Surah Maryam in Tagalog: translation and audio
Surah 19 · مريم · Mary · 98 verses
Surah Maryam verse by verse: the Arabic with a recitation you can repeat, the transliteration, and the Tagalog translation by Dar Al-Salam Center. For the meaning of every word, see Surah Maryam word by word in English.
Verse 1
كٓهيعٓصٓ
Transliteration kaf-ha-ya-ain-sad
Tagalog Kāf, Hā, Yā, `Ayn, Ṣād.
Verse 2
ذِكْرُ رَحْمَتِ رَبِّكَ عَبْدَهُۥ زَكَرِيَّآ
Transliteration dhik'ru raḥmati rabbika ʿabdahu zakariyyā
Tagalog Ang pagbanggit ng awa ng Panginoon mo sa lingkod Niyang si Zacarias
Verse 3
إِذْ نَادَىٰ رَبَّهُۥ نِدَآءً خَفِيًّا
Transliteration idh nādā rabbahu nidāan khafiyyan
Tagalog noong nanawagan siya sa Panginoon niya sa isang panawagang kubli.
Verse 4
قَالَ رَبِّ إِنِّى وَهَنَ ٱلْعَظْمُ مِنِّى وَٱشْتَعَلَ ٱلرَّأْسُ شَيْبًا وَلَمْ أَكُنۢ بِدُعَآئِكَ رَبِّ شَقِيًّا
Transliteration qāla rabbi innī wahana l-ʿaẓmu minnī wa-ish'taʿala l-rasu shayban walam akun biduʿāika rabbi shaqiyyan
Tagalog Nagsabi siya: "Panginoon ko, tunay na ako ay napanghinaan ng mga buto mula sa akin, nagliyab ang ulo sa uban, at hindi naging malumbay sa pagdalangin sa Iyo, Panginoon ko.
Verse 5
وَإِنِّى خِفْتُ ٱلْمَوَٰلِىَ مِن وَرَآءِى وَكَانَتِ ٱمْرَأَتِى عَاقِرًا فَهَبْ لِى مِن لَّدُنكَ وَلِيًّا
Transliteration wa-innī khif'tu l-mawāliya min warāī wakānati im'ra-atī ʿāqiran fahab lī min ladunka waliyyan
Tagalog Tunay na ako ay nangamba sa mga kaanak kabilang sa maiiwan ko. Ang maybahay ko naman ay baog. Kaya magkaloob ka sa akin mula sa nasa Iyo ng isang kalapit,
Verse 6
يَرِثُنِى وَيَرِثُ مِنْ ءَالِ يَعْقُوبَ ۖ وَٱجْعَلْهُ رَبِّ رَضِيًّا
Transliteration yarithunī wayarithu min āli yaʿqūba wa-ij'ʿalhu rabbi raḍiyyan
Tagalog na magmamana sa akin at magmamana mula sa angkan ni Jacob. Gawin Mo siya, Panginoon ko, na isang lugod.
Verse 7
يَـٰزَكَرِيَّآ إِنَّا نُبَشِّرُكَ بِغُلَـٰمٍ ٱسْمُهُۥ يَحْيَىٰ لَمْ نَجْعَل لَّهُۥ مِن قَبْلُ سَمِيًّا
Transliteration yāzakariyyā innā nubashiruka bighulāmin us'muhu yaḥyā lam najʿal lahu min qablu samiyyan
Tagalog [Sinabi sa kanya:] "O Zacarias, tunay na Kami ay nagbabalita ng nakagagalak sa iyo hinggil sa isang batang lalaking ang pangalan niya ay Juan. Hindi Kami gumawa para sa kanya noong bago pa niyan ng isang kapangalan."
Verse 8
قَالَ رَبِّ أَنَّىٰ يَكُونُ لِى غُلَـٰمٌ وَكَانَتِ ٱمْرَأَتِى عَاقِرًا وَقَدْ بَلَغْتُ مِنَ ٱلْكِبَرِ عِتِيًّا
Transliteration qāla rabbi annā yakūnu lī ghulāmun wakānati im'ra-atī ʿāqiran waqad balaghtu mina l-kibari ʿitiyyan
Tagalog Nagsabi ito: "Panginoon ko, paanong magkakaroon ako ng isang batang lalaki samantalang ang maybahay ko ay baog at umabot na ako sa katandaan bilang hukluban?"
Verse 9
قَالَ كَذَٰلِكَ قَالَ رَبُّكَ هُوَ عَلَىَّ هَيِّنٌ وَقَدْ خَلَقْتُكَ مِن قَبْلُ وَلَمْ تَكُ شَيْـًٔا
Transliteration qāla kadhālika qāla rabbuka huwa ʿalayya hayyinun waqad khalaqtuka min qablu walam taku shayan
Tagalog Nagsabi [ang anghel]: "Gayon nagsabi ang Panginoon mo: Iyon sa Akin ay madali at lumikha nga Ako sa iyo bago pa niyan, samantalang hindi ka dati isang bagay."
Verse 10
قَالَ رَبِّ ٱجْعَل لِّىٓ ءَايَةً ۚ قَالَ ءَايَتُكَ أَلَّا تُكَلِّمَ ٱلنَّاسَ ثَلَـٰثَ لَيَالٍ سَوِيًّا
Transliteration qāla rabbi ij'ʿal lī āyatan qāla āyatuka allā tukallima l-nāsa thalātha layālin sawiyyan
Tagalog Nagsabi ito: "Panginoon ko, gumawa ka para sa akin ng isang tanda." Nagsabi siya: "Ang tanda mo ay na hindi ka magsalita sa mga tao nang tatlong gabi, gayong malusog."
Verse 11
فَخَرَجَ عَلَىٰ قَوْمِهِۦ مِنَ ٱلْمِحْرَابِ فَأَوْحَىٰٓ إِلَيْهِمْ أَن سَبِّحُوا۟ بُكْرَةً وَعَشِيًّا
Transliteration fakharaja ʿalā qawmihi mina l-miḥ'rābi fa-awḥā ilayhim an sabbiḥū buk'ratan waʿashiyyan
Tagalog Kaya lumabas siya sa mga kalipi niya mula sa dasalan saka nagpahiwatig sa kanila na magluwalhati sila sa umaga at hapon.
Verse 12
يَـٰيَحْيَىٰ خُذِ ٱلْكِتَـٰبَ بِقُوَّةٍ ۖ وَءَاتَيْنَـٰهُ ٱلْحُكْمَ صَبِيًّا
Transliteration yāyaḥyā khudhi l-kitāba biquwwatin waātaynāhu l-ḥuk'ma ṣabiyyan
Tagalog [Sinabi:] "O Juan, kunin mo ang kasulatan nang may lakas." Nagbigay Kami sa kanya ng paghahatol habang isang paslit pa,
Verse 13
وَحَنَانًا مِّن لَّدُنَّا وَزَكَوٰةً ۖ وَكَانَ تَقِيًّا
Transliteration waḥanānan min ladunnā wazakatan wakāna taqiyyan
Tagalog ng pagsinta mula sa nasa Amin, at ng kadalisayan. Siya noon ay isang mapangilag magkasala,
Verse 14
وَبَرًّۢا بِوَٰلِدَيْهِ وَلَمْ يَكُن جَبَّارًا عَصِيًّا
Transliteration wabarran biwālidayhi walam yakun jabbāran ʿaṣiyyan
Tagalog isang nagpapakabuti sa mga magulang niya, at hindi naging isang mapaniil na masuwayin.
Verse 15
وَسَلَـٰمٌ عَلَيْهِ يَوْمَ وُلِدَ وَيَوْمَ يَمُوتُ وَيَوْمَ يُبْعَثُ حَيًّا
Transliteration wasalāmun ʿalayhi yawma wulida wayawma yamūtu wayawma yub'ʿathu ḥayyan
Tagalog Kapayapaan ay sumakanya sa araw na ipinanganak siya, sa araw na mamamatay siya, at sa araw na bubuhayin siyang isang buhay.
Verse 16
وَٱذْكُرْ فِى ٱلْكِتَـٰبِ مَرْيَمَ إِذِ ٱنتَبَذَتْ مِنْ أَهْلِهَا مَكَانًا شَرْقِيًّا
Transliteration wa-udh'kur fī l-kitābi maryama idhi intabadhat min ahlihā makānan sharqiyyan
Tagalog Bumanggit ka sa Aklat kay Maria noong nagpakalayu-layo siya mula sa mag-anak niya sa isang pook na silanganin.
Verse 17
فَٱتَّخَذَتْ مِن دُونِهِمْ حِجَابًا فَأَرْسَلْنَآ إِلَيْهَا رُوحَنَا فَتَمَثَّلَ لَهَا بَشَرًا سَوِيًّا
Transliteration fa-ittakhadhat min dūnihim ḥijāban fa-arsalnā ilayhā rūḥanā fatamathala lahā basharan sawiyyan
Tagalog Saka gumawa siya, mula sa pagbukod sa kanila, ng isang tabing, saka nagsugo Kami sa kanya ng espiritu Namin, saka nag-anyo ito sa kanya bilang taong lubos.
Verse 18
قَالَتْ إِنِّىٓ أَعُوذُ بِٱلرَّحْمَـٰنِ مِنكَ إِن كُنتَ تَقِيًّا
Transliteration qālat innī aʿūdhu bil-raḥmāni minka in kunta taqiyyan
Tagalog Nagsabi siya: "Tunay na ako ay nagpapakupkop sa Napakamaawain laban sa iyo; [lumayo ka,] kung ikaw ay isang mapangilag magkasala."
Verse 19
قَالَ إِنَّمَآ أَنَا۠ رَسُولُ رَبِّكِ لِأَهَبَ لَكِ غُلَـٰمًا زَكِيًّا
Transliteration qāla innamā anā rasūlu rabbiki li-ahaba laki ghulāman zakiyyan
Tagalog Nagsabi ito: "Ako ay sugo ng Panginoon mo lamang upang maghandog ako sa iyo ng isang batang lalaking dalisay."
Verse 20
قَالَتْ أَنَّىٰ يَكُونُ لِى غُلَـٰمٌ وَلَمْ يَمْسَسْنِى بَشَرٌ وَلَمْ أَكُ بَغِيًّا
Transliteration qālat annā yakūnu lī ghulāmun walam yamsasnī basharun walam aku baghiyyan
Tagalog Nagsabi siya: "Paanong magkakaroon ako ng isang batang lalaki samantalang walang sumaling sa akin na isang lalaki at hindi ako naging isang mapakiapid?"
Verse 21
قَالَ كَذَٰلِكِ قَالَ رَبُّكِ هُوَ عَلَىَّ هَيِّنٌ ۖ وَلِنَجْعَلَهُۥٓ ءَايَةً لِّلنَّاسِ وَرَحْمَةً مِّنَّا ۚ وَكَانَ أَمْرًا مَّقْضِيًّا
Transliteration qāla kadhāliki qāla rabbuki huwa ʿalayya hayyinun walinajʿalahu āyatan lilnnāsi waraḥmatan minnā wakāna amran maqḍiyyan
Tagalog Nagsabi ito: "Gayon nagsabi ang Panginoon mo: Ito sa Akin ay madali, at upang gumawa Kami sa kanya bilang tanda para sa mga tao at bilang awa mula sa Amin. Ito ay naging isang bagay na naitadhana."
Verse 22
۞ فَحَمَلَتْهُ فَٱنتَبَذَتْ بِهِۦ مَكَانًا قَصِيًّا
Transliteration faḥamalathu fa-intabadhat bihi makānan qaṣiyyan
Tagalog Kaya nagdalang-tao siya nito at nagpakalayu-layo siya kasama nito sa isang pook na liblib.
Verse 23
فَأَجَآءَهَا ٱلْمَخَاضُ إِلَىٰ جِذْعِ ٱلنَّخْلَةِ قَالَتْ يَـٰلَيْتَنِى مِتُّ قَبْلَ هَـٰذَا وَكُنتُ نَسْيًا مَّنسِيًّا
Transliteration fa-ajāahā l-makhāḍu ilā jidh'ʿi l-nakhlati qālat yālaytanī mittu qabla hādhā wakuntu nasyan mansiyyan
Tagalog Saka nagpapunta sa kanya ang sakit ng panganganak tungo sa katawan ng punong datiles. Nagsabi siya: "O sana ako ay namatay bago nito at naging isang limot na kinalimutan."
Verse 24
فَنَادَىٰهَا مِن تَحْتِهَآ أَلَّا تَحْزَنِى قَدْ جَعَلَ رَبُّكِ تَحْتَكِ سَرِيًّا
Transliteration fanādāhā min taḥtihā allā taḥzanī qad jaʿala rabbuki taḥtaki sariyyan
Tagalog Saka may nanawagan sa kanya mula sa ilalim niya: "Huwag kang malungkot; naglagay nga ang Panginoon mo sa ilalim mo ng isang batis.
Verse 25
وَهُزِّىٓ إِلَيْكِ بِجِذْعِ ٱلنَّخْلَةِ تُسَـٰقِطْ عَلَيْكِ رُطَبًا جَنِيًّا
Transliteration wahuzzī ilayki bijidh'ʿi l-nakhlati tusāqiṭ ʿalayki ruṭaban janiyyan
Tagalog Yumugyog ka patungo sa iyo sa katawan ng punong datiles, may maglalaglagan sa iyo na mga hinog na datiles na sariwa.
Verse 26
فَكُلِى وَٱشْرَبِى وَقَرِّى عَيْنًا ۖ فَإِمَّا تَرَيِنَّ مِنَ ٱلْبَشَرِ أَحَدًا فَقُولِىٓ إِنِّى نَذَرْتُ لِلرَّحْمَـٰنِ صَوْمًا فَلَنْ أُكَلِّمَ ٱلْيَوْمَ إِنسِيًّا
Transliteration fakulī wa-ish'rabī waqarrī ʿaynan fa-immā tarayinna mina l-bashari aḥadan faqūlī innī nadhartu lilrraḥmāni ṣawman falan ukallima l-yawma insiyyan
Tagalog Kaya kumain ka, uminom ka, at magalak ka. Saka kung makakikita ka nga kabilang sa mga tao ng isa man ay sabihin mo: Tunay na Ako ay namanata para sa Napakamaawain ng isang pananahimik kaya hindi ako mangungusap ngayong araw sa isang tao."
Verse 27
فَأَتَتْ بِهِۦ قَوْمَهَا تَحْمِلُهُۥ ۖ قَالُوا۟ يَـٰمَرْيَمُ لَقَدْ جِئْتِ شَيْـًٔا فَرِيًّا
Transliteration fa-atat bihi qawmahā taḥmiluhu qālū yāmaryamu laqad ji'ti shayan fariyyan
Tagalog Saka nagdala siya nito sa mga kalipi niya habang kinakarga ito. Nagsabi sila: "O Maria, talaga ngang nagdala ka ng isang bagay na mapanirang-puri!
Verse 28
يَـٰٓأُخْتَ هَـٰرُونَ مَا كَانَ أَبُوكِ ٱمْرَأَ سَوْءٍ وَمَا كَانَتْ أُمُّكِ بَغِيًّا
Transliteration yāukh'ta hārūna mā kāna abūki im'ra-a sawin wamā kānat ummuki baghiyyan
Tagalog O kapatid ni Aaron, ang ama mo ay hindi naging isang lalaki ng kasagwaan at ang ina mo ay hindi naging isang mapang-apid."
Verse 29
فَأَشَارَتْ إِلَيْهِ ۖ قَالُوا۟ كَيْفَ نُكَلِّمُ مَن كَانَ فِى ٱلْمَهْدِ صَبِيًّا
Transliteration fa-ashārat ilayhi qālū kayfa nukallimu man kāna fī l-mahdi ṣabiyyan
Tagalog Kaya tumuro siya rito. Nagsabi sila: "Papaano kaming mangungusap sa sinumang nasa lampin na isang paslit?"
Verse 30
قَالَ إِنِّى عَبْدُ ٱللَّهِ ءَاتَىٰنِىَ ٱلْكِتَـٰبَ وَجَعَلَنِى نَبِيًّا
Transliteration qāla innī ʿabdu l-lahi ātāniya l-kitāba wajaʿalanī nabiyyan
Tagalog Nagsabi ito: "Tunay na ako ay alipin ni Allāh. Nagbigay Siya sa akin ng Kasulatan at gumawa Siya sa akin bilang propeta.
Verse 31
وَجَعَلَنِى مُبَارَكًا أَيْنَ مَا كُنتُ وَأَوْصَـٰنِى بِٱلصَّلَوٰةِ وَٱلزَّكَوٰةِ مَا دُمْتُ حَيًّا
Transliteration wajaʿalanī mubārakan ayna mā kuntu wa-awṣānī bil-ṣalati wal-zakati mā dum'tu ḥayyan
Tagalog Gumawa Siya sa akin bilang pinagpala saan man ako naroon at nagsatagubilin Siya sa akin ng pagdarasal at pagkakawanggawa hanggat nananatili akong buhay.
Verse 32
وَبَرًّۢا بِوَٰلِدَتِى وَلَمْ يَجْعَلْنِى جَبَّارًا شَقِيًّا
Transliteration wabarran biwālidatī walam yajʿalnī jabbāran shaqiyyan
Tagalog [Gumawa Siya sa akin] bilang nagpapakabuti sa ina ko at hindi Siya gumawa sa akin bilang mapaniil na malumbay.
Verse 33
وَٱلسَّلَـٰمُ عَلَىَّ يَوْمَ وُلِدتُّ وَيَوْمَ أَمُوتُ وَيَوْمَ أُبْعَثُ حَيًّا
Transliteration wal-salāmu ʿalayya yawma wulidttu wayawma amūtu wayawma ub'ʿathu ḥayyan
Tagalog Ang kapayapaan ay sumaakin sa araw na ipinanganak ako, sa araw na mamamatay ako, at sa araw na bubuhayin ako bilang buhay."
Verse 34
ذَٰلِكَ عِيسَى ٱبْنُ مَرْيَمَ ۚ قَوْلَ ٱلْحَقِّ ٱلَّذِى فِيهِ يَمْتَرُونَ
Transliteration dhālika ʿīsā ub'nu maryama qawla l-ḥaqi alladhī fīhi yamtarūna
Tagalog Iyon si Jesus na anak ni Maria, bilang pagsasabi ng katotohanan na hinggil dito ay nag-aalangan sila.
Verse 35
مَا كَانَ لِلَّهِ أَن يَتَّخِذَ مِن وَلَدٍ ۖ سُبْحَـٰنَهُۥٓ ۚ إِذَا قَضَىٰٓ أَمْرًا فَإِنَّمَا يَقُولُ لَهُۥ كُن فَيَكُونُ
Transliteration mā kāna lillahi an yattakhidha min waladin sub'ḥānahu idhā qaḍā amran fa-innamā yaqūlu lahu kun fayakūnu
Tagalog Hindi nangyaring ukol kay Allāh na gumawa Siya ng anumang anak – kaluwalhatian sa Kanya! Kapag nagtadhana Siya ng isang bagay ay nagsasabi lamang Siya rito na mangyari saka mangyayari ito.
Verse 36
وَإِنَّ ٱللَّهَ رَبِّى وَرَبُّكُمْ فَٱعْبُدُوهُ ۚ هَـٰذَا صِرَٰطٌ مُّسْتَقِيمٌ
Transliteration wa-inna l-laha rabbī warabbukum fa-uʿ'budūhu hādhā ṣirāṭun mus'taqīmun
Tagalog [Nagsabi si Jesus:] "Tunay na si Allāh ay Panginoon ko at Panginoon ninyo kaya sumamba kayo sa Kanya; ito ay isang landasing tuwid."
Verse 37
فَٱخْتَلَفَ ٱلْأَحْزَابُ مِنۢ بَيْنِهِمْ ۖ فَوَيْلٌ لِّلَّذِينَ كَفَرُوا۟ مِن مَّشْهَدِ يَوْمٍ عَظِيمٍ
Transliteration fa-ikh'talafa l-aḥzābu min baynihim fawaylun lilladhīna kafarū min mashhadi yawmin ʿaẓīmin
Tagalog Ngunit nagkaiba-iba ang mga lapian sa gitna nila kaya kapighatian ay ukol sa mga tumangging sumampalataya, mula sa isang masasaksihan sa isang araw na sukdulan.
Verse 38
أَسْمِعْ بِهِمْ وَأَبْصِرْ يَوْمَ يَأْتُونَنَا ۖ لَـٰكِنِ ٱلظَّـٰلِمُونَ ٱلْيَوْمَ فِى ضَلَـٰلٍ مُّبِينٍ
Transliteration asmiʿ bihim wa-abṣir yawma yatūnanā lākini l-ẓālimūna l-yawma fī ḍalālin mubīnin
Tagalog Kay husay ng pagkarinig nila at kay husay ng pagkakita sa Araw na pupunta sila sa Amin, subalit ang mga tagalabag sa katarungan sa araw na ito ay nasa isang pagkaligaw na malinaw.
Verse 39
وَأَنذِرْهُمْ يَوْمَ ٱلْحَسْرَةِ إِذْ قُضِىَ ٱلْأَمْرُ وَهُمْ فِى غَفْلَةٍ وَهُمْ لَا يُؤْمِنُونَ
Transliteration wa-andhir'hum yawma l-ḥasrati idh quḍiya l-amru wahum fī ghaflatin wahum lā yu'minūna
Tagalog Magbabala ka sa kanila ng Araw ng Panghihinayang kapag napagpasyahan ang usapin habang sila ay nasa isang pagkalingat habang sila ay hindi sumasampalataya.
Verse 40
إِنَّا نَحْنُ نَرِثُ ٱلْأَرْضَ وَمَنْ عَلَيْهَا وَإِلَيْنَا يُرْجَعُونَ
Transliteration innā naḥnu narithu l-arḍa waman ʿalayhā wa-ilaynā yur'jaʿūna
Tagalog Tunay na Kami ay magmamana ng lupa at ng sinumang nasa ibabaw nito, at tungo sa Amin sila pababalikin.
Verse 41
وَٱذْكُرْ فِى ٱلْكِتَـٰبِ إِبْرَٰهِيمَ ۚ إِنَّهُۥ كَانَ صِدِّيقًا نَّبِيًّا
Transliteration wa-udh'kur fī l-kitābi ib'rāhīma innahu kāna ṣiddīqan nabiyyan
Tagalog Banggitin mo sa Aklat si Abraham. Tunay na siya noon ay isang napakatapat, isang propeta.
Verse 42
إِذْ قَالَ لِأَبِيهِ يَـٰٓأَبَتِ لِمَ تَعْبُدُ مَا لَا يَسْمَعُ وَلَا يُبْصِرُ وَلَا يُغْنِى عَنكَ شَيْـًٔا
Transliteration idh qāla li-abīhi yāabati lima taʿbudu mā lā yasmaʿu walā yub'ṣiru walā yugh'nī ʿanka shayan
Tagalog [Banggitin] noong nagsabi siya sa ama niya: "O ama ko, bakit ka sumasamba sa hindi nakaririnig, hindi nakakikita, at hindi nagdudulot sa iyo ng anuman?
Verse 43
يَـٰٓأَبَتِ إِنِّى قَدْ جَآءَنِى مِنَ ٱلْعِلْمِ مَا لَمْ يَأْتِكَ فَٱتَّبِعْنِىٓ أَهْدِكَ صِرَٰطًا سَوِيًّا
Transliteration yāabati innī qad jāanī mina l-ʿil'mi mā lam yatika fa-ittabiʿ'nī ahdika ṣirāṭan sawiyyan
Tagalog O ama ko, tunay na ako ay dinatnan nga ng kaalamang hindi pumunta sa iyo; kaya sumunod ka sa akin, magpapatnubay ako sa iyo sa isang landasing patag.
Verse 44
يَـٰٓأَبَتِ لَا تَعْبُدِ ٱلشَّيْطَـٰنَ ۖ إِنَّ ٱلشَّيْطَـٰنَ كَانَ لِلرَّحْمَـٰنِ عَصِيًّا
Transliteration yāabati lā taʿbudi l-shayṭāna inna l-shayṭāna kāna lilrraḥmāni ʿaṣiyyan
Tagalog O ama ko, huwag kang sumamba sa demonyo; tunay na ang demonyo laging para sa Napakamaawain ay isang masuwayin.
Verse 45
يَـٰٓأَبَتِ إِنِّىٓ أَخَافُ أَن يَمَسَّكَ عَذَابٌ مِّنَ ٱلرَّحْمَـٰنِ فَتَكُونَ لِلشَّيْطَـٰنِ وَلِيًّا
Transliteration yāabati innī akhāfu an yamassaka ʿadhābun mina l-raḥmāni fatakūna lilshayṭāni waliyyan
Tagalog O ama ko, tunay na ako ay nangangamba na salingin ka ng isang pagdurusa mula sa Napakamaawain para ikaw para sa demonyo ay maging isang katangkilik."
Verse 46
قَالَ أَرَاغِبٌ أَنتَ عَنْ ءَالِهَتِى يَـٰٓإِبْرَٰهِيمُ ۖ لَئِن لَّمْ تَنتَهِ لَأَرْجُمَنَّكَ ۖ وَٱهْجُرْنِى مَلِيًّا
Transliteration qāla arāghibun anta ʿan ālihatī yāib'rāhīmu la-in lam tantahi la-arjumannaka wa-uh'jur'nī maliyyan
Tagalog Nagsabi ito: "Tumututol ka ba sa mga diyos ko, O Abraham? Talagang kung hindi ka titigil ay talagang mambabato nga ako sa iyo, kaya umiwas ka sa akin nang matagal."
Verse 47
قَالَ سَلَـٰمٌ عَلَيْكَ ۖ سَأَسْتَغْفِرُ لَكَ رَبِّىٓ ۖ إِنَّهُۥ كَانَ بِى حَفِيًّا
Transliteration qāla salāmun ʿalayka sa-astaghfiru laka rabbī innahu kāna bī ḥafiyyan
Tagalog Nagsabi siya: "Kapayapaan ay sumaiyo! Hihingi ako ng tawad para sa iyo sa Panginoon ko. Tunay na Siya laging sa akin ay Magiliw.
Verse 48
وَأَعْتَزِلُكُمْ وَمَا تَدْعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَأَدْعُوا۟ رَبِّى عَسَىٰٓ أَلَّآ أَكُونَ بِدُعَآءِ رَبِّى شَقِيًّا
Transliteration wa-aʿtazilukum wamā tadʿūna min dūni l-lahi wa-adʿū rabbī ʿasā allā akūna biduʿāi rabbī shaqiyyan
Tagalog Hihiwalay ako sa inyo at sa anumang dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh at dadalangin ako sa Panginoon ko; marahil hindi ako, sa pagdalangin sa Panginoon ko, maging isang malumbay."
Verse 49
فَلَمَّا ٱعْتَزَلَهُمْ وَمَا يَعْبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَهَبْنَا لَهُۥٓ إِسْحَـٰقَ وَيَعْقُوبَ ۖ وَكُلًّا جَعَلْنَا نَبِيًّا
Transliteration falammā iʿ'tazalahum wamā yaʿbudūna min dūni l-lahi wahabnā lahu is'ḥāqa wayaʿqūba wakullan jaʿalnā nabiyyan
Tagalog Kaya noong humiwalay siya sa kanila at sa anumang sinasamba nila bukod pa kay Allāh ay ipinagkaloob para sa kanya sina Isaac at Jacob. Bawat isa ay ginawa Naming propeta.
Verse 50
وَوَهَبْنَا لَهُم مِّن رَّحْمَتِنَا وَجَعَلْنَا لَهُمْ لِسَانَ صِدْقٍ عَلِيًّا
Transliteration wawahabnā lahum min raḥmatinā wajaʿalnā lahum lisāna ṣid'qin ʿaliyyan
Tagalog Nagkaloob Kami para sa kanila mula sa awa Namin at gumawa Kami para sa kanila ng isang mataas na pagbanggit ng kagandahan.
Verse 51
وَٱذْكُرْ فِى ٱلْكِتَـٰبِ مُوسَىٰٓ ۚ إِنَّهُۥ كَانَ مُخْلَصًا وَكَانَ رَسُولًا نَّبِيًّا
Transliteration wa-udh'kur fī l-kitābi mūsā innahu kāna mukh'laṣan wakāna rasūlan nabiyyan
Tagalog Banggitin mo sa Aklat si Moises. Tunay na siya noon ay isang itinangi at naging isang sugong propeta.
Verse 52
وَنَـٰدَيْنَـٰهُ مِن جَانِبِ ٱلطُّورِ ٱلْأَيْمَنِ وَقَرَّبْنَـٰهُ نَجِيًّا
Transliteration wanādaynāhu min jānibi l-ṭūri l-aymani waqarrabnāhu najiyyan
Tagalog Nanawagan Kami sa kanya mula sa gilid ng bundok sa kanan [niya] at nagpalapit Kami sa kanya, na nakikipagtapatan.
Verse 53
وَوَهَبْنَا لَهُۥ مِن رَّحْمَتِنَآ أَخَاهُ هَـٰرُونَ نَبِيًّا
Transliteration wawahabnā lahu min raḥmatinā akhāhu hārūna nabiyyan
Tagalog Nagkaloob Kami sa kanya mula sa awa Namin ng kapatid niyang si Aaron bilang propeta.
Verse 54
وَٱذْكُرْ فِى ٱلْكِتَـٰبِ إِسْمَـٰعِيلَ ۚ إِنَّهُۥ كَانَ صَادِقَ ٱلْوَعْدِ وَكَانَ رَسُولًا نَّبِيًّا
Transliteration wa-udh'kur fī l-kitābi is'māʿīla innahu kāna ṣādiqa l-waʿdi wakāna rasūlan nabiyyan
Tagalog Banggitin mo sa Aklat si Ismael. Tunay na siya noon ay tapat sa pangako at naging isang sugong propeta.
Verse 55
وَكَانَ يَأْمُرُ أَهْلَهُۥ بِٱلصَّلَوٰةِ وَٱلزَّكَوٰةِ وَكَانَ عِندَ رَبِّهِۦ مَرْضِيًّا
Transliteration wakāna yamuru ahlahu bil-ṣalati wal-zakati wakāna ʿinda rabbihi marḍiyyan
Tagalog Siya noon ay nag-uutos sa mag-anak niya ng pagdarasal at pagkakawanggawa at siya noon sa ganang Panginoon niya ay isang kinalulugdan.
Verse 56
وَٱذْكُرْ فِى ٱلْكِتَـٰبِ إِدْرِيسَ ۚ إِنَّهُۥ كَانَ صِدِّيقًا نَّبِيًّا
Transliteration wa-udh'kur fī l-kitābi id'rīsa innahu kāna ṣiddīqan nabiyyan
Tagalog Banggitin mo sa Aklat si Enoc. Tunay na siya noon ay isang napakatapat, isang propeta.
Verse 57
وَرَفَعْنَـٰهُ مَكَانًا عَلِيًّا
Transliteration warafaʿnāhu makānan ʿaliyyan
Tagalog Nag-angat Kami sa kanya sa isang pook na mataas.
Verse 58
أُو۟لَـٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ أَنْعَمَ ٱللَّهُ عَلَيْهِم مِّنَ ٱلنَّبِيِّـۧنَ مِن ذُرِّيَّةِ ءَادَمَ وَمِمَّنْ حَمَلْنَا مَعَ نُوحٍ وَمِن ذُرِّيَّةِ إِبْرَٰهِيمَ وَإِسْرَٰٓءِيلَ وَمِمَّنْ هَدَيْنَا وَٱجْتَبَيْنَآ ۚ إِذَا تُتْلَىٰ عَلَيْهِمْ ءَايَـٰتُ ٱلرَّحْمَـٰنِ خَرُّوا۟ سُجَّدًا وَبُكِيًّا ۩
Transliteration ulāika alladhīna anʿama l-lahu ʿalayhim mina l-nabiyīna min dhurriyyati ādama wamimman ḥamalnā maʿa nūḥin wamin dhurriyyati ib'rāhīma wa-is'rāīla wamimman hadaynā wa-ij'tabaynā idhā tut'lā ʿalayhim āyātu l-raḥmāni kharrū sujjadan wabukiyyan
Tagalog Ang mga iyon ay ang mga nagbibiyaya si Allāh sa kanila kabilang sa mga propeta kabilang sa mga supling ni Adan, kabilang sa dinala Namin kasama kay Noe, kabilang sa mga supling ni Abraham at ni Israel, at kabilang sa sinumang pinatnubayan Namin at hinirang Namin. Kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda ng Napakamaawain ay bumabagsak sila na mga nakapatirapa, na mga umiiyak.
Verse 59
۞ فَخَلَفَ مِنۢ بَعْدِهِمْ خَلْفٌ أَضَاعُوا۟ ٱلصَّلَوٰةَ وَٱتَّبَعُوا۟ ٱلشَّهَوَٰتِ ۖ فَسَوْفَ يَلْقَوْنَ غَيًّا
Transliteration fakhalafa min baʿdihim khalfun aḍāʿū l-ṣalata wa-ittabaʿū l-shahawāti fasawfa yalqawna ghayyan
Tagalog Saka may humalili, nang matapos nila, na mga kahalili na nagwalang-bahala sa pagdarasal at sumunod sa mga nasa, kaya magkikita sila ng isang pagkalisya,
Verse 60
إِلَّا مَن تَابَ وَءَامَنَ وَعَمِلَ صَـٰلِحًا فَأُو۟لَـٰٓئِكَ يَدْخُلُونَ ٱلْجَنَّةَ وَلَا يُظْلَمُونَ شَيْـًٔا
Transliteration illā man tāba waāmana waʿamila ṣāliḥan fa-ulāika yadkhulūna l-janata walā yuẓ'lamūna shayan
Tagalog maliban sa sinumang nagbalik-loob, sumampalataya, at gumawa ng maayos sapagkat ang mga iyon ay papasok sa Paraiso at hindi sila lalabagin sa katarungan sa anuman.
Verse 61
جَنَّـٰتِ عَدْنٍ ٱلَّتِى وَعَدَ ٱلرَّحْمَـٰنُ عِبَادَهُۥ بِٱلْغَيْبِ ۚ إِنَّهُۥ كَانَ وَعْدُهُۥ مَأْتِيًّا
Transliteration jannāti ʿadnin allatī waʿada l-raḥmānu ʿibādahu bil-ghaybi innahu kāna waʿduhu matiyyan
Tagalog [Papasok sila] sa mga Hardin ng Eden na ipinangako ng Napakamaawain sa mga lingkod Niya sa Lingid. Tunay na laging ang pangako Niya ay darating.
Verse 62
لَّا يَسْمَعُونَ فِيهَا لَغْوًا إِلَّا سَلَـٰمًا ۖ وَلَهُمْ رِزْقُهُمْ فِيهَا بُكْرَةً وَعَشِيًّا
Transliteration lā yasmaʿūna fīhā laghwan illā salāman walahum riz'quhum fīhā buk'ratan waʿashiyyan
Tagalog Hindi sila makaririnig sa mga iyon ng kabalbalan maliban sa kapayapaan. Ukol sa kanila ang panustos nila sa mga iyon sa umaga at sa hapon.
Verse 63
تِلْكَ ٱلْجَنَّةُ ٱلَّتِى نُورِثُ مِنْ عِبَادِنَا مَن كَانَ تَقِيًّا
Transliteration til'ka l-janatu allatī nūrithu min ʿibādinā man kāna taqiyyan
Tagalog Iyon ay ang Paraiso na ipamamana Namin sa kabilang sa mga lingkod Namin na naging mapangilaging magkasala.
Verse 64
وَمَا نَتَنَزَّلُ إِلَّا بِأَمْرِ رَبِّكَ ۖ لَهُۥ مَا بَيْنَ أَيْدِينَا وَمَا خَلْفَنَا وَمَا بَيْنَ ذَٰلِكَ ۚ وَمَا كَانَ رَبُّكَ نَسِيًّا
Transliteration wamā natanazzalu illā bi-amri rabbika lahu mā bayna aydīnā wamā khalfanā wamā bayna dhālika wamā kāna rabbuka nasiyyan
Tagalog [Sabihin mo, O Gabriel:] "Hindi kami nagbababaan kundi ayon sa utos ng Panginoon mo. Sa Kanya ang nasa pagitan ng mga namin at ang nasa likuran namin at ang nasa pagitan niyon. Laging ang Panginoon mo ay hindi malilimutin.
Verse 65
رَّبُّ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا فَٱعْبُدْهُ وَٱصْطَبِرْ لِعِبَـٰدَتِهِۦ ۚ هَلْ تَعْلَمُ لَهُۥ سَمِيًّا
Transliteration rabbu l-samāwāti wal-arḍi wamā baynahumā fa-uʿ'bud'hu wa-iṣ'ṭabir liʿibādatihi hal taʿlamu lahu samiyyan
Tagalog Ang Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, kaya sumamba ka sa Kanya at magpakamatiisin ka para sa pagsamba sa Kanya. Nakaaalam ka kaya para sa Kanya ng isang kapangalan?"
Verse 66
وَيَقُولُ ٱلْإِنسَـٰنُ أَءِذَا مَا مِتُّ لَسَوْفَ أُخْرَجُ حَيًّا
Transliteration wayaqūlu l-insānu a-idhā mā mittu lasawfa ukh'raju ḥayyan
Tagalog Magsasabi ang tao: "Kapag namatay ba ako ay talagang ilalabas akong buhay?"
Verse 67
أَوَلَا يَذْكُرُ ٱلْإِنسَـٰنُ أَنَّا خَلَقْنَـٰهُ مِن قَبْلُ وَلَمْ يَكُ شَيْـًٔا
Transliteration awalā yadhkuru l-insānu annā khalaqnāhu min qablu walam yaku shayan
Tagalog Hindi ba nakaaalaala ang tao na Kami ay lumikha sa kanya bago pa niyan, samantalang hindi siya dati isang bagay?
Verse 68
فَوَرَبِّكَ لَنَحْشُرَنَّهُمْ وَٱلشَّيَـٰطِينَ ثُمَّ لَنُحْضِرَنَّهُمْ حَوْلَ جَهَنَّمَ جِثِيًّا
Transliteration fawarabbika lanaḥshurannahum wal-shayāṭīna thumma lanuḥ'ḍirannahum ḥawla jahannama jithiyyan
Tagalog Kaya sumpa man sa Panginoon mo, talagang kakalap nga Kami sa kanila at sa mga demonyo. Pagkatapos talagang magpapadalo nga Kami sa kanila sa paligid ng Impiyerno na nakaluhod.
Verse 69
ثُمَّ لَنَنزِعَنَّ مِن كُلِّ شِيعَةٍ أَيُّهُمْ أَشَدُّ عَلَى ٱلرَّحْمَـٰنِ عِتِيًّا
Transliteration thumma lananziʿanna min kulli shīʿatin ayyuhum ashaddu ʿalā l-raḥmāni ʿitiyyan
Tagalog Pagkatapos talagang huhugot nga Kami mula sa bawat kampihan kung alin sa kanila ang pinakamatindi laban sa Napakamaawain sa pagkapalalo.
Verse 70
ثُمَّ لَنَحْنُ أَعْلَمُ بِٱلَّذِينَ هُمْ أَوْلَىٰ بِهَا صِلِيًّا
Transliteration thumma lanaḥnu aʿlamu bi-alladhīna hum awlā bihā ṣiliyyan
Tagalog Pagkatapos talagang Kami ay higit na maalam sa mga higit na naaangkop doon sa pagsunog.
Verse 71
وَإِن مِّنكُمْ إِلَّا وَارِدُهَا ۚ كَانَ عَلَىٰ رَبِّكَ حَتْمًا مَّقْضِيًّا
Transliteration wa-in minkum illā wāriduhā kāna ʿalā rabbika ḥatman maqḍiyyan
Tagalog Walang kabilang sa inyo malibang sasapit doon. Laging ito sa Panginoon mo ay isang kapasyahang itinadhana.
Verse 72
ثُمَّ نُنَجِّى ٱلَّذِينَ ٱتَّقَوا۟ وَّنَذَرُ ٱلظَّـٰلِمِينَ فِيهَا جِثِيًّا
Transliteration thumma nunajjī alladhīna ittaqaw wanadharu l-ẓālimīna fīhā jithiyyan
Tagalog Pagkatapos magliligtas Kami sa mga nangilag magkasala at mag-iiwan Kami sa mga tagalabag sa katarungan doon na nakaluhod.
Verse 73
وَإِذَا تُتْلَىٰ عَلَيْهِمْ ءَايَـٰتُنَا بَيِّنَـٰتٍ قَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ لِلَّذِينَ ءَامَنُوٓا۟ أَىُّ ٱلْفَرِيقَيْنِ خَيْرٌ مَّقَامًا وَأَحْسَنُ نَدِيًّا
Transliteration wa-idhā tut'lā ʿalayhim āyātunā bayyinātin qāla alladhīna kafarū lilladhīna āmanū ayyu l-farīqayni khayrun maqāman wa-aḥsanu nadiyyan
Tagalog Kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda Namin bilang mga malinaw na patunay ay nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya sa mga sumampalataya: "Alin sa dalawang pangkat [natin] ang higit na mabuti sa katayuan at ang higit na maganda sa kapisanan?"
Verse 74
وَكَمْ أَهْلَكْنَا قَبْلَهُم مِّن قَرْنٍ هُمْ أَحْسَنُ أَثَـٰثًا وَرِءْيًا
Transliteration wakam ahlaknā qablahum min qarnin hum aḥsanu athāthan wari'yan
Tagalog Kay rami ng ipinahamak Namin bago nila na salinlahi na higit na maganda sa ari-arian at anyong nakikita!
Verse 75
قُلْ مَن كَانَ فِى ٱلضَّلَـٰلَةِ فَلْيَمْدُدْ لَهُ ٱلرَّحْمَـٰنُ مَدًّا ۚ حَتَّىٰٓ إِذَا رَأَوْا۟ مَا يُوعَدُونَ إِمَّا ٱلْعَذَابَ وَإِمَّا ٱلسَّاعَةَ فَسَيَعْلَمُونَ مَنْ هُوَ شَرٌّ مَّكَانًا وَأَضْعَفُ جُندًا
Transliteration qul man kāna fī l-ḍalālati falyamdud lahu l-raḥmānu maddan ḥattā idhā ra-aw mā yūʿadūna immā l-ʿadhāba wa-immā l-sāʿata fasayaʿlamūna man huwa sharrun makānan wa-aḍʿafu jundan
Tagalog Sabihin mo: "Ang sinumang nasa kaligawan ay magpapalawig para sa kanya ang Napakamaawain ng isang pagpapalawig hanggang sa kapag nakita nila ang ipinangangako sa kanila na maaaring ang pagdurusa at maaaring ang Oras [ng pagkabuhay] kaya makaaalam sila sa kung sino ang higit na masama sa kalagayan at higit na mahina sa hukbo."
Verse 76
وَيَزِيدُ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ٱهْتَدَوْا۟ هُدًى ۗ وَٱلْبَـٰقِيَـٰتُ ٱلصَّـٰلِحَـٰتُ خَيْرٌ عِندَ رَبِّكَ ثَوَابًا وَخَيْرٌ مَّرَدًّا
Transliteration wayazīdu l-lahu alladhīna ih'tadaw hudan wal-bāqiyātu l-ṣāliḥātu khayrun ʿinda rabbika thawāban wakhayrun maraddan
Tagalog Nagdaragdag si Allāh sa mga napatnubayan ng patnubay. Ang mga nananatiling maayos na gawa ay higit na mabuti sa ganang Panginoon ninyo sa gantimpala at higit na mabuti sa kauuwian.
Verse 77
أَفَرَءَيْتَ ٱلَّذِى كَفَرَ بِـَٔايَـٰتِنَا وَقَالَ لَأُوتَيَنَّ مَالًا وَوَلَدًا
Transliteration afara-ayta alladhī kafara biāyātinā waqāla laūtayanna mālan wawaladan
Tagalog Saka nakita mo ba ang tumangging sumampalataya sa mga tanda Namin? Nagsabi siya: "Talagang magbibigay nga sa akin ng yaman at anak?"
Verse 78
أَطَّلَعَ ٱلْغَيْبَ أَمِ ٱتَّخَذَ عِندَ ٱلرَّحْمَـٰنِ عَهْدًا
Transliteration aṭṭalaʿa l-ghayba ami ittakhadha ʿinda l-raḥmāni ʿahdan
Tagalog Nakabatid ba siya sa Lingid o nakagawa siya sa ganang Napakamaawain ng isang kasunduan?
Verse 79
كَلَّا ۚ سَنَكْتُبُ مَا يَقُولُ وَنَمُدُّ لَهُۥ مِنَ ٱلْعَذَابِ مَدًّا
Transliteration kallā sanaktubu mā yaqūlu wanamuddu lahu mina l-ʿadhābi maddan
Tagalog Aba'y hindi! Magsusulat Kami ng sinasabi niya at magpapalawig Kami para sa kanya ng pagdurusa sa isang pagpapalawig.
Verse 80
وَنَرِثُهُۥ مَا يَقُولُ وَيَأْتِينَا فَرْدًا
Transliteration wanarithuhu mā yaqūlu wayatīnā fardan
Tagalog Magmamana Kami sa kanya ng sinasabi niya at pupunta siya sa Amin nang bukod.
Verse 81
وَٱتَّخَذُوا۟ مِن دُونِ ٱللَّهِ ءَالِهَةً لِّيَكُونُوا۟ لَهُمْ عِزًّا
Transliteration wa-ittakhadhū min dūni l-lahi ālihatan liyakūnū lahum ʿizzan
Tagalog Gumawa sila sa bukod pa kay Allāh bilang mga diyos upang magkaroon sila ng isang dangal.
Verse 82
كَلَّا ۚ سَيَكْفُرُونَ بِعِبَادَتِهِمْ وَيَكُونُونَ عَلَيْهِمْ ضِدًّا
Transliteration kallā sayakfurūna biʿibādatihim wayakūnūna ʿalayhim ḍiddan
Tagalog Aba'y hindi! Magkakaila ang mga ito sa pagsamba nila at ang mga ito laban sa kanila ay magiging katunggali.
Verse 83
أَلَمْ تَرَ أَنَّآ أَرْسَلْنَا ٱلشَّيَـٰطِينَ عَلَى ٱلْكَـٰفِرِينَ تَؤُزُّهُمْ أَزًّا
Transliteration alam tara annā arsalnā l-shayāṭīna ʿalā l-kāfirīna ta-uzzuhum azzan
Tagalog Hindi ka ba nakakita na Kami ay nagsugo sa mga demonyo sa mga tagatangging sumampalataya, na nanunulsol sa kanila sa isang panunulsol?
Verse 84
فَلَا تَعْجَلْ عَلَيْهِمْ ۖ إِنَّمَا نَعُدُّ لَهُمْ عَدًّا
Transliteration falā taʿjal ʿalayhim innamā naʿuddu lahum ʿaddan
Tagalog Kaya huwag kang magmabilis sa kanila; nagbibilang lamang Kami para sa kanila ng isang pagbilang.
Verse 85
يَوْمَ نَحْشُرُ ٱلْمُتَّقِينَ إِلَى ٱلرَّحْمَـٰنِ وَفْدًا
Transliteration yawma naḥshuru l-mutaqīna ilā l-raḥmāni wafdan
Tagalog Sa Araw na kakalap sa mga tagapangilag magkasala patungo sa Napakamaawain sa isang delegasyon.
Verse 86
وَنَسُوقُ ٱلْمُجْرِمِينَ إِلَىٰ جَهَنَّمَ وِرْدًا
Transliteration wanasūqu l-muj'rimīna ilā jahannama wir'dan
Tagalog Maghahatid Kami sa mga salarin tungo sa Impiyerno sa isang pagkauhaw.
Verse 87
لَّا يَمْلِكُونَ ٱلشَّفَـٰعَةَ إِلَّا مَنِ ٱتَّخَذَ عِندَ ٱلرَّحْمَـٰنِ عَهْدًا
Transliteration lā yamlikūna l-shafāʿata illā mani ittakhadha ʿinda l-raḥmāni ʿahdan
Tagalog Hindi sila makapagdudulot ng Pamamagitan maliban sa sinumang gumawa sa ganang Napakamaawain ng isang kasunduan.
Verse 88
وَقَالُوا۟ ٱتَّخَذَ ٱلرَّحْمَـٰنُ وَلَدًا
Transliteration waqālū ittakhadha l-raḥmānu waladan
Tagalog Nagsabi sila: "Gumawa ang Napakamaawain ng anak."
Verse 89
لَّقَدْ جِئْتُمْ شَيْـًٔا إِدًّا
Transliteration laqad ji'tum shayan iddan
Tagalog Talaga ngang nakagawa kayo ng isang bagay na kakila-kilabot.
Verse 90
تَكَادُ ٱلسَّمَـٰوَٰتُ يَتَفَطَّرْنَ مِنْهُ وَتَنشَقُّ ٱلْأَرْضُ وَتَخِرُّ ٱلْجِبَالُ هَدًّا
Transliteration takādu l-samāwātu yatafaṭṭarna min'hu watanshaqqu l-arḍu watakhirru l-jibālu haddan
Tagalog Halos ang mga langit ay nagkakabitak-bitak dahil dito, nabibiyak ang lupa, at bumabagsak ang mga bundok nang durug-durog,
Verse 91
أَن دَعَوْا۟ لِلرَّحْمَـٰنِ وَلَدًا
Transliteration an daʿaw lilrraḥmāni waladan
Tagalog dahil nag-angkin sila para sa Napakamaawain ng anak.
Verse 92
وَمَا يَنۢبَغِى لِلرَّحْمَـٰنِ أَن يَتَّخِذَ وَلَدًا
Transliteration wamā yanbaghī lilrraḥmāni an yattakhidha waladan
Tagalog Hindi nararapat para sa Napakamaawain na gumawa ng anak.
Verse 93
إِن كُلُّ مَن فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ إِلَّآ ءَاتِى ٱلرَّحْمَـٰنِ عَبْدًا
Transliteration in kullu man fī l-samāwāti wal-arḍi illā ātī l-raḥmāni ʿabdan
Tagalog Walang [magagawa] ang bawat sinumang nasa mga langit at lupa kundi pupunta sa Napakamaawain bilang alipin.
Verse 94
لَّقَدْ أَحْصَىٰهُمْ وَعَدَّهُمْ عَدًّا
Transliteration laqad aḥṣāhum waʿaddahum ʿaddan
Tagalog Talaga ngang nag-isa-isa Siya sa kanila at bumilang Siya sa kanila sa isang pagbilang.
Verse 95
وَكُلُّهُمْ ءَاتِيهِ يَوْمَ ٱلْقِيَـٰمَةِ فَرْدًا
Transliteration wakulluhum ātīhi yawma l-qiyāmati fardan
Tagalog Lahat sila ay pupunta sa Kanya sa Araw ng Pagbangon nang bukod.
Verse 96
إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَعَمِلُوا۟ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ سَيَجْعَلُ لَهُمُ ٱلرَّحْمَـٰنُ وُدًّا
Transliteration inna alladhīna āmanū waʿamilū l-ṣāliḥāti sayajʿalu lahumu l-raḥmānu wuddan
Tagalog Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay magtatalaga para sa kanila ang Napakamaawain ng pagmamahal.
Verse 97
فَإِنَّمَا يَسَّرْنَـٰهُ بِلِسَانِكَ لِتُبَشِّرَ بِهِ ٱلْمُتَّقِينَ وَتُنذِرَ بِهِۦ قَوْمًا لُّدًّا
Transliteration fa-innamā yassarnāhu bilisānika litubashira bihi l-mutaqīna watundhira bihi qawman luddan
Tagalog Kaya nagpadali lamang Kami nito sa wika mo upang magbalita ka ng nakagagalak hinggil dito sa mga tagapangilag magkasala at magbabala ka hinggil dito sa mga taong palaban.
Verse 98
وَكَمْ أَهْلَكْنَا قَبْلَهُم مِّن قَرْنٍ هَلْ تُحِسُّ مِنْهُم مِّنْ أَحَدٍ أَوْ تَسْمَعُ لَهُمْ رِكْزًۢا
Transliteration wakam ahlaknā qablahum min qarnin hal tuḥissu min'hum min aḥadin aw tasmaʿu lahum rik'zan
Tagalog Kay rami ng ipinahamak Namin bago nila na salinlahi! Nakadarama ka kaya mula sa kanila ng isa man o nakarinig ka sa kanila ng isang tunog?
Read Surah Maryam in another language
- English (word by word)
- Albanian
- Amazigh
- Amharic
- Assamese
- Azerbaijani
- Bambara
- Bangla
- Bosnian
- Bulgarian
- Chechen
- Chinese
- Czech
- Dari
- Dhivehi
- Dutch
- Finnish
- French
- German
- Gujarati
- Hausa
- Hebrew
- Hindi
- Indonesian
- Italian
- Japanese
- Kannada
- Kazakh
- Khmer
- Kinyarwanda
- Korean
- Kurdish
- Luganda
- Malay
- Malayalam
- Maranao
- Marathi
- Nepali
- Norwegian
- Oromo
- Pashto
- Persian
- Polish
- Portuguese
- Romanian
- Russian
- Sindhi
- Sinhala
- Somali
- Spanish
- Swahili
- Swedish
- Tajik
- Tamil
- Tatar
- Telugu
- Thai
- Turkish
- Ukrainian
- Urdu
- Uyghur
- Uzbek
- Vietnamese
- Yao
- Yoruba
All 114 surahs in Tagalog: the Qur’an in Tagalog.
Tagalog translation: Dar Al-Salam Center, from Quran.com. Transliteration: Quran.com. Recitation: Mishary Alafasy, from EveryAyah.com. MyDugsi is a learning aid, not a replacement for a qualified teacher.