّهِ فَأَرُونِى مَاذَا خَلَقَ ٱلَّذِينَ مِن دُونِهِۦ ۚ بَلِ ٱلظَّـٰلِمُونَ فِى ضَلَـٰلٍ مُّبِينٍ
Transliteration hādhā khalqu l-lahi fa-arūnī mādhā khalaqa alladhīna min dūnihi bali l-ẓālimūna fī ḍalālin mubīnin
Tagalog Ito ay ang nilikha ni Allāh kaya magpakita kayo sa akin kung ano ang nalikha ng mga bukod pa sa Kanya. Bagkus ang mga tagalabag sa katarungan ay nasa isang pagkaligaw na malinaw.
Verse 12
وَلَقَدْ ءَاتَيْنَا لُقْمَـٰنَ ٱلْحِكْمَةَ أَنِ ٱشْكُرْ لِلَّهِ ۚ وَمَن يَشْكُرْ فَإِنَّمَا يَشْكُرُ لِنَفْسِهِۦ ۖ وَمَن كَفَرَ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَنِىٌّ حَمِيدٌ
Transliteration walaqad ātaynā luq'māna l-ḥik'mata ani ush'kur lillahi waman yashkur fa-innamā yashkuru linafsihi waman kafara fa-inna l-laha ghaniyyun ḥamīdun
Tagalog Talaga ngang nagbigay Kami kay Luqmān ng karunungan, na [nagsasabi]: "Magpasalamat ka kay Allāh." Ang sinumang nagpapasalamat ay nagpapasalamat lamang para sa [pakinabang ng] sarili niya. Ang sinumang tumangging magpasalamat, tunay na si Allāh ay Walang-pangangailangan, Kapuri-puri.
Verse 13
وَإِذْ قَالَ لُقْمَـٰنُ لِٱبْنِهِۦ وَهُوَ يَعِظُهُۥ يَـٰبُنَىَّ لَا تُشْرِكْ بِٱللَّهِ ۖ إِنَّ ٱلشِّرْكَ لَظُلْمٌ عَظِيمٌ
Transliteration wa-idh qāla luq'mānu li-ib'nihi wahuwa yaʿiẓuhu yābunayya lā tush'rik bil-lahi inna l-shir'ka laẓul'mun ʿaẓīmun
Tagalog [Banggitin] noong nagsabi si Luqmān sa anak niya habang siya ay nangangaral dito: "O anak ko, huwag kang magtambal kay Allāh; tunay na ang pagtatambal ay talagang isang paglabag sa katarungan, na sukdulan."
Verse 14
وَوَصَّيْنَا ٱلْإِنسَـٰنَ بِوَٰلِدَيْهِ حَمَلَتْهُ أُمُّهُۥ وَهْنًا عَلَىٰ وَهْنٍ وَفِصَـٰلُهُۥ فِى عَامَيْنِ أَنِ ٱشْكُرْ لِى وَلِوَٰلِدَيْكَ إِلَىَّ ٱلْمَصِيرُ
Transliteration wawaṣṣaynā l-insāna biwālidayhi ḥamalathu ummuhu wahnan ʿalā wahnin wafiṣāluhu fī ʿāmayni ani ush'kur lī waliwālidayka ilayya l-maṣīru
Tagalog Nagtagubilin Kami sa tao hinggil sa mga magulang niya – nagdalang-tao sa kanya ang ina niya sa isang panlalata sa ibabaw isang panlalata at ang pag-awat sa kanya ay sa dalawang taon – na [nagsasabi]: "Magpasalamat ka sa Akin at sa mga magulang mo. Tungo sa Akin ang kahahantungan.
Verse 15
وَإِن جَـٰهَدَاكَ عَلَىٰٓ أَن تُشْرِكَ بِى مَا لَيْسَ لَكَ بِهِۦ عِلْمٌ فَلَا تُطِعْهُمَا ۖ وَصَاحِبْهُمَا فِى ٱلدُّنْيَا مَعْرُوفًا ۖ وَٱتَّبِعْ سَبِيلَ مَنْ أَنَابَ إِلَىَّ ۚ ثُمَّ إِلَىَّ مَرْجِعُكُمْ فَأُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمْ تَعْمَلُونَ
Transliteration wa-in jāhadāka ʿalā an tush'rika bī mā laysa laka bihi ʿil'mun falā tuṭiʿ'humā waṣāḥib'humā fī l-dun'yā maʿrūfan wa-ittabiʿ sabīla man anāba ilayya thumma ilayya marjiʿukum fa-unabbi-ukum bimā kuntum taʿmalūna
Tagalog Kung nagpunyagi silang dalawa sa iyo na magtambal ka sa Akin ng wala kang kaalaman hinggil doon ay huwag kang tumalima sa kanilang dalawa. Makisama ka sa kanilang dalawa sa Mundo ayon sa nakabubuti. Sumunod ka sa landas ng sinumang nagsisising nanumbalik tungo sa Akin. Pagkatapos tungo sa Akin ang babalikan ninyo saka magbabalita Ako sa inyo hinggil sa anumang dati ninyong ginagawa."
Verse 16
يَـٰبُنَىَّ إِنَّهَآ إِن تَكُ مِثْقَالَ حَبَّةٍ مِّنْ خَرْدَلٍ فَتَكُن فِى صَخْرَةٍ أَوْ فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ أَوْ فِى ٱلْأَرْضِ يَأْتِ بِهَا ٱللَّهُ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَطِيفٌ خَبِيرٌ
Transliteration yābunayya innahā in taku mith'qāla ḥabbatin min khardalin fatakun fī ṣakhratin aw fī l-samāwāti aw fī l-arḍi yati bihā l-lahu inna l-laha laṭīfun khabīrun
Tagalog [Nagsabi si Luqmān]: "O anak ko, tunay na ito, kung naging kasimbigat ng isang buto ng mustasa saka naging nasa isang bato o nasa mga langit o nasa lupa, maglalahad nito si Allāh. Tunay na si Allāh ay Mapagtalos, Mapagbatid.
Verse 17
يَـٰبُنَىَّ أَقِمِ ٱلصَّلَوٰةَ وَأْمُرْ بِٱلْمَعْرُوفِ وَٱنْهَ عَنِ ٱلْمُنكَرِ وَٱصْبِرْ عَلَىٰ مَآ أَصَابَكَ ۖ إِنَّ ذَٰلِكَ مِنْ عَزْمِ ٱلْأُمُورِ
Transliteration yābunayya aqimi l-ṣalata wamur bil-maʿrūfi wa-in'ha ʿani l-munkari wa-iṣ'bir ʿalā mā aṣābaka inna dhālika min ʿazmi l-umūri
Tagalog O anak ko, magpanatili ka ng pagdarasal, mag-utos ka ng nakabubuti, sumaway ka ng nakasasama, at magtiis ka sa anumang tumatama sa iyo; tunay na iyon ay kabilang sa pinagpapasyahan sa mga usapin.
Verse 18
وَلَا تُصَعِّرْ خَدَّكَ لِلنَّاسِ وَلَا تَمْشِ فِى ٱلْأَرْضِ مَرَحًا ۖ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ كُلَّ مُخْتَالٍ فَخُورٍ
Transliteration walā tuṣaʿʿir khaddaka lilnnāsi walā tamshi fī l-arḍi maraḥan inna l-laha lā yuḥibbu kulla mukh'tālin fakhūrin
Tagalog Huwag kang mag-iwas ng pisngi mo sa mga tao at huwag kang maglakad sa lupa dala ng pagpapakatuwa [sa sarili]. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa bawat mayabang na hambog.
Verse 19
وَٱقْصِدْ فِى مَشْيِكَ وَٱغْضُضْ مِن صَوْتِكَ ۚ إِنَّ أَنكَرَ ٱلْأَصْوَٰتِ لَصَوْتُ ٱلْحَمِيرِ
Transliteration wa-iq'ṣid fī mashyika wa-ugh'ḍuḍ min ṣawtika inna ankara l-aṣwāti laṣawtu l-ḥamīri
Tagalog Magmarahan ka sa paglakad mo at magbaba ka ng tinig mo; tunay ang pinakamasagwa sa mga tinig ay talagang ang tinig ng mga asno.
Verse 20
أَلَمْ تَرَوْا۟ أَنَّ ٱللَّهَ سَخَّرَ لَكُم مَّا فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَمَا فِى ٱلْأَرْضِ وَأَسْبَغَ عَلَيْكُمْ نِعَمَهُۥ ظَـٰهِرَةً وَبَاطِنَةً ۗ وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يُجَـٰدِلُ فِى ٱللَّهِ بِغَيْرِ عِلْمٍ وَلَا هُدًى وَلَا كِتَـٰبٍ مُّنِيرٍ
Transliteration alam taraw anna l-laha sakhara lakum mā fī l-samāwāti wamā fī l-arḍi wa-asbagha ʿalaykum niʿamahu ẓāhiratan wabāṭinatan wamina l-nāsi man yujādilu fī l-lahi bighayri ʿil'min walā hudan walā kitābin munīrin
Tagalog Hindi ba kayo nakakita na si Allāh ay nagpasilbi para sa inyo ng nasa mga langit at nasa lupa at nagpasagana sa inyo ng mga biyaya Niya nang lantaran at pakubli. Mayroon sa mga tao na nakikipagtalo hinggil kay Allāh nang walang isang kaalaman ni isang patnubay ni isang aklat na nagbibigay-liwanag.
Verse 21
وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ ٱتَّبِعُوا۟ مَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ قَالُوا۟ بَلْ نَتَّبِعُ مَا وَجَدْنَا عَلَيْهِ ءَابَآءَنَآ ۚ أَوَلَوْ كَانَ ٱلشَّيْطَـٰنُ يَدْعُوهُمْ إِلَىٰ عَذَابِ ٱلسَّعِيرِ
Transliteration wa-idhā qīla lahumu ittabiʿū mā anzala l-lahu qālū bal nattabiʿu mā wajadnā ʿalayhi ābāanā awalaw kāna l-shayṭānu yadʿūhum ilā ʿadhābi l-saʿīri
Tagalog Kapag sinabi sa kanila: "Sumunod kayo sa pinababa ni Allāh," nagsasabi sila: "Bagkus sumusunod kami sa natagpuan namin sa mga magulang namin." Kahit pa ba ang demonyo ay nag-aanyaya sa kanila sa pagdurusa sa Liyab?
Verse 22
۞ وَمَن يُسْلِمْ وَجْهَهُۥٓ إِلَى ٱللَّهِ وَهُوَ مُحْسِنٌ فَقَدِ ٱسْتَمْسَكَ بِٱلْعُرْوَةِ ٱلْوُثْقَىٰ ۗ وَإِلَى ٱللَّهِ عَـٰقِبَةُ ٱلْأُمُورِ
Transliteration waman yus'lim wajhahu ilā l-lahi wahuwa muḥ'sinun faqadi is'tamsaka bil-ʿur'wati l-wuth'qā wa-ilā l-lahi ʿāqibatu l-umūri
Tagalog Ang sinumang nagpasakop ng mukha niya kay Allāh habang siya ay tagagawa ng maganda ay nangunyapit nga sa hawakang pinakamatibay. Tungo kay Allāh ang kahihinatnan ng mga usapin.
Verse 23
وَمَن كَفَرَ فَلَا يَحْزُنكَ كُفْرُهُۥٓ ۚ إِلَيْنَا مَرْجِعُهُمْ فَنُنَبِّئُهُم بِمَا عَمِلُوٓا۟ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمٌۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ
Transliteration waman kafara falā yaḥzunka kuf'ruhu ilaynā marjiʿuhum fanunabbi-uhum bimā ʿamilū inna l-laha ʿalīmun bidhāti l-ṣudūri
Tagalog Ang sinumang tumangging sumampalataya ay huwag magpalungkot sa iyo ang kawalang-pananampalataya niya. Tungo sa Amin ang babalikan nila saka magbabalita Kami sa kanila hinggil sa anumang ginawa nila. Tunay na si Allāh ay Maalam sa laman ng mga dibdib.
Verse 24
نُمَتِّعُهُمْ قَلِيلًا ثُمَّ نَضْطَرُّهُمْ إِلَىٰ عَذَابٍ غَلِيظٍ
Transliteration numattiʿuhum qalīlan thumma naḍṭarruhum ilā ʿadhābin ghalīẓin
Tagalog Magpapatamasa Kami sa kanila nang kaunti, pagkatapos magtataboy Kami sa kanila sa isang pagdurusang mabagsik.
Verse 25
وَلَئِن سَأَلْتَهُم مَّنْ خَلَقَ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضَ لَيَقُولُنَّ ٱللَّهُ ۚ قُلِ ٱلْحَمْدُ لِلَّهِ ۚ بَلْ أَكْثَرُهُمْ لَا يَعْلَمُونَ
Transliteration wala-in sa-altahum man khalaqa l-samāwāti wal-arḍa layaqūlunna l-lahu quli l-ḥamdu lillahi bal aktharuhum lā yaʿlamūna
Tagalog Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang lumikha ng mga langit at lupa ay talagang magsasabi nga sila na si Allāh. Sabihin mo: "Ang papuri ay ukol kay Allāh." Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.
Verse 26
لِلَّهِ مَا فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلْغَنِىُّ ٱلْحَمِيدُ
Transliteration lillahi mā fī l-samāwāti wal-arḍi inna l-laha huwa l-ghaniyu l-ḥamīdu
Tagalog Sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at lupa. Tunay na si Allāh ay ang Walang-pangangailangan, ang Kapuri-puri.
Verse 27
وَلَوْ أَنَّمَا فِى ٱلْأَرْضِ مِن شَجَرَةٍ أَقْلَـٰمٌ وَٱلْبَحْرُ يَمُدُّهُۥ مِنۢ بَعْدِهِۦ سَبْعَةُ أَبْحُرٍ مَّا نَفِدَتْ كَلِمَـٰتُ ٱللَّهِ ۗ إِنَّ ٱللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٌ
Transliteration walaw annamā fī l-arḍi min shajaratin aqlāmun wal-baḥru yamudduhu min baʿdihi sabʿatu abḥurin mā nafidat kalimātu l-lahi inna l-laha ʿazīzun ḥakīmun
Tagalog Kung sakaling ang anumang nasa lupa na punong-kahoy ay mga panulat at ang dagat [ay tinta], na may magdaragdag dito nang matapos niyon na pitong dagat, hindi mauubos ang mga salita ni Allāh. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.
Verse 28
مَّا خَلْقُكُمْ وَلَا بَعْثُكُمْ إِلَّا كَنَفْسٍ وَٰحِدَةٍ ۗ إِنَّ ٱللَّهَ سَمِيعٌۢ بَصِيرٌ
Transliteration mā khalqukum walā baʿthukum illā kanafsin wāḥidatin inna l-laha samīʿun baṣīrun
Tagalog Walang iba ang pagkalikha sa inyo ni ang pagbuhay sa inyo kundi gaya ng nag-iisang kaluluwa. Tunay na si Allāh ay Madinigin, Nakakikita.
Verse 29
أَلَمْ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ يُولِجُ ٱلَّيْلَ فِى ٱلنَّهَارِ وَيُولِجُ ٱلنَّهَارَ فِى ٱلَّيْلِ وَسَخَّرَ ٱلشَّمْسَ وَٱلْقَمَرَ كُلٌّ يَجْرِىٓ إِلَىٰٓ أَجَلٍ مُّسَمًّى وَأَنَّ ٱللَّهَ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرٌ
Transliteration alam tara anna l-laha yūliju al-layla fī l-nahāri wayūliju l-nahāra fī al-layli wasakhara l-shamsa wal-qamara kullun yajrī ilā ajalin musamman wa-anna l-laha bimā taʿmalūna khabīrun
Tagalog Hindi ka ba nakakita na si Allāh ay nagpapalagos ng gabi sa maghapon, nagpapalagos ng maghapon sa gabi, at nagpasilbi ng araw at buwan, na bawat isa ay tumatakbo tungo sa isang taning na tinukoy; at na si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid?
Verse 30
ذَٰلِكَ بِأَنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلْحَقُّ وَأَنَّ مَا يَدْعُونَ مِن دُونِهِ ٱلْبَـٰطِلُ وَأَنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلْعَلِىُّ ٱلْكَبِيرُ
Transliteration dhālika bi-anna l-laha huwa l-ḥaqu wa-anna mā yadʿūna min dūnihi l-bāṭilu wa-anna l-laha huwa l-ʿaliyu l-kabīru
Tagalog Iyon ay dahil si Allāh ay ang Totoo, at na ang anumang dinadalanginan nila bukod pa sa Kanya ay ang kabulaanan, at na si Allāh ay ang Mataas, ang Malaki.
Verse 31
أَلَمْ تَرَ أَنَّ ٱلْفُلْكَ تَجْرِى فِى ٱلْبَحْرِ بِنِعْمَتِ ٱللَّهِ لِيُرِيَكُم مِّنْ ءَايَـٰتِهِۦٓ ۚ إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَـَٔايَـٰتٍ لِّكُلِّ صَبَّارٍ شَكُورٍ
Transliteration alam tara anna l-ful'ka tajrī fī l-baḥri biniʿ'mati l-lahi liyuriyakum min āyātihi inna fī dhālika laāyātin likulli ṣabbārin shakūrin
Tagalog Hindi ka ba nakakita na ang mga daong ay naglalayag sa dagat dahil sa biyaya ni Allāh upang magpakita Siya sa inyo ng mga tanda Niya? Tunay sa gayon ay talagang may mga tanda para sa bawat palatiis na mapagpasalamat.
Verse 32
وَإِذَا غَشِيَهُم مَّوْجٌ كَٱلظُّلَلِ دَعَوُا۟ ٱللَّهَ مُخْلِصِينَ لَهُ ٱلدِّينَ فَلَمَّا نَجَّىٰهُمْ إِلَى ٱلْبَرِّ فَمِنْهُم مُّقْتَصِدٌ ۚ وَمَا يَجْحَدُ بِـَٔايَـٰتِنَآ إِلَّا كُلُّ خَتَّارٍ كَفُورٍ
Transliteration wa-idhā ghashiyahum mawjun kal-ẓulali daʿawū l-laha mukh'liṣīna lahu l-dīna falammā najjāhum ilā l-bari famin'hum muq'taṣidun wamā yajḥadu biāyātinā illā kullu khattārin kafūrin
Tagalog Kapag may bumalot sa kanila na mga alon na gaya ng mga kulandong ay dumadalangin sila kay Allāh habang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa pagtalima, ngunit noong nagligtas Siya sa kanila patungo sa katihan ay mayroon sa kanila na katamtaman [sa pagpapasalamat]. Walang nagkakaila sa mga tanda Namin kundi bawat palasira sa pangako na palatangging magpasalamat.
Verse 33
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ ٱتَّقُوا۟ رَبَّكُمْ وَٱخْشَوْا۟ يَوْمًا لَّا يَجْزِى وَالِدٌ عَن وَلَدِهِۦ وَلَا مَوْلُودٌ هُوَ جَازٍ عَن وَالِدِهِۦ شَيْـًٔا ۚ إِنَّ وَعْدَ ٱللَّهِ حَقٌّ ۖ فَلَا تَغُرَّنَّكُمُ ٱلْحَيَوٰةُ ٱلدُّنْيَا وَلَا يَغُرَّنَّكُم بِٱللَّهِ ٱلْغَرُورُ
Transliteration yāayyuhā l-nāsu ittaqū rabbakum wa-ikh'shaw yawman lā yajzī wālidun ʿan waladihi walā mawlūdun huwa jāzin ʿan wālidihi shayan inna waʿda l-lahi ḥaqqun falā taghurrannakumu l-ḥayatu l-dun'yā walā yaghurrannakum bil-lahi l-gharūru
Tagalog O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo at matakot kayo sa isang Araw na walang mananagot na isang magulang para sa anak niya ni isang inanak na mananagot para sa magulang niya sa anuman. Tunay na ang pangako ni Allāh ay totoo kaya huwag ngang mandaya sa inyo ang buhay na pangmundo at huwag ngang mandaya sa inyo hinggil kay Allāh ang mandaraya.
Verse 34
إِنَّ ٱللَّهَ عِندَهُۥ عِلْمُ ٱلسَّاعَةِ وَيُنَزِّلُ ٱلْغَيْثَ وَيَعْلَمُ مَا فِى ٱلْأَرْحَامِ ۖ وَمَا تَدْرِى نَفْسٌ مَّاذَا تَكْسِبُ غَدًا ۖ وَمَا تَدْرِى نَفْسٌۢ بِأَىِّ أَرْضٍ تَمُوتُ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمٌ خَبِيرٌۢ
Transliteration inna l-laha ʿindahu ʿil'mu l-sāʿati wayunazzilu l-ghaytha wayaʿlamu mā fī l-arḥāmi wamā tadrī nafsun mādhā taksibu ghadan wamā tadrī nafsun bi-ayyi arḍin tamūtu inna l-laha ʿalīmun khabīrun
Tagalog Tunay na si Allāh ay may taglay ng kaalaman sa Huling Sandali. Nagbababa Siya ng ulan at nakaaalam Siya sa anumang nasa mga sinapupunan. Hindi nababatid ng isang kaluluwa kung ano ang kakamtin niya kinabukasan at hindi nababatid ng isang kaluluwa kung sa aling lupain siya mamamatay. Tunay na si Allāh ay Maalam, Mapagbatid.
Read Surah Luqman in another language
- English (word by word)
- Albanian
- Amazigh
- Amharic
- Assamese
- Azerbaijani
- Bambara
- Bangla
- Bosnian
- Bulgarian
- Chechen
- Chinese
- Czech
- Dari
- Dhivehi
- Dutch
- Finnish
- French
- German
- Gujarati
- Hausa
- Hebrew
- Hindi
- Indonesian
- Italian
- Japanese
- Kannada
- Kazakh
- Khmer
- Kinyarwanda
- Korean
- Kurdish
- Luganda
- Malay
- Malayalam
- Maranao
- Marathi
- Nepali
- Norwegian
- Oromo
- Pashto
- Persian
- Polish
- Portuguese
- Romanian
- Russian
- Sindhi
- Sinhala
- Somali
- Spanish
- Swahili
- Swedish
- Tajik
- Tamil
- Tatar
- Telugu
- Thai
- Turkish
- Ukrainian
- Urdu
- Uyghur
- Uzbek
- Vietnamese
- Yao
- Yoruba
All 114 surahs in Tagalog: the Qur’an in Tagalog.
Tagalog translation: Dar Al-Salam Center, from Quran.com. Transliteration: Quran.com. Recitation: Mishary Alafasy, from EveryAyah.com. MyDugsi is a learning aid, not a replacement for a qualified teacher.