MyDugsiStart learning

Surah Al-Insan in Tagalog: translation and audio

Surah 76 · الانسان · The Man · 31 verses

Surah Al-Insan verse by verse: the Arabic with a recitation you can repeat, the transliteration, and the Tagalog translation by Dar Al-Salam Center. For the meaning of every word, see Surah Al-Insan word by word in English.

Verse 1

هَلْ أَتَىٰ عَلَى ٱلْإِنسَـٰنِ حِينٌ مِّنَ ٱلدَّهْرِ لَمْ يَكُن شَيْـًٔا مَّذْكُورًا

Transliteration hal atā ʿalā l-insāni ḥīnun mina l-dahri lam yakun shayan madhkūran

Tagalog May dumating kaya sa tao na isang yugto mula sa panahon na hindi siya naging isang bagay na nababanggit?

Verse 2

إِنَّا خَلَقْنَا ٱلْإِنسَـٰنَ مِن نُّطْفَةٍ أَمْشَاجٍ نَّبْتَلِيهِ فَجَعَلْنَـٰهُ سَمِيعًۢا بَصِيرًا

Transliteration innā khalaqnā l-insāna min nuṭ'fatin amshājin nabtalīhi fajaʿalnāhu samīʿan baṣīran

Tagalog Tunay na Kami ay lumikha sa tao mula sa isang patak na mga pinaghalo upang sumubok Kami sa kanya, saka gumawa Kami sa kanya na isang madinigin, na nakakikita.

Verse 3

إِنَّا هَدَيْنَـٰهُ ٱلسَّبِيلَ إِمَّا شَاكِرًا وَإِمَّا كَفُورًا

Transliteration innā hadaynāhu l-sabīla immā shākiran wa-immā kafūran

Tagalog Tunay na Kami ay nagpatnubay sa kanya sa landas, maging tagapagpasalamat man o maging mapagkaila man ng utang na loob.

Verse 4

إِنَّآ أَعْتَدْنَا لِلْكَـٰفِرِينَ سَلَـٰسِلَا۟ وَأَغْلَـٰلًا وَسَعِيرًا

Transliteration innā aʿtadnā lil'kāfirīna salāsilā wa-aghlālan wasaʿīran

Tagalog Tunay na Kami ay naglaan para sa mga tagatangging sumampalataya ng mga tanikala, mga kulyar, at isang liyab.

Verse 5

إِنَّ ٱلْأَبْرَارَ يَشْرَبُونَ مِن كَأْسٍ كَانَ مِزَاجُهَا كَافُورًا

Transliteration inna l-abrāra yashrabūna min kasin kāna mizājuhā kāfūran

Tagalog Tunay na ang mga nagpapakabuti ay iinom mula sa kopa na ang halo nito ay Kāfūr,

Verse 6

عَيْنًا يَشْرَبُ بِهَا عِبَادُ ٱللَّهِ يُفَجِّرُونَهَا تَفْجِيرًا

Transliteration ʿaynan yashrabu bihā ʿibādu l-lahi yufajjirūnahā tafjīran

Tagalog na isang bukal na iinom doon ang mga lingkod ni Allāh, habang nagpapabulwak sila roon nang isang pagpapabulwak.

Verse 7

يُوفُونَ بِٱلنَّذْرِ وَيَخَافُونَ يَوْمًا كَانَ شَرُّهُۥ مُسْتَطِيرًا

Transliteration yūfūna bil-nadhri wayakhāfūna yawman kāna sharruhu mus'taṭīran

Tagalog Tumutupad sila sa mga panata at nangangamba sila sa isang araw na ang kasamaan niyon ay magiging maglilipana.

Verse 8

وَيُطْعِمُونَ ٱلطَّعَامَ عَلَىٰ حُبِّهِۦ مِسْكِينًا وَيَتِيمًا وَأَسِيرًا

Transliteration wayuṭ'ʿimūna l-ṭaʿāma ʿalā ḥubbihi mis'kīnan wayatīman wa-asīran

Tagalog Nagpapakain sila ng pagkain, sa kabila ng pagkaibig dito, sa dukha, ulila, at bihag.

Verse 9

إِنَّمَا نُطْعِمُكُمْ لِوَجْهِ ٱللَّهِ لَا نُرِيدُ مِنكُمْ جَزَآءً وَلَا شُكُورًا

Transliteration innamā nuṭ'ʿimukum liwajhi l-lahi lā nurīdu minkum jazāan walā shukūran

Tagalog [Sinasabi nila sa mga sarili]: "Nagpapakain lamang kami sa inyo para sa [ikalulugod ng] mukha ni Allāh; hindi kami nagnanais mula sa inyo ng isang ganti ni isang pasasalamat.

Verse 10

إِنَّا نَخَافُ مِن رَّبِّنَا يَوْمًا عَبُوسًا قَمْطَرِيرًا

Transliteration innā nakhāfu min rabbinā yawman ʿabūsan qamṭarīran

Tagalog Tunay na kami ay nangangamba sa Panginoon Namin sa isang araw na nakasimangot, na nakaismid."

Verse 11

فَوَقَىٰهُمُ ٱللَّهُ شَرَّ ذَٰلِكَ ٱلْيَوْمِ وَلَقَّىٰهُمْ نَضْرَةً وَسُرُورًا

Transliteration fawaqāhumu l-lahu sharra dhālika l-yawmi walaqqāhum naḍratan wasurūran

Tagalog Kaya magsasanggalang sa kanila si Allāh sa kasamaan ng Araw na iyon at maggagawad Siya sa kanila ng ningning at galak.

Verse 12

وَجَزَىٰهُم بِمَا صَبَرُوا۟ جَنَّةً وَحَرِيرًا

Transliteration wajazāhum bimā ṣabarū jannatan waḥarīran

Tagalog Gaganti Siya sa kanila, dahil nagtiis sila, ng hardin at sutla.

Verse 13

مُّتَّكِـِٔينَ فِيهَا عَلَى ٱلْأَرَآئِكِ ۖ لَا يَرَوْنَ فِيهَا شَمْسًا وَلَا زَمْهَرِيرًا

Transliteration muttakiīna fīhā ʿalā l-arāiki lā yarawna fīhā shamsan walā zamharīran

Tagalog Mga nakasandal doon sa mga supa, hindi sila makakikita roon ng [init ng] araw ni ng pagkalamig-lamig.

Verse 14

وَدَانِيَةً عَلَيْهِمْ ظِلَـٰلُهَا وَذُلِّلَتْ قُطُوفُهَا تَذْلِيلًا

Transliteration wadāniyatan ʿalayhim ẓilāluhā wadhullilat quṭūfuhā tadhlīlan

Tagalog Nakalapit sa ibabaw nila ang mga lilim nito, padadaliin ang mga napipitas doon sa isang pagpapadali.

Verse 15

وَيُطَافُ عَلَيْهِم بِـَٔانِيَةٍ مِّن فِضَّةٍ وَأَكْوَابٍ كَانَتْ قَوَارِيرَا۠

Transliteration wayuṭāfu ʿalayhim biāniyatin min fiḍḍatin wa-akwābin kānat qawārīrā

Tagalog Magpapalibot sa kanila ng mga pinggang yari sa pilak at mga basong naging mga kristal,

Verse 16

قَوَارِيرَا۟ مِن فِضَّةٍ قَدَّرُوهَا تَقْدِيرًا

Transliteration qawārīrā min fiḍḍatin qaddarūhā taqdīran

Tagalog mga kristal na yari sa pilak, na sumukat sila ng mga ito sa isang pagsukat.

Verse 17

وَيُسْقَوْنَ فِيهَا كَأْسًا كَانَ مِزَاجُهَا زَنجَبِيلًا

Transliteration wayus'qawna fīhā kasan kāna mizājuhā zanjabīlan

Tagalog Paiinumin sila roon ng isang kopa [ng alak] na ang panghalo nito ay luya

Verse 18

عَيْنًا فِيهَا تُسَمَّىٰ سَلْسَبِيلًا

Transliteration ʿaynan fīhā tusammā salsabīlan

Tagalog [mula sa] isang bukal doon na pinangangalanang Salsabīl.

Verse 19

۞ وَيَطُوفُ عَلَيْهِمْ وِلْدَٰنٌ مُّخَلَّدُونَ إِذَا رَأَيْتَهُمْ حَسِبْتَهُمْ لُؤْلُؤًا مَّنثُورًا

Transliteration wayaṭūfu ʿalayhim wil'dānun mukhalladūna idhā ra-aytahum ḥasib'tahum lu'lu-an manthūran

Tagalog May lilibot sa kanila na mga batang lalaki na mga pinamalaging [bata]. Kapag nakita mo sila ay mag-aakala kang sila ay mga mutyang isinabog.

Verse 20

وَإِذَا رَأَيْتَ ثَمَّ رَأَيْتَ نَعِيمًا وَمُلْكًا كَبِيرًا

Transliteration wa-idhā ra-ayta thamma ra-ayta naʿīman wamul'kan kabīran

Tagalog Kapag nakakita ka roon ay makakikita ka ng isang kaginhawahan at isang paghaharing malaki.

Verse 21

عَـٰلِيَهُمْ ثِيَابُ سُندُسٍ خُضْرٌ وَإِسْتَبْرَقٌ ۖ وَحُلُّوٓا۟ أَسَاوِرَ مِن فِضَّةٍ وَسَقَىٰهُمْ رَبُّهُمْ شَرَابًا طَهُورًا

Transliteration ʿāliyahum thiyābu sundusin khuḍ'run wa-is'tabraqun waḥullū asāwira min fiḍḍatin wasaqāhum rabbuhum sharāban ṭahūran

Tagalog May nakasuot sa kanila na mga kasuutan na manipis na sutlang luntian at makapal na sutla, hihiyasan sila ng mga pulseras na yari sa pilak, at magpapainom sa kanila ang Panginoon nila ng inuming kadali-dalisay.

Verse 22

إِنَّ هَـٰذَا كَانَ لَكُمْ جَزَآءً وَكَانَ سَعْيُكُم مَّشْكُورًا

Transliteration inna hādhā kāna lakum jazāan wakāna saʿyukum mashkūran

Tagalog [Sasabihin]: "Tunay na ito ay naging para sa inyo bilang ganti at ang pagpupunyagi ninyo ay naging isang kinikilala."

Verse 23

إِنَّا نَحْنُ نَزَّلْنَا عَلَيْكَ ٱلْقُرْءَانَ تَنزِيلًا

Transliteration innā naḥnu nazzalnā ʿalayka l-qur'āna tanzīlan

Tagalog Tunay na Kami ay nagbaba sa iyo ng Qur’ān sa isang [unti-unting] pagbababa.

Verse 24

فَٱصْبِرْ لِحُكْمِ رَبِّكَ وَلَا تُطِعْ مِنْهُمْ ءَاثِمًا أَوْ كَفُورًا

Transliteration fa-iṣ'bir liḥuk'mi rabbika walā tuṭiʿ min'hum āthiman aw kafūran

Tagalog Kaya magtiis ka sa kahatulan ng Panginoon mo at huwag kang tumalima kabilang sa kanila sa isang nagkakasala o isang palatangging sumampalataya.

Verse 25

وَٱذْكُرِ ٱسْمَ رَبِّكَ بُكْرَةً وَأَصِيلًا

Transliteration wa-udh'kuri is'ma rabbika buk'ratan wa-aṣīlan

Tagalog Alalahanin mo ang ngalan ng Panginoon mo sa umaga at sa hapon.

Verse 26

وَمِنَ ٱلَّيْلِ فَٱسْجُدْ لَهُۥ وَسَبِّحْهُ لَيْلًا طَوِيلًا

Transliteration wamina al-layli fa-us'jud lahu wasabbiḥ'hu laylan ṭawīlan

Tagalog Sa bahagi ng gabi ay magpatirapa ka sa Kanya at magluwalhati ka sa Kanya sa gabi nang matagal.

Verse 27

إِنَّ هَـٰٓؤُلَآءِ يُحِبُّونَ ٱلْعَاجِلَةَ وَيَذَرُونَ وَرَآءَهُمْ يَوْمًا ثَقِيلًا

Transliteration inna hāulāi yuḥibbūna l-ʿājilata wayadharūna warāahum yawman thaqīlan

Tagalog Tunay na ang mga ito ay umiibig sa Panandaliang-buhay at nag-iiwan sa likuran nila ng isang araw na mabigat.

Verse 28

نَّحْنُ خَلَقْنَـٰهُمْ وَشَدَدْنَآ أَسْرَهُمْ ۖ وَإِذَا شِئْنَا بَدَّلْنَآ أَمْثَـٰلَهُمْ تَبْدِيلًا

Transliteration naḥnu khalaqnāhum washadadnā asrahum wa-idhā shi'nā baddalnā amthālahum tabdīlan

Tagalog Kami ay lumikha sa kanila at nagpapatatag sa pagkalalang sa kanila. Kapag niloob Namin ay magpapalit Kami [sa kanila] ng mga tulad nila sa isang pagpapalit.

Verse 29

إِنَّ هَـٰذِهِۦ تَذْكِرَةٌ ۖ فَمَن شَآءَ ٱتَّخَذَ إِلَىٰ رَبِّهِۦ سَبِيلًا

Transliteration inna hādhihi tadhkiratun faman shāa ittakhadha ilā rabbihi sabīlan

Tagalog Tunay na ito ay isang pagpapaalaala, kaya ang sinumang lumuob ay gumawa siya tungo sa Panginoon niya ng isang landas.

Verse 30

وَمَا تَشَآءُونَ إِلَّآ أَن يَشَآءَ ٱللَّهُ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلِيمًا حَكِيمًا

Transliteration wamā tashāūna illā an yashāa l-lahu inna l-laha kāna ʿalīman ḥakīman

Tagalog Hindi ninyo loloobin maliban na loobin ni Allāh. Tunay na si Allāh ay laging Maalam, Marunong.

Verse 31

يُدْخِلُ مَن يَشَآءُ فِى رَحْمَتِهِۦ ۚ وَٱلظَّـٰلِمِينَ أَعَدَّ لَهُمْ عَذَابًا أَلِيمًۢا

Transliteration yud'khilu man yashāu fī raḥmatihi wal-ẓālimīna aʿadda lahum ʿadhāban alīman

Tagalog Magpapapasok Siya ng sinumang niloloob Niya sa awa niya samantalang sa mga tagalabag sa katarungan ay naghanda Siya para sa kanila ng isang pagdurusang masakit.

Read Surah Al-Insan in another language

All languages

All 114 surahs in Tagalog: the Qur’an in Tagalog.

Learn it in MyDugsi

Tagalog translation: Dar Al-Salam Center, from Quran.com. Transliteration: Quran.com. Recitation: Mishary Alafasy, from EveryAyah.com. MyDugsi is a learning aid, not a replacement for a qualified teacher.