MyDugsiStart learning

Surah Al-Anbya in Tagalog: translation and audio

Surah 21 · الأنبياء · The Prophets · 112 verses

Surah Al-Anbya verse by verse: the Arabic with a recitation you can repeat, the transliteration, and the Tagalog translation by Dar Al-Salam Center. For the meaning of every word, see Surah Al-Anbya word by word in English.

Verse 1

ٱقْتَرَبَ لِلنَّاسِ حِسَابُهُمْ وَهُمْ فِى غَفْلَةٍ مُّعْرِضُونَ

Transliteration iq'taraba lilnnāsi ḥisābuhum wahum fī ghaflatin muʿ'riḍūna

Tagalog Nalapit para sa mga tao ang pagtutuos sa kanila habang sila ay nasa isang pagkalingat na mga umaayaw.

Verse 2

مَا يَأْتِيهِم مِّن ذِكْرٍ مِّن رَّبِّهِم مُّحْدَثٍ إِلَّا ٱسْتَمَعُوهُ وَهُمْ يَلْعَبُونَ

Transliteration mā yatīhim min dhik'rin min rabbihim muḥ'dathin illā is'tamaʿūhu wahum yalʿabūna

Tagalog Walang pumupunta sa kanila na isang paalaala mula sa Panginoon nila, na bagong ipinababa, malibang nakikinig sila rito habang sila ay naglalaro,

Verse 3

لَاهِيَةً قُلُوبُهُمْ ۗ وَأَسَرُّوا۟ ٱلنَّجْوَى ٱلَّذِينَ ظَلَمُوا۟ هَلْ هَـٰذَآ إِلَّا بَشَرٌ مِّثْلُكُمْ ۖ أَفَتَأْتُونَ ٱلسِّحْرَ وَأَنتُمْ تُبْصِرُونَ

Transliteration lāhiyatan qulūbuhum wa-asarrū l-najwā alladhīna ẓalamū hal hādhā illā basharun mith'lukum afatatūna l-siḥ'ra wa-antum tub'ṣirūna

Tagalog habang nalilibang ang mga puso nila. Naglihim ng pagtatapatan ang mga lumabag sa katarungan: "Ito kaya ay maliban pa sa isang taong tulad ninyo? Kaya pupunta ba kayo sa panggagaway samantalang kayo ay nakikita?"

Verse 4

قَالَ رَبِّى يَعْلَمُ ٱلْقَوْلَ فِى ٱلسَّمَآءِ وَٱلْأَرْضِ ۖ وَهُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلْعَلِيمُ

Transliteration qāla rabbī yaʿlamu l-qawla fī l-samāi wal-arḍi wahuwa l-samīʿu l-ʿalīmu

Tagalog Nagsabi siya: "Ang Panginoon ko ay nakaaalam sa sinasabi sa langit at lupa at Siya ay ang Madinigin, ang Maalam."

Verse 5

بَلْ قَالُوٓا۟ أَضْغَـٰثُ أَحْلَـٰمٍۭ بَلِ ٱفْتَرَىٰهُ بَلْ هُوَ شَاعِرٌ فَلْيَأْتِنَا بِـَٔايَةٍ كَمَآ أُرْسِلَ ٱلْأَوَّلُونَ

Transliteration bal qālū aḍghāthu aḥlāmin bali if'tarāhu bal huwa shāʿirun falyatinā biāyatin kamā ur'sila l-awalūna

Tagalog Bagkus nagsabi sila: "Mga pagkakalahuk-lahok ng maling panaginip [ito]; bagkus ginawa-gawa niya ito; bagkus siya ay isang manunula. Kaya magdala siya sa atin ng isang tanda kung paanong isinugo ang mga sinauna."

Verse 6

مَآ ءَامَنَتْ قَبْلَهُم مِّن قَرْيَةٍ أَهْلَكْنَـٰهَآ ۖ أَفَهُمْ يُؤْمِنُونَ

Transliteration mā āmanat qablahum min qaryatin ahlaknāhā afahum yu'minūna

Tagalog Walang sumampalataya bago nila na isang pamayanan na ipinahamak Namin. Kaya sila ba ay sasampalataya?

Verse 7

وَمَآ أَرْسَلْنَا قَبْلَكَ إِلَّا رِجَالًا نُّوحِىٓ إِلَيْهِمْ ۖ فَسْـَٔلُوٓا۟ أَهْلَ ٱلذِّكْرِ إِن كُنتُمْ لَا تَعْلَمُونَ

Transliteration wamā arsalnā qablaka illā rijālan nūḥī ilayhim fasalū ahla l-dhik'ri in kuntum lā taʿlamūna

Tagalog Hindi Kami nagsugo bago mo kundi ng mga lalaking nagkakasi Kami sa kanila. Kaya magtanong kayo sa mga may paalaala kung kayo ay hindi nakaaalam.

Verse 8

وَمَا جَعَلْنَـٰهُمْ جَسَدًا لَّا يَأْكُلُونَ ٱلطَّعَامَ وَمَا كَانُوا۟ خَـٰلِدِينَ

Transliteration wamā jaʿalnāhum jasadan lā yakulūna l-ṭaʿāma wamā kānū khālidīna

Tagalog Hindi Kami gumawa sa kanila bilang [mga may] katawang hindi kumakain ng pagkain at hindi sila naging mga pinanatiling-buhay.

Verse 9

ثُمَّ صَدَقْنَـٰهُمُ ٱلْوَعْدَ فَأَنجَيْنَـٰهُمْ وَمَن نَّشَآءُ وَأَهْلَكْنَا ٱلْمُسْرِفِينَ

Transliteration thumma ṣadaqnāhumu l-waʿda fa-anjaynāhum waman nashāu wa-ahlaknā l-mus'rifīna

Tagalog Pagkatapos tumupad Kami sa kanila ng pangako, saka nagligtas Kami sa kanila at sa sinumang niloob Namin at nagpahamak Kami sa ang mga nagpapakalabis.

Verse 10

لَقَدْ أَنزَلْنَآ إِلَيْكُمْ كِتَـٰبًا فِيهِ ذِكْرُكُمْ ۖ أَفَلَا تَعْقِلُونَ

Transliteration laqad anzalnā ilaykum kitāban fīhi dhik'rukum afalā taʿqilūna

Tagalog Talaga ngang nagpababa Kami sa inyo ng isang Aklat na narito ang pagbanggit sa inyo. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa?

Verse 11

وَكَمْ قَصَمْنَا مِن قَرْيَةٍ كَانَتْ ظَالِمَةً وَأَنشَأْنَا بَعْدَهَا قَوْمًا ءَاخَرِينَ

Transliteration wakam qaṣamnā min qaryatin kānat ẓālimatan wa-anshanā baʿdahā qawman ākharīna

Tagalog Kay rami ang winasak Namin na pamayanan na ito noon ay tagalabag sa katarungan at pinaluwal Namin matapos nito na mga taong iba pa.

Verse 12

فَلَمَّآ أَحَسُّوا۟ بَأْسَنَآ إِذَا هُم مِّنْهَا يَرْكُضُونَ

Transliteration falammā aḥassū basanā idhā hum min'hā yarkuḍūna

Tagalog Kaya noong nakadama sila ng parusa Namin, biglang sila mula roon ay tumatakas.

Verse 13

لَا تَرْكُضُوا۟ وَٱرْجِعُوٓا۟ إِلَىٰ مَآ أُتْرِفْتُمْ فِيهِ وَمَسَـٰكِنِكُمْ لَعَلَّكُمْ تُسْـَٔلُونَ

Transliteration lā tarkuḍū wa-ir'jiʿū ilā mā ut'rif'tum fīhi wamasākinikum laʿallakum tus'alūna

Tagalog [Sinabi:] "Huwag kayong tumakbo at bumalik kayo sa pinaluho kayo roon at sa mga tirahan ninyo nang sa gayon kayo ay tatanungin."

Verse 14

قَالُوا۟ يَـٰوَيْلَنَآ إِنَّا كُنَّا ظَـٰلِمِينَ

Transliteration qālū yāwaylanā innā kunnā ẓālimīna

Tagalog Magsasabi sila: "O kapighatian sa amin; tunay na kami noon ay mga tagalabag sa katarungan."

Verse 15

فَمَا زَالَت تِّلْكَ دَعْوَىٰهُمْ حَتَّىٰ جَعَلْنَـٰهُمْ حَصِيدًا خَـٰمِدِينَ

Transliteration famā zālat til'ka daʿwāhum ḥattā jaʿalnāhum ḥaṣīdan khāmidīna

Tagalog Saka hindi natigil na iyon ay panawagan nila hanggang sa gumawa Kami sa kanila bilang ginapas na mga nalipol.

Verse 16

وَمَا خَلَقْنَا ٱلسَّمَآءَ وَٱلْأَرْضَ وَمَا بَيْنَهُمَا لَـٰعِبِينَ

Transliteration wamā khalaqnā l-samāa wal-arḍa wamā baynahumā lāʿibīna

Tagalog Hindi Kami lumikha ng langit at lupa at anumang nasa pagitan ng dalawang ito bilang naglalaro.

Verse 17

لَوْ أَرَدْنَآ أَن نَّتَّخِذَ لَهْوًا لَّٱتَّخَذْنَـٰهُ مِن لَّدُنَّآ إِن كُنَّا فَـٰعِلِينَ

Transliteration law aradnā an nattakhidha lahwan la-ittakhadhnāhu min ladunnā in kunnā fāʿilīna

Tagalog Kung sakaling nagnais Kami na gumawa ng isang paglilibang ay talaga sanang gumawa Kami nito mula sa nasa Amin, kung Kami ay gagawa [nito].

Verse 18

بَلْ نَقْذِفُ بِٱلْحَقِّ عَلَى ٱلْبَـٰطِلِ فَيَدْمَغُهُۥ فَإِذَا هُوَ زَاهِقٌ ۚ وَلَكُمُ ٱلْوَيْلُ مِمَّا تَصِفُونَ

Transliteration bal naqdhifu bil-ḥaqi ʿalā l-bāṭili fayadmaghuhu fa-idhā huwa zāhiqun walakumu l-waylu mimmā taṣifūna

Tagalog Bagkus nagbabalibag Kami ng katotohanan sa kabulaanan kaya dumudurog ito niyon saka biglaang iyon ay pumaparam. Ukol sa inyo ang kapighatian mula sa inilalarawan ninyo.

Verse 19

وَلَهُۥ مَن فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ ۚ وَمَنْ عِندَهُۥ لَا يَسْتَكْبِرُونَ عَنْ عِبَادَتِهِۦ وَلَا يَسْتَحْسِرُونَ

Transliteration walahu man fī l-samāwāti wal-arḍi waman ʿindahu lā yastakbirūna ʿan ʿibādatihi walā yastaḥsirūna

Tagalog Sa Kanya ang sinumang nasa mga langit at lupa. Ang mga nasa piling Niya ay hindi nagmamalaki palayo sa pagsamba sa Kanya at hindi sila napapagal.

Verse 20

يُسَبِّحُونَ ٱلَّيْلَ وَٱلنَّهَارَ لَا يَفْتُرُونَ

Transliteration yusabbiḥūna al-layla wal-nahāra lā yafturūna

Tagalog Nagluluwalhati sila sa araw at gabi; hindi sila nananamlay.

Verse 21

أَمِ ٱتَّخَذُوٓا۟ ءَالِهَةً مِّنَ ٱلْأَرْضِ هُمْ يُنشِرُونَ

Transliteration ami ittakhadhū ālihatan mina l-arḍi hum yunshirūna

Tagalog O gumawa ba sila ng mga diyos mula sa lupa, na ang mga ito ay nagpapabuhay [ng mga patay]?

Verse 22

لَوْ كَانَ فِيهِمَآ ءَالِهَةٌ إِلَّا ٱللَّهُ لَفَسَدَتَا ۚ فَسُبْحَـٰنَ ٱللَّهِ رَبِّ ٱلْعَرْشِ عَمَّا يَصِفُونَ

Transliteration law kāna fīhimā ālihatun illā l-lahu lafasadatā fasub'ḥāna l-lahi rabbi l-ʿarshi ʿammā yaṣifūna

Tagalog Kung sakaling sa mga [langit at lupa na] ito ay may mga diyos maliban kay Allāh, talaga sanang nasira ang mga ito. Kaya kaluwalhatian kay Allāh, ang Panginoon ng Trono, higit sa mga inilalarawan nila.

Verse 23

لَا يُسْـَٔلُ عَمَّا يَفْعَلُ وَهُمْ يُسْـَٔلُونَ

Transliteration lā yus'alu ʿammā yafʿalu wahum yus'alūna

Tagalog Hindi Siya tinatanong tungkol sa anumang ginagawa Niya samantalang sila ay tatanungin.

Verse 24

أَمِ ٱتَّخَذُوا۟ مِن دُونِهِۦٓ ءَالِهَةً ۖ قُلْ هَاتُوا۟ بُرْهَـٰنَكُمْ ۖ هَـٰذَا ذِكْرُ مَن مَّعِىَ وَذِكْرُ مَن قَبْلِى ۗ بَلْ أَكْثَرُهُمْ لَا يَعْلَمُونَ ٱلْحَقَّ ۖ فَهُم مُّعْرِضُونَ

Transliteration ami ittakhadhū min dūnihi ālihatan qul hātū bur'hānakum hādhā dhik'ru man maʿiya wadhik'ru man qablī bal aktharuhum lā yaʿlamūna l-ḥaqa fahum muʿ'riḍūna

Tagalog O gumawa ba sila sa bukod pa sa Kanya ng mga diyos? Sabihin mo: "Magbigay kayo ng patunay ninyo." Ito ay paalaala sa sinumang kasama sa akin at paalaala sa sinumang bago ko pa. Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam sa katotohanan, kaya sila ay mga tagaayaw."

Verse 25

وَمَآ أَرْسَلْنَا مِن قَبْلِكَ مِن رَّسُولٍ إِلَّا نُوحِىٓ إِلَيْهِ أَنَّهُۥ لَآ إِلَـٰهَ إِلَّآ أَنَا۠ فَٱعْبُدُونِ

Transliteration wamā arsalnā min qablika min rasūlin illā nūḥī ilayhi annahu lā ilāha illā anā fa-uʿ'budūni

Tagalog Hindi Kami nagsugo bago mo pa ng anumang sugo malibang nagkakasi Kami sa kanya na walang Diyos kundi Ako kaya sumamba kayo sa Akin.

Verse 26

وَقَالُوا۟ ٱتَّخَذَ ٱلرَّحْمَـٰنُ وَلَدًا ۗ سُبْحَـٰنَهُۥ ۚ بَلْ عِبَادٌ مُّكْرَمُونَ

Transliteration waqālū ittakhadha l-raḥmānu waladan sub'ḥānahu bal ʿibādun muk'ramūna

Tagalog Nagsabi sila: "Gumawa ang Napakamaawain ng anak." Kaluwalhatian sa Kanya; bagkus mga lingkod na pinarangalan [sila].

Verse 27

لَا يَسْبِقُونَهُۥ بِٱلْقَوْلِ وَهُم بِأَمْرِهِۦ يَعْمَلُونَ

Transliteration lā yasbiqūnahu bil-qawli wahum bi-amrihi yaʿmalūna

Tagalog Hindi sila nakauuna sa Kanya sa pagsabi samantalang sila sa utos Niya ay gumagawa.

Verse 28

يَعْلَمُ مَا بَيْنَ أَيْدِيهِمْ وَمَا خَلْفَهُمْ وَلَا يَشْفَعُونَ إِلَّا لِمَنِ ٱرْتَضَىٰ وَهُم مِّنْ خَشْيَتِهِۦ مُشْفِقُونَ

Transliteration yaʿlamu mā bayna aydīhim wamā khalfahum walā yashfaʿūna illā limani ir'taḍā wahum min khashyatihi mush'fiqūna

Tagalog Nakaaalam Siya sa anumang nasa pagitan ng mga kamay nila at anumang nasa likuran nila. Hindi sila nakapamamagitan maliban para sa sinumang kinalugdan Niya. Sila, dahil sa takot sa Kanya, ay mga nababagabag.

Verse 29

۞ وَمَن يَقُلْ مِنْهُمْ إِنِّىٓ إِلَـٰهٌ مِّن دُونِهِۦ فَذَٰلِكَ نَجْزِيهِ جَهَنَّمَ ۚ كَذَٰلِكَ نَجْزِى ٱلظَّـٰلِمِينَ

Transliteration waman yaqul min'hum innī ilāhun min dūnihi fadhālika najzīhi jahannama kadhālika najzī l-ẓālimīna

Tagalog Ang sinumang nagsasabi kabilang sa kanila: "Tunay na ako ay diyos bukod pa sa Kanya," iyon ay gagantihan Namin ng Impiyerno. Gayon Kami gaganti sa mga tagalabag sa katarungan.

Verse 30

أَوَلَمْ يَرَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓا۟ أَنَّ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضَ كَانَتَا رَتْقًا فَفَتَقْنَـٰهُمَا ۖ وَجَعَلْنَا مِنَ ٱلْمَآءِ كُلَّ شَىْءٍ حَىٍّ ۖ أَفَلَا يُؤْمِنُونَ

Transliteration awalam yara alladhīna kafarū anna l-samāwāti wal-arḍa kānatā ratqan fafataqnāhumā wajaʿalnā mina l-māi kulla shayin ḥayyin afalā yu'minūna

Tagalog Hindi ba nakaalam ang mga tumangging sumampalataya na ang mga langit at ang lupa dati ay magkasanib, saka nagpawatak-watak Kami sa mga ito? Gumawa Kami mula sa tubig ng bawat bagay na buhay. Kaya hindi ba sila sumasampalataya?

Verse 31

وَجَعَلْنَا فِى ٱلْأَرْضِ رَوَٰسِىَ أَن تَمِيدَ بِهِمْ وَجَعَلْنَا فِيهَا فِجَاجًا سُبُلًا لَّعَلَّهُمْ يَهْتَدُونَ

Transliteration wajaʿalnā fī l-arḍi rawāsiya an tamīda bihim wajaʿalnā fīhā fijājan subulan laʿallahum yahtadūna

Tagalog Gumawa Kami sa lupa ng mga matatag na bundok upang [hindi] gumalaw-galaw ang mga ito sa kanila at gumawa Kami rito ng mga daanang maluwang bilang mga landas nang sa gayon sila ay mapapatnubayan.

Verse 32

وَجَعَلْنَا ٱلسَّمَآءَ سَقْفًا مَّحْفُوظًا ۖ وَهُمْ عَنْ ءَايَـٰتِهَا مُعْرِضُونَ

Transliteration wajaʿalnā l-samāa saqfan maḥfūẓan wahum ʿan āyātihā muʿ'riḍūna

Tagalog Gumawa Kami ng langit bilang bubong na pinangangalagaan, samantalang sila, sa mga tanda nito, ay mga tagaayaw.

Verse 33

وَهُوَ ٱلَّذِى خَلَقَ ٱلَّيْلَ وَٱلنَّهَارَ وَٱلشَّمْسَ وَٱلْقَمَرَ ۖ كُلٌّ فِى فَلَكٍ يَسْبَحُونَ

Transliteration wahuwa alladhī khalaqa al-layla wal-nahāra wal-shamsa wal-qamara kullun fī falakin yasbaḥūna

Tagalog Siya ay ang lumikha ng gabi at maghapon at ng araw at buwan; lahat sa isang ligiran ay lumalangoy.

Verse 34

وَمَا جَعَلْنَا لِبَشَرٍ مِّن قَبْلِكَ ٱلْخُلْدَ ۖ أَفَإِي۟ن مِّتَّ فَهُمُ ٱلْخَـٰلِدُونَ

Transliteration wamā jaʿalnā libasharin min qablika l-khul'da afa-in mitta fahumu l-khālidūna

Tagalog Hindi Kami gumawa para sa isang tao bago mo pa ng kawalang-hanggan. Kaya ba kung namatay ka, sila ay ang mga mananatili?

Verse 35

كُلُّ نَفْسٍ ذَآئِقَةُ ٱلْمَوْتِ ۗ وَنَبْلُوكُم بِٱلشَّرِّ وَٱلْخَيْرِ فِتْنَةً ۖ وَإِلَيْنَا تُرْجَعُونَ

Transliteration kullu nafsin dhāiqatu l-mawti wanablūkum bil-shari wal-khayri fit'natan wa-ilaynā tur'jaʿūna

Tagalog Bawat kaluluwa ay lalasap ng kamatayan. Susubok Kami sa inyo sa pamamagitan ng kasamaan at kabutihan bilang tukso. Tungo sa Amin pababalikin kayo.

Verse 36

وَإِذَا رَءَاكَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓا۟ إِن يَتَّخِذُونَكَ إِلَّا هُزُوًا أَهَـٰذَا ٱلَّذِى يَذْكُرُ ءَالِهَتَكُمْ وَهُم بِذِكْرِ ٱلرَّحْمَـٰنِ هُمْ كَـٰفِرُونَ

Transliteration wa-idhā raāka alladhīna kafarū in yattakhidhūnaka illā huzuwan ahādhā alladhī yadhkuru ālihatakum wahum bidhik'ri l-raḥmāni hum kāfirūna

Tagalog Kapag nakita ka ng mga tumangging sumampalataya ay wala silang ginagawa sa iyo kundi isang pangungutya, [na nagsasabi]: "Ito ba ang bumabanggit sa mga diyos ninyo?" samantalang sila, sa pagbanggit sa Napakamaawain, sila ay mga tagatangging sumampalataya.

Verse 37

خُلِقَ ٱلْإِنسَـٰنُ مِنْ عَجَلٍ ۚ سَأُو۟رِيكُمْ ءَايَـٰتِى فَلَا تَسْتَعْجِلُونِ

Transliteration khuliqa l-insānu min ʿajalin sa-urīkum āyātī falā tastaʿjilūni

Tagalog Nilikha ang tao mula sa isang pagmamadali. Magpapakita Ako sa inyo ng mga tanda Ko kaya huwag kayong magmadali sa Akin.

Verse 38

وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَـٰذَا ٱلْوَعْدُ إِن كُنتُمْ صَـٰدِقِينَ

Transliteration wayaqūlūna matā hādhā l-waʿdu in kuntum ṣādiqīna

Tagalog Nagsasabi sila: "Kailan ang pangakong ito kung kayo ay mga tapat?"

Verse 39

لَوْ يَعْلَمُ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ حِينَ لَا يَكُفُّونَ عَن وُجُوهِهِمُ ٱلنَّارَ وَلَا عَن ظُهُورِهِمْ وَلَا هُمْ يُنصَرُونَ

Transliteration law yaʿlamu alladhīna kafarū ḥīna lā yakuffūna ʿan wujūhihimu l-nāra walā ʿan ẓuhūrihim walā hum yunṣarūna

Tagalog Kung sakaling nakaaalam ang mga tumangging sumampalataya kapag hindi sila nakapipigil palayo sa mga mukha nila ng apoy ni palayo sa mga likod nila at sila ay hindi maiaadya.

Verse 40

بَلْ تَأْتِيهِم بَغْتَةً فَتَبْهَتُهُمْ فَلَا يَسْتَطِيعُونَ رَدَّهَا وَلَا هُمْ يُنظَرُونَ

Transliteration bal tatīhim baghtatan fatabhatuhum falā yastaṭīʿūna raddahā walā hum yunẓarūna

Tagalog Bagkus pupunta ito sa kanila nang biglaan at gugulantang ito sa kanila kaya hindi sila makakakaya sa pagtataboy nito at hindi sila palulugitan.

Verse 41

وَلَقَدِ ٱسْتُهْزِئَ بِرُسُلٍ مِّن قَبْلِكَ فَحَاقَ بِٱلَّذِينَ سَخِرُوا۟ مِنْهُم مَّا كَانُوا۟ بِهِۦ يَسْتَهْزِءُونَ

Transliteration walaqadi us'tuh'zi-a birusulin min qablika faḥāqa bi-alladhīna sakhirū min'hum mā kānū bihi yastahziūna

Tagalog Talaga ngang nangutya sa mga sugo bago mo pa, kaya pumaligid sa mga nanuya kabilang sa kanila ang dati nilang kinukutya.

Verse 42

قُلْ مَن يَكْلَؤُكُم بِٱلَّيْلِ وَٱلنَّهَارِ مِنَ ٱلرَّحْمَـٰنِ ۗ بَلْ هُمْ عَن ذِكْرِ رَبِّهِم مُّعْرِضُونَ

Transliteration qul man yakla-ukum bi-al-layli wal-nahāri mina l-raḥmāni bal hum ʿan dhik'ri rabbihim muʿ'riḍūna

Tagalog Sabihin mo: "Sino ang kakandili sa inyo sa gabi at maghapon laban sa Napakamaawain?" Bagkus sila, sa pag-aalaala sa Panginoon nila, ay mga tagaayaw.

Verse 43

أَمْ لَهُمْ ءَالِهَةٌ تَمْنَعُهُم مِّن دُونِنَا ۚ لَا يَسْتَطِيعُونَ نَصْرَ أَنفُسِهِمْ وَلَا هُم مِّنَّا يُصْحَبُونَ

Transliteration am lahum ālihatun tamnaʿuhum min dūninā lā yastaṭīʿūna naṣra anfusihim walā hum minnā yuṣ'ḥabūna

Tagalog O mayroon silang mga diyos na nagtatanggol sa kanila bukod pa sa Amin? Hindi sila nakakakaya sa pag-adya sa mga sarili nila at hindi sila laban sa Amin maipagsasanggalang.

Verse 44

بَلْ مَتَّعْنَا هَـٰٓؤُلَآءِ وَءَابَآءَهُمْ حَتَّىٰ طَالَ عَلَيْهِمُ ٱلْعُمُرُ ۗ أَفَلَا يَرَوْنَ أَنَّا نَأْتِى ٱلْأَرْضَ نَنقُصُهَا مِنْ أَطْرَافِهَآ ۚ أَفَهُمُ ٱلْغَـٰلِبُونَ

Transliteration bal mattaʿnā hāulāi waābāahum ḥattā ṭāla ʿalayhimu l-ʿumuru afalā yarawna annā natī l-arḍa nanquṣuhā min aṭrāfihā afahumu l-ghālibūna

Tagalog Bagkus nagpaginhawa Kami sa mga ito at sa mga magulang nila hanggang sa humaba sa kanila ang buhay. Kaya hindi ba sila nakaaalam na Kami ay pumupunta sa lupa, na nagbabawas rito mula sa mga gilid nito? Kaya sila ba ang mga tagapanaig?"

Verse 45

قُلْ إِنَّمَآ أُنذِرُكُم بِٱلْوَحْىِ ۚ وَلَا يَسْمَعُ ٱلصُّمُّ ٱلدُّعَآءَ إِذَا مَا يُنذَرُونَ

Transliteration qul innamā undhirukum bil-waḥyi walā yasmaʿu l-ṣumu l-duʿāa idhā mā yundharūna

Tagalog Sabihin mo: "Nagbibigay-babala lamang ako sa inyo sa pamamagitang ng pagkakasi." Hindi nakaririnig ang mga bingi ng panalangin kapag binigyang-babala sila."

Verse 46

وَلَئِن مَّسَّتْهُمْ نَفْحَةٌ مِّنْ عَذَابِ رَبِّكَ لَيَقُولُنَّ يَـٰوَيْلَنَآ إِنَّا كُنَّا ظَـٰلِمِينَ

Transliteration wala-in massathum nafḥatun min ʿadhābi rabbika layaqūlunna yāwaylanā innā kunnā ẓālimīna

Tagalog Talagang kung may sumaling sa kanila na isang singaw mula sa pagdurusang dulot ng Panginoon mo ay talagang magsasabi nga sila: "O kapighatian sa amin! Tunay na kami dati ay mga tagalabag sa katarungan."

Verse 47

وَنَضَعُ ٱلْمَوَٰزِينَ ٱلْقِسْطَ لِيَوْمِ ٱلْقِيَـٰمَةِ فَلَا تُظْلَمُ نَفْسٌ شَيْـًٔا ۖ وَإِن كَانَ مِثْقَالَ حَبَّةٍ مِّنْ خَرْدَلٍ أَتَيْنَا بِهَا ۗ وَكَفَىٰ بِنَا حَـٰسِبِينَ

Transliteration wanaḍaʿu l-mawāzīna l-qis'ṭa liyawmi l-qiyāmati falā tuẓ'lamu nafsun shayan wa-in kāna mith'qāla ḥabbatin min khardalin ataynā bihā wakafā binā ḥāsibīna

Tagalog Maglalagay Kami ng mga timbangang pangmakatarungan para sa Araw ng Pagbangon, kaya hindi lalabagin sa katarungan ang isang kaluluwa sa anuman. Kung ito man ay kasimbigat ng buto ng mustasa ay magtatanghal Kami nito. Nakasapat na Kami bilang Tagapagtuos.

Verse 48

وَلَقَدْ ءَاتَيْنَا مُوسَىٰ وَهَـٰرُونَ ٱلْفُرْقَانَ وَضِيَآءً وَذِكْرًا لِّلْمُتَّقِينَ

Transliteration walaqad ātaynā mūsā wahārūna l-fur'qāna waḍiyāan wadhik'ran lil'muttaqīna

Tagalog Talaga ngang nagbigay Kami kina Moises at Aaron ng Pamantayan, isang tanglaw, at isang paalaala para sa mga tagapangilag magkasala,

Verse 49

ٱلَّذِينَ يَخْشَوْنَ رَبَّهُم بِٱلْغَيْبِ وَهُم مِّنَ ٱلسَّاعَةِ مُشْفِقُونَ

Transliteration alladhīna yakhshawna rabbahum bil-ghaybi wahum mina l-sāʿati mush'fiqūna

Tagalog na natatakot sa Panginoon nila sa lingid at sila sa Huling Sandali ay mga nababagabag.

Verse 50

وَهَـٰذَا ذِكْرٌ مُّبَارَكٌ أَنزَلْنَـٰهُ ۚ أَفَأَنتُمْ لَهُۥ مُنكِرُونَ

Transliteration wahādhā dhik'run mubārakun anzalnāhu afa-antum lahu munkirūna

Tagalog Ito ay isang paalaalang pinagpala na ibinaba Namin. Kaya kayo ba rito ay mga tagapagkaila?

Verse 51

۞ وَلَقَدْ ءَاتَيْنَآ إِبْرَٰهِيمَ رُشْدَهُۥ مِن قَبْلُ وَكُنَّا بِهِۦ عَـٰلِمِينَ

Transliteration walaqad ātaynā ib'rāhīma rush'dahu min qablu wakunnā bihi ʿālimīna

Tagalog Talaga ngang nagbigay Kami kay Abraham ng pagkagabay niya bago pa niyan. Laging Kami sa kanya ay nakaaalam.

Verse 52

إِذْ قَالَ لِأَبِيهِ وَقَوْمِهِۦ مَا هَـٰذِهِ ٱلتَّمَاثِيلُ ٱلَّتِىٓ أَنتُمْ لَهَا عَـٰكِفُونَ

Transliteration idh qāla li-abīhi waqawmihi mā hādhihi l-tamāthīlu allatī antum lahā ʿākifūna

Tagalog [Banggitin] noong nagsabi siya sa ama niya at mga kababayan niya: "Ano ang mga istatuwang ito na kayo sa mga ito ay mga namimintuho?"

Verse 53

قَالُوا۟ وَجَدْنَآ ءَابَآءَنَا لَهَا عَـٰبِدِينَ

Transliteration qālū wajadnā ābāanā lahā ʿābidīna

Tagalog Nagsabi sila: "Nakatagpo Kami sa mga magulang namin na sa mga ito ay mga tagasamba."

Verse 54

قَالَ لَقَدْ كُنتُمْ أَنتُمْ وَءَابَآؤُكُمْ فِى ضَلَـٰلٍ مُّبِينٍ

Transliteration qāla laqad kuntum antum waābāukum fī ḍalālin mubīnin

Tagalog Nagsabi siya: "Talaga ngang kayo at ang mga ninuno ninyo ay nasa isang pagkaligaw na malinaw."

Verse 55

قَالُوٓا۟ أَجِئْتَنَا بِٱلْحَقِّ أَمْ أَنتَ مِنَ ٱللَّـٰعِبِينَ

Transliteration qālū aji'tanā bil-ḥaqi am anta mina l-lāʿibīna

Tagalog Nagsabi sila: "Naghatid ka ba sa amin ng katotohanan o ikaw ay kabilang sa mga tagapaglaro?"

Verse 56

قَالَ بَل رَّبُّكُمْ رَبُّ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ ٱلَّذِى فَطَرَهُنَّ وَأَنَا۠ عَلَىٰ ذَٰلِكُم مِّنَ ٱلشَّـٰهِدِينَ

Transliteration qāla bal rabbukum rabbu l-samāwāti wal-arḍi alladhī faṭarahunna wa-anā ʿalā dhālikum mina l-shāhidīna

Tagalog Nagsabi siya: "Bagkus ang Panginoon ninyo ay ang Panginoon ng mga langit at lupa, na lumalang sa mga ito, at ako ayon doon ay kabilang sa mga tagasaksi.

Verse 57

وَتَٱللَّهِ لَأَكِيدَنَّ أَصْنَـٰمَكُم بَعْدَ أَن تُوَلُّوا۟ مُدْبِرِينَ

Transliteration watal-lahi la-akīdanna aṣnāmakum baʿda an tuwallū mud'birīna

Tagalog Sumpa man kay Allāh, talagang magpapakana nga ako laban sa mga anito ninyo matapos na tumalikod kayo na mga lumilisan."

Verse 58

فَجَعَلَهُمْ جُذَٰذًا إِلَّا كَبِيرًا لَّهُمْ لَعَلَّهُمْ إِلَيْهِ يَرْجِعُونَ

Transliteration fajaʿalahum judhādhan illā kabīran lahum laʿallahum ilayhi yarjiʿūna

Tagalog Kaya gumawa siya sa mga ito na mga pira-piraso maliban sa isang malaki para sa mga ito nang sa gayon sila tungo rito ay babalik.

Verse 59

قَالُوا۟ مَن فَعَلَ هَـٰذَا بِـَٔالِهَتِنَآ إِنَّهُۥ لَمِنَ ٱلظَّـٰلِمِينَ

Transliteration qālū man faʿala hādhā biālihatinā innahu lamina l-ẓālimīna

Tagalog Nagsabi sila: "Sino ang gumawa nito sa mga diyos natin? Tunay na siya ay talagang kabilang sa mga tagalabag sa katarungan."

Verse 60

قَالُوا۟ سَمِعْنَا فَتًى يَذْكُرُهُمْ يُقَالُ لَهُۥٓ إِبْرَٰهِيمُ

Transliteration qālū samiʿ'nā fatan yadhkuruhum yuqālu lahu ib'rāhīmu

Tagalog Nagsabi sila: "Nakarinig kami ng isang binatang bumabanggit sa kanila, na sinasabi siyang si Abraham."

Verse 61

قَالُوا۟ فَأْتُوا۟ بِهِۦ عَلَىٰٓ أَعْيُنِ ٱلنَّاسِ لَعَلَّهُمْ يَشْهَدُونَ

Transliteration qālū fatū bihi ʿalā aʿyuni l-nāsi laʿallahum yashhadūna

Tagalog Nagsabi sila: "Kaya magdala kayo sa kanya sa mga mata ng mga tao nang sa gayon sila ay sasaksi."

Verse 62

قَالُوٓا۟ ءَأَنتَ فَعَلْتَ هَـٰذَا بِـَٔالِهَتِنَا يَـٰٓإِبْرَٰهِيمُ

Transliteration qālū a-anta faʿalta hādhā biālihatinā yāib'rāhīmu

Tagalog Nagsabi sila: "Ikaw ba ay gumawa nito sa mga diyos namin, o Abraham?"

Verse 63

قَالَ بَلْ فَعَلَهُۥ كَبِيرُهُمْ هَـٰذَا فَسْـَٔلُوهُمْ إِن كَانُوا۟ يَنطِقُونَ

Transliteration qāla bal faʿalahu kabīruhum hādhā fasalūhum in kānū yanṭiqūna

Tagalog Nagsabi siya: "Bagkus ginawa iyan ng malaki nilang ito kaya magtanong kayo sa kanila kung sila ay nakabibigkas."

Verse 64

فَرَجَعُوٓا۟ إِلَىٰٓ أَنفُسِهِمْ فَقَالُوٓا۟ إِنَّكُمْ أَنتُمُ ٱلظَّـٰلِمُونَ

Transliteration farajaʿū ilā anfusihim faqālū innakum antumu l-ẓālimūna

Tagalog Kaya bumalik sila sa mga sarili nila saka nagsabi sila: "Tunay na kayo ay ang mga tagalabag sa katarungan."

Verse 65

ثُمَّ نُكِسُوا۟ عَلَىٰ رُءُوسِهِمْ لَقَدْ عَلِمْتَ مَا هَـٰٓؤُلَآءِ يَنطِقُونَ

Transliteration thumma nukisū ʿalā ruūsihim laqad ʿalim'ta mā hāulāi yanṭiqūna

Tagalog Pagkatapos nanumbalik sila sa [katigasan ng] mga ulo nila, [na nagsasabi]: "Talaga ngang nalaman mong ang mga ito ay hindi nakabibigkas."

Verse 66

قَالَ أَفَتَعْبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ مَا لَا يَنفَعُكُمْ شَيْـًٔا وَلَا يَضُرُّكُمْ

Transliteration qāla afataʿbudūna min dūni l-lahi mā lā yanfaʿukum shayan walā yaḍurrukum

Tagalog Nagsabi siya: "Kaya sumasamba ba kayo sa bukod pa kay Allāh, na hindi nagpapakinabang sa inyo ng anuman at hindi nakapipinsala sa inyo?

Verse 67

أُفٍّ لَّكُمْ وَلِمَا تَعْبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ ۖ أَفَلَا تَعْقِلُونَ

Transliteration uffin lakum walimā taʿbudūna min dūni l-lahi afalā taʿqilūna

Tagalog Pagkasuya ay sa inyo at ukol sa anumang sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh! Kaya ba hindi kayo nakapag-uunawa?"

Verse 68

قَالُوا۟ حَرِّقُوهُ وَٱنصُرُوٓا۟ ءَالِهَتَكُمْ إِن كُنتُمْ فَـٰعِلِينَ

Transliteration qālū ḥarriqūhu wa-unṣurū ālihatakum in kuntum fāʿilīna

Tagalog Nagsabi sila: "Sunugin ninyo siya at iadya ninyo ang mga diyos ninyo kung kayo ay mga gagawa."

Verse 69

قُلْنَا يَـٰنَارُ كُونِى بَرْدًا وَسَلَـٰمًا عَلَىٰٓ إِبْرَٰهِيمَ

Transliteration qul'nā yānāru kūnī bardan wasalāman ʿalā ib'rāhīma

Tagalog Nagsabi Kami: "O apoy, maging kalamigan at kaligtasan ka kay Abraham."

Verse 70

وَأَرَادُوا۟ بِهِۦ كَيْدًا فَجَعَلْنَـٰهُمُ ٱلْأَخْسَرِينَ

Transliteration wa-arādū bihi kaydan fajaʿalnāhumu l-akhsarīna

Tagalog Nagnais sila sa kanya ng isang pakana ngunit ginawa Namin silang ang mga pinakalugi.

Verse 71

وَنَجَّيْنَـٰهُ وَلُوطًا إِلَى ٱلْأَرْضِ ٱلَّتِى بَـٰرَكْنَا فِيهَا لِلْعَـٰلَمِينَ

Transliteration wanajjaynāhu walūṭan ilā l-arḍi allatī bāraknā fīhā lil'ʿālamīna

Tagalog Nagligtas Kami sa kanya at kay Lot tungo sa lupaing nagpala Kami roon para sa mga nilalang.

Verse 72

وَوَهَبْنَا لَهُۥٓ إِسْحَـٰقَ وَيَعْقُوبَ نَافِلَةً ۖ وَكُلًّا جَعَلْنَا صَـٰلِحِينَ

Transliteration wawahabnā lahu is'ḥāqa wayaʿqūba nāfilatan wakullan jaʿalnā ṣāliḥīna

Tagalog Nagkaloob Kami para sa kanya kina Isaac at Jacob bilang dagdag. Bawat isa ay ginawa Naming mga maayos.

Verse 73

وَجَعَلْنَـٰهُمْ أَئِمَّةً يَهْدُونَ بِأَمْرِنَا وَأَوْحَيْنَآ إِلَيْهِمْ فِعْلَ ٱلْخَيْرَٰتِ وَإِقَامَ ٱلصَّلَوٰةِ وَإِيتَآءَ ٱلزَّكَوٰةِ ۖ وَكَانُوا۟ لَنَا عَـٰبِدِينَ

Transliteration wajaʿalnāhum a-immatan yahdūna bi-amrinā wa-awḥaynā ilayhim fiʿ'la l-khayrāti wa-iqāma l-ṣalati waītāa l-zakati wakānū lanā ʿābidīna

Tagalog Gumawa Kami sa kanila bilang mga tagapanguna na pumapatnubay sa pamamagitan ng utos Namin. Nagkasi Kami sa kanila ng paggawa ng mga kabutihan, pagpapanatili ng dasal, at pagbibigay ng zakāh. Laging sila sa Amin ay mga tagasamba.

Verse 74

وَلُوطًا ءَاتَيْنَـٰهُ حُكْمًا وَعِلْمًا وَنَجَّيْنَـٰهُ مِنَ ٱلْقَرْيَةِ ٱلَّتِى كَانَت تَّعْمَلُ ٱلْخَبَـٰٓئِثَ ۗ إِنَّهُمْ كَانُوا۟ قَوْمَ سَوْءٍ فَـٰسِقِينَ

Transliteration walūṭan ātaynāhu ḥuk'man waʿil'man wanajjaynāhu mina l-qaryati allatī kānat taʿmalu l-khabāitha innahum kānū qawma sawin fāsiqīna

Tagalog Kay Lot ay nagbigay Kami ng isang paghahatol at isang kaalaman at nagligtas Kami sa kanya mula sa pamayanang gumagawa dati ng mga karima-rimarim. Tunay na sila noon ay mga tao ng kasagwaan, na mga suwail.

Verse 75

وَأَدْخَلْنَـٰهُ فِى رَحْمَتِنَآ ۖ إِنَّهُۥ مِنَ ٱلصَّـٰلِحِينَ

Transliteration wa-adkhalnāhu fī raḥmatinā innahu mina l-ṣāliḥīna

Tagalog Nagpapasok Kami sa kanya sa awa Namin. Tunay na siya ay kabilang sa mga maayos.

Verse 76

وَنُوحًا إِذْ نَادَىٰ مِن قَبْلُ فَٱسْتَجَبْنَا لَهُۥ فَنَجَّيْنَـٰهُ وَأَهْلَهُۥ مِنَ ٱلْكَرْبِ ٱلْعَظِيمِ

Transliteration wanūḥan idh nādā min qablu fa-is'tajabnā lahu fanajjaynāhu wa-ahlahu mina l-karbi l-ʿaẓīmi

Tagalog [Banggitin mo] si Noe noong nanawagan siya bago pa niyan kaya tumugon Kami sa kanya saka nagligtas Kami sa kanya at sa mag-anak niya mula sa dalamhating sukdulan.

Verse 77

وَنَصَرْنَـٰهُ مِنَ ٱلْقَوْمِ ٱلَّذِينَ كَذَّبُوا۟ بِـَٔايَـٰتِنَآ ۚ إِنَّهُمْ كَانُوا۟ قَوْمَ سَوْءٍ فَأَغْرَقْنَـٰهُمْ أَجْمَعِينَ

Transliteration wanaṣarnāhu mina l-qawmi alladhīna kadhabū biāyātinā innahum kānū qawma sawin fa-aghraqnāhum ajmaʿīna

Tagalog Nag-adya Kami sa kanya mula sa mga taong nagpasinungaling sa mga tanda Namin. Tunay na sila noon ay mga tao ng kasagwaan kaya lumunod Kami sa kanila nang magkakasama.

Verse 78

وَدَاوُۥدَ وَسُلَيْمَـٰنَ إِذْ يَحْكُمَانِ فِى ٱلْحَرْثِ إِذْ نَفَشَتْ فِيهِ غَنَمُ ٱلْقَوْمِ وَكُنَّا لِحُكْمِهِمْ شَـٰهِدِينَ

Transliteration wadāwūda wasulaymāna idh yaḥkumāni fī l-ḥarthi idh nafashat fīhi ghanamu l-qawmi wakunnā liḥuk'mihim shāhidīna

Tagalog [Banggitin mo] sina David at Solomon noong humahatol silang dalawa kaugnay sa sakahan noong naglipana roon ang mga tupa ng mga tao [sa gabi] at laging Kami para sa paghahatol nila ay tagasaksi.

Verse 79

فَفَهَّمْنَـٰهَا سُلَيْمَـٰنَ ۚ وَكُلًّا ءَاتَيْنَا حُكْمًا وَعِلْمًا ۚ وَسَخَّرْنَا مَعَ دَاوُۥدَ ٱلْجِبَالَ يُسَبِّحْنَ وَٱلطَّيْرَ ۚ وَكُنَّا فَـٰعِلِينَ

Transliteration fafahhamnāhā sulaymāna wakullan ātaynā ḥuk'man waʿil'man wasakharnā maʿa dāwūda l-jibāla yusabbiḥ'na wal-ṭayra wakunnā fāʿilīna

Tagalog Nagpaintindi Kami nito kay Solomon. Sa bawat isa ay nagbigay Kami ng isang paghahatol at isang kaalaman. Pinagsilbi Namin kasama kay David ang mga bundok, na nagluluwalhati, at ang mga ibon. Kami dati ay gumagawa [niyon].

Verse 80

وَعَلَّمْنَـٰهُ صَنْعَةَ لَبُوسٍ لَّكُمْ لِتُحْصِنَكُم مِّنۢ بَأْسِكُمْ ۖ فَهَلْ أَنتُمْ شَـٰكِرُونَ

Transliteration waʿallamnāhu ṣanʿata labūsin lakum lituḥ'ṣinakum min basikum fahal antum shākirūna

Tagalog Nagturo Kami sa kanya ng pagyari ng mga kutamaya para sa inyo upang magsanggalang sa inyo laban sa digmaan ninyo, kaya kayo kaya ay mga tagapagpasalamat?

Verse 81

وَلِسُلَيْمَـٰنَ ٱلرِّيحَ عَاصِفَةً تَجْرِى بِأَمْرِهِۦٓ إِلَى ٱلْأَرْضِ ٱلَّتِى بَـٰرَكْنَا فِيهَا ۚ وَكُنَّا بِكُلِّ شَىْءٍ عَـٰلِمِينَ

Transliteration walisulaymāna l-rīḥa ʿāṣifatan tajrī bi-amrihi ilā l-arḍi allatī bāraknā fīhā wakunnā bikulli shayin ʿālimīna

Tagalog [Pinaglingkod] para kay Solomon ang hangin habang umiihip, na dumadaloy ayon sa utos niya tungo sa lupaing nagpala Kami roon. Laging Kami sa bawat bagay ay nakaaalam.

Verse 82

وَمِنَ ٱلشَّيَـٰطِينِ مَن يَغُوصُونَ لَهُۥ وَيَعْمَلُونَ عَمَلًا دُونَ ذَٰلِكَ ۖ وَكُنَّا لَهُمْ حَـٰفِظِينَ

Transliteration wamina l-shayāṭīni man yaghūṣūna lahu wayaʿmalūna ʿamalan dūna dhālika wakunnā lahum ḥāfiẓīna

Tagalog Mayroon sa mga demonyo na sumisisid para sa kanya at gumagawa ng gawain bukod pa roon. Laging Kami sa kanila ay tagapag-ingat.

Verse 83

۞ وَأَيُّوبَ إِذْ نَادَىٰ رَبَّهُۥٓ أَنِّى مَسَّنِىَ ٱلضُّرُّ وَأَنتَ أَرْحَمُ ٱلرَّٰحِمِينَ

Transliteration wa-ayyūba idh nādā rabbahu annī massaniya l-ḍuru wa-anta arḥamu l-rāḥimīna

Tagalog [Banggitin mo] si Job noong nanawagan siya sa Panginoon niya: "Tunay na ako ay nasaling ng kapinsalaan, at Ikaw ay ang pinakamaawain ng mga naaawa."

Verse 84

فَٱسْتَجَبْنَا لَهُۥ فَكَشَفْنَا مَا بِهِۦ مِن ضُرٍّ ۖ وَءَاتَيْنَـٰهُ أَهْلَهُۥ وَمِثْلَهُم مَّعَهُمْ رَحْمَةً مِّنْ عِندِنَا وَذِكْرَىٰ لِلْعَـٰبِدِينَ

Transliteration fa-is'tajabnā lahu fakashafnā mā bihi min ḍurrin waātaynāhu ahlahu wamith'lahum maʿahum raḥmatan min ʿindinā wadhik'rā lil'ʿābidīna

Tagalog Kaya tumugon Kami sa kanya saka pumawi Kami sa anumang taglay niya na kapinsalaan. Nagbigay Kami sa kanya ng mag-anak niya at ng tulad nila kasama sa kanila bilang awa mula sa ganang Amin at bilang paalaala sa mga tagasamba.

Verse 85

وَإِسْمَـٰعِيلَ وَإِدْرِيسَ وَذَا ٱلْكِفْلِ ۖ كُلٌّ مِّنَ ٱلصَّـٰبِرِينَ

Transliteration wa-is'māʿīla wa-id'rīsa wadhā l-kif'li kullun mina l-ṣābirīna

Tagalog [Banggitin mo] sina Ismael, Enoc, at Dhulkifl. Lahat ay kabilang sa mga tagapagtiis.

Verse 86

وَأَدْخَلْنَـٰهُمْ فِى رَحْمَتِنَآ ۖ إِنَّهُم مِّنَ ٱلصَّـٰلِحِينَ

Transliteration wa-adkhalnāhum fī raḥmatinā innahum mina l-ṣāliḥīna

Tagalog Nagpapasok Kami sa kanila sa awa Namin. Tunay na sila ay kabilang sa mga maayos.

Verse 87

وَذَا ٱلنُّونِ إِذ ذَّهَبَ مُغَـٰضِبًا فَظَنَّ أَن لَّن نَّقْدِرَ عَلَيْهِ فَنَادَىٰ فِى ٱلظُّلُمَـٰتِ أَن لَّآ إِلَـٰهَ إِلَّآ أَنتَ سُبْحَـٰنَكَ إِنِّى كُنتُ مِنَ ٱلظَّـٰلِمِينَ

Transliteration wadhā l-nūni idh dhahaba mughāḍiban faẓanna an lan naqdira ʿalayhi fanādā fī l-ẓulumāti an lā ilāha illā anta sub'ḥānaka innī kuntu mina l-ẓālimīna

Tagalog [Banggitin mo si Jonas] na may isda noong umalis siya habang may kinagagalitan saka nagpalagay siya na hindi Kami makakakaya sa kanya, ngunit nanawagan siya sa loob ng mga kadiliman, na [nagsasabi]: "Walang Diyos kundi Ikaw. Kaluwalhatian sa Iyo! Tunay na ako dati ay kabilang sa mga tagalabag sa katarungan."

Verse 88

فَٱسْتَجَبْنَا لَهُۥ وَنَجَّيْنَـٰهُ مِنَ ٱلْغَمِّ ۚ وَكَذَٰلِكَ نُـۨجِى ٱلْمُؤْمِنِينَ

Transliteration fa-is'tajabnā lahu wanajjaynāhu mina l-ghami wakadhālika nunjī l-mu'minīna

Tagalog Kaya tumugon Kami sa kanya. Iniligtas Namin siya mula sa hapis. Gayon Kami nagliligtas sa mga mananampalataya.

Verse 89

وَزَكَرِيَّآ إِذْ نَادَىٰ رَبَّهُۥ رَبِّ لَا تَذَرْنِى فَرْدًا وَأَنتَ خَيْرُ ٱلْوَٰرِثِينَ

Transliteration wazakariyyā idh nādā rabbahu rabbi lā tadharnī fardan wa-anta khayru l-wārithīna

Tagalog [Banggitin mo] si Zacarias noong nanawagan siya sa Panginoon niya: "Panginoon ko, huwag Mo akong hayaang mag-isa. Ikaw ay ang pinakamabuti sa mga tagapagpamana."

Verse 90

فَٱسْتَجَبْنَا لَهُۥ وَوَهَبْنَا لَهُۥ يَحْيَىٰ وَأَصْلَحْنَا لَهُۥ زَوْجَهُۥٓ ۚ إِنَّهُمْ كَانُوا۟ يُسَـٰرِعُونَ فِى ٱلْخَيْرَٰتِ وَيَدْعُونَنَا رَغَبًا وَرَهَبًا ۖ وَكَانُوا۟ لَنَا خَـٰشِعِينَ

Transliteration fa-is'tajabnā lahu wawahabnā lahu yaḥyā wa-aṣlaḥnā lahu zawjahu innahum kānū yusāriʿūna fī l-khayrāti wayadʿūnanā raghaban warahaban wakānū lanā khāshiʿīna

Tagalog Kaya tumugon Kami sa kanya. Ipinagkaloob Namin sa kanya si Juan at pinagaling Namin para sa kanya ng maybahay niya. Tunay na sila noon ay nagmamabilis sa mga kabutihan at dumadalangin sa Amin nang may pagmimithi at pangingilabot. Sila noon sa Amin ay mga tagapagpakumbaba.

Verse 91

وَٱلَّتِىٓ أَحْصَنَتْ فَرْجَهَا فَنَفَخْنَا فِيهَا مِن رُّوحِنَا وَجَعَلْنَـٰهَا وَٱبْنَهَآ ءَايَةً لِّلْعَـٰلَمِينَ

Transliteration wa-allatī aḥṣanat farjahā fanafakhnā fīhā min rūḥinā wajaʿalnāhā wa-ib'nahā āyatan lil'ʿālamīna

Tagalog [Banggitin mo] ang [babaing] nag-ingat sa kalinisang-puri niya kaya umihip Kami sa kanya mula sa espiritu Namin at gumawa Kami sa kanya at anak niya bilang tanda para sa mga nilalang.

Verse 92

إِنَّ هَـٰذِهِۦٓ أُمَّتُكُمْ أُمَّةً وَٰحِدَةً وَأَنَا۠ رَبُّكُمْ فَٱعْبُدُونِ

Transliteration inna hādhihi ummatukum ummatan wāḥidatan wa-anā rabbukum fa-uʿ'budūni

Tagalog Tunay na itong kalipunan ninyo ay kalipunang nag-iisa, at Ako ay Panginoon ninyo kaya sumamba kayo sa Akin.

Verse 93

وَتَقَطَّعُوٓا۟ أَمْرَهُم بَيْنَهُمْ ۖ كُلٌّ إِلَيْنَا رَٰجِعُونَ

Transliteration wataqaṭṭaʿū amrahum baynahum kullun ilaynā rājiʿūna

Tagalog Nagkawatak-watak sila sa lagay nila sa pagitan nila. Lahat ay tungo sa Amin mga babalik.

Verse 94

فَمَن يَعْمَلْ مِنَ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ وَهُوَ مُؤْمِنٌ فَلَا كُفْرَانَ لِسَعْيِهِۦ وَإِنَّا لَهُۥ كَـٰتِبُونَ

Transliteration faman yaʿmal mina l-ṣāliḥāti wahuwa mu'minun falā kuf'rāna lisaʿyihi wa-innā lahu kātibūna

Tagalog Kaya ang sinumang gumagawa ng mga maayos habang siya ay mananampalataya, walang pagtanggi para sa pagsisikap niya. Tunay na Kami rito ay magtatala.

Verse 95

وَحَرَٰمٌ عَلَىٰ قَرْيَةٍ أَهْلَكْنَـٰهَآ أَنَّهُمْ لَا يَرْجِعُونَ

Transliteration waḥarāmun ʿalā qaryatin ahlaknāhā annahum lā yarjiʿūna

Tagalog May ipinagbabawal sa isang pamayanan na ipinahamak Namin: na sila ay hindi babalik

Verse 96

حَتَّىٰٓ إِذَا فُتِحَتْ يَأْجُوجُ وَمَأْجُوجُ وَهُم مِّن كُلِّ حَدَبٍ يَنسِلُونَ

Transliteration ḥattā idhā futiḥat yajūju wamajūju wahum min kulli ḥadabin yansilūna

Tagalog hanggang sa kapag binuksan ang Gog at ang Magog habang sila mula sa bawat bakulod ay magmamatulin,

Verse 97

وَٱقْتَرَبَ ٱلْوَعْدُ ٱلْحَقُّ فَإِذَا هِىَ شَـٰخِصَةٌ أَبْصَـٰرُ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ يَـٰوَيْلَنَا قَدْ كُنَّا فِى غَفْلَةٍ مِّنْ هَـٰذَا بَلْ كُنَّا ظَـٰلِمِينَ

Transliteration wa-iq'taraba l-waʿdu l-ḥaqu fa-idhā hiya shākhiṣatun abṣāru alladhīna kafarū yāwaylanā qad kunnā fī ghaflatin min hādhā bal kunnā ẓālimīna

Tagalog at nalapit ang pangakong totoo ay biglang nandidilat ang mga paningin ng mga tumangging sumampalataya, [na nagsasabi]: "O kapighatian sa amin! Kami nga noon ay nasa isang pagkalingat mula rito; bagkus Kami noon ay mga tagalabag sa katarungan."

Verse 98

إِنَّكُمْ وَمَا تَعْبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ حَصَبُ جَهَنَّمَ أَنتُمْ لَهَا وَٰرِدُونَ

Transliteration innakum wamā taʿbudūna min dūni l-lahi ḥaṣabu jahannama antum lahā wāridūna

Tagalog Tunay na kayo at ang sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh ay mga panggatong ng Impiyerno; kayo doon ay mga sasapit.

Verse 99

لَوْ كَانَ هَـٰٓؤُلَآءِ ءَالِهَةً مَّا وَرَدُوهَا ۖ وَكُلٌّ فِيهَا خَـٰلِدُونَ

Transliteration law kāna hāulāi ālihatan mā waradūhā wakullun fīhā khālidūna

Tagalog Kung sakaling ang mga ito ay naging mga diyos, hindi sana sila sumapit doon. Lahat doon ay mga mamamalagi.

Verse 100

لَهُمْ فِيهَا زَفِيرٌ وَهُمْ فِيهَا لَا يَسْمَعُونَ

Transliteration lahum fīhā zafīrun wahum fīhā lā yasmaʿūna

Tagalog Ukol sa kanila roon ay singhal at sila roon ay hindi nakaririnig.

Verse 101

إِنَّ ٱلَّذِينَ سَبَقَتْ لَهُم مِّنَّا ٱلْحُسْنَىٰٓ أُو۟لَـٰٓئِكَ عَنْهَا مُبْعَدُونَ

Transliteration inna alladhīna sabaqat lahum minnā l-ḥus'nā ulāika ʿanhā mub'ʿadūna

Tagalog Tunay na ang mga nauna, ukol sa kanila mula sa Amin ang pinakamaganda; ang mga iyon buhat doon ay mga pinalayo.

Verse 102

لَا يَسْمَعُونَ حَسِيسَهَا ۖ وَهُمْ فِى مَا ٱشْتَهَتْ أَنفُسُهُمْ خَـٰلِدُونَ

Transliteration lā yasmaʿūna ḥasīsahā wahum fī mā ish'tahat anfusuhum khālidūna

Tagalog Hindi sila makaririnig ng lagaslas nito habang sila sa ninanasa ng mga sarili nila ay mga mamamalagi.

Verse 103

لَا يَحْزُنُهُمُ ٱلْفَزَعُ ٱلْأَكْبَرُ وَتَتَلَقَّىٰهُمُ ٱلْمَلَـٰٓئِكَةُ هَـٰذَا يَوْمُكُمُ ٱلَّذِى كُنتُمْ تُوعَدُونَ

Transliteration lā yaḥzunuhumu l-fazaʿu l-akbaru watatalaqqāhumu l-malāikatu hādhā yawmukumu alladhī kuntum tūʿadūna

Tagalog Hindi magpapalungkot sa kanila ang pagkahindik na pinakamalaki at tatanggap sa kanila ang mga anghel, [na nagsasabi]: "Ito ay ang Araw ninyo na kayo noon ay pinangangakuan,

Verse 104

يَوْمَ نَطْوِى ٱلسَّمَآءَ كَطَىِّ ٱلسِّجِلِّ لِلْكُتُبِ ۚ كَمَا بَدَأْنَآ أَوَّلَ خَلْقٍ نُّعِيدُهُۥ ۚ وَعْدًا عَلَيْنَآ ۚ إِنَّا كُنَّا فَـٰعِلِينَ

Transliteration yawma naṭwī l-samāa kaṭayyi l-sijili lil'kutubi kamā badanā awwala khalqin nuʿīduhu waʿdan ʿalaynā innā kunnā fāʿilīna

Tagalog sa Araw na magtutupi Kami sa langit gaya ng pagtupi ng pahina para sa mga talaan. Kung paanong nagsimula Kami ng unang paglikha ay magpapanumbalik Kami niyon, bilang pangako ukol sa Amin. Tunay na Kami ay laging magsasagawa.

Verse 105

وَلَقَدْ كَتَبْنَا فِى ٱلزَّبُورِ مِنۢ بَعْدِ ٱلذِّكْرِ أَنَّ ٱلْأَرْضَ يَرِثُهَا عِبَادِىَ ٱلصَّـٰلِحُونَ

Transliteration walaqad katabnā fī l-zabūri min baʿdi l-dhik'ri anna l-arḍa yarithuhā ʿibādiya l-ṣāliḥūna

Tagalog Talaga ngang nagsulat Kami sa Salmo noong matapos ng pagbanggit na ang lupa ay mamanahin ng mga lingkod Kong maayos.

Verse 106

إِنَّ فِى هَـٰذَا لَبَلَـٰغًا لِّقَوْمٍ عَـٰبِدِينَ

Transliteration inna fī hādhā labalāghan liqawmin ʿābidīna

Tagalog Tunay na sa [Qur’ān na] ito ay talagang may pagpapaabot para sa mga taong tagasamba.

Verse 107

وَمَآ أَرْسَلْنَـٰكَ إِلَّا رَحْمَةً لِّلْعَـٰلَمِينَ

Transliteration wamā arsalnāka illā raḥmatan lil'ʿālamīna

Tagalog Hindi Kami nagsugo sa iyo kundi bilang awa para sa mga nilalang.

Verse 108

قُلْ إِنَّمَا يُوحَىٰٓ إِلَىَّ أَنَّمَآ إِلَـٰهُكُمْ إِلَـٰهٌ وَٰحِدٌ ۖ فَهَلْ أَنتُم مُّسْلِمُونَ

Transliteration qul innamā yūḥā ilayya annamā ilāhukum ilāhun wāḥidun fahal antum mus'limūna

Tagalog Sabihin mo: "Ikinakasi sa akin na ang Diyos ninyo ay Diyos na nag-iisa lamang. Kaya kayo kaya ay mga tagapagpasakop?"

Verse 109

فَإِن تَوَلَّوْا۟ فَقُلْ ءَاذَنتُكُمْ عَلَىٰ سَوَآءٍ ۖ وَإِنْ أَدْرِىٓ أَقَرِيبٌ أَم بَعِيدٌ مَّا تُوعَدُونَ

Transliteration fa-in tawallaw faqul ādhantukum ʿalā sawāin wa-in adrī aqarībun am baʿīdun mā tūʿadūna

Tagalog Ngunit kung tumalikod sila ay sabihin mo: "Nagpahayag ako sa inyo ayon sa isang pagkakapantay. Hindi ako nakaaalam kung malapit na ba o malayo pa ang ipinangangako sa inyo.

Verse 110

إِنَّهُۥ يَعْلَمُ ٱلْجَهْرَ مِنَ ٱلْقَوْلِ وَيَعْلَمُ مَا تَكْتُمُونَ

Transliteration innahu yaʿlamu l-jahra mina l-qawli wayaʿlamu mā taktumūna

Tagalog Tunay na Siya ay nakaaalam sa hayag kabilang sa sinasabi at nakaaalam sa anumang itinatago ninyo.

Verse 111

وَإِنْ أَدْرِى لَعَلَّهُۥ فِتْنَةٌ لَّكُمْ وَمَتَـٰعٌ إِلَىٰ حِينٍ

Transliteration wa-in adrī laʿallahu fit'natun lakum wamatāʿun ilā ḥīnin

Tagalog Hindi ako nakaaalam; baka ito ay isang pagsubok para sa inyo at isang natatamasa hanggang sa isang panahon."

Verse 112

قَـٰلَ رَبِّ ٱحْكُم بِٱلْحَقِّ ۗ وَرَبُّنَا ٱلرَّحْمَـٰنُ ٱلْمُسْتَعَانُ عَلَىٰ مَا تَصِفُونَ

Transliteration qāla rabbi uḥ'kum bil-ḥaqi warabbunā l-raḥmānu l-mus'taʿānu ʿalā mā taṣifūna

Tagalog Nagsabi [ang Sugo]: "Panginoon ko, humatol Ka ayon sa katotohanan." Ang Panginoon namin, ang Napakamaawain, ay ang Pinatutulong laban sa inilalarawan ninyo."

Read Surah Al-Anbya in another language

All languages

All 114 surahs in Tagalog: the Qur’an in Tagalog.

Learn it in MyDugsi

Tagalog translation: Dar Al-Salam Center, from Quran.com. Transliteration: Quran.com. Recitation: Mishary Alafasy, from EveryAyah.com. MyDugsi is a learning aid, not a replacement for a qualified teacher.