MyDugsiStart learning

Surah Al-Qasas in Tagalog: translation and audio

Surah 28 · القصص · The Stories · 88 verses

Surah Al-Qasas verse by verse: the Arabic with a recitation you can repeat, the transliteration, and the Tagalog translation by Dar Al-Salam Center. For the meaning of every word, see Surah Al-Qasas word by word in English.

Verse 1

طسٓمٓ

Transliteration tta-seen-meem

Tagalog Ṭā. Sīn. Mīm.

Verse 2

تِلْكَ ءَايَـٰتُ ٱلْكِتَـٰبِ ٱلْمُبِينِ

Transliteration til'ka āyātu l-kitābi l-mubīni

Tagalog Ang mga ito ay ang mga talata ng Aklat na malinaw.

Verse 3

نَتْلُوا۟ عَلَيْكَ مِن نَّبَإِ مُوسَىٰ وَفِرْعَوْنَ بِٱلْحَقِّ لِقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ

Transliteration natlū ʿalayka min naba-i mūsā wafir'ʿawna bil-ḥaqi liqawmin yu'minūna

Tagalog Bumibigkas Kami sa iyo mula sa balita kay Moises at kay Paraon ayon sa katotohanan para sa mga taong sumasampalataya.

Verse 4

إِنَّ فِرْعَوْنَ عَلَا فِى ٱلْأَرْضِ وَجَعَلَ أَهْلَهَا شِيَعًا يَسْتَضْعِفُ طَآئِفَةً مِّنْهُمْ يُذَبِّحُ أَبْنَآءَهُمْ وَيَسْتَحْىِۦ نِسَآءَهُمْ ۚ إِنَّهُۥ كَانَ مِنَ ٱلْمُفْسِدِينَ

Transliteration inna fir'ʿawna ʿalā fī l-arḍi wajaʿala ahlahā shiyaʿan yastaḍʿifu ṭāifatan min'hum yudhabbiḥu abnāahum wayastaḥyī nisāahum innahu kāna mina l-muf'sidīna

Tagalog Tunay na si Paraon ay nagmataas sa lupain at gumawa sa mga naninirahan doon bilang mga kampihan habang naniniil sa isang pangkatin kabilang sa kanila: pinagkakatay niya ang mga lalaking anak nila at pinamumuhay niya ang mga babae nila. Tunay na siya noon ay kabilang sa mga tagagulo.

Verse 5

وَنُرِيدُ أَن نَّمُنَّ عَلَى ٱلَّذِينَ ٱسْتُضْعِفُوا۟ فِى ٱلْأَرْضِ وَنَجْعَلَهُمْ أَئِمَّةً وَنَجْعَلَهُمُ ٱلْوَٰرِثِينَ

Transliteration wanurīdu an namunna ʿalā alladhīna us'tuḍ'ʿifū fī l-arḍi wanajʿalahum a-immatan wanajʿalahumu l-wārithīna

Tagalog Nagnanais Kami na magmagandang-loob Kami sa mga siniil sa lupain, gumawa Kami sa kanila na mga pasimuno, gumawa Kami sa kanila na mga tagapagmana.

Verse 6

وَنُمَكِّنَ لَهُمْ فِى ٱلْأَرْضِ وَنُرِىَ فِرْعَوْنَ وَهَـٰمَـٰنَ وَجُنُودَهُمَا مِنْهُم مَّا كَانُوا۟ يَحْذَرُونَ

Transliteration wanumakkina lahum fī l-arḍi wanuriya fir'ʿawna wahāmāna wajunūdahumā min'hum mā kānū yaḥdharūna

Tagalog [Nagnanais Kami na] magbigay-kapangyarihan Kami sa kanila sa lupain at magpakita Kami kay Paraon, kay Hāmān, at sa mga kawal nilang dalawa kabilang sa kanila ng pinangingilagan nila noon.

Verse 7

وَأَوْحَيْنَآ إِلَىٰٓ أُمِّ مُوسَىٰٓ أَنْ أَرْضِعِيهِ ۖ فَإِذَا خِفْتِ عَلَيْهِ فَأَلْقِيهِ فِى ٱلْيَمِّ وَلَا تَخَافِى وَلَا تَحْزَنِىٓ ۖ إِنَّا رَآدُّوهُ إِلَيْكِ وَجَاعِلُوهُ مِنَ ٱلْمُرْسَلِينَ

Transliteration wa-awḥaynā ilā ummi mūsā an arḍiʿīhi fa-idhā khif'ti ʿalayhi fa-alqīhi fī l-yami walā takhāfī walā taḥzanī innā rāddūhu ilayki wajāʿilūhu mina l-mur'salīna

Tagalog Nagkasi Kami sa ina ni Moises, na [nagsasabi]: "Magpasuso ka sa kanya; ngunit kapag nangamba ka para sa kanya ay itapon mo siya sa ilog at huwag kang mangamba at huwag kang malungkot. Tunay na Kami ay magsasauli sa kanya sa iyo at gagawa sa kanya kabilang sa mga isinugo."

Verse 8

فَٱلْتَقَطَهُۥٓ ءَالُ فِرْعَوْنَ لِيَكُونَ لَهُمْ عَدُوًّا وَحَزَنًا ۗ إِنَّ فِرْعَوْنَ وَهَـٰمَـٰنَ وَجُنُودَهُمَا كَانُوا۟ خَـٰطِـِٔينَ

Transliteration fal-taqaṭahu ālu fir'ʿawna liyakūna lahum ʿaduwwan waḥazanan inna fir'ʿawna wahāmāna wajunūdahumā kānū khāṭiīna

Tagalog Kaya napulot siya ng mag-anak ni Paraon upang siya para sa kanila ay maging isang kaaway at isang kalungkutan. Tunay na si Paraon, si Hāmān, at ang mga kawal nilang dalawa ay mga nagkakamali noon.

Verse 9

وَقَالَتِ ٱمْرَأَتُ فِرْعَوْنَ قُرَّتُ عَيْنٍ لِّى وَلَكَ ۖ لَا تَقْتُلُوهُ عَسَىٰٓ أَن يَنفَعَنَآ أَوْ نَتَّخِذَهُۥ وَلَدًا وَهُمْ لَا يَشْعُرُونَ

Transliteration waqālati im'ra-atu fir'ʿawna qurratu ʿaynin lī walaka lā taqtulūhu ʿasā an yanfaʿanā aw nattakhidhahu waladan wahum lā yashʿurūna

Tagalog Nagsabi ang maybahay ni Paraon: "Isang lugod ng mata [siya] para sa akin at para sa iyo. Huwag ninyo siyang patayin; marahil magpapakinabang siya sa atin o maituturing natin siya bilang anak," habang sila ay hindi nakararamdam.

Verse 10

وَأَصْبَحَ فُؤَادُ أُمِّ مُوسَىٰ فَـٰرِغًا ۖ إِن كَادَتْ لَتُبْدِى بِهِۦ لَوْلَآ أَن رَّبَطْنَا عَلَىٰ قَلْبِهَا لِتَكُونَ مِنَ ٱلْمُؤْمِنِينَ

Transliteration wa-aṣbaḥa fuādu ummi mūsā fārighan in kādat latub'dī bihi lawlā an rabaṭnā ʿalā qalbihā litakūna mina l-mu'minīna

Tagalog Ang puso ng ina ni Moises ay naging hungkag. Tunay na muntik talagang maglantad ito sa kanya kung sakaling hindi Kami nagbigkis sa puso nito upang ito ay maging kabilang sa mga mananampalataya.

Verse 11

وَقَالَتْ لِأُخْتِهِۦ قُصِّيهِ ۖ فَبَصُرَتْ بِهِۦ عَن جُنُبٍ وَهُمْ لَا يَشْعُرُونَ

Transliteration waqālat li-ukh'tihi quṣṣīhi fabaṣurat bihi ʿan junubin wahum lā yashʿurūna

Tagalog Nagsabi ito sa babaing kapatid niya: "Magsubaybay ka sa kanya." Kaya nakakita iyon sa kanya mula sa malayo habang sila ay hindi nakararamdam.

Verse 12

۞ وَحَرَّمْنَا عَلَيْهِ ٱلْمَرَاضِعَ مِن قَبْلُ فَقَالَتْ هَلْ أَدُلُّكُمْ عَلَىٰٓ أَهْلِ بَيْتٍ يَكْفُلُونَهُۥ لَكُمْ وَهُمْ لَهُۥ نَـٰصِحُونَ

Transliteration waḥarramnā ʿalayhi l-marāḍiʿa min qablu faqālat hal adullukum ʿalā ahli baytin yakfulūnahu lakum wahum lahu nāṣiḥūna

Tagalog Nagbawal Kami sa kanya ng [ibang] mga tagapasuso bago pa niyan, kaya nagsabi iyon: "Magtuturo po kaya ako sa inyo ng isang bahay na kakandili sa kanya para sa inyo habang sila sa kanya ay mga tagapagpayo?"

Verse 13

فَرَدَدْنَـٰهُ إِلَىٰٓ أُمِّهِۦ كَىْ تَقَرَّ عَيْنُهَا وَلَا تَحْزَنَ وَلِتَعْلَمَ أَنَّ وَعْدَ ٱللَّهِ حَقٌّ وَلَـٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ

Transliteration faradadnāhu ilā ummihi kay taqarra ʿaynuhā walā taḥzana walitaʿlama anna waʿda l-lahi ḥaqqun walākinna aktharahum lā yaʿlamūna

Tagalog Kaya nagsauli Kami sa kanya sa ina niya upang magalak ang mata nito at hindi ito malungkot at upang makaalam ito na ang pangako ni Allāh ay totoo, subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.

Verse 14

وَلَمَّا بَلَغَ أَشُدَّهُۥ وَٱسْتَوَىٰٓ ءَاتَيْنَـٰهُ حُكْمًا وَعِلْمًا ۚ وَكَذَٰلِكَ نَجْزِى ٱلْمُحْسِنِينَ

Transliteration walammā balagha ashuddahu wa-is'tawā ātaynāhu ḥuk'man waʿil'man wakadhālika najzī l-muḥ'sinīna

Tagalog Noong umabot siya sa kalakasan niya at nalubos siya sa pag-iisip ay nagbigay Kami sa kanya ng karunungan at kaalaman. Gayon Kami gumaganti sa mga tagagawa ng maganda.

Verse 15

وَدَخَلَ ٱلْمَدِينَةَ عَلَىٰ حِينِ غَفْلَةٍ مِّنْ أَهْلِهَا فَوَجَدَ فِيهَا رَجُلَيْنِ يَقْتَتِلَانِ هَـٰذَا مِن شِيعَتِهِۦ وَهَـٰذَا مِنْ عَدُوِّهِۦ ۖ فَٱسْتَغَـٰثَهُ ٱلَّذِى مِن شِيعَتِهِۦ عَلَى ٱلَّذِى مِنْ عَدُوِّهِۦ فَوَكَزَهُۥ مُوسَىٰ فَقَضَىٰ عَلَيْهِ ۖ قَالَ هَـٰذَا مِنْ عَمَلِ ٱلشَّيْطَـٰنِ ۖ إِنَّهُۥ عَدُوٌّ مُّضِلٌّ مُّبِينٌ

Transliteration wadakhala l-madīnata ʿalā ḥīni ghaflatin min ahlihā fawajada fīhā rajulayni yaqtatilāni hādhā min shīʿatihi wahādhā min ʿaduwwihi fa-is'taghāthahu alladhī min shīʿatihi ʿalā alladhī min ʿaduwwihi fawakazahu mūsā faqaḍā ʿalayhi qāla hādhā min ʿamali l-shayṭāni innahu ʿaduwwun muḍillun mubīnun

Tagalog Pumasok siya sa lungsod sa isang sandali ng pagkalingat ng mga naninirahan doon saka nakatagpo siya roon ng dalawang lalaking nag-aaway. Itong [una] ay kabilang sa kakampi niya at itong [ikalawa] ay kabilang sa kaaway niya. Nagpasaklolo sa kanya ang kabilang sa kakampi niya laban sa kabilang sa kaaway niya. Kaya binuntal ito ni Moises saka napaslang niya ito. Nagsabi siya: "Ito ay kabilang sa gawain ng demonyo; tunay na siya ay isang kaaway na tagapagligaw na malinaw."

Verse 16

قَالَ رَبِّ إِنِّى ظَلَمْتُ نَفْسِى فَٱغْفِرْ لِى فَغَفَرَ لَهُۥٓ ۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلْغَفُورُ ٱلرَّحِيمُ

Transliteration qāla rabbi innī ẓalamtu nafsī fa-igh'fir lī faghafara lahu innahu huwa l-ghafūru l-raḥīmu

Tagalog Nagsabi siya: "Panginoon ko, tunay na ako ay lumabag sa katarungan sa sarili ko kaya magpatawad Ka sa akin." Kaya nagpatawad Siya rito. Tunay na Siya ay ang Mapagpatawad, ang Maawain.

Verse 17

قَالَ رَبِّ بِمَآ أَنْعَمْتَ عَلَىَّ فَلَنْ أَكُونَ ظَهِيرًا لِّلْمُجْرِمِينَ

Transliteration qāla rabbi bimā anʿamta ʿalayya falan akūna ẓahīran lil'muj'rimīna

Tagalog Nagsabi siya: "Panginoon ko, dahil sa ibiniyaya Mo sa akin, hindi ako magiging isang tagapagtaguyod para sa mga salarin."

Verse 18

فَأَصْبَحَ فِى ٱلْمَدِينَةِ خَآئِفًا يَتَرَقَّبُ فَإِذَا ٱلَّذِى ٱسْتَنصَرَهُۥ بِٱلْأَمْسِ يَسْتَصْرِخُهُۥ ۚ قَالَ لَهُۥ مُوسَىٰٓ إِنَّكَ لَغَوِىٌّ مُّبِينٌ

Transliteration fa-aṣbaḥa fī l-madīnati khāifan yataraqqabu fa-idhā alladhī is'tanṣarahu bil-amsi yastaṣrikhuhu qāla lahu mūsā innaka laghawiyyun mubīnun

Tagalog Kaya siya sa lungsod ay naging kinakabahang nag-aantabay, saka biglang ang nagpaadya sa kanya kahapon ay nagpapasalba na naman sa kanya. Nagsabi sa kanya si Moises: "Tunay na Ikaw ay talagang isang lisyang malinaw."

Verse 19

فَلَمَّآ أَنْ أَرَادَ أَن يَبْطِشَ بِٱلَّذِى هُوَ عَدُوٌّ لَّهُمَا قَالَ يَـٰمُوسَىٰٓ أَتُرِيدُ أَن تَقْتُلَنِى كَمَا قَتَلْتَ نَفْسًۢا بِٱلْأَمْسِ ۖ إِن تُرِيدُ إِلَّآ أَن تَكُونَ جَبَّارًا فِى ٱلْأَرْضِ وَمَا تُرِيدُ أَن تَكُونَ مِنَ ٱلْمُصْلِحِينَ

Transliteration falammā an arāda an yabṭisha bi-alladhī huwa ʿaduwwun lahumā qāla yāmūsā aturīdu an taqtulanī kamā qatalta nafsan bil-amsi in turīdu illā an takūna jabbāran fī l-arḍi wamā turīdu an takūna mina l-muṣ'liḥīna

Tagalog Kaya noong nagnais siya na sumunggab sa isang kaaway para sa kanilang dalawa ay nagsabi iyon: "O Moises, nagnanais ka ba na pumatay sa akin gaya ng pagpatay mo ng isang tao kahapon? Wala kang ninanais kundi ikaw ay maging isang mapaniil sa lupain at hindi ka nagnanais na ikaw ay maging kabilang sa mga tagapagsaayos."

Verse 20

وَجَآءَ رَجُلٌ مِّنْ أَقْصَا ٱلْمَدِينَةِ يَسْعَىٰ قَالَ يَـٰمُوسَىٰٓ إِنَّ ٱلْمَلَأَ يَأْتَمِرُونَ بِكَ لِيَقْتُلُوكَ فَٱخْرُجْ إِنِّى لَكَ مِنَ ٱلنَّـٰصِحِينَ

Transliteration wajāa rajulun min aqṣā l-madīnati yasʿā qāla yāmūsā inna l-mala-a yatamirūna bika liyaqtulūka fa-ukh'ruj innī laka mina l-nāṣiḥīna

Tagalog May dumating na isang lalaki mula sa pinakamalayo ng lungsod, na tumatakbo. Nagsabi ito: "O Moises, tunay ang pamunuan ay nagpupulong hinggil sa iyo upang patayin ka nila kaya lumisan ka. Tunay na ako para sa iyo ay kabilang sa mga tagapayo."

Verse 21

فَخَرَجَ مِنْهَا خَآئِفًا يَتَرَقَّبُ ۖ قَالَ رَبِّ نَجِّنِى مِنَ ٱلْقَوْمِ ٱلظَّـٰلِمِينَ

Transliteration fakharaja min'hā khāifan yataraqqabu qāla rabbi najjinī mina l-qawmi l-ẓālimīna

Tagalog Kaya lumisan siya mula roon habang kinakabahang nag-aantabay. Nagsabi siya: "Panginoon ko, iligtas Mo ako laban sa mga taong tagalabag sa katarungan."

Verse 22

وَلَمَّا تَوَجَّهَ تِلْقَآءَ مَدْيَنَ قَالَ عَسَىٰ رَبِّىٓ أَن يَهْدِيَنِى سَوَآءَ ٱلسَّبِيلِ

Transliteration walammā tawajjaha til'qāa madyana qāla ʿasā rabbī an yahdiyanī sawāa l-sabīli

Tagalog Noong nakadako siya sa bandang Madyan ay nagsabi siya: "Marahil ang Panginoon ko ay magpapatnubay sa akin sa katumpakan ng landas."

Verse 23

وَلَمَّا وَرَدَ مَآءَ مَدْيَنَ وَجَدَ عَلَيْهِ أُمَّةً مِّنَ ٱلنَّاسِ يَسْقُونَ وَوَجَدَ مِن دُونِهِمُ ٱمْرَأَتَيْنِ تَذُودَانِ ۖ قَالَ مَا خَطْبُكُمَا ۖ قَالَتَا لَا نَسْقِى حَتَّىٰ يُصْدِرَ ٱلرِّعَآءُ ۖ وَأَبُونَا شَيْخٌ كَبِيرٌ

Transliteration walammā warada māa madyana wajada ʿalayhi ummatan mina l-nāsi yasqūna wawajada min dūnihimu im'ra-atayni tadhūdāni qāla mā khaṭbukumā qālatā lā nasqī ḥattā yuṣ'dira l-riʿāu wa-abūnā shaykhun kabīrun

Tagalog Noong nakarating siya sa tubigan ng Madyan, nakatagpo siya roon ng isang kalipunan ng mga tao na nagpapainom [ng kawan] at nakatagpo siya bukod pa sa kanila ng dalawang babaing pumipigil [sa kawan]. Nagsabi siya: "Ano ang lagay ninyong dalawa?" Nagsabi silang dalawa: "Hindi kami nagpapainom [ng kawan] hanggang sa magpaalis ang mga pastol [ng kawan nila]. Ang ama namin ay lubhang matanda."

Verse 24

فَسَقَىٰ لَهُمَا ثُمَّ تَوَلَّىٰٓ إِلَى ٱلظِّلِّ فَقَالَ رَبِّ إِنِّى لِمَآ أَنزَلْتَ إِلَىَّ مِنْ خَيْرٍ فَقِيرٌ

Transliteration fasaqā lahumā thumma tawallā ilā l-ẓili faqāla rabbi innī limā anzalta ilayya min khayrin faqīrun

Tagalog Kaya nagpainom siya [sa kawan] para sa kanilang dalawa. Pagkatapos tumalikod siya patungo sa lilim saka nagsabi: "Panginoon ko, tunay na ako, sa pinababa Mo sa akin na anumang biyaya, ay maralita."

Verse 25

فَجَآءَتْهُ إِحْدَىٰهُمَا تَمْشِى عَلَى ٱسْتِحْيَآءٍ قَالَتْ إِنَّ أَبِى يَدْعُوكَ لِيَجْزِيَكَ أَجْرَ مَا سَقَيْتَ لَنَا ۚ فَلَمَّا جَآءَهُۥ وَقَصَّ عَلَيْهِ ٱلْقَصَصَ قَالَ لَا تَخَفْ ۖ نَجَوْتَ مِنَ ٱلْقَوْمِ ٱلظَّـٰلِمِينَ

Transliteration fajāathu iḥ'dāhumā tamshī ʿalā is'tiḥ'yāin qālat inna abī yadʿūka liyajziyaka ajra mā saqayta lanā falammā jāahu waqaṣṣa ʿalayhi l-qaṣaṣa qāla lā takhaf najawta mina l-qawmi l-ẓālimīna

Tagalog Kaya dumating sa kanya ang isa sa dalawang babae, na naglalakad sa pagkahiya. Nagsabi ito: "Tunay na ang ama ko ay nag-aanyaya sa iyo upang gumanti siya sa iyo ng pabuya sa pagpainom mo [sa kawan] para sa amin." Kaya noong dumating siya roon at nagsalaysay siya roon ng mga kasaysayan [niya] ay nagsabi iyon: "Huwag kang mangamba; naligtas ka mula sa mga taong tagalabag sa katarungan."

Verse 26

قَالَتْ إِحْدَىٰهُمَا يَـٰٓأَبَتِ ٱسْتَـْٔجِرْهُ ۖ إِنَّ خَيْرَ مَنِ ٱسْتَـْٔجَرْتَ ٱلْقَوِىُّ ٱلْأَمِينُ

Transliteration qālat iḥ'dāhumā yāabati is'tajir'hu inna khayra mani is'tajarta l-qawiyu l-amīnu

Tagalog Nagsabi ang isa sa kanilang dalawa: "O Ama ko, upahan mo siya; tunay na ang pinakamabuti na sinumang upahan mo ay ang malakas na mapagkakatiwalaan."

Verse 27

قَالَ إِنِّىٓ أُرِيدُ أَنْ أُنكِحَكَ إِحْدَى ٱبْنَتَىَّ هَـٰتَيْنِ عَلَىٰٓ أَن تَأْجُرَنِى ثَمَـٰنِىَ حِجَجٍ ۖ فَإِنْ أَتْمَمْتَ عَشْرًا فَمِنْ عِندِكَ ۖ وَمَآ أُرِيدُ أَنْ أَشُقَّ عَلَيْكَ ۚ سَتَجِدُنِىٓ إِن شَآءَ ٱللَّهُ مِنَ ٱلصَّـٰلِحِينَ

Transliteration qāla innī urīdu an unkiḥaka iḥ'dā ib'natayya hātayni ʿalā an tajuranī thamāniya ḥijajin fa-in atmamta ʿashran famin ʿindika wamā urīdu an ashuqqa ʿalayka satajidunī in shāa l-lahu mina l-ṣāliḥīna

Tagalog Nagsabi iyon: "Tunay na ako ay nagnanais na ipakasal ko sa iyo ang isa sa dalawang babaing anak ko na ito sa kundisyong magpaupa ka sa akin nang walong taon, ngunit kung lulubusin mo sa sampung [taon] ay nasa ganang iyo. Hindi ako nagnanais na magpabigat sa iyo. Matatagpuan mo ako, kung niloob ni Allāh, na kabilang sa mga maayos."

Verse 28

قَالَ ذَٰلِكَ بَيْنِى وَبَيْنَكَ ۖ أَيَّمَا ٱلْأَجَلَيْنِ قَضَيْتُ فَلَا عُدْوَٰنَ عَلَىَّ ۖ وَٱللَّهُ عَلَىٰ مَا نَقُولُ وَكِيلٌ

Transliteration qāla dhālika baynī wabaynaka ayyamā l-ajalayni qaḍaytu falā ʿud'wāna ʿalayya wal-lahu ʿalā mā naqūlu wakīlun

Tagalog Nagsabi siya: "Iyon ay sa pagitan ko at sa pagitan mo. Alin man sa dalawang taning na matatapos ko ay walang paglabag sa akin. Si Allāh sa anumang sinasabi natin ay Pinananaligan."

Verse 29

۞ فَلَمَّا قَضَىٰ مُوسَى ٱلْأَجَلَ وَسَارَ بِأَهْلِهِۦٓ ءَانَسَ مِن جَانِبِ ٱلطُّورِ نَارًا قَالَ لِأَهْلِهِ ٱمْكُثُوٓا۟ إِنِّىٓ ءَانَسْتُ نَارًا لَّعَلِّىٓ ءَاتِيكُم مِّنْهَا بِخَبَرٍ أَوْ جَذْوَةٍ مِّنَ ٱلنَّارِ لَعَلَّكُمْ تَصْطَلُونَ

Transliteration falammā qaḍā mūsā l-ajala wasāra bi-ahlihi ānasa min jānibi l-ṭūri nāran qāla li-ahlihi um'kuthū innī ānastu nāran laʿallī ātīkum min'hā bikhabarin aw jadhwatin mina l-nāri laʿallakum taṣṭalūna

Tagalog Kaya noong natapos ni Moises ang taning at humayo siya dala kasama ng mag-anak niya, nakatanaw siya mula sa gilid ng bundok ng isang apoy. Nagsabi siya sa mag-anak niya: "Manatili kayo; tunay na ako ay nakatanaw ng isang apoy. Harinawa ako ay makapaghahatid sa inyo mula roon ng isang ulat o isang baga mula sa apoy nang harinawa kayo ay makapagpapainit."

Verse 30

فَلَمَّآ أَتَىٰهَا نُودِىَ مِن شَـٰطِئِ ٱلْوَادِ ٱلْأَيْمَنِ فِى ٱلْبُقْعَةِ ٱلْمُبَـٰرَكَةِ مِنَ ٱلشَّجَرَةِ أَن يَـٰمُوسَىٰٓ إِنِّىٓ أَنَا ٱللَّهُ رَبُّ ٱلْعَـٰلَمِينَ

Transliteration falammā atāhā nūdiya min shāṭi-i l-wādi l-aymani fī l-buq'ʿati l-mubārakati mina l-shajarati an yāmūsā innī anā l-lahu rabbu l-ʿālamīna

Tagalog Kaya noong nakapunta siya roon, tinawag siya mula sa kanang pangpang ng lambak, sa pook na pinagpala, mula sa punong-kahoy, na [nagsasabi]: "O Moises, tunay na Ako ay si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.

Verse 31

وَأَنْ أَلْقِ عَصَاكَ ۖ فَلَمَّا رَءَاهَا تَهْتَزُّ كَأَنَّهَا جَآنٌّ وَلَّىٰ مُدْبِرًا وَلَمْ يُعَقِّبْ ۚ يَـٰمُوسَىٰٓ أَقْبِلْ وَلَا تَخَفْ ۖ إِنَّكَ مِنَ ٱلْـَٔامِنِينَ

Transliteration wa-an alqi ʿaṣāka falammā raāhā tahtazzu ka-annahā jānnun wallā mud'biran walam yuʿaqqib yāmūsā aqbil walā takhaf innaka mina l-āminīna

Tagalog Pumukol ka ng tungkod mo." Ngunit noong nakita niya ito na kumikislut-kislot na para bang ito ay isang ahas, tumalikod siya habang lumilisan at hindi lumingon. [Sinabi]: "O Moises, lumapit ka at huwag kang mangamba; tunay na ikaw ay kabilang sa mga tiwasay.

Verse 32

ٱسْلُكْ يَدَكَ فِى جَيْبِكَ تَخْرُجْ بَيْضَآءَ مِنْ غَيْرِ سُوٓءٍ وَٱضْمُمْ إِلَيْكَ جَنَاحَكَ مِنَ ٱلرَّهْبِ ۖ فَذَٰنِكَ بُرْهَـٰنَانِ مِن رَّبِّكَ إِلَىٰ فِرْعَوْنَ وَمَلَإِي۟هِۦٓ ۚ إِنَّهُمْ كَانُوا۟ قَوْمًا فَـٰسِقِينَ

Transliteration us'luk yadaka fī jaybika takhruj bayḍāa min ghayri sūin wa-uḍ'mum ilayka janāḥaka mina l-rahbi fadhānika bur'hānāni min rabbika ilā fir'ʿawna wamala-ihi innahum kānū qawman fāsiqīna

Tagalog Isingit mo ang kamay mo sa eskotadura mo, lalabas ito na maputi na walang sakit. Iyapos mo sa iyo ang kamay mo laban sa sindak. Kaya ang dalawang iyon ay dalawang patotoo mula sa Panginoon mo kay Paraon at sa konseho nito. Tunay na sila noon ay mga taong suwail."

Verse 33

قَالَ رَبِّ إِنِّى قَتَلْتُ مِنْهُمْ نَفْسًا فَأَخَافُ أَن يَقْتُلُونِ

Transliteration qāla rabbi innī qataltu min'hum nafsan fa-akhāfu an yaqtulūni

Tagalog Nagsabi ito: "Panginoon ko, tunay na ako ay nakapatay mula sa kanila ng isang tao kaya nangangamba ako na patayin nila ako.

Verse 34

وَأَخِى هَـٰرُونُ هُوَ أَفْصَحُ مِنِّى لِسَانًا فَأَرْسِلْهُ مَعِىَ رِدْءًا يُصَدِّقُنِىٓ ۖ إِنِّىٓ أَخَافُ أَن يُكَذِّبُونِ

Transliteration wa-akhī hārūnu huwa afṣaḥu minnī lisānan fa-arsil'hu maʿiya rid'an yuṣaddiqunī innī akhāfu an yukadhibūni

Tagalog Ang kapatid ko na si Aaron ay higit na matatas kaysa sa akin sa dila, kaya isugo Mo siya kasama sa akin bilang alalay na magpapatotoo sa akin. Tunay na ako ay nangangamba na magpasinungaling sila sa akin."

Verse 35

قَالَ سَنَشُدُّ عَضُدَكَ بِأَخِيكَ وَنَجْعَلُ لَكُمَا سُلْطَـٰنًا فَلَا يَصِلُونَ إِلَيْكُمَا ۚ بِـَٔايَـٰتِنَآ أَنتُمَا وَمَنِ ٱتَّبَعَكُمَا ٱلْغَـٰلِبُونَ

Transliteration qāla sanashuddu ʿaḍudaka bi-akhīka wanajʿalu lakumā sul'ṭānan falā yaṣilūna ilaykumā biāyātinā antumā wamani ittabaʿakumā l-ghālibūna

Tagalog Nagsabi Siya: "Magpapalakas Kami sa bisig mo sa pamamagitan ng kapatid mo at maglalagay Kami para sa inyong dalawa ng isang pangingibabaw kaya hindi sila makapagpapaaabot sa inyong dalawa [ng pinsala]. Dahil sa mga tanda Namin, kayong dalawa at ang sinumang sumunod sa inyo ay ang mga tagapanaig."

Verse 36

فَلَمَّا جَآءَهُم مُّوسَىٰ بِـَٔايَـٰتِنَا بَيِّنَـٰتٍ قَالُوا۟ مَا هَـٰذَآ إِلَّا سِحْرٌ مُّفْتَرًى وَمَا سَمِعْنَا بِهَـٰذَا فِىٓ ءَابَآئِنَا ٱلْأَوَّلِينَ

Transliteration falammā jāahum mūsā biāyātinā bayyinātin qālū mā hādhā illā siḥ'run muf'taran wamā samiʿ'nā bihādhā fī ābāinā l-awalīna

Tagalog Kaya noong naghatid sa kanila si Moises ng mga tanda Namin bilang mga naglilinaw ay nagsabi sila: "Walang iba ito kundi isang panggagaway na ginawa-gawa. Hindi kami nakarinig ng ganito sa mga ninuno naming sinauna."

Verse 37

وَقَالَ مُوسَىٰ رَبِّىٓ أَعْلَمُ بِمَن جَآءَ بِٱلْهُدَىٰ مِنْ عِندِهِۦ وَمَن تَكُونُ لَهُۥ عَـٰقِبَةُ ٱلدَّارِ ۖ إِنَّهُۥ لَا يُفْلِحُ ٱلظَّـٰلِمُونَ

Transliteration waqāla mūsā rabbī aʿlamu biman jāa bil-hudā min ʿindihi waman takūnu lahu ʿāqibatu l-dāri innahu lā yuf'liḥu l-ẓālimūna

Tagalog Nagsabi si Moises: "Ang Panginoon ko ay higit na maalam sa sinumang naghatid ng patnubay mula sa ganang Kanya at sa sinumang magkakaroon ng [mabuting] kahihinatnan sa Tahanan. Tunay na hindi magtatagumpay ang mga tagalabag sa katarungan.

Verse 38

وَقَالَ فِرْعَوْنُ يَـٰٓأَيُّهَا ٱلْمَلَأُ مَا عَلِمْتُ لَكُم مِّنْ إِلَـٰهٍ غَيْرِى فَأَوْقِدْ لِى يَـٰهَـٰمَـٰنُ عَلَى ٱلطِّينِ فَٱجْعَل لِّى صَرْحًا لَّعَلِّىٓ أَطَّلِعُ إِلَىٰٓ إِلَـٰهِ مُوسَىٰ وَإِنِّى لَأَظُنُّهُۥ مِنَ ٱلْكَـٰذِبِينَ

Transliteration waqāla fir'ʿawnu yāayyuhā l-mala-u mā ʿalim'tu lakum min ilāhin ghayrī fa-awqid lī yāhāmānu ʿalā l-ṭīni fa-ij'ʿal lī ṣarḥan laʿallī aṭṭaliʿu ilā ilāhi mūsā wa-innī la-aẓunnuhu mina l-kādhibīna

Tagalog Nagsabi si Paraon: "O konseho, hindi ko nalamang mayroon kayong isang diyos na iba pa sa Akin. Kaya magpaningas ka para sa akin, O Hāmān, sa luwad, at gumawa ka para sa akin ng isang tore nang sa gayon ako ay makapagmasid sa Diyos ni Moises. Tunay na ako ay talagang nagpapalagay na siya ay kabilang sa mga sinungaling."

Verse 39

وَٱسْتَكْبَرَ هُوَ وَجُنُودُهُۥ فِى ٱلْأَرْضِ بِغَيْرِ ٱلْحَقِّ وَظَنُّوٓا۟ أَنَّهُمْ إِلَيْنَا لَا يُرْجَعُونَ

Transliteration wa-is'takbara huwa wajunūduhu fī l-arḍi bighayri l-ḥaqi waẓannū annahum ilaynā lā yur'jaʿūna

Tagalog Nagmalaki siya at ang mga kawal niya sa lupain nang walang karapatan at nagpalagay sila na sila tungo sa Amin ay hindi pababalikin.

Verse 40

فَأَخَذْنَـٰهُ وَجُنُودَهُۥ فَنَبَذْنَـٰهُمْ فِى ٱلْيَمِّ ۖ فَٱنظُرْ كَيْفَ كَانَ عَـٰقِبَةُ ٱلظَّـٰلِمِينَ

Transliteration fa-akhadhnāhu wajunūdahu fanabadhnāhum fī l-yami fa-unẓur kayfa kāna ʿāqibatu l-ẓālimīna

Tagalog Kaya dumaklot Kami sa kanya at sa mga kawal niya saka itinapon Namin sila sa dagat. Kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagalabag sa katarungan.

Verse 41

وَجَعَلْنَـٰهُمْ أَئِمَّةً يَدْعُونَ إِلَى ٱلنَّارِ ۖ وَيَوْمَ ٱلْقِيَـٰمَةِ لَا يُنصَرُونَ

Transliteration wajaʿalnāhum a-immatan yadʿūna ilā l-nāri wayawma l-qiyāmati lā yunṣarūna

Tagalog Gumawa Kami sa kanila bilang mga pasimuno na nag-aanyaya tungo sa Apoy. Sa Araw ng Pagbangon ay hindi sila iaadya.

Verse 42

وَأَتْبَعْنَـٰهُمْ فِى هَـٰذِهِ ٱلدُّنْيَا لَعْنَةً ۖ وَيَوْمَ ٱلْقِيَـٰمَةِ هُم مِّنَ ٱلْمَقْبُوحِينَ

Transliteration wa-atbaʿnāhum fī hādhihi l-dun'yā laʿnatan wayawma l-qiyāmati hum mina l-maqbūḥīna

Tagalog Pinasundan Namin sila sa Mundong ito ng isang sumpa. Sa araw ng Pagbangon, sila ay kabilang sa mga pandidirihan.

Verse 43

وَلَقَدْ ءَاتَيْنَا مُوسَى ٱلْكِتَـٰبَ مِنۢ بَعْدِ مَآ أَهْلَكْنَا ٱلْقُرُونَ ٱلْأُولَىٰ بَصَآئِرَ لِلنَّاسِ وَهُدًى وَرَحْمَةً لَّعَلَّهُمْ يَتَذَكَّرُونَ

Transliteration walaqad ātaynā mūsā l-kitāba min baʿdi mā ahlaknā l-qurūna l-ūlā baṣāira lilnnāsi wahudan waraḥmatan laʿallahum yatadhakkarūna

Tagalog Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng kasulatan nang matapos na nagpahamak Kami sa mga sinaunang salinlahi bilang mga pagpapatalos para sa mga tao, bilang patnubay, at bilang awa, nang sa gayon sila ay magsasaalaala.

Verse 44

وَمَا كُنتَ بِجَانِبِ ٱلْغَرْبِىِّ إِذْ قَضَيْنَآ إِلَىٰ مُوسَى ٱلْأَمْرَ وَمَا كُنتَ مِنَ ٱلشَّـٰهِدِينَ

Transliteration wamā kunta bijānibi l-gharbiyi idh qaḍaynā ilā mūsā l-amra wamā kunta mina l-shāhidīna

Tagalog Hindi ka noon nasa gilid ng kanluraning bahagi noong nagtadhana Kami kay Moises ng utos at hindi ka noon kabilang sa mga saksi.

Verse 45

وَلَـٰكِنَّآ أَنشَأْنَا قُرُونًا فَتَطَاوَلَ عَلَيْهِمُ ٱلْعُمُرُ ۚ وَمَا كُنتَ ثَاوِيًا فِىٓ أَهْلِ مَدْيَنَ تَتْلُوا۟ عَلَيْهِمْ ءَايَـٰتِنَا وَلَـٰكِنَّا كُنَّا مُرْسِلِينَ

Transliteration walākinnā anshanā qurūnan fataṭāwala ʿalayhimu l-ʿumuru wamā kunta thāwiyan fī ahli madyana tatlū ʿalayhim āyātinā walākinnā kunnā mur'silīna

Tagalog Subalit Kami ay nagpaluwal ng mga salinlahi saka naghabaan sa kanila ang edad. Hindi ka noon nanunuluyan sa mga naninirahan sa Madyan, na bumibigkas sa kanila ng mga talata Namin, subalit Kami noon ay tagapagsugo.

Verse 46

وَمَا كُنتَ بِجَانِبِ ٱلطُّورِ إِذْ نَادَيْنَا وَلَـٰكِن رَّحْمَةً مِّن رَّبِّكَ لِتُنذِرَ قَوْمًا مَّآ أَتَىٰهُم مِّن نَّذِيرٍ مِّن قَبْلِكَ لَعَلَّهُمْ يَتَذَكَّرُونَ

Transliteration wamā kunta bijānibi l-ṭūri idh nādaynā walākin raḥmatan min rabbika litundhira qawman mā atāhum min nadhīrin min qablika laʿallahum yatadhakkarūna

Tagalog Hindi ka noon nasa gilid ng bundok noong nanawagan Kami [kay Moises] subalit [isinugo ka] bilang awa mula sa Panginoon mo upang magbabala ka sa mga taong walang pumunta sa kanila na anumang mapagbabala, bago mo pa, nang sa gayon sila ay magsasaalaala.

Verse 47

وَلَوْلَآ أَن تُصِيبَهُم مُّصِيبَةٌۢ بِمَا قَدَّمَتْ أَيْدِيهِمْ فَيَقُولُوا۟ رَبَّنَا لَوْلَآ أَرْسَلْتَ إِلَيْنَا رَسُولًا فَنَتَّبِعَ ءَايَـٰتِكَ وَنَكُونَ مِنَ ٱلْمُؤْمِنِينَ

Transliteration walawlā an tuṣībahum muṣībatun bimā qaddamat aydīhim fayaqūlū rabbanā lawlā arsalta ilaynā rasūlan fanattabiʿa āyātika wanakūna mina l-mu'minīna

Tagalog Kung hindi dahil na may tumama sa kanila na isang kasawian dahil sa ipinauna ng mga kamay nila para magsabi sila: "Panginoon Namin, bakit hindi Ka nagsugo sa amin ng isang sugo para sumunod kami sa mga talata Mo at kami ay maging kabilang sa mga mananampalataya?"

Verse 48

فَلَمَّا جَآءَهُمُ ٱلْحَقُّ مِنْ عِندِنَا قَالُوا۟ لَوْلَآ أُوتِىَ مِثْلَ مَآ أُوتِىَ مُوسَىٰٓ ۚ أَوَلَمْ يَكْفُرُوا۟ بِمَآ أُوتِىَ مُوسَىٰ مِن قَبْلُ ۖ قَالُوا۟ سِحْرَانِ تَظَـٰهَرَا وَقَالُوٓا۟ إِنَّا بِكُلٍّ كَـٰفِرُونَ

Transliteration falammā jāahumu l-ḥaqu min ʿindinā qālū lawlā ūtiya mith'la mā ūtiya mūsā awalam yakfurū bimā ūtiya mūsā min qablu qālū siḥ'rāni taẓāharā waqālū innā bikullin kāfirūna

Tagalog Ngunit noong dumating sa kanila ang katotohanan mula sa ganang Amin ay nagsabi sila: "Bakit hindi siya binigyan ng tulad sa ibinigay kay Moises?" Hindi ba sila tumangging sumampalataya sa ibinigay kay Moises bago pa niyan? Nagsabi sila: "Dalawang panggagaway na nagtataguyudan." Nagsabi sila: "Tunay na kami sa bawat [isa] ay mga tagatangging sumampalataya."

Verse 49

قُلْ فَأْتُوا۟ بِكِتَـٰبٍ مِّنْ عِندِ ٱللَّهِ هُوَ أَهْدَىٰ مِنْهُمَآ أَتَّبِعْهُ إِن كُنتُمْ صَـٰدِقِينَ

Transliteration qul fatū bikitābin min ʿindi l-lahi huwa ahdā min'humā attabiʿ'hu in kuntum ṣādiqīna

Tagalog Sabihin mo: "Kaya magbigay kayo ng isang kasulatan mula sa ganang kay Allāh na higit na mapaggabay kaysa sa dalawang ito, susunod ako roon kung kayo ay mga tapat."

Verse 50

فَإِن لَّمْ يَسْتَجِيبُوا۟ لَكَ فَٱعْلَمْ أَنَّمَا يَتَّبِعُونَ أَهْوَآءَهُمْ ۚ وَمَنْ أَضَلُّ مِمَّنِ ٱتَّبَعَ هَوَىٰهُ بِغَيْرِ هُدًى مِّنَ ٱللَّهِ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهْدِى ٱلْقَوْمَ ٱلظَّـٰلِمِينَ

Transliteration fa-in lam yastajībū laka fa-iʿ'lam annamā yattabiʿūna ahwāahum waman aḍallu mimmani ittabaʿa hawāhu bighayri hudan mina l-lahi inna l-laha lā yahdī l-qawma l-ẓālimīna

Tagalog Ngunit kung hindi sila tumugon sa iyo ay alamin mo na sumusunod lamang sila sa mga pithaya nila. Sino pa ang higit na ligaw kaysa sa sinumang sumunod sa pithaya niya nang walang patnubay mula kay Allāh? Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan.

Verse 51

۞ وَلَقَدْ وَصَّلْنَا لَهُمُ ٱلْقَوْلَ لَعَلَّهُمْ يَتَذَكَّرُونَ

Transliteration walaqad waṣṣalnā lahumu l-qawla laʿallahum yatadhakkarūna

Tagalog Talaga ngang nagparating Kami sa kanila ng sinabi, nang sa gayon sila ay magsasaalaala.

Verse 52

ٱلَّذِينَ ءَاتَيْنَـٰهُمُ ٱلْكِتَـٰبَ مِن قَبْلِهِۦ هُم بِهِۦ يُؤْمِنُونَ

Transliteration alladhīna ātaynāhumu l-kitāba min qablihi hum bihi yu'minūna

Tagalog Ang mga binigyan Namin ng kasulatan bago pa nito, sila rito ay sumasampalataya.

Verse 53

وَإِذَا يُتْلَىٰ عَلَيْهِمْ قَالُوٓا۟ ءَامَنَّا بِهِۦٓ إِنَّهُ ٱلْحَقُّ مِن رَّبِّنَآ إِنَّا كُنَّا مِن قَبْلِهِۦ مُسْلِمِينَ

Transliteration wa-idhā yut'lā ʿalayhim qālū āmannā bihi innahu l-ḥaqu min rabbinā innā kunnā min qablihi mus'limīna

Tagalog Kapag binibigkas ito sa kanila ay nagsasabi sila: "Sumampalataya kami rito. Tunay na ito ay ang katotohanan mula sa Panginoon Namin. Tunay na kami dati bago pa niyon ay mga tagapagpasakop."

Verse 54

أُو۟لَـٰٓئِكَ يُؤْتَوْنَ أَجْرَهُم مَّرَّتَيْنِ بِمَا صَبَرُوا۟ وَيَدْرَءُونَ بِٱلْحَسَنَةِ ٱلسَّيِّئَةَ وَمِمَّا رَزَقْنَـٰهُمْ يُنفِقُونَ

Transliteration ulāika yu'tawna ajrahum marratayni bimā ṣabarū wayadraūna bil-ḥasanati l-sayi-ata wamimmā razaqnāhum yunfiqūna

Tagalog Ang mga iyon ay bibigyan ng pabuya nila nang dalawang ulit dahil nagtiis sila at nagtataboy sila sa pamamagitan ng magandang gawa sa masagwang gawa, at mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol sila.

Verse 55

وَإِذَا سَمِعُوا۟ ٱللَّغْوَ أَعْرَضُوا۟ عَنْهُ وَقَالُوا۟ لَنَآ أَعْمَـٰلُنَا وَلَكُمْ أَعْمَـٰلُكُمْ سَلَـٰمٌ عَلَيْكُمْ لَا نَبْتَغِى ٱلْجَـٰهِلِينَ

Transliteration wa-idhā samiʿū l-laghwa aʿraḍū ʿanhu waqālū lanā aʿmālunā walakum aʿmālukum salāmun ʿalaykum lā nabtaghī l-jāhilīna

Tagalog Kapag nakarinig sila ng kabalbalan ay umaayaw sila rito at nagsasabi sila: "Ukol sa amin ang mga gawa namin at ukol sa inyo ang mga gawa ninyo. Kapayapaan sa inyo. Hindi kami naghahangad sa mga mangmang."

Verse 56

إِنَّكَ لَا تَهْدِى مَنْ أَحْبَبْتَ وَلَـٰكِنَّ ٱللَّهَ يَهْدِى مَن يَشَآءُ ۚ وَهُوَ أَعْلَمُ بِٱلْمُهْتَدِينَ

Transliteration innaka lā tahdī man aḥbabta walākinna l-laha yahdī man yashāu wahuwa aʿlamu bil-muh'tadīna

Tagalog Tunay na ikaw ay hindi pumapatnubay sa sinumang inibig mo, subalit si Allāh ay pumapatnubay sa sinumang niloloob Niya. Siya ay higit na maalam sa mga napapatnubayan.

Verse 57

وَقَالُوٓا۟ إِن نَّتَّبِعِ ٱلْهُدَىٰ مَعَكَ نُتَخَطَّفْ مِنْ أَرْضِنَآ ۚ أَوَلَمْ نُمَكِّن لَّهُمْ حَرَمًا ءَامِنًا يُجْبَىٰٓ إِلَيْهِ ثَمَرَٰتُ كُلِّ شَىْءٍ رِّزْقًا مِّن لَّدُنَّا وَلَـٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ

Transliteration waqālū in nattabiʿi l-hudā maʿaka nutakhaṭṭaf min arḍinā awalam numakkin lahum ḥaraman āminan yuj'bā ilayhi thamarātu kulli shayin riz'qan min ladunnā walākinna aktharahum lā yaʿlamūna

Tagalog Nagsabi sila: "Kung susunod kami sa patnubay kasama sa iyo ay pagtatangayin kami mula sa lupain namin." Hindi ba nagbigay-kapangyarihan Kami para sa kanila sa isang kanlungang tiwasay na hinahakot doon ang mga bunga ng bawat bagay bilang panustos mula sa nasa Amin? Subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.

Verse 58

وَكَمْ أَهْلَكْنَا مِن قَرْيَةٍۭ بَطِرَتْ مَعِيشَتَهَا ۖ فَتِلْكَ مَسَـٰكِنُهُمْ لَمْ تُسْكَن مِّنۢ بَعْدِهِمْ إِلَّا قَلِيلًا ۖ وَكُنَّا نَحْنُ ٱلْوَٰرِثِينَ

Transliteration wakam ahlaknā min qaryatin baṭirat maʿīshatahā fatil'ka masākinuhum lam tus'kan min baʿdihim illā qalīlan wakunnā naḥnu l-wārithīna

Tagalog Kay rami ng ipinahamak Namin na pamayanang nagpawalang-pakundangan sa pamumuhay nito, kaya iyon ang mga tirahan nila na hindi tinirahan nang matapos nila maliban ng kaunti. Laging Kami ay ang Tagapagmana.

Verse 59

وَمَا كَانَ رَبُّكَ مُهْلِكَ ٱلْقُرَىٰ حَتَّىٰ يَبْعَثَ فِىٓ أُمِّهَا رَسُولًا يَتْلُوا۟ عَلَيْهِمْ ءَايَـٰتِنَا ۚ وَمَا كُنَّا مُهْلِكِى ٱلْقُرَىٰٓ إِلَّا وَأَهْلُهَا ظَـٰلِمُونَ

Transliteration wamā kāna rabbuka muh'lika l-qurā ḥattā yabʿatha fī ummihā rasūlan yatlū ʿalayhim āyātinā wamā kunnā muh'likī l-qurā illā wa-ahluhā ẓālimūna

Tagalog Hindi nangyaring ang Panginoon mo ay magpapahamak ng mga pamayanan hanggang sa magpadala Siya sa ina ng mga ito ng isang sugong bibigkas sa kanila ng mga talata Namin. Hindi nangyaring Kami ay magpapahamak ng mga pamayanan maliban [kung] ang mga naninirahan sa mga iyon ay mga tagalabag sa katarungan.

Verse 60

وَمَآ أُوتِيتُم مِّن شَىْءٍ فَمَتَـٰعُ ٱلْحَيَوٰةِ ٱلدُّنْيَا وَزِينَتُهَا ۚ وَمَا عِندَ ٱللَّهِ خَيْرٌ وَأَبْقَىٰٓ ۚ أَفَلَا تَعْقِلُونَ

Transliteration wamā ūtītum min shayin famatāʿu l-ḥayati l-dun'yā wazīnatuhā wamā ʿinda l-lahi khayrun wa-abqā afalā taʿqilūna

Tagalog Ang ibinigay sa inyo na anumang bagay ay isang natatamasa sa buhay na pangmundo at gayak nito. Ang nasa ganang kay Allāh ay higit na mabuti at higit na nagtatagal. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa?

Verse 61

أَفَمَن وَعَدْنَـٰهُ وَعْدًا حَسَنًا فَهُوَ لَـٰقِيهِ كَمَن مَّتَّعْنَـٰهُ مَتَـٰعَ ٱلْحَيَوٰةِ ٱلدُّنْيَا ثُمَّ هُوَ يَوْمَ ٱلْقِيَـٰمَةِ مِنَ ٱلْمُحْضَرِينَ

Transliteration afaman waʿadnāhu waʿdan ḥasanan fahuwa lāqīhi kaman mattaʿnāhu matāʿa l-ḥayati l-dun'yā thumma huwa yawma l-qiyāmati mina l-muḥ'ḍarīna

Tagalog Kaya ba ang sinumang pinangakuan Namin ng isang pangakong maganda – saka siya ay makakatagpo niyon – ay gaya ng sinumang pinagtamasa Namin ng natatamasa sa buhay na pangmundo, pagkatapos siya sa Araw ng Pagbangon ay kabilang sa mga padadaluhin [sa Impiyerno]?

Verse 62

وَيَوْمَ يُنَادِيهِمْ فَيَقُولُ أَيْنَ شُرَكَآءِىَ ٱلَّذِينَ كُنتُمْ تَزْعُمُونَ

Transliteration wayawma yunādīhim fayaqūlu ayna shurakāiya alladhīna kuntum tazʿumūna

Tagalog [Banggitin mo] ang araw na mananawagan Siya sa kanila saka magsasabi: "Nasaan ang mga katambal sa Akin na dati ninyong inaangkin?"

Verse 63

قَالَ ٱلَّذِينَ حَقَّ عَلَيْهِمُ ٱلْقَوْلُ رَبَّنَا هَـٰٓؤُلَآءِ ٱلَّذِينَ أَغْوَيْنَآ أَغْوَيْنَـٰهُمْ كَمَا غَوَيْنَا ۖ تَبَرَّأْنَآ إِلَيْكَ ۖ مَا كَانُوٓا۟ إِيَّانَا يَعْبُدُونَ

Transliteration qāla alladhīna ḥaqqa ʿalayhimu l-qawlu rabbanā hāulāi alladhīna aghwaynā aghwaynāhum kamā ghawaynā tabarranā ilayka mā kānū iyyānā yaʿbudūna

Tagalog Nagsabi ang mga magkakatotoo sa kanila ang sabi: "Panginoon namin, ang mga inilisya naming ito ay inilisya namin sila kung paanong nalisya kami. Nagpapawalang-kaugnayan kami sa harap Mo [mula sa kanila]. Hindi dati sila sa Amin sumasamba."

Verse 64

وَقِيلَ ٱدْعُوا۟ شُرَكَآءَكُمْ فَدَعَوْهُمْ فَلَمْ يَسْتَجِيبُوا۟ لَهُمْ وَرَأَوُا۟ ٱلْعَذَابَ ۚ لَوْ أَنَّهُمْ كَانُوا۟ يَهْتَدُونَ

Transliteration waqīla id'ʿū shurakāakum fadaʿawhum falam yastajībū lahum wara-awū l-ʿadhāba law annahum kānū yahtadūna

Tagalog Sasabihin: "Dumalangin kayo sa mga pantambal ninyo," saka dadalangin sila sa mga iyon ngunit hindi tutugon ang mga iyon sa kanila at makikita nila ang pagdurusa. Kung sana sila noon ay napapatnubayan.

Verse 65

وَيَوْمَ يُنَادِيهِمْ فَيَقُولُ مَاذَآ أَجَبْتُمُ ٱلْمُرْسَلِينَ

Transliteration wayawma yunādīhim fayaqūlu mādhā ajabtumu l-mur'salīna

Tagalog [Banggitin mo] ang araw na mananawagan Siya sa kanila saka magsasabi Siya: "Ano ang isinagot ninyo sa mga isinugo?"

Verse 66

فَعَمِيَتْ عَلَيْهِمُ ٱلْأَنۢبَآءُ يَوْمَئِذٍ فَهُمْ لَا يَتَسَآءَلُونَ

Transliteration faʿamiyat ʿalayhimu l-anbāu yawma-idhin fahum lā yatasāalūna

Tagalog Ngunit nalingid sa kanila ang mga balita sa Araw na iyon kaya sila ay hindi magtatanungan.

Verse 67

فَأَمَّا مَن تَابَ وَءَامَنَ وَعَمِلَ صَـٰلِحًا فَعَسَىٰٓ أَن يَكُونَ مِنَ ٱلْمُفْلِحِينَ

Transliteration fa-ammā man tāba waāmana waʿamila ṣāliḥan faʿasā an yakūna mina l-muf'liḥīna

Tagalog Ngunit hinggil sa sinumang nagbalik-loob, sumampalataya, at gumawa ng maayos, marahil siya ay maging kabilang sa mga magtatagumpay.

Verse 68

وَرَبُّكَ يَخْلُقُ مَا يَشَآءُ وَيَخْتَارُ ۗ مَا كَانَ لَهُمُ ٱلْخِيَرَةُ ۚ سُبْحَـٰنَ ٱللَّهِ وَتَعَـٰلَىٰ عَمَّا يُشْرِكُونَ

Transliteration warabbuka yakhluqu mā yashāu wayakhtāru mā kāna lahumu l-khiyaratu sub'ḥāna l-lahi wataʿālā ʿammā yush'rikūna

Tagalog Ang Panginoon mo ay lumilikha ng anumang niloloob Niya at pinipili Niya. Hindi naging ukol sa kanila ang pagpili. Kaluwalhatian kay Allāh at pagkataas-taas Siya kaysa sa anumang itinatambal nila.

Verse 69

وَرَبُّكَ يَعْلَمُ مَا تُكِنُّ صُدُورُهُمْ وَمَا يُعْلِنُونَ

Transliteration warabbuka yaʿlamu mā tukinnu ṣudūruhum wamā yuʿ'linūna

Tagalog Ang Panginoon mo ay nakaaalam sa anumang kinimkim ng mga dibdib nila at anumang ipinahahayag nila.

Verse 70

وَهُوَ ٱللَّهُ لَآ إِلَـٰهَ إِلَّا هُوَ ۖ لَهُ ٱلْحَمْدُ فِى ٱلْأُولَىٰ وَٱلْـَٔاخِرَةِ ۖ وَلَهُ ٱلْحُكْمُ وَإِلَيْهِ تُرْجَعُونَ

Transliteration wahuwa l-lahu lā ilāha illā huwa lahu l-ḥamdu fī l-ūlā wal-ākhirati walahu l-ḥuk'mu wa-ilayhi tur'jaʿūna

Tagalog Siya ay si Allāh; walang Diyos kundi Siya. Ukol sa Kanya ang papuri sa Unang-buhay at Kabilang-buhay. Ukol sa Kanya ang paghahatol at tungo sa Kanya pababalikin kayo.

Verse 71

قُلْ أَرَءَيْتُمْ إِن جَعَلَ ٱللَّهُ عَلَيْكُمُ ٱلَّيْلَ سَرْمَدًا إِلَىٰ يَوْمِ ٱلْقِيَـٰمَةِ مَنْ إِلَـٰهٌ غَيْرُ ٱللَّهِ يَأْتِيكُم بِضِيَآءٍ ۖ أَفَلَا تَسْمَعُونَ

Transliteration qul ara-aytum in jaʿala l-lahu ʿalaykumu al-layla sarmadan ilā yawmi l-qiyāmati man ilāhun ghayru l-lahi yatīkum biḍiyāin afalā tasmaʿūna

Tagalog Sabihin mo: "Nakakita ba kayo – kung gumawa si Allāh laban sa inyo ng gabi bilang patuloy hanggang sa Araw ng Pagbangon – kung sino ang isang diyos na iba pa kay Allāh, na magdadala sa inyo ng isang tanglaw? Kaya hindi ba kayo nakaririnig?"

Verse 72

قُلْ أَرَءَيْتُمْ إِن جَعَلَ ٱللَّهُ عَلَيْكُمُ ٱلنَّهَارَ سَرْمَدًا إِلَىٰ يَوْمِ ٱلْقِيَـٰمَةِ مَنْ إِلَـٰهٌ غَيْرُ ٱللَّهِ يَأْتِيكُم بِلَيْلٍ تَسْكُنُونَ فِيهِ ۖ أَفَلَا تُبْصِرُونَ

Transliteration qul ara-aytum in jaʿala l-lahu ʿalaykumu l-nahāra sarmadan ilā yawmi l-qiyāmati man ilāhun ghayru l-lahi yatīkum bilaylin taskunūna fīhi afalā tub'ṣirūna

Tagalog Sabihin mo: "Nakakita ba kayo – kung gumawa si Allāh laban sa inyo ng gabi bilang patuloy hanggang sa Araw ng Pagbangon – kung sino ang isang diyos na iba pa kay Allāh, na magdadala sa inyo ng isang gabi na tatahan kayo roon? Kaya hindi ba kayo nakakikita?"

Verse 73

وَمِن رَّحْمَتِهِۦ جَعَلَ لَكُمُ ٱلَّيْلَ وَٱلنَّهَارَ لِتَسْكُنُوا۟ فِيهِ وَلِتَبْتَغُوا۟ مِن فَضْلِهِۦ وَلَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ

Transliteration wamin raḥmatihi jaʿala lakumu al-layla wal-nahāra litaskunū fīhi walitabtaghū min faḍlihi walaʿallakum tashkurūna

Tagalog Bahagi ng awa Niya, gumawa Siya para inyo ng gabi at maghapon upang mamahinga kayo roon at upang maghanap kayo ng kagandahang-loob Niya, at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat.

Verse 74

وَيَوْمَ يُنَادِيهِمْ فَيَقُولُ أَيْنَ شُرَكَآءِىَ ٱلَّذِينَ كُنتُمْ تَزْعُمُونَ

Transliteration wayawma yunādīhim fayaqūlu ayna shurakāiya alladhīna kuntum tazʿumūna

Tagalog [Banggitin] ang araw na mananawagan Siya sa kanila saka magsasabi: "Nasaan ang mga katambal sa Akin na dati ninyong inaangkin?"

Verse 75

وَنَزَعْنَا مِن كُلِّ أُمَّةٍ شَهِيدًا فَقُلْنَا هَاتُوا۟ بُرْهَـٰنَكُمْ فَعَلِمُوٓا۟ أَنَّ ٱلْحَقَّ لِلَّهِ وَضَلَّ عَنْهُم مَّا كَانُوا۟ يَفْتَرُونَ

Transliteration wanazaʿnā min kulli ummatin shahīdan faqul'nā hātū bur'hānakum faʿalimū anna l-ḥaqa lillahi waḍalla ʿanhum mā kānū yaftarūna

Tagalog Huhugot Kami mula sa bawat kalipunan ng isang saksi, saka magsasabi Kami: "Magbigay kayo ng patotoo ninyo," saka makaaalam sila na ang katotohanan ay sa kay Allāh. Mawawala sa kanila ang dati nilang ginagawa-gawa.

Verse 76

۞ إِنَّ قَـٰرُونَ كَانَ مِن قَوْمِ مُوسَىٰ فَبَغَىٰ عَلَيْهِمْ ۖ وَءَاتَيْنَـٰهُ مِنَ ٱلْكُنُوزِ مَآ إِنَّ مَفَاتِحَهُۥ لَتَنُوٓأُ بِٱلْعُصْبَةِ أُو۟لِى ٱلْقُوَّةِ إِذْ قَالَ لَهُۥ قَوْمُهُۥ لَا تَفْرَحْ ۖ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ ٱلْفَرِحِينَ

Transliteration inna qārūna kāna min qawmi mūsā fabaghā ʿalayhim waātaynāhu mina l-kunūzi mā inna mafātiḥahu latanūu bil-ʿuṣ'bati ulī l-quwati idh qāla lahu qawmuhu lā tafraḥ inna l-laha lā yuḥibbu l-fariḥīna

Tagalog Tunay na si Qārūn noon ay kabilang sa mga kalipi ni Moises ngunit nagpakapalalo siya sa kanila. Nagbigay Kami sa kanya ng mga kayamanan, na tunay na ang mga susi niya ay talagang makabibigat sa pangkat na mga may lakas, noong nagsabi sa kanya ang mga kalipi niya: "Huwag kang matuwa; tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga natutuwa [gaya nito].

Verse 77

وَٱبْتَغِ فِيمَآ ءَاتَىٰكَ ٱللَّهُ ٱلدَّارَ ٱلْـَٔاخِرَةَ ۖ وَلَا تَنسَ نَصِيبَكَ مِنَ ٱلدُّنْيَا ۖ وَأَحْسِن كَمَآ أَحْسَنَ ٱللَّهُ إِلَيْكَ ۖ وَلَا تَبْغِ ٱلْفَسَادَ فِى ٱلْأَرْضِ ۖ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ ٱلْمُفْسِدِينَ

Transliteration wa-ib'taghi fīmā ātāka l-lahu l-dāra l-ākhirata walā tansa naṣībaka mina l-dun'yā wa-aḥsin kamā aḥsana l-lahu ilayka walā tabghi l-fasāda fī l-arḍi inna l-laha lā yuḥibbu l-muf'sidīna

Tagalog Hangarin mo sa anumang ibinigay sa iyo ni Allāh ang tahanan sa Kabilang-buhay at huwag mong kalimutan ang bahagi mo sa Mundo. Gumawa ka ng maganda kung paanong gumawa ng maganda si Allāh sa iyo at huwag mong hangarin ang kaguluhan sa lupa; tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga tagagulo."

Verse 78

قَالَ إِنَّمَآ أُوتِيتُهُۥ عَلَىٰ عِلْمٍ عِندِىٓ ۚ أَوَلَمْ يَعْلَمْ أَنَّ ٱللَّهَ قَدْ أَهْلَكَ مِن قَبْلِهِۦ مِنَ ٱلْقُرُونِ مَنْ هُوَ أَشَدُّ مِنْهُ قُوَّةً وَأَكْثَرُ جَمْعًا ۚ وَلَا يُسْـَٔلُ عَن ذُنُوبِهِمُ ٱلْمُجْرِمُونَ

Transliteration qāla innamā ūtītuhu ʿalā ʿil'min ʿindī awalam yaʿlam anna l-laha qad ahlaka min qablihi mina l-qurūni man huwa ashaddu min'hu quwwatan wa-aktharu jamʿan walā yus'alu ʿan dhunūbihimu l-muj'rimūna

Tagalog Nagsabi siya: "Binigyan lamang ako nito dahil sa isang kaalamang taglay ko." Hindi ba siya nakaalam na si Allāh ay nagpahamak nga bago pa niya ng mga salinlahi na higit na matindi kaysa sa kanya sa lakas at higit na marami sa natipon. Hindi tatanungin tungkol sa mga pagkakasala nila ang mga salarin.

Verse 79

فَخَرَجَ عَلَىٰ قَوْمِهِۦ فِى زِينَتِهِۦ ۖ قَالَ ٱلَّذِينَ يُرِيدُونَ ٱلْحَيَوٰةَ ٱلدُّنْيَا يَـٰلَيْتَ لَنَا مِثْلَ مَآ أُوتِىَ قَـٰرُونُ إِنَّهُۥ لَذُو حَظٍّ عَظِيمٍ

Transliteration fakharaja ʿalā qawmihi fī zīnatihi qāla alladhīna yurīdūna l-ḥayata l-dun'yā yālayta lanā mith'la mā ūtiya qārūnu innahu ladhū ḥaẓẓin ʿaẓīmin

Tagalog Kaya lumabas siya sa mga kalipi niya sa gayak niya. Nagsabi ang mga nagnanais sa buhay na pangmundo: "O kung sana mayroon tayong tulad ng ibinigay kay Qārūn; tunay na siya ay talagang may isang bahaging sukdulan."

Verse 80

وَقَالَ ٱلَّذِينَ أُوتُوا۟ ٱلْعِلْمَ وَيْلَكُمْ ثَوَابُ ٱللَّهِ خَيْرٌ لِّمَنْ ءَامَنَ وَعَمِلَ صَـٰلِحًا وَلَا يُلَقَّىٰهَآ إِلَّا ٱلصَّـٰبِرُونَ

Transliteration waqāla alladhīna ūtū l-ʿil'ma waylakum thawābu l-lahi khayrun liman āmana waʿamila ṣāliḥan walā yulaqqāhā illā l-ṣābirūna

Tagalog Nagsabi naman ang mga binigyan ng kaalaman: "Kapighatian sa inyo! Ang gantimpala ni Allāh ay higit na mabuti para sa sinumang sumampalataya at gumawa ng maayos. Walang gagawaran niyon kundi ang mga tagapagtiis."

Verse 81

فَخَسَفْنَا بِهِۦ وَبِدَارِهِ ٱلْأَرْضَ فَمَا كَانَ لَهُۥ مِن فِئَةٍ يَنصُرُونَهُۥ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَمَا كَانَ مِنَ ٱلْمُنتَصِرِينَ

Transliteration fakhasafnā bihi wabidārihi l-arḍa famā kāna lahu min fi-atin yanṣurūnahu min dūni l-lahi wamā kāna mina l-muntaṣirīna

Tagalog Kaya ipinalamon Namin siya at ang tahanan niya sa lupa. Hindi siya nagkaroon ng anumang pangkat na mag-aadya sa kanya bukod pa kay Allāh at hindi nangyaring siya ay kabilang sa mga inaadya.

Verse 82

وَأَصْبَحَ ٱلَّذِينَ تَمَنَّوْا۟ مَكَانَهُۥ بِٱلْأَمْسِ يَقُولُونَ وَيْكَأَنَّ ٱللَّهَ يَبْسُطُ ٱلرِّزْقَ لِمَن يَشَآءُ مِنْ عِبَادِهِۦ وَيَقْدِرُ ۖ لَوْلَآ أَن مَّنَّ ٱللَّهُ عَلَيْنَا لَخَسَفَ بِنَا ۖ وَيْكَأَنَّهُۥ لَا يُفْلِحُ ٱلْكَـٰفِرُونَ

Transliteration wa-aṣbaḥa alladhīna tamannaw makānahu bil-amsi yaqūlūna wayka-anna l-laha yabsuṭu l-riz'qa liman yashāu min ʿibādihi wayaqdiru lawlā an manna l-lahu ʿalaynā lakhasafa binā wayka-annahu lā yuf'liḥu l-kāfirūna

Tagalog Kinaumagahan, ang mga nagmithi ng kinalalagyan niya kahapon ay nagsasabi: "Sayang, para bang si Allāh ay nagpapaluwag sa panustos para sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya at naghihigpit." Kung sakaling hindi nagmagandang-loob si Allāh sa atin ay talaga sanang nagpalamon Siya sa atin [sa lupa]. Sayang, para bang hindi nagtatagumpay ang mga tagatangging sumampalataya."

Verse 83

تِلْكَ ٱلدَّارُ ٱلْـَٔاخِرَةُ نَجْعَلُهَا لِلَّذِينَ لَا يُرِيدُونَ عُلُوًّا فِى ٱلْأَرْضِ وَلَا فَسَادًا ۚ وَٱلْعَـٰقِبَةُ لِلْمُتَّقِينَ

Transliteration til'ka l-dāru l-ākhiratu najʿaluhā lilladhīna lā yurīdūna ʿuluwwan fī l-arḍi walā fasādan wal-ʿāqibatu lil'muttaqīna

Tagalog Ang tahanan sa Kabilang-buhay na iyon ay itatalaga Namin para sa mga hindi nagnanais ng kataasan sa lupa ni ng kaguluhan. Ang [mabuting] kahihinatnan ay ukol sa mga tagapangilag magkasala.

Verse 84

مَن جَآءَ بِٱلْحَسَنَةِ فَلَهُۥ خَيْرٌ مِّنْهَا ۖ وَمَن جَآءَ بِٱلسَّيِّئَةِ فَلَا يُجْزَى ٱلَّذِينَ عَمِلُوا۟ ٱلسَّيِّـَٔاتِ إِلَّا مَا كَانُوا۟ يَعْمَلُونَ

Transliteration man jāa bil-ḥasanati falahu khayrun min'hā waman jāa bil-sayi-ati falā yuj'zā alladhīna ʿamilū l-sayiāti illā mā kānū yaʿmalūna

Tagalog Ang sinumang naghatid ng magandang gawa, ukol sa kanya ay higit na mabuti kaysa roon. Ang sinumang naghatid ng masagwang gawa, walang igaganti sa mga gumawa ng mga masagwang gawa kundi ang dati nilang ginagawa.

Verse 85

إِنَّ ٱلَّذِى فَرَضَ عَلَيْكَ ٱلْقُرْءَانَ لَرَآدُّكَ إِلَىٰ مَعَادٍ ۚ قُل رَّبِّىٓ أَعْلَمُ مَن جَآءَ بِٱلْهُدَىٰ وَمَنْ هُوَ فِى ضَلَـٰلٍ مُّبِينٍ

Transliteration inna alladhī faraḍa ʿalayka l-qur'āna larādduka ilā maʿādin qul rabbī aʿlamu man jāa bil-hudā waman huwa fī ḍalālin mubīnin

Tagalog Tunay na ang nagsatungkulin sa iyo ng Qur’ān ay talagang ang tagapagpabalik sa iyo tungo sa pinanunumbalikan. Sabihin mo: "Ang Panginoon ko ay higit na maalam sa sinumang naghatid ng patnubay at sinumang nasa isang pagkaligaw na malinaw."

Verse 86

وَمَا كُنتَ تَرْجُوٓا۟ أَن يُلْقَىٰٓ إِلَيْكَ ٱلْكِتَـٰبُ إِلَّا رَحْمَةً مِّن رَّبِّكَ ۖ فَلَا تَكُونَنَّ ظَهِيرًا لِّلْكَـٰفِرِينَ

Transliteration wamā kunta tarjū an yul'qā ilayka l-kitābu illā raḥmatan min rabbika falā takūnanna ẓahīran lil'kāfirīna

Tagalog Hindi ka dati nag-aasam na iparating sa iyo ang Aklat maliban bilang awa mula sa Panginoon mo. Kaya huwag ngang maging isang tagapagtaguyod para sa mga tagatangging sumampalataya.

Verse 87

وَلَا يَصُدُّنَّكَ عَنْ ءَايَـٰتِ ٱللَّهِ بَعْدَ إِذْ أُنزِلَتْ إِلَيْكَ ۖ وَٱدْعُ إِلَىٰ رَبِّكَ ۖ وَلَا تَكُونَنَّ مِنَ ٱلْمُشْرِكِينَ

Transliteration walā yaṣuddunnaka ʿan āyāti l-lahi baʿda idh unzilat ilayka wa-ud'ʿu ilā rabbika walā takūnanna mina l-mush'rikīna

Tagalog Huwag nga silang sasagabal sa iyo sa mga talata ni Allāh matapos noong pinababa ang mga ito sa iyo. Mag-anyaya ka tungo sa Panginoon mo at huwag ka ngang maging kabilang sa mga tagapagtambal.

Verse 88

وَلَا تَدْعُ مَعَ ٱللَّهِ إِلَـٰهًا ءَاخَرَ ۘ لَآ إِلَـٰهَ إِلَّا هُوَ ۚ كُلُّ شَىْءٍ هَالِكٌ إِلَّا وَجْهَهُۥ ۚ لَهُ ٱلْحُكْمُ وَإِلَيْهِ تُرْجَعُونَ

Transliteration walā tadʿu maʿa l-lahi ilāhan ākhara lā ilāha illā huwa kullu shayin hālikun illā wajhahu lahu l-ḥuk'mu wa-ilayhi tur'jaʿūna

Tagalog Huwag kang manalangin kasama kay Allāh sa isang diyos na iba pa; walang Diyos kundi Siya. Bawat bagay ay masasawi maliban sa mukha Niya. Ukol sa Kanya ang paghahatol at tungo sa Kanya pababalikin kayo.

Read Surah Al-Qasas in another language

All languages

All 114 surahs in Tagalog: the Qur’an in Tagalog.

Learn it in MyDugsi

Tagalog translation: Dar Al-Salam Center, from Quran.com. Transliteration: Quran.com. Recitation: Mishary Alafasy, from EveryAyah.com. MyDugsi is a learning aid, not a replacement for a qualified teacher.