MyDugsiStart learning

Surah Ar-Rum in Tagalog: translation and audio

Surah 30 · الروم · The Romans · 60 verses

Surah Ar-Rum verse by verse: the Arabic with a recitation you can repeat, the transliteration, and the Tagalog translation by Dar Al-Salam Center. For the meaning of every word, see Surah Ar-Rum word by word in English.

Verse 1

الٓمٓ

Transliteration alif-lam-meem

Tagalog Alif. Lām. Mīm.

Verse 2

غُلِبَتِ ٱلرُّومُ

Transliteration ghulibati l-rūmu

Tagalog Nadaig ang Bizancio

Verse 3

فِىٓ أَدْنَى ٱلْأَرْضِ وَهُم مِّنۢ بَعْدِ غَلَبِهِمْ سَيَغْلِبُونَ

Transliteration fī adnā l-arḍi wahum min baʿdi ghalabihim sayaghlibūna

Tagalog sa pinakamalapit na lupain. Sila, nang matapos ng pagkadaig sa kanila, ay mananaig

Verse 4

فِى بِضْعِ سِنِينَ ۗ لِلَّهِ ٱلْأَمْرُ مِن قَبْلُ وَمِنۢ بَعْدُ ۚ وَيَوْمَئِذٍ يَفْرَحُ ٱلْمُؤْمِنُونَ

Transliteration fī biḍ'ʿi sinīna lillahi l-amru min qablu wamin baʿdu wayawma-idhin yafraḥu l-mu'minūna

Tagalog sa tatlo hanggang siyam na taon. Sa kay Allāh ang pag-uutos bago pa niyan at nang matapos niyan. Sa araw na iyon ay matutuwa ang mga mananampalataya

Verse 5

بِنَصْرِ ٱللَّهِ ۚ يَنصُرُ مَن يَشَآءُ ۖ وَهُوَ ٱلْعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ

Transliteration binaṣri l-lahi yanṣuru man yashāu wahuwa l-ʿazīzu l-raḥīmu

Tagalog dahil sa pag-adya ni Allāh. Nag-aadya Siya sa sinumang niloloob Niya. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Maawain.

Verse 6

وَعْدَ ٱللَّهِ ۖ لَا يُخْلِفُ ٱللَّهُ وَعْدَهُۥ وَلَـٰكِنَّ أَكْثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعْلَمُونَ

Transliteration waʿda l-lahi lā yukh'lifu l-lahu waʿdahu walākinna akthara l-nāsi lā yaʿlamūna

Tagalog Bilang pangako ni Allāh, hindi sumisira si Allāh sa pangako Niya; subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam.

Verse 7

يَعْلَمُونَ ظَـٰهِرًا مِّنَ ٱلْحَيَوٰةِ ٱلدُّنْيَا وَهُمْ عَنِ ٱلْـَٔاخِرَةِ هُمْ غَـٰفِلُونَ

Transliteration yaʿlamūna ẓāhiran mina l-ḥayati l-dun'yā wahum ʿani l-ākhirati hum ghāfilūna

Tagalog Nakaaalam sila ng isang nakalantad mula sa buhay na pangmundo samantalang sila sa Kabilang-buhay ay mga nalilingat.

Verse 8

أَوَلَمْ يَتَفَكَّرُوا۟ فِىٓ أَنفُسِهِم ۗ مَّا خَلَقَ ٱللَّهُ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضَ وَمَا بَيْنَهُمَآ إِلَّا بِٱلْحَقِّ وَأَجَلٍ مُّسَمًّى ۗ وَإِنَّ كَثِيرًا مِّنَ ٱلنَّاسِ بِلِقَآئِ رَبِّهِمْ لَكَـٰفِرُونَ

Transliteration awalam yatafakkarū fī anfusihim mā khalaqa l-lahu l-samāwāti wal-arḍa wamā baynahumā illā bil-ḥaqi wa-ajalin musamman wa-inna kathīran mina l-nāsi biliqāi rabbihim lakāfirūna

Tagalog Hindi ba sila nag-isip-isip hinggil sa mga sarili nila? Hindi lumikha si Allāh ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito malibang ayon sa katotohanan at isang taning na tinukoy. Tunay na marami sa mga tao sa pakikipagkita sa Panginoon nila ay talagang mga tagatangging sumampalataya.

Verse 9

أَوَلَمْ يَسِيرُوا۟ فِى ٱلْأَرْضِ فَيَنظُرُوا۟ كَيْفَ كَانَ عَـٰقِبَةُ ٱلَّذِينَ مِن قَبْلِهِمْ ۚ كَانُوٓا۟ أَشَدَّ مِنْهُمْ قُوَّةً وَأَثَارُوا۟ ٱلْأَرْضَ وَعَمَرُوهَآ أَكْثَرَ مِمَّا عَمَرُوهَا وَجَآءَتْهُمْ رُسُلُهُم بِٱلْبَيِّنَـٰتِ ۖ فَمَا كَانَ ٱللَّهُ لِيَظْلِمَهُمْ وَلَـٰكِن كَانُوٓا۟ أَنفُسَهُمْ يَظْلِمُونَ

Transliteration awalam yasīrū fī l-arḍi fayanẓurū kayfa kāna ʿāqibatu alladhīna min qablihim kānū ashadda min'hum quwwatan wa-athārū l-arḍa waʿamarūhā akthara mimmā ʿamarūhā wajāathum rusuluhum bil-bayināti famā kāna l-lahu liyaẓlimahum walākin kānū anfusahum yaẓlimūna

Tagalog Hindi ba sila humayo sa lupain para tumingin sila kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga bago pa nila? Dati ang mga iyon ay higit na matindi kaysa sa kanila sa lakas. Nagbungkal sila ng lupa at luminang sila nito nang higit kaysa sa nilinang nila. Nagdala sa mga iyon ang mga sugo ng mga iyon ng mga malinaw na patunay sapagkat si Allāh ay hindi naging ukol lumabag sa katarungan sa kanila subalit sila dati sa mga sarili nila ay lumalabag sa katarungan.

Verse 10

ثُمَّ كَانَ عَـٰقِبَةَ ٱلَّذِينَ أَسَـٰٓـُٔوا۟ ٱلسُّوٓأَىٰٓ أَن كَذَّبُوا۟ بِـَٔايَـٰتِ ٱللَّهِ وَكَانُوا۟ بِهَا يَسْتَهْزِءُونَ

Transliteration thumma kāna ʿāqibata alladhīna asāū l-sūā an kadhabū biāyāti l-lahi wakānū bihā yastahziūna

Tagalog Pagkatapos naging kinahinatnan ng mga gumawa ng masagwa ang pinakamasagwa dahil nagpasinungaling sila sa mga tanda ni Allāh at dati sila sa mga ito ay nangungutya.

Verse 11

ٱللَّهُ يَبْدَؤُا۟ ٱلْخَلْقَ ثُمَّ يُعِيدُهُۥ ثُمَّ إِلَيْهِ تُرْجَعُونَ

Transliteration al-lahu yabda-u l-khalqa thumma yuʿīduhu thumma ilayhi tur'jaʿūna

Tagalog Si Allāh ay nagsisimula ng paglikha, pagkatapos nagpapanumbalik Siya nito, pagkatapos tungo sa Kanya pababalikin kayo.

Verse 12

وَيَوْمَ تَقُومُ ٱلسَّاعَةُ يُبْلِسُ ٱلْمُجْرِمُونَ

Transliteration wayawma taqūmu l-sāʿatu yub'lisu l-muj'rimūna

Tagalog Sa Araw na sasapit ang Huling Sandali, malulumbay ang mga salarin.

Verse 13

وَلَمْ يَكُن لَّهُم مِّن شُرَكَآئِهِمْ شُفَعَـٰٓؤُا۟ وَكَانُوا۟ بِشُرَكَآئِهِمْ كَـٰفِرِينَ

Transliteration walam yakun lahum min shurakāihim shufaʿāu wakānū bishurakāihim kāfirīna

Tagalog Hindi magkakaroon para sa kanila mula sa mga pantambal nila ng mga tagapagpamagitan. Sila sa mga katambal nila ay magiging mga tagatangging sumampalataya.

Verse 14

وَيَوْمَ تَقُومُ ٱلسَّاعَةُ يَوْمَئِذٍ يَتَفَرَّقُونَ

Transliteration wayawma taqūmu l-sāʿatu yawma-idhin yatafarraqūna

Tagalog Sa Araw na sasapit ang Huling Sandali, sa Araw na iyon ay magkakahati-hati sila.

Verse 15

فَأَمَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَعَمِلُوا۟ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ فَهُمْ فِى رَوْضَةٍ يُحْبَرُونَ

Transliteration fa-ammā alladhīna āmanū waʿamilū l-ṣāliḥāti fahum fī rawḍatin yuḥ'barūna

Tagalog Kaya tungkol naman sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maaayos, sila sa isang halamanan ay pagagalakin.

Verse 16

وَأَمَّا ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ وَكَذَّبُوا۟ بِـَٔايَـٰتِنَا وَلِقَآئِ ٱلْـَٔاخِرَةِ فَأُو۟لَـٰٓئِكَ فِى ٱلْعَذَابِ مُحْضَرُونَ

Transliteration wa-ammā alladhīna kafarū wakadhabū biāyātinā waliqāi l-ākhirati fa-ulāika fī l-ʿadhābi muḥ'ḍarūna

Tagalog Kaya tungkol naman sa mga tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa mga talata Namin at pakikipagkita sa Kabilang-buhay, ang mga iyon sa pagdurusa ay mga padadaluhin.

Verse 17

فَسُبْحَـٰنَ ٱللَّهِ حِينَ تُمْسُونَ وَحِينَ تُصْبِحُونَ

Transliteration fasub'ḥāna l-lahi ḥīna tum'sūna waḥīna tuṣ'biḥūna

Tagalog Kaya Kaluwalhatian kay Allāh kapag ginagabi kayo at kapag inuumaga kayo.

Verse 18

وَلَهُ ٱلْحَمْدُ فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ وَعَشِيًّا وَحِينَ تُظْهِرُونَ

Transliteration walahu l-ḥamdu fī l-samāwāti wal-arḍi waʿashiyyan waḥīna tuẓ'hirūna

Tagalog Ukol sa Kanya ang papuri sa mga langit at lupa sa gabi at kapag tinatanghali kayo.

Verse 19

يُخْرِجُ ٱلْحَىَّ مِنَ ٱلْمَيِّتِ وَيُخْرِجُ ٱلْمَيِّتَ مِنَ ٱلْحَىِّ وَيُحْىِ ٱلْأَرْضَ بَعْدَ مَوْتِهَا ۚ وَكَذَٰلِكَ تُخْرَجُونَ

Transliteration yukh'riju l-ḥaya mina l-mayiti wayukh'riju l-mayita mina l-ḥayi wayuḥ'yī l-arḍa baʿda mawtihā wakadhālika tukh'rajūna

Tagalog Nagpapalabas Siya ng buhay mula sa patay, nagpapalabas Siya ng patay mula sa buhay, at nagbibigay-buhay Siya sa lupa matapos ng kamatayan nito. Gayon kayo palalabasin.

Verse 20

وَمِنْ ءَايَـٰتِهِۦٓ أَنْ خَلَقَكُم مِّن تُرَابٍ ثُمَّ إِذَآ أَنتُم بَشَرٌ تَنتَشِرُونَ

Transliteration wamin āyātihi an khalaqakum min turābin thumma idhā antum basharun tantashirūna

Tagalog Kabilang sa mga tanda Niya ay na lumikha Siya sa inyo mula sa alabok, pagkatapos biglang kayo ay mga taong lumalaganap.

Verse 21

وَمِنْ ءَايَـٰتِهِۦٓ أَنْ خَلَقَ لَكُم مِّنْ أَنفُسِكُمْ أَزْوَٰجًا لِّتَسْكُنُوٓا۟ إِلَيْهَا وَجَعَلَ بَيْنَكُم مَّوَدَّةً وَرَحْمَةً ۚ إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَـَٔايَـٰتٍ لِّقَوْمٍ يَتَفَكَّرُونَ

Transliteration wamin āyātihi an khalaqa lakum min anfusikum azwājan litaskunū ilayhā wajaʿala baynakum mawaddatan waraḥmatan inna fī dhālika laāyātin liqawmin yatafakkarūna

Tagalog Kabilang sa mga tanda Niya ay na lumikha Siya para sa inyo, mula sa mga sarili ninyo, ng mga kabiyak upang mapanatag kayo sa kanila at naglagay Siya sa pagitan ninyo ng pagmamahal at awa. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nag-iisip-isip.

Verse 22

وَمِنْ ءَايَـٰتِهِۦ خَلْقُ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ وَٱخْتِلَـٰفُ أَلْسِنَتِكُمْ وَأَلْوَٰنِكُمْ ۚ إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَـَٔايَـٰتٍ لِّلْعَـٰلِمِينَ

Transliteration wamin āyātihi khalqu l-samāwāti wal-arḍi wa-ikh'tilāfu alsinatikum wa-alwānikum inna fī dhālika laāyātin lil'ʿālimīna

Tagalog Kabilang sa mga tanda Niya ang pagkakalikha ng mga langit at lupa at ang pagkakaiba-iba ng mga wika ninyo at mga kulay ninyo. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga nakaaalam.

Verse 23

وَمِنْ ءَايَـٰتِهِۦ مَنَامُكُم بِٱلَّيْلِ وَٱلنَّهَارِ وَٱبْتِغَآؤُكُم مِّن فَضْلِهِۦٓ ۚ إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَـَٔايَـٰتٍ لِّقَوْمٍ يَسْمَعُونَ

Transliteration wamin āyātihi manāmukum bi-al-layli wal-nahāri wa-ib'tighāukum min faḍlihi inna fī dhālika laāyātin liqawmin yasmaʿūna

Tagalog Kabilang sa mga tanda Niya ang pagtulog ninyo sa gabi at maghapon at ang paghahanap ninyo ng kabutihang-loob Niya. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong dumidinig.

Verse 24

وَمِنْ ءَايَـٰتِهِۦ يُرِيكُمُ ٱلْبَرْقَ خَوْفًا وَطَمَعًا وَيُنَزِّلُ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءً فَيُحْىِۦ بِهِ ٱلْأَرْضَ بَعْدَ مَوْتِهَآ ۚ إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَـَٔايَـٰتٍ لِّقَوْمٍ يَعْقِلُونَ

Transliteration wamin āyātihi yurīkumu l-barqa khawfan waṭamaʿan wayunazzilu mina l-samāi māan fayuḥ'yī bihi l-arḍa baʿda mawtihā inna fī dhālika laāyātin liqawmin yaʿqilūna

Tagalog Kabilang sa mga tanda Niya ay nagpapakita Siya sa inyo ng kidlat na [nagdudulot ng] pangamba at paghahangad, at nagbababa Siya mula sa langit ng tubig saka nagbibigay-buhay Siya sa pamamagitan nito sa lupa matapos ng pagkamatay nito. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nakapag-uunawa.

Verse 25

وَمِنْ ءَايَـٰتِهِۦٓ أَن تَقُومَ ٱلسَّمَآءُ وَٱلْأَرْضُ بِأَمْرِهِۦ ۚ ثُمَّ إِذَا دَعَاكُمْ دَعْوَةً مِّنَ ٱلْأَرْضِ إِذَآ أَنتُمْ تَخْرُجُونَ

Transliteration wamin āyātihi an taqūma l-samāu wal-arḍu bi-amrihi thumma idhā daʿākum daʿwatan mina l-arḍi idhā antum takhrujūna

Tagalog Kabilang sa mga tanda Niya ay na manatili ang langit at ang lupa ayon sa utos Niya. Pagkatapos kapag tumawag Siya sa inyo sa isang pagtawag mula sa lupa, biglang kayo ay lalabas.

Verse 26

وَلَهُۥ مَن فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ ۖ كُلٌّ لَّهُۥ قَـٰنِتُونَ

Transliteration walahu man fī l-samāwāti wal-arḍi kullun lahu qānitūna

Tagalog Sa Kanya ang sinumang nasa mga langit at lupa. Lahat sa Kanya ay mga masunurin.

Verse 27

وَهُوَ ٱلَّذِى يَبْدَؤُا۟ ٱلْخَلْقَ ثُمَّ يُعِيدُهُۥ وَهُوَ أَهْوَنُ عَلَيْهِ ۚ وَلَهُ ٱلْمَثَلُ ٱلْأَعْلَىٰ فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ ۚ وَهُوَ ٱلْعَزِيزُ ٱلْحَكِيمُ

Transliteration wahuwa alladhī yabda-u l-khalqa thumma yuʿīduhu wahuwa ahwanu ʿalayhi walahu l-mathalu l-aʿlā fī l-samāwāti wal-arḍi wahuwa l-ʿazīzu l-ḥakīmu

Tagalog Siya ay ang nagsisimula ng paglikha, pagkatapos nagpapanumbalik nito. Ito ay higit na madali sa Kanya. Sa Kanya ang katangiang pinakamataas sa mga langit at lupa. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.

Verse 28

ضَرَبَ لَكُم مَّثَلًا مِّنْ أَنفُسِكُمْ ۖ هَل لَّكُم مِّن مَّا مَلَكَتْ أَيْمَـٰنُكُم مِّن شُرَكَآءَ فِى مَا رَزَقْنَـٰكُمْ فَأَنتُمْ فِيهِ سَوَآءٌ تَخَافُونَهُمْ كَخِيفَتِكُمْ أَنفُسَكُمْ ۚ كَذَٰلِكَ نُفَصِّلُ ٱلْـَٔايَـٰتِ لِقَوْمٍ يَعْقِلُونَ

Transliteration ḍaraba lakum mathalan min anfusikum hal lakum min mā malakat aymānukum min shurakāa fī mā razaqnākum fa-antum fīhi sawāon takhāfūnahum kakhīfatikum anfusakum kadhālika nufaṣṣilu l-āyāti liqawmin yaʿqilūna

Tagalog Naglahad Siya para sa inyo ng isang paghahalintulad mula sa mga sarili ninyo. Mayroon kaya kayo mula sa minamay-ari ng mga kanang kamay ninyo na anumang mga katambal sa anumang itinustos Namin sa inyo, kaya naman kayo roon ay magkapantay, na nangangamba kayo gaya ng pangangamba ninyo sa mga sarili ninyo? Gayon Kami nagdedetalye ng mga tanda para sa mga taong nakapag-uunawa.

Verse 29

بَلِ ٱتَّبَعَ ٱلَّذِينَ ظَلَمُوٓا۟ أَهْوَآءَهُم بِغَيْرِ عِلْمٍ ۖ فَمَن يَهْدِى مَنْ أَضَلَّ ٱللَّهُ ۖ وَمَا لَهُم مِّن نَّـٰصِرِينَ

Transliteration bali ittabaʿa alladhīna ẓalamū ahwāahum bighayri ʿil'min faman yahdī man aḍalla l-lahu wamā lahum min nāṣirīna

Tagalog Bagkus sumunod ang mga lumabag sa katarungan sa mga pithaya nila nang walang kaalaman. Kaya sino ang papatnubay sa iniligaw ni Allāh? Walang ukol sa kanila na anumang mga tagapag-adya.

Verse 30

فَأَقِمْ وَجْهَكَ لِلدِّينِ حَنِيفًا ۚ فِطْرَتَ ٱللَّهِ ٱلَّتِى فَطَرَ ٱلنَّاسَ عَلَيْهَا ۚ لَا تَبْدِيلَ لِخَلْقِ ٱللَّهِ ۚ ذَٰلِكَ ٱلدِّينُ ٱلْقَيِّمُ وَلَـٰكِنَّ أَكْثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعْلَمُونَ

Transliteration fa-aqim wajhaka lilddīni ḥanīfan fiṭ'rata l-lahi allatī faṭara l-nāsa ʿalayhā lā tabdīla likhalqi l-lahi dhālika l-dīnu l-qayimu walākinna akthara l-nāsi lā yaʿlamūna

Tagalog Kaya magpanatili ka ng mukha mo sa Relihiyon bilang makatotoo. [Mamalagi sa] kalikasan ng pagkalalang ni Allāh na nilalang Niya ang mga tao ayon dito. Walang pagpapalit para sa pagkakalikha ni Allāh. Iyon ay ang Relihiyong matuwid, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam.

Verse 31

۞ مُنِيبِينَ إِلَيْهِ وَٱتَّقُوهُ وَأَقِيمُوا۟ ٱلصَّلَوٰةَ وَلَا تَكُونُوا۟ مِنَ ٱلْمُشْرِكِينَ

Transliteration munībīna ilayhi wa-ittaqūhu wa-aqīmū l-ṣalata walā takūnū mina l-mush'rikīna

Tagalog [Maging] mga nagsisising nanunumbalik tungo sa Kanya, mangilag kayong magkasala sa Kanya, magpanatili kayo ng pagdarasal, at huwag kayong maging kabilang sa mga tagapagtambal,

Verse 32

مِنَ ٱلَّذِينَ فَرَّقُوا۟ دِينَهُمْ وَكَانُوا۟ شِيَعًا ۖ كُلُّ حِزْبٍۭ بِمَا لَدَيْهِمْ فَرِحُونَ

Transliteration mina alladhīna farraqū dīnahum wakānū shiyaʿan kullu ḥiz'bin bimā ladayhim fariḥūna

Tagalog kabilang sa mga naghati-hati ng relihiyon nila at sila ay naging mga kampihan. Bawat lapian sa taglay nila ay mga natutuwa.

Verse 33

وَإِذَا مَسَّ ٱلنَّاسَ ضُرٌّ دَعَوْا۟ رَبَّهُم مُّنِيبِينَ إِلَيْهِ ثُمَّ إِذَآ أَذَاقَهُم مِّنْهُ رَحْمَةً إِذَا فَرِيقٌ مِّنْهُم بِرَبِّهِمْ يُشْرِكُونَ

Transliteration wa-idhā massa l-nāsa ḍurrun daʿaw rabbahum munībīna ilayhi thumma idhā adhāqahum min'hu raḥmatan idhā farīqun min'hum birabbihim yush'rikūna

Tagalog Kapag may sumaling sa mga tao na isang kapinsalaan ay dumadalangin sila sa Panginoon nila, habang mga nagsisising nanunumbalik tungo sa Kanya. Pagkatapos kapag nagpalasap Siya sa kanila ng isang awa mula sa Kanya, biglang may isang pangkat kabilang sa kanila na sa Panginoon nila ay nagtatambal

Verse 34

لِيَكْفُرُوا۟ بِمَآ ءَاتَيْنَـٰهُمْ ۚ فَتَمَتَّعُوا۟ فَسَوْفَ تَعْلَمُونَ

Transliteration liyakfurū bimā ātaynāhum fatamattaʿū fasawfa taʿlamūna

Tagalog upang magkaila sila sa anumang ibinigay Namin sa kanila. Kaya magtamasa kayo sapagkat malalaman ninyo.

Verse 35

أَمْ أَنزَلْنَا عَلَيْهِمْ سُلْطَـٰنًا فَهُوَ يَتَكَلَّمُ بِمَا كَانُوا۟ بِهِۦ يُشْرِكُونَ

Transliteration am anzalnā ʿalayhim sul'ṭānan fahuwa yatakallamu bimā kānū bihi yush'rikūna

Tagalog O nagpababa ba Kami sa kanila ng isang katunayan kaya ito ay nagsasalita hinggil sa dati nilang itinatambal sa Kanya?

Verse 36

وَإِذَآ أَذَقْنَا ٱلنَّاسَ رَحْمَةً فَرِحُوا۟ بِهَا ۖ وَإِن تُصِبْهُمْ سَيِّئَةٌۢ بِمَا قَدَّمَتْ أَيْدِيهِمْ إِذَا هُمْ يَقْنَطُونَ

Transliteration wa-idhā adhaqnā l-nāsa raḥmatan fariḥū bihā wa-in tuṣib'hum sayyi-atun bimā qaddamat aydīhim idhā hum yaqnaṭūna

Tagalog Kapag nagpalasap Kami sa mga tao ng isang awa ay nagagalak sila rito. Kapag may tumama sa kanila na isang masagwa dahil sa ipinauna ng mga kamay nila, biglang sila ay nalalagutan ng pag-asa.

Verse 37

أَوَلَمْ يَرَوْا۟ أَنَّ ٱللَّهَ يَبْسُطُ ٱلرِّزْقَ لِمَن يَشَآءُ وَيَقْدِرُ ۚ إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَـَٔايَـٰتٍ لِّقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ

Transliteration awalam yaraw anna l-laha yabsuṭu l-riz'qa liman yashāu wayaqdiru inna fī dhālika laāyātin liqawmin yu'minūna

Tagalog Hindi ba sila nakakita na si Allāh ay nagpapaluwag ng panustos para sa sinumang niloloob Niya at naghihigpit? Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong sumasampalataya.

Verse 38

فَـَٔاتِ ذَا ٱلْقُرْبَىٰ حَقَّهُۥ وَٱلْمِسْكِينَ وَٱبْنَ ٱلسَّبِيلِ ۚ ذَٰلِكَ خَيْرٌ لِّلَّذِينَ يُرِيدُونَ وَجْهَ ٱللَّهِ ۖ وَأُو۟لَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلْمُفْلِحُونَ

Transliteration faāti dhā l-qur'bā ḥaqqahu wal-mis'kīna wa-ib'na l-sabīli dhālika khayrun lilladhīna yurīdūna wajha l-lahi wa-ulāika humu l-muf'liḥūna

Tagalog Kaya magbigay ka sa may pagkakamag-anak ng karapatan nito, sa dukha, at sa kinapos sa landas. Iyon ay higit na mabuti para sa mga nagnanais [ng kaluguran] ng mukha ni Allāh. Ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay.

Verse 39

وَمَآ ءَاتَيْتُم مِّن رِّبًا لِّيَرْبُوَا۟ فِىٓ أَمْوَٰلِ ٱلنَّاسِ فَلَا يَرْبُوا۟ عِندَ ٱللَّهِ ۖ وَمَآ ءَاتَيْتُم مِّن زَكَوٰةٍ تُرِيدُونَ وَجْهَ ٱللَّهِ فَأُو۟لَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلْمُضْعِفُونَ

Transliteration wamā ātaytum min riban liyarbuwā fī amwāli l-nāsi falā yarbū ʿinda l-lahi wamā ātaytum min zakatin turīdūna wajha l-lahi fa-ulāika humu l-muḍ'ʿifūna

Tagalog Ang anumang ibinigay ninyo na patubo upang magdagdag sa mga yaman ng mga tao, [ito] ay hindi magdaragdag sa ganang kay Allāh. Ang anumang ibinigay ninyo na zakāh habang nagnanais kayo [ng kaluguran] ng Mukha ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga pag-iibayuhin.

Verse 40

ٱللَّهُ ٱلَّذِى خَلَقَكُمْ ثُمَّ رَزَقَكُمْ ثُمَّ يُمِيتُكُمْ ثُمَّ يُحْيِيكُمْ ۖ هَلْ مِن شُرَكَآئِكُم مَّن يَفْعَلُ مِن ذَٰلِكُم مِّن شَىْءٍ ۚ سُبْحَـٰنَهُۥ وَتَعَـٰلَىٰ عَمَّا يُشْرِكُونَ

Transliteration al-lahu alladhī khalaqakum thumma razaqakum thumma yumītukum thumma yuḥ'yīkum hal min shurakāikum man yafʿalu min dhālikum min shayin sub'ḥānahu wataʿālā ʿammā yush'rikūna

Tagalog Si Allāh ay ang lumikha sa inyo, pagkatapos nagtustos sa inyo, pagkatapos nagbigay-kamatayan sa inyo, pagkatapos nagbigay-buhay sa inyo. Mayroon kaya sa mga pantambal ninyo na gumagawa ng gayon na anuman? Kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya kaysa sa anumang itinatambal nila.

Verse 41

ظَهَرَ ٱلْفَسَادُ فِى ٱلْبَرِّ وَٱلْبَحْرِ بِمَا كَسَبَتْ أَيْدِى ٱلنَّاسِ لِيُذِيقَهُم بَعْضَ ٱلَّذِى عَمِلُوا۟ لَعَلَّهُمْ يَرْجِعُونَ

Transliteration ẓahara l-fasādu fī l-bari wal-baḥri bimā kasabat aydī l-nāsi liyudhīqahum baʿḍa alladhī ʿamilū laʿallahum yarjiʿūna

Tagalog Lumitaw ang kaguluhan sa lupa at dagat dahil sa nakamit ng mga kamay ng mga tao upang magpalasap Siya sa kanila ng ilan sa ginawa nila, nang sa gayon sila ay babalik.

Verse 42

قُلْ سِيرُوا۟ فِى ٱلْأَرْضِ فَٱنظُرُوا۟ كَيْفَ كَانَ عَـٰقِبَةُ ٱلَّذِينَ مِن قَبْلُ ۚ كَانَ أَكْثَرُهُم مُّشْرِكِينَ

Transliteration qul sīrū fī l-arḍi fa-unẓurū kayfa kāna ʿāqibatu alladhīna min qablu kāna aktharuhum mush'rikīna

Tagalog Sabihin mo: "Humayo kayo sa lupain saka tumingin kayo kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga bago pa niyan. Ang higit marami sa kanila noon ay mga tagapagtambal."

Verse 43

فَأَقِمْ وَجْهَكَ لِلدِّينِ ٱلْقَيِّمِ مِن قَبْلِ أَن يَأْتِىَ يَوْمٌ لَّا مَرَدَّ لَهُۥ مِنَ ٱللَّهِ ۖ يَوْمَئِذٍ يَصَّدَّعُونَ

Transliteration fa-aqim wajhaka lilddīni l-qayimi min qabli an yatiya yawmun lā maradda lahu mina l-lahi yawma-idhin yaṣṣaddaʿūna

Tagalog Kaya magpanatili ka ng mukha mo para sa relihiyong matuwid bago pa may pumuntang isang araw na walang pagtulak para roon mula kay Allāh. Sa Araw na iyon, magkakawatak-watak sila.

Verse 44

مَن كَفَرَ فَعَلَيْهِ كُفْرُهُۥ ۖ وَمَنْ عَمِلَ صَـٰلِحًا فَلِأَنفُسِهِمْ يَمْهَدُونَ

Transliteration man kafara faʿalayhi kuf'ruhu waman ʿamila ṣāliḥan fali-anfusihim yamhadūna

Tagalog Ang sinumang tumangging sumampalataya ay laban sa kanya ang kawalang-pananampalataya niya. Ang sinumang gumawa ng maayos ay para sa sarili nila naghahanda

Verse 45

لِيَجْزِىَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَعَمِلُوا۟ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ مِن فَضْلِهِۦٓ ۚ إِنَّهُۥ لَا يُحِبُّ ٱلْكَـٰفِرِينَ

Transliteration liyajziya alladhīna āmanū waʿamilū l-ṣāliḥāti min faḍlihi innahu lā yuḥibbu l-kāfirīna

Tagalog upang gumanti Siya sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos mula sa kabutihang-loob Niya. Tunay na Siya ay hindi umiibig sa mga tagatangging sumampalataya.

Verse 46

وَمِنْ ءَايَـٰتِهِۦٓ أَن يُرْسِلَ ٱلرِّيَاحَ مُبَشِّرَٰتٍ وَلِيُذِيقَكُم مِّن رَّحْمَتِهِۦ وَلِتَجْرِىَ ٱلْفُلْكُ بِأَمْرِهِۦ وَلِتَبْتَغُوا۟ مِن فَضْلِهِۦ وَلَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ

Transliteration wamin āyātihi an yur'sila l-riyāḥa mubashirātin waliyudhīqakum min raḥmatihi walitajriya l-ful'ku bi-amrihi walitabtaghū min faḍlihi walaʿallakum tashkurūna

Tagalog Kabilang sa mga tanda Niya na nagsusugo Siya ng mga hangin bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at upang magpalasap Siya sa inyo mula sa awa Niya, upang maglayag ang mga daong ayon sa utos Niya, at upang maghanap kayo ng kagandahang-loob Niya, at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat.

Verse 47

وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا مِن قَبْلِكَ رُسُلًا إِلَىٰ قَوْمِهِمْ فَجَآءُوهُم بِٱلْبَيِّنَـٰتِ فَٱنتَقَمْنَا مِنَ ٱلَّذِينَ أَجْرَمُوا۟ ۖ وَكَانَ حَقًّا عَلَيْنَا نَصْرُ ٱلْمُؤْمِنِينَ

Transliteration walaqad arsalnā min qablika rusulan ilā qawmihim fajāūhum bil-bayināti fa-intaqamnā mina alladhīna ajramū wakāna ḥaqqan ʿalaynā naṣru l-mu'minīna

Tagalog Talaga ngang nagsugo Kami bago mo pa ng mga sugo sa mga tao nila kaya naghatid sila sa mga iyon ng mga malinaw na patunay saka naghiganti naman Kami sa mga nagpakasalarin. Laging isang tungkulin sa Amin ang pag-aadya sa mga mananampalataya.

Verse 48

ٱللَّهُ ٱلَّذِى يُرْسِلُ ٱلرِّيَـٰحَ فَتُثِيرُ سَحَابًا فَيَبْسُطُهُۥ فِى ٱلسَّمَآءِ كَيْفَ يَشَآءُ وَيَجْعَلُهُۥ كِسَفًا فَتَرَى ٱلْوَدْقَ يَخْرُجُ مِنْ خِلَـٰلِهِۦ ۖ فَإِذَآ أَصَابَ بِهِۦ مَن يَشَآءُ مِنْ عِبَادِهِۦٓ إِذَا هُمْ يَسْتَبْشِرُونَ

Transliteration al-lahu alladhī yur'silu l-riyāḥa fatuthīru saḥāban fayabsuṭuhu fī l-samāi kayfa yashāu wayajʿaluhu kisafan fatarā l-wadqa yakhruju min khilālihi fa-idhā aṣāba bihi man yashāu min ʿibādihi idhā hum yastabshirūna

Tagalog Si Allāh ay ang nagsusugo ng mga hangin, saka nagpapagalaw ang mga iyon ng mga ulap, saka naglalatag sa mga ito sa langit kung papaanong niloloob Niya, at gumagawa sa mga ito bilang mga tipak kaya nakikita mo ang ulan habang lumalabas mula sa loob ng mga ito. Kaya kapag nagpatama Siya ng mga ito sa mga niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya, biglang sila ay nagagalak.

Verse 49

وَإِن كَانُوا۟ مِن قَبْلِ أَن يُنَزَّلَ عَلَيْهِم مِّن قَبْلِهِۦ لَمُبْلِسِينَ

Transliteration wa-in kānū min qabli an yunazzala ʿalayhim min qablihi lamub'lisīna

Tagalog Kahit pa man sila dati bago pa ibinaba ito sa kanila, bago pa nito, ay talagang mga nalulumbay.

Verse 50

فَٱنظُرْ إِلَىٰٓ ءَاثَـٰرِ رَحْمَتِ ٱللَّهِ كَيْفَ يُحْىِ ٱلْأَرْضَ بَعْدَ مَوْتِهَآ ۚ إِنَّ ذَٰلِكَ لَمُحْىِ ٱلْمَوْتَىٰ ۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَىْءٍ قَدِيرٌ

Transliteration fa-unẓur ilā āthāri raḥmati l-lahi kayfa yuḥ'yī l-arḍa baʿda mawtihā inna dhālika lamuḥ'yī l-mawtā wahuwa ʿalā kulli shayin qadīrun

Tagalog Kaya tumingin ka sa mga bakas ng awa ni Allāh kung papaano Siyang nagbibigay-buhay sa lupa matapos ng kamatayan nito. Tunay na Iyon ay talagang magbibigay-buhay sa mga patay. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.

Verse 51

وَلَئِنْ أَرْسَلْنَا رِيحًا فَرَأَوْهُ مُصْفَرًّا لَّظَلُّوا۟ مِنۢ بَعْدِهِۦ يَكْفُرُونَ

Transliteration wala-in arsalnā rīḥan fara-awhu muṣ'farran laẓallū min baʿdihi yakfurūna

Tagalog Talagang kung nagsugo Kami ng isang hangin [na mapanira] saka nakakita sila niyon habang naninilaw ay talagang nanatili sila nang matapos niyon na tumatangging sumampalataya.

Verse 52

فَإِنَّكَ لَا تُسْمِعُ ٱلْمَوْتَىٰ وَلَا تُسْمِعُ ٱلصُّمَّ ٱلدُّعَآءَ إِذَا وَلَّوْا۟ مُدْبِرِينَ

Transliteration fa-innaka lā tus'miʿu l-mawtā walā tus'miʿu l-ṣuma l-duʿāa idhā wallaw mud'birīna

Tagalog Kaya tunay na ikaw ay hindi nakapagpaparinig sa mga patay at hindi nakapagpaparinig sa mga bingi ng panawagan kapag bumaling sila na mga tumatalikod.

Verse 53

وَمَآ أَنتَ بِهَـٰدِ ٱلْعُمْىِ عَن ضَلَـٰلَتِهِمْ ۖ إِن تُسْمِعُ إِلَّا مَن يُؤْمِنُ بِـَٔايَـٰتِنَا فَهُم مُّسْلِمُونَ

Transliteration wamā anta bihādi l-ʿum'yi ʿan ḍalālatihim in tus'miʿu illā man yu'minu biāyātinā fahum mus'limūna

Tagalog Ikaw ay hindi tagapagpatnubay ng mga bulag palayo sa kaligawan nila. Hindi ka nakapagpaparinig maliban sa sinumang sumasampalataya sa mga tanda Namin kaya sila ay mga tagapagpasakop.

Verse 54

۞ ٱللَّهُ ٱلَّذِى خَلَقَكُم مِّن ضَعْفٍ ثُمَّ جَعَلَ مِنۢ بَعْدِ ضَعْفٍ قُوَّةً ثُمَّ جَعَلَ مِنۢ بَعْدِ قُوَّةٍ ضَعْفًا وَشَيْبَةً ۚ يَخْلُقُ مَا يَشَآءُ ۖ وَهُوَ ٱلْعَلِيمُ ٱلْقَدِيرُ

Transliteration al-lahu alladhī khalaqakum min ḍaʿfin thumma jaʿala min baʿdi ḍaʿfin quwwatan thumma jaʿala min baʿdi quwwatin ḍaʿfan washaybatan yakhluqu mā yashāu wahuwa l-ʿalīmu l-qadīru

Tagalog Si Allāh ay ang lumikha sa inyo mula sa isang kahinaan; pagkatapos gumawa Siya, nang matapos ng isang kahinaan, ng isang kalakasan; pagkatapos gumawa Siya, nang matapos ng isang kalakasan, ng isang kahinaan at uban. Lumilikha Siya ng anumang niloloob Niya. Siya ay ang Maalam, ang May-kakayahan.

Verse 55

وَيَوْمَ تَقُومُ ٱلسَّاعَةُ يُقْسِمُ ٱلْمُجْرِمُونَ مَا لَبِثُوا۟ غَيْرَ سَاعَةٍ ۚ كَذَٰلِكَ كَانُوا۟ يُؤْفَكُونَ

Transliteration wayawma taqūmu l-sāʿatu yuq'simu l-muj'rimūna mā labithū ghayra sāʿatin kadhālika kānū yu'fakūna

Tagalog Sa Araw na sasapit ang Huling Sandali, susumpa ang mga salarin na hindi sila namalagi maliban pa sa isang sandali. Gayon dati sila nalilinlang.

Verse 56

وَقَالَ ٱلَّذِينَ أُوتُوا۟ ٱلْعِلْمَ وَٱلْإِيمَـٰنَ لَقَدْ لَبِثْتُمْ فِى كِتَـٰبِ ٱللَّهِ إِلَىٰ يَوْمِ ٱلْبَعْثِ ۖ فَهَـٰذَا يَوْمُ ٱلْبَعْثِ وَلَـٰكِنَّكُمْ كُنتُمْ لَا تَعْلَمُونَ

Transliteration waqāla alladhīna ūtū l-ʿil'ma wal-īmāna laqad labith'tum fī kitābi l-lahi ilā yawmi l-baʿthi fahādhā yawmu l-baʿthi walākinnakum kuntum lā taʿlamūna

Tagalog Nagsabi ang mga binigyan ng kaalaman at pananampalataya: "Talaga ngang namalagi kayo sa pagtatakda ni Allāh hanggang sa Araw ng Pagkabuhay. Kaya ito ay ang Araw ng Pagkabuhay subalit kayo dati ay hindi nakaaalam.

Verse 57

فَيَوْمَئِذٍ لَّا يَنفَعُ ٱلَّذِينَ ظَلَمُوا۟ مَعْذِرَتُهُمْ وَلَا هُمْ يُسْتَعْتَبُونَ

Transliteration fayawma-idhin lā yanfaʿu alladhīna ẓalamū maʿdhiratuhum walā hum yus'taʿtabūna

Tagalog Kaya sa Araw na iyon, hindi magpapakinabang sa mga lumabag sa katarungan ang pagdadahilan nila at hindi sila hihilinging magpatuwa [kay Allāh].

Verse 58

وَلَقَدْ ضَرَبْنَا لِلنَّاسِ فِى هَـٰذَا ٱلْقُرْءَانِ مِن كُلِّ مَثَلٍ ۚ وَلَئِن جِئْتَهُم بِـَٔايَةٍ لَّيَقُولَنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓا۟ إِنْ أَنتُمْ إِلَّا مُبْطِلُونَ

Transliteration walaqad ḍarabnā lilnnāsi fī hādhā l-qur'āni min kulli mathalin wala-in ji'tahum biāyatin layaqūlanna alladhīna kafarū in antum illā mub'ṭilūna

Tagalog Talaga ngang naglahad Kami para sa mga tao sa Qur’ān na ito mula sa bawat paghahalintulad. Talagang kung naghatid ka sa kanila ng isang tanda ay talagang magsasabi nga ang mga tumangging sumampalataya: "Walang iba kayo kundi mga tagagawa ng kabulaanan."

Verse 59

كَذَٰلِكَ يَطْبَعُ ٱللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِ ٱلَّذِينَ لَا يَعْلَمُونَ

Transliteration kadhālika yaṭbaʿu l-lahu ʿalā qulūbi alladhīna lā yaʿlamūna

Tagalog Gayon nagpipinid si Allāh sa mga puso ng mga hindi umaalam.

Verse 60

فَٱصْبِرْ إِنَّ وَعْدَ ٱللَّهِ حَقٌّ ۖ وَلَا يَسْتَخِفَّنَّكَ ٱلَّذِينَ لَا يُوقِنُونَ

Transliteration fa-iṣ'bir inna waʿda l-lahi ḥaqqun walā yastakhiffannaka alladhīna lā yūqinūna

Tagalog Kaya magtiis ka; tunay na ang pangako ni Allāh ay totoo. Huwag ngang magmamaliit sa iyo ang mga hindi nakatitiyak.

Read Surah Ar-Rum in another language

All languages

All 114 surahs in Tagalog: the Qur’an in Tagalog.

Learn it in MyDugsi

Tagalog translation: Dar Al-Salam Center, from Quran.com. Transliteration: Quran.com. Recitation: Mishary Alafasy, from EveryAyah.com. MyDugsi is a learning aid, not a replacement for a qualified teacher.