MyDugsiStart learning

Surah An-Naml in Tagalog: translation and audio

Surah 27 · النمل · The Ant · 93 verses

Surah An-Naml verse by verse: the Arabic with a recitation you can repeat, the transliteration, and the Tagalog translation by Dar Al-Salam Center. For the meaning of every word, see Surah An-Naml word by word in English.

Verse 1

طسٓ ۚ تِلْكَ ءَايَـٰتُ ٱلْقُرْءَانِ وَكِتَابٍ مُّبِينٍ

Transliteration tta-seen til'ka āyātu l-qur'āni wakitābin mubīnin

Tagalog Ṭā’. Sīn. Ang mga ito ay ang mga talata ng Qur’ān at ng isang Aklat na malinaw

Verse 2

هُدًى وَبُشْرَىٰ لِلْمُؤْمِنِينَ

Transliteration hudan wabush'rā lil'mu'minīna

Tagalog bilang patnubay at bilang balitang nakagagalak para sa mga mananampalataya,

Verse 3

ٱلَّذِينَ يُقِيمُونَ ٱلصَّلَوٰةَ وَيُؤْتُونَ ٱلزَّكَوٰةَ وَهُم بِٱلْـَٔاخِرَةِ هُمْ يُوقِنُونَ

Transliteration alladhīna yuqīmūna l-ṣalata wayu'tūna l-zakata wahum bil-ākhirati hum yūqinūna

Tagalog na mga nagpapanatili ng pagdarasal at nagbibigay ng zakāh, at sila sa Kabilang-buhay, sila ay nakatitiyak.

Verse 4

إِنَّ ٱلَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِٱلْـَٔاخِرَةِ زَيَّنَّا لَهُمْ أَعْمَـٰلَهُمْ فَهُمْ يَعْمَهُونَ

Transliteration inna alladhīna lā yu'minūna bil-ākhirati zayyannā lahum aʿmālahum fahum yaʿmahūna

Tagalog Tunay na ang mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay ay ipinang-akit Namin para sa kanila ang mga gawain nila kaya naman nag-aapuhap sila.

Verse 5

أُو۟لَـٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ لَهُمْ سُوٓءُ ٱلْعَذَابِ وَهُمْ فِى ٱلْـَٔاخِرَةِ هُمُ ٱلْأَخْسَرُونَ

Transliteration ulāika alladhīna lahum sūu l-ʿadhābi wahum fī l-ākhirati humu l-akhsarūna

Tagalog Ang mga iyon ay ang mga ukol sa kanila ang kasagwaan ng pagdurusa; at sila sa Kabilang-buhay, sila ay ang mga pinakalugi.

Verse 6

وَإِنَّكَ لَتُلَقَّى ٱلْقُرْءَانَ مِن لَّدُنْ حَكِيمٍ عَلِيمٍ

Transliteration wa-innaka latulaqqā l-qur'āna min ladun ḥakīmin ʿalīmin

Tagalog Tunay na ikaw ay talagang ginagawaran ng Qur’ān mula sa panig ng Marunong, Maalam.

Verse 7

إِذْ قَالَ مُوسَىٰ لِأَهْلِهِۦٓ إِنِّىٓ ءَانَسْتُ نَارًا سَـَٔاتِيكُم مِّنْهَا بِخَبَرٍ أَوْ ءَاتِيكُم بِشِهَابٍ قَبَسٍ لَّعَلَّكُمْ تَصْطَلُونَ

Transliteration idh qāla mūsā li-ahlihi innī ānastu nāran saātīkum min'hā bikhabarin aw ātīkum bishihābin qabasin laʿallakum taṣṭalūna

Tagalog [Banggitin] noong nagsabi si Moises sa mag-anak niya: "Tunay na ako ay nakatanaw ng apoy. Magdadala ako sa inyo mula roon ng isang balita o magdadala ako sa inyo ng isang ningas na pamparikit, nang sa gayon kayo ay makapagpapainit.

Verse 8

فَلَمَّا جَآءَهَا نُودِىَ أَنۢ بُورِكَ مَن فِى ٱلنَّارِ وَمَنْ حَوْلَهَا وَسُبْحَـٰنَ ٱللَّهِ رَبِّ ٱلْعَـٰلَمِينَ

Transliteration falammā jāahā nūdiya an būrika man fī l-nāri waman ḥawlahā wasub'ḥāna l-lahi rabbi l-ʿālamīna

Tagalog Ngunit noong dumating siya roon, tinawag siya: "Pinagpala ang sinumang nasa apoy at ang sinumang nasa paligid nito." Kaluwalhatian kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang!

Verse 9

يَـٰمُوسَىٰٓ إِنَّهُۥٓ أَنَا ٱللَّهُ ٱلْعَزِيزُ ٱلْحَكِيمُ

Transliteration yāmūsā innahu anā l-lahu l-ʿazīzu l-ḥakīmu

Tagalog [Nagsabi si Allāh]: "O Moises, tunay na Ako ay si Allāh, ang Makapangyarihan, ang Marunong.

Verse 10

وَأَلْقِ عَصَاكَ ۚ فَلَمَّا رَءَاهَا تَهْتَزُّ كَأَنَّهَا جَآنٌّ وَلَّىٰ مُدْبِرًا وَلَمْ يُعَقِّبْ ۚ يَـٰمُوسَىٰ لَا تَخَفْ إِنِّى لَا يَخَافُ لَدَىَّ ٱلْمُرْسَلُونَ

Transliteration wa-alqi ʿaṣāka falammā raāhā tahtazzu ka-annahā jānnun wallā mud'biran walam yuʿaqqib yāmūsā lā takhaf innī lā yakhāfu ladayya l-mur'salūna

Tagalog Pumukol ka ng tungkod mo." Ngunit noong nakita niya ito na kumikislut-kislot na para bang ito ay isang ahas, tumalikod siya habang tumatakas at hindi bumalik [sa dinaanan. Sinabi]: "O Moises, huwag kang mangamba. Tunay na Ako ay hindi pinangangambahan, sa harap Ko, ng mga isinugo,

Verse 11

إِلَّا مَن ظَلَمَ ثُمَّ بَدَّلَ حُسْنًۢا بَعْدَ سُوٓءٍ فَإِنِّى غَفُورٌ رَّحِيمٌ

Transliteration illā man ẓalama thumma baddala ḥus'nan baʿda sūin fa-innī ghafūrun raḥīmun

Tagalog maliban sa sinumang lumabag sa katarungan, pagkatapos nagpalit ng isang kagandahan matapos ng isang kasagwaan. Tunay na Ako ay Mapagpatawad, Maawain.

Verse 12

وَأَدْخِلْ يَدَكَ فِى جَيْبِكَ تَخْرُجْ بَيْضَآءَ مِنْ غَيْرِ سُوٓءٍ ۖ فِى تِسْعِ ءَايَـٰتٍ إِلَىٰ فِرْعَوْنَ وَقَوْمِهِۦٓ ۚ إِنَّهُمْ كَانُوا۟ قَوْمًا فَـٰسِقِينَ

Transliteration wa-adkhil yadaka fī jaybika takhruj bayḍāa min ghayri sūin fī tis'ʿi āyātin ilā fir'ʿawna waqawmihi innahum kānū qawman fāsiqīna

Tagalog Ipasok mo ang kamay mo sa eskotadura mo, lalabas ito na maputi na walang sakit. Iyapos mo sa iyo ang kamay mo laban sa sindak. [Ito ay] nasa siyam na tanda para kay Paraon at mga tao niya. Tunay na sila ay mga taong suwail."

Verse 13

فَلَمَّا جَآءَتْهُمْ ءَايَـٰتُنَا مُبْصِرَةً قَالُوا۟ هَـٰذَا سِحْرٌ مُّبِينٌ

Transliteration falammā jāathum āyātunā mub'ṣiratan qālū hādhā siḥ'run mubīnun

Tagalog Ngunit noong dumating sa kanila ang mga tanda Namin, na nagbibigay-paningin, ay nagsabi sila: "Ito ay isang panggagaway na malinaw."

Verse 14

وَجَحَدُوا۟ بِهَا وَٱسْتَيْقَنَتْهَآ أَنفُسُهُمْ ظُلْمًا وَعُلُوًّا ۚ فَٱنظُرْ كَيْفَ كَانَ عَـٰقِبَةُ ٱلْمُفْسِدِينَ

Transliteration wajaḥadū bihā wa-is'tayqanathā anfusuhum ẓul'man waʿuluwwan fa-unẓur kayfa kāna ʿāqibatu l-muf'sidīna

Tagalog Nagkaila sila sa mga ito – samantalang tumiyak sa mga ito ang mga sarili nila – bilang paglabag sa katarungan at bilang pagmamataas. Kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagagulo.

Verse 15

وَلَقَدْ ءَاتَيْنَا دَاوُۥدَ وَسُلَيْمَـٰنَ عِلْمًا ۖ وَقَالَا ٱلْحَمْدُ لِلَّهِ ٱلَّذِى فَضَّلَنَا عَلَىٰ كَثِيرٍ مِّنْ عِبَادِهِ ٱلْمُؤْمِنِينَ

Transliteration walaqad ātaynā dāwūda wasulaymāna ʿil'man waqālā l-ḥamdu lillahi alladhī faḍḍalanā ʿalā kathīrin min ʿibādihi l-mu'minīna

Tagalog Talaga ngang nagbigay Kami kina David at Solomon ng kaalaman. Nagsabi silang dalawa: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagtangi sa amin higit sa marami sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya."

Verse 16

وَوَرِثَ سُلَيْمَـٰنُ دَاوُۥدَ ۖ وَقَالَ يَـٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ عُلِّمْنَا مَنطِقَ ٱلطَّيْرِ وَأُوتِينَا مِن كُلِّ شَىْءٍ ۖ إِنَّ هَـٰذَا لَهُوَ ٱلْفَضْلُ ٱلْمُبِينُ

Transliteration wawaritha sulaymānu dāwūda waqāla yāayyuhā l-nāsu ʿullim'nā manṭiqa l-ṭayri waūtīnā min kulli shayin inna hādhā lahuwa l-faḍlu l-mubīnu

Tagalog Nagmana si Solomon kay David at nagsabi: "O mga tao, tinuruan kami ng pagbigkas ng mga ibon at binigyan kami mula sa bawat bagay. Tunay na ito ay talagang ang kabutihang-loob na malinaw."

Verse 17

وَحُشِرَ لِسُلَيْمَـٰنَ جُنُودُهُۥ مِنَ ٱلْجِنِّ وَٱلْإِنسِ وَٱلطَّيْرِ فَهُمْ يُوزَعُونَ

Transliteration waḥushira lisulaymāna junūduhu mina l-jini wal-insi wal-ṭayri fahum yūzaʿūna

Tagalog Kinalap para kay Solomon ang mga kawal niya mula sa jinn, tao, at ibon, saka sila ay hinahanay.

Verse 18

حَتَّىٰٓ إِذَآ أَتَوْا۟ عَلَىٰ وَادِ ٱلنَّمْلِ قَالَتْ نَمْلَةٌ يَـٰٓأَيُّهَا ٱلنَّمْلُ ٱدْخُلُوا۟ مَسَـٰكِنَكُمْ لَا يَحْطِمَنَّكُمْ سُلَيْمَـٰنُ وَجُنُودُهُۥ وَهُمْ لَا يَشْعُرُونَ

Transliteration ḥattā idhā ataw ʿalā wādi l-namli qālat namlatun yāayyuhā l-namlu ud'khulū masākinakum lā yaḥṭimannakum sulaymānu wajunūduhu wahum lā yashʿurūna

Tagalog Hanggang sa nang nakapunta sila sa lambak ng mga langgam, may nagsabing isang langgam: "O mga langgam, magsipasok kayo sa mga tirahan ninyo; huwag nga dumudurog sa inyo si Solomon at ang mga kawal niya habang sila ay hindi nakadarama."

Verse 19

فَتَبَسَّمَ ضَاحِكًا مِّن قَوْلِهَا وَقَالَ رَبِّ أَوْزِعْنِىٓ أَنْ أَشْكُرَ نِعْمَتَكَ ٱلَّتِىٓ أَنْعَمْتَ عَلَىَّ وَعَلَىٰ وَٰلِدَىَّ وَأَنْ أَعْمَلَ صَـٰلِحًا تَرْضَىٰهُ وَأَدْخِلْنِى بِرَحْمَتِكَ فِى عِبَادِكَ ٱلصَّـٰلِحِينَ

Transliteration fatabassama ḍāḥikan min qawlihā waqāla rabbi awziʿ'nī an ashkura niʿ'mataka allatī anʿamta ʿalayya waʿalā wālidayya wa-an aʿmala ṣāliḥan tarḍāhu wa-adkhil'nī biraḥmatika fī ʿibādika l-ṣāliḥīna

Tagalog Kaya ngumiti-ngiti si Solomon na natatawa sa sabi niyon at nagsabi siya: "Panginoon ko, mag-udyok Ka sa akin na magpasalamat ako sa biyaya Mong ibiniyaya Mo sa akin at sa ama ko at na gumawa ako ng maayos na kinalulugdan Mo, at magpapasok Ka sa akin, sa pamamagitan ng awa Mo, sa mga lingkod Mong mga maayos."

Verse 20

وَتَفَقَّدَ ٱلطَّيْرَ فَقَالَ مَا لِىَ لَآ أَرَى ٱلْهُدْهُدَ أَمْ كَانَ مِنَ ٱلْغَآئِبِينَ

Transliteration watafaqqada l-ṭayra faqāla mā liya lā arā l-hud'huda am kāna mina l-ghāibīna

Tagalog Nagsiyasat siya sa mga ibon saka nagsabi siya: "Ano ang mayroon sa akin na hindi ako nakakikita sa abubilya, o siya ay naging kabilang sa mga lumiliban?

Verse 21

لَأُعَذِّبَنَّهُۥ عَذَابًا شَدِيدًا أَوْ لَأَا۟ذْبَحَنَّهُۥٓ أَوْ لَيَأْتِيَنِّى بِسُلْطَـٰنٍ مُّبِينٍ

Transliteration la-uʿadhibannahu ʿadhāban shadīdan aw laādh'baḥannahu aw layatiyannī bisul'ṭānin mubīnin

Tagalog Talagang pagdurusahin ko nga siya ng isang pagdurusang matindi, o talagang kakatayin ko nga siya, o talagang magdadala nga siya sa akin ng isang katunayang malinaw."

Verse 22

فَمَكَثَ غَيْرَ بَعِيدٍ فَقَالَ أَحَطتُ بِمَا لَمْ تُحِطْ بِهِۦ وَجِئْتُكَ مِن سَبَإٍۭ بِنَبَإٍ يَقِينٍ

Transliteration famakatha ghayra baʿīdin faqāla aḥaṭtu bimā lam tuḥiṭ bihi waji'tuka min saba-in binaba-in yaqīnin

Tagalog Kaya namalagi ito nang hindi malayo saka nagsabi ito: "Nakasaklaw ako sa hindi ka nakasaklaw at naghatid ako sa iyo mula sa Sheba ng isang balitang tiyak.

Verse 23

إِنِّى وَجَدتُّ ٱمْرَأَةً تَمْلِكُهُمْ وَأُوتِيَتْ مِن كُلِّ شَىْءٍ وَلَهَا عَرْشٌ عَظِيمٌ

Transliteration innī wajadttu im'ra-atan tamlikuhum waūtiyat min kulli shayin walahā ʿarshun ʿaẓīmun

Tagalog Tunay na ako ay nakatagpo ng isang babaing naghahari sa kanila, nabigyan mula sa bawat bagay, at mayroon siyang isang tronong dakila.

Verse 24

وَجَدتُّهَا وَقَوْمَهَا يَسْجُدُونَ لِلشَّمْسِ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَزَيَّنَ لَهُمُ ٱلشَّيْطَـٰنُ أَعْمَـٰلَهُمْ فَصَدَّهُمْ عَنِ ٱلسَّبِيلِ فَهُمْ لَا يَهْتَدُونَ

Transliteration wajadttuhā waqawmahā yasjudūna lilshamsi min dūni l-lahi wazayyana lahumu l-shayṭānu aʿmālahum faṣaddahum ʿani l-sabīli fahum lā yahtadūna

Tagalog Nakatagpo ako sa kanya at mga tao niya na nagpapatirapa sa araw bukod pa kay Allāh. Ipinaakit sa kanila ng demonyo ang mga gawa nila – saka bumalakid iyon sa kanila sa landas kaya sila ay hindi napapatnubayan –

Verse 25

أَلَّا يَسْجُدُوا۟ لِلَّهِ ٱلَّذِى يُخْرِجُ ٱلْخَبْءَ فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ وَيَعْلَمُ مَا تُخْفُونَ وَمَا تُعْلِنُونَ

Transliteration allā yasjudū lillahi alladhī yukh'riju l-khaba-a fī l-samāwāti wal-arḍi wayaʿlamu mā tukh'fūna wamā tuʿ'linūna

Tagalog upang hindi sila magpatirapa kay Allāh na nagpapalabas ng nakatago sa mga langit at lupa at nakaaalam sa anumang ikinukubli nila at anumang inihahayag nila.

Verse 26

ٱللَّهُ لَآ إِلَـٰهَ إِلَّا هُوَ رَبُّ ٱلْعَرْشِ ٱلْعَظِيمِ ۩

Transliteration al-lahu lā ilāha illā huwa rabbu l-ʿarshi l-ʿaẓīmi

Tagalog Si Allāh – walang Diyos kundi Siya – ay ang Panginoon ng tronong dakila."

Verse 27

۞ قَالَ سَنَنظُرُ أَصَدَقْتَ أَمْ كُنتَ مِنَ ٱلْكَـٰذِبِينَ

Transliteration qāla sananẓuru aṣadaqta am kunta mina l-kādhibīna

Tagalog Nagsabi siya: "Titingin kami kung nagtotoo ka ba o ikaw ay naging kabilang sa mga sinungaling.

Verse 28

ٱذْهَب بِّكِتَـٰبِى هَـٰذَا فَأَلْقِهْ إِلَيْهِمْ ثُمَّ تَوَلَّ عَنْهُمْ فَٱنظُرْ مَاذَا يَرْجِعُونَ

Transliteration idh'hab bikitābī hādhā fa-alqih ilayhim thumma tawalla ʿanhum fa-unẓur mādhā yarjiʿūna

Tagalog Umalis ka kalakip ng sulat kong ito at magpahatid ka nito sa kanila. Pagkatapos tumalikod ka palayo sa kanila saka tumingin ka kung ano ang [sagot na] ibabalik nila."

Verse 29

قَالَتْ يَـٰٓأَيُّهَا ٱلْمَلَؤُا۟ إِنِّىٓ أُلْقِىَ إِلَىَّ كِتَـٰبٌ كَرِيمٌ

Transliteration qālat yāayyuhā l-mala-u innī ul'qiya ilayya kitābun karīmun

Tagalog Nagsabi siya: "O konseho, tunay na ako ay pinadalhan ng isang liham na marangal.

Verse 30

إِنَّهُۥ مِن سُلَيْمَـٰنَ وَإِنَّهُۥ بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَـٰنِ ٱلرَّحِيمِ

Transliteration innahu min sulaymāna wa-innahu bis'mi l-lahi l-raḥmāni l-raḥīmi

Tagalog Tunay na ito ay mula kay Solomon at tunay na ito ay sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain,

Verse 31

أَلَّا تَعْلُوا۟ عَلَىَّ وَأْتُونِى مُسْلِمِينَ

Transliteration allā taʿlū ʿalayya watūnī mus'limīna

Tagalog na [nagsasaad]: Huwag kayong magmataas sa akin at pumunta kayo sa akin bilang mga tagapagpasakop."

Verse 32

قَالَتْ يَـٰٓأَيُّهَا ٱلْمَلَؤُا۟ أَفْتُونِى فِىٓ أَمْرِى مَا كُنتُ قَاطِعَةً أَمْرًا حَتَّىٰ تَشْهَدُونِ

Transliteration qālat yāayyuhā l-mala-u aftūnī fī amrī mā kuntu qāṭiʿatan amran ḥattā tashhadūni

Tagalog Nagsabi siya: "O konseho, maghabilin kayo sa akin sa usapin ko. Hindi nangyaring ako ay magpapasya ng isang usapin hanggang sa sumaksi kayo sa akin."

Verse 33

قَالُوا۟ نَحْنُ أُو۟لُوا۟ قُوَّةٍ وَأُو۟لُوا۟ بَأْسٍ شَدِيدٍ وَٱلْأَمْرُ إِلَيْكِ فَٱنظُرِى مَاذَا تَأْمُرِينَ

Transliteration qālū naḥnu ulū quwwatin wa-ulū basin shadīdin wal-amru ilayki fa-unẓurī mādhā tamurīna

Tagalog Nagsabi sila: "Tayo ay mga may lakas na matindi at ang usapin ay nasa iyo, kaya tumingin ka kung ano ang ipag-uutos mo."

Verse 34

قَالَتْ إِنَّ ٱلْمُلُوكَ إِذَا دَخَلُوا۟ قَرْيَةً أَفْسَدُوهَا وَجَعَلُوٓا۟ أَعِزَّةَ أَهْلِهَآ أَذِلَّةً ۖ وَكَذَٰلِكَ يَفْعَلُونَ

Transliteration qālat inna l-mulūka idhā dakhalū qaryatan afsadūhā wajaʿalū aʿizzata ahlihā adhillatan wakadhālika yafʿalūna

Tagalog Nagsabi siya: "Tunay na ang mga hari, kapag pumasok sila sa isang pamayanan, ay nanggugulo roon at gumagawa sa mga kamahal-mahalan sa mga naninirahan doon bilang mga kaaba-aba. Gayon sila gumawa.

Verse 35

وَإِنِّى مُرْسِلَةٌ إِلَيْهِم بِهَدِيَّةٍ فَنَاظِرَةٌۢ بِمَ يَرْجِعُ ٱلْمُرْسَلُونَ

Transliteration wa-innī mur'silatun ilayhim bihadiyyatin fanāẓiratun bima yarjiʿu l-mur'salūna

Tagalog Tunay na ako ay magsusugo sa kanila kalakip ng isang regalo saka titingin sa kung ano [sagot na] ibabalik ng mga isinugo.

Verse 36

فَلَمَّا جَآءَ سُلَيْمَـٰنَ قَالَ أَتُمِدُّونَنِ بِمَالٍ فَمَآ ءَاتَىٰنِۦَ ٱللَّهُ خَيْرٌ مِّمَّآ ءَاتَىٰكُم بَلْ أَنتُم بِهَدِيَّتِكُمْ تَفْرَحُونَ

Transliteration falammā jāa sulaymāna qāla atumiddūnani bimālin famā ātāniya l-lahu khayrun mimmā ātākum bal antum bihadiyyatikum tafraḥūna

Tagalog Kaya noong dumating [ang sugo] kay Solomon ay nagsabi siya: "Mag-aayuda ba kayo sa akin ng yaman gayong ang ibinigay sa akin ni Allāh ay higit na mabuti kaysa sa ibinigay Niya sa inyo? Bagkus kayo sa regalo ninyo ay natutuwa.

Verse 37

ٱرْجِعْ إِلَيْهِمْ فَلَنَأْتِيَنَّهُم بِجُنُودٍ لَّا قِبَلَ لَهُم بِهَا وَلَنُخْرِجَنَّهُم مِّنْهَآ أَذِلَّةً وَهُمْ صَـٰغِرُونَ

Transliteration ir'jiʿ ilayhim falanatiyannahum bijunūdin lā qibala lahum bihā walanukh'rijannahum min'hā adhillatan wahum ṣāghirūna

Tagalog Bumalik ka sa kanila sapagkat talagang magdadala nga kami sa kanila ng mga kawal na walang lakas sa kanila laban sa mga ito at talagang magpapalabas nga Kami sa kanila mula roon bilang mga kaaba-aba habang sila ay mga nanliliit.

Verse 38

قَالَ يَـٰٓأَيُّهَا ٱلْمَلَؤُا۟ أَيُّكُمْ يَأْتِينِى بِعَرْشِهَا قَبْلَ أَن يَأْتُونِى مُسْلِمِينَ

Transliteration qāla yāayyuhā l-mala-u ayyukum yatīnī biʿarshihā qabla an yatūnī mus'limīna

Tagalog Nagsabi siya: "O konseho, alin sa inyo ang magdadala sa akin ng trono niya bago sila pumunta sa aking bilang mga tagapagpasakop?"

Verse 39

قَالَ عِفْرِيتٌ مِّنَ ٱلْجِنِّ أَنَا۠ ءَاتِيكَ بِهِۦ قَبْلَ أَن تَقُومَ مِن مَّقَامِكَ ۖ وَإِنِّى عَلَيْهِ لَقَوِىٌّ أَمِينٌ

Transliteration qāla ʿif'rītun mina l-jini anā ātīka bihi qabla an taqūma min maqāmika wa-innī ʿalayhi laqawiyyun amīnun

Tagalog May nagsabing isang makapangyarihan kabilang sa mga jinn: "Ako ay magdadala sa iyo niyon bago ka makatayo mula sa pinanatilihan mo. Tunay na ako para roon ay talagang malakas na mapagkakatiwalaan."

Verse 40

قَالَ ٱلَّذِى عِندَهُۥ عِلْمٌ مِّنَ ٱلْكِتَـٰبِ أَنَا۠ ءَاتِيكَ بِهِۦ قَبْلَ أَن يَرْتَدَّ إِلَيْكَ طَرْفُكَ ۚ فَلَمَّا رَءَاهُ مُسْتَقِرًّا عِندَهُۥ قَالَ هَـٰذَا مِن فَضْلِ رَبِّى لِيَبْلُوَنِىٓ ءَأَشْكُرُ أَمْ أَكْفُرُ ۖ وَمَن شَكَرَ فَإِنَّمَا يَشْكُرُ لِنَفْسِهِۦ ۖ وَمَن كَفَرَ فَإِنَّ رَبِّى غَنِىٌّ كَرِيمٌ

Transliteration qāla alladhī ʿindahu ʿil'mun mina l-kitābi anā ātīka bihi qabla an yartadda ilayka ṭarfuka falammā raāhu mus'taqirran ʿindahu qāla hādhā min faḍli rabbī liyabluwanī a-ashkuru am akfuru waman shakara fa-innamā yashkuru linafsihi waman kafara fa-inna rabbī ghaniyyun karīmun

Tagalog Nagsabi ang may taglay na kaalaman mula sa kasulatan: "Ako ay magdadala sa iyo niyon bago makabalik sa iyo ang pagkurap mo." Kaya noong nakita niya iyon na nakalapag sa piling niya ay nagsabi siya: "Ito ay bahagi ng kabutihang-loob ng Panginoon ko upang sulitin Niya ako kung magpapasalamat ba ako o tatanggi akong magpasalamat. Ang sinumang nagpasalamat ay nagpasalamat lamang para sa sarili niya. Ang sinumang tumangging magpasalamat, tunay na ang Panginoon ko ay Walang-pangangailangan, Mapagbigay."

Verse 41

قَالَ نَكِّرُوا۟ لَهَا عَرْشَهَا نَنظُرْ أَتَهْتَدِىٓ أَمْ تَكُونُ مِنَ ٱلَّذِينَ لَا يَهْتَدُونَ

Transliteration qāla nakkirū lahā ʿarshahā nanẓur atahtadī am takūnu mina alladhīna lā yahtadūna

Tagalog Nagsabi siya: "Magpabalatkayo kayo para sa kanya ng trono niya, titingnan natin kung mapapatnubayan ba siya o siya ay kabilang sa mga hindi napapatnubayan."

Verse 42

فَلَمَّا جَآءَتْ قِيلَ أَهَـٰكَذَا عَرْشُكِ ۖ قَالَتْ كَأَنَّهُۥ هُوَ ۚ وَأُوتِينَا ٱلْعِلْمَ مِن قَبْلِهَا وَكُنَّا مُسْلِمِينَ

Transliteration falammā jāat qīla ahākadhā ʿarshuki qālat ka-annahu huwa waūtīnā l-ʿil'ma min qablihā wakunnā mus'limīna

Tagalog Kaya noong dumating siya ay sinabi: "Ganito ba ang trono mo?" Nagsabi siya: "Para bang ito ay iyon." [Nagsabi si Solomon]: "Binigyan kami ng kaalaman bago pa niya at dati na kaming mga tagapagpasakop."

Verse 43

وَصَدَّهَا مَا كَانَت تَّعْبُدُ مِن دُونِ ٱللَّهِ ۖ إِنَّهَا كَانَتْ مِن قَوْمٍ كَـٰفِرِينَ

Transliteration waṣaddahā mā kānat taʿbudu min dūni l-lahi innahā kānat min qawmin kāfirīna

Tagalog Bumalakid sa kanya ang dati nang sinasamba niya bukod pa kay Allāh. Tunay na siya dati ay kabilang sa mga taong tagatangging sumampalataya.

Verse 44

قِيلَ لَهَا ٱدْخُلِى ٱلصَّرْحَ ۖ فَلَمَّا رَأَتْهُ حَسِبَتْهُ لُجَّةً وَكَشَفَتْ عَن سَاقَيْهَا ۚ قَالَ إِنَّهُۥ صَرْحٌ مُّمَرَّدٌ مِّن قَوَارِيرَ ۗ قَالَتْ رَبِّ إِنِّى ظَلَمْتُ نَفْسِى وَأَسْلَمْتُ مَعَ سُلَيْمَـٰنَ لِلَّهِ رَبِّ ٱلْعَـٰلَمِينَ

Transliteration qīla lahā ud'khulī l-ṣarḥa falammā ra-athu ḥasibathu lujjatan wakashafat ʿan sāqayhā qāla innahu ṣarḥun mumarradun min qawārīra qālat rabbi innī ẓalamtu nafsī wa-aslamtu maʿa sulaymāna lillahi rabbi l-ʿālamīna

Tagalog Sinabi sa kanya: "Pumasok ka sa palasyo." Kaya noong nakita niya ito ay nag-akala siyang ito ay isang lawa at naglantad siya ng mga lulod niya. Nagsabi [si Solomon]: "Tunay na ito ay isang palasyong pinakintaban ng inilatag na mga salamin. Nagsabi siya: "Panginoon ko, tunay na ako ay lumabag sa katarungan sa sarili ko. Nagpasakop ako kasama kay Solomon kay Allāh ang Panginoon ng mga nilalang."

Verse 45

وَلَقَدْ أَرْسَلْنَآ إِلَىٰ ثَمُودَ أَخَاهُمْ صَـٰلِحًا أَنِ ٱعْبُدُوا۟ ٱللَّهَ فَإِذَا هُمْ فَرِيقَانِ يَخْتَصِمُونَ

Transliteration walaqad arsalnā ilā thamūda akhāhum ṣāliḥan ani uʿ'budū l-laha fa-idhā hum farīqāni yakhtaṣimūna

Tagalog Talaga ngang nagsugo Kami sa Thamūd ng kapatid nilang si Ṣāliḥ, na [nagsasabi]: "Sumamba kayo kay Allāh," saka biglang sila ay dalawang pangkat na nag-aalitan.

Verse 46

قَالَ يَـٰقَوْمِ لِمَ تَسْتَعْجِلُونَ بِٱلسَّيِّئَةِ قَبْلَ ٱلْحَسَنَةِ ۖ لَوْلَا تَسْتَغْفِرُونَ ٱللَّهَ لَعَلَّكُمْ تُرْحَمُونَ

Transliteration qāla yāqawmi lima tastaʿjilūna bil-sayi-ati qabla l-ḥasanati lawlā tastaghfirūna l-laha laʿallakum tur'ḥamūna

Tagalog Nagsabi siya: "O mga kalipi ko, bakit kayo nagmamadali sa masagwa bago ng maganda? Bakit nga ba hindi kayo humihingi ng tawad kay Allāh nang sa gayon kayo ay kaaawaan?"

Verse 47

قَالُوا۟ ٱطَّيَّرْنَا بِكَ وَبِمَن مَّعَكَ ۚ قَالَ طَـٰٓئِرُكُمْ عِندَ ٱللَّهِ ۖ بَلْ أَنتُمْ قَوْمٌ تُفْتَنُونَ

Transliteration qālū iṭṭayyarnā bika wabiman maʿaka qāla ṭāirukum ʿinda l-lahi bal antum qawmun tuf'tanūna

Tagalog Nagsabi sila: "Nagmasamang-pangitain kami sa iyo at sa sinumang kasama sa iyo." Nagsabi siya: "Ang masamang pangitain ninyo ay nasa ganang kay Allāh, bagkus kayo ay mga taong tinutukso."

Verse 48

وَكَانَ فِى ٱلْمَدِينَةِ تِسْعَةُ رَهْطٍ يُفْسِدُونَ فِى ٱلْأَرْضِ وَلَا يُصْلِحُونَ

Transliteration wakāna fī l-madīnati tis'ʿatu rahṭin yuf'sidūna fī l-arḍi walā yuṣ'liḥūna

Tagalog Dati sa lungsod ay may siyam na lalaking nanggugulo sa lupain at hindi nagsasaayos.

Verse 49

قَالُوا۟ تَقَاسَمُوا۟ بِٱللَّهِ لَنُبَيِّتَنَّهُۥ وَأَهْلَهُۥ ثُمَّ لَنَقُولَنَّ لِوَلِيِّهِۦ مَا شَهِدْنَا مَهْلِكَ أَهْلِهِۦ وَإِنَّا لَصَـٰدِقُونَ

Transliteration qālū taqāsamū bil-lahi lanubayyitannahu wa-ahlahu thumma lanaqūlanna liwaliyyihi mā shahid'nā mahlika ahlihi wa-innā laṣādiqūna

Tagalog Nagsabi sila: "Magsumpaan kayo kay Allāh na talagang susugod nga tayo sa gabi sa kanya at sa mag-anak niya, pagkatapos talagang magsasabi nga tayo sa katangkilik niya: "Hindi kami nakasaksi sa pagkapahamak ng mag-anak niya. Tunay na kami ay talagang mga tapat."

Verse 50

وَمَكَرُوا۟ مَكْرًا وَمَكَرْنَا مَكْرًا وَهُمْ لَا يَشْعُرُونَ

Transliteration wamakarū makran wamakarnā makran wahum lā yashʿurūna

Tagalog Nanlansi sila ng isang panlalansi at nanlansi Kami ng isang panlalansi samantalang sila ay hindi nakararamdam.

Verse 51

فَٱنظُرْ كَيْفَ كَانَ عَـٰقِبَةُ مَكْرِهِمْ أَنَّا دَمَّرْنَـٰهُمْ وَقَوْمَهُمْ أَجْمَعِينَ

Transliteration fa-unẓur kayfa kāna ʿāqibatu makrihim annā dammarnāhum waqawmahum ajmaʿīna

Tagalog Kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng panlalansi nila, na Kami ay nagwasak sa kanila at sa mga kalipi nila nang magkakasama.

Verse 52

فَتِلْكَ بُيُوتُهُمْ خَاوِيَةًۢ بِمَا ظَلَمُوٓا۟ ۗ إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَـَٔايَةً لِّقَوْمٍ يَعْلَمُونَ

Transliteration fatil'ka buyūtuhum khāwiyatan bimā ẓalamū inna fī dhālika laāyatan liqawmin yaʿlamūna

Tagalog Kaya ang mga iyon ay ang mga bahay nila: hungkag, dahil lumabag sila sa katarungan. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga taong umaalam.

Verse 53

وَأَنجَيْنَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَكَانُوا۟ يَتَّقُونَ

Transliteration wa-anjaynā alladhīna āmanū wakānū yattaqūna

Tagalog Nagligtas Kami sa mga sumampalataya at dati na silang nangingilag magkasala.

Verse 54

وَلُوطًا إِذْ قَالَ لِقَوْمِهِۦٓ أَتَأْتُونَ ٱلْفَـٰحِشَةَ وَأَنتُمْ تُبْصِرُونَ

Transliteration walūṭan idh qāla liqawmihi atatūna l-fāḥishata wa-antum tub'ṣirūna

Tagalog [Banggitin mo] si Lot noong nagsabi siya sa mga kababayan niya: "Pumupunta ba kayo sa mahalay habang kayo ay nakakikita?"

Verse 55

أَئِنَّكُمْ لَتَأْتُونَ ٱلرِّجَالَ شَهْوَةً مِّن دُونِ ٱلنِّسَآءِ ۚ بَلْ أَنتُمْ قَوْمٌ تَجْهَلُونَ

Transliteration a-innakum latatūna l-rijāla shahwatan min dūni l-nisāi bal antum qawmun tajhalūna

Tagalog Tunay na kayo ba ay talagang pumupunta sa mga lalaki dala ng pagnanasa bukod pa sa mga babae? Bagkus kayo ay mga taong nagpakamangmang.

Verse 56

۞ فَمَا كَانَ جَوَابَ قَوْمِهِۦٓ إِلَّآ أَن قَالُوٓا۟ أَخْرِجُوٓا۟ ءَالَ لُوطٍ مِّن قَرْيَتِكُمْ ۖ إِنَّهُمْ أُنَاسٌ يَتَطَهَّرُونَ

Transliteration famā kāna jawāba qawmihi illā an qālū akhrijū āla lūṭin min qaryatikum innahum unāsun yataṭahharūna

Tagalog Ngunit walang iba ang sagot ng mga kababayan niya kundi na nagsabi sila: "Palabasin ninyo ang mag-anak ni Lot mula sa pamayanan ninyo; tunay na sila ay mga taong nagpapakalinis."

Verse 57

فَأَنجَيْنَـٰهُ وَأَهْلَهُۥٓ إِلَّا ٱمْرَأَتَهُۥ قَدَّرْنَـٰهَا مِنَ ٱلْغَـٰبِرِينَ

Transliteration fa-anjaynāhu wa-ahlahu illā im'ra-atahu qaddarnāhā mina l-ghābirīna

Tagalog Kaya pinaligtas Namin siya at ang mag-anak niya maliban sa maybahay niya; nagtakda Kami rito [na maging] kabilang sa mga nagpapaiwan.

Verse 58

وَأَمْطَرْنَا عَلَيْهِم مَّطَرًا ۖ فَسَآءَ مَطَرُ ٱلْمُنذَرِينَ

Transliteration wa-amṭarnā ʿalayhim maṭaran fasāa maṭaru l-mundharīna

Tagalog Nagpaulan Kami sa kanila ng isang ulan, saka kay saklap ang ulan ng mga binalaan.

Verse 59

قُلِ ٱلْحَمْدُ لِلَّهِ وَسَلَـٰمٌ عَلَىٰ عِبَادِهِ ٱلَّذِينَ ٱصْطَفَىٰٓ ۗ ءَآللَّهُ خَيْرٌ أَمَّا يُشْرِكُونَ

Transliteration quli l-ḥamdu lillahi wasalāmun ʿalā ʿibādihi alladhīna iṣ'ṭafā āllahu khayrun ammā yush'rikūna

Tagalog Sabihin mo: "Ang papuri ay ukol kay Allāh at kapayapaan ay sa mga lingkod Niyang hinirang Niya. Si Allāh ba ay higit na mabuti o ang itinatambal ninyo?

Verse 60

أَمَّنْ خَلَقَ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضَ وَأَنزَلَ لَكُم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءً فَأَنۢبَتْنَا بِهِۦ حَدَآئِقَ ذَاتَ بَهْجَةٍ مَّا كَانَ لَكُمْ أَن تُنۢبِتُوا۟ شَجَرَهَآ ۗ أَءِلَـٰهٌ مَّعَ ٱللَّهِ ۚ بَلْ هُمْ قَوْمٌ يَعْدِلُونَ

Transliteration amman khalaqa l-samāwāti wal-arḍa wa-anzala lakum mina l-samāi māan fa-anbatnā bihi ḥadāiqa dhāta bahjatin mā kāna lakum an tunbitū shajarahā a-ilāhun maʿa l-lahi bal hum qawmun yaʿdilūna

Tagalog O ang lumikha ng mga langit at lupa at nagpababa para sa inyo mula sa langit ng tubig kaya nagpatubo sa pamamagitan nito ng mga hardin na may dilag na hindi naging ukol sa inyo na magpatubo kayo ng mga punong-kahoy ng mga iyon ay isang diyos kasama kay Allāh? Bagkus sila ay mga taong nagpapantay [sa Kanya sa iba].

Verse 61

أَمَّن جَعَلَ ٱلْأَرْضَ قَرَارًا وَجَعَلَ خِلَـٰلَهَآ أَنْهَـٰرًا وَجَعَلَ لَهَا رَوَٰسِىَ وَجَعَلَ بَيْنَ ٱلْبَحْرَيْنِ حَاجِزًا ۗ أَءِلَـٰهٌ مَّعَ ٱللَّهِ ۚ بَلْ أَكْثَرُهُمْ لَا يَعْلَمُونَ

Transliteration amman jaʿala l-arḍa qarāran wajaʿala khilālahā anhāran wajaʿala lahā rawāsiya wajaʿala bayna l-baḥrayni ḥājizan a-ilāhun maʿa l-lahi bal aktharuhum lā yaʿlamūna

Tagalog O ang gumawa ba sa lupa bilang pamamalagian, gumawa sa gitna nito ng mga ilog, gumawa para rito ng mga matatag na bundok, at gumawa sa pagitan ng dalawang dagat ng isang harang ay isang diyos ba kasama kay Allāh? Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.

Verse 62

أَمَّن يُجِيبُ ٱلْمُضْطَرَّ إِذَا دَعَاهُ وَيَكْشِفُ ٱلسُّوٓءَ وَيَجْعَلُكُمْ خُلَفَآءَ ٱلْأَرْضِ ۗ أَءِلَـٰهٌ مَّعَ ٱللَّهِ ۚ قَلِيلًا مَّا تَذَكَّرُونَ

Transliteration amman yujību l-muḍ'ṭara idhā daʿāhu wayakshifu l-sūa wayajʿalukum khulafāa l-arḍi a-ilāhun maʿa l-lahi qalīlan mā tadhakkarūna

Tagalog O ang sumasagot ba sa nagigipit kapag dumalangin ito sa Kanya, nag-aalis ng kasagwaan, at gumagawa sa inyo bilang mga kahalili sa lupa ay isang diyos ba kasama kay Allāh? Kaunti ang isinasaalaala ninyo!

Verse 63

أَمَّن يَهْدِيكُمْ فِى ظُلُمَـٰتِ ٱلْبَرِّ وَٱلْبَحْرِ وَمَن يُرْسِلُ ٱلرِّيَـٰحَ بُشْرًۢا بَيْنَ يَدَىْ رَحْمَتِهِۦٓ ۗ أَءِلَـٰهٌ مَّعَ ٱللَّهِ ۚ تَعَـٰلَى ٱللَّهُ عَمَّا يُشْرِكُونَ

Transliteration amman yahdīkum fī ẓulumāti l-bari wal-baḥri waman yur'silu l-riyāḥa bush'ran bayna yaday raḥmatihi a-ilāhun maʿa l-lahi taʿālā l-lahu ʿammā yush'rikūna

Tagalog O ang nagpapatnubay sa inyo sa mga kadiliman ng katihan at karagatan at ang nagsusugo ng mga hangin bilang balitang nakagagalak sa harap ng awa Niya ay isang diyos ba kasama kay Allāh? Pagkataas-taas si Allāh kaysa sa anumang itinatambal nila.

Verse 64

أَمَّن يَبْدَؤُا۟ ٱلْخَلْقَ ثُمَّ يُعِيدُهُۥ وَمَن يَرْزُقُكُم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ وَٱلْأَرْضِ ۗ أَءِلَـٰهٌ مَّعَ ٱللَّهِ ۚ قُلْ هَاتُوا۟ بُرْهَـٰنَكُمْ إِن كُنتُمْ صَـٰدِقِينَ

Transliteration amman yabda-u l-khalqa thumma yuʿīduhu waman yarzuqukum mina l-samāi wal-arḍi a-ilāhun maʿa l-lahi qul hātū bur'hānakum in kuntum ṣādiqīna

Tagalog O ang nagsisimula ng paglikha, pagkatapos nagpapanumbalik nito, at ang nagtutustos sa inyo mula sa langit at lupa ay isang diyos ba kasama kay Allāh?" Sabihin mo: "Magbigay kayo ng patotoo ninyo kung kayo ay mga tapat."

Verse 65

قُل لَّا يَعْلَمُ مَن فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ ٱلْغَيْبَ إِلَّا ٱللَّهُ ۚ وَمَا يَشْعُرُونَ أَيَّانَ يُبْعَثُونَ

Transliteration qul lā yaʿlamu man fī l-samāwāti wal-arḍi l-ghayba illā l-lahu wamā yashʿurūna ayyāna yub'ʿathūna

Tagalog Sabihin mo: "Hindi nalalaman ng sinumang nasa mga langit at lupa ang Lingid maliban kay Allāh, at hindi nila nararamdaman kung kailan sila bubuhayin."

Verse 66

بَلِ ٱدَّٰرَكَ عِلْمُهُمْ فِى ٱلْـَٔاخِرَةِ ۚ بَلْ هُمْ فِى شَكٍّ مِّنْهَا ۖ بَلْ هُم مِّنْهَا عَمُونَ

Transliteration bali iddāraka ʿil'muhum fī l-ākhirati bal hum fī shakkin min'hā bal hum min'hā ʿamūna

Tagalog Bagkus nagwakas ang kaalaman nila hinggil sa Kabilang-buhay. Bagkus sila ay nasa isang pagdududa hinggil doon. Bagkus sila mula roon ay mga bulag.

Verse 67

وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓا۟ أَءِذَا كُنَّا تُرَٰبًا وَءَابَآؤُنَآ أَئِنَّا لَمُخْرَجُونَ

Transliteration waqāla alladhīna kafarū a-idhā kunnā turāban waābāunā a-innā lamukh'rajūna

Tagalog Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: "Kapag kami ba ay naging alabok at [gayon din] ang mga magulang namin, tunay na kami ba ay talagang mga palalabasin [sa mga libingan]?

Verse 68

لَقَدْ وُعِدْنَا هَـٰذَا نَحْنُ وَءَابَآؤُنَا مِن قَبْلُ إِنْ هَـٰذَآ إِلَّآ أَسَـٰطِيرُ ٱلْأَوَّلِينَ

Transliteration laqad wuʿid'nā hādhā naḥnu waābāunā min qablu in hādhā illā asāṭīru l-awalīna

Tagalog Talaga ngang pinangakuan nito Kami mismo at ang mga magulang namin bago pa niyan. Walang iba ito kundi ang mga alamat ng mga sinauna."

Verse 69

قُلْ سِيرُوا۟ فِى ٱلْأَرْضِ فَٱنظُرُوا۟ كَيْفَ كَانَ عَـٰقِبَةُ ٱلْمُجْرِمِينَ

Transliteration qul sīrū fī l-arḍi fa-unẓurū kayfa kāna ʿāqibatu l-muj'rimīna

Tagalog Sabihin mo: "Humayo kayo sa lupain saka tumingin kayo kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga salarin."

Verse 70

وَلَا تَحْزَنْ عَلَيْهِمْ وَلَا تَكُن فِى ضَيْقٍ مِّمَّا يَمْكُرُونَ

Transliteration walā taḥzan ʿalayhim walā takun fī ḍayqin mimmā yamkurūna

Tagalog Huwag kang malungkot sa kanila at huwag kang maging nasa isang paninikip dahil sa anumang ipinakakana nila.

Verse 71

وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَـٰذَا ٱلْوَعْدُ إِن كُنتُمْ صَـٰدِقِينَ

Transliteration wayaqūlūna matā hādhā l-waʿdu in kuntum ṣādiqīna

Tagalog Nagsasabi sila: "Kailan ang pangakong ito kung kayo ay mga tapat?"

Verse 72

قُلْ عَسَىٰٓ أَن يَكُونَ رَدِفَ لَكُم بَعْضُ ٱلَّذِى تَسْتَعْجِلُونَ

Transliteration qul ʿasā an yakūna radifa lakum baʿḍu alladhī tastaʿjilūna

Tagalog Sabihin mo: "Marahil maging napaaga para sa inyo ang ilan sa minamadali ninyo."

Verse 73

وَإِنَّ رَبَّكَ لَذُو فَضْلٍ عَلَى ٱلنَّاسِ وَلَـٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَشْكُرُونَ

Transliteration wa-inna rabbaka ladhū faḍlin ʿalā l-nāsi walākinna aktharahum lā yashkurūna

Tagalog Tunay na ang Panginoon mo ay talagang may kabutihang-loob sa mga tao subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nagpapasalamat.

Verse 74

وَإِنَّ رَبَّكَ لَيَعْلَمُ مَا تُكِنُّ صُدُورُهُمْ وَمَا يُعْلِنُونَ

Transliteration wa-inna rabbaka layaʿlamu mā tukinnu ṣudūruhum wamā yuʿ'linūna

Tagalog Tunay na ang Panginoon mo ay talagang nakaaalam ng anumang kinikimkim ng mga dibdib nila at anumang inihahayag nila.

Verse 75

وَمَا مِنْ غَآئِبَةٍ فِى ٱلسَّمَآءِ وَٱلْأَرْضِ إِلَّا فِى كِتَـٰبٍ مُّبِينٍ

Transliteration wamā min ghāibatin fī l-samāi wal-arḍi illā fī kitābin mubīnin

Tagalog Walang anumang nakalingid sa langit at lupa malibang nasa isang talaang malinaw.

Verse 76

إِنَّ هَـٰذَا ٱلْقُرْءَانَ يَقُصُّ عَلَىٰ بَنِىٓ إِسْرَٰٓءِيلَ أَكْثَرَ ٱلَّذِى هُمْ فِيهِ يَخْتَلِفُونَ

Transliteration inna hādhā l-qur'āna yaquṣṣu ʿalā banī is'rāīla akthara alladhī hum fīhi yakhtalifūna

Tagalog Tunay na itong Qur’ān ay nagsasalaysay sa mga anak ni Israel ng higit na marami sa [bagay na] sila hinggil doon ay nagkakaiba-iba.

Verse 77

وَإِنَّهُۥ لَهُدًى وَرَحْمَةٌ لِّلْمُؤْمِنِينَ

Transliteration wa-innahu lahudan waraḥmatun lil'mu'minīna

Tagalog Tunay na ito ay talagang isang patnubay at isang awa para sa mga mananampalataya.

Verse 78

إِنَّ رَبَّكَ يَقْضِى بَيْنَهُم بِحُكْمِهِۦ ۚ وَهُوَ ٱلْعَزِيزُ ٱلْعَلِيمُ

Transliteration inna rabbaka yaqḍī baynahum biḥuk'mihi wahuwa l-ʿazīzu l-ʿalīmu

Tagalog Tunay na ang Panginoon mo ay huhusga sa pagitan nila sa pamamagitan ng kahatulan Niya. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Maalam.

Verse 79

فَتَوَكَّلْ عَلَى ٱللَّهِ ۖ إِنَّكَ عَلَى ٱلْحَقِّ ٱلْمُبِينِ

Transliteration fatawakkal ʿalā l-lahi innaka ʿalā l-ḥaqi l-mubīni

Tagalog Kaya manalig ka kay Allāh; tunay na ikaw ay nasa katotohanang malinaw.

Verse 80

إِنَّكَ لَا تُسْمِعُ ٱلْمَوْتَىٰ وَلَا تُسْمِعُ ٱلصُّمَّ ٱلدُّعَآءَ إِذَا وَلَّوْا۟ مُدْبِرِينَ

Transliteration innaka lā tus'miʿu l-mawtā walā tus'miʿu l-ṣuma l-duʿāa idhā wallaw mud'birīna

Tagalog Tunay na ikaw ay hindi nakapagpaparinig sa mga patay at hindi nakapagpaparinig sa mga bingi ng panawagan kapag bumaling sila na mga tumatalikod.

Verse 81

وَمَآ أَنتَ بِهَـٰدِى ٱلْعُمْىِ عَن ضَلَـٰلَتِهِمْ ۖ إِن تُسْمِعُ إِلَّا مَن يُؤْمِنُ بِـَٔايَـٰتِنَا فَهُم مُّسْلِمُونَ

Transliteration wamā anta bihādī l-ʿum'yi ʿan ḍalālatihim in tus'miʿu illā man yu'minu biāyātinā fahum mus'limūna

Tagalog Ikaw ay hindi tagapagpatnubay ng mga bulag palayo sa pagkaligaw nila. Hindi ka nakapagpaparinig maliban sa sinumang sumasampalataya sa mga tanda Namin kaya sila ay mga tagapagpasakop.

Verse 82

۞ وَإِذَا وَقَعَ ٱلْقَوْلُ عَلَيْهِمْ أَخْرَجْنَا لَهُمْ دَآبَّةً مِّنَ ٱلْأَرْضِ تُكَلِّمُهُمْ أَنَّ ٱلنَّاسَ كَانُوا۟ بِـَٔايَـٰتِنَا لَا يُوقِنُونَ

Transliteration wa-idhā waqaʿa l-qawlu ʿalayhim akhrajnā lahum dābbatan mina l-arḍi tukallimuhum anna l-nāsa kānū biāyātinā lā yūqinūna

Tagalog Kapag naganap ang sabi laban sa kanila, magpapalabas Kami para sa kanila ng isang gumagalaw na nilalang mula sa lupa na kakausap sa kanila [na nagsasabi] na ang mga tao noon sa mga tanda Namin ay hindi nakatitiyak.

Verse 83

وَيَوْمَ نَحْشُرُ مِن كُلِّ أُمَّةٍ فَوْجًا مِّمَّن يُكَذِّبُ بِـَٔايَـٰتِنَا فَهُمْ يُوزَعُونَ

Transliteration wayawma naḥshuru min kulli ummatin fawjan mimman yukadhibu biāyātinā fahum yūzaʿūna

Tagalog [Banggitin mo] ang araw na kakalap Kami mula sa bawat kalipunan ng isang pulutong kabilang sa nagpapasinungaling sa mga tanda Namin saka sila ay pagpapangkatin.

Verse 84

حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءُو قَالَ أَكَذَّبْتُم بِـَٔايَـٰتِى وَلَمْ تُحِيطُوا۟ بِهَا عِلْمًا أَمَّاذَا كُنتُمْ تَعْمَلُونَ

Transliteration ḥattā idhā jāū qāla akadhabtum biāyātī walam tuḥīṭū bihā ʿil'man ammādhā kuntum taʿmalūna

Tagalog Hanggang sa nang dumating sila ay magsasabi Siya: "Nagpasinungaling ba kayo sa mga tanda Ko samantalang hindi kayo nakasaklaw sa mga ito sa kaalaman, o ano ang dati ninyong ginagawa?"

Verse 85

وَوَقَعَ ٱلْقَوْلُ عَلَيْهِم بِمَا ظَلَمُوا۟ فَهُمْ لَا يَنطِقُونَ

Transliteration wawaqaʿa l-qawlu ʿalayhim bimā ẓalamū fahum lā yanṭiqūna

Tagalog Magaganap ang sabi sa kanila dahil lumabag sila sa katarungan kaya sila ay hindi makabibigkas.

Verse 86

أَلَمْ يَرَوْا۟ أَنَّا جَعَلْنَا ٱلَّيْلَ لِيَسْكُنُوا۟ فِيهِ وَٱلنَّهَارَ مُبْصِرًا ۚ إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَـَٔايَـٰتٍ لِّقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ

Transliteration alam yaraw annā jaʿalnā al-layla liyaskunū fīhi wal-nahāra mub'ṣiran inna fī dhālika laāyātin liqawmin yu'minūna

Tagalog Hindi ba sila nakakita na Kami ay gumawa sa gabi upang matiwasay sila rito at sa maghapon bilang nagbibigay-paningin? Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong sumasampalataya.

Verse 87

وَيَوْمَ يُنفَخُ فِى ٱلصُّورِ فَفَزِعَ مَن فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَمَن فِى ٱلْأَرْضِ إِلَّا مَن شَآءَ ٱللَّهُ ۚ وَكُلٌّ أَتَوْهُ دَٰخِرِينَ

Transliteration wayawma yunfakhu fī l-ṣūri fafaziʿa man fī l-samāwāti waman fī l-arḍi illā man shāa l-lahu wakullun atawhu dākhirīna

Tagalog [Banggitin mo] ang araw na iihip sa tambuli saka manghihilakbot ang sinumang nasa mga langit at ang sinumang nasa mga lupa, maliban sa sinumang niloob ni Allāh, habang lahat ay pupunta sa Kanya na mga nagpapakaaba.

Verse 88

وَتَرَى ٱلْجِبَالَ تَحْسَبُهَا جَامِدَةً وَهِىَ تَمُرُّ مَرَّ ٱلسَّحَابِ ۚ صُنْعَ ٱللَّهِ ٱلَّذِىٓ أَتْقَنَ كُلَّ شَىْءٍ ۚ إِنَّهُۥ خَبِيرٌۢ بِمَا تَفْعَلُونَ

Transliteration watarā l-jibāla taḥsabuhā jāmidatan wahiya tamurru marra l-saḥābi ṣun'ʿa l-lahi alladhī atqana kulla shayin innahu khabīrun bimā tafʿalūna

Tagalog Makikita mo ang mga bundok, habang nag-aakala kang ang mga ito ay nakatigil samantalang ang mga ito ay dumaraan gaya ng pagdaan ng mga ulap, bilang pagkayari ni Allāh na nagpahusay sa bawat bagay. Tunay na Siya ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo.

Verse 89

مَن جَآءَ بِٱلْحَسَنَةِ فَلَهُۥ خَيْرٌ مِّنْهَا وَهُم مِّن فَزَعٍ يَوْمَئِذٍ ءَامِنُونَ

Transliteration man jāa bil-ḥasanati falahu khayrun min'hā wahum min fazaʿin yawma-idhin āminūna

Tagalog Ang sinumang magdala ng magandang gawa, ukol sa kanya ay higit na mabuti kaysa roon habang sila, mula sa hilakbot sa araw na iyon, ay mga matitiwasay.

Verse 90

وَمَن جَآءَ بِٱلسَّيِّئَةِ فَكُبَّتْ وُجُوهُهُمْ فِى ٱلنَّارِ هَلْ تُجْزَوْنَ إِلَّا مَا كُنتُمْ تَعْمَلُونَ

Transliteration waman jāa bil-sayi-ati fakubbat wujūhuhum fī l-nāri hal tuj'zawna illā mā kuntum taʿmalūna

Tagalog Ang sinumang magdala ng masagwang gawa, isusubsob ang mga mukha nila sa Apoy. [Sasabihin:] "Gagantihan kaya kayo maliban pa ng anumang dati ninyong ginagawa?"

Verse 91

إِنَّمَآ أُمِرْتُ أَنْ أَعْبُدَ رَبَّ هَـٰذِهِ ٱلْبَلْدَةِ ٱلَّذِى حَرَّمَهَا وَلَهُۥ كُلُّ شَىْءٍ ۖ وَأُمِرْتُ أَنْ أَكُونَ مِنَ ٱلْمُسْلِمِينَ

Transliteration innamā umir'tu an aʿbuda rabba hādhihi l-baldati alladhī ḥarramahā walahu kullu shayin wa-umir'tu an akūna mina l-mus'limīna

Tagalog [Sabihin mo]: "Inutusan lamang ako na sumamba sa Panginoon ng bayang ito, na nagpabanal nito – at sa Kanya ang bawat bagay – at inutusan ako na maging kabilang ako sa mga tagapagpasakop

Verse 92

وَأَنْ أَتْلُوَا۟ ٱلْقُرْءَانَ ۖ فَمَنِ ٱهْتَدَىٰ فَإِنَّمَا يَهْتَدِى لِنَفْسِهِۦ ۖ وَمَن ضَلَّ فَقُلْ إِنَّمَآ أَنَا۠ مِنَ ٱلْمُنذِرِينَ

Transliteration wa-an atluwā l-qur'āna famani ih'tadā fa-innamā yahtadī linafsihi waman ḍalla faqul innamā anā mina l-mundhirīna

Tagalog at na bumigkas ako ng Qur’ān." Kaya ang sinumang napatnubayan ay napapatnubayan lamang para sa sarili niya at ang sinumang naligaw ay sabihin mo: "Ako ay kabilang sa mga tagapagbabala lamang."

Verse 93

وَقُلِ ٱلْحَمْدُ لِلَّهِ سَيُرِيكُمْ ءَايَـٰتِهِۦ فَتَعْرِفُونَهَا ۚ وَمَا رَبُّكَ بِغَـٰفِلٍ عَمَّا تَعْمَلُونَ

Transliteration waquli l-ḥamdu lillahi sayurīkum āyātihi fataʿrifūnahā wamā rabbuka bighāfilin ʿammā taʿmalūna

Tagalog Sabihin mo: "Ang papuri ay ukol kay Allāh. Magpapakita Siya sa inyo ng mga tanda Niya kaya makakikilala kayo sa mga ito. Ang Panginoon mo ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo."

Read Surah An-Naml in another language

All languages

All 114 surahs in Tagalog: the Qur’an in Tagalog.

Learn it in MyDugsi

Tagalog translation: Dar Al-Salam Center, from Quran.com. Transliteration: Quran.com. Recitation: Mishary Alafasy, from EveryAyah.com. MyDugsi is a learning aid, not a replacement for a qualified teacher.