MyDugsiStart learning

Surah As-Sajdah in Tagalog: translation and audio

Surah 32 · السجدة · The Prostration · 30 verses

Surah As-Sajdah verse by verse: the Arabic with a recitation you can repeat, the transliteration, and the Tagalog translation by Dar Al-Salam Center. For the meaning of every word, see Surah As-Sajdah word by word in English.

Verse 1

الٓمٓ

Transliteration alif-lam-meem

Tagalog Alif. Lām. Mīm.

Verse 2

تَنزِيلُ ٱلْكِتَـٰبِ لَا رَيْبَ فِيهِ مِن رَّبِّ ٱلْعَـٰلَمِينَ

Transliteration tanzīlu l-kitābi lā rayba fīhi min rabbi l-ʿālamīna

Tagalog Ang pagbababa ng Aklat, walang alinlangan hinggil dito, ay mula sa Panginoon ng mga nilalang.

Verse 3

أَمْ يَقُولُونَ ٱفْتَرَىٰهُ ۚ بَلْ هُوَ ٱلْحَقُّ مِن رَّبِّكَ لِتُنذِرَ قَوْمًا مَّآ أَتَىٰهُم مِّن نَّذِيرٍ مِّن قَبْلِكَ لَعَلَّهُمْ يَهْتَدُونَ

Transliteration am yaqūlūna if'tarāhu bal huwa l-ḥaqu min rabbika litundhira qawman mā atāhum min nadhīrin min qablika laʿallahum yahtadūna

Tagalog O nagsasabi sila na ginawa-gawa niya ito? Bagkus ito ay ang katotohanan mula sa Panginoon mo upang magbabala ka sa mga taong walang pumunta sa kanila na anumang mapagbabala bago mo pa, nang sa gayon sila ay mapapatnubayan.

Verse 4

ٱللَّهُ ٱلَّذِى خَلَقَ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضَ وَمَا بَيْنَهُمَا فِى سِتَّةِ أَيَّامٍ ثُمَّ ٱسْتَوَىٰ عَلَى ٱلْعَرْشِ ۖ مَا لَكُم مِّن دُونِهِۦ مِن وَلِىٍّ وَلَا شَفِيعٍ ۚ أَفَلَا تَتَذَكَّرُونَ

Transliteration al-lahu alladhī khalaqa l-samāwāti wal-arḍa wamā baynahumā fī sittati ayyāmin thumma is'tawā ʿalā l-ʿarshi mā lakum min dūnihi min waliyyin walā shafīʿin afalā tatadhakkarūna

Tagalog Si Allāh ay ang lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito sa anim na araw, pagkatapos lumuklok Siya sa Trono. Walang ukol sa inyo bukod pa sa Kanya na anumang katangkilik ni mapagpamagitan. Kaya hindi ba kayo magsasaalaala?

Verse 5

يُدَبِّرُ ٱلْأَمْرَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ إِلَى ٱلْأَرْضِ ثُمَّ يَعْرُجُ إِلَيْهِ فِى يَوْمٍ كَانَ مِقْدَارُهُۥٓ أَلْفَ سَنَةٍ مِّمَّا تَعُدُّونَ

Transliteration yudabbiru l-amra mina l-samāi ilā l-arḍi thumma yaʿruju ilayhi fī yawmin kāna miq'dāruhu alfa sanatin mimmā taʿuddūna

Tagalog Nangangasiwa Siya sa usapin mula sa langit patungo sa lupa, pagkatapos papanik iyon sa Kanya sa isang araw na ang sukat nito ay isang libong taon mula sa binibilang ninyo.

Verse 6

ذَٰلِكَ عَـٰلِمُ ٱلْغَيْبِ وَٱلشَّهَـٰدَةِ ٱلْعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ

Transliteration dhālika ʿālimu l-ghaybi wal-shahādati l-ʿazīzu l-raḥīmu

Tagalog Iyon ay ang Nakaaalam sa Lingid at Nasasaksihan, ang Makapangyarihan, ang Maawain,

Verse 7

ٱلَّذِىٓ أَحْسَنَ كُلَّ شَىْءٍ خَلَقَهُۥ ۖ وَبَدَأَ خَلْقَ ٱلْإِنسَـٰنِ مِن طِينٍ

Transliteration alladhī aḥsana kulla shayin khalaqahu wabada-a khalqa l-insāni min ṭīnin

Tagalog na nagpaganda sa bawat bagay na nilikha Niya. Nagsimula Siya ng paglikha ng tao mula sa putik.

Verse 8

ثُمَّ جَعَلَ نَسْلَهُۥ مِن سُلَـٰلَةٍ مِّن مَّآءٍ مَّهِينٍ

Transliteration thumma jaʿala naslahu min sulālatin min māin mahīnin

Tagalog Pagkatapos gumawa Siya sa mga inapo nito mula sa isang hinango mula sa isang tubig na hamak.

Verse 9

ثُمَّ سَوَّىٰهُ وَنَفَخَ فِيهِ مِن رُّوحِهِۦ ۖ وَجَعَلَ لَكُمُ ٱلسَّمْعَ وَٱلْأَبْصَـٰرَ وَٱلْأَفْـِٔدَةَ ۚ قَلِيلًا مَّا تَشْكُرُونَ

Transliteration thumma sawwāhu wanafakha fīhi min rūḥihi wajaʿala lakumu l-samʿa wal-abṣāra wal-afidata qalīlan mā tashkurūna

Tagalog Pagkatapos humubog Siya rito at umihip Siya rito mula sa espiritu Niya. Gumawa Siya para sa inyo ng pandinig, mga paningin, at mga puso. Kaunti ang pinasasalamatan ninyo!

Verse 10

وَقَالُوٓا۟ أَءِذَا ضَلَلْنَا فِى ٱلْأَرْضِ أَءِنَّا لَفِى خَلْقٍ جَدِيدٍۭ ۚ بَلْ هُم بِلِقَآءِ رَبِّهِمْ كَـٰفِرُونَ

Transliteration waqālū a-idhā ḍalalnā fī l-arḍi a-innā lafī khalqin jadīdin bal hum biliqāi rabbihim kāfirūna

Tagalog Nagsabi sila: "Kapag ba nawala kami sa lupa, tunay bang kami ay talagang [bubuhayin] sa isang paglikhang bago?" Bagkus sila, sa pakikipagkita sa Panginoon nila, ay mga tagatangging sumampalataya.

Verse 11

۞ قُلْ يَتَوَفَّىٰكُم مَّلَكُ ٱلْمَوْتِ ٱلَّذِى وُكِّلَ بِكُمْ ثُمَّ إِلَىٰ رَبِّكُمْ تُرْجَعُونَ

Transliteration qul yatawaffākum malaku l-mawti alladhī wukkila bikum thumma ilā rabbikum tur'jaʿūna

Tagalog Sabihin mo: "Papapanawin kayo ng anghel ng kamatayan na itinalaga sa inyo, pagkatapos tungo sa Panginoon ninyo pababalikin kayo."

Verse 12

وَلَوْ تَرَىٰٓ إِذِ ٱلْمُجْرِمُونَ نَاكِسُوا۟ رُءُوسِهِمْ عِندَ رَبِّهِمْ رَبَّنَآ أَبْصَرْنَا وَسَمِعْنَا فَٱرْجِعْنَا نَعْمَلْ صَـٰلِحًا إِنَّا مُوقِنُونَ

Transliteration walaw tarā idhi l-muj'rimūna nākisū ruūsihim ʿinda rabbihim rabbanā abṣarnā wasamiʿ'nā fa-ir'jiʿ'nā naʿmal ṣāliḥan innā mūqinūna

Tagalog Kung sakaling nakikita mo kapag ang mga salarin ay mga nakatungo ang mga ulo nila sa piling ng Panginoon nila, [na nagsasabi]: "Panginoon namin, nakakita kami at nakarinig kami. Kaya magpabalik Ka sa amin, gagawa kami ng maayos. Tunay na kami ay mga nakatitiyak."

Verse 13

وَلَوْ شِئْنَا لَـَٔاتَيْنَا كُلَّ نَفْسٍ هُدَىٰهَا وَلَـٰكِنْ حَقَّ ٱلْقَوْلُ مِنِّى لَأَمْلَأَنَّ جَهَنَّمَ مِنَ ٱلْجِنَّةِ وَٱلنَّاسِ أَجْمَعِينَ

Transliteration walaw shi'nā laātaynā kulla nafsin hudāhā walākin ḥaqqa l-qawlu minnī la-amla-anna jahannama mina l-jinati wal-nāsi ajmaʿīna

Tagalog Kung sakaling niloob Namin ay talaga sanang nagbigay Kami sa bawat kaluluwa ng patnubay niya, subalit nagindapat ang hatol mula sa Akin: "Talagang magpupuno nga Ako sa Impiyerno ng mga jinn at mga tao nang magkakasama.

Verse 14

فَذُوقُوا۟ بِمَا نَسِيتُمْ لِقَآءَ يَوْمِكُمْ هَـٰذَآ إِنَّا نَسِينَـٰكُمْ ۖ وَذُوقُوا۟ عَذَابَ ٱلْخُلْدِ بِمَا كُنتُمْ تَعْمَلُونَ

Transliteration fadhūqū bimā nasītum liqāa yawmikum hādhā innā nasīnākum wadhūqū ʿadhāba l-khul'di bimā kuntum taʿmalūna

Tagalog Kaya lumasap kayo [ng pagdurusa] dahil lumimot kayo sa pakikipagkita sa Araw ninyong ito. Tunay na Kami ay lilimot sa inyo. Lumasap kayo ng pagdurusa ng kawalang-hanggan dahil sa dati ninyong ginagawa."

Verse 15

إِنَّمَا يُؤْمِنُ بِـَٔايَـٰتِنَا ٱلَّذِينَ إِذَا ذُكِّرُوا۟ بِهَا خَرُّوا۟ سُجَّدًا وَسَبَّحُوا۟ بِحَمْدِ رَبِّهِمْ وَهُمْ لَا يَسْتَكْبِرُونَ ۩

Transliteration innamā yu'minu biāyātinā alladhīna idhā dhukkirū bihā kharrū sujjadan wasabbaḥū biḥamdi rabbihim wahum lā yastakbirūna

Tagalog Sumasampalataya lamang sa mga talata Namin ang mga kapag pinaalalahanan sa mga ito ay bumabagsak na mga nakapatirapa at nagluluwalhati kalakip ng papuri sa Panginoon nila habang sila ay hindi nagmamalaki.

Verse 16

تَتَجَافَىٰ جُنُوبُهُمْ عَنِ ٱلْمَضَاجِعِ يَدْعُونَ رَبَّهُمْ خَوْفًا وَطَمَعًا وَمِمَّا رَزَقْنَـٰهُمْ يُنفِقُونَ

Transliteration tatajāfā junūbuhum ʿani l-maḍājiʿi yadʿūna rabbahum khawfan waṭamaʿan wamimmā razaqnāhum yunfiqūna

Tagalog Naghihiwalayan ang mga tagiliran nila palayo sa mga higaan habang dumadalangin sila sa Panginoon nila dala ng pangamba at paghahangad. Mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol sila.

Verse 17

فَلَا تَعْلَمُ نَفْسٌ مَّآ أُخْفِىَ لَهُم مِّن قُرَّةِ أَعْيُنٍ جَزَآءًۢ بِمَا كَانُوا۟ يَعْمَلُونَ

Transliteration falā taʿlamu nafsun mā ukh'fiya lahum min qurrati aʿyunin jazāan bimā kānū yaʿmalūna

Tagalog Kaya hindi nalalaman ng isang kaluluwa ang ikinubli para sa kanila na kasiyahan ng mga mata bilang ganti sa anumang dati nilang ginagawa.

Verse 18

أَفَمَن كَانَ مُؤْمِنًا كَمَن كَانَ فَاسِقًا ۚ لَّا يَسْتَوُۥنَ

Transliteration afaman kāna mu'minan kaman kāna fāsiqan lā yastawūna

Tagalog Kaya ba ang sinumang naging isang mananampalataya ay gaya ng sinumang naging isang suwail? Hindi sila nagkakapantay.

Verse 19

أَمَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَعَمِلُوا۟ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ فَلَهُمْ جَنَّـٰتُ ٱلْمَأْوَىٰ نُزُلًۢا بِمَا كَانُوا۟ يَعْمَلُونَ

Transliteration ammā alladhīna āmanū waʿamilū l-ṣāliḥāti falahum jannātu l-mawā nuzulan bimā kānū yaʿmalūna

Tagalog Tungkol naman sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ukol sa kanila ay mga hardin ng kanlungan bilang tuluyan dahil sa dati nilang ginagawa.

Verse 20

وَأَمَّا ٱلَّذِينَ فَسَقُوا۟ فَمَأْوَىٰهُمُ ٱلنَّارُ ۖ كُلَّمَآ أَرَادُوٓا۟ أَن يَخْرُجُوا۟ مِنْهَآ أُعِيدُوا۟ فِيهَا وَقِيلَ لَهُمْ ذُوقُوا۟ عَذَابَ ٱلنَّارِ ٱلَّذِى كُنتُم بِهِۦ تُكَذِّبُونَ

Transliteration wa-ammā alladhīna fasaqū famawāhumu l-nāru kullamā arādū an yakhrujū min'hā uʿīdū fīhā waqīla lahum dhūqū ʿadhāba l-nāri alladhī kuntum bihi tukadhibūna

Tagalog Tungkol naman sa mga nagpakasuwail, ang kanlungan nila ay ang Apoy. Sa tuwing nagnais sila na lumabas mula roon, pinanunumbalik sila roon at sinasabi sa kanila: "Lasapin ninyo ang pagdurusa sa Apoy, na dati kayo ay nagpapasinungaling dito."

Verse 21

وَلَنُذِيقَنَّهُم مِّنَ ٱلْعَذَابِ ٱلْأَدْنَىٰ دُونَ ٱلْعَذَابِ ٱلْأَكْبَرِ لَعَلَّهُمْ يَرْجِعُونَ

Transliteration walanudhīqannahum mina l-ʿadhābi l-adnā dūna l-ʿadhābi l-akbari laʿallahum yarjiʿūna

Tagalog Talagang magpapalasap nga Kami sa kanila ng pagdurusang pinakamalapit bukod pa sa pagdurusang pinakamalaki, nang sa gayon sila ay babalik.

Verse 22

وَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّن ذُكِّرَ بِـَٔايَـٰتِ رَبِّهِۦ ثُمَّ أَعْرَضَ عَنْهَآ ۚ إِنَّا مِنَ ٱلْمُجْرِمِينَ مُنتَقِمُونَ

Transliteration waman aẓlamu mimman dhukkira biāyāti rabbihi thumma aʿraḍa ʿanhā innā mina l-muj'rimīna muntaqimūna

Tagalog Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang pinaalalahanan sa pamamagitan ng mga tanda ng Panginoon niya, pagkatapos umaayaw sa mga ito? Tunay na Kami sa mga salarin ay maghihiganti.

Verse 23

وَلَقَدْ ءَاتَيْنَا مُوسَى ٱلْكِتَـٰبَ فَلَا تَكُن فِى مِرْيَةٍ مِّن لِّقَآئِهِۦ ۖ وَجَعَلْنَـٰهُ هُدًى لِّبَنِىٓ إِسْرَٰٓءِيلَ

Transliteration walaqad ātaynā mūsā l-kitāba falā takun fī mir'yatin min liqāihi wajaʿalnāhu hudan libanī is'rāīla

Tagalog Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng Kasulatan kaya huwag kang maging nasa isang pag-aalangan sa pakikipagkita sa kanya. Gumawa Kami rito bilang patnubay para sa mga anak ni Israel.

Verse 24

وَجَعَلْنَا مِنْهُمْ أَئِمَّةً يَهْدُونَ بِأَمْرِنَا لَمَّا صَبَرُوا۟ ۖ وَكَانُوا۟ بِـَٔايَـٰتِنَا يُوقِنُونَ

Transliteration wajaʿalnā min'hum a-immatan yahdūna bi-amrinā lammā ṣabarū wakānū biāyātinā yūqinūna

Tagalog Gumawa Kami mula sa kanila ng mga pinuno na nagpapatnubay ayon sa kautusan Namin noong nagtiis sila at sila noon sa mga tanda Namin ay nakatitiyak.

Verse 25

إِنَّ رَبَّكَ هُوَ يَفْصِلُ بَيْنَهُمْ يَوْمَ ٱلْقِيَـٰمَةِ فِيمَا كَانُوا۟ فِيهِ يَخْتَلِفُونَ

Transliteration inna rabbaka huwa yafṣilu baynahum yawma l-qiyāmati fīmā kānū fīhi yakhtalifūna

Tagalog Tunay na ang Panginoon mo ay magpapasya sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon sa anumang sila dati hinggil doon ay nagkakaiba-iba.

Verse 26

أَوَلَمْ يَهْدِ لَهُمْ كَمْ أَهْلَكْنَا مِن قَبْلِهِم مِّنَ ٱلْقُرُونِ يَمْشُونَ فِى مَسَـٰكِنِهِمْ ۚ إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَـَٔايَـٰتٍ ۖ أَفَلَا يَسْمَعُونَ

Transliteration awalam yahdi lahum kam ahlaknā min qablihim mina l-qurūni yamshūna fī masākinihim inna fī dhālika laāyātin afalā yasmaʿūna

Tagalog Hindi ba napaglinawan para sa kanila kung ilan ang ipinahamak Namin bago pa nila kabilang sa mga salinlahi habang naglalakad ang mga iyon sa mga tirahan ng mga iyon? Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda; kaya hindi ba sila dumidinig?

Verse 27

أَوَلَمْ يَرَوْا۟ أَنَّا نَسُوقُ ٱلْمَآءَ إِلَى ٱلْأَرْضِ ٱلْجُرُزِ فَنُخْرِجُ بِهِۦ زَرْعًا تَأْكُلُ مِنْهُ أَنْعَـٰمُهُمْ وَأَنفُسُهُمْ ۖ أَفَلَا يُبْصِرُونَ

Transliteration awalam yaraw annā nasūqu l-māa ilā l-arḍi l-juruzi fanukh'riju bihi zarʿan takulu min'hu anʿāmuhum wa-anfusuhum afalā yub'ṣirūna

Tagalog Hindi ba sila nakakita na Kami ay umaakay sa tubig patungo sa lupang tigang saka nagpapalabas Kami sa pamamagitan niyon ng pananim na kumakain mula rito ang mga hayupan nila at ang mga sarili nila? Kaya hindi ba sila tumitingin?

Verse 28

وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَـٰذَا ٱلْفَتْحُ إِن كُنتُمْ صَـٰدِقِينَ

Transliteration wayaqūlūna matā hādhā l-fatḥu in kuntum ṣādiqīna

Tagalog Nagsasabi sila: "Kailan ang pagsakop na ito kung kayo ay mga tapat?"

Verse 29

قُلْ يَوْمَ ٱلْفَتْحِ لَا يَنفَعُ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓا۟ إِيمَـٰنُهُمْ وَلَا هُمْ يُنظَرُونَ

Transliteration qul yawma l-fatḥi lā yanfaʿu alladhīna kafarū īmānuhum walā hum yunẓarūna

Tagalog Sabihin mo: "Sa araw ng pagsakop, hindi magpapakinabang sa mga tumangging sumampalataya ang pagsampalataya nila at hindi sila palulugitan."

Verse 30

فَأَعْرِضْ عَنْهُمْ وَٱنتَظِرْ إِنَّهُم مُّنتَظِرُونَ

Transliteration fa-aʿriḍ ʿanhum wa-intaẓir innahum muntaẓirūna

Tagalog Kaya umayaw ka sa kanila at maghintay ka sa kanila; tunay na sila ay mga naghihintay.

Read Surah As-Sajdah in another language

All languages

All 114 surahs in Tagalog: the Qur’an in Tagalog.

Learn it in MyDugsi

Tagalog translation: Dar Al-Salam Center, from Quran.com. Transliteration: Quran.com. Recitation: Mishary Alafasy, from EveryAyah.com. MyDugsi is a learning aid, not a replacement for a qualified teacher.