Surah Hud in Tagalog: translation and audio
Surah 11 · هود · Hud · 123 verses
Surah Hud verse by verse: the Arabic with a recitation you can repeat, the transliteration, and the Tagalog translation by Dar Al-Salam Center. For the meaning of every word, see Surah Hud word by word in English.
Verse 1
الٓر ۚ كِتَـٰبٌ أُحْكِمَتْ ءَايَـٰتُهُۥ ثُمَّ فُصِّلَتْ مِن لَّدُنْ حَكِيمٍ خَبِيرٍ
Transliteration alif-lam-ra kitābun uḥ'kimat āyātuhu thumma fuṣṣilat min ladun ḥakīmin khabīrin
Tagalog Alif. Lām. Rā’. [Ito ay] isang Aklat na hinusto ang mga talata nito, pagkatapos dinetalye mula sa panig ng isang Marunong, isang Mapagbatid.
Verse 2
أَلَّا تَعْبُدُوٓا۟ إِلَّا ٱللَّهَ ۚ إِنَّنِى لَكُم مِّنْهُ نَذِيرٌ وَبَشِيرٌ
Transliteration allā taʿbudū illā l-laha innanī lakum min'hu nadhīrun wabashīrun
Tagalog [Ipinasasabi sa Sugo:] "Na huwag kayong sumamba kundi kay Allāh. Tunay na ako para sa inyo mula sa Kanya ay isang mapagbabala at isang mapagbalita ng nakagagalak."
Verse 3
وَأَنِ ٱسْتَغْفِرُوا۟ رَبَّكُمْ ثُمَّ تُوبُوٓا۟ إِلَيْهِ يُمَتِّعْكُم مَّتَـٰعًا حَسَنًا إِلَىٰٓ أَجَلٍ مُّسَمًّى وَيُؤْتِ كُلَّ ذِى فَضْلٍ فَضْلَهُۥ ۖ وَإِن تَوَلَّوْا۟ فَإِنِّىٓ أَخَافُ عَلَيْكُمْ عَذَابَ يَوْمٍ كَبِيرٍ
Transliteration wa-ani is'taghfirū rabbakum thumma tūbū ilayhi yumattiʿ'kum matāʿan ḥasanan ilā ajalin musamman wayu'ti kulla dhī faḍlin faḍlahu wa-in tawallaw fa-innī akhāfu ʿalaykum ʿadhāba yawmin kabīrin
Tagalog [Ipinasasabi sa Sugo:] "Na humingi kayo ng tawad sa Panginoon ninyo, pagkatapos magbalik-loob kayo sa Kanya, magpapatamasa Siya sa inyo ng isang natatamasang maganda hanggang sa isang taning na tinukoy at magbibigay Siya sa bawat may kabutihang-loob ng kabutihang-loob dito. Kung tatalikod kayo, tunay na ako ay nangangamba para sa inyo ng pagdurusa sa isang araw na malaki.
Verse 4
إِلَى ٱللَّهِ مَرْجِعُكُمْ ۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَىْءٍ قَدِيرٌ
Transliteration ilā l-lahi marjiʿukum wahuwa ʿalā kulli shayin qadīrun
Tagalog Tungo kay Allāh ang babalikan ninyo. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan."
Verse 5
أَلَآ إِنَّهُمْ يَثْنُونَ صُدُورَهُمْ لِيَسْتَخْفُوا۟ مِنْهُ ۚ أَلَا حِينَ يَسْتَغْشُونَ ثِيَابَهُمْ يَعْلَمُ مَا يُسِرُّونَ وَمَا يُعْلِنُونَ ۚ إِنَّهُۥ عَلِيمٌۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ
Transliteration alā innahum yathnūna ṣudūrahum liyastakhfū min'hu alā ḥīna yastaghshūna thiyābahum yaʿlamu mā yusirrūna wamā yuʿ'linūna innahu ʿalīmun bidhāti l-ṣudūri
Tagalog Pansinin, tunay na sila ay nagtatabingi ng mga dibdib nila upang makapagkubli sila mula sa Kanya. Pansinin, kapag nagpapabalot sila ng mga kasuutan nila ay nakaaalam Siya sa anumang inililihim nila at anumang inihahayag nila. Tunay na Siya ay Maalam sa nilalaman ng mga dibdib.
Verse 6
۞ وَمَا مِن دَآبَّةٍ فِى ٱلْأَرْضِ إِلَّا عَلَى ٱللَّهِ رِزْقُهَا وَيَعْلَمُ مُسْتَقَرَّهَا وَمُسْتَوْدَعَهَا ۚ كُلٌّ فِى كِتَـٰبٍ مُّبِينٍ
Transliteration wamā min dābbatin fī l-arḍi illā ʿalā l-lahi riz'quhā wayaʿlamu mus'taqarrahā wamus'tawdaʿahā kullun fī kitābin mubīnin
Tagalog Walang anumang gumagalaw na nilalang sa lupa malibang nasa kay Allāh ang panustos nito. Nakaaalam Siya sa tuluyan nito at pinaglalagakan dito. Bawat isa ay nasa isang talaang malinaw.
Verse 7
وَهُوَ ٱلَّذِى خَلَقَ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضَ فِى سِتَّةِ أَيَّامٍ وَكَانَ عَرْشُهُۥ عَلَى ٱلْمَآءِ لِيَبْلُوَكُمْ أَيُّكُمْ أَحْسَنُ عَمَلًا ۗ وَلَئِن قُلْتَ إِنَّكُم مَّبْعُوثُونَ مِنۢ بَعْدِ ٱلْمَوْتِ لَيَقُولَنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓا۟ إِنْ هَـٰذَآ إِلَّا سِحْرٌ مُّبِينٌ
Transliteration wahuwa alladhī khalaqa l-samāwāti wal-arḍa fī sittati ayyāmin wakāna ʿarshuhu ʿalā l-māi liyabluwakum ayyukum aḥsanu ʿamalan wala-in qul'ta innakum mabʿūthūna min baʿdi l-mawti layaqūlanna alladhīna kafarū in hādhā illā siḥ'run mubīnun
Tagalog Siya ang lumikha ng mga langit at lupa sa anim na araw – at ang Trono Niya ay nasa ibabaw ng tubig – upang sumubok Siya sa inyo kung alin sa inyo ang pinakamaganda sa gawa. Talagang kung nagsabi ka: "Tunay na kayo ay mga bubuhayin matapos ng kamatayan" ay talagang magsasabi nga ang mga tagatangging sumampalataya: "Walang iba ito kundi isang panggagaway na malinaw."
Verse 8
وَلَئِنْ أَخَّرْنَا عَنْهُمُ ٱلْعَذَابَ إِلَىٰٓ أُمَّةٍ مَّعْدُودَةٍ لَّيَقُولُنَّ مَا يَحْبِسُهُۥٓ ۗ أَلَا يَوْمَ يَأْتِيهِمْ لَيْسَ مَصْرُوفًا عَنْهُمْ وَحَاقَ بِهِم مَّا كَانُوا۟ بِهِۦ يَسْتَهْزِءُونَ
Transliteration wala-in akharnā ʿanhumu l-ʿadhāba ilā ummatin maʿdūdatin layaqūlunna mā yaḥbisuhu alā yawma yatīhim laysa maṣrūfan ʿanhum waḥāqa bihim mā kānū bihi yastahziūna
Tagalog Talagang kung nag-antala Kami sa kanila ng pagdurusa hanggang sa isang yugtong nabibilang ay talagang magsasabi nga sila: "Ano ang pumipigil dito?" Pakatandaan, sa araw na darating ito sa kanila ay hindi ito maililihis palayo sa kanila at papaligid sa kanila ang dati nilang kinukutya.
Verse 9
وَلَئِنْ أَذَقْنَا ٱلْإِنسَـٰنَ مِنَّا رَحْمَةً ثُمَّ نَزَعْنَـٰهَا مِنْهُ إِنَّهُۥ لَيَـُٔوسٌ كَفُورٌ
Transliteration wala-in adhaqnā l-insāna minnā raḥmatan thumma nazaʿnāhā min'hu innahu layaūsun kafūrun
Tagalog Talagang kung nagpalasap Kami sa tao ng isang awa mula sa Amin, pagkatapos nag-alis Kami nito mula sa kanya, tunay na siya ay talagang nawawalan ng pag-asa, palatangging magpasalamat.
Verse 10
وَلَئِنْ أَذَقْنَـٰهُ نَعْمَآءَ بَعْدَ ضَرَّآءَ مَسَّتْهُ لَيَقُولَنَّ ذَهَبَ ٱلسَّيِّـَٔاتُ عَنِّىٓ ۚ إِنَّهُۥ لَفَرِحٌ فَخُورٌ
Transliteration wala-in adhaqnāhu naʿmāa baʿda ḍarrāa massathu layaqūlanna dhahaba l-sayiātu ʿannī innahu lafariḥun fakhūrun
Tagalog Talagang kung nagpalasap Kami sa kanya ng isang kabiyayaan matapos ng isang kariwaraang sumaling sa kanya ay talagang magsasabi nga siya: "Umalis ang mga masagwa palayo sa akin." Tunay na siya ay talagang masaya, napakayabang –
Verse 11
إِلَّا ٱلَّذِينَ صَبَرُوا۟ وَعَمِلُوا۟ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ أُو۟لَـٰٓئِكَ لَهُم مَّغْفِرَةٌ وَأَجْرٌ كَبِيرٌ
Transliteration illā alladhīna ṣabarū waʿamilū l-ṣāliḥāti ulāika lahum maghfiratun wa-ajrun kabīrun
Tagalog maliban sa mga nagtiis at gumawa ng mga maayos; ang mga iyon ay may ukol sa kanila na isang kapatawaran at isang pabuyang malaki.
Verse 12
فَلَعَلَّكَ تَارِكٌۢ بَعْضَ مَا يُوحَىٰٓ إِلَيْكَ وَضَآئِقٌۢ بِهِۦ صَدْرُكَ أَن يَقُولُوا۟ لَوْلَآ أُنزِلَ عَلَيْهِ كَنزٌ أَوْ جَآءَ مَعَهُۥ مَلَكٌ ۚ إِنَّمَآ أَنتَ نَذِيرٌ ۚ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَىْءٍ وَكِيلٌ
Transliteration falaʿallaka tārikun baʿḍa mā yūḥā ilayka waḍāiqun bihi ṣadruka an yaqūlū lawlā unzila ʿalayhi kanzun aw jāa maʿahu malakun innamā anta nadhīrun wal-lahu ʿalā kulli shayin wakīlun
Tagalog Kaya baka ikaw ay mag-iiwan sa ilan sa ikinakasi sa iyo at pinaninikipan dahil dito ng dibdib mo na magsabi sila sa iyo: "Bakit kasi walang pinababa sa kanya na isang kayamanan o may dumating kasama sa kanya na isang anghel?" Ikaw ay isang mapagbabala lamang. Si Allāh sa bawat bagay ay Pinagkakatiwalaan.
Verse 13
أَمْ يَقُولُونَ ٱفْتَرَىٰهُ ۖ قُلْ فَأْتُوا۟ بِعَشْرِ سُوَرٍ مِّثْلِهِۦ مُفْتَرَيَـٰتٍ وَٱدْعُوا۟ مَنِ ٱسْتَطَعْتُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ إِن كُنتُمْ صَـٰدِقِينَ
Transliteration am yaqūlūna if'tarāhu qul fatū biʿashri suwarin mith'lihi muf'tarayātin wa-id'ʿū mani is'taṭaʿtum min dūni l-lahi in kuntum ṣādiqīna
Tagalog O nagsasabi ba sila na ginawa-gawa niya ito? Sabihin mo: “Kaya maglahad kayo ng sampung kabanata tulad nito na mga ginawa-gawa at tumawag kayo ng sinumang nakaya ninyo bukod pa kay Allāh kung kayo ay mga tapat."
Verse 14
فَإِلَّمْ يَسْتَجِيبُوا۟ لَكُمْ فَٱعْلَمُوٓا۟ أَنَّمَآ أُنزِلَ بِعِلْمِ ٱللَّهِ وَأَن لَّآ إِلَـٰهَ إِلَّا هُوَ ۖ فَهَلْ أَنتُم مُّسْلِمُونَ
Transliteration fa-illam yastajībū lakum fa-iʿ'lamū annamā unzila biʿil'mi l-lahi wa-an lā ilāha illā huwa fahal antum mus'limūna
Tagalog Kaya kung hindi sila tumugon sa inyo, alamin ninyo na pinababa lamang ito nang may kaalaman ni Allāh at na walang Diyos kundi Siya. Kaya kayo ba ay mga tagapagpasakop?
Verse 15
مَن كَانَ يُرِيدُ ٱلْحَيَوٰةَ ٱلدُّنْيَا وَزِينَتَهَا نُوَفِّ إِلَيْهِمْ أَعْمَـٰلَهُمْ فِيهَا وَهُمْ فِيهَا لَا يُبْخَسُونَ
Transliteration man kāna yurīdu l-ḥayata l-dun'yā wazīnatahā nuwaffi ilayhim aʿmālahum fīhā wahum fīhā lā yub'khasūna
Tagalog Ang sinumang nagnanais ng buhay na pangmundo at gayak nito, maglulubus-lubos Kami tungo sa kanila [ng kabayaran] sa mga gawa nila rito habang sila rito ay hindi kinukulangan.
Verse 16
أُو۟لَـٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ لَيْسَ لَهُمْ فِى ٱلْـَٔاخِرَةِ إِلَّا ٱلنَّارُ ۖ وَحَبِطَ مَا صَنَعُوا۟ فِيهَا وَبَـٰطِلٌ مَّا كَانُوا۟ يَعْمَلُونَ
Transliteration ulāika alladhīna laysa lahum fī l-ākhirati illā l-nāru waḥabiṭa mā ṣanaʿū fīhā wabāṭilun mā kānū yaʿmalūna
Tagalog Ang mga iyon, walang ukol sa kanila sa Kabilang-buhay kundi ang Apoy. Nawalang-kabuluhan ang niyari nila roon at walang-saysay ang dati nilang ginagawa.
Verse 17
أَفَمَن كَانَ عَلَىٰ بَيِّنَةٍ مِّن رَّبِّهِۦ وَيَتْلُوهُ شَاهِدٌ مِّنْهُ وَمِن قَبْلِهِۦ كِتَـٰبُ مُوسَىٰٓ إِمَامًا وَرَحْمَةً ۚ أُو۟لَـٰٓئِكَ يُؤْمِنُونَ بِهِۦ ۚ وَمَن يَكْفُرْ بِهِۦ مِنَ ٱلْأَحْزَابِ فَٱلنَّارُ مَوْعِدُهُۥ ۚ فَلَا تَكُ فِى مِرْيَةٍ مِّنْهُ ۚ إِنَّهُ ٱلْحَقُّ مِن رَّبِّكَ وَلَـٰكِنَّ أَكْثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يُؤْمِنُونَ
Transliteration afaman kāna ʿalā bayyinatin min rabbihi wayatlūhu shāhidun min'hu wamin qablihi kitābu mūsā imāman waraḥmatan ulāika yu'minūna bihi waman yakfur bihi mina l-aḥzābi fal-nāru mawʿiduhu falā taku fī mir'yatin min'hu innahu l-ḥaqu min rabbika walākinna akthara l-nāsi lā yu'minūna
Tagalog Kaya ba ang nasa isang malinaw na patunay mula sa Panginoon niya [ay tulad ng nabanggit]? Sumusunod dito ang isang tagasaksi mula sa Kanya at, bago pa nito, ang kasulatan ni Moises bilang pinuno at bilang awa. Ang mga iyon ay sumasampalataya rito. Ang sinumang tumangging sumampalataya rito kabilang sa mga lapian, ang Apoy ay ipinangako sa kanya. Kaya huwag kang maging nasa isang pag-aalangan sa [Qur’ān na] ito. Tunay na ito ay ang katotohanan mula sa Panginoon mo, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi sumasampalataya.
Verse 18
وَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنِ ٱفْتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبًا ۚ أُو۟لَـٰٓئِكَ يُعْرَضُونَ عَلَىٰ رَبِّهِمْ وَيَقُولُ ٱلْأَشْهَـٰدُ هَـٰٓؤُلَآءِ ٱلَّذِينَ كَذَبُوا۟ عَلَىٰ رَبِّهِمْ ۚ أَلَا لَعْنَةُ ٱللَّهِ عَلَى ٱلظَّـٰلِمِينَ
Transliteration waman aẓlamu mimmani if'tarā ʿalā l-lahi kadhiban ulāika yuʿ'raḍūna ʿalā rabbihim wayaqūlu l-ashhādu hāulāi alladhīna kadhabū ʿalā rabbihim alā laʿnatu l-lahi ʿalā l-ẓālimīna
Tagalog Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan? Ang mga iyon ay ilalahad sa Panginoon nila at magsasabi ang mga saksi: "Ang mga ito ay ang mga nagsinungaling laban sa Panginoon nila." Pansinin, ang sumpa ni Allāh ay ukol sa mga tagalabag sa katarungan,
Verse 19
ٱلَّذِينَ يَصُدُّونَ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ وَيَبْغُونَهَا عِوَجًا وَهُم بِٱلْـَٔاخِرَةِ هُمْ كَـٰفِرُونَ
Transliteration alladhīna yaṣuddūna ʿan sabīli l-lahi wayabghūnahā ʿiwajan wahum bil-ākhirati hum kāfirūna
Tagalog na mga sumasagabal sa landas ni Allāh at naghahangad dito ng isang kabaluktutan habang sila sa Kabilang-buhay ay mga tagatangging sumampalataya.
Verse 20
أُو۟لَـٰٓئِكَ لَمْ يَكُونُوا۟ مُعْجِزِينَ فِى ٱلْأَرْضِ وَمَا كَانَ لَهُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ مِنْ أَوْلِيَآءَ ۘ يُضَـٰعَفُ لَهُمُ ٱلْعَذَابُ ۚ مَا كَانُوا۟ يَسْتَطِيعُونَ ٱلسَّمْعَ وَمَا كَانُوا۟ يُبْصِرُونَ
Transliteration ulāika lam yakūnū muʿ'jizīna fī l-arḍi wamā kāna lahum min dūni l-lahi min awliyāa yuḍāʿafu lahumu l-ʿadhābu mā kānū yastaṭīʿūna l-samʿa wamā kānū yub'ṣirūna
Tagalog Ang mga iyon ay hindi mga makalulusot sa lupa at hindi sila nagkaroon bukod pa kay Allāh ng mga katangkilik. Pag-iibayuhin para sa kanila ang pagdurusa. Hindi sila dati nakakakaya ng pagdinig at hindi sila dati nakakikita.
Verse 21
أُو۟لَـٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ خَسِرُوٓا۟ أَنفُسَهُمْ وَضَلَّ عَنْهُم مَّا كَانُوا۟ يَفْتَرُونَ
Transliteration ulāika alladhīna khasirū anfusahum waḍalla ʿanhum mā kānū yaftarūna
Tagalog Ang mga iyon ay ang mga nagpalugi sa mga sarili nila at nawala sa kanila ang dati nilang ginagawa-gawa.
Verse 22
لَا جَرَمَ أَنَّهُمْ فِى ٱلْـَٔاخِرَةِ هُمُ ٱلْأَخْسَرُونَ
Transliteration lā jarama annahum fī l-ākhirati humu l-akhsarūna
Tagalog Walang pasubali na sila sa Kabilang-buhay ay ang mga pinakalugi.
Verse 23
إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَعَمِلُوا۟ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ وَأَخْبَتُوٓا۟ إِلَىٰ رَبِّهِمْ أُو۟لَـٰٓئِكَ أَصْحَـٰبُ ٱلْجَنَّةِ ۖ هُمْ فِيهَا خَـٰلِدُونَ
Transliteration inna alladhīna āmanū waʿamilū l-ṣāliḥāti wa-akhbatū ilā rabbihim ulāika aṣḥābu l-janati hum fīhā khālidūna
Tagalog Tunay na ang mga sumampalataya, gumawa ng mga maayos, at nagpakumbaba sa Panginoon nila, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Paraiso; sila ay doon mga mananatili.
Verse 24
۞ مَثَلُ ٱلْفَرِيقَيْنِ كَٱلْأَعْمَىٰ وَٱلْأَصَمِّ وَٱلْبَصِيرِ وَٱلسَّمِيعِ ۚ هَلْ يَسْتَوِيَانِ مَثَلًا ۚ أَفَلَا تَذَكَّرُونَ
Transliteration mathalu l-farīqayni kal-aʿmā wal-aṣami wal-baṣīri wal-samīʿi hal yastawiyāni mathalan afalā tadhakkarūna
Tagalog Ang paghahalintulad sa dalawang pangkat ay gaya ng bulag at bingi, at ng nakakikita at nakaririnig. Nagkakapantay kaya ang dalawa sa paghahalintulad? Hindi ba kayo magsasaalaala?
Verse 25
وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا نُوحًا إِلَىٰ قَوْمِهِۦٓ إِنِّى لَكُمْ نَذِيرٌ مُّبِينٌ
Transliteration walaqad arsalnā nūḥan ilā qawmihi innī lakum nadhīrun mubīnun
Tagalog Talaga ngang nagsugo Kami kay Noe sa mga tao niya, [na nagsasabi]: "Tunay na ako para sa inyo ay isang mapagbabalang malinaw,
Verse 26
أَن لَّا تَعْبُدُوٓا۟ إِلَّا ٱللَّهَ ۖ إِنِّىٓ أَخَافُ عَلَيْكُمْ عَذَابَ يَوْمٍ أَلِيمٍ
Transliteration an lā taʿbudū illā l-laha innī akhāfu ʿalaykum ʿadhāba yawmin alīmin
Tagalog na huwag kayong sumamba kundi kay Allāh; tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa isang pagdurusa sa isang araw na masakit."
Verse 27
فَقَالَ ٱلْمَلَأُ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ مِن قَوْمِهِۦ مَا نَرَىٰكَ إِلَّا بَشَرًا مِّثْلَنَا وَمَا نَرَىٰكَ ٱتَّبَعَكَ إِلَّا ٱلَّذِينَ هُمْ أَرَاذِلُنَا بَادِىَ ٱلرَّأْىِ وَمَا نَرَىٰ لَكُمْ عَلَيْنَا مِن فَضْلٍۭ بَلْ نَظُنُّكُمْ كَـٰذِبِينَ
Transliteration faqāla l-mala-u alladhīna kafarū min qawmihi mā narāka illā basharan mith'lanā wamā narāka ittabaʿaka illā alladhīna hum arādhilunā bādiya l-rayi wamā narā lakum ʿalaynā min faḍlin bal naẓunnukum kādhibīna
Tagalog Kaya nagsabi ang konseho na tumangging sumampalataya kabilang sa mga kalipi niya: "Wala kaming nakikita sa iyo kundi isang tao tulad namin, wala kaming nakikita sa iyo na sumunod sa iyo kundi silang mga napakahamak sa amin sa unang tingin, at wala kaming nakikita para inyo na isang kalamangan sa amin, bagkus nagpapalagay kami na kayo ay mga sinungaling."
Verse 28
قَالَ يَـٰقَوْمِ أَرَءَيْتُمْ إِن كُنتُ عَلَىٰ بَيِّنَةٍ مِّن رَّبِّى وَءَاتَىٰنِى رَحْمَةً مِّنْ عِندِهِۦ فَعُمِّيَتْ عَلَيْكُمْ أَنُلْزِمُكُمُوهَا وَأَنتُمْ لَهَا كَـٰرِهُونَ
Transliteration qāla yāqawmi ara-aytum in kuntu ʿalā bayyinatin min rabbī waātānī raḥmatan min ʿindihi faʿummiyat ʿalaykum anul'zimukumūhā wa-antum lahā kārihūna
Tagalog Nagsabi siya: "O mga tao ko, nagsaalang-alang ba kayo kung ako ay nasa isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ko at nagbigay Siya sa akin ng awa mula sa ganang Kanya ngunit pinalingid ito sa inyo? Mamimilit ba kami sa inyo rito samantalang kayo rito ay mga nasusuklam?
Verse 29
وَيَـٰقَوْمِ لَآ أَسْـَٔلُكُمْ عَلَيْهِ مَالًا ۖ إِنْ أَجْرِىَ إِلَّا عَلَى ٱللَّهِ ۚ وَمَآ أَنَا۠ بِطَارِدِ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓا۟ ۚ إِنَّهُم مُّلَـٰقُوا۟ رَبِّهِمْ وَلَـٰكِنِّىٓ أَرَىٰكُمْ قَوْمًا تَجْهَلُونَ
Transliteration wayāqawmi lā asalukum ʿalayhi mālan in ajriya illā ʿalā l-lahi wamā anā biṭāridi alladhīna āmanū innahum mulāqū rabbihim walākinnī arākum qawman tajhalūna
Tagalog O mga tao ko, hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng isang yaman; walang pabuya sa akin kundi nasa kay Allāh. Ako ay hindi magtataboy sa mga sumampalataya. Tunay na sila ay makikipagkita sa Panginoon nila, subalit ako ay nakakikita sa inyo bilang mga taong nagpapakamangmang.
Verse 30
وَيَـٰقَوْمِ مَن يَنصُرُنِى مِنَ ٱللَّهِ إِن طَرَدتُّهُمْ ۚ أَفَلَا تَذَكَّرُونَ
Transliteration wayāqawmi man yanṣurunī mina l-lahi in ṭaradttuhum afalā tadhakkarūna
Tagalog O mga tao ko, sino ang mag-aadya sa akin laban kay Allāh kung nagtaboy ako sa kanila? Kaya hindi ba kayo nagsasaalaala?
Verse 31
وَلَآ أَقُولُ لَكُمْ عِندِى خَزَآئِنُ ٱللَّهِ وَلَآ أَعْلَمُ ٱلْغَيْبَ وَلَآ أَقُولُ إِنِّى مَلَكٌ وَلَآ أَقُولُ لِلَّذِينَ تَزْدَرِىٓ أَعْيُنُكُمْ لَن يُؤْتِيَهُمُ ٱللَّهُ خَيْرًا ۖ ٱللَّهُ أَعْلَمُ بِمَا فِىٓ أَنفُسِهِمْ ۖ إِنِّىٓ إِذًا لَّمِنَ ٱلظَّـٰلِمِينَ
Transliteration walā aqūlu lakum ʿindī khazāinu l-lahi walā aʿlamu l-ghayba walā aqūlu innī malakun walā aqūlu lilladhīna tazdarī aʿyunukum lan yu'tiyahumu l-lahu khayran l-lahu aʿlamu bimā fī anfusihim innī idhan lamina l-ẓālimīna
Tagalog Hindi ako nagsasabi sa inyo na taglay ko ang mga imbakan ni Allāh. Hindi ako nakaaalam sa Lingid. Hindi ako nagsasabi na tunay na ako ay isang anghel. Hindi ako nagsasabi sa mga hinahamak ng mga mata ninyo na hindi magbibigay sa kanila si Allāh ng isang mabuti. Si Allāh ay higit na maalam sa nasa mga sarili nila. Tunay na ako samakatuwid ay talagang kabilang sa mga tagalabag sa katarungan."
Verse 32
قَالُوا۟ يَـٰنُوحُ قَدْ جَـٰدَلْتَنَا فَأَكْثَرْتَ جِدَٰلَنَا فَأْتِنَا بِمَا تَعِدُنَآ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّـٰدِقِينَ
Transliteration qālū yānūḥu qad jādaltanā fa-aktharta jidālanā fatinā bimā taʿidunā in kunta mina l-ṣādiqīna
Tagalog Nagsabi sila: "O Noe, nakipagtalo ka na sa amin saka nagpadalas ka sa pakikipagtalo sa amin kaya magdala ka sa amin ng ipinangangako mo sa amin kung ikaw ay kabilang sa mga tapat."
Verse 33
قَالَ إِنَّمَا يَأْتِيكُم بِهِ ٱللَّهُ إِن شَآءَ وَمَآ أَنتُم بِمُعْجِزِينَ
Transliteration qāla innamā yatīkum bihi l-lahu in shāa wamā antum bimuʿ'jizīna
Tagalog Nagsabi siya: "Magdadala lamang sa inyo nito si Allāh kung niloob Niya, at kayo ay hindi mga makalulusot.
Verse 34
وَلَا يَنفَعُكُمْ نُصْحِىٓ إِنْ أَرَدتُّ أَنْ أَنصَحَ لَكُمْ إِن كَانَ ٱللَّهُ يُرِيدُ أَن يُغْوِيَكُمْ ۚ هُوَ رَبُّكُمْ وَإِلَيْهِ تُرْجَعُونَ
Transliteration walā yanfaʿukum nuṣ'ḥī in aradttu an anṣaḥa lakum in kāna l-lahu yurīdu an yugh'wiyakum huwa rabbukum wa-ilayhi tur'jaʿūna
Tagalog Hindi magpapakinabang sa inyo ang pagpapayo ko – kung nagnais ako na magpayo sa inyo – kung nangyaring si Allāh ay nagnanais na magpalisya sa inyo. Siya ay ang Panginoon ninyo, at tungo sa Kanya pababalikin kayo."
Verse 35
أَمْ يَقُولُونَ ٱفْتَرَىٰهُ ۖ قُلْ إِنِ ٱفْتَرَيْتُهُۥ فَعَلَىَّ إِجْرَامِى وَأَنَا۠ بَرِىٓءٌ مِّمَّا تُجْرِمُونَ
Transliteration am yaqūlūna if'tarāhu qul ini if'taraytuhu faʿalayya ij'rāmī wa-anā barīon mimmā tuj'rimūna
Tagalog O nagsasabi sila na gumawa-gawa siya nito? Sabihin mo: "Kung gumawa-gawa ako nito ay sa akin ang pagpapakasalarin ko at ako ay walang-kaugnayan sa anumang pagpapakasalarin ninyo."
Verse 36
وَأُوحِىَ إِلَىٰ نُوحٍ أَنَّهُۥ لَن يُؤْمِنَ مِن قَوْمِكَ إِلَّا مَن قَدْ ءَامَنَ فَلَا تَبْتَئِسْ بِمَا كَانُوا۟ يَفْعَلُونَ
Transliteration waūḥiya ilā nūḥin annahu lan yu'mina min qawmika illā man qad āmana falā tabta-is bimā kānū yafʿalūna
Tagalog Ikinasi kay Noe: "Hindi sasampalataya kabilang sa mga tao mo kundi ang sinumang sumampalataya na, kaya huwag kang mahapis sa anumang dati nilang ginagawa.
Verse 37
وَٱصْنَعِ ٱلْفُلْكَ بِأَعْيُنِنَا وَوَحْيِنَا وَلَا تُخَـٰطِبْنِى فِى ٱلَّذِينَ ظَلَمُوٓا۟ ۚ إِنَّهُم مُّغْرَقُونَ
Transliteration wa-iṣ'naʿi l-ful'ka bi-aʿyuninā wawaḥyinā walā tukhāṭib'nī fī alladhīna ẓalamū innahum mugh'raqūna
Tagalog Yumari ka ng daong sa pamamagitan ng mga mata Namin at pagkasi Namin. Huwag kang makipag-usap sa Akin hinggil sa mga lumabag sa katarungan; tunay na sila ay mga malulunod."
Verse 38
وَيَصْنَعُ ٱلْفُلْكَ وَكُلَّمَا مَرَّ عَلَيْهِ مَلَأٌ مِّن قَوْمِهِۦ سَخِرُوا۟ مِنْهُ ۚ قَالَ إِن تَسْخَرُوا۟ مِنَّا فَإِنَّا نَسْخَرُ مِنكُمْ كَمَا تَسْخَرُونَ
Transliteration wayaṣnaʿu l-ful'ka wakullamā marra ʿalayhi mala-on min qawmihi sakhirū min'hu qāla in taskharū minnā fa-innā naskharu minkum kamā taskharūna
Tagalog Yumayari siya ng daong. Sa tuwing may napadaan sa kanya na isang konseho kabilang sa mga tao niya ay nangungutya sila sa kanya. Nagsabi siya: "Kung nangungutya kayo sa amin, tunay na kami ay mangungutya sa inyo kung paanong nangungutya kayo,
Verse 39
فَسَوْفَ تَعْلَمُونَ مَن يَأْتِيهِ عَذَابٌ يُخْزِيهِ وَيَحِلُّ عَلَيْهِ عَذَابٌ مُّقِيمٌ
Transliteration fasawfa taʿlamūna man yatīhi ʿadhābun yukh'zīhi wayaḥillu ʿalayhi ʿadhābun muqīmun
Tagalog saka makaaalam kayo sa kung sino ang pupuntahan ng isang pagdurusang magpapahiya sa kanya at dadapuan ng isang pagdurusang mananatili."
Verse 40
حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءَ أَمْرُنَا وَفَارَ ٱلتَّنُّورُ قُلْنَا ٱحْمِلْ فِيهَا مِن كُلٍّ زَوْجَيْنِ ٱثْنَيْنِ وَأَهْلَكَ إِلَّا مَن سَبَقَ عَلَيْهِ ٱلْقَوْلُ وَمَنْ ءَامَنَ ۚ وَمَآ ءَامَنَ مَعَهُۥٓ إِلَّا قَلِيلٌ
Transliteration ḥattā idhā jāa amrunā wafāra l-tanūru qul'nā iḥ'mil fīhā min kullin zawjayni ith'nayni wa-ahlaka illā man sabaqa ʿalayhi l-qawlu waman āmana wamā āmana maʿahu illā qalīlun
Tagalog [Gayon nga] hanggang sa nang dumating ang utos Namin at sumambulat ang pugon. Nagsabi Kami: "Maglulan ka sa loob niyon ng mula sa bawat dalawang magkapares, ng mag-anak mo – maliban sa nauna sa kanya ang hatol – at ng sinumang sumampalataya." Walang sumampalataya kasama sa kanya kundi kakaunti.
Verse 41
۞ وَقَالَ ٱرْكَبُوا۟ فِيهَا بِسْمِ ٱللَّهِ مَجْر۪ىٰهَا وَمُرْسَىٰهَآ ۚ إِنَّ رَبِّى لَغَفُورٌ رَّحِيمٌ
Transliteration waqāla ir'kabū fīhā bis'mi l-lahi majrahā wamur'sāhā inna rabbī laghafūrun raḥīmun
Tagalog Nagsabi siya: "Sumakay kayo rito; sa ngalan ni Allāh ang paglalayag nito at ang pagdaong nito. Tunay na ang Panginoon ko ay talagang Mapagpatawad, Maawain."
Verse 42
وَهِىَ تَجْرِى بِهِمْ فِى مَوْجٍ كَٱلْجِبَالِ وَنَادَىٰ نُوحٌ ٱبْنَهُۥ وَكَانَ فِى مَعْزِلٍ يَـٰبُنَىَّ ٱرْكَب مَّعَنَا وَلَا تَكُن مَّعَ ٱلْكَـٰفِرِينَ
Transliteration wahiya tajrī bihim fī mawjin kal-jibāli wanādā nūḥun ib'nahu wakāna fī maʿzilin yābunayya ir'kab maʿanā walā takun maʿa l-kāfirīna
Tagalog Ito ay naglayag lulan sila sa mga alon na gaya ng mga bundok. Nanawagan si Noe sa anak niya habang ito ay nasa pinaglayuan [nito]: "O anak ko, sumakay ka kasama sa amin at huwag kang maging kabilang sa mga tagatangging sumampalataya."
Verse 43
قَالَ سَـَٔاوِىٓ إِلَىٰ جَبَلٍ يَعْصِمُنِى مِنَ ٱلْمَآءِ ۚ قَالَ لَا عَاصِمَ ٱلْيَوْمَ مِنْ أَمْرِ ٱللَّهِ إِلَّا مَن رَّحِمَ ۚ وَحَالَ بَيْنَهُمَا ٱلْمَوْجُ فَكَانَ مِنَ ٱلْمُغْرَقِينَ
Transliteration qāla saāwī ilā jabalin yaʿṣimunī mina l-māi qāla lā ʿāṣima l-yawma min amri l-lahi illā man raḥima waḥāla baynahumā l-mawju fakāna mina l-mugh'raqīna
Tagalog Nagsabi ito: "Kakanlong ako sa isang bundok na magsasanggalang sa akin laban sa tubig." Nagsabi siya: "Walang tagapagsanggalang sa araw na ito laban sa pasya ni Allāh maliban sa kinaawaan Niya." Humarang sa pagitan nilang dalawa ang mga alon, kaya ito ay naging kabilang sa mga nalunod.
Verse 44
وَقِيلَ يَـٰٓأَرْضُ ٱبْلَعِى مَآءَكِ وَيَـٰسَمَآءُ أَقْلِعِى وَغِيضَ ٱلْمَآءُ وَقُضِىَ ٱلْأَمْرُ وَٱسْتَوَتْ عَلَى ٱلْجُودِىِّ ۖ وَقِيلَ بُعْدًا لِّلْقَوْمِ ٱلظَّـٰلِمِينَ
Transliteration waqīla yāarḍu ib'laʿī māaki wayāsamāu aqliʿī waghīḍa l-māu waquḍiya l-amru wa-is'tawat ʿalā l-jūdiyi waqīla buʿ'dan lil'qawmi l-ẓālimīna
Tagalog Sinabi: "O lupa, lulunin mo ang tubig mo; o langit, pigilin mo [ang ulan]." Pinahupa ang tubig, natapos ang pasya, at lumuklok ito sa ibabaw ng [bundok ng] Jūdīy. Sinabi: "Kalayuan [sa awa] ay ukol sa mga taong tagalabag sa katarungan."
Verse 45
وَنَادَىٰ نُوحٌ رَّبَّهُۥ فَقَالَ رَبِّ إِنَّ ٱبْنِى مِنْ أَهْلِى وَإِنَّ وَعْدَكَ ٱلْحَقُّ وَأَنتَ أَحْكَمُ ٱلْحَـٰكِمِينَ
Transliteration wanādā nūḥun rabbahu faqāla rabbi inna ib'nī min ahlī wa-inna waʿdaka l-ḥaqu wa-anta aḥkamu l-ḥākimīna
Tagalog Nanawagan si Noe sa Panginoon niya saka nagsabi: "O Panginoon ko, tunay na ang anak ko ay kabilang sa mag-anak ko. Tunay na ang pangako Mo ay ang totoo. Ikaw ay ang pinakatagahatol sa mga tagahatol."
Verse 46
قَالَ يَـٰنُوحُ إِنَّهُۥ لَيْسَ مِنْ أَهْلِكَ ۖ إِنَّهُۥ عَمَلٌ غَيْرُ صَـٰلِحٍ ۖ فَلَا تَسْـَٔلْنِ مَا لَيْسَ لَكَ بِهِۦ عِلْمٌ ۖ إِنِّىٓ أَعِظُكَ أَن تَكُونَ مِنَ ٱلْجَـٰهِلِينَ
Transliteration qāla yānūḥu innahu laysa min ahlika innahu ʿamalun ghayru ṣāliḥin falā tasalni mā laysa laka bihi ʿil'mun innī aʿiẓuka an takūna mina l-jāhilīna
Tagalog Nagsabi Siya: "O Noe, tunay na siya ay hindi kabilang sa mag-anak mo. Tunay na [ang paghiling na] ito ay gawang hindi maayos. Kaya huwag kang humiling sa Akin ng wala kang kaalaman hinggil doon. Tunay na Ako ay nangangaral sa iyo na baka ikaw ay maging kabilang sa mga mangmang."
Verse 47
قَالَ رَبِّ إِنِّىٓ أَعُوذُ بِكَ أَنْ أَسْـَٔلَكَ مَا لَيْسَ لِى بِهِۦ عِلْمٌ ۖ وَإِلَّا تَغْفِرْ لِى وَتَرْحَمْنِىٓ أَكُن مِّنَ ٱلْخَـٰسِرِينَ
Transliteration qāla rabbi innī aʿūdhu bika an asalaka mā laysa lī bihi ʿil'mun wa-illā taghfir lī watarḥamnī akun mina l-khāsirīna
Tagalog Nagsabi siya: "O Panginoon ko, tunay ako ay nagpapakupkop sa Iyo na humiling ako sa Iyo ng wala akong kaalaman hinggil doon. Kung hindi Ka magpapatawad sa akin at maaawa sa akin, ako ay magiging kabilang sa mga lugi."
Verse 48
قِيلَ يَـٰنُوحُ ٱهْبِطْ بِسَلَـٰمٍ مِّنَّا وَبَرَكَـٰتٍ عَلَيْكَ وَعَلَىٰٓ أُمَمٍ مِّمَّن مَّعَكَ ۚ وَأُمَمٌ سَنُمَتِّعُهُمْ ثُمَّ يَمَسُّهُم مِّنَّا عَذَابٌ أَلِيمٌ
Transliteration qīla yānūḥu ih'biṭ bisalāmin minnā wabarakātin ʿalayka waʿalā umamin mimman maʿaka wa-umamun sanumattiʿuhum thumma yamassuhum minnā ʿadhābun alīmun
Tagalog Sinabi: "O Noe, manaog ka nang may kapayapaan mula sa Amin at mga pagpapala sa iyo at sa mga kalipunan kabilang sa sinumang kasama sa iyo. May mga kalipunang pagtatamasain Namin, pagkatapos may sasaling sa kanila mula sa Amin na isang pagdurusang masakit."
Verse 49
تِلْكَ مِنْ أَنۢبَآءِ ٱلْغَيْبِ نُوحِيهَآ إِلَيْكَ ۖ مَا كُنتَ تَعْلَمُهَآ أَنتَ وَلَا قَوْمُكَ مِن قَبْلِ هَـٰذَا ۖ فَٱصْبِرْ ۖ إِنَّ ٱلْعَـٰقِبَةَ لِلْمُتَّقِينَ
Transliteration til'ka min anbāi l-ghaybi nūḥīhā ilayka mā kunta taʿlamuhā anta walā qawmuka min qabli hādhā fa-iṣ'bir inna l-ʿāqibata lil'muttaqīna
Tagalog Iyon ay kabilang sa mga balita ng Lingid, na ikinakasi Namin sa iyo. Hindi ka dati nakaaalam nito, ikaw ni ang mga tao mo bago pa nito. Kaya magtiis ka; tunay na ang [magandang] kahihinatnan ay ukol sa mga tagapangilag magkasala.
Verse 50
وَإِلَىٰ عَادٍ أَخَاهُمْ هُودًا ۚ قَالَ يَـٰقَوْمِ ٱعْبُدُوا۟ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنْ إِلَـٰهٍ غَيْرُهُۥٓ ۖ إِنْ أَنتُمْ إِلَّا مُفْتَرُونَ
Transliteration wa-ilā ʿādin akhāhum hūdan qāla yāqawmi uʿ'budū l-laha mā lakum min ilāhin ghayruhu in antum illā muf'tarūna
Tagalog [Nagsugo sa liping] `Ād ng kapatid nilang si Hūd. Nagsabi siya: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. Walang iba kayo kundi mga gumagawa-gawa [ng kasinungalingan.]"
Verse 51
يَـٰقَوْمِ لَآ أَسْـَٔلُكُمْ عَلَيْهِ أَجْرًا ۖ إِنْ أَجْرِىَ إِلَّا عَلَى ٱلَّذِى فَطَرَنِىٓ ۚ أَفَلَا تَعْقِلُونَ
Transliteration yāqawmi lā asalukum ʿalayhi ajran in ajriya illā ʿalā alladhī faṭaranī afalā taʿqilūna
Tagalog O mga kalipi ko, hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng isang pabuya; walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa lumalang sa akin. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa?
Verse 52
وَيَـٰقَوْمِ ٱسْتَغْفِرُوا۟ رَبَّكُمْ ثُمَّ تُوبُوٓا۟ إِلَيْهِ يُرْسِلِ ٱلسَّمَآءَ عَلَيْكُم مِّدْرَارًا وَيَزِدْكُمْ قُوَّةً إِلَىٰ قُوَّتِكُمْ وَلَا تَتَوَلَّوْا۟ مُجْرِمِينَ
Transliteration wayāqawmi is'taghfirū rabbakum thumma tūbū ilayhi yur'sili l-samāa ʿalaykum mid'rāran wayazid'kum quwwatan ilā quwwatikum walā tatawallaw muj'rimīna
Tagalog O mga kalipi ko, humingi kayo ng tawad sa Panginoon ninyo, pagkatapos magbalik-loob kayo sa Kanya, magpapadala Siya sa langit sa ibabaw ninyo ng masaganang [ulan] at magdaragdag Siya sa inyo ng lakas sa [dating] lakas ninyo. Huwag kayong tumalikod bilang mga salarin.
Verse 53
قَالُوا۟ يَـٰهُودُ مَا جِئْتَنَا بِبَيِّنَةٍ وَمَا نَحْنُ بِتَارِكِىٓ ءَالِهَتِنَا عَن قَوْلِكَ وَمَا نَحْنُ لَكَ بِمُؤْمِنِينَ
Transliteration qālū yāhūdu mā ji'tanā bibayyinatin wamā naḥnu bitārikī ālihatinā ʿan qawlika wamā naḥnu laka bimu'minīna
Tagalog Nagsabi sila: "O Hūd, hindi ka nagdala sa amin ng isang malinaw na patunay. Kami ay hindi mga mag-iiwan ng mga diyos namin dahil sa sabi mo at kami sa iyo ay hindi mga maniniwala.
Verse 54
إِن نَّقُولُ إِلَّا ٱعْتَرَىٰكَ بَعْضُ ءَالِهَتِنَا بِسُوٓءٍ ۗ قَالَ إِنِّىٓ أُشْهِدُ ٱللَّهَ وَٱشْهَدُوٓا۟ أَنِّى بَرِىٓءٌ مِّمَّا تُشْرِكُونَ
Transliteration in naqūlu illā iʿ'tarāka baʿḍu ālihatinā bisūin qāla innī ush'hidu l-laha wa-ish'hadū annī barīon mimmā tush'rikūna
Tagalog Wala kaming sinasabi kundi nagpasapit sa iyo ang ilan sa mga diyos namin ng isang kasagwaan." Nagsabi siya: "Tunay na ako ay nagpapasaksi kay Allāh, at saksihan ninyo, na ako ay walang-kaugnayan sa anumang itinatambal ninyo
Verse 55
مِن دُونِهِۦ ۖ فَكِيدُونِى جَمِيعًا ثُمَّ لَا تُنظِرُونِ
Transliteration min dūnihi fakīdūnī jamīʿan thumma lā tunẓirūni
Tagalog bukod pa sa Kanya. Kaya magpakana kayo laban sa akin sa kalahatan, pagkatapos huwag kayong magpalugit sa akin.
Verse 56
إِنِّى تَوَكَّلْتُ عَلَى ٱللَّهِ رَبِّى وَرَبِّكُم ۚ مَّا مِن دَآبَّةٍ إِلَّا هُوَ ءَاخِذٌۢ بِنَاصِيَتِهَآ ۚ إِنَّ رَبِّى عَلَىٰ صِرَٰطٍ مُّسْتَقِيمٍ
Transliteration innī tawakkaltu ʿalā l-lahi rabbī warabbikum mā min dābbatin illā huwa ākhidhun bināṣiyatihā inna rabbī ʿalā ṣirāṭin mus'taqīmin
Tagalog Tunay na ako ay nanalig kay Allāh, ang Panginoon ko at ang Panginoon ninyo. Walang anumang gumagalaw na nilalang malibang Siya ay humahawak sa unahan ng noo nito. Tunay na ang Panginoon ko ay nasa isang landasing tuwid."
Verse 57
فَإِن تَوَلَّوْا۟ فَقَدْ أَبْلَغْتُكُم مَّآ أُرْسِلْتُ بِهِۦٓ إِلَيْكُمْ ۚ وَيَسْتَخْلِفُ رَبِّى قَوْمًا غَيْرَكُمْ وَلَا تَضُرُّونَهُۥ شَيْـًٔا ۚ إِنَّ رَبِّى عَلَىٰ كُلِّ شَىْءٍ حَفِيظٌ
Transliteration fa-in tawallaw faqad ablaghtukum mā ur'sil'tu bihi ilaykum wayastakhlifu rabbī qawman ghayrakum walā taḍurrūnahu shayan inna rabbī ʿalā kulli shayin ḥafīẓun
Tagalog Ngunit kung tatalikod kayo ay [sabihin mo:] "Nagpaabot na ako sa inyo ng ipinasugo sa akin sa inyo. Magtatalaga bilang kahalili ang Panginoon ko sa mga taong iba pa sa inyo. Hindi kayo makapipinsala sa Kanya ng anuman. Tunay na ang Panginoon sa bawat bagay ay Mapag-ingat."
Verse 58
وَلَمَّا جَآءَ أَمْرُنَا نَجَّيْنَا هُودًا وَٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ مَعَهُۥ بِرَحْمَةٍ مِّنَّا وَنَجَّيْنَـٰهُم مِّنْ عَذَابٍ غَلِيظٍ
Transliteration walammā jāa amrunā najjaynā hūdan wa-alladhīna āmanū maʿahu biraḥmatin minnā wanajjaynāhum min ʿadhābin ghalīẓin
Tagalog Noong dumating ang utos Namin ay nagligtas Kami kay Hūd at sa mga sumampalataya kasama sa kanya sa pamamagitan ng isang awa mula sa Amin at nagligtas Kami sa kanila mula sa isang pagdurusang mabagsik.
Verse 59
وَتِلْكَ عَادٌ ۖ جَحَدُوا۟ بِـَٔايَـٰتِ رَبِّهِمْ وَعَصَوْا۟ رُسُلَهُۥ وَٱتَّبَعُوٓا۟ أَمْرَ كُلِّ جَبَّارٍ عَنِيدٍ
Transliteration watil'ka ʿādun jaḥadū biāyāti rabbihim waʿaṣaw rusulahu wa-ittabaʿū amra kulli jabbārin ʿanīdin
Tagalog Iyon ay [liping] `Ād na nagkaila sa mga tanda ng Panginoon nila, sumuway sa mga sugo nila, at sumunod sa utos ng bawat mapaniil na mapagmatigas.
Verse 60
وَأُتْبِعُوا۟ فِى هَـٰذِهِ ٱلدُّنْيَا لَعْنَةً وَيَوْمَ ٱلْقِيَـٰمَةِ ۗ أَلَآ إِنَّ عَادًا كَفَرُوا۟ رَبَّهُمْ ۗ أَلَا بُعْدًا لِّعَادٍ قَوْمِ هُودٍ
Transliteration wa-ut'biʿū fī hādhihi l-dun'yā laʿnatan wayawma l-qiyāmati alā inna ʿādan kafarū rabbahum alā buʿ'dan liʿādin qawmi hūdin
Tagalog Pinasundan sila sa Mundong ito ng isang sumpa at sa Araw ng Pagbangon. Pansinin, tunay na ang [liping] `Ād ay tumangging sumampalataya sa Panginoon nila. Pansinin, kalayuan [sa awa] ay ukol sa [liping] `Ād, na mga kalipi ni Hūd.
Verse 61
۞ وَإِلَىٰ ثَمُودَ أَخَاهُمْ صَـٰلِحًا ۚ قَالَ يَـٰقَوْمِ ٱعْبُدُوا۟ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنْ إِلَـٰهٍ غَيْرُهُۥ ۖ هُوَ أَنشَأَكُم مِّنَ ٱلْأَرْضِ وَٱسْتَعْمَرَكُمْ فِيهَا فَٱسْتَغْفِرُوهُ ثُمَّ تُوبُوٓا۟ إِلَيْهِ ۚ إِنَّ رَبِّى قَرِيبٌ مُّجِيبٌ
Transliteration wa-ilā thamūda akhāhum ṣāliḥan qāla yāqawmi uʿ'budū l-laha mā lakum min ilāhin ghayruhu huwa ansha-akum mina l-arḍi wa-is'taʿmarakum fīhā fa-is'taghfirūhu thumma tūbū ilayhi inna rabbī qarībun mujībun
Tagalog [Nagsugo sa liping] Thamūd ng kapatid nilang si Ṣāliḥ. Nagsabi siya: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. Siya ay nagpaluwal sa inyo mula sa lupa at nagpanirahan sa inyo rito, kaya humingi kayo ng tawad sa Kanya, pagkatapos magbalik-loob kayo sa Kanya. Tunay na ang Panginoon ko ay Malapit, Tagasagot."
Verse 62
قَالُوا۟ يَـٰصَـٰلِحُ قَدْ كُنتَ فِينَا مَرْجُوًّا قَبْلَ هَـٰذَآ ۖ أَتَنْهَىٰنَآ أَن نَّعْبُدَ مَا يَعْبُدُ ءَابَآؤُنَا وَإِنَّنَا لَفِى شَكٍّ مِّمَّا تَدْعُونَآ إِلَيْهِ مُرِيبٍ
Transliteration qālū yāṣāliḥu qad kunta fīnā marjuwwan qabla hādhā atanhānā an naʿbuda mā yaʿbudu ābāunā wa-innanā lafī shakkin mimmā tadʿūnā ilayhi murībin
Tagalog Nagsabi sila: "O Ṣāliḥ, ikaw nga dati sa atin ay inaasam bago nito. Sumasaway ka ba sa amin na sumamba kami sa sinasamba ng mga ninuno namin? Tunay na kami ay talagang nasa isang pagdududang nag-aalinlangan sa inaanyaya ninyo sa amin."
Verse 63
قَالَ يَـٰقَوْمِ أَرَءَيْتُمْ إِن كُنتُ عَلَىٰ بَيِّنَةٍ مِّن رَّبِّى وَءَاتَىٰنِى مِنْهُ رَحْمَةً فَمَن يَنصُرُنِى مِنَ ٱللَّهِ إِنْ عَصَيْتُهُۥ ۖ فَمَا تَزِيدُونَنِى غَيْرَ تَخْسِيرٍ
Transliteration qāla yāqawmi ara-aytum in kuntu ʿalā bayyinatin min rabbī waātānī min'hu raḥmatan faman yanṣurunī mina l-lahi in ʿaṣaytuhu famā tazīdūnanī ghayra takhsīrin
Tagalog Nagsabi siya: "O mga kalipi ko, nagsaalang-alang ba kayo kung ako ay nasa isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ko at nagbigay Siya sa akin mula sa Kanya ng isang awa? Kaya sino ang mag-aadya sa akin laban kay Allāh kung sumuway ako sa Kanya? Kaya hindi kayo nakadaragdag sa akin ng iba pa sa isang pagpapalugi.
Verse 64
وَيَـٰقَوْمِ هَـٰذِهِۦ نَاقَةُ ٱللَّهِ لَكُمْ ءَايَةً فَذَرُوهَا تَأْكُلْ فِىٓ أَرْضِ ٱللَّهِ وَلَا تَمَسُّوهَا بِسُوٓءٍ فَيَأْخُذَكُمْ عَذَابٌ قَرِيبٌ
Transliteration wayāqawmi hādhihi nāqatu l-lahi lakum āyatan fadharūhā takul fī arḍi l-lahi walā tamassūhā bisūin fayakhudhakum ʿadhābun qarībun
Tagalog O mga kalipi ko, ito ay dumalagang kamelyo ni Allāh; para sa inyo ay isang tanda. Kaya hayaan ninyo ito na kumain sa lupain ni Allāh at huwag ninyong salingin ito ng isang kasagwaan dahil dadaklutin kayo ng isang pagdurusang malapit.
Verse 65
فَعَقَرُوهَا فَقَالَ تَمَتَّعُوا۟ فِى دَارِكُمْ ثَلَـٰثَةَ أَيَّامٍ ۖ ذَٰلِكَ وَعْدٌ غَيْرُ مَكْذُوبٍ
Transliteration faʿaqarūhā faqāla tamattaʿū fī dārikum thalāthata ayyāmin dhālika waʿdun ghayru makdhūbin
Tagalog Ngunit kinatay nila ito, kaya nagsabi siya: "Magtamasa kayo sa tahanan ninyo nang tatlong araw. Iyon ay isang pangakong hindi mapasisinungalingan."
Verse 66
فَلَمَّا جَآءَ أَمْرُنَا نَجَّيْنَا صَـٰلِحًا وَٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ مَعَهُۥ بِرَحْمَةٍ مِّنَّا وَمِنْ خِزْىِ يَوْمِئِذٍ ۗ إِنَّ رَبَّكَ هُوَ ٱلْقَوِىُّ ٱلْعَزِيزُ
Transliteration falammā jāa amrunā najjaynā ṣāliḥan wa-alladhīna āmanū maʿahu biraḥmatin minnā wamin khiz'yi yawmi-idhin inna rabbaka huwa l-qawiyu l-ʿazīzu
Tagalog Kaya noong dumating ang utos Namin ay nagligtas Kami kay Ṣāliḥ at sa mga sumampalataya kasama sa kanya sa pamamagitan ng isang awa mula sa Amin at [nagligtas] mula sa kahihiyan sa araw na iyon. Tunay na ang Panginoon mo ay ang Malakas, ang Makapangyarihan.
Verse 67
وَأَخَذَ ٱلَّذِينَ ظَلَمُوا۟ ٱلصَّيْحَةُ فَأَصْبَحُوا۟ فِى دِيَـٰرِهِمْ جَـٰثِمِينَ
Transliteration wa-akhadha alladhīna ẓalamū l-ṣayḥatu fa-aṣbaḥū fī diyārihim jāthimīna
Tagalog Dumaklot sa mga lumabag sa katarungan ang hiyaw saka sila, sa mga tahanan nila, ay naging mga [patay na] nakasubsob.
Verse 68
كَأَن لَّمْ يَغْنَوْا۟ فِيهَآ ۗ أَلَآ إِنَّ ثَمُودَا۟ كَفَرُوا۟ رَبَّهُمْ ۗ أَلَا بُعْدًا لِّثَمُودَ
Transliteration ka-an lam yaghnaw fīhā alā inna thamūdā kafarū rabbahum alā buʿ'dan lithamūda
Tagalog Para bang hindi sila namuhay roon. Pansinin, tunay na ang [liping] Thamūd ay tumangging sumampalataya sa Panginoon nila. Pansinin, kalayuan [sa awa] ay ukol sa [liping] Thamūd.
Verse 69
وَلَقَدْ جَآءَتْ رُسُلُنَآ إِبْرَٰهِيمَ بِٱلْبُشْرَىٰ قَالُوا۟ سَلَـٰمًا ۖ قَالَ سَلَـٰمٌ ۖ فَمَا لَبِثَ أَن جَآءَ بِعِجْلٍ حَنِيذٍ
Transliteration walaqad jāat rusulunā ib'rāhīma bil-bush'rā qālū salāman qāla salāmun famā labitha an jāa biʿij'lin ḥanīdhin
Tagalog Talaga ngang naghatid ang mga [anghel na] sugo Namin kay Abraham ng balitang nakagagalak. Nagsabi sila: "Kapayapaan!" Nagsabi siya: "Kapayapaan." Kaya hindi naglaon na naghatid siya ng isang guyang inihaw.
Verse 70
فَلَمَّا رَءَآ أَيْدِيَهُمْ لَا تَصِلُ إِلَيْهِ نَكِرَهُمْ وَأَوْجَسَ مِنْهُمْ خِيفَةً ۚ قَالُوا۟ لَا تَخَفْ إِنَّآ أُرْسِلْنَآ إِلَىٰ قَوْمِ لُوطٍ
Transliteration falammā raā aydiyahum lā taṣilu ilayhi nakirahum wa-awjasa min'hum khīfatan qālū lā takhaf innā ur'sil'nā ilā qawmi lūṭin
Tagalog Ngunit noong nakita niya ang mga kamay nila na hindi umaabot doon [sa inihaw], naghinala siya sa kanila at nakadama siya mula sa kanila ng isang pangangamba. Nagsabi sila: "Huwag kang mangamba; tunay na kami ay isinugo sa mga tao ni Lot."
Verse 71
وَٱمْرَأَتُهُۥ قَآئِمَةٌ فَضَحِكَتْ فَبَشَّرْنَـٰهَا بِإِسْحَـٰقَ وَمِن وَرَآءِ إِسْحَـٰقَ يَعْقُوبَ
Transliteration wa-im'ra-atuhu qāimatun faḍaḥikat fabasharnāhā bi-is'ḥāqa wamin warāi is'ḥāqa yaʿqūba
Tagalog Ang maybahay niya ay nakatayo, saka natawa ito, kaya nagbalita Kami ng nakagagalak dito hinggil kay Isaac, at matapos kay Isaac ay kay Jacob.
Verse 72
قَالَتْ يَـٰوَيْلَتَىٰٓ ءَأَلِدُ وَأَنَا۠ عَجُوزٌ وَهَـٰذَا بَعْلِى شَيْخًا ۖ إِنَّ هَـٰذَا لَشَىْءٌ عَجِيبٌ
Transliteration qālat yāwaylatā a-alidu wa-anā ʿajūzun wahādhā baʿlī shaykhan inna hādhā lashayon ʿajībun
Tagalog Nagsabi ito: "O pambihira! Manganganak ba ako samantalang ako ay isang babaing matanda at ito ay asawa ko, isang matandang lalaki na? Tunay na ito ay talagang isang bagay kataka-taka!"
Verse 73
قَالُوٓا۟ أَتَعْجَبِينَ مِنْ أَمْرِ ٱللَّهِ ۖ رَحْمَتُ ٱللَّهِ وَبَرَكَـٰتُهُۥ عَلَيْكُمْ أَهْلَ ٱلْبَيْتِ ۚ إِنَّهُۥ حَمِيدٌ مَّجِيدٌ
Transliteration qālū ataʿjabīna min amri l-lahi raḥmatu l-lahi wabarakātuhu ʿalaykum ahla l-bayti innahu ḥamīdun majīdun
Tagalog Nagsabi sila: "Nagtataka ka ba sa pasya ni Allāh? Ang awa ni Allāh at ang mga pagpapala Niya ay sumainyo, O mga tao ng bahay. Tunay na Siya ay Kapuri-puri, Maringal."
Verse 74
فَلَمَّا ذَهَبَ عَنْ إِبْرَٰهِيمَ ٱلرَّوْعُ وَجَآءَتْهُ ٱلْبُشْرَىٰ يُجَـٰدِلُنَا فِى قَوْمِ لُوطٍ
Transliteration falammā dhahaba ʿan ib'rāhīma l-rawʿu wajāathu l-bush'rā yujādilunā fī qawmi lūṭin
Tagalog Kaya noong umalis kay Abraham ang hilakbot at dumating sa kanya ang nakagagalak na balita, nakipagtalo siya sa [mga anghel] Namin alang-alang sa mga kababayan ni Lot.
Verse 75
إِنَّ إِبْرَٰهِيمَ لَحَلِيمٌ أَوَّٰهٌ مُّنِيبٌ
Transliteration inna ib'rāhīma laḥalīmun awwāhun munībun
Tagalog Tunay na si Abraham ay talagang matimpiin, palataghoy, nagsisising tagapanumbalik.
Verse 76
يَـٰٓإِبْرَٰهِيمُ أَعْرِضْ عَنْ هَـٰذَآ ۖ إِنَّهُۥ قَدْ جَآءَ أَمْرُ رَبِّكَ ۖ وَإِنَّهُمْ ءَاتِيهِمْ عَذَابٌ غَيْرُ مَرْدُودٍ
Transliteration yāib'rāhīmu aʿriḍ ʿan hādhā innahu qad jāa amru rabbika wa-innahum ātīhim ʿadhābun ghayru mardūdin
Tagalog [Sinabi:] "O Abraham, umayaw ka rito! Tunay na dumating na ang utos ng Panginoon mo. Tunay na sila ay pupuntahan ng isang pagdurusang hindi mapipigilan."
Verse 77
وَلَمَّا جَآءَتْ رُسُلُنَا لُوطًا سِىٓءَ بِهِمْ وَضَاقَ بِهِمْ ذَرْعًا وَقَالَ هَـٰذَا يَوْمٌ عَصِيبٌ
Transliteration walammā jāat rusulunā lūṭan sīa bihim waḍāqa bihim dharʿan waqāla hādhā yawmun ʿaṣībun
Tagalog Noong dumating ang mga [anghel na] sugo Namin kay Lot, sumama ang loob niya sa kanila, pinanikipan siya sa kanila ng dibdib, at nagsabi: "Ito ay isang araw na nakaririndi."
Verse 78
وَجَآءَهُۥ قَوْمُهُۥ يُهْرَعُونَ إِلَيْهِ وَمِن قَبْلُ كَانُوا۟ يَعْمَلُونَ ٱلسَّيِّـَٔاتِ ۚ قَالَ يَـٰقَوْمِ هَـٰٓؤُلَآءِ بَنَاتِى هُنَّ أَطْهَرُ لَكُمْ ۖ فَٱتَّقُوا۟ ٱللَّهَ وَلَا تُخْزُونِ فِى ضَيْفِىٓ ۖ أَلَيْسَ مِنكُمْ رَجُلٌ رَّشِيدٌ
Transliteration wajāahu qawmuhu yuh'raʿūna ilayhi wamin qablu kānū yaʿmalūna l-sayiāti qāla yāqawmi hāulāi banātī hunna aṭharu lakum fa-ittaqū l-laha walā tukh'zūni fī ḍayfī alaysa minkum rajulun rashīdun
Tagalog Dumating sa kanya ang mga kababayan niya, na nag-aapura patungo sa kanya, at bago pa niyan sila dati ay gumagawa ng mga masagwa. Nagsabi siya: "O mga kababayan ko, ang mga ito ay mga babaing anak ko; sila ay higit na dalisay para sa inyo. Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at huwag kayong magpahiya sa akin sa mga panauhin ko. Wala bang kabilang sa inyo na isang lalaking matino?"
Verse 79
قَالُوا۟ لَقَدْ عَلِمْتَ مَا لَنَا فِى بَنَاتِكَ مِنْ حَقٍّ وَإِنَّكَ لَتَعْلَمُ مَا نُرِيدُ
Transliteration qālū laqad ʿalim'ta mā lanā fī banātika min ḥaqqin wa-innaka lataʿlamu mā nurīdu
Tagalog Nagsabi sila: "Talaga ngang nalaman mo na wala kaming anumang pangangailangan sa mga babaing anak mo, at tunay na ikaw ay talagang nakaaalam sa ninanais namin."
Verse 80
قَالَ لَوْ أَنَّ لِى بِكُمْ قُوَّةً أَوْ ءَاوِىٓ إِلَىٰ رُكْنٍ شَدِيدٍ
Transliteration qāla law anna lī bikum quwwatan aw āwī ilā ruk'nin shadīdin
Tagalog Nagsabi siya: "Kung sana mayroon akong lakas laban sa inyo o makapagpapakanlong ako sa isang masasandalang matindi."
Verse 81
قَالُوا۟ يَـٰلُوطُ إِنَّا رُسُلُ رَبِّكَ لَن يَصِلُوٓا۟ إِلَيْكَ ۖ فَأَسْرِ بِأَهْلِكَ بِقِطْعٍ مِّنَ ٱلَّيْلِ وَلَا يَلْتَفِتْ مِنكُمْ أَحَدٌ إِلَّا ٱمْرَأَتَكَ ۖ إِنَّهُۥ مُصِيبُهَا مَآ أَصَابَهُمْ ۚ إِنَّ مَوْعِدَهُمُ ٱلصُّبْحُ ۚ أَلَيْسَ ٱلصُّبْحُ بِقَرِيبٍ
Transliteration qālū yālūṭu innā rusulu rabbika lan yaṣilū ilayka fa-asri bi-ahlika biqiṭ'ʿin mina al-layli walā yaltafit minkum aḥadun illā im'ra-ataka innahu muṣībuhā mā aṣābahum inna mawʿidahumu l-ṣub'ḥu alaysa l-ṣub'ḥu biqarībin
Tagalog Nagsabi sila: "O Lot, tunay na kami ay mga sugo ng Panginoon mo. Hindi sila aabot sa iyo, kaya lumisan ka kasama ng mag-anak mo sa isang bahagi ng gabi at huwag lilingon kabilang sa inyo ang isa man, maliban ang maybahay mo; tunay na tatama sa kanya ang tatama sa kanila. Tunay na ang tipanan nila ay sa umaga. Hindi ba ang umaga ay malapit na?"
Verse 82
فَلَمَّا جَآءَ أَمْرُنَا جَعَلْنَا عَـٰلِيَهَا سَافِلَهَا وَأَمْطَرْنَا عَلَيْهَا حِجَارَةً مِّن سِجِّيلٍ مَّنضُودٍ
Transliteration falammā jāa amrunā jaʿalnā ʿāliyahā sāfilahā wa-amṭarnā ʿalayhā ḥijāratan min sijjīlin manḍūdin
Tagalog Kaya noong dumating ang utos Namin, naglagay Kami sa ibabaw niyon ng mababa niyon at nagpaulan Kami roon ng mga batong yari sa natuyong luwad na nagkapatung-patong,
Verse 83
مُّسَوَّمَةً عِندَ رَبِّكَ ۖ وَمَا هِىَ مِنَ ٱلظَّـٰلِمِينَ بِبَعِيدٍ
Transliteration musawwamatan ʿinda rabbika wamā hiya mina l-ẓālimīna bibaʿīdin
Tagalog na tinatakan sa ganang Panginoon mo. Ang mga ito, mula sa mga tagalabag sa katarungan, ay hindi malayo.
Verse 84
۞ وَإِلَىٰ مَدْيَنَ أَخَاهُمْ شُعَيْبًا ۚ قَالَ يَـٰقَوْمِ ٱعْبُدُوا۟ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنْ إِلَـٰهٍ غَيْرُهُۥ ۖ وَلَا تَنقُصُوا۟ ٱلْمِكْيَالَ وَٱلْمِيزَانَ ۚ إِنِّىٓ أَرَىٰكُم بِخَيْرٍ وَإِنِّىٓ أَخَافُ عَلَيْكُمْ عَذَابَ يَوْمٍ مُّحِيطٍ
Transliteration wa-ilā madyana akhāhum shuʿayban qāla yāqawmi uʿ'budū l-laha mā lakum min ilāhin ghayruhu walā tanquṣū l-mik'yāla wal-mīzāna innī arākum bikhayrin wa-innī akhāfu ʿalaykum ʿadhāba yawmin muḥīṭin
Tagalog [Nagsugo sa] Madyan ng kapatid nilang si Shu`ayb. Nagsabi siya: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. Huwag kayong magbawas sa takalan at timbangan. Tunay na ako ay nakakikita sa inyo na nasa isang kariwasaan at tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa isang pagdurusa sa isang araw na sumasaklaw.
Verse 85
وَيَـٰقَوْمِ أَوْفُوا۟ ٱلْمِكْيَالَ وَٱلْمِيزَانَ بِٱلْقِسْطِ ۖ وَلَا تَبْخَسُوا۟ ٱلنَّاسَ أَشْيَآءَهُمْ وَلَا تَعْثَوْا۟ فِى ٱلْأَرْضِ مُفْسِدِينَ
Transliteration wayāqawmi awfū l-mik'yāla wal-mīzāna bil-qis'ṭi walā tabkhasū l-nāsa ashyāahum walā taʿthaw fī l-arḍi muf'sidīna
Tagalog O mga kalipi ko, magpalubus-lubos kayo sa takalan at timbangan ayon sa pagkamakatarungan, huwag kayong magpakulang sa mga tao sa mga bagay-bagay nila, at huwag kayong manampalasan sa lupa bilang mga tagagulo.
Verse 86
بَقِيَّتُ ٱللَّهِ خَيْرٌ لَّكُمْ إِن كُنتُم مُّؤْمِنِينَ ۚ وَمَآ أَنَا۠ عَلَيْكُم بِحَفِيظٍ
Transliteration baqiyyatu l-lahi khayrun lakum in kuntum mu'minīna wamā anā ʿalaykum biḥafīẓin
Tagalog Ang tira ni Allāh ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay mga mananampalataya. Ako sa inyo ay hindi isang mapag-ingat."
Verse 87
قَالُوا۟ يَـٰشُعَيْبُ أَصَلَوٰتُكَ تَأْمُرُكَ أَن نَّتْرُكَ مَا يَعْبُدُ ءَابَآؤُنَآ أَوْ أَن نَّفْعَلَ فِىٓ أَمْوَٰلِنَا مَا نَشَـٰٓؤُا۟ ۖ إِنَّكَ لَأَنتَ ٱلْحَلِيمُ ٱلرَّشِيدُ
Transliteration qālū yāshuʿaybu aṣalatuka tamuruka an natruka mā yaʿbudu ābāunā aw an nafʿala fī amwālinā mā nashāu innaka la-anta l-ḥalīmu l-rashīdu
Tagalog Nagsabi sila: "O Shu`ayb, ang dasal mo ba ay nag-uutos sa iyo na mag-iwan kami sa sinasamba ng mga ninuno namin at [na tumigil kami] na gumawa sa mga yaman namin ng niloloob namin? Tunay na ikaw ay talagang ikaw ang matimpiin, ang matino."
Verse 88
قَالَ يَـٰقَوْمِ أَرَءَيْتُمْ إِن كُنتُ عَلَىٰ بَيِّنَةٍ مِّن رَّبِّى وَرَزَقَنِى مِنْهُ رِزْقًا حَسَنًا ۚ وَمَآ أُرِيدُ أَنْ أُخَالِفَكُمْ إِلَىٰ مَآ أَنْهَىٰكُمْ عَنْهُ ۚ إِنْ أُرِيدُ إِلَّا ٱلْإِصْلَـٰحَ مَا ٱسْتَطَعْتُ ۚ وَمَا تَوْفِيقِىٓ إِلَّا بِٱللَّهِ ۚ عَلَيْهِ تَوَكَّلْتُ وَإِلَيْهِ أُنِيبُ
Transliteration qāla yāqawmi ara-aytum in kuntu ʿalā bayyinatin min rabbī warazaqanī min'hu riz'qan ḥasanan wamā urīdu an ukhālifakum ilā mā anhākum ʿanhu in urīdu illā l-iṣ'lāḥa mā is'taṭaʿtu wamā tawfīqī illā bil-lahi ʿalayhi tawakkaltu wa-ilayhi unību
Tagalog Nagsabi siya: "O mga kalipi ko, nagsasaalang-alang ba kayo kung ako ay nasa isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ko at nagtustos Siya sa akin mula sa Kanya ng isang panustos na maganda? Hindi ako nagnanais na sumalungat sa inyo sa sinasaway ko sa inyo. Hindi ako nagnanais kundi ng pagsasaayos sa abot ng nakaya ko. Walang iba ang pagtutuon sa akin kundi sa pamamagitan ni Allāh. Sa Kanya ako nanalig at tungo sa Kanya ako nagsisising nanunumbalik.
Verse 89
وَيَـٰقَوْمِ لَا يَجْرِمَنَّكُمْ شِقَاقِىٓ أَن يُصِيبَكُم مِّثْلُ مَآ أَصَابَ قَوْمَ نُوحٍ أَوْ قَوْمَ هُودٍ أَوْ قَوْمَ صَـٰلِحٍ ۚ وَمَا قَوْمُ لُوطٍ مِّنكُم بِبَعِيدٍ
Transliteration wayāqawmi lā yajrimannakum shiqāqī an yuṣībakum mith'lu mā aṣāba qawma nūḥin aw qawma hūdin aw qawma ṣāliḥin wamā qawmu lūṭin minkum bibaʿīdin
Tagalog O mga kalipi ko, huwag ngang mag-uudyok sa inyo ang pakikipaghidwaan sa akin, na tumama sa inyo ang tulad sa tumama sa mga tao ni Noe o mga kalipi ni Hūd o mga kalipi ni Ṣāliḥ. Ang mga kababayan ni Lot mula sa inyo ay hindi malayo.
Verse 90
وَٱسْتَغْفِرُوا۟ رَبَّكُمْ ثُمَّ تُوبُوٓا۟ إِلَيْهِ ۚ إِنَّ رَبِّى رَحِيمٌ وَدُودٌ
Transliteration wa-is'taghfirū rabbakum thumma tūbū ilayhi inna rabbī raḥīmun wadūdun
Tagalog Humingi kayo ng tawad sa Panginoon ninyo, pagkatapos magbalik-loob kayo sa Kanya. Tunay ang Panginoon ko ay Maawain, Mapagmahal."
Verse 91
قَالُوا۟ يَـٰشُعَيْبُ مَا نَفْقَهُ كَثِيرًا مِّمَّا تَقُولُ وَإِنَّا لَنَرَىٰكَ فِينَا ضَعِيفًا ۖ وَلَوْلَا رَهْطُكَ لَرَجَمْنَـٰكَ ۖ وَمَآ أَنتَ عَلَيْنَا بِعَزِيزٍ
Transliteration qālū yāshuʿaybu mā nafqahu kathīran mimmā taqūlu wa-innā lanarāka fīnā ḍaʿīfan walawlā rahṭuka larajamnāka wamā anta ʿalaynā biʿazīzin
Tagalog Nagsabi sila: "O Shu`ayb, hindi kami nakauunawa sa marami sa sinasabi mo. Tunay na kami ay talagang nagtuturing sa iyo sa gitna namin bilang mahina. Kung hindi dahil sa angkan mo, talaga sanang binato ka namin. Ikaw sa amin ay hindi isang kagalang-galang."
Verse 92
قَالَ يَـٰقَوْمِ أَرَهْطِىٓ أَعَزُّ عَلَيْكُم مِّنَ ٱللَّهِ وَٱتَّخَذْتُمُوهُ وَرَآءَكُمْ ظِهْرِيًّا ۖ إِنَّ رَبِّى بِمَا تَعْمَلُونَ مُحِيطٌ
Transliteration qāla yāqawmi arahṭī aʿazzu ʿalaykum mina l-lahi wa-ittakhadhtumūhu warāakum ẓih'riyyan inna rabbī bimā taʿmalūna muḥīṭun
Tagalog Nagsabi siya: "O mga kalipi ko, ang angkan ko ba ay higit na kagalang-galang sa inyo kaysa kay Allāh at naglagay kayo sa Kanya sa likuran ninyo sa likod? Tunay na ang Panginoon ko sa anumang ginagawa ninyo ay Tagasaklaw.
Verse 93
وَيَـٰقَوْمِ ٱعْمَلُوا۟ عَلَىٰ مَكَانَتِكُمْ إِنِّى عَـٰمِلٌ ۖ سَوْفَ تَعْلَمُونَ مَن يَأْتِيهِ عَذَابٌ يُخْزِيهِ وَمَنْ هُوَ كَـٰذِبٌ ۖ وَٱرْتَقِبُوٓا۟ إِنِّى مَعَكُمْ رَقِيبٌ
Transliteration wayāqawmi iʿ'malū ʿalā makānatikum innī ʿāmilun sawfa taʿlamūna man yatīhi ʿadhābun yukh'zīhi waman huwa kādhibun wa-ir'taqibū innī maʿakum raqībun
Tagalog O mga kalipi ko, gumawa kayo ayon sa kalagayan ninyo. Tunay na ako ay gumagawa. Makaaalam kayo sa kung sino ang pupuntahan ng isang pagdurusang magpapahiya sa kanya at kung sino ang siyang sinungaling. Magmasid kayo; tunay na ako kasama sa inyo ay mapagmasid."
Verse 94
وَلَمَّا جَآءَ أَمْرُنَا نَجَّيْنَا شُعَيْبًا وَٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ مَعَهُۥ بِرَحْمَةٍ مِّنَّا وَأَخَذَتِ ٱلَّذِينَ ظَلَمُوا۟ ٱلصَّيْحَةُ فَأَصْبَحُوا۟ فِى دِيَـٰرِهِمْ جَـٰثِمِينَ
Transliteration walammā jāa amrunā najjaynā shuʿayban wa-alladhīna āmanū maʿahu biraḥmatin minnā wa-akhadhati alladhīna ẓalamū l-ṣayḥatu fa-aṣbaḥū fī diyārihim jāthimīna
Tagalog Noong dumating ang utos Namin ay nagligtas Kami kay Shu`ayb at sa mga sumampalataya kasama sa kanya sa pamamagitan ng isang awa mula sa Amin. Dumaklot sa mga lumabag sa katarungan ang hiyaw saka sila, sa mga tahanan nila, ay naging mga [patay na] nakasubsob.
Verse 95
كَأَن لَّمْ يَغْنَوْا۟ فِيهَآ ۗ أَلَا بُعْدًا لِّمَدْيَنَ كَمَا بَعِدَتْ ثَمُودُ
Transliteration ka-an lam yaghnaw fīhā alā buʿ'dan limadyana kamā baʿidat thamūdu
Tagalog Para bang hindi sila namuhay roon. Pansinin, kalayuan [sa awa] ay ukol sa Madyan kung paanong nalayo [sa awa] ang Thamūd.
Verse 96
وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا مُوسَىٰ بِـَٔايَـٰتِنَا وَسُلْطَـٰنٍ مُّبِينٍ
Transliteration walaqad arsalnā mūsā biāyātinā wasul'ṭānin mubīnin
Tagalog Talaga ngang nagsugo Kami kay Moises kalakip ng mga tanda Namin at isang katunayang malinaw
Verse 97
إِلَىٰ فِرْعَوْنَ وَمَلَإِي۟هِۦ فَٱتَّبَعُوٓا۟ أَمْرَ فِرْعَوْنَ ۖ وَمَآ أَمْرُ فِرْعَوْنَ بِرَشِيدٍ
Transliteration ilā fir'ʿawna wamala-ihi fa-ittabaʿū amra fir'ʿawna wamā amru fir'ʿawna birashīdin
Tagalog kay Paraon at sa konseho nito, ngunit sumunod sila sa utos ni Paraon. Ang utos ni Paraon ay hindi matino.
Verse 98
يَقْدُمُ قَوْمَهُۥ يَوْمَ ٱلْقِيَـٰمَةِ فَأَوْرَدَهُمُ ٱلنَّارَ ۖ وَبِئْسَ ٱلْوِرْدُ ٱلْمَوْرُودُ
Transliteration yaqdumu qawmahu yawma l-qiyāmati fa-awradahumu l-nāra wabi'sa l-wir'du l-mawrūdu
Tagalog Mangunguna siya sa mga tao niya sa Araw ng Pagbangon saka maghahatid siya sa kanila sa Apoy. Kay saklap ang hatirang paghahatiran!
Verse 99
وَأُتْبِعُوا۟ فِى هَـٰذِهِۦ لَعْنَةً وَيَوْمَ ٱلْقِيَـٰمَةِ ۚ بِئْسَ ٱلرِّفْدُ ٱلْمَرْفُودُ
Transliteration wa-ut'biʿū fī hādhihi laʿnatan wayawma l-qiyāmati bi'sa l-rif'du l-marfūdu
Tagalog Pinasundan sila rito ng isang sumpa at sa Araw ng Pagbangon. Kay saklap ang handog na inihandog!
Verse 100
ذَٰلِكَ مِنْ أَنۢبَآءِ ٱلْقُرَىٰ نَقُصُّهُۥ عَلَيْكَ ۖ مِنْهَا قَآئِمٌ وَحَصِيدٌ
Transliteration dhālika min anbāi l-qurā naquṣṣuhu ʿalayka min'hā qāimun waḥaṣīdun
Tagalog Iyon ay bahagi ng mga balita ng mga pamayanan na isinasalaysay Namin sa iyo. Kabilang sa mga ito ay nakatayo pa at ginapas na.
Verse 101
وَمَا ظَلَمْنَـٰهُمْ وَلَـٰكِن ظَلَمُوٓا۟ أَنفُسَهُمْ ۖ فَمَآ أَغْنَتْ عَنْهُمْ ءَالِهَتُهُمُ ٱلَّتِى يَدْعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ مِن شَىْءٍ لَّمَّا جَآءَ أَمْرُ رَبِّكَ ۖ وَمَا زَادُوهُمْ غَيْرَ تَتْبِيبٍ
Transliteration wamā ẓalamnāhum walākin ẓalamū anfusahum famā aghnat ʿanhum ālihatuhumu allatī yadʿūna min dūni l-lahi min shayin lammā jāa amru rabbika wamā zādūhum ghayra tatbībin
Tagalog Hindi lumabag sa katarungan sa kanila subalit lumabag sila sa katarungan sa mga sarili nila saka walang naidulot sa kanila na anuman ang mga diyos na dinadalanginan nila bukod pa kay Allāh noong dumating ang pasya ng Panginoon mo. Walang naidagdag ang mga ito sa kanila na iba pa sa pagpapahamak.
Verse 102
وَكَذَٰلِكَ أَخْذُ رَبِّكَ إِذَآ أَخَذَ ٱلْقُرَىٰ وَهِىَ ظَـٰلِمَةٌ ۚ إِنَّ أَخْذَهُۥٓ أَلِيمٌ شَدِيدٌ
Transliteration wakadhālika akhdhu rabbika idhā akhadha l-qurā wahiya ẓālimatun inna akhdhahu alīmun shadīdun
Tagalog Gayon ang pagdaklot ng Panginoon mo nang dumaklot Siya sa mga pamayanan samantalang ang mga ito ay lumalabag sa katarungan. Tunay na ang pagdaklot Niya ay masakit, matindi.
Verse 103
إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَـَٔايَةً لِّمَنْ خَافَ عَذَابَ ٱلْـَٔاخِرَةِ ۚ ذَٰلِكَ يَوْمٌ مَّجْمُوعٌ لَّهُ ٱلنَّاسُ وَذَٰلِكَ يَوْمٌ مَّشْهُودٌ
Transliteration inna fī dhālika laāyatan liman khāfa ʿadhāba l-ākhirati dhālika yawmun majmūʿun lahu l-nāsu wadhālika yawmun mashhūdun
Tagalog Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa sinumang nangamba sa pagdurusa sa Kabilang-buhay. Iyon ay araw na titipunin para roon ang mga tao at iyon ay araw na sasaksihan.
Verse 104
وَمَا نُؤَخِّرُهُۥٓ إِلَّا لِأَجَلٍ مَّعْدُودٍ
Transliteration wamā nu-akhiruhu illā li-ajalin maʿdūdin
Tagalog Hindi Kami nag-aantala niyon maliban sa isang taning na mabibilang.
Verse 105
يَوْمَ يَأْتِ لَا تَكَلَّمُ نَفْسٌ إِلَّا بِإِذْنِهِۦ ۚ فَمِنْهُمْ شَقِىٌّ وَسَعِيدٌ
Transliteration yawma yati lā takallamu nafsun illā bi-idh'nihi famin'hum shaqiyyun wasaʿīdun
Tagalog Sa araw na darating iyon, walang nagsasalita na isang kaluluwa malibang ayon sa pahintulot Niya, saka mayroon sa kanilang malumbay at maligaya.
Verse 106
فَأَمَّا ٱلَّذِينَ شَقُوا۟ فَفِى ٱلنَّارِ لَهُمْ فِيهَا زَفِيرٌ وَشَهِيقٌ
Transliteration fa-ammā alladhīna shaqū fafī l-nāri lahum fīhā zafīrun washahīqun
Tagalog Hinggil sa mga malulumbay, sa Apoy [sila]. Ukol sa kanila roon ay singhal at singhot,
Verse 107
خَـٰلِدِينَ فِيهَا مَا دَامَتِ ٱلسَّمَـٰوَٰتُ وَٱلْأَرْضُ إِلَّا مَا شَآءَ رَبُّكَ ۚ إِنَّ رَبَّكَ فَعَّالٌ لِّمَا يُرِيدُ
Transliteration khālidīna fīhā mā dāmati l-samāwātu wal-arḍu illā mā shāa rabbuka inna rabbaka faʿʿālun limā yurīdu
Tagalog bilang mga mananatili roon hanggat tumatagal ang mga langit at ang lupa maliban sa niloob ng Panginoon mo. Tunay na ang Panginoon mo ay palagawa ng anumang ninanais Niya.
Verse 108
۞ وَأَمَّا ٱلَّذِينَ سُعِدُوا۟ فَفِى ٱلْجَنَّةِ خَـٰلِدِينَ فِيهَا مَا دَامَتِ ٱلسَّمَـٰوَٰتُ وَٱلْأَرْضُ إِلَّا مَا شَآءَ رَبُّكَ ۖ عَطَآءً غَيْرَ مَجْذُوذٍ
Transliteration wa-ammā alladhīna suʿidū fafī l-janati khālidīna fīhā mā dāmati l-samāwātu wal-arḍu illā mā shāa rabbuka ʿaṭāan ghayra majdhūdhin
Tagalog Hinggil sa mga liligaya, sa Paraiso [sila] bilang mga mananatili roon hanggat tumatagal ang mga langit at ang lupa maliban sa niloob ng Panginoon mo, bilang bigay na hindi mapapatid.
Verse 109
فَلَا تَكُ فِى مِرْيَةٍ مِّمَّا يَعْبُدُ هَـٰٓؤُلَآءِ ۚ مَا يَعْبُدُونَ إِلَّا كَمَا يَعْبُدُ ءَابَآؤُهُم مِّن قَبْلُ ۚ وَإِنَّا لَمُوَفُّوهُمْ نَصِيبَهُمْ غَيْرَ مَنقُوصٍ
Transliteration falā taku fī mir'yatin mimmā yaʿbudu hāulāi mā yaʿbudūna illā kamā yaʿbudu ābāuhum min qablu wa-innā lamuwaffūhum naṣībahum ghayra manqūṣin
Tagalog Kaya huwag kang maging nasa isang pag-aalangan sa kung ano ang sinasamba ng mga ito. Hindi sila sumasamba kundi kung paanong sumasamba ang mga ninuno nila bago pa niyan. Tunay na Kami ay talagang magtutumbas sa kanila ng bahagi nila nang hindi kinukulangan.
Verse 110
وَلَقَدْ ءَاتَيْنَا مُوسَى ٱلْكِتَـٰبَ فَٱخْتُلِفَ فِيهِ ۚ وَلَوْلَا كَلِمَةٌ سَبَقَتْ مِن رَّبِّكَ لَقُضِىَ بَيْنَهُمْ ۚ وَإِنَّهُمْ لَفِى شَكٍّ مِّنْهُ مُرِيبٍ
Transliteration walaqad ātaynā mūsā l-kitāba fa-ukh'tulifa fīhi walawlā kalimatun sabaqat min rabbika laquḍiya baynahum wa-innahum lafī shakkin min'hu murībin
Tagalog Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng kasulatan, ngunit nagkakaiba-iba hinggil doon. Kung hindi dahil sa isang salitang nauna mula sa Panginoon mo ay talaga sanang humusga sa pagitan nila. Tunay na sila ay talagang nasa isang pagdududang nag-aalinlangan doon.
Verse 111
وَإِنَّ كُلًّا لَّمَّا لَيُوَفِّيَنَّهُمْ رَبُّكَ أَعْمَـٰلَهُمْ ۚ إِنَّهُۥ بِمَا يَعْمَلُونَ خَبِيرٌ
Transliteration wa-inna kullan lammā layuwaffiyannahum rabbuka aʿmālahum innahu bimā yaʿmalūna khabīrun
Tagalog Tunay na sa bawat pangkat ay talagang maglulubus-lubos nga sa kanila ang Panginoon mo [ng kabayaran] sa mga gawa nila. Tunay na Siya sa anumang ginagawa nila ay Mapagbatid.
Verse 112
فَٱسْتَقِمْ كَمَآ أُمِرْتَ وَمَن تَابَ مَعَكَ وَلَا تَطْغَوْا۟ ۚ إِنَّهُۥ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌ
Transliteration fa-is'taqim kamā umir'ta waman tāba maʿaka walā taṭghaw innahu bimā taʿmalūna baṣīrun
Tagalog Kaya maging matuwid ka gaya ng ipinag-utos sa iyo at sa sinumang nagbalik-loob kasama sa iyo. Huwag kayong magmalabis; tunay na Siya sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita.
Verse 113
وَلَا تَرْكَنُوٓا۟ إِلَى ٱلَّذِينَ ظَلَمُوا۟ فَتَمَسَّكُمُ ٱلنَّارُ وَمَا لَكُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ مِنْ أَوْلِيَآءَ ثُمَّ لَا تُنصَرُونَ
Transliteration walā tarkanū ilā alladhīna ẓalamū fatamassakumu l-nāru wamā lakum min dūni l-lahi min awliyāa thumma lā tunṣarūna
Tagalog Huwag kayong sumandal sa mga lumabag sa katarungan para sumaling sa inyo ang Apoy. Walang ukol sa inyo bukod pa kay Allāh na anumang mga katangkilik, pagkatapos hindi kayo maiiadya.
Verse 114
وَأَقِمِ ٱلصَّلَوٰةَ طَرَفَىِ ٱلنَّهَارِ وَزُلَفًا مِّنَ ٱلَّيْلِ ۚ إِنَّ ٱلْحَسَنَـٰتِ يُذْهِبْنَ ٱلسَّيِّـَٔاتِ ۚ ذَٰلِكَ ذِكْرَىٰ لِلذَّٰكِرِينَ
Transliteration wa-aqimi l-ṣalata ṭarafayi l-nahāri wazulafan mina al-layli inna l-ḥasanāti yudh'hib'na l-sayiāti dhālika dhik'rā lildhākirīna
Tagalog Magpanatili ka ng pagdarasal sa dalawang dulo ng maghapon at sa bahagi ng gabi. Tunay na ang mga magandang gawa ay nag-aalis sa mga masagwang gawa. Iyon ay isang paalaala para sa mga tagapag-alaala.
Verse 115
وَٱصْبِرْ فَإِنَّ ٱللَّهَ لَا يُضِيعُ أَجْرَ ٱلْمُحْسِنِينَ
Transliteration wa-iṣ'bir fa-inna l-laha lā yuḍīʿu ajra l-muḥ'sinīna
Tagalog Magtiis ka sapagkat tunay na si Allāh ay hindi nagwawala ng pabuya ng mga tagagawa ng maganda.
Verse 116
فَلَوْلَا كَانَ مِنَ ٱلْقُرُونِ مِن قَبْلِكُمْ أُو۟لُوا۟ بَقِيَّةٍ يَنْهَوْنَ عَنِ ٱلْفَسَادِ فِى ٱلْأَرْضِ إِلَّا قَلِيلًا مِّمَّنْ أَنجَيْنَا مِنْهُمْ ۗ وَٱتَّبَعَ ٱلَّذِينَ ظَلَمُوا۟ مَآ أُتْرِفُوا۟ فِيهِ وَكَانُوا۟ مُجْرِمِينَ
Transliteration falawlā kāna mina l-qurūni min qablikum ulū baqiyyatin yanhawna ʿani l-fasādi fī l-arḍi illā qalīlan mimman anjaynā min'hum wa-ittabaʿa alladhīna ẓalamū mā ut'rifū fīhi wakānū muj'rimīna
Tagalog Kaya bakit kasi hindi nagkaroon mula sa mga salinlahi bago pa ninyo ng mga may tirang [kabutihang] sumasaway sa kaguluhan sa lupa, maliban sa kaunti kabilang sa pinaligtas Namin kabilang sa kanila? Sumunod ang mga lumabag sa katarungan sa ipinariwasa sa kanila roon, at sila ay naging mga salarin.
Verse 117
وَمَا كَانَ رَبُّكَ لِيُهْلِكَ ٱلْقُرَىٰ بِظُلْمٍ وَأَهْلُهَا مُصْلِحُونَ
Transliteration wamā kāna rabbuka liyuh'lika l-qurā biẓul'min wa-ahluhā muṣ'liḥūna
Tagalog Hindi mangyayaring ang Panginoon mo ay ukol magpahamak ng mga pamayanan dahil sa paglabag sa katarungan samantalang ang mga mamamayan ng mga ito ay mga nagsasaayos.
Verse 118
وَلَوْ شَآءَ رَبُّكَ لَجَعَلَ ٱلنَّاسَ أُمَّةً وَٰحِدَةً ۖ وَلَا يَزَالُونَ مُخْتَلِفِينَ
Transliteration walaw shāa rabbuka lajaʿala l-nāsa ummatan wāḥidatan walā yazālūna mukh'talifīna
Tagalog Kung sakaling niloob ng Panginoon mo, talaga sanang gumawa Siya sa mga tao bilang kalipunan nag-iisa; ngunit hindi sila tumitigil na mga nagkakaiba-iba,
Verse 119
إِلَّا مَن رَّحِمَ رَبُّكَ ۚ وَلِذَٰلِكَ خَلَقَهُمْ ۗ وَتَمَّتْ كَلِمَةُ رَبِّكَ لَأَمْلَأَنَّ جَهَنَّمَ مِنَ ٱلْجِنَّةِ وَٱلنَّاسِ أَجْمَعِينَ
Transliteration illā man raḥima rabbuka walidhālika khalaqahum watammat kalimatu rabbika la-amla-anna jahannama mina l-jinati wal-nāsi ajmaʿīna
Tagalog maliban sa sinumang kinaawaan ng Panginoon mo, at dahil doon lumikha siya sa kanila. Malulubos ang salita ng Panginoon mo: "Talagang magpupuno nga Ako ng Impiyerno ng mga jinnīy at mga tao nang magkakasama."
Verse 120
وَكُلًّا نَّقُصُّ عَلَيْكَ مِنْ أَنۢبَآءِ ٱلرُّسُلِ مَا نُثَبِّتُ بِهِۦ فُؤَادَكَ ۚ وَجَآءَكَ فِى هَـٰذِهِ ٱلْحَقُّ وَمَوْعِظَةٌ وَذِكْرَىٰ لِلْمُؤْمِنِينَ
Transliteration wakullan naquṣṣu ʿalayka min anbāi l-rusuli mā nuthabbitu bihi fuādaka wajāaka fī hādhihi l-ḥaqu wamawʿiẓatun wadhik'rā lil'mu'minīna
Tagalog Bawat isa na isinalaysay Namin sa iyo mula sa mga balita hinggil sa mga sugo ay ang nagpapatatag Kami sa pamamagitan nito sa puso mo. Dumating sa iyo sa [kabanatang] ito ang totoo, isang pangaral, at isang paalaala para sa mga mananampalataya.
Verse 121
وَقُل لِّلَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ ٱعْمَلُوا۟ عَلَىٰ مَكَانَتِكُمْ إِنَّا عَـٰمِلُونَ
Transliteration waqul lilladhīna lā yu'minūna iʿ'malū ʿalā makānatikum innā ʿāmilūna
Tagalog Sabihin mo sa mga hindi sumasampalataya: "Gumawa kayo ayon sa kalagayan ninyo; tunay na kami ay mga gumagawa.
Verse 122
وَٱنتَظِرُوٓا۟ إِنَّا مُنتَظِرُونَ
Transliteration wa-intaẓirū innā muntaẓirūna
Tagalog Maghintay kayo; tunay na kami ay mga naghihintay."
Verse 123
وَلِلَّهِ غَيْبُ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ وَإِلَيْهِ يُرْجَعُ ٱلْأَمْرُ كُلُّهُۥ فَٱعْبُدْهُ وَتَوَكَّلْ عَلَيْهِ ۚ وَمَا رَبُّكَ بِغَـٰفِلٍ عَمَّا تَعْمَلُونَ
Transliteration walillahi ghaybu l-samāwāti wal-arḍi wa-ilayhi yur'jaʿu l-amru kulluhu fa-uʿ'bud'hu watawakkal ʿalayhi wamā rabbuka bighāfilin ʿammā taʿmalūna
Tagalog Sa kay Allāh ang Lingid ng mga langit at lupa at tungo sa Kanya pababalikin ang usapin sa kabuuan nito, kaya sumamba ka sa Kanya at manalig ka sa Kanya. Ang Panginoon mo ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo.
Read Surah Hud in another language
- English (word by word)
- Albanian
- Amazigh
- Amharic
- Assamese
- Azerbaijani
- Bambara
- Bangla
- Bosnian
- Bulgarian
- Chechen
- Chinese
- Czech
- Dari
- Dhivehi
- Dutch
- Finnish
- French
- German
- Gujarati
- Hausa
- Hebrew
- Hindi
- Indonesian
- Italian
- Japanese
- Kannada
- Kazakh
- Khmer
- Kinyarwanda
- Korean
- Kurdish
- Luganda
- Malay
- Malayalam
- Maranao
- Marathi
- Nepali
- Norwegian
- Oromo
- Pashto
- Persian
- Polish
- Portuguese
- Romanian
- Russian
- Sindhi
- Sinhala
- Somali
- Spanish
- Swahili
- Swedish
- Tajik
- Tamil
- Tatar
- Telugu
- Thai
- Turkish
- Ukrainian
- Urdu
- Uyghur
- Uzbek
- Vietnamese
- Yao
- Yoruba
All 114 surahs in Tagalog: the Qur’an in Tagalog.
Tagalog translation: Dar Al-Salam Center, from Quran.com. Transliteration: Quran.com. Recitation: Mishary Alafasy, from EveryAyah.com. MyDugsi is a learning aid, not a replacement for a qualified teacher.