MyDugsiStart learning

Surah Taha in Tagalog: translation and audio

Surah 20 · طه · Ta-Ha · 135 verses

Surah Taha verse by verse: the Arabic with a recitation you can repeat, the transliteration, and the Tagalog translation by Dar Al-Salam Center. For the meaning of every word, see Surah Taha word by word in English.

Verse 1

طه

Transliteration tta-ha

Tagalog Ṭā. Hā.

Verse 2

مَآ أَنزَلْنَا عَلَيْكَ ٱلْقُرْءَانَ لِتَشْقَىٰٓ

Transliteration mā anzalnā ʿalayka l-qur'āna litashqā

Tagalog Hindi Kami nagpababa sa iyo ng Qur'ān upang lumumbay ka,

Verse 3

إِلَّا تَذْكِرَةً لِّمَن يَخْشَىٰ

Transliteration illā tadhkiratan liman yakhshā

Tagalog malibang bilang pagpapaalaala para sa sinumang natatakot,

Verse 4

تَنزِيلًا مِّمَّنْ خَلَقَ ٱلْأَرْضَ وَٱلسَّمَـٰوَٰتِ ٱلْعُلَى

Transliteration tanzīlan mimman khalaqa l-arḍa wal-samāwāti l-ʿulā

Tagalog isang pagbababa [ng kasi] mula sa lumikha ng lupa at mga langit na pinakamatataas.

Verse 5

ٱلرَّحْمَـٰنُ عَلَى ٱلْعَرْشِ ٱسْتَوَىٰ

Transliteration al-raḥmānu ʿalā l-ʿarshi is'tawā

Tagalog Ang Napakamaawain ay sa trono lumuklok.

Verse 6

لَهُۥ مَا فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَمَا فِى ٱلْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا وَمَا تَحْتَ ٱلثَّرَىٰ

Transliteration lahu mā fī l-samāwāti wamā fī l-arḍi wamā baynahumā wamā taḥta l-tharā

Tagalog Sa Kanya ang anumang nasa mga langit, ang anumang nasa lupa, ang anumang nasa pagitan ng mga ito, at ang anumang nasa ilalim ng alabok.

Verse 7

وَإِن تَجْهَرْ بِٱلْقَوْلِ فَإِنَّهُۥ يَعْلَمُ ٱلسِّرَّ وَأَخْفَى

Transliteration wa-in tajhar bil-qawli fa-innahu yaʿlamu l-sira wa-akhfā

Tagalog Kung maglalantad ka ng sasabihin, tunay na Siya ay nakaaalam sa lihim at sa higit na kubli.

Verse 8

ٱللَّهُ لَآ إِلَـٰهَ إِلَّا هُوَ ۖ لَهُ ٱلْأَسْمَآءُ ٱلْحُسْنَىٰ

Transliteration al-lahu lā ilāha illā huwa lahu l-asmāu l-ḥus'nā

Tagalog Si Allāh ay walang Diyos kundi Siya. Ukol sa Kanya ang mga pangalang pinakamagaganda.

Verse 9

وَهَلْ أَتَىٰكَ حَدِيثُ مُوسَىٰٓ

Transliteration wahal atāka ḥadīthu mūsā

Tagalog Nakarating kaya sa iyo ang sanaysay kay Moises?

Verse 10

إِذْ رَءَا نَارًا فَقَالَ لِأَهْلِهِ ٱمْكُثُوٓا۟ إِنِّىٓ ءَانَسْتُ نَارًا لَّعَلِّىٓ ءَاتِيكُم مِّنْهَا بِقَبَسٍ أَوْ أَجِدُ عَلَى ٱلنَّارِ هُدًى

Transliteration idh raā nāran faqāla li-ahlihi um'kuthū innī ānastu nāran laʿallī ātīkum min'hā biqabasin aw ajidu ʿalā l-nāri hudan

Tagalog Noong nakakita siya ng isang apoy ay nagsabi siya sa mag-anak niya: "Mamalagi kayo; tunay na ako ay nakatanaw ng isang apoy. Harinawa ako ay makapaghahatid sa inyo mula roon ng isang pamparikit o makatagpo ako sa apoy ng isang patnubay."

Verse 11

فَلَمَّآ أَتَىٰهَا نُودِىَ يَـٰمُوسَىٰٓ

Transliteration falammā atāhā nūdiya yāmūsā

Tagalog Kaya noong nakapunta siya roon ay tinawag siya: "O Moises,

Verse 12

إِنِّىٓ أَنَا۠ رَبُّكَ فَٱخْلَعْ نَعْلَيْكَ ۖ إِنَّكَ بِٱلْوَادِ ٱلْمُقَدَّسِ طُوًى

Transliteration innī anā rabbuka fa-ikh'laʿ naʿlayka innaka bil-wādi l-muqadasi ṭuwan

Tagalog tunay na Ako ay ang Panginoon mo. Kaya maghubad ka ng mga panyapak mo; tunay na ikaw ay nasa pinabanal na lambak ng Ṭuwā.

Verse 13

وَأَنَا ٱخْتَرْتُكَ فَٱسْتَمِعْ لِمَا يُوحَىٰٓ

Transliteration wa-anā ikh'tartuka fa-is'tamiʿ limā yūḥā

Tagalog Ako ay pumili sa iyo kaya makinig ka sa ikakasi:

Verse 14

إِنَّنِىٓ أَنَا ٱللَّهُ لَآ إِلَـٰهَ إِلَّآ أَنَا۠ فَٱعْبُدْنِى وَأَقِمِ ٱلصَّلَوٰةَ لِذِكْرِىٓ

Transliteration innanī anā l-lahu lā ilāha illā anā fa-uʿ'bud'nī wa-aqimi l-ṣalata lidhik'rī

Tagalog Tunay na Ako ay si Allāh; walang Diyos kundi Ako, kaya sumamba ka sa Akin at magpanatili ka sa pagdarasal para sa pag-alaala sa Akin.

Verse 15

إِنَّ ٱلسَّاعَةَ ءَاتِيَةٌ أَكَادُ أُخْفِيهَا لِتُجْزَىٰ كُلُّ نَفْسٍۭ بِمَا تَسْعَىٰ

Transliteration inna l-sāʿata ātiyatun akādu ukh'fīhā lituj'zā kullu nafsin bimā tasʿā

Tagalog Tunay na ang Huling Sandali ay darating. Halos ako ay magkubli nito upang gantimpalaan ang bawat kaluluwa sa anumang ipinagpunyagi nito.

Verse 16

فَلَا يَصُدَّنَّكَ عَنْهَا مَن لَّا يُؤْمِنُ بِهَا وَٱتَّبَعَ هَوَىٰهُ فَتَرْدَىٰ

Transliteration falā yaṣuddannaka ʿanhā man lā yu'minu bihā wa-ittabaʿa hawāhu fatardā

Tagalog Kaya huwag ngang bumalakid sa iyo palayo roon ang sinumang hindi sumasampalataya roon at sumunod sa pithaya niya para [hindi] ka mapahamak.

Verse 17

وَمَا تِلْكَ بِيَمِينِكَ يَـٰمُوسَىٰ

Transliteration wamā til'ka biyamīnika yāmūsā

Tagalog Ano yaong nasa kanang kamay mo, O Moises?"

Verse 18

قَالَ هِىَ عَصَاىَ أَتَوَكَّؤُا۟ عَلَيْهَا وَأَهُشُّ بِهَا عَلَىٰ غَنَمِى وَلِىَ فِيهَا مَـَٔارِبُ أُخْرَىٰ

Transliteration qāla hiya ʿaṣāya atawakka-u ʿalayhā wa-ahushu bihā ʿalā ghanamī waliya fīhā maāribu ukh'rā

Tagalog Nagsabi ito: "Ito ay tungkod ko; sumasandal ako rito at nagpapalagas ako [ng mga dahon] sa pamamagitan nito para sa mga tupa ko. Mayroon ako ritong mga pinaggagamitang iba pa."

Verse 19

قَالَ أَلْقِهَا يَـٰمُوسَىٰ

Transliteration qāla alqihā yāmūsā

Tagalog Nagsabi Siya: "Ihagis mo iyan, O Moises."

Verse 20

فَأَلْقَىٰهَا فَإِذَا هِىَ حَيَّةٌ تَسْعَىٰ

Transliteration fa-alqāhā fa-idhā hiya ḥayyatun tasʿā

Tagalog Kaya inihagis nito iyon saka biglang iyon ay naging isang ahas na sumisibad.

Verse 21

قَالَ خُذْهَا وَلَا تَخَفْ ۖ سَنُعِيدُهَا سِيرَتَهَا ٱلْأُولَىٰ

Transliteration qāla khudh'hā walā takhaf sanuʿīduhā sīratahā l-ūlā

Tagalog Nagsabi Siya: "Kunin mo iyan at huwag kang mangamba; magpapanumbalik Kami riyan sa unang lagay niyan.

Verse 22

وَٱضْمُمْ يَدَكَ إِلَىٰ جَنَاحِكَ تَخْرُجْ بَيْضَآءَ مِنْ غَيْرِ سُوٓءٍ ءَايَةً أُخْرَىٰ

Transliteration wa-uḍ'mum yadaka ilā janāḥika takhruj bayḍāa min ghayri sūin āyatan ukh'rā

Tagalog Idikit mo ang kamay mo sa tagiliran mo, lalabas itong maputi na walang batik bilang isa pang tanda,

Verse 23

لِنُرِيَكَ مِنْ ءَايَـٰتِنَا ٱلْكُبْرَى

Transliteration linuriyaka min āyātinā l-kub'rā

Tagalog upang magpakita Kami sa iyo ng ilan sa mga tanda Naming pinakamalalaki.

Verse 24

ٱذْهَبْ إِلَىٰ فِرْعَوْنَ إِنَّهُۥ طَغَىٰ

Transliteration idh'hab ilā fir'ʿawna innahu ṭaghā

Tagalog Pumunta ka kay Paraon; tunay na siya ay nagpakalabis."

Verse 25

قَالَ رَبِّ ٱشْرَحْ لِى صَدْرِى

Transliteration qāla rabbi ish'raḥ lī ṣadrī

Tagalog Nagsabi ito: "Panginoon ko, magpaluwag Ka para sa akin ng dibdib ko;

Verse 26

وَيَسِّرْ لِىٓ أَمْرِى

Transliteration wayassir lī amrī

Tagalog magpadali Ka para sa akin ng nauukol sa akin;

Verse 27

وَٱحْلُلْ عُقْدَةً مِّن لِّسَانِى

Transliteration wa-uḥ'lul ʿuq'datan min lisānī

Tagalog magkalag Ka ng buhol mula sa dila ko,

Verse 28

يَفْقَهُوا۟ قَوْلِى

Transliteration yafqahū qawlī

Tagalog makauunawa sila sa sasabihin ko;

Verse 29

وَٱجْعَل لِّى وَزِيرًا مِّنْ أَهْلِى

Transliteration wa-ij'ʿal lī wazīran min ahlī

Tagalog gumawa Ka para sa akin ng isang katuwang mula sa mag-anak ko,

Verse 30

هَـٰرُونَ أَخِى

Transliteration hārūna akhī

Tagalog si Aaron na kapatid ko;

Verse 31

ٱشْدُدْ بِهِۦٓ أَزْرِى

Transliteration ush'dud bihi azrī

Tagalog magpatindi Ka sa pamamagitan niya ng lakas ko;

Verse 32

وَأَشْرِكْهُ فِىٓ أَمْرِى

Transliteration wa-ashrik'hu fī amrī

Tagalog at magpalahok Ka sa kanya sa nauukol sa akin

Verse 33

كَىْ نُسَبِّحَكَ كَثِيرًا

Transliteration kay nusabbiḥaka kathīran

Tagalog upang magluwalhati kami sa Iyo nang madalas

Verse 34

وَنَذْكُرَكَ كَثِيرًا

Transliteration wanadhkuraka kathīran

Tagalog at umalaala kami sa Iyo nang madalas.

Verse 35

إِنَّكَ كُنتَ بِنَا بَصِيرًا

Transliteration innaka kunta binā baṣīran

Tagalog Tunay na Ikaw, laging sa amin, ay Nakakikita."

Verse 36

قَالَ قَدْ أُوتِيتَ سُؤْلَكَ يَـٰمُوسَىٰ

Transliteration qāla qad ūtīta su'laka yāmūsā

Tagalog Nagsabi Siya: "Binigyan ka nga ng hiling mo, O Moises.

Verse 37

وَلَقَدْ مَنَنَّا عَلَيْكَ مَرَّةً أُخْرَىٰٓ

Transliteration walaqad manannā ʿalayka marratan ukh'rā

Tagalog Talaga ngang nagmagandang-loob Kami sa iyo sa isa pang pagkakataon,

Verse 38

إِذْ أَوْحَيْنَآ إِلَىٰٓ أُمِّكَ مَا يُوحَىٰٓ

Transliteration idh awḥaynā ilā ummika mā yūḥā

Tagalog noong nagkasi Kami sa ina mo ng ikinakasi,

Verse 39

أَنِ ٱقْذِفِيهِ فِى ٱلتَّابُوتِ فَٱقْذِفِيهِ فِى ٱلْيَمِّ فَلْيُلْقِهِ ٱلْيَمُّ بِٱلسَّاحِلِ يَأْخُذْهُ عَدُوٌّ لِّى وَعَدُوٌّ لَّهُۥ ۚ وَأَلْقَيْتُ عَلَيْكَ مَحَبَّةً مِّنِّى وَلِتُصْنَعَ عَلَىٰ عَيْنِىٓ

Transliteration ani iq'dhifīhi fī l-tābūti fa-iq'dhifīhi fī l-yami falyul'qihi l-yamu bil-sāḥili yakhudh'hu ʿaduwwun lī waʿaduwwun lahu wa-alqaytu ʿalayka maḥabbatan minnī walituṣ'naʿa ʿalā ʿaynī

Tagalog na [nagsasabi]: 'Maghagis ka sa kanya sa baul saka maghagis ka nito sa ilog saka magtapon nito ang ilog sa pampang, kukunin siya ng isang kaaway para sa Akin at isang kaaway para sa kanya.' Nag-ukol Ako sa iyo ng isang pag-ibig mula sa Akin at upang mahubog ka sa ilalim ng mata Ko."

Verse 40

إِذْ تَمْشِىٓ أُخْتُكَ فَتَقُولُ هَلْ أَدُلُّكُمْ عَلَىٰ مَن يَكْفُلُهُۥ ۖ فَرَجَعْنَـٰكَ إِلَىٰٓ أُمِّكَ كَىْ تَقَرَّ عَيْنُهَا وَلَا تَحْزَنَ ۚ وَقَتَلْتَ نَفْسًا فَنَجَّيْنَـٰكَ مِنَ ٱلْغَمِّ وَفَتَنَّـٰكَ فُتُونًا ۚ فَلَبِثْتَ سِنِينَ فِىٓ أَهْلِ مَدْيَنَ ثُمَّ جِئْتَ عَلَىٰ قَدَرٍ يَـٰمُوسَىٰ

Transliteration idh tamshī ukh'tuka fataqūlu hal adullukum ʿalā man yakfuluhu farajaʿnāka ilā ummika kay taqarra ʿaynuhā walā taḥzana waqatalta nafsan fanajjaynāka mina l-ghami wafatannāka futūnan falabith'ta sinīna fī ahli madyana thumma ji'ta ʿalā qadarin yāmūsā

Tagalog [Nagmagandang-loob sa iyo] noong pumunta ang babaing kapatid mo saka nagsabi: "Gagabay po kaya ako sa inyo sa mag-aaruga sa kanya?" Kaya nagpabalik Kami sa iyo sa ina mo upang magalak ang mata nito at hindi ito malungkot. Pumatay ka ng isang tao ngunit nagligtas Kami sa iyo mula sa dalamhati at sumubok Kami sa iyo ng isang pagsubok saka namalagi ka ng mga taon sa mga mamamayan ng Madyan. Pagkatapos dumating ka [rito] sa takdang [panahon], O Moises.

Verse 41

وَٱصْطَنَعْتُكَ لِنَفْسِى

Transliteration wa-iṣ'ṭanaʿtuka linafsī

Tagalog Humalal Ako sa iyo para sa sarili Ko.

Verse 42

ٱذْهَبْ أَنتَ وَأَخُوكَ بِـَٔايَـٰتِى وَلَا تَنِيَا فِى ذِكْرِى

Transliteration idh'hab anta wa-akhūka biāyātī walā taniyā fī dhik'rī

Tagalog Pumunta ka mismo at ang kapatid mo kalakip ng mga tanda Ko at huwag kayong dalawang lumubay sa pag-alaala sa Akin.

Verse 43

ٱذْهَبَآ إِلَىٰ فِرْعَوْنَ إِنَّهُۥ طَغَىٰ

Transliteration idh'habā ilā fir'ʿawna innahu ṭaghā

Tagalog Pumunta kayong dalawa kay Paraon; tunay na siya ay nagmalabis.

Verse 44

فَقُولَا لَهُۥ قَوْلًا لَّيِّنًا لَّعَلَّهُۥ يَتَذَكَّرُ أَوْ يَخْشَىٰ

Transliteration faqūlā lahu qawlan layyinan laʿallahu yatadhakkaru aw yakhshā

Tagalog Saka magsabi kayong dalawa sa kanya ng isang pagsasabing banayad nang sa gayon siya ay magsasaalaala o matatakot.

Verse 45

قَالَا رَبَّنَآ إِنَّنَا نَخَافُ أَن يَفْرُطَ عَلَيْنَآ أَوْ أَن يَطْغَىٰ

Transliteration qālā rabbanā innanā nakhāfu an yafruṭa ʿalaynā aw an yaṭghā

Tagalog Nagsabi silang dalawa: "Panginoon namin, tunay na kami ay nangangamba na magdali-dali siya [sa pagpaparusa] sa amin o magmalabis siya."

Verse 46

قَالَ لَا تَخَافَآ ۖ إِنَّنِى مَعَكُمَآ أَسْمَعُ وَأَرَىٰ

Transliteration qāla lā takhāfā innanī maʿakumā asmaʿu wa-arā

Tagalog Nagsabi Siya: "Huwag kayong dalawang mangamba. Tunay na Ako ay kasama sa inyong dalawa; nakaririnig Ako at nakakikita Ako.

Verse 47

فَأْتِيَاهُ فَقُولَآ إِنَّا رَسُولَا رَبِّكَ فَأَرْسِلْ مَعَنَا بَنِىٓ إِسْرَٰٓءِيلَ وَلَا تُعَذِّبْهُمْ ۖ قَدْ جِئْنَـٰكَ بِـَٔايَةٍ مِّن رَّبِّكَ ۖ وَٱلسَّلَـٰمُ عَلَىٰ مَنِ ٱتَّبَعَ ٱلْهُدَىٰٓ

Transliteration fatiyāhu faqūlā innā rasūlā rabbika fa-arsil maʿanā banī is'rāīla walā tuʿadhib'hum qad ji'nāka biāyatin min rabbika wal-salāmu ʿalā mani ittabaʿa l-hudā

Tagalog Kaya pumunta kayong dalawa sa kanya saka magsabi kayong dalawa sa kanya: 'Tunay na kami ay dalawang sugo ng Panginoon mo kaya ipadala mo kasama sa amin ang mga anak ni Israel at huwag mo silang pagdusahin. Naghatid nga kami sa iyo ng isang tanda mula sa Panginoon mo. Ang kapayapaan ay sa sinumang sumunod sa patnubay.

Verse 48

إِنَّا قَدْ أُوحِىَ إِلَيْنَآ أَنَّ ٱلْعَذَابَ عَلَىٰ مَن كَذَّبَ وَتَوَلَّىٰ

Transliteration innā qad ūḥiya ilaynā anna l-ʿadhāba ʿalā man kadhaba watawallā

Tagalog Tunay na kami ay kinasihan nga na ang pagdurusa ay sa sinumang nagpasinungaling at tumalikod."

Verse 49

قَالَ فَمَن رَّبُّكُمَا يَـٰمُوسَىٰ

Transliteration qāla faman rabbukumā yāmūsā

Tagalog Nagsabi ito: "Kaya sino ang Panginoon ninyong dalawa, O Moises?"

Verse 50

قَالَ رَبُّنَا ٱلَّذِىٓ أَعْطَىٰ كُلَّ شَىْءٍ خَلْقَهُۥ ثُمَّ هَدَىٰ

Transliteration qāla rabbunā alladhī aʿṭā kulla shayin khalqahu thumma hadā

Tagalog Nagsabi siya: "Ang Panginoon namin ay ang nagbigay sa bawat bagay ng kaanyuan nito, pagkatapos nagpatnubay."

Verse 51

قَالَ فَمَا بَالُ ٱلْقُرُونِ ٱلْأُولَىٰ

Transliteration qāla famā bālu l-qurūni l-ūlā

Tagalog Nagsabi ito: "Kaya paano naman ang lagay ng mga salinlahing una?"

Verse 52

قَالَ عِلْمُهَا عِندَ رَبِّى فِى كِتَـٰبٍ ۖ لَّا يَضِلُّ رَبِّى وَلَا يَنسَى

Transliteration qāla ʿil'muhā ʿinda rabbī fī kitābin lā yaḍillu rabbī walā yansā

Tagalog Nagsabi siya: "Ang kaalaman doon ay nasa ganang Panginoon ko sa isang talaan. Hindi naliligaw ang Panginoon ko at hindi Siya nakalilimot.

Verse 53

ٱلَّذِى جَعَلَ لَكُمُ ٱلْأَرْضَ مَهْدًا وَسَلَكَ لَكُمْ فِيهَا سُبُلًا وَأَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءً فَأَخْرَجْنَا بِهِۦٓ أَزْوَٰجًا مِّن نَّبَاتٍ شَتَّىٰ

Transliteration alladhī jaʿala lakumu l-arḍa mahdan wasalaka lakum fīhā subulan wa-anzala mina l-samāi māan fa-akhrajnā bihi azwājan min nabātin shattā

Tagalog [Siya] ang gumawa para sa inyo ng lupa bilang nakalatag, nagsingit para sa inyo rito ng mga landas, at nagpababa mula sa langit ng tubig." Kaya nagpalabas sa pamamagitan nito ng mga kaurian ng halamang sarisari.

Verse 54

كُلُوا۟ وَٱرْعَوْا۟ أَنْعَـٰمَكُمْ ۗ إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَـَٔايَـٰتٍ لِّأُو۟لِى ٱلنُّهَىٰ

Transliteration kulū wa-ir'ʿaw anʿāmakum inna fī dhālika laāyātin li-ulī l-nuhā

Tagalog Kumain kayo at magpastol kayo ng mga hayupan ninyo. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga may katinuan.

Verse 55

۞ مِنْهَا خَلَقْنَـٰكُمْ وَفِيهَا نُعِيدُكُمْ وَمِنْهَا نُخْرِجُكُمْ تَارَةً أُخْرَىٰ

Transliteration min'hā khalaqnākum wafīhā nuʿīdukum wamin'hā nukh'rijukum tāratan ukh'rā

Tagalog Mula rito lumikha Kami sa inyo, dito magpapanumbalik Kami sa inyo, at mula rito magpapalabas Kami sa inyo sa isang pagkakataong iba pa.

Verse 56

وَلَقَدْ أَرَيْنَـٰهُ ءَايَـٰتِنَا كُلَّهَا فَكَذَّبَ وَأَبَىٰ

Transliteration walaqad araynāhu āyātinā kullahā fakadhaba wa-abā

Tagalog Talaga ngang nagpakita Kami sa kanya ng mga tanda Namin sa kabuuan ng mga ito ngunit nagpasinungaling siya at tumanggi siya.

Verse 57

قَالَ أَجِئْتَنَا لِتُخْرِجَنَا مِنْ أَرْضِنَا بِسِحْرِكَ يَـٰمُوسَىٰ

Transliteration qāla aji'tanā litukh'rijanā min arḍinā bisiḥ'rika yāmūsā

Tagalog Nagsabi ito: "Dumating ka ba sa amin upang magpalabas ka sa amin mula sa lupain namin sa pamamagitan ng panggagaway mo, O Moises?

Verse 58

فَلَنَأْتِيَنَّكَ بِسِحْرٍ مِّثْلِهِۦ فَٱجْعَلْ بَيْنَنَا وَبَيْنَكَ مَوْعِدًا لَّا نُخْلِفُهُۥ نَحْنُ وَلَآ أَنتَ مَكَانًا سُوًى

Transliteration falanatiyannaka bisiḥ'rin mith'lihi fa-ij'ʿal baynanā wabaynaka mawʿidan lā nukh'lifuhu naḥnu walā anta makānan suwan

Tagalog Kaya talagang magdadala nga kami sa iyo ng isang panggagaway tulad niyon. Kaya gumawa ka sa pagitan namin at ninyo ng isang tipanang hindi sisira niyon kami ni kayo sa isang pook na kalagitnaan."

Verse 59

قَالَ مَوْعِدُكُمْ يَوْمُ ٱلزِّينَةِ وَأَن يُحْشَرَ ٱلنَّاسُ ضُحًى

Transliteration qāla mawʿidukum yawmu l-zīnati wa-an yuḥ'shara l-nāsu ḍuḥan

Tagalog Nagsabi siya: "Ang tipanan ninyo ay ang araw ng gayak at na kalapin ang mga tao sa gitnang-umaga."

Verse 60

فَتَوَلَّىٰ فِرْعَوْنُ فَجَمَعَ كَيْدَهُۥ ثُمَّ أَتَىٰ

Transliteration fatawallā fir'ʿawnu fajamaʿa kaydahu thumma atā

Tagalog Kaya tumalikod si Paraon saka bumuo ito ng pakana nito, pagkatapos pumunta ito.

Verse 61

قَالَ لَهُم مُّوسَىٰ وَيْلَكُمْ لَا تَفْتَرُوا۟ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبًا فَيُسْحِتَكُم بِعَذَابٍ ۖ وَقَدْ خَابَ مَنِ ٱفْتَرَىٰ

Transliteration qāla lahum mūsā waylakum lā taftarū ʿalā l-lahi kadhiban fayus'ḥitakum biʿadhābin waqad khāba mani if'tarā

Tagalog Nagsabi sa kanila si Moises: "Kapighatian sa inyo! Huwag kayong gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan sapagkat pupuksa Siya sa inyo sa pamamagitan ng isang pagdurusa. Nabigo nga ang sinumang gumawa-gawa."

Verse 62

فَتَنَـٰزَعُوٓا۟ أَمْرَهُم بَيْنَهُمْ وَأَسَرُّوا۟ ٱلنَّجْوَىٰ

Transliteration fatanāzaʿū amrahum baynahum wa-asarrū l-najwā

Tagalog Kaya naghidwaan sila sa nauukol sa kanila sa pagitan nila at naglihim sila ng sarilinang pag-uusap.

Verse 63

قَالُوٓا۟ إِنْ هَـٰذَٰنِ لَسَـٰحِرَٰنِ يُرِيدَانِ أَن يُخْرِجَاكُم مِّنْ أَرْضِكُم بِسِحْرِهِمَا وَيَذْهَبَا بِطَرِيقَتِكُمُ ٱلْمُثْلَىٰ

Transliteration qālū in hādhāni lasāḥirāni yurīdāni an yukh'rijākum min arḍikum bisiḥ'rihimā wayadhhabā biṭarīqatikumu l-muth'lā

Tagalog Nagsabi sila: "Tunay na ang dalawang ito ay talagang dalawang manggagaway na nagnanais na magpalabas sa inyo mula sa lupain ninyo sa pamamagitan ng panggagaway nilang dalawa at mag-alis sa pamamaraan ninyong pinakauliran.

Verse 64

فَأَجْمِعُوا۟ كَيْدَكُمْ ثُمَّ ٱئْتُوا۟ صَفًّا ۚ وَقَدْ أَفْلَحَ ٱلْيَوْمَ مَنِ ٱسْتَعْلَىٰ

Transliteration fa-ajmiʿū kaydakum thumma i'tū ṣaffan waqad aflaḥa l-yawma mani is'taʿlā

Tagalog Kaya magkaisa kayo sa pakana ninyo, pagkatapos pumunta kayo nang pahanay. Nagtagumpay nga sa araw na ito ang nangibabaw."

Verse 65

قَالُوا۟ يَـٰمُوسَىٰٓ إِمَّآ أَن تُلْقِىَ وَإِمَّآ أَن نَّكُونَ أَوَّلَ مَنْ أَلْقَىٰ

Transliteration qālū yāmūsā immā an tul'qiya wa-immā an nakūna awwala man alqā

Tagalog Nagsabi sila: "O Moises, maaaring pumukol ka o maaaring maging kami ang una sa pupukol."

Verse 66

قَالَ بَلْ أَلْقُوا۟ ۖ فَإِذَا حِبَالُهُمْ وَعِصِيُّهُمْ يُخَيَّلُ إِلَيْهِ مِن سِحْرِهِمْ أَنَّهَا تَسْعَىٰ

Transliteration qāla bal alqū fa-idhā ḥibāluhum waʿiṣiyyuhum yukhayyalu ilayhi min siḥ'rihim annahā tasʿā

Tagalog Nagsabi siya: "Bagkus pumukol kayo." Kaya biglang ang mga lubid nila at ang mga tungkod nila ay ginuniguni sa kanya, dahil sa panggagaway nila, na ang mga ito ay sumisibad.

Verse 67

فَأَوْجَسَ فِى نَفْسِهِۦ خِيفَةً مُّوسَىٰ

Transliteration fa-awjasa fī nafsihi khīfatan mūsā

Tagalog Kaya nakadama sa sarili niya ng isang pangangamba si Moises.

Verse 68

قُلْنَا لَا تَخَفْ إِنَّكَ أَنتَ ٱلْأَعْلَىٰ

Transliteration qul'nā lā takhaf innaka anta l-aʿlā

Tagalog Nagsabi Kami: "Huwag kang mangamba; tunay na ikaw ay ang pinakamataas."

Verse 69

وَأَلْقِ مَا فِى يَمِينِكَ تَلْقَفْ مَا صَنَعُوٓا۟ ۖ إِنَّمَا صَنَعُوا۟ كَيْدُ سَـٰحِرٍ ۖ وَلَا يُفْلِحُ ٱلسَّاحِرُ حَيْثُ أَتَىٰ

Transliteration wa-alqi mā fī yamīnika talqaf mā ṣanaʿū innamā ṣanaʿū kaydu sāḥirin walā yuf'liḥu l-sāḥiru ḥaythu atā

Tagalog Magpukol ka ng nasa kanang kamay mo, lalamon ito sa niyari nila. Yumari lamang sila ng isang pakana ng isang manggagaway at hindi nagtatagumpay ang manggagaway saanman siya pumunta.

Verse 70

فَأُلْقِىَ ٱلسَّحَرَةُ سُجَّدًا قَالُوٓا۟ ءَامَنَّا بِرَبِّ هَـٰرُونَ وَمُوسَىٰ

Transliteration fa-ul'qiya l-saḥaratu sujjadan qālū āmannā birabbi hārūna wamūsā

Tagalog Kaya napahandusay ang mga manggagaway na mga nakapatirapa. Nagsabi sila: "Sumampalataya kami sa Panginoon nina Aaron at Moises."

Verse 71

قَالَ ءَامَنتُمْ لَهُۥ قَبْلَ أَنْ ءَاذَنَ لَكُمْ ۖ إِنَّهُۥ لَكَبِيرُكُمُ ٱلَّذِى عَلَّمَكُمُ ٱلسِّحْرَ ۖ فَلَأُقَطِّعَنَّ أَيْدِيَكُمْ وَأَرْجُلَكُم مِّنْ خِلَـٰفٍ وَلَأُصَلِّبَنَّكُمْ فِى جُذُوعِ ٱلنَّخْلِ وَلَتَعْلَمُنَّ أَيُّنَآ أَشَدُّ عَذَابًا وَأَبْقَىٰ

Transliteration qāla āmantum lahu qabla an ādhana lakum innahu lakabīrukumu alladhī ʿallamakumu l-siḥ'ra fala-uqaṭṭiʿanna aydiyakum wa-arjulakum min khilāfin wala-uṣallibannakum fī judhūʿi l-nakhli walataʿlamunna ayyunā ashaddu ʿadhāban wa-abqā

Tagalog Nagsabi ito: "Naniwala kayo sa kanya bago ako magpahintulot sa inyo. Tunay na siya ay talagang ang pasimuno ninyo na nagturo sa inyo ng panggagaway. Kaya talagang magpuputul-putol nga ako ng mga kamay ninyo at mga paa ninyo nang kabilaan, talagang magbibitin nga ako sa inyo sa mga puno ng mga datiles, at talagang makaaalam nga kayo kung alin sa atin ang higit na matindi sa [pagdudulot ng] pagdurusa at higit na nananatili."

Verse 72

قَالُوا۟ لَن نُّؤْثِرَكَ عَلَىٰ مَا جَآءَنَا مِنَ ٱلْبَيِّنَـٰتِ وَٱلَّذِى فَطَرَنَا ۖ فَٱقْضِ مَآ أَنتَ قَاضٍ ۖ إِنَّمَا تَقْضِى هَـٰذِهِ ٱلْحَيَوٰةَ ٱلدُّنْيَآ

Transliteration qālū lan nu'thiraka ʿalā mā jāanā mina l-bayināti wa-alladhī faṭaranā fa-iq'ḍi mā anta qāḍin innamā taqḍī hādhihi l-ḥayata l-dun'yā

Tagalog Nagsabi sila: "Hindi kami magtatangi sa iyo higit sa dumating sa amin na mga malinaw na patunay at [higit] sa lumalang sa amin. Kaya magtadhana ka ng anumang ikaw ay magtatadhana. Nagtatadhana ka lamang sa buhay na ito sa Mundo.

Verse 73

إِنَّآ ءَامَنَّا بِرَبِّنَا لِيَغْفِرَ لَنَا خَطَـٰيَـٰنَا وَمَآ أَكْرَهْتَنَا عَلَيْهِ مِنَ ٱلسِّحْرِ ۗ وَٱللَّهُ خَيْرٌ وَأَبْقَىٰٓ

Transliteration innā āmannā birabbinā liyaghfira lanā khaṭāyānā wamā akrahtanā ʿalayhi mina l-siḥ'ri wal-lahu khayrun wa-abqā

Tagalog Tunay na kami ay sumampalataya sa Panginoon namin upang magpatawad Siya sa amin sa mga kamalian namin at sa ipinilit mo sa amin na panggagaway. Si Allāh ay higit na mabuti at higit na nananatili."

Verse 74

إِنَّهُۥ مَن يَأْتِ رَبَّهُۥ مُجْرِمًا فَإِنَّ لَهُۥ جَهَنَّمَ لَا يَمُوتُ فِيهَا وَلَا يَحْيَىٰ

Transliteration innahu man yati rabbahu muj'riman fa-inna lahu jahannama lā yamūtu fīhā walā yaḥyā

Tagalog Tunay na ang sinumang pumunta sa Panginoon niya bilang salarin, tunay na ukol sa kanya ay Impiyerno. Hindi siya mamamatay roon at hindi mabubuhay.

Verse 75

وَمَن يَأْتِهِۦ مُؤْمِنًا قَدْ عَمِلَ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ فَأُو۟لَـٰٓئِكَ لَهُمُ ٱلدَّرَجَـٰتُ ٱلْعُلَىٰ

Transliteration waman yatihi mu'minan qad ʿamila l-ṣāliḥāti fa-ulāika lahumu l-darajātu l-ʿulā

Tagalog Ang sinumang pumunta sa Kanya bilang mananampalataya ay gumawa nga ng mga maayos na gawa. Kaya ang mga iyon ay ukol sa kanila ang mga antas na pinakamatataas:

Verse 76

جَنَّـٰتُ عَدْنٍ تَجْرِى مِن تَحْتِهَا ٱلْأَنْهَـٰرُ خَـٰلِدِينَ فِيهَا ۚ وَذَٰلِكَ جَزَآءُ مَن تَزَكَّىٰ

Transliteration jannātu ʿadnin tajrī min taḥtihā l-anhāru khālidīna fīhā wadhālika jazāu man tazakkā

Tagalog ang mga hardin ng Eden na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito. Iyon ay ang ganti sa sinumang nagpakadalisay.

Verse 77

وَلَقَدْ أَوْحَيْنَآ إِلَىٰ مُوسَىٰٓ أَنْ أَسْرِ بِعِبَادِى فَٱضْرِبْ لَهُمْ طَرِيقًا فِى ٱلْبَحْرِ يَبَسًا لَّا تَخَـٰفُ دَرَكًا وَلَا تَخْشَىٰ

Transliteration walaqad awḥaynā ilā mūsā an asri biʿibādī fa-iḍ'rib lahum ṭarīqan fī l-baḥri yabasan lā takhāfu darakan walā takhshā

Tagalog Talaga ngang nagkasi Kami kay Moises, na [nagsasabi]: "Maglakbay ka sa gabi kasama ng mga lingkod ko saka gumawa ka para sa kanila ng isang tuyong daan sa dagat; huwag kang mangamba sa pagkaabot at huwag kang matakot."

Verse 78

فَأَتْبَعَهُمْ فِرْعَوْنُ بِجُنُودِهِۦ فَغَشِيَهُم مِّنَ ٱلْيَمِّ مَا غَشِيَهُمْ

Transliteration fa-atbaʿahum fir'ʿawnu bijunūdihi faghashiyahum mina l-yami mā ghashiyahum

Tagalog Kaya nagpasunod sa kanila si Paraon ng mga kawal niya saka bumalot sa kanila mula sa dagat ang bumalot sa kanila.

Verse 79

وَأَضَلَّ فِرْعَوْنُ قَوْمَهُۥ وَمَا هَدَىٰ

Transliteration wa-aḍalla fir'ʿawnu qawmahu wamā hadā

Tagalog Nagligaw si Paraon sa mga tao niya at hindi nagpatnubay.

Verse 80

يَـٰبَنِىٓ إِسْرَٰٓءِيلَ قَدْ أَنجَيْنَـٰكُم مِّنْ عَدُوِّكُمْ وَوَٰعَدْنَـٰكُمْ جَانِبَ ٱلطُّورِ ٱلْأَيْمَنَ وَنَزَّلْنَا عَلَيْكُمُ ٱلْمَنَّ وَٱلسَّلْوَىٰ

Transliteration yābanī is'rāīla qad anjaynākum min ʿaduwwikum wawāʿadnākum jāniba l-ṭūri l-aymana wanazzalnā ʿalaykumu l-mana wal-salwā

Tagalog O mga anak ni Israel, nagligtas nga Kami sa inyo mula sa kaaway ninyo, nakipagtipan Kami sa inyo sa kanang gilid ng bundok, at nagbaba Kami sa inyo ng manna at pugo.

Verse 81

كُلُوا۟ مِن طَيِّبَـٰتِ مَا رَزَقْنَـٰكُمْ وَلَا تَطْغَوْا۟ فِيهِ فَيَحِلَّ عَلَيْكُمْ غَضَبِى ۖ وَمَن يَحْلِلْ عَلَيْهِ غَضَبِى فَقَدْ هَوَىٰ

Transliteration kulū min ṭayyibāti mā razaqnākum walā taṭghaw fīhi fayaḥilla ʿalaykum ghaḍabī waman yaḥlil ʿalayhi ghaḍabī faqad hawā

Tagalog Kumain kayo mula sa mga kaaya-aya na itinustos Namin sa inyo at huwag kayong magmalabis dito para [hindi] dumapo sa inyo ang galit Ko. Ang sinumang dumapo sa kanya ang galit Ko ay napariwara nga.

Verse 82

وَإِنِّى لَغَفَّارٌ لِّمَن تَابَ وَءَامَنَ وَعَمِلَ صَـٰلِحًا ثُمَّ ٱهْتَدَىٰ

Transliteration wa-innī laghaffārun liman tāba waāmana waʿamila ṣāliḥan thumma ih'tadā

Tagalog Tunay na Ako ay talagang Palapatawad para sa sinumang nagbalik-loob, sumampalataya, at gumawa ng maayos, pagkatapos napatnubayan.

Verse 83

۞ وَمَآ أَعْجَلَكَ عَن قَوْمِكَ يَـٰمُوسَىٰ

Transliteration wamā aʿjalaka ʿan qawmika yāmūsā

Tagalog Ano ang nagpamadali sa iyo palayo sa mga tao mo, O Moises?

Verse 84

قَالَ هُمْ أُو۟لَآءِ عَلَىٰٓ أَثَرِى وَعَجِلْتُ إِلَيْكَ رَبِّ لِتَرْضَىٰ

Transliteration qāla hum ulāi ʿalā atharī waʿajil'tu ilayka rabbi litarḍā

Tagalog Nagsabi ito: "Sila itong nasa bakas ko at nagmadali ako tungo sa iyo, Panginoon ko, upang malugod Ka."

Verse 85

قَالَ فَإِنَّا قَدْ فَتَنَّا قَوْمَكَ مِنۢ بَعْدِكَ وَأَضَلَّهُمُ ٱلسَّامِرِىُّ

Transliteration qāla fa-innā qad fatannā qawmaka min baʿdika wa-aḍallahumu l-sāmiriyu

Tagalog Nagsabi Siya: "Ngunit tunay na Kami ay sumulit nga sa mga tao mo noong matapos mo, at nagligaw sa kanila ang Sāmirīy."

Verse 86

فَرَجَعَ مُوسَىٰٓ إِلَىٰ قَوْمِهِۦ غَضْبَـٰنَ أَسِفًا ۚ قَالَ يَـٰقَوْمِ أَلَمْ يَعِدْكُمْ رَبُّكُمْ وَعْدًا حَسَنًا ۚ أَفَطَالَ عَلَيْكُمُ ٱلْعَهْدُ أَمْ أَرَدتُّمْ أَن يَحِلَّ عَلَيْكُمْ غَضَبٌ مِّن رَّبِّكُمْ فَأَخْلَفْتُم مَّوْعِدِى

Transliteration farajaʿa mūsā ilā qawmihi ghaḍbāna asifan qāla yāqawmi alam yaʿid'kum rabbukum waʿdan ḥasanan afaṭāla ʿalaykumu l-ʿahdu am aradttum an yaḥilla ʿalaykum ghaḍabun min rabbikum fa-akhlaftum mawʿidī

Tagalog Kaya bumalik si Moises sa mga tao niya na galit na naghihinagpis. Nagsabi ito: "O mga tao ko, hindi ba nangako sa inyo ang Panginoon ninyo ng isang pangakong maganda? Kaya tumagal ba sa inyo ang panahon o nagnais kayo na may dumapo sa inyo na isang galit mula sa Panginoon ninyo kaya sumira kayo sa naipangako sa akin?"

Verse 87

قَالُوا۟ مَآ أَخْلَفْنَا مَوْعِدَكَ بِمَلْكِنَا وَلَـٰكِنَّا حُمِّلْنَآ أَوْزَارًا مِّن زِينَةِ ٱلْقَوْمِ فَقَذَفْنَـٰهَا فَكَذَٰلِكَ أَلْقَى ٱلسَّامِرِىُّ

Transliteration qālū mā akhlafnā mawʿidaka bimalkinā walākinnā ḥummil'nā awzāran min zīnati l-qawmi faqadhafnāhā fakadhālika alqā l-sāmiriyu

Tagalog Nagsabi sila: "Hindi kami sumira sa ipinangako sa iyo dahil sa pagkukusa namin subalit kami ay pinagdala ng mga pasanin mula sa mga gayak ng mga tao kaya itinapon namin ang mga ito [sa isang hukay] saka gayon pumukol ang Sāmirīy."

Verse 88

فَأَخْرَجَ لَهُمْ عِجْلًا جَسَدًا لَّهُۥ خُوَارٌ فَقَالُوا۟ هَـٰذَآ إِلَـٰهُكُمْ وَإِلَـٰهُ مُوسَىٰ فَنَسِىَ

Transliteration fa-akhraja lahum ʿij'lan jasadan lahu khuwārun faqālū hādhā ilāhukum wa-ilāhu mūsā fanasiya

Tagalog Saka nagpalabas siya para sa kanila ng isang guyang rebulto na mayroon itong pag-unga saka nagsabi sila: "Ito ay diyos ninyo at diyos ni Moises, ngunit nakalimot siya."

Verse 89

أَفَلَا يَرَوْنَ أَلَّا يَرْجِعُ إِلَيْهِمْ قَوْلًا وَلَا يَمْلِكُ لَهُمْ ضَرًّا وَلَا نَفْعًا

Transliteration afalā yarawna allā yarjiʿu ilayhim qawlan walā yamliku lahum ḍarran walā nafʿan

Tagalog Kaya hindi ba sila nakakikita na hindi ito nagbabalik sa kanila ng isang pagsasabi at hindi nakapagdudulot para sa kanila ng isang pinsala ni isang pakinabang?

Verse 90

وَلَقَدْ قَالَ لَهُمْ هَـٰرُونُ مِن قَبْلُ يَـٰقَوْمِ إِنَّمَا فُتِنتُم بِهِۦ ۖ وَإِنَّ رَبَّكُمُ ٱلرَّحْمَـٰنُ فَٱتَّبِعُونِى وَأَطِيعُوٓا۟ أَمْرِى

Transliteration walaqad qāla lahum hārūnu min qablu yāqawmi innamā futintum bihi wa-inna rabbakumu l-raḥmānu fa-ittabiʿūnī wa-aṭīʿū amrī

Tagalog Talaga ngang nagsabi sa kanila si Aaron bago pa niyan: "O mga tao ko, sinulit lamang kayo sa pamamagitan nito. Tunay na ang Panginoon ninyo ay ang Napakamaawain kaya sumunod kayo sa akin at tumalima kayo sa utos ko."

Verse 91

قَالُوا۟ لَن نَّبْرَحَ عَلَيْهِ عَـٰكِفِينَ حَتَّىٰ يَرْجِعَ إِلَيْنَا مُوسَىٰ

Transliteration qālū lan nabraḥa ʿalayhi ʿākifīna ḥattā yarjiʿa ilaynā mūsā

Tagalog Nagsabi sila: "Hindi kami hihinto rito bilang mga namimintuho hanggang sa bumalik sa amin si Moises."

Verse 92

قَالَ يَـٰهَـٰرُونُ مَا مَنَعَكَ إِذْ رَأَيْتَهُمْ ضَلُّوٓا۟

Transliteration qāla yāhārūnu mā manaʿaka idh ra-aytahum ḍallū

Tagalog Nagsabi siya: "O Aaron, ano ang pumigil sa iyo, noong nakakita ka sa kanila na naligaw,

Verse 93

أَلَّا تَتَّبِعَنِ ۖ أَفَعَصَيْتَ أَمْرِى

Transliteration allā tattabiʿani afaʿaṣayta amrī

Tagalog na hindi ka sumunod sa akin? Kaya sumuway ka ba sa utos ko?"

Verse 94

قَالَ يَبْنَؤُمَّ لَا تَأْخُذْ بِلِحْيَتِى وَلَا بِرَأْسِىٓ ۖ إِنِّى خَشِيتُ أَن تَقُولَ فَرَّقْتَ بَيْنَ بَنِىٓ إِسْرَٰٓءِيلَ وَلَمْ تَرْقُبْ قَوْلِى

Transliteration qāla yabna-umma lā takhudh biliḥ'yatī walā birasī innī khashītu an taqūla farraqta bayna banī is'rāīla walam tarqub qawlī

Tagalog Nagsabi ito: "O anak ng ina ko, huwag kang dumaklot sa balbas ko ni sa ulo ko. Tunay na ako ay natakot na magsabi ka: 'Naghati-hati ka sa pagitan ng mga anak ni Israel at hindi ka nag-abang sa sasabihin ko.'"

Verse 95

قَالَ فَمَا خَطْبُكَ يَـٰسَـٰمِرِىُّ

Transliteration qāla famā khaṭbuka yāsāmiriyyu

Tagalog Nagsabi siya: "Kaya ano ang pakay mo, O Sāmirīy?"

Verse 96

قَالَ بَصُرْتُ بِمَا لَمْ يَبْصُرُوا۟ بِهِۦ فَقَبَضْتُ قَبْضَةً مِّنْ أَثَرِ ٱلرَّسُولِ فَنَبَذْتُهَا وَكَذَٰلِكَ سَوَّلَتْ لِى نَفْسِى

Transliteration qāla baṣur'tu bimā lam yabṣurū bihi faqabaḍtu qabḍatan min athari l-rasūli fanabadhtuhā wakadhālika sawwalat lī nafsī

Tagalog Nagsabi ito: "Nakakita ako ng hindi nila nakita kaya dumakot ako ng isang dakot mula sa bakas ng sugo at ihinagis ko iyon. Gayon humalina sa akin ang sarili ko."

Verse 97

قَالَ فَٱذْهَبْ فَإِنَّ لَكَ فِى ٱلْحَيَوٰةِ أَن تَقُولَ لَا مِسَاسَ ۖ وَإِنَّ لَكَ مَوْعِدًا لَّن تُخْلَفَهُۥ ۖ وَٱنظُرْ إِلَىٰٓ إِلَـٰهِكَ ٱلَّذِى ظَلْتَ عَلَيْهِ عَاكِفًا ۖ لَّنُحَرِّقَنَّهُۥ ثُمَّ لَنَنسِفَنَّهُۥ فِى ٱلْيَمِّ نَسْفًا

Transliteration qāla fa-idh'hab fa-inna laka fī l-ḥayati an taqūla lā misāsa wa-inna laka mawʿidan lan tukh'lafahu wa-unẓur ilā ilāhika alladhī ẓalta ʿalayhi ʿākifan lanuḥarriqannahu thumma lanansifannahu fī l-yami nasfan

Tagalog Nagsabi siya: "Kaya umalis ka sapagkat tunay na ukol sa iyo sa buhay na magsabi ka: 'Walang pananaling!' Tunay na ukol sa iyo ay isang ipinangako na hindi sisirain sa iyo. Tumingin ka sa diyos mo na namalagi ka riyan bilang namimintuho, talagang susunugin nga namin iyan, pagkatapos talagang isasabog nga namin iyan sa dagat sa isang pagsasabog.

Verse 98

إِنَّمَآ إِلَـٰهُكُمُ ٱللَّهُ ٱلَّذِى لَآ إِلَـٰهَ إِلَّا هُوَ ۚ وَسِعَ كُلَّ شَىْءٍ عِلْمًا

Transliteration innamā ilāhukumu l-lahu alladhī lā ilāha illā huwa wasiʿa kulla shayin ʿil'man

Tagalog Tanging ang Diyos ninyo ay si Allāh na walang Diyos kundi Siya. Sumakop Siya sa bawat bagay sa kaalaman.

Verse 99

كَذَٰلِكَ نَقُصُّ عَلَيْكَ مِنْ أَنۢبَآءِ مَا قَدْ سَبَقَ ۚ وَقَدْ ءَاتَيْنَـٰكَ مِن لَّدُنَّا ذِكْرًا

Transliteration kadhālika naquṣṣu ʿalayka min anbāi mā qad sabaqa waqad ātaynāka min ladunnā dhik'ran

Tagalog Gayon Kami nagsasalaysay sa iyo ng ilan sa mga balita ng nauna na. Nagbigay nga Kami mula sa nasa Amin ng isang paalaala.

Verse 100

مَّنْ أَعْرَضَ عَنْهُ فَإِنَّهُۥ يَحْمِلُ يَوْمَ ٱلْقِيَـٰمَةِ وِزْرًا

Transliteration man aʿraḍa ʿanhu fa-innahu yaḥmilu yawma l-qiyāmati wiz'ran

Tagalog Ang sinumang umayaw rito, tunay na siya ay magpapasan sa Araw ng Pagbangon ng isang pabigat,

Verse 101

خَـٰلِدِينَ فِيهِ ۖ وَسَآءَ لَهُمْ يَوْمَ ٱلْقِيَـٰمَةِ حِمْلًا

Transliteration khālidīna fīhi wasāa lahum yawma l-qiyāmati ḥim'lan

Tagalog bilang mga mananatili roon. Kay sagwa ito sa para sa kanila sa Araw ng Pagbangon bilang pasanin!

Verse 102

يَوْمَ يُنفَخُ فِى ٱلصُّورِ ۚ وَنَحْشُرُ ٱلْمُجْرِمِينَ يَوْمَئِذٍ زُرْقًا

Transliteration yawma yunfakhu fī l-ṣūri wanaḥshuru l-muj'rimīna yawma-idhin zur'qan

Tagalog Sa Araw na iihip sa tambuli at kakalap Kami sa mga salarin sa Araw na iyon habang [may matang] bughaw.

Verse 103

يَتَخَـٰفَتُونَ بَيْنَهُمْ إِن لَّبِثْتُمْ إِلَّا عَشْرًا

Transliteration yatakhāfatūna baynahum in labith'tum illā ʿashran

Tagalog Magbubulungan sila sa gitna nila: "Hindi kayo namalagi kundi nang sampung [gabi]."

Verse 104

نَّحْنُ أَعْلَمُ بِمَا يَقُولُونَ إِذْ يَقُولُ أَمْثَلُهُمْ طَرِيقَةً إِن لَّبِثْتُمْ إِلَّا يَوْمًا

Transliteration naḥnu aʿlamu bimā yaqūlūna idh yaqūlu amthaluhum ṭarīqatan in labith'tum illā yawman

Tagalog Kami ay higit na maalam sa sinasabi nila noong nagsasabi ang pinakamagaling sa kanila sa pamamaraan: "Hindi kayo namalagi kundi nang isang araw."

Verse 105

وَيَسْـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلْجِبَالِ فَقُلْ يَنسِفُهَا رَبِّى نَسْفًا

Transliteration wayasalūnaka ʿani l-jibāli faqul yansifuhā rabbī nasfan

Tagalog Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa mga bundok kaya sabihin mo: "Isasabog ang mga ito ng Panginoon ko sa isang pagsasabog.

Verse 106

فَيَذَرُهَا قَاعًا صَفْصَفًا

Transliteration fayadharuhā qāʿan ṣafṣafan

Tagalog Hahayaan Niya ang mga ito na maging kapatagang pantay.

Verse 107

لَّا تَرَىٰ فِيهَا عِوَجًا وَلَآ أَمْتًا

Transliteration lā tarā fīhā ʿiwajan walā amtan

Tagalog Hindi ka makakikita roon ng isang lubak ni isang umbok."

Verse 108

يَوْمَئِذٍ يَتَّبِعُونَ ٱلدَّاعِىَ لَا عِوَجَ لَهُۥ ۖ وَخَشَعَتِ ٱلْأَصْوَاتُ لِلرَّحْمَـٰنِ فَلَا تَسْمَعُ إِلَّا هَمْسًا

Transliteration yawma-idhin yattabiʿūna l-dāʿiya lā ʿiwaja lahu wakhashaʿati l-aṣwātu lilrraḥmāni falā tasmaʿu illā hamsan

Tagalog Sa Araw na iyon susundan nila ang tagapag-anyaya nang walang paglihis sa kanya at magpapakumbaba ang mga tinig para sa Napakamaawain kaya wala kang maririnig kundi isang bulong.

Verse 109

يَوْمَئِذٍ لَّا تَنفَعُ ٱلشَّفَـٰعَةُ إِلَّا مَنْ أَذِنَ لَهُ ٱلرَّحْمَـٰنُ وَرَضِىَ لَهُۥ قَوْلًا

Transliteration yawma-idhin lā tanfaʿu l-shafāʿatu illā man adhina lahu l-raḥmānu waraḍiya lahu qawlan

Tagalog Sa Araw na iyon ay hindi magpapakinabang ang pamamagitan maliban sa sinumang nagpahintulot doon ang Napakamaawain at nalugod Siya roon sa sinasabi.

Verse 110

يَعْلَمُ مَا بَيْنَ أَيْدِيهِمْ وَمَا خَلْفَهُمْ وَلَا يُحِيطُونَ بِهِۦ عِلْمًا

Transliteration yaʿlamu mā bayna aydīhim wamā khalfahum walā yuḥīṭūna bihi ʿil'man

Tagalog Nakaaalam Siya sa anumang nasa pagitan ng mga kamay nila at anumang nasa likuran nila habang hindi sila nakasasaklaw sa Kanya sa kaalaman.

Verse 111

۞ وَعَنَتِ ٱلْوُجُوهُ لِلْحَىِّ ٱلْقَيُّومِ ۖ وَقَدْ خَابَ مَنْ حَمَلَ ظُلْمًا

Transliteration waʿanati l-wujūhu lil'ḥayyi l-qayūmi waqad khāba man ḥamala ẓul'man

Tagalog Nagpakumbaba ang mga mukha sa Buhay na Mapagpanatili samantalang nabigo nga ang sinumang nagpasan ng isang kawalang-katarungan.

Verse 112

وَمَن يَعْمَلْ مِنَ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ وَهُوَ مُؤْمِنٌ فَلَا يَخَافُ ظُلْمًا وَلَا هَضْمًا

Transliteration waman yaʿmal mina l-ṣāliḥāti wahuwa mu'minun falā yakhāfu ẓul'man walā haḍman

Tagalog Ang sinumang gumagawa ng ilan sa mga maayos samantalang siya ay mananampalataya, hindi siya mangangamba sa isang kawalang-katarungan ni isang pang-aapi.

Verse 113

وَكَذَٰلِكَ أَنزَلْنَـٰهُ قُرْءَانًا عَرَبِيًّا وَصَرَّفْنَا فِيهِ مِنَ ٱلْوَعِيدِ لَعَلَّهُمْ يَتَّقُونَ أَوْ يُحْدِثُ لَهُمْ ذِكْرًا

Transliteration wakadhālika anzalnāhu qur'ānan ʿarabiyyan waṣarrafnā fīhi mina l-waʿīdi laʿallahum yattaqūna aw yuḥ'dithu lahum dhik'ran

Tagalog Gayon Kami nagpababa ng isang Qur'ān na Arabe at nagdetalye Kami rito ng banta nang sa gayon sila ay mangingilag magkasala o magsasanhi ito sa kanila ng isang pag-aalaala.

Verse 114

فَتَعَـٰلَى ٱللَّهُ ٱلْمَلِكُ ٱلْحَقُّ ۗ وَلَا تَعْجَلْ بِٱلْقُرْءَانِ مِن قَبْلِ أَن يُقْضَىٰٓ إِلَيْكَ وَحْيُهُۥ ۖ وَقُل رَّبِّ زِدْنِى عِلْمًا

Transliteration fataʿālā l-lahu l-maliku l-ḥaqu walā taʿjal bil-qur'āni min qabli an yuq'ḍā ilayka waḥyuhu waqul rabbi zid'nī ʿil'man

Tagalog Kaya pagkataas-taas si Allāh, ang Haring Totoo. Huwag kang magmadali sa pagbigkas ng Qur'ān bago pa matapos sa iyo ang pagkasi nito at magsabi ka: "Panginoon ko magdagdag Ka sa akin ng kaalaman."

Verse 115

وَلَقَدْ عَهِدْنَآ إِلَىٰٓ ءَادَمَ مِن قَبْلُ فَنَسِىَ وَلَمْ نَجِدْ لَهُۥ عَزْمًا

Transliteration walaqad ʿahid'nā ilā ādama min qablu fanasiya walam najid lahu ʿazman

Tagalog Talaga ngang naghabilin Kami kay Adan bago pa niyan ngunit nakalimot siya at hindi Kami nakatagpo sa kanya ng pagtitika.

Verse 116

وَإِذْ قُلْنَا لِلْمَلَـٰٓئِكَةِ ٱسْجُدُوا۟ لِـَٔادَمَ فَسَجَدُوٓا۟ إِلَّآ إِبْلِيسَ أَبَىٰ

Transliteration wa-idh qul'nā lil'malāikati us'judū liādama fasajadū illā ib'līsa abā

Tagalog [Banggitin] noong nagsabi Kami sa mga anghel: "Magpatirapa kayo kay Adan," kaya nagpatirapa naman sila maliban si Satanas; tumanggi ito.

Verse 117

فَقُلْنَا يَـٰٓـَٔادَمُ إِنَّ هَـٰذَا عَدُوٌّ لَّكَ وَلِزَوْجِكَ فَلَا يُخْرِجَنَّكُمَا مِنَ ٱلْجَنَّةِ فَتَشْقَىٰٓ

Transliteration faqul'nā yāādamu inna hādhā ʿaduwwun laka walizawjika falā yukh'rijannakumā mina l-janati fatashqā

Tagalog Kaya nagsabi Kami: "O Adan, tunay na ito ay isang kaaway para sa iyo at para sa asawa mo; kaya huwag nga siyang magpapalabas sa inyong dalawa mula sa hardin para malumbay ka."

Verse 118

إِنَّ لَكَ أَلَّا تَجُوعَ فِيهَا وَلَا تَعْرَىٰ

Transliteration inna laka allā tajūʿa fīhā walā taʿrā

Tagalog Tunay na ukol sa iyo na hindi ka magutom dito at hindi ka maghubad,

Verse 119

وَأَنَّكَ لَا تَظْمَؤُا۟ فِيهَا وَلَا تَضْحَىٰ

Transliteration wa-annaka lā taẓma-u fīhā walā taḍḥā

Tagalog at na ikaw ay hindi mauuhaw rito at hindi mainitan.

Verse 120

فَوَسْوَسَ إِلَيْهِ ٱلشَّيْطَـٰنُ قَالَ يَـٰٓـَٔادَمُ هَلْ أَدُلُّكَ عَلَىٰ شَجَرَةِ ٱلْخُلْدِ وَمُلْكٍ لَّا يَبْلَىٰ

Transliteration fawaswasa ilayhi l-shayṭānu qāla yāādamu hal adulluka ʿalā shajarati l-khul'di wamul'kin lā yablā

Tagalog Ngunit nagpasaring sa kanya ang demonyo. Nagsabi ito: "O Adan, gagabay kaya ako sa iyo sa Punong-kahoy ng Kawalang-hanggan at isang kahariang hindi nalalaspag?"

Verse 121

فَأَكَلَا مِنْهَا فَبَدَتْ لَهُمَا سَوْءَٰتُهُمَا وَطَفِقَا يَخْصِفَانِ عَلَيْهِمَا مِن وَرَقِ ٱلْجَنَّةِ ۚ وَعَصَىٰٓ ءَادَمُ رَبَّهُۥ فَغَوَىٰ

Transliteration fa-akalā min'hā fabadat lahumā sawātuhumā waṭafiqā yakhṣifāni ʿalayhimā min waraqi l-janati waʿaṣā ādamu rabbahu faghawā

Tagalog Kaya kumain silang dalawa mula roon, saka lumitaw sa kanilang dalawa ang kahubaran nilang dalawa. Nagsimula silang dalawa na nagtatakip sa kanilang dalawa ng mga dahon ng hardin. Sumuway si Adan sa Panginoon niya kaya nalisya siya.

Verse 122

ثُمَّ ٱجْتَبَـٰهُ رَبُّهُۥ فَتَابَ عَلَيْهِ وَهَدَىٰ

Transliteration thumma ij'tabāhu rabbuhu fatāba ʿalayhi wahadā

Tagalog Pagkatapos humalal sa kanya ang Panginoon niya saka tumatanggap sa pagbabalik-loob niya at nagpatnubay.

Verse 123

قَالَ ٱهْبِطَا مِنْهَا جَمِيعًۢا ۖ بَعْضُكُمْ لِبَعْضٍ عَدُوٌّ ۖ فَإِمَّا يَأْتِيَنَّكُم مِّنِّى هُدًى فَمَنِ ٱتَّبَعَ هُدَاىَ فَلَا يَضِلُّ وَلَا يَشْقَىٰ

Transliteration qāla ih'biṭā min'hā jamīʿan baʿḍukum libaʿḍin ʿaduwwun fa-immā yatiyannakum minnī hudan famani ittabaʿa hudāya falā yaḍillu walā yashqā

Tagalog Nagsabi Siya: "Lumapag kayong dalawa mula rito sa kalahatan. Ang iba sa inyo sa iba pa ay kaaway. Kaya kung may pumunta nga sa inyo mula sa Akin na isang patnubay, ang sinumang sumunod sa patnubay Ko ay hindi maliligaw at hindi malulumbay."

Verse 124

وَمَنْ أَعْرَضَ عَن ذِكْرِى فَإِنَّ لَهُۥ مَعِيشَةً ضَنكًا وَنَحْشُرُهُۥ يَوْمَ ٱلْقِيَـٰمَةِ أَعْمَىٰ

Transliteration waman aʿraḍa ʿan dhik'rī fa-inna lahu maʿīshatan ḍankan wanaḥshuruhu yawma l-qiyāmati aʿmā

Tagalog Ang sinumang umayaw sa pag-aalaala sa Akin, tunay na ukol sa kanya ay isang pamumuhay na hikahos. Kakalap Kami sa kanya sa Araw ng Pagbangon na isang bulag.

Verse 125

قَالَ رَبِّ لِمَ حَشَرْتَنِىٓ أَعْمَىٰ وَقَدْ كُنتُ بَصِيرًا

Transliteration qāla rabbi lima ḥashartanī aʿmā waqad kuntu baṣīran

Tagalog Magsasabi ito: "Panginoon ko, bakit Ka kumalap sa akin na isang bulag samantalang ako nga dati ay isang nakakikita?"

Verse 126

قَالَ كَذَٰلِكَ أَتَتْكَ ءَايَـٰتُنَا فَنَسِيتَهَا ۖ وَكَذَٰلِكَ ٱلْيَوْمَ تُنسَىٰ

Transliteration qāla kadhālika atatka āyātunā fanasītahā wakadhālika l-yawma tunsā

Tagalog Magsasabi Siya: "Gayon pumunta sa iyo ang mga tanda Namin saka lumimot ka sa mga iyon. Gayon ngayong Araw lilimutin ka."

Verse 127

وَكَذَٰلِكَ نَجْزِى مَنْ أَسْرَفَ وَلَمْ يُؤْمِنۢ بِـَٔايَـٰتِ رَبِّهِۦ ۚ وَلَعَذَابُ ٱلْـَٔاخِرَةِ أَشَدُّ وَأَبْقَىٰٓ

Transliteration wakadhālika najzī man asrafa walam yu'min biāyāti rabbihi walaʿadhābu l-ākhirati ashaddu wa-abqā

Tagalog Gayon Kami gaganti sa sinumang nagpakalabis at hindi sumampalataya sa mga tanda ng Panginoon niya. Talagang ang pagdurusa sa Kabilang-buhay ay higit na matindi at higit na nananatili.

Verse 128

أَفَلَمْ يَهْدِ لَهُمْ كَمْ أَهْلَكْنَا قَبْلَهُم مِّنَ ٱلْقُرُونِ يَمْشُونَ فِى مَسَـٰكِنِهِمْ ۗ إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَـَٔايَـٰتٍ لِّأُو۟لِى ٱلنُّهَىٰ

Transliteration afalam yahdi lahum kam ahlaknā qablahum mina l-qurūni yamshūna fī masākinihim inna fī dhālika laāyātin li-ulī l-nuhā

Tagalog Kaya hindi ba napaglinawan para sa kanila kung ilan ang ipinahamak Namin bago nila na mga salinlahi habang naglalakad ang mga iyon sa mga tirahan ng mga iyon? Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga may katinuan.

Verse 129

وَلَوْلَا كَلِمَةٌ سَبَقَتْ مِن رَّبِّكَ لَكَانَ لِزَامًا وَأَجَلٌ مُّسَمًّى

Transliteration walawlā kalimatun sabaqat min rabbika lakāna lizāman wa-ajalun musamman

Tagalog Kung hindi dahil sa isang salitang nauna mula sa Panginoon mo, talaga sanang ito ay naging kinakailangan, at [kung hindi rin dahil sa] isang taning na tinukoy.

Verse 130

فَٱصْبِرْ عَلَىٰ مَا يَقُولُونَ وَسَبِّحْ بِحَمْدِ رَبِّكَ قَبْلَ طُلُوعِ ٱلشَّمْسِ وَقَبْلَ غُرُوبِهَا ۖ وَمِنْ ءَانَآئِ ٱلَّيْلِ فَسَبِّحْ وَأَطْرَافَ ٱلنَّهَارِ لَعَلَّكَ تَرْضَىٰ

Transliteration fa-iṣ'bir ʿalā mā yaqūlūna wasabbiḥ biḥamdi rabbika qabla ṭulūʿi l-shamsi waqabla ghurūbihā wamin ānāi al-layli fasabbiḥ wa-aṭrāfa l-nahāri laʿallaka tarḍā

Tagalog Kaya magtiis ka sa anumang sinasabi nila at magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Panginoon mo bago ng pagsikat ng araw at bago ng paglubog nito; at mula sa mga bahagi ng gabi ay magluwalhati ka at sa mga dulo ng maghapon, nang sa gayon ikaw ay malulugod.

Verse 131

وَلَا تَمُدَّنَّ عَيْنَيْكَ إِلَىٰ مَا مَتَّعْنَا بِهِۦٓ أَزْوَٰجًا مِّنْهُمْ زَهْرَةَ ٱلْحَيَوٰةِ ٱلدُّنْيَا لِنَفْتِنَهُمْ فِيهِ ۚ وَرِزْقُ رَبِّكَ خَيْرٌ وَأَبْقَىٰ

Transliteration walā tamuddanna ʿaynayka ilā mā mattaʿnā bihi azwājan min'hum zahrata l-ḥayati l-dun'yā linaftinahum fīhi wariz'qu rabbika khayrun wa-abqā

Tagalog Huwag ka ngang magpaabot ng mga mata tungo sa ipinatamasa Namin sa mga kaurian kabilang sa kanila bilang karangyaan ng buhay na pangmundo upang sumulit Kami sa kanila roon. Ang panustos ng Panginoon mo ay higit na mabuti at higit na nananatili.

Verse 132

وَأْمُرْ أَهْلَكَ بِٱلصَّلَوٰةِ وَٱصْطَبِرْ عَلَيْهَا ۖ لَا نَسْـَٔلُكَ رِزْقًا ۖ نَّحْنُ نَرْزُقُكَ ۗ وَٱلْعَـٰقِبَةُ لِلتَّقْوَىٰ

Transliteration wamur ahlaka bil-ṣalati wa-iṣ'ṭabir ʿalayhā lā nasaluka riz'qan naḥnu narzuquka wal-ʿāqibatu lilttaqwā

Tagalog Mag-utos ka sa mag-anak mo ng pagdarasal at magpakamatiisin ka rito. Hindi Kami humihingi sa iyo ng isang panustos; Kami ay tumutustos sa iyo. Ang [pinapupurihang] kahihinatnan ay ukol sa [mga may] pangingilag magkasala.

Verse 133

وَقَالُوا۟ لَوْلَا يَأْتِينَا بِـَٔايَةٍ مِّن رَّبِّهِۦٓ ۚ أَوَلَمْ تَأْتِهِم بَيِّنَةُ مَا فِى ٱلصُّحُفِ ٱلْأُولَىٰ

Transliteration waqālū lawlā yatīnā biāyatin min rabbihi awalam tatihim bayyinatu mā fī l-ṣuḥufi l-ūlā

Tagalog Nagsabi sila: "Bakit kaya hindi siya nagdala sa atin ng isang tanda mula sa Panginoon niya? Hindi ba pumunta sa kanila ang malinaw na patunay ng nasa mga unang kalatas?"

Verse 134

وَلَوْ أَنَّآ أَهْلَكْنَـٰهُم بِعَذَابٍ مِّن قَبْلِهِۦ لَقَالُوا۟ رَبَّنَا لَوْلَآ أَرْسَلْتَ إِلَيْنَا رَسُولًا فَنَتَّبِعَ ءَايَـٰتِكَ مِن قَبْلِ أَن نَّذِلَّ وَنَخْزَىٰ

Transliteration walaw annā ahlaknāhum biʿadhābin min qablihi laqālū rabbanā lawlā arsalta ilaynā rasūlan fanattabiʿa āyātika min qabli an nadhilla wanakhzā

Tagalog Kung sakaling Kami ay nagpahamak sa kanila sa pamamagitan ng isang pagdurusa bago pa niya ay talagang magsasabi sila: "Panginoon namin, bakit kaya hindi Ka nagsugo sa amin ng isang sugo para sumunod kami sa mga tanda Mo bago pa na maaba kami at mapahiya kami?"

Verse 135

قُلْ كُلٌّ مُّتَرَبِّصٌ فَتَرَبَّصُوا۟ ۖ فَسَتَعْلَمُونَ مَنْ أَصْحَـٰبُ ٱلصِّرَٰطِ ٱلسَّوِىِّ وَمَنِ ٱهْتَدَىٰ

Transliteration qul kullun mutarabbiṣun fatarabbaṣū fasataʿlamūna man aṣḥābu l-ṣirāṭi l-sawiyi wamani ih'tadā

Tagalog Sabihin mo: "Bawat [isa] ay nag-aantabay; kaya mag-antabay kayo sapagkat makaaalam kayo kung sino ang mga kasamahan sa landasing matuwid at kung sino ang napatnubayan."

Read Surah Taha in another language

All languages

All 114 surahs in Tagalog: the Qur’an in Tagalog.

Learn it in MyDugsi

Tagalog translation: Dar Al-Salam Center, from Quran.com. Transliteration: Quran.com. Recitation: Mishary Alafasy, from EveryAyah.com. MyDugsi is a learning aid, not a replacement for a qualified teacher.