MyDugsiStart learning

Surah Ar-Ra'd in Tagalog: translation and audio

Surah 13 · الرعد · The Thunder · 43 verses

Surah Ar-Ra'd verse by verse: the Arabic with a recitation you can repeat, the transliteration, and the Tagalog translation by Dar Al-Salam Center. For the meaning of every word, see Surah Ar-Ra'd word by word in English.

Verse 1

الٓمٓر ۚ تِلْكَ ءَايَـٰتُ ٱلْكِتَـٰبِ ۗ وَٱلَّذِىٓ أُنزِلَ إِلَيْكَ مِن رَّبِّكَ ٱلْحَقُّ وَلَـٰكِنَّ أَكْثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يُؤْمِنُونَ

Transliteration alif-lam-meem-ra til'ka āyātu l-kitābi wa-alladhī unzila ilayka min rabbika l-ḥaqu walākinna akthara l-nāsi lā yu'minūna

Tagalog Alif. Lām. Mīm. Rā’. Ang mga ito ay ang mga talata ng Aklat. Ang pinababa sa iyo mula sa Panginoon mo ay ang katotohanan, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi sumasampalataya.

Verse 2

ٱللَّهُ ٱلَّذِى رَفَعَ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ بِغَيْرِ عَمَدٍ تَرَوْنَهَا ۖ ثُمَّ ٱسْتَوَىٰ عَلَى ٱلْعَرْشِ ۖ وَسَخَّرَ ٱلشَّمْسَ وَٱلْقَمَرَ ۖ كُلٌّ يَجْرِى لِأَجَلٍ مُّسَمًّى ۚ يُدَبِّرُ ٱلْأَمْرَ يُفَصِّلُ ٱلْـَٔايَـٰتِ لَعَلَّكُم بِلِقَآءِ رَبِّكُمْ تُوقِنُونَ

Transliteration al-lahu alladhī rafaʿa l-samāwāti bighayri ʿamadin tarawnahā thumma is'tawā ʿalā l-ʿarshi wasakhara l-shamsa wal-qamara kullun yajrī li-ajalin musamman yudabbiru l-amra yufaṣṣilu l-āyāti laʿallakum biliqāi rabbikum tūqinūna

Tagalog Si Allāh ang nag-angat ng mga langit nang walang mga haligi na nakikita ninyo. Pagkatapos lumuklok Siya sa Trono. Pinagsilbi Niya ang araw at ang buwan; bawat isa ay umiinog sa isang taning na tinukoy. Nangangasiwa Siya ng nauukol. Nagdedetalye Siya ng mga tanda nang sa gayon kayo sa pakikipagkita sa Panginoon ninyo ay nakatitiyak.

Verse 3

وَهُوَ ٱلَّذِى مَدَّ ٱلْأَرْضَ وَجَعَلَ فِيهَا رَوَٰسِىَ وَأَنْهَـٰرًا ۖ وَمِن كُلِّ ٱلثَّمَرَٰتِ جَعَلَ فِيهَا زَوْجَيْنِ ٱثْنَيْنِ ۖ يُغْشِى ٱلَّيْلَ ٱلنَّهَارَ ۚ إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَـَٔايَـٰتٍ لِّقَوْمٍ يَتَفَكَّرُونَ

Transliteration wahuwa alladhī madda l-arḍa wajaʿala fīhā rawāsiya wa-anhāran wamin kulli l-thamarāti jaʿala fīhā zawjayni ith'nayni yugh'shī al-layla l-nahāra inna fī dhālika laāyātin liqawmin yatafakkarūna

Tagalog Siya ang bumanat ng lupa at naglagay rito ng mga matatag na bundok at mga ilog. Mula sa lahat ng mga bunga ay gumawa Siya sa mga ito ng dalawang magkapares. Nagbabalot Siya ng gabi sa maghapon. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nag-iisip-isip.

Verse 4

وَفِى ٱلْأَرْضِ قِطَعٌ مُّتَجَـٰوِرَٰتٌ وَجَنَّـٰتٌ مِّنْ أَعْنَـٰبٍ وَزَرْعٌ وَنَخِيلٌ صِنْوَانٌ وَغَيْرُ صِنْوَانٍ يُسْقَىٰ بِمَآءٍ وَٰحِدٍ وَنُفَضِّلُ بَعْضَهَا عَلَىٰ بَعْضٍ فِى ٱلْأُكُلِ ۚ إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَـَٔايَـٰتٍ لِّقَوْمٍ يَعْقِلُونَ

Transliteration wafī l-arḍi qiṭaʿun mutajāwirātun wajannātun min aʿnābin wazarʿun wanakhīlun ṣin'wānun waghayru ṣin'wānin yus'qā bimāin wāḥidin wanufaḍḍilu baʿḍahā ʿalā baʿḍin fī l-ukuli inna fī dhālika laāyātin liqawmin yaʿqilūna

Tagalog Sa lupa ay may mga lote na nagkakatabihan, mga hardin ng mga ubas, pananim, at mga punong datiles na magkakumpol o hindi magkakumpol, na dinidilig ng nag-iisang tubig. Nagtangi Kami sa iba sa mga ito higit sa iba sa bunga. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nakapag-uunawa.

Verse 5

۞ وَإِن تَعْجَبْ فَعَجَبٌ قَوْلُهُمْ أَءِذَا كُنَّا تُرَٰبًا أَءِنَّا لَفِى خَلْقٍ جَدِيدٍ ۗ أُو۟لَـٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ بِرَبِّهِمْ ۖ وَأُو۟لَـٰٓئِكَ ٱلْأَغْلَـٰلُ فِىٓ أَعْنَاقِهِمْ ۖ وَأُو۟لَـٰٓئِكَ أَصْحَـٰبُ ٱلنَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَـٰلِدُونَ

Transliteration wa-in taʿjab faʿajabun qawluhum a-idhā kunnā turāban a-innā lafī khalqin jadīdin ulāika alladhīna kafarū birabbihim wa-ulāika l-aghlālu fī aʿnāqihim wa-ulāika aṣḥābu l-nāri hum fīhā khālidūna

Tagalog Kung magtataka ka ay kataka-taka ang sabi nila: "Kapag kami ba ay naging alabok, tunay na kami ba ay talagang nasa isang pagkakalikhang bago?" Ang mga iyon ay ang mga tumangging sumampalataya sa Panginoon nila. Ang mga iyon ay ang [lalagyan ng] mga kulyar sa mga leeg nila. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy. Sila ay doon mga mananatili.

Verse 6

وَيَسْتَعْجِلُونَكَ بِٱلسَّيِّئَةِ قَبْلَ ٱلْحَسَنَةِ وَقَدْ خَلَتْ مِن قَبْلِهِمُ ٱلْمَثُلَـٰتُ ۗ وَإِنَّ رَبَّكَ لَذُو مَغْفِرَةٍ لِّلنَّاسِ عَلَىٰ ظُلْمِهِمْ ۖ وَإِنَّ رَبَّكَ لَشَدِيدُ ٱلْعِقَابِ

Transliteration wayastaʿjilūnaka bil-sayi-ati qabla l-ḥasanati waqad khalat min qablihimu l-mathulātu wa-inna rabbaka ladhū maghfiratin lilnnāsi ʿalā ẓul'mihim wa-inna rabbaka lashadīdu l-ʿiqābi

Tagalog Nagmamadali sila sa iyo ng masagwa bago ng maganda samantalang lumipas na bago pa nila ang mga tulad na parusa. Tunay na ang Panginoon mo ay talagang may kapatawaran para sa mga tao sa kabila ng paglabag nila sa katarungan. Tunay ang Panginoon mo ay talagang matindi ang parusa.

Verse 7

وَيَقُولُ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ لَوْلَآ أُنزِلَ عَلَيْهِ ءَايَةٌ مِّن رَّبِّهِۦٓ ۗ إِنَّمَآ أَنتَ مُنذِرٌ ۖ وَلِكُلِّ قَوْمٍ هَادٍ

Transliteration wayaqūlu alladhīna kafarū lawlā unzila ʿalayhi āyatun min rabbihi innamā anta mundhirun walikulli qawmin hādin

Tagalog Nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya: "Bakit kasi walang pinababa sa kanya na isang tanda mula sa Panginoon niya?" Ikaw ay isang tagapagbabala lamang. Para sa bawat [pangkat ng] mga tao ay may tagapagpatnubay.

Verse 8

ٱللَّهُ يَعْلَمُ مَا تَحْمِلُ كُلُّ أُنثَىٰ وَمَا تَغِيضُ ٱلْأَرْحَامُ وَمَا تَزْدَادُ ۖ وَكُلُّ شَىْءٍ عِندَهُۥ بِمِقْدَارٍ

Transliteration al-lahu yaʿlamu mā taḥmilu kullu unthā wamā taghīḍu l-arḥāmu wamā tazdādu wakullu shayin ʿindahu bimiq'dārin

Tagalog Si Allāh ay nakaaalam sa anumang dinadala ng bawat babae [sa sinapupunan], anumang kinakapos ang mga sinapupunan, at anumang lumalabis ang mga ito. Bawat bagay sa ganang Kanya ay ayon sa sukat,

Verse 9

عَـٰلِمُ ٱلْغَيْبِ وَٱلشَّهَـٰدَةِ ٱلْكَبِيرُ ٱلْمُتَعَالِ

Transliteration ʿālimu l-ghaybi wal-shahādati l-kabīru l-mutaʿāli

Tagalog ang Nakaaalam sa Lingid at Hayag, ang Malaki, ang Pagkataas-taas.

Verse 10

سَوَآءٌ مِّنكُم مَّنْ أَسَرَّ ٱلْقَوْلَ وَمَن جَهَرَ بِهِۦ وَمَنْ هُوَ مُسْتَخْفٍۭ بِٱلَّيْلِ وَسَارِبٌۢ بِٱلنَّهَارِ

Transliteration sawāon minkum man asarra l-qawla waman jahara bihi waman huwa mus'takhfin bi-al-layli wasāribun bil-nahāri

Tagalog Pantay [sa Kanya] hinggil sa inyo ang sinumang naglihim ng sinabi at ang sinumang naghayag nito, at ang sinumang siyang tagapagpakubli sa gabi at tagapaglantad sa maghapon.

Verse 11

لَهُۥ مُعَقِّبَـٰتٌ مِّنۢ بَيْنِ يَدَيْهِ وَمِنْ خَلْفِهِۦ يَحْفَظُونَهُۥ مِنْ أَمْرِ ٱللَّهِ ۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُغَيِّرُ مَا بِقَوْمٍ حَتَّىٰ يُغَيِّرُوا۟ مَا بِأَنفُسِهِمْ ۗ وَإِذَآ أَرَادَ ٱللَّهُ بِقَوْمٍ سُوٓءًا فَلَا مَرَدَّ لَهُۥ ۚ وَمَا لَهُم مِّن دُونِهِۦ مِن وَالٍ

Transliteration lahu muʿaqqibātun min bayni yadayhi wamin khalfihi yaḥfaẓūnahu min amri l-lahi inna l-laha lā yughayyiru mā biqawmin ḥattā yughayyirū mā bi-anfusihim wa-idhā arāda l-lahu biqawmin sūan falā maradda lahu wamā lahum min dūnihi min wālin

Tagalog Para sa kanya ay may mga [anghel na] nagkakasunud-sunod sa harapan niya at sa likuran niya, na nangangalaga sa kanya ayon sa utos ni Allāh. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapaiba sa anumang nasa mga tao hanggang sa magpaiba sila sa nasa mga sarili nila. Kapag nagnais si Allāh sa mga tao ng isang kasagwaan ay walang pagpipigil doon. Walang ukol sa kanila bukod pa sa Kanya na anumang tagatangkilik.

Verse 12

هُوَ ٱلَّذِى يُرِيكُمُ ٱلْبَرْقَ خَوْفًا وَطَمَعًا وَيُنشِئُ ٱلسَّحَابَ ٱلثِّقَالَ

Transliteration huwa alladhī yurīkumu l-barqa khawfan waṭamaʿan wayunshi-u l-saḥāba l-thiqāla

Tagalog Siya ang nagpapakita sa inyo ng kidlat para mangamba at sa maghangad, at nagpapairal sa mga ulap na mabibigat.

Verse 13

وَيُسَبِّحُ ٱلرَّعْدُ بِحَمْدِهِۦ وَٱلْمَلَـٰٓئِكَةُ مِنْ خِيفَتِهِۦ وَيُرْسِلُ ٱلصَّوَٰعِقَ فَيُصِيبُ بِهَا مَن يَشَآءُ وَهُمْ يُجَـٰدِلُونَ فِى ٱللَّهِ وَهُوَ شَدِيدُ ٱلْمِحَالِ

Transliteration wayusabbiḥu l-raʿdu biḥamdihi wal-malāikatu min khīfatihi wayur'silu l-ṣawāʿiqa fayuṣību bihā man yashāu wahum yujādilūna fī l-lahi wahuwa shadīdu l-miḥāli

Tagalog Nagluluwalhati ang kulog kalakip ng pagpupuri sa Kanya at ang mga anghel dahil sa pangagamba sa Kanya. Nagpapadala Siya ng mga lintik saka nagpapatama Siya ng mga ito sa sinumang niloloob Niya habang sila ay nakikipagtalo hinggil kay Allāh gayong Siya ay matindi ang kapangyarihan.

Verse 14

لَهُۥ دَعْوَةُ ٱلْحَقِّ ۖ وَٱلَّذِينَ يَدْعُونَ مِن دُونِهِۦ لَا يَسْتَجِيبُونَ لَهُم بِشَىْءٍ إِلَّا كَبَـٰسِطِ كَفَّيْهِ إِلَى ٱلْمَآءِ لِيَبْلُغَ فَاهُ وَمَا هُوَ بِبَـٰلِغِهِۦ ۚ وَمَا دُعَآءُ ٱلْكَـٰفِرِينَ إِلَّا فِى ضَلَـٰلٍ

Transliteration lahu daʿwatu l-ḥaqi wa-alladhīna yadʿūna min dūnihi lā yastajībūna lahum bishayin illā kabāsiṭi kaffayhi ilā l-māi liyablugha fāhu wamā huwa bibālighihi wamā duʿāu l-kāfirīna illā fī ḍalālin

Tagalog Ukol sa Kanya ang panalangin ng katotohanan samantalang ang mga dinadalanginan nila bukod pa sa Kanya ay hindi tumutugon sa kanila sa anuman kundi gaya ng nag-aabot ng mga palad niya sa tubig upang umabot ito sa bibig niya gayong ito ay hindi aabot doon. Walang iba ang panalangin ng mga tagatangging sumampalataya kundi nasa isang pagkaligaw.

Verse 15

وَلِلَّهِ يَسْجُدُ مَن فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ طَوْعًا وَكَرْهًا وَظِلَـٰلُهُم بِٱلْغُدُوِّ وَٱلْـَٔاصَالِ ۩

Transliteration walillahi yasjudu man fī l-samāwāti wal-arḍi ṭawʿan wakarhan waẓilāluhum bil-ghuduwi wal-āṣāli

Tagalog Kay Allāh nagpapatirapa ang mga nasa mga langit at lupa nang kusang loob at labag sa loob at ang mga anino nila sa mga umaga at mga hapon.

Verse 16

قُلْ مَن رَّبُّ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ قُلِ ٱللَّهُ ۚ قُلْ أَفَٱتَّخَذْتُم مِّن دُونِهِۦٓ أَوْلِيَآءَ لَا يَمْلِكُونَ لِأَنفُسِهِمْ نَفْعًا وَلَا ضَرًّا ۚ قُلْ هَلْ يَسْتَوِى ٱلْأَعْمَىٰ وَٱلْبَصِيرُ أَمْ هَلْ تَسْتَوِى ٱلظُّلُمَـٰتُ وَٱلنُّورُ ۗ أَمْ جَعَلُوا۟ لِلَّهِ شُرَكَآءَ خَلَقُوا۟ كَخَلْقِهِۦ فَتَشَـٰبَهَ ٱلْخَلْقُ عَلَيْهِمْ ۚ قُلِ ٱللَّهُ خَـٰلِقُ كُلِّ شَىْءٍ وَهُوَ ٱلْوَٰحِدُ ٱلْقَهَّـٰرُ

Transliteration qul man rabbu l-samāwāti wal-arḍi quli l-lahu qul afa-ittakhadhtum min dūnihi awliyāa lā yamlikūna li-anfusihim nafʿan walā ḍarran qul hal yastawī l-aʿmā wal-baṣīru am hal tastawī l-ẓulumātu wal-nūru am jaʿalū lillahi shurakāa khalaqū kakhalqihi fatashābaha l-khalqu ʿalayhim quli l-lahu khāliqu kulli shayin wahuwa l-wāḥidu l-qahāru

Tagalog Sabihin mo: "Sino ang Panginoon ng mga langit at lupa?" Sabihin mo: "Si Allāh." Sabihin mo: "Kaya gumawa ba kayo bukod pa sa Kanya ng mga katangkilik na hindi nakapagdudulot para sa mga sarili nila ng pakinabang ni pinsala?" Sabihin mo: "Nagkakapantay kaya ang bulag at ang nakakikita? O nagkakapantay kaya ang mga kadiliman at ang liwanag? O gumawa ba sila para kay Allāh ng mga katambal na lumikha gaya ng paglikha Niya kaya nagkawangisan ang pagkakalikha para sa kanila?" Sabihin mo: "Si Allāh ay Tagalikha ng bawat bagay at Siya ay ang Nag-iisa, ang Palalupig."

Verse 17

أَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءً فَسَالَتْ أَوْدِيَةٌۢ بِقَدَرِهَا فَٱحْتَمَلَ ٱلسَّيْلُ زَبَدًا رَّابِيًا ۚ وَمِمَّا يُوقِدُونَ عَلَيْهِ فِى ٱلنَّارِ ٱبْتِغَآءَ حِلْيَةٍ أَوْ مَتَـٰعٍ زَبَدٌ مِّثْلُهُۥ ۚ كَذَٰلِكَ يَضْرِبُ ٱللَّهُ ٱلْحَقَّ وَٱلْبَـٰطِلَ ۚ فَأَمَّا ٱلزَّبَدُ فَيَذْهَبُ جُفَآءً ۖ وَأَمَّا مَا يَنفَعُ ٱلنَّاسَ فَيَمْكُثُ فِى ٱلْأَرْضِ ۚ كَذَٰلِكَ يَضْرِبُ ٱللَّهُ ٱلْأَمْثَالَ

Transliteration anzala mina l-samāi māan fasālat awdiyatun biqadarihā fa-iḥ'tamala l-saylu zabadan rābiyan wamimmā yūqidūna ʿalayhi fī l-nāri ib'tighāa ḥil'yatin aw matāʿin zabadun mith'luhu kadhālika yaḍribu l-lahu l-ḥaqa wal-bāṭila fa-ammā l-zabadu fayadhhabu jufāan wa-ammā mā yanfaʿu l-nāsa fayamkuthu fī l-arḍi kadhālika yaḍribu l-lahu l-amthāla

Tagalog Nagpababa Siya mula sa langit ng tubig kaya umagos ang mga lambak ayon sukat ng mga ito saka nagdala ang agos ng bulang pumapaibabaw. Mula sa bagay na nagpapaningas sila rito sa apoy dala ng paghahangad sa mga hiyas at kagamitan ay may bulang tulad niyon. Gayon naglalahad si Allāh ng katotohanan at kabulaanan. Kaya hinggil sa bula, naglalaho ito bilang patapon; at hinggil naman sa nagpapakinabang sa mga tao, nananatili ito sa lupa. Gayon naglalahad si Allāh ng mga paghahalintulad.

Verse 18

لِلَّذِينَ ٱسْتَجَابُوا۟ لِرَبِّهِمُ ٱلْحُسْنَىٰ ۚ وَٱلَّذِينَ لَمْ يَسْتَجِيبُوا۟ لَهُۥ لَوْ أَنَّ لَهُم مَّا فِى ٱلْأَرْضِ جَمِيعًا وَمِثْلَهُۥ مَعَهُۥ لَٱفْتَدَوْا۟ بِهِۦٓ ۚ أُو۟لَـٰٓئِكَ لَهُمْ سُوٓءُ ٱلْحِسَابِ وَمَأْوَىٰهُمْ جَهَنَّمُ ۖ وَبِئْسَ ٱلْمِهَادُ

Transliteration lilladhīna is'tajābū lirabbihimu l-ḥus'nā wa-alladhīna lam yastajībū lahu law anna lahum mā fī l-arḍi jamīʿan wamith'lahu maʿahu la-if'tadaw bihi ulāika lahum sūu l-ḥisābi wamawāhum jahannamu wabi'sa l-mihādu

Tagalog Ukol sa mga tumugon sa Panginoon nila ang pinakamaganda. Ang mga hindi tumugon sa Kanya, kahit pa man taglay nila ang anumang nasa lupa sa kalahatan at tulad niyon kasama roon ay talagang ipantutubos nila ito. Ang mga iyon ay ukol sa kanila ang kasagwaan ng pagtutuos. Ang kanlungan nila ay ang Impiyerno. Kay saklap ang himlayan!

Verse 19

۞ أَفَمَن يَعْلَمُ أَنَّمَآ أُنزِلَ إِلَيْكَ مِن رَّبِّكَ ٱلْحَقُّ كَمَنْ هُوَ أَعْمَىٰٓ ۚ إِنَّمَا يَتَذَكَّرُ أُو۟لُوا۟ ٱلْأَلْبَـٰبِ

Transliteration afaman yaʿlamu annamā unzila ilayka min rabbika l-ḥaqu kaman huwa aʿmā innamā yatadhakkaru ulū l-albābi

Tagalog Kaya ba ang sinumang nakaaalam na ang pinababa sa iyo mula sa Panginoon mo ay ang katotohanan ay gaya ng sinumang siya ay isang bulag? Nagsasaalaala lamang ang mga may isip,

Verse 20

ٱلَّذِينَ يُوفُونَ بِعَهْدِ ٱللَّهِ وَلَا يَنقُضُونَ ٱلْمِيثَـٰقَ

Transliteration alladhīna yūfūna biʿahdi l-lahi walā yanquḍūna l-mīthāqa

Tagalog na mga nagpapatupad sa kasunduan kay Allāh at hindi kumakalas sa tipan,

Verse 21

وَٱلَّذِينَ يَصِلُونَ مَآ أَمَرَ ٱللَّهُ بِهِۦٓ أَن يُوصَلَ وَيَخْشَوْنَ رَبَّهُمْ وَيَخَافُونَ سُوٓءَ ٱلْحِسَابِ

Transliteration wa-alladhīna yaṣilūna mā amara l-lahu bihi an yūṣala wayakhshawna rabbahum wayakhāfūna sūa l-ḥisābi

Tagalog at mga nag-uugnay sa ipinag-utos ni Allāh na iugnay, natatakot sa Panginoon nila, at nangangamba sa kasagwaan ng pagtutuos.

Verse 22

وَٱلَّذِينَ صَبَرُوا۟ ٱبْتِغَآءَ وَجْهِ رَبِّهِمْ وَأَقَامُوا۟ ٱلصَّلَوٰةَ وَأَنفَقُوا۟ مِمَّا رَزَقْنَـٰهُمْ سِرًّا وَعَلَانِيَةً وَيَدْرَءُونَ بِٱلْحَسَنَةِ ٱلسَّيِّئَةَ أُو۟لَـٰٓئِكَ لَهُمْ عُقْبَى ٱلدَّارِ

Transliteration wa-alladhīna ṣabarū ib'tighāa wajhi rabbihim wa-aqāmū l-ṣalata wa-anfaqū mimmā razaqnāhum sirran waʿalāniyatan wayadraūna bil-ḥasanati l-sayi-ata ulāika lahum ʿuq'bā l-dāri

Tagalog Ang mga nagtiis sa paghahangad [ng ikasisiya] ng mukha ng Panginoon nila, nagpanatili ng pagdarasal, gumugol mula sa itinustos Namin sa kanila nang lihim at hayagan, at pumipigil sa pamamagitan ng magandang gawa sa masagwang gawa, ang mga iyon ay ukol sa kanila ang [magandang] pinakakahihinatnan sa tahanan:

Verse 23

جَنَّـٰتُ عَدْنٍ يَدْخُلُونَهَا وَمَن صَلَحَ مِنْ ءَابَآئِهِمْ وَأَزْوَٰجِهِمْ وَذُرِّيَّـٰتِهِمْ ۖ وَٱلْمَلَـٰٓئِكَةُ يَدْخُلُونَ عَلَيْهِم مِّن كُلِّ بَابٍ

Transliteration jannātu ʿadnin yadkhulūnahā waman ṣalaḥa min ābāihim wa-azwājihim wadhurriyyātihim wal-malāikatu yadkhulūna ʿalayhim min kulli bābin

Tagalog ang mga Hardin ng Eden na papapasukin nila at ng sinumang umayos kabilang sa mga ninuno nila, mga asawa nila, at mga supling nila. Ang mga anghel ay papasok sa kanila sa bawat pinto, [na bumabati]:

Verse 24

سَلَـٰمٌ عَلَيْكُم بِمَا صَبَرْتُمْ ۚ فَنِعْمَ عُقْبَى ٱلدَّارِ

Transliteration salāmun ʿalaykum bimā ṣabartum faniʿ'ma ʿuq'bā l-dāri

Tagalog "Kapayapaan ay sumainyo dahil nagtiis kayo sapagkat kay inam ang [magandang] pinakakahihinatnan sa tahanan!"

Verse 25

وَٱلَّذِينَ يَنقُضُونَ عَهْدَ ٱللَّهِ مِنۢ بَعْدِ مِيثَـٰقِهِۦ وَيَقْطَعُونَ مَآ أَمَرَ ٱللَّهُ بِهِۦٓ أَن يُوصَلَ وَيُفْسِدُونَ فِى ٱلْأَرْضِ ۙ أُو۟لَـٰٓئِكَ لَهُمُ ٱللَّعْنَةُ وَلَهُمْ سُوٓءُ ٱلدَّارِ

Transliteration wa-alladhīna yanquḍūna ʿahda l-lahi min baʿdi mīthāqihi wayaqṭaʿūna mā amara l-lahu bihi an yūṣala wayuf'sidūna fī l-arḍi ulāika lahumu l-laʿnatu walahum sūu l-dāri

Tagalog Ang mga kumakalas sa kasunduan kay Allāh nang matapos ng pagtitibay nito, pumuputol sa ipinag-utos ni Allāh na iugnay, at nagtitiwali sa lupa, ang mga iyon ay ukol sa kanila ang sumpa at ukol sa kanila ang kasagwaan ng tahanan.

Verse 26

ٱللَّهُ يَبْسُطُ ٱلرِّزْقَ لِمَن يَشَآءُ وَيَقْدِرُ ۚ وَفَرِحُوا۟ بِٱلْحَيَوٰةِ ٱلدُّنْيَا وَمَا ٱلْحَيَوٰةُ ٱلدُّنْيَا فِى ٱلْـَٔاخِرَةِ إِلَّا مَتَـٰعٌ

Transliteration al-lahu yabsuṭu l-riz'qa liman yashāu wayaqdiru wafariḥū bil-ḥayati l-dun'yā wamā l-ḥayatu l-dun'yā fī l-ākhirati illā matāʿun

Tagalog Si Allāh ay nagpapaluwag ng panustos para sa sinumang niloloob Niya at naghihigpit. Natuwa sila sa buhay Mundo gayong walang iba ang buhay na pangmundo [sa paghahambing] sa Kabilang-buhay kundi isang [kaunting] natatamasa.

Verse 27

وَيَقُولُ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ لَوْلَآ أُنزِلَ عَلَيْهِ ءَايَةٌ مِّن رَّبِّهِۦ ۗ قُلْ إِنَّ ٱللَّهَ يُضِلُّ مَن يَشَآءُ وَيَهْدِىٓ إِلَيْهِ مَنْ أَنَابَ

Transliteration wayaqūlu alladhīna kafarū lawlā unzila ʿalayhi āyatun min rabbihi qul inna l-laha yuḍillu man yashāu wayahdī ilayhi man anāba

Tagalog Nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya: "Bakit kasi walang pinababa sa kanya na isang tanda mula sa Panginoon niya?" Sabihin mo: "Tunay na si Allāh ay nagliligaw sa sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay tungo sa Kanya sa sinumang nagsisising nanumbalik,

Verse 28

ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَتَطْمَئِنُّ قُلُوبُهُم بِذِكْرِ ٱللَّهِ ۗ أَلَا بِذِكْرِ ٱللَّهِ تَطْمَئِنُّ ٱلْقُلُوبُ

Transliteration alladhīna āmanū wataṭma-innu qulūbuhum bidhik'ri l-lahi alā bidhik'ri l-lahi taṭma-innu l-qulūbu

Tagalog na mga sumampalataya at napapanatag ang mga puso nila sa pag-aalaala kay Allāh. Pansinin, sa pag-aalaala kay Allāh napapanatag ang mga puso."

Verse 29

ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَعَمِلُوا۟ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ طُوبَىٰ لَهُمْ وَحُسْنُ مَـَٔابٍ

Transliteration alladhīna āmanū waʿamilū l-ṣāliḥāti ṭūbā lahum waḥus'nu maābin

Tagalog Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, kagalakan ay ukol sa kanila at isang kagandahan ng kauuwian.

Verse 30

كَذَٰلِكَ أَرْسَلْنَـٰكَ فِىٓ أُمَّةٍ قَدْ خَلَتْ مِن قَبْلِهَآ أُمَمٌ لِّتَتْلُوَا۟ عَلَيْهِمُ ٱلَّذِىٓ أَوْحَيْنَآ إِلَيْكَ وَهُمْ يَكْفُرُونَ بِٱلرَّحْمَـٰنِ ۚ قُلْ هُوَ رَبِّى لَآ إِلَـٰهَ إِلَّا هُوَ عَلَيْهِ تَوَكَّلْتُ وَإِلَيْهِ مَتَابِ

Transliteration kadhālika arsalnāka fī ummatin qad khalat min qablihā umamun litatluwā ʿalayhimu alladhī awḥaynā ilayka wahum yakfurūna bil-raḥmāni qul huwa rabbī lā ilāha illā huwa ʿalayhi tawakkaltu wa-ilayhi matābi

Tagalog Gayon Kami nagsugo sa iyo sa isang kalipunang may nagdaan na bago pa nito na mga kalipunan upang bumigkas ka sa kanila ng ikinasi Namin sa iyo habang sila ay tumatangging sumampalataya sa Napakamaawain. Sabihin mo: "Siya ay ang Panginoon ko; walang Diyos kundi Siya. Sa Kanya ako nanalig at sa Kanya ang pagbabalik-loob ko."

Verse 31

وَلَوْ أَنَّ قُرْءَانًا سُيِّرَتْ بِهِ ٱلْجِبَالُ أَوْ قُطِّعَتْ بِهِ ٱلْأَرْضُ أَوْ كُلِّمَ بِهِ ٱلْمَوْتَىٰ ۗ بَل لِّلَّهِ ٱلْأَمْرُ جَمِيعًا ۗ أَفَلَمْ يَا۟يْـَٔسِ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓا۟ أَن لَّوْ يَشَآءُ ٱللَّهُ لَهَدَى ٱلنَّاسَ جَمِيعًا ۗ وَلَا يَزَالُ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ تُصِيبُهُم بِمَا صَنَعُوا۟ قَارِعَةٌ أَوْ تَحُلُّ قَرِيبًا مِّن دَارِهِمْ حَتَّىٰ يَأْتِىَ وَعْدُ ٱللَّهِ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُخْلِفُ ٱلْمِيعَادَ

Transliteration walaw anna qur'ānan suyyirat bihi l-jibālu aw quṭṭiʿat bihi l-arḍu aw kullima bihi l-mawtā bal lillahi l-amru jamīʿan afalam yāy'asi alladhīna āmanū an law yashāu l-lahu lahadā l-nāsa jamīʿan walā yazālu alladhīna kafarū tuṣībuhum bimā ṣanaʿū qāriʿatun aw taḥullu qarīban min dārihim ḥattā yatiya waʿdu l-lahi inna l-laha lā yukh'lifu l-mīʿāda

Tagalog Kung sakaling may isang qur’ān na iniusad sa pamamagitan nito ang mga bundok o pinagputul-putol sa pamamagitan nito ang lupa o pinagsalita sa pamamagitan nito ang mga patay, [ito na iyon]. Bagkus sa kay Allāh ang pag-uutos sa kalahatan. Hindi ba nakatanto ang mga sumampalataya na kung sakaling niloloob ni Allāh ay talaga sanang nagpatnubay Siya sa mga tao sa kalahatan? Hindi natitigil ang mga tumangging sumampalataya na may tumatama sa kanila dahil sa pinaggagawa nila na isang dagok o dadapo ito nang malapit mula sa tahanan nila hanggang sa dumating ang pangako ni Allāh. Tunay na si Allāh ay hindi sumisira sa pangako.

Verse 32

وَلَقَدِ ٱسْتُهْزِئَ بِرُسُلٍ مِّن قَبْلِكَ فَأَمْلَيْتُ لِلَّذِينَ كَفَرُوا۟ ثُمَّ أَخَذْتُهُمْ ۖ فَكَيْفَ كَانَ عِقَابِ

Transliteration walaqadi us'tuh'zi-a birusulin min qablika fa-amlaytu lilladhīna kafarū thumma akhadhtuhum fakayfa kāna ʿiqābi

Tagalog Talaga ngang nangutya sa mga sugo bago mo pa ngunit nagpalugit Ako sa mga tumangging sumampalataya. Pagkatapos dumaklot Ako sa kanila, kaya papaano naging ang parusa Ko?

Verse 33

أَفَمَنْ هُوَ قَآئِمٌ عَلَىٰ كُلِّ نَفْسٍۭ بِمَا كَسَبَتْ ۗ وَجَعَلُوا۟ لِلَّهِ شُرَكَآءَ قُلْ سَمُّوهُمْ ۚ أَمْ تُنَبِّـُٔونَهُۥ بِمَا لَا يَعْلَمُ فِى ٱلْأَرْضِ أَم بِظَـٰهِرٍ مِّنَ ٱلْقَوْلِ ۗ بَلْ زُيِّنَ لِلَّذِينَ كَفَرُوا۟ مَكْرُهُمْ وَصُدُّوا۟ عَنِ ٱلسَّبِيلِ ۗ وَمَن يُضْلِلِ ٱللَّهُ فَمَا لَهُۥ مِنْ هَادٍ

Transliteration afaman huwa qāimun ʿalā kulli nafsin bimā kasabat wajaʿalū lillahi shurakāa qul sammūhum am tunabbiūnahu bimā lā yaʿlamu fī l-arḍi am biẓāhirin mina l-qawli bal zuyyina lilladhīna kafarū makruhum waṣuddū ʿani l-sabīli waman yuḍ'lili l-lahu famā lahu min hādin

Tagalog Kaya ba ang sinumang siya ay isang tagapagpanatili sa bawat kaluluwa, [na nakaaalam] sa anumang nakamit nito [ay gaya ng iba]? Gumawa sila para kay Allāh ng mga katambal. Sabihin mo: "Pangalanan ninyo sila. O nagbabalita ba kayo sa Kanya hinggil sa hindi Niya nalalaman sa lupa o hinggil sa isang hayag mula sa sinabi?" Bagkus ipinaakit para sa mga tumangging sumampalataya ang panlalansi nila at sinagabalan sila palayo sa landas. Ang sinumang ililigaw ni Allāh ay walang ukol sa kanya na anumang tagapagpatnubay.

Verse 34

لَّهُمْ عَذَابٌ فِى ٱلْحَيَوٰةِ ٱلدُّنْيَا ۖ وَلَعَذَابُ ٱلْـَٔاخِرَةِ أَشَقُّ ۖ وَمَا لَهُم مِّنَ ٱللَّهِ مِن وَاقٍ

Transliteration lahum ʿadhābun fī l-ḥayati l-dun'yā walaʿadhābu l-ākhirati ashaqqu wamā lahum mina l-lahi min wāqin

Tagalog Ukol sa kanila ay isang pagdurusa sa buhay na pangmundo at talagang ang pagdurusa sa Kabilang-buhay ay higit na mahirap. Walang ukol sa kanila laban kay Allāh na anumang tagasangga.

Verse 35

۞ مَّثَلُ ٱلْجَنَّةِ ٱلَّتِى وُعِدَ ٱلْمُتَّقُونَ ۖ تَجْرِى مِن تَحْتِهَا ٱلْأَنْهَـٰرُ ۖ أُكُلُهَا دَآئِمٌ وَظِلُّهَا ۚ تِلْكَ عُقْبَى ٱلَّذِينَ ٱتَّقَوا۟ ۖ وَّعُقْبَى ٱلْكَـٰفِرِينَ ٱلنَّارُ

Transliteration mathalu l-janati allatī wuʿida l-mutaqūna tajrī min taḥtihā l-anhāru ukuluhā dāimun waẓilluhā til'ka ʿuq'bā alladhīna ittaqaw waʿuq'bā l-kāfirīna l-nāru

Tagalog Ang paglalarawan sa Paraiso na ipinangako sa mga tagapangilag magkasala ay dumadaloy mula sa ilalim nito ang mga ilog at ang mga bunga nito ay namamalagi at ang lilim nito. Iyon ay ang pinakakahihinatnan ng mga tagapangilag magkasala, at ang pinakakahihinatnan ng mga tagatangging sumampalataya ay ang Apoy.

Verse 36

وَٱلَّذِينَ ءَاتَيْنَـٰهُمُ ٱلْكِتَـٰبَ يَفْرَحُونَ بِمَآ أُنزِلَ إِلَيْكَ ۖ وَمِنَ ٱلْأَحْزَابِ مَن يُنكِرُ بَعْضَهُۥ ۚ قُلْ إِنَّمَآ أُمِرْتُ أَنْ أَعْبُدَ ٱللَّهَ وَلَآ أُشْرِكَ بِهِۦٓ ۚ إِلَيْهِ أَدْعُوا۟ وَإِلَيْهِ مَـَٔابِ

Transliteration wa-alladhīna ātaynāhumu l-kitāba yafraḥūna bimā unzila ilayka wamina l-aḥzābi man yunkiru baʿḍahu qul innamā umir'tu an aʿbuda l-laha walā ush'rika bihi ilayhi adʿū wa-ilayhi maābi

Tagalog Ang mga binigyan Namin ng Kasulatan ay natutuwa sa pinababa sa iyo, ngunit mayroon sa mga lapian na nagkakaila sa bahagi nito. Sabihin mo: "Inutusan lamang ako na sumamba kay Allāh at hindi magtambal sa Kanya. Sa Kanya ako dumadalangin at tungo sa Kanya ang uwian ko."

Verse 37

وَكَذَٰلِكَ أَنزَلْنَـٰهُ حُكْمًا عَرَبِيًّا ۚ وَلَئِنِ ٱتَّبَعْتَ أَهْوَآءَهُم بَعْدَ مَا جَآءَكَ مِنَ ٱلْعِلْمِ مَا لَكَ مِنَ ٱللَّهِ مِن وَلِىٍّ وَلَا وَاقٍ

Transliteration wakadhālika anzalnāhu ḥuk'man ʿarabiyyan wala-ini ittabaʿta ahwāahum baʿdamā jāaka mina l-ʿil'mi mā laka mina l-lahi min waliyyin walā wāqin

Tagalog Gayon Kami nagpababa ng isang kahatulang Arabe. Talagang kung sumunod ka sa mga pithaya nila matapos na may dumating sa iyo na kaalaman, walang ukol sa iyo laban kay Allāh na anumang katangkilik ni tagasangga.

Verse 38

وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا رُسُلًا مِّن قَبْلِكَ وَجَعَلْنَا لَهُمْ أَزْوَٰجًا وَذُرِّيَّةً ۚ وَمَا كَانَ لِرَسُولٍ أَن يَأْتِىَ بِـَٔايَةٍ إِلَّا بِإِذْنِ ٱللَّهِ ۗ لِكُلِّ أَجَلٍ كِتَابٌ

Transliteration walaqad arsalnā rusulan min qablika wajaʿalnā lahum azwājan wadhurriyyatan wamā kāna lirasūlin an yatiya biāyatin illā bi-idh'ni l-lahi likulli ajalin kitābun

Tagalog Talaga ngang nagsugo Kami ng mga sugo bago mo pa at gumawa Kami para sa kanila ng mga maybahay at mga supling. Hindi naging ukol sa isang sugo na maghatid ng isang tanda malibang ayon sa pahintulot ni Allāh. Para sa bawat taning ay may pagtatakda.

Verse 39

يَمْحُوا۟ ٱللَّهُ مَا يَشَآءُ وَيُثْبِتُ ۖ وَعِندَهُۥٓ أُمُّ ٱلْكِتَـٰبِ

Transliteration yamḥū l-lahu mā yashāu wayuth'bitu waʿindahu ummu l-kitābi

Tagalog Nagpapawi si Allāh ng niloloob Niya at nagpapatibay Siya. Taglay Niya ang Ina ng Aklat.

Verse 40

وَإِن مَّا نُرِيَنَّكَ بَعْضَ ٱلَّذِى نَعِدُهُمْ أَوْ نَتَوَفَّيَنَّكَ فَإِنَّمَا عَلَيْكَ ٱلْبَلَـٰغُ وَعَلَيْنَا ٱلْحِسَابُ

Transliteration wa-in mā nuriyannaka baʿḍa alladhī naʿiduhum aw natawaffayannaka fa-innamā ʿalayka l-balāghu waʿalaynā l-ḥisābu

Tagalog Kung magpapakita nga man Kami sa iyo ng ilan sa ipinangangako Namin sa kanila o babawi nga man Kami sa iyo, tanging kailangan sa iyo ang pagpapaabot at nasa Amin ang pagtutuos.

Verse 41

أَوَلَمْ يَرَوْا۟ أَنَّا نَأْتِى ٱلْأَرْضَ نَنقُصُهَا مِنْ أَطْرَافِهَا ۚ وَٱللَّهُ يَحْكُمُ لَا مُعَقِّبَ لِحُكْمِهِۦ ۚ وَهُوَ سَرِيعُ ٱلْحِسَابِ

Transliteration awalam yaraw annā natī l-arḍa nanquṣuhā min aṭrāfihā wal-lahu yaḥkumu lā muʿaqqiba liḥuk'mihi wahuwa sarīʿu l-ḥisābi

Tagalog Hindi ba sila nakakita na tunay na Kami ay pumupunta sa lupa, na nagbabawas rito mula sa mga gilid nito? Si Allāh ay humahatol; walang tagapagpabago sa kahatulan Niya. Siya ay ang mabilis ang pagtutuos.

Verse 42

وَقَدْ مَكَرَ ٱلَّذِينَ مِن قَبْلِهِمْ فَلِلَّهِ ٱلْمَكْرُ جَمِيعًا ۖ يَعْلَمُ مَا تَكْسِبُ كُلُّ نَفْسٍ ۗ وَسَيَعْلَمُ ٱلْكُفَّـٰرُ لِمَنْ عُقْبَى ٱلدَّارِ

Transliteration waqad makara alladhīna min qablihim falillahi l-makru jamīʿan yaʿlamu mā taksibu kullu nafsin wasayaʿlamu l-kufāru liman ʿuq'bā l-dāri

Tagalog Nanlansi nga ang mga nauna pa sa kanila, ngunit sa kay Allāh ang panlalansi sa kalahatan. Nakaaalam Siya sa nakakamit ng bawat kaluluwa. Malalaman ng mga tagatangging sumampalataya kung ukol kanino ang [magandang] pinakakahihinatnan sa tahanan.

Verse 43

وَيَقُولُ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ لَسْتَ مُرْسَلًا ۚ قُلْ كَفَىٰ بِٱللَّهِ شَهِيدًۢا بَيْنِى وَبَيْنَكُمْ وَمَنْ عِندَهُۥ عِلْمُ ٱلْكِتَـٰبِ

Transliteration wayaqūlu alladhīna kafarū lasta mur'salan qul kafā bil-lahi shahīdan baynī wabaynakum waman ʿindahu ʿil'mu l-kitābi

Tagalog Nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya na ikaw ay hindi isang isinugo. Sabihin mo: "Nakasapat si Allāh bilang saksi sa pagitan ko at ninyo, at ang sinumang may taglay ng kaalaman sa Kasulatan.

Read Surah Ar-Ra'd in another language

All languages

All 114 surahs in Tagalog: the Qur’an in Tagalog.

Learn it in MyDugsi

Tagalog translation: Dar Al-Salam Center, from Quran.com. Transliteration: Quran.com. Recitation: Mishary Alafasy, from EveryAyah.com. MyDugsi is a learning aid, not a replacement for a qualified teacher.