MyDugsiStart learning

Surah At-Taghabun in Tagalog: translation and audio

Surah 64 · التغابن · The Mutual Disillusion · 18 verses

Surah At-Taghabun verse by verse: the Arabic with a recitation you can repeat, the transliteration, and the Tagalog translation by Dar Al-Salam Center. For the meaning of every word, see Surah At-Taghabun word by word in English.

Verse 1

يُسَبِّحُ لِلَّهِ مَا فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَمَا فِى ٱلْأَرْضِ ۖ لَهُ ٱلْمُلْكُ وَلَهُ ٱلْحَمْدُ ۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَىْءٍ قَدِيرٌ

Transliteration yusabbiḥu lillahi mā fī l-samāwāti wamā fī l-arḍi lahu l-mul'ku walahu l-ḥamdu wahuwa ʿalā kulli shayin qadīrun

Tagalog Nagluluwalhati kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa; sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.

Verse 2

هُوَ ٱلَّذِى خَلَقَكُمْ فَمِنكُمْ كَافِرٌ وَمِنكُم مُّؤْمِنٌ ۚ وَٱللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌ

Transliteration huwa alladhī khalaqakum faminkum kāfirun waminkum mu'minun wal-lahu bimā taʿmalūna baṣīrun

Tagalog Siya ay ang lumikha sa inyo, saka kabilang sa inyo ay tagatangging sumampalataya at kabilang sa inyo ay mananampalataya. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita.

Verse 3

خَلَقَ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضَ بِٱلْحَقِّ وَصَوَّرَكُمْ فَأَحْسَنَ صُوَرَكُمْ ۖ وَإِلَيْهِ ٱلْمَصِيرُ

Transliteration khalaqa l-samāwāti wal-arḍa bil-ḥaqi waṣawwarakum fa-aḥsana ṣuwarakum wa-ilayhi l-maṣīru

Tagalog Lumikha Siya ng mga langit at lupa ayon sa katotohanan, nagbigay-anyo Siya sa inyo saka nagpaganda Siya ng mga anyo ninyo; tungo sa Kanya ang kahahantungan.

Verse 4

يَعْلَمُ مَا فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ وَيَعْلَمُ مَا تُسِرُّونَ وَمَا تُعْلِنُونَ ۚ وَٱللَّهُ عَلِيمٌۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ

Transliteration yaʿlamu mā fī l-samāwāti wal-arḍi wayaʿlamu mā tusirrūna wamā tuʿ'linūna wal-lahu ʿalīmun bidhāti l-ṣudūri

Tagalog Nakaaalam Siya sa anumang nasa mga langit at lupa at nakaaalam Siya sa anumang inililihim ninyo at anumang inihahayag ninyo. Si Allāh ay Maalam sa laman ng mga dibdib.

Verse 5

أَلَمْ يَأْتِكُمْ نَبَؤُا۟ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ مِن قَبْلُ فَذَاقُوا۟ وَبَالَ أَمْرِهِمْ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ

Transliteration alam yatikum naba-u alladhīna kafarū min qablu fadhāqū wabāla amrihim walahum ʿadhābun alīmun

Tagalog Hindi ba sumapit sa inyo ang ulat hinggil sa mga tumangging sumampalataya bago pa niyon? Kaya lumasap sila ng kasaklapan ng lagay nila, at ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.

Verse 6

ذَٰلِكَ بِأَنَّهُۥ كَانَت تَّأْتِيهِمْ رُسُلُهُم بِٱلْبَيِّنَـٰتِ فَقَالُوٓا۟ أَبَشَرٌ يَهْدُونَنَا فَكَفَرُوا۟ وَتَوَلَّوا۟ ۚ وَّٱسْتَغْنَى ٱللَّهُ ۚ وَٱللَّهُ غَنِىٌّ حَمِيدٌ

Transliteration dhālika bi-annahu kānat tatīhim rusuluhum bil-bayināti faqālū abasharun yahdūnanā fakafarū watawallaw wa-is'taghnā l-lahu wal-lahu ghaniyyun ḥamīdun

Tagalog Iyon ay dahil sa noon ay nagdadala sa kanila ang mga sugo nila ng mga malinaw na patunay ngunit nagsabi sila: "Mga tao ba ang papatnubay sa amin?" Kaya tumanggi silang sumampalataya, tumalikod sila, at nagwalang-halaga si Allāh [sa kanila]. Si Allāh ay Walang-pangangailangan, Kapuri-puri.

Verse 7

زَعَمَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓا۟ أَن لَّن يُبْعَثُوا۟ ۚ قُلْ بَلَىٰ وَرَبِّى لَتُبْعَثُنَّ ثُمَّ لَتُنَبَّؤُنَّ بِمَا عَمِلْتُمْ ۚ وَذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرٌ

Transliteration zaʿama alladhīna kafarū an lan yub'ʿathū qul balā warabbī latub'ʿathunna thumma latunabba-unna bimā ʿamil'tum wadhālika ʿalā l-lahi yasīrun

Tagalog Nag-angkin ang mga tumangging sumampalataya na hindi raw sila bubuhayin. Sabihin mo: "Oo naman; sumpa man sa Panginoon ko, talagang bubuhayin nga kayo, pagkatapos talagang babalitaan nga kayo hinggil sa ginawa ninyo. Iyon kay Allāh ay madali."

Verse 8

فَـَٔامِنُوا۟ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ وَٱلنُّورِ ٱلَّذِىٓ أَنزَلْنَا ۚ وَٱللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرٌ

Transliteration faāminū bil-lahi warasūlihi wal-nūri alladhī anzalnā wal-lahu bimā taʿmalūna khabīrun

Tagalog Kaya sumampalataya kayo kay Allāh, sa Sugo Niya, at sa liwanag na pinababa. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid.

Verse 9

يَوْمَ يَجْمَعُكُمْ لِيَوْمِ ٱلْجَمْعِ ۖ ذَٰلِكَ يَوْمُ ٱلتَّغَابُنِ ۗ وَمَن يُؤْمِنۢ بِٱللَّهِ وَيَعْمَلْ صَـٰلِحًا يُكَفِّرْ عَنْهُ سَيِّـَٔاتِهِۦ وَيُدْخِلْهُ جَنَّـٰتٍ تَجْرِى مِن تَحْتِهَا ٱلْأَنْهَـٰرُ خَـٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدًا ۚ ذَٰلِكَ ٱلْفَوْزُ ٱلْعَظِيمُ

Transliteration yawma yajmaʿukum liyawmi l-jamʿi dhālika yawmu l-taghābuni waman yu'min bil-lahi wayaʿmal ṣāliḥan yukaffir ʿanhu sayyiātihi wayud'khil'hu jannātin tajrī min taḥtihā l-anhāru khālidīna fīhā abadan dhālika l-fawzu l-ʿaẓīmu

Tagalog Sa Araw na magtitipon Siya sa inyo para sa Araw ng pagtitipon. Iyon ay ang araw ng lamangan. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at gumagawa ng matuwid ay magtatakip Siya rito sa mga masagwang gawa nito at magpapapasok Siya rito sa mga Hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito magpakailanman. Iyon ang pagkatamong sukdulan.

Verse 10

وَٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ وَكَذَّبُوا۟ بِـَٔايَـٰتِنَآ أُو۟لَـٰٓئِكَ أَصْحَـٰبُ ٱلنَّارِ خَـٰلِدِينَ فِيهَا ۖ وَبِئْسَ ٱلْمَصِيرُ

Transliteration wa-alladhīna kafarū wakadhabū biāyātinā ulāika aṣḥābu l-nāri khālidīna fīhā wabi'sa l-maṣīru

Tagalog Ang mga tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa mga tanda Namin, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy bilang mga mananatili roon. Kay saklap ang kahahantungan!

Verse 11

مَآ أَصَابَ مِن مُّصِيبَةٍ إِلَّا بِإِذْنِ ٱللَّهِ ۗ وَمَن يُؤْمِنۢ بِٱللَّهِ يَهْدِ قَلْبَهُۥ ۚ وَٱللَّهُ بِكُلِّ شَىْءٍ عَلِيمٌ

Transliteration mā aṣāba min muṣībatin illā bi-idh'ni l-lahi waman yu'min bil-lahi yahdi qalbahu wal-lahu bikulli shayin ʿalīmun

Tagalog Walang tumama na anumang kasawian malibang ayon sa pahintulot ni Allāh. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh ay magpapatnubay Siya sa puso nito. Si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.

Verse 12

وَأَطِيعُوا۟ ٱللَّهَ وَأَطِيعُوا۟ ٱلرَّسُولَ ۚ فَإِن تَوَلَّيْتُمْ فَإِنَّمَا عَلَىٰ رَسُولِنَا ٱلْبَلَـٰغُ ٱلْمُبِينُ

Transliteration wa-aṭīʿū l-laha wa-aṭīʿū l-rasūla fa-in tawallaytum fa-innamā ʿalā rasūlinā l-balāghu l-mubīnu

Tagalog Tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo. Kaya kung tumalikod kayo, tanging kailangan sa Sugo Namin ang pagpapaabot na malinaw.

Verse 13

ٱللَّهُ لَآ إِلَـٰهَ إِلَّا هُوَ ۚ وَعَلَى ٱللَّهِ فَلْيَتَوَكَّلِ ٱلْمُؤْمِنُونَ

Transliteration al-lahu lā ilāha illā huwa waʿalā l-lahi falyatawakkali l-mu'minūna

Tagalog Si Allāh, walang Diyos kundi Siya. Kay Allāh ay manalig ang mga mananampalataya.

Verse 14

يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓا۟ إِنَّ مِنْ أَزْوَٰجِكُمْ وَأَوْلَـٰدِكُمْ عَدُوًّا لَّكُمْ فَٱحْذَرُوهُمْ ۚ وَإِن تَعْفُوا۟ وَتَصْفَحُوا۟ وَتَغْفِرُوا۟ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٌ رَّحِيمٌ

Transliteration yāayyuhā alladhīna āmanū inna min azwājikum wa-awlādikum ʿaduwwan lakum fa-iḥ'dharūhum wa-in taʿfū wataṣfaḥū wataghfirū fa-inna l-laha ghafūrun raḥīmun

Tagalog O mga sumampalataya, tunay na mayroon sa mga maybahay ninyo at mga anak ninyo na kaaway para sa inyo kaya mag-ingat kayo sa kanila. Kung magpapaumanhin kayo, magpapalampas kayo, at magpapatawad kayo, tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.

Verse 15

إِنَّمَآ أَمْوَٰلُكُمْ وَأَوْلَـٰدُكُمْ فِتْنَةٌ ۚ وَٱللَّهُ عِندَهُۥٓ أَجْرٌ عَظِيمٌ

Transliteration innamā amwālukum wa-awlādukum fit'natun wal-lahu ʿindahu ajrun ʿaẓīmun

Tagalog Ang mga yaman ninyo at ang mga anak ninyo ay isang tukso lamang samantalang si Allāh sa ganang Kanya ay may isang pabuyang sukdulan.

Verse 16

فَٱتَّقُوا۟ ٱللَّهَ مَا ٱسْتَطَعْتُمْ وَٱسْمَعُوا۟ وَأَطِيعُوا۟ وَأَنفِقُوا۟ خَيْرًا لِّأَنفُسِكُمْ ۗ وَمَن يُوقَ شُحَّ نَفْسِهِۦ فَأُو۟لَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلْمُفْلِحُونَ

Transliteration fa-ittaqū l-laha mā is'taṭaʿtum wa-is'maʿū wa-aṭīʿū wa-anfiqū khayran li-anfusikum waman yūqa shuḥḥa nafsihi fa-ulāika humu l-muf'liḥūna

Tagalog Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh sa abot ng makakaya ninyo, makinig kayo, tumalima kayo, at gumugol kayo ng isang kabutihan para sa mga sarili ninyo. Ang sinumang ipinagsanggalang sa kasakiman ng sarili niya, ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay.

Verse 17

إِن تُقْرِضُوا۟ ٱللَّهَ قَرْضًا حَسَنًا يُضَـٰعِفْهُ لَكُمْ وَيَغْفِرْ لَكُمْ ۚ وَٱللَّهُ شَكُورٌ حَلِيمٌ

Transliteration in tuq'riḍū l-laha qarḍan ḥasanan yuḍāʿif'hu lakum wayaghfir lakum wal-lahu shakūrun ḥalīmun

Tagalog Kung magpapautang kayo kay Allāh nang pagpapautang na maganda ay magpapaibayo Siya nito para sa inyo at magpapatatawad Siya sa inyo. Si Allāh ay Mapagpasalamat, Matimpiin,

Verse 18

عَـٰلِمُ ٱلْغَيْبِ وَٱلشَّهَـٰدَةِ ٱلْعَزِيزُ ٱلْحَكِيمُ

Transliteration ʿālimu l-ghaybi wal-shahādati l-ʿazīzu l-ḥakīmu

Tagalog ang Nakaaalam sa Lingid at Hayag, ang Makapangyarihan, ang Marunong.

Read Surah At-Taghabun in another language

All languages

All 114 surahs in Tagalog: the Qur’an in Tagalog.

Learn it in MyDugsi

Tagalog translation: Dar Al-Salam Center, from Quran.com. Transliteration: Quran.com. Recitation: Mishary Alafasy, from EveryAyah.com. MyDugsi is a learning aid, not a replacement for a qualified teacher.