MyDugsiStart learning

Surah Al-Mulk in Tagalog: translation and audio

Surah 67 · الملك · The Sovereignty · 30 verses

Surah Al-Mulk verse by verse: the Arabic with a recitation you can repeat, the transliteration, and the Tagalog translation by Dar Al-Salam Center. For the meaning of every word, see Surah Al-Mulk word by word in English.

Verse 1

تَبَـٰرَكَ ٱلَّذِى بِيَدِهِ ٱلْمُلْكُ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَىْءٍ قَدِيرٌ

Transliteration tabāraka alladhī biyadihi l-mul'ku wahuwa ʿalā kulli shayin qadīrun

Tagalog Napakamapagpala Siya na nasa kamay Niya ang paghahari, at Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan,

Verse 2

ٱلَّذِى خَلَقَ ٱلْمَوْتَ وَٱلْحَيَوٰةَ لِيَبْلُوَكُمْ أَيُّكُمْ أَحْسَنُ عَمَلًا ۚ وَهُوَ ٱلْعَزِيزُ ٱلْغَفُورُ

Transliteration alladhī khalaqa l-mawta wal-ḥayata liyabluwakum ayyukum aḥsanu ʿamalan wahuwa l-ʿazīzu l-ghafūru

Tagalog na lumikha ng kamatayan at buhay upang sumubok Siya sa inyo kung alin sa inyo ang pinakamaganda sa gawa. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Mapagpatawad,

Verse 3

ٱلَّذِى خَلَقَ سَبْعَ سَمَـٰوَٰتٍ طِبَاقًا ۖ مَّا تَرَىٰ فِى خَلْقِ ٱلرَّحْمَـٰنِ مِن تَفَـٰوُتٍ ۖ فَٱرْجِعِ ٱلْبَصَرَ هَلْ تَرَىٰ مِن فُطُورٍ

Transliteration alladhī khalaqa sabʿa samāwātin ṭibāqan mā tarā fī khalqi l-raḥmāni min tafāwutin fa-ir'jiʿi l-baṣara hal tarā min fuṭūrin

Tagalog na lumikha ng pitong langit na nakapatung-patong. Hindi ka nakakikita sa pagkakalikha ng Napakamaawain ng anumang pagtataliwasan. Kaya magpapabalik ka ng paningin, nakakikita ka kaya ng anumang mga bitak?

Verse 4

ثُمَّ ٱرْجِعِ ٱلْبَصَرَ كَرَّتَيْنِ يَنقَلِبْ إِلَيْكَ ٱلْبَصَرُ خَاسِئًا وَهُوَ حَسِيرٌ

Transliteration thumma ir'jiʿi l-baṣara karratayni yanqalib ilayka l-baṣaru khāsi-an wahuwa ḥasīrun

Tagalog Pagkatapos magpapabalik ka ng paningin nang dalawang ulit, babalik sa iyo ang paningin mo na hamak samantalang ito ay pagal.

Verse 5

وَلَقَدْ زَيَّنَّا ٱلسَّمَآءَ ٱلدُّنْيَا بِمَصَـٰبِيحَ وَجَعَلْنَـٰهَا رُجُومًا لِّلشَّيَـٰطِينِ ۖ وَأَعْتَدْنَا لَهُمْ عَذَابَ ٱلسَّعِيرِ

Transliteration walaqad zayyannā l-samāa l-dun'yā bimaṣābīḥa wajaʿalnāhā rujūman lilshayāṭīni wa-aʿtadnā lahum ʿadhāba l-saʿīri

Tagalog Talaga ngang gumayak Kami sa langit na pinakamababa ng mga lampara at gumawa Kami sa mga iyon na mga pambato sa mga demonyo. Naglaan Kami para sa kanila ng pagdurusa sa Liyab.

Verse 6

وَلِلَّذِينَ كَفَرُوا۟ بِرَبِّهِمْ عَذَابُ جَهَنَّمَ ۖ وَبِئْسَ ٱلْمَصِيرُ

Transliteration walilladhīna kafarū birabbihim ʿadhābu jahannama wabi'sa l-maṣīru

Tagalog Ukol sa mga tumangging sumampalataya sa Panginoon nila ang pagdurusa sa Impiyerno. Kay saklap ang kahahantungan!

Verse 7

إِذَآ أُلْقُوا۟ فِيهَا سَمِعُوا۟ لَهَا شَهِيقًا وَهِىَ تَفُورُ

Transliteration idhā ul'qū fīhā samiʿū lahā shahīqan wahiya tafūru

Tagalog Kapag itinapon sila roon ay makaririnig sila ng isang singhal habang iyon ay kumukulo.

Verse 8

تَكَادُ تَمَيَّزُ مِنَ ٱلْغَيْظِ ۖ كُلَّمَآ أُلْقِىَ فِيهَا فَوْجٌ سَأَلَهُمْ خَزَنَتُهَآ أَلَمْ يَأْتِكُمْ نَذِيرٌ

Transliteration takādu tamayyazu mina l-ghayẓi kullamā ul'qiya fīhā fawjun sa-alahum khazanatuhā alam yatikum nadhīrun

Tagalog Halos nagkakapira-piraso iyon sa ngitngit. Tuwing nakapagtapon doon ng isang pulutong ay magtatanong sa kanila ang mga tanod niyon: "Wala bang pumunta sa inyo na isang mapagbabala?"

Verse 9

قَالُوا۟ بَلَىٰ قَدْ جَآءَنَا نَذِيرٌ فَكَذَّبْنَا وَقُلْنَا مَا نَزَّلَ ٱللَّهُ مِن شَىْءٍ إِنْ أَنتُمْ إِلَّا فِى ضَلَـٰلٍ كَبِيرٍ

Transliteration qālū balā qad jāanā nadhīrun fakadhabnā waqul'nā mā nazzala l-lahu min shayin in antum illā fī ḍalālin kabīrin

Tagalog Magsasabi sila: "Oo, may pumunta nga sa amin na isang mapagbabala ngunit nagpasinungaling kami at nagsabi kami: Hindi nagbaba si Allāh ng anuman; walang iba kayo kundi nasa isang pagkaligaw na malaki."

Verse 10

وَقَالُوا۟ لَوْ كُنَّا نَسْمَعُ أَوْ نَعْقِلُ مَا كُنَّا فِىٓ أَصْحَـٰبِ ٱلسَّعِيرِ

Transliteration waqālū law kunnā nasmaʿu aw naʿqilu mā kunnā fī aṣḥābi l-saʿīri

Tagalog Magsasabi sila: "Kung sakaling kami dati ay nakikinig o nakapag-uunawa, hindi sana kami naging mga maninirahan sa Liyab!"

Verse 11

فَٱعْتَرَفُوا۟ بِذَنۢبِهِمْ فَسُحْقًا لِّأَصْحَـٰبِ ٱلسَّعِيرِ

Transliteration fa-iʿ'tarafū bidhanbihim fasuḥ'qan li-aṣḥābi l-saʿīri

Tagalog Kaya aamin sila ng pagkakasala nila, kaya pagkalayu-layo ay ukol sa mga maninirahan sa Liyab!

Verse 12

إِنَّ ٱلَّذِينَ يَخْشَوْنَ رَبَّهُم بِٱلْغَيْبِ لَهُم مَّغْفِرَةٌ وَأَجْرٌ كَبِيرٌ

Transliteration inna alladhīna yakhshawna rabbahum bil-ghaybi lahum maghfiratun wa-ajrun kabīrun

Tagalog Tunay na ang mga natatakot sa Panginoon nila nang lingid, ukol sa kanila ay isang kapatawaran at isang pabuyang malaki.

Verse 13

وَأَسِرُّوا۟ قَوْلَكُمْ أَوِ ٱجْهَرُوا۟ بِهِۦٓ ۖ إِنَّهُۥ عَلِيمٌۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ

Transliteration wa-asirrū qawlakum awi ij'harū bihi innahu ʿalīmun bidhāti l-ṣudūri

Tagalog Maglihim kayo ng sinabi ninyo o maghayag kayo nito, tunay na Siya ay Maalam sa nilalaman ng mga dibdib.

Verse 14

أَلَا يَعْلَمُ مَنْ خَلَقَ وَهُوَ ٱللَّطِيفُ ٱلْخَبِيرُ

Transliteration alā yaʿlamu man khalaqa wahuwa l-laṭīfu l-khabīru

Tagalog Hindi ba nakaaalam ang lumikha samantalang Siya ay ang Mapagtalos, ang Mapagbatid.

Verse 15

هُوَ ٱلَّذِى جَعَلَ لَكُمُ ٱلْأَرْضَ ذَلُولًا فَٱمْشُوا۟ فِى مَنَاكِبِهَا وَكُلُوا۟ مِن رِّزْقِهِۦ ۖ وَإِلَيْهِ ٱلنُّشُورُ

Transliteration huwa alladhī jaʿala lakumu l-arḍa dhalūlan fa-im'shū fī manākibihā wakulū min riz'qihi wa-ilayhi l-nushūru

Tagalog Siya ay ang gumawa para sa inyo ng lupa na [maging] maamo, kaya maglakad kayo sa mga dako nito at kumain kayo mula sa panustos Niya. Tungo sa Kanya ang pagkabuhay muli.

Verse 16

ءَأَمِنتُم مَّن فِى ٱلسَّمَآءِ أَن يَخْسِفَ بِكُمُ ٱلْأَرْضَ فَإِذَا هِىَ تَمُورُ

Transliteration a-amintum man fī l-samāi an yakhsifa bikumu l-arḍa fa-idhā hiya tamūru

Tagalog Natiwasay ba kayo sa Kanya na nasa langit na magpalamon Siya sa inyo sa lupa saka biglang ito ay nayayanig?

Verse 17

أَمْ أَمِنتُم مَّن فِى ٱلسَّمَآءِ أَن يُرْسِلَ عَلَيْكُمْ حَاصِبًا ۖ فَسَتَعْلَمُونَ كَيْفَ نَذِيرِ

Transliteration am amintum man fī l-samāi an yur'sila ʿalaykum ḥāṣiban fasataʿlamūna kayfa nadhīri

Tagalog O natiwasay kayo sa Kanya na nasa langit na magsugo Siya sa inyo ng isang unos ng mga bato, kaya makaaalam kayo kung papaano ang pagbabala Ko?

Verse 18

وَلَقَدْ كَذَّبَ ٱلَّذِينَ مِن قَبْلِهِمْ فَكَيْفَ كَانَ نَكِيرِ

Transliteration walaqad kadhaba alladhīna min qablihim fakayfa kāna nakīri

Tagalog Talaga ngang nagpasinungaling ang mga bago pa nila, kaya papaano naging ang pagtutol Ko?

Verse 19

أَوَلَمْ يَرَوْا۟ إِلَى ٱلطَّيْرِ فَوْقَهُمْ صَـٰٓفَّـٰتٍ وَيَقْبِضْنَ ۚ مَا يُمْسِكُهُنَّ إِلَّا ٱلرَّحْمَـٰنُ ۚ إِنَّهُۥ بِكُلِّ شَىْءٍۭ بَصِيرٌ

Transliteration awalam yaraw ilā l-ṭayri fawqahum ṣāffātin wayaqbiḍ'na mā yum'sikuhunna illā l-raḥmānu innahu bikulli shayin baṣīrun

Tagalog Hindi ba sila nakakita sa mga ibon sa ibabaw nila habang mga nakabuka at nagtitiklop [ng mga pakpak]? Walang pumipigil sa mga iyon kundi ang Napakamaawain. Tunay na Siya sa bawat bagay ay Nakakikita.

Verse 20

أَمَّنْ هَـٰذَا ٱلَّذِى هُوَ جُندٌ لَّكُمْ يَنصُرُكُم مِّن دُونِ ٱلرَّحْمَـٰنِ ۚ إِنِ ٱلْكَـٰفِرُونَ إِلَّا فِى غُرُورٍ

Transliteration amman hādhā alladhī huwa jundun lakum yanṣurukum min dūni l-raḥmāni ini l-kāfirūna illā fī ghurūrin

Tagalog O sino itong isang hukbo para sa inyo na mag-aadya sa inyo bukod pa sa Napakamaawain? Walang iba ang mga tagatangging sumampalataya kundi nasa isang pagkalinlang.

Verse 21

أَمَّنْ هَـٰذَا ٱلَّذِى يَرْزُقُكُمْ إِنْ أَمْسَكَ رِزْقَهُۥ ۚ بَل لَّجُّوا۟ فِى عُتُوٍّ وَنُفُورٍ

Transliteration amman hādhā alladhī yarzuqukum in amsaka riz'qahu bal lajjū fī ʿutuwwin wanufūrin

Tagalog O sino itong magtutustos sa inyo kung pumigil Siya sa panustos Niya? Bagkus nagmatigas sila sa isang pagpapakapalalo at isang pagkaayaw.

Verse 22

أَفَمَن يَمْشِى مُكِبًّا عَلَىٰ وَجْهِهِۦٓ أَهْدَىٰٓ أَمَّن يَمْشِى سَوِيًّا عَلَىٰ صِرَٰطٍ مُّسْتَقِيمٍ

Transliteration afaman yamshī mukibban ʿalā wajhihi ahdā amman yamshī sawiyyan ʿalā ṣirāṭin mus'taqīmin

Tagalog Kaya ang naglalakad ba habang nakasubsob sa mukha niya ay higit na napatnubayan o ang naglalakad habang nakatindig sa isang landasing tuwid?

Verse 23

قُلْ هُوَ ٱلَّذِىٓ أَنشَأَكُمْ وَجَعَلَ لَكُمُ ٱلسَّمْعَ وَٱلْأَبْصَـٰرَ وَٱلْأَفْـِٔدَةَ ۖ قَلِيلًا مَّا تَشْكُرُونَ

Transliteration qul huwa alladhī ansha-akum wajaʿala lakumu l-samʿa wal-abṣāra wal-afidata qalīlan mā tashkurūna

Tagalog Sabihin mo: "Siya ay ang nagpaluwal sa inyo at gumawa para sa inyo ng pandinig, mga paningin, at mga puso. Kaunti ang pinasasalamatan ninyo!"

Verse 24

قُلْ هُوَ ٱلَّذِى ذَرَأَكُمْ فِى ٱلْأَرْضِ وَإِلَيْهِ تُحْشَرُونَ

Transliteration qul huwa alladhī dhara-akum fī l-arḍi wa-ilayhi tuḥ'sharūna

Tagalog Sabihin mo: "Siya ay ang lumalang sa inyo sa lupa at tungo sa Kanya kakalapin kayo."

Verse 25

وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَـٰذَا ٱلْوَعْدُ إِن كُنتُمْ صَـٰدِقِينَ

Transliteration wayaqūlūna matā hādhā l-waʿdu in kuntum ṣādiqīna

Tagalog Magsasabi sila: "Kailan ang pangakong ito kung kayo ay mga tapat?"

Verse 26

قُلْ إِنَّمَا ٱلْعِلْمُ عِندَ ٱللَّهِ وَإِنَّمَآ أَنَا۠ نَذِيرٌ مُّبِينٌ

Transliteration qul innamā l-ʿil'mu ʿinda l-lahi wa-innamā anā nadhīrun mubīnun

Tagalog Sabihin mo: "Ang kaalaman ay nasa ganang kay Allāh lamang at ako ay isang mapagbabalang malinaw lamang."

Verse 27

فَلَمَّا رَأَوْهُ زُلْفَةً سِيٓـَٔتْ وُجُوهُ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ وَقِيلَ هَـٰذَا ٱلَّذِى كُنتُم بِهِۦ تَدَّعُونَ

Transliteration falammā ra-awhu zul'fatan sīat wujūhu alladhīna kafarū waqīla hādhā alladhī kuntum bihi taddaʿūna

Tagalog Ngunit kapag nakakita sila nito sa kalapitan ay sasagwa ang mga mukha ng mga tumangging sumampalataya at sasabihin: "Ito ang dati ninyong pinananawagan."

Verse 28

قُلْ أَرَءَيْتُمْ إِنْ أَهْلَكَنِىَ ٱللَّهُ وَمَن مَّعِىَ أَوْ رَحِمَنَا فَمَن يُجِيرُ ٱلْكَـٰفِرِينَ مِنْ عَذَابٍ أَلِيمٍ

Transliteration qul ara-aytum in ahlakaniya l-lahu waman maʿiya aw raḥimanā faman yujīru l-kāfirīna min ʿadhābin alīmin

Tagalog Sabihin mo: "Nagsaalang-alang ba kayo kung nagpahamak sa akin si Allāh at sa sinumang kasama sa akin o naawa Siya sa amin, sino ang kakalinga sa mga tagatangging sumampalataya laban sa isang pagdurusang masakit?"

Verse 29

قُلْ هُوَ ٱلرَّحْمَـٰنُ ءَامَنَّا بِهِۦ وَعَلَيْهِ تَوَكَّلْنَا ۖ فَسَتَعْلَمُونَ مَنْ هُوَ فِى ضَلَـٰلٍ مُّبِينٍ

Transliteration qul huwa l-raḥmānu āmannā bihi waʿalayhi tawakkalnā fasataʿlamūna man huwa fī ḍalālin mubīnin

Tagalog Sabihin mo: "Siya ay ang Napakamaawain; sumampalataya kami sa Kanya at sa Kanya kami nanalig. Kaya makaaalam kayo kung sino ang nasa isang pagkaligaw na malinaw."

Verse 30

قُلْ أَرَءَيْتُمْ إِنْ أَصْبَحَ مَآؤُكُمْ غَوْرًا فَمَن يَأْتِيكُم بِمَآءٍ مَّعِينٍۭ

Transliteration qul ara-aytum in aṣbaḥa māukum ghawran faman yatīkum bimāin maʿīnin

Tagalog Sabihin mo: "Nagsaalang-alang ba kayo kung ang tubig ninyo ay naging lubog, sino ang magdadala sa inyo ng isang tubig na umaagos?"

Read Surah Al-Mulk in another language

All languages

All 114 surahs in Tagalog: the Qur’an in Tagalog.

Learn it in MyDugsi

Tagalog translation: Dar Al-Salam Center, from Quran.com. Transliteration: Quran.com. Recitation: Mishary Alafasy, from EveryAyah.com. MyDugsi is a learning aid, not a replacement for a qualified teacher.