MyDugsiStart learning

Surah Ibrahim in Tagalog: translation and audio

Surah 14 · ابراهيم · Abraham · 52 verses

Surah Ibrahim verse by verse: the Arabic with a recitation you can repeat, the transliteration, and the Tagalog translation by Dar Al-Salam Center. For the meaning of every word, see Surah Ibrahim word by word in English.

Verse 1

الٓر ۚ كِتَـٰبٌ أَنزَلْنَـٰهُ إِلَيْكَ لِتُخْرِجَ ٱلنَّاسَ مِنَ ٱلظُّلُمَـٰتِ إِلَى ٱلنُّورِ بِإِذْنِ رَبِّهِمْ إِلَىٰ صِرَٰطِ ٱلْعَزِيزِ ٱلْحَمِيدِ

Transliteration alif-lam-ra kitābun anzalnāhu ilayka litukh'rija l-nāsa mina l-ẓulumāti ilā l-nūri bi-idh'ni rabbihim ilā ṣirāṭi l-ʿazīzi l-ḥamīdi

Tagalog Alif. Lām. Rā’. [Ito ay] isang Aklat na pinababa Namin sa iyo upang magpalabas ka sa mga tao mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag ayon sa pahintulot ng Panginoon nila tungo sa landasin ng Makapangyarihan, Kapuri-puri:

Verse 2

ٱللَّهِ ٱلَّذِى لَهُۥ مَا فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَمَا فِى ٱلْأَرْضِ ۗ وَوَيْلٌ لِّلْكَـٰفِرِينَ مِنْ عَذَابٍ شَدِيدٍ

Transliteration al-lahi alladhī lahu mā fī l-samāwāti wamā fī l-arḍi wawaylun lil'kāfirīna min ʿadhābin shadīdin

Tagalog si Allāh, na sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Kapighatian ay ukol sa mga tagatangging sumampalataya, mula sa isang pagdurusang matindi,

Verse 3

ٱلَّذِينَ يَسْتَحِبُّونَ ٱلْحَيَوٰةَ ٱلدُّنْيَا عَلَى ٱلْـَٔاخِرَةِ وَيَصُدُّونَ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ وَيَبْغُونَهَا عِوَجًا ۚ أُو۟لَـٰٓئِكَ فِى ضَلَـٰلٍۭ بَعِيدٍ

Transliteration alladhīna yastaḥibbūna l-ḥayata l-dun'yā ʿalā l-ākhirati wayaṣuddūna ʿan sabīli l-lahi wayabghūnahā ʿiwajan ulāika fī ḍalālin baʿīdin

Tagalog na mga napaibig sa buhay na pangmundo higit sa Kabilang-buhay, sumasagabal sa landas ni Allāh, at naghahangad dito ng isang kabaluktutan. Ang mga iyon ay nasa isang pagkaligaw na malayo.

Verse 4

وَمَآ أَرْسَلْنَا مِن رَّسُولٍ إِلَّا بِلِسَانِ قَوْمِهِۦ لِيُبَيِّنَ لَهُمْ ۖ فَيُضِلُّ ٱللَّهُ مَن يَشَآءُ وَيَهْدِى مَن يَشَآءُ ۚ وَهُوَ ٱلْعَزِيزُ ٱلْحَكِيمُ

Transliteration wamā arsalnā min rasūlin illā bilisāni qawmihi liyubayyina lahum fayuḍillu l-lahu man yashāu wayahdī man yashāu wahuwa l-ʿazīzu l-ḥakīmu

Tagalog Hindi nagsugo ng anumang sugo kundi ayon sa wika ng mga tao niya upang maglinaw siya sa kanila, ngunit nagliligaw si Allāh sa sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay Siya sa sinumang niloloob Niya. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.

Verse 5

وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا مُوسَىٰ بِـَٔايَـٰتِنَآ أَنْ أَخْرِجْ قَوْمَكَ مِنَ ٱلظُّلُمَـٰتِ إِلَى ٱلنُّورِ وَذَكِّرْهُم بِأَيَّىٰمِ ٱللَّهِ ۚ إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَـَٔايَـٰتٍ لِّكُلِّ صَبَّارٍ شَكُورٍ

Transliteration walaqad arsalnā mūsā biāyātinā an akhrij qawmaka mina l-ẓulumāti ilā l-nūri wadhakkir'hum bi-ayyāmi l-lahi inna fī dhālika laāyātin likulli ṣabbārin shakūrin

Tagalog Talaga ngang nagsugo Kami kay Moises kalakip ng mga tanda Namin, [na nagsasabi:] "Magpalabas ka sa mga tao mo mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag at magpaalaala ka sa kanila hinggil sa mga araw ni Allāh. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa bawat palatiis na mapagpasalamat.

Verse 6

وَإِذْ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوْمِهِ ٱذْكُرُوا۟ نِعْمَةَ ٱللَّهِ عَلَيْكُمْ إِذْ أَنجَىٰكُم مِّنْ ءَالِ فِرْعَوْنَ يَسُومُونَكُمْ سُوٓءَ ٱلْعَذَابِ وَيُذَبِّحُونَ أَبْنَآءَكُمْ وَيَسْتَحْيُونَ نِسَآءَكُمْ ۚ وَفِى ذَٰلِكُم بَلَآءٌ مِّن رَّبِّكُمْ عَظِيمٌ

Transliteration wa-idh qāla mūsā liqawmihi udh'kurū niʿ'mata l-lahi ʿalaykum idh anjākum min āli fir'ʿawna yasūmūnakum sūa l-ʿadhābi wayudhabbiḥūna abnāakum wayastaḥyūna nisāakum wafī dhālikum balāon min rabbikum ʿaẓīmun

Tagalog [Banggitin] noong nagsabi si Moises sa mga tao niya: "Alalahanin ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo noong pinaligtas Niya kayo mula sa angkan ni Paraon. Nagpapataw sila sa inyo ng kasagwaan ng pagdurusa: pinagkakatay nila ang mga lalaking anak ninyo at pinamumuhay nila ang mga babae ninyo. Sa gayon ay may isang pagsubok, mula sa Panginoon ninyo, na sukdulan.

Verse 7

وَإِذْ تَأَذَّنَ رَبُّكُمْ لَئِن شَكَرْتُمْ لَأَزِيدَنَّكُمْ ۖ وَلَئِن كَفَرْتُمْ إِنَّ عَذَابِى لَشَدِيدٌ

Transliteration wa-idh ta-adhana rabbukum la-in shakartum la-azīdannakum wala-in kafartum inna ʿadhābī lashadīdun

Tagalog [Banggitin] noong nagpahayag ang Panginoon ninyo: "Talagang kung nagpasalamat kayo ay talagang magdaragdag nga Ako sa inyo; at talagang kung nagkakaila kayo, tunay na ang pagdurusang dulo Ko ay talagang matindi."

Verse 8

وَقَالَ مُوسَىٰٓ إِن تَكْفُرُوٓا۟ أَنتُمْ وَمَن فِى ٱلْأَرْضِ جَمِيعًا فَإِنَّ ٱللَّهَ لَغَنِىٌّ حَمِيدٌ

Transliteration waqāla mūsā in takfurū antum waman fī l-arḍi jamīʿan fa-inna l-laha laghaniyyun ḥamīdun

Tagalog Nagsabi si Moises: "Kung tatanggi kayong sumampalataya, kayo at ang sinumang nasa lupa sa kalahatan, tunay na si Allāh ay talagang Walang-pangangailangan, Kapuri-puri."

Verse 9

أَلَمْ يَأْتِكُمْ نَبَؤُا۟ ٱلَّذِينَ مِن قَبْلِكُمْ قَوْمِ نُوحٍ وَعَادٍ وَثَمُودَ ۛ وَٱلَّذِينَ مِنۢ بَعْدِهِمْ ۛ لَا يَعْلَمُهُمْ إِلَّا ٱللَّهُ ۚ جَآءَتْهُمْ رُسُلُهُم بِٱلْبَيِّنَـٰتِ فَرَدُّوٓا۟ أَيْدِيَهُمْ فِىٓ أَفْوَٰهِهِمْ وَقَالُوٓا۟ إِنَّا كَفَرْنَا بِمَآ أُرْسِلْتُم بِهِۦ وَإِنَّا لَفِى شَكٍّ مِّمَّا تَدْعُونَنَآ إِلَيْهِ مُرِيبٍ

Transliteration alam yatikum naba-u alladhīna min qablikum qawmi nūḥin waʿādin wathamūda wa-alladhīna min baʿdihim lā yaʿlamuhum illā l-lahu jāathum rusuluhum bil-bayināti faraddū aydiyahum fī afwāhihim waqālū innā kafarnā bimā ur'sil'tum bihi wa-innā lafī shakkin mimmā tadʿūnanā ilayhi murībin

Tagalog Hindi ba pumunta sa inyo ang balita ng mga nauna pa sa inyo, na mga tao ni Noe, ng `Ād at Thamūd, at mga nahuli na sa kanila? Walang nakaaalam sa kanila kundi si Allāh. Naghatid sa kanila ang mga sugo nila ng mga malinaw patunay, ngunit nagtulak sila ng mga kamay nila sa mga bibig nila at nagsabi sila: "Tunay na kami ay tumangging sumampalataya sa ipinasugo sa inyo at tunay na kami ay talagang nasa isang pagdududang nag-aalinlangan sa inaanyaya ninyo."

Verse 10

۞ قَالَتْ رُسُلُهُمْ أَفِى ٱللَّهِ شَكٌّ فَاطِرِ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ ۖ يَدْعُوكُمْ لِيَغْفِرَ لَكُم مِّن ذُنُوبِكُمْ وَيُؤَخِّرَكُمْ إِلَىٰٓ أَجَلٍ مُّسَمًّى ۚ قَالُوٓا۟ إِنْ أَنتُمْ إِلَّا بَشَرٌ مِّثْلُنَا تُرِيدُونَ أَن تَصُدُّونَا عَمَّا كَانَ يَعْبُدُ ءَابَآؤُنَا فَأْتُونَا بِسُلْطَـٰنٍ مُّبِينٍ

Transliteration qālat rusuluhum afī l-lahi shakkun fāṭiri l-samāwāti wal-arḍi yadʿūkum liyaghfira lakum min dhunūbikum wayu-akhirakum ilā ajalin musamman qālū in antum illā basharun mith'lunā turīdūna an taṣuddūnā ʿammā kāna yaʿbudu ābāunā fatūnā bisul'ṭānin mubīnin

Tagalog Nagsabi ang mga sugo nila: "Sa kay Allāh ba ay may pagdududa, ang Tagalalang ng mga langit at lupa? Nag-aanyaya Siya sa inyo upang magpatawad Siya sa inyo sa mga pagkakasala ninyo at mag-antala Siya sa inyo hanggang sa isang taning na tinukoy." Nagsabi sila: "Walang iba kayo kundi mga taong tulad namin. Nagnanais kayo na bumalakid sa amin sa sinasamba noon ng mga ninuno namin kaya magdala kayo sa amin ng isang katunayang malinaw."

Verse 11

قَالَتْ لَهُمْ رُسُلُهُمْ إِن نَّحْنُ إِلَّا بَشَرٌ مِّثْلُكُمْ وَلَـٰكِنَّ ٱللَّهَ يَمُنُّ عَلَىٰ مَن يَشَآءُ مِنْ عِبَادِهِۦ ۖ وَمَا كَانَ لَنَآ أَن نَّأْتِيَكُم بِسُلْطَـٰنٍ إِلَّا بِإِذْنِ ٱللَّهِ ۚ وَعَلَى ٱللَّهِ فَلْيَتَوَكَّلِ ٱلْمُؤْمِنُونَ

Transliteration qālat lahum rusuluhum in naḥnu illā basharun mith'lukum walākinna l-laha yamunnu ʿalā man yashāu min ʿibādihi wamā kāna lanā an natiyakum bisul'ṭānin illā bi-idh'ni l-lahi waʿalā l-lahi falyatawakkali l-mu'minūna

Tagalog Nagsabi sa kanila ang mga sugo nila: "Walang iba kami kundi mga taong tulad ninyo, subalit si Allāh ay nagmamagandang-loob sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Hindi naging ukol sa amin na magdala sa inyo ng isang katunayan malibang ayon sa pahintulot ni Allāh. Sa kay Allāh ay manalig ang mga mananampalataya.

Verse 12

وَمَا لَنَآ أَلَّا نَتَوَكَّلَ عَلَى ٱللَّهِ وَقَدْ هَدَىٰنَا سُبُلَنَا ۚ وَلَنَصْبِرَنَّ عَلَىٰ مَآ ءَاذَيْتُمُونَا ۚ وَعَلَى ٱللَّهِ فَلْيَتَوَكَّلِ ٱلْمُتَوَكِّلُونَ

Transliteration wamā lanā allā natawakkala ʿalā l-lahi waqad hadānā subulanā walanaṣbiranna ʿalā mā ādhaytumūnā waʿalā l-lahi falyatawakkali l-mutawakilūna

Tagalog Ano ang mayroon sa amin na hindi kami manalig kay Allāh samantalang nagpatnubay nga Siya sa amin sa mga landas namin? Talagang magtitiis nga kami sa anumang pananakit ninyo sa amin. Sa kay Allāh ay manalig ang mga nananalig."

Verse 13

وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ لِرُسُلِهِمْ لَنُخْرِجَنَّكُم مِّنْ أَرْضِنَآ أَوْ لَتَعُودُنَّ فِى مِلَّتِنَا ۖ فَأَوْحَىٰٓ إِلَيْهِمْ رَبُّهُمْ لَنُهْلِكَنَّ ٱلظَّـٰلِمِينَ

Transliteration waqāla alladhīna kafarū lirusulihim lanukh'rijannakum min arḍinā aw lataʿūdunna fī millatinā fa-awḥā ilayhim rabbuhum lanuh'likanna l-ẓālimīna

Tagalog Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya sa mga sugo sa kanila: "Talagang magpapalisan nga kami sa inyo mula sa lupain natin, o talagang manunumbalik nga kayo sa kapaniwalaan natin." Kaya nagkasi sa kanila ang Panginoon nila: "Talagang magpapahamak nga Kami sa mga tagalabag sa katarungan,

Verse 14

وَلَنُسْكِنَنَّكُمُ ٱلْأَرْضَ مِنۢ بَعْدِهِمْ ۚ ذَٰلِكَ لِمَنْ خَافَ مَقَامِى وَخَافَ وَعِيدِ

Transliteration walanus'kinannakumu l-arḍa min baʿdihim dhālika liman khāfa maqāmī wakhāfa waʿīdi

Tagalog at talagang magpapatahan nga Kami sa inyo sa lupain matapos nila. Iyon ay ukol sa sinumang nangamba sa katayuan Ko at nangamba sa banta Ko."

Verse 15

وَٱسْتَفْتَحُوا۟ وَخَابَ كُلُّ جَبَّارٍ عَنِيدٍ

Transliteration wa-is'taftaḥū wakhāba kullu jabbārin ʿanīdin

Tagalog Humiling sila ng pagwawagi, at nabigo ang bawat mapaniil na mapagmatigas.

Verse 16

مِّن وَرَآئِهِۦ جَهَنَّمُ وَيُسْقَىٰ مِن مَّآءٍ صَدِيدٍ

Transliteration min warāihi jahannamu wayus'qā min māin ṣadīdin

Tagalog Mula sa harap niya ay Impiyerno, at paiinumin siya ng tubig na nana.

Verse 17

يَتَجَرَّعُهُۥ وَلَا يَكَادُ يُسِيغُهُۥ وَيَأْتِيهِ ٱلْمَوْتُ مِن كُلِّ مَكَانٍ وَمَا هُوَ بِمَيِّتٍ ۖ وَمِن وَرَآئِهِۦ عَذَابٌ غَلِيظٌ

Transliteration yatajarraʿuhu walā yakādu yusīghuhu wayatīhi l-mawtu min kulli makānin wamā huwa bimayyitin wamin warāihi ʿadhābun ghalīẓun

Tagalog Lalagok-lagukin niya ito at hindi niya halos malulunok ito. Pupunta sa kanya ang kamatayan mula sa bawat pook ngunit siya ay hindi patay. Mula sa harap niya ay may isang pagdurusang mabagsik.

Verse 18

مَّثَلُ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ بِرَبِّهِمْ ۖ أَعْمَـٰلُهُمْ كَرَمَادٍ ٱشْتَدَّتْ بِهِ ٱلرِّيحُ فِى يَوْمٍ عَاصِفٍ ۖ لَّا يَقْدِرُونَ مِمَّا كَسَبُوا۟ عَلَىٰ شَىْءٍ ۚ ذَٰلِكَ هُوَ ٱلضَّلَـٰلُ ٱلْبَعِيدُ

Transliteration mathalu alladhīna kafarū birabbihim aʿmāluhum karamādin ish'taddat bihi l-rīḥu fī yawmin ʿāṣifin lā yaqdirūna mimmā kasabū ʿalā shayin dhālika huwa l-ḍalālu l-baʿīdu

Tagalog Ang paghahalintulad sa mga tumangging sumampalataya sa Panginoon nila [ay na] ang mga gawa nila ay gaya ng mga abo na tumindi sa mga ito ang hangin sa isang araw na umuunos; hindi sila nakakakaya [na magpanatili] sa anuman mula sa nakamit nila. Iyon ay ang pagkaligaw na malayo.

Verse 19

أَلَمْ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ خَلَقَ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضَ بِٱلْحَقِّ ۚ إِن يَشَأْ يُذْهِبْكُمْ وَيَأْتِ بِخَلْقٍ جَدِيدٍ

Transliteration alam tara anna l-laha khalaqa l-samāwāti wal-arḍa bil-ḥaqi in yasha yudh'hib'kum wayati bikhalqin jadīdin

Tagalog Hindi mo ba nakita na si Allāh ay lumikha ng mga langit at lupa ayon sa katotohanan. Kung loloobin Niya ay makapag-aalis Siya sa inyo at makagagawa Siya ng isang bagong nilikha.

Verse 20

وَمَا ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ بِعَزِيزٍ

Transliteration wamā dhālika ʿalā l-lahi biʿazīzin

Tagalog Hindi iyon kay Allāh mahirap.

Verse 21

وَبَرَزُوا۟ لِلَّهِ جَمِيعًا فَقَالَ ٱلضُّعَفَـٰٓؤُا۟ لِلَّذِينَ ٱسْتَكْبَرُوٓا۟ إِنَّا كُنَّا لَكُمْ تَبَعًا فَهَلْ أَنتُم مُّغْنُونَ عَنَّا مِنْ عَذَابِ ٱللَّهِ مِن شَىْءٍ ۚ قَالُوا۟ لَوْ هَدَىٰنَا ٱللَّهُ لَهَدَيْنَـٰكُمْ ۖ سَوَآءٌ عَلَيْنَآ أَجَزِعْنَآ أَمْ صَبَرْنَا مَا لَنَا مِن مَّحِيصٍ

Transliteration wabarazū lillahi jamīʿan faqāla l-ḍuʿafāu lilladhīna is'takbarū innā kunnā lakum tabaʿan fahal antum mugh'nūna ʿannā min ʿadhābi l-lahi min shayin qālū law hadānā l-lahu lahadaynākum sawāon ʿalaynā ajaziʿ'nā am ṣabarnā mā lanā min maḥīṣin

Tagalog Tatambad sila kay Allāh sa kalahatan at magsasabi ang mga mahina sa mga nagmalaki: "Tunay na kami noon sa inyo ay tagasunod, kaya kayo kaya ay makapagdudulot sa amin ng anuman laban sa pagdurusang dulot ni Allāh?" Magsasabi ang mga iyon: "Kung sakaling nagpatnubay sa amin si Allāh ay talaga sanang nagpatnubay kami sa inyo. Magkapantay sa atin kung nanghinawa tayo o nagtiis tayo. Walang ukol sa atin na anumang mapupuslitan."

Verse 22

وَقَالَ ٱلشَّيْطَـٰنُ لَمَّا قُضِىَ ٱلْأَمْرُ إِنَّ ٱللَّهَ وَعَدَكُمْ وَعْدَ ٱلْحَقِّ وَوَعَدتُّكُمْ فَأَخْلَفْتُكُمْ ۖ وَمَا كَانَ لِىَ عَلَيْكُم مِّن سُلْطَـٰنٍ إِلَّآ أَن دَعَوْتُكُمْ فَٱسْتَجَبْتُمْ لِى ۖ فَلَا تَلُومُونِى وَلُومُوٓا۟ أَنفُسَكُم ۖ مَّآ أَنَا۠ بِمُصْرِخِكُمْ وَمَآ أَنتُم بِمُصْرِخِىَّ ۖ إِنِّى كَفَرْتُ بِمَآ أَشْرَكْتُمُونِ مِن قَبْلُ ۗ إِنَّ ٱلظَّـٰلِمِينَ لَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ

Transliteration waqāla l-shayṭānu lammā quḍiya l-amru inna l-laha waʿadakum waʿda l-ḥaqi wawaʿadttukum fa-akhlaftukum wamā kāna liya ʿalaykum min sul'ṭānin illā an daʿawtukum fa-is'tajabtum lī falā talūmūnī walūmū anfusakum mā anā bimuṣ'rikhikum wamā antum bimuṣ'rikhiyya innī kafartu bimā ashraktumūni min qablu inna l-ẓālimīna lahum ʿadhābun alīmun

Tagalog Magsasabi ang demonyo kapag tinapos ang pasya: "Tunay na si Allāh ay nangako sa inyo ng pangako ng katotohanan, at nangako ako sa inyo ngunit sumira ako sa inyo. Hindi ako nagkaroon sa inyo ng anumang kapamahalaan maliban na nag-anyaya ako sa inyo saka tumugon naman kayo sa akin. Kaya huwag kayong manisi sa akin. Sisihin ninyo ang mga sarili ninyo. Hindi ako makasasalba sa inyo at hindi kayo makasasalba sa akin. Tunay na ako ay nagkaila sa pagtambal ninyo sa akin [kay Allāh] bago pa niyan." Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan, ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.

Verse 23

وَأُدْخِلَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَعَمِلُوا۟ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ جَنَّـٰتٍ تَجْرِى مِن تَحْتِهَا ٱلْأَنْهَـٰرُ خَـٰلِدِينَ فِيهَا بِإِذْنِ رَبِّهِمْ ۖ تَحِيَّتُهُمْ فِيهَا سَلَـٰمٌ

Transliteration wa-ud'khila alladhīna āmanū waʿamilū l-ṣāliḥāti jannātin tajrī min taḥtihā l-anhāru khālidīna fīhā bi-idh'ni rabbihim taḥiyyatuhum fīhā salāmun

Tagalog Papapasukin ang mga sumampalataya at gumagawa ng mga maayos sa mga Hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito ayon sa pahintulot ng Panginoon nila. Ang pagbati nila roon ay kapayapaan.

Verse 24

أَلَمْ تَرَ كَيْفَ ضَرَبَ ٱللَّهُ مَثَلًا كَلِمَةً طَيِّبَةً كَشَجَرَةٍ طَيِّبَةٍ أَصْلُهَا ثَابِتٌ وَفَرْعُهَا فِى ٱلسَّمَآءِ

Transliteration alam tara kayfa ḍaraba l-lahu mathalan kalimatan ṭayyibatan kashajaratin ṭayyibatin aṣluhā thābitun wafarʿuhā fī l-samāi

Tagalog Hindi mo ba napag-alaman kung papaanong naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad sa isang salitang kaaya-aya sa gaya ng isang punong-kahoy na kaaya-aya na ang ugat nito ay matatag at ang mga sanga nito ay nasa langit?

Verse 25

تُؤْتِىٓ أُكُلَهَا كُلَّ حِينٍۭ بِإِذْنِ رَبِّهَا ۗ وَيَضْرِبُ ٱللَّهُ ٱلْأَمْثَالَ لِلنَّاسِ لَعَلَّهُمْ يَتَذَكَّرُونَ

Transliteration tu'tī ukulahā kulla ḥīnin bi-idh'ni rabbihā wayaḍribu l-lahu l-amthāla lilnnāsi laʿallahum yatadhakkarūna

Tagalog Nagbibigay ito ng bunga nito sa bawat sandali ayon sa pahintulot ng Panginoon nito. Naglalahad si Allāh ng mga paghahalintulad para sa mga tao nang sa gayon sila ay magsasaalaala.

Verse 26

وَمَثَلُ كَلِمَةٍ خَبِيثَةٍ كَشَجَرَةٍ خَبِيثَةٍ ٱجْتُثَّتْ مِن فَوْقِ ٱلْأَرْضِ مَا لَهَا مِن قَرَارٍ

Transliteration wamathalu kalimatin khabīthatin kashajaratin khabīthatin uj'tuthat min fawqi l-arḍi mā lahā min qarārin

Tagalog Ang paghahalintulad sa isang salitang karima-rimarim ay gaya sa isang punong-kahoy na karima-rimarin na nabunot mula sa ibabaw ng lupa, na wala itong anumang pamamalagi.

Verse 27

يُثَبِّتُ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ بِٱلْقَوْلِ ٱلثَّابِتِ فِى ٱلْحَيَوٰةِ ٱلدُّنْيَا وَفِى ٱلْـَٔاخِرَةِ ۖ وَيُضِلُّ ٱللَّهُ ٱلظَّـٰلِمِينَ ۚ وَيَفْعَلُ ٱللَّهُ مَا يَشَآءُ

Transliteration yuthabbitu l-lahu alladhīna āmanū bil-qawli l-thābiti fī l-ḥayati l-dun'yā wafī l-ākhirati wayuḍillu l-lahu l-ẓālimīna wayafʿalu l-lahu mā yashāu

Tagalog Nagpapatatag si Allāh sa mga sumampalataya sa pamamagitan ng sinabing matatag sa buhay na pangmundo at sa Kabilang-buhay. Nagliligaw si Allāh sa mga tagalabag sa katarungan. Gumagawa si Allāh ng anumang niloloob Niya.

Verse 28

۞ أَلَمْ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ بَدَّلُوا۟ نِعْمَتَ ٱللَّهِ كُفْرًا وَأَحَلُّوا۟ قَوْمَهُمْ دَارَ ٱلْبَوَارِ

Transliteration alam tara ilā alladhīna baddalū niʿ'mata l-lahi kuf'ran wa-aḥallū qawmahum dāra l-bawāri

Tagalog Hindi mo ba nakita ang mga nagpalit sa biyaya ni Allāh ng kawalang-pananampalataya at nagpatahan sa mga tao nila sa tahanan ng kapariwaraan?

Verse 29

جَهَنَّمَ يَصْلَوْنَهَا ۖ وَبِئْسَ ٱلْقَرَارُ

Transliteration jahannama yaṣlawnahā wabi'sa l-qarāru

Tagalog Sa Impiyerno ay masusunog sila. Kay saklap ang pamamalagian!

Verse 30

وَجَعَلُوا۟ لِلَّهِ أَندَادًا لِّيُضِلُّوا۟ عَن سَبِيلِهِۦ ۗ قُلْ تَمَتَّعُوا۟ فَإِنَّ مَصِيرَكُمْ إِلَى ٱلنَّارِ

Transliteration wajaʿalū lillahi andādan liyuḍillū ʿan sabīlihi qul tamattaʿū fa-inna maṣīrakum ilā l-nāri

Tagalog Gumawa sila para kay Allāh ng mga kaagaw upang magligaw ang mga ito palayo sa landas Niya. Sabihin mo: "Magtamasa kayo sapagkat tunay na ang kahahantungan ninyo ay tungo sa Apoy."

Verse 31

قُل لِّعِبَادِىَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ يُقِيمُوا۟ ٱلصَّلَوٰةَ وَيُنفِقُوا۟ مِمَّا رَزَقْنَـٰهُمْ سِرًّا وَعَلَانِيَةً مِّن قَبْلِ أَن يَأْتِىَ يَوْمٌ لَّا بَيْعٌ فِيهِ وَلَا خِلَـٰلٌ

Transliteration qul liʿibādiya alladhīna āmanū yuqīmū l-ṣalata wayunfiqū mimmā razaqnāhum sirran waʿalāniyatan min qabli an yatiya yawmun lā bayʿun fīhi walā khilālun

Tagalog Sabihin mo sa mga lingkod Ko na mga sumampalataya na magpanatili sila sa pagdarasal at gumugol sila mula sa itinustos Namin sa kanila nang palihim at nang hayagan bago pa may pumuntang isang araw na walang bilihan doon at walang pakikipagkaibigan.

Verse 32

ٱللَّهُ ٱلَّذِى خَلَقَ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضَ وَأَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءً فَأَخْرَجَ بِهِۦ مِنَ ٱلثَّمَرَٰتِ رِزْقًا لَّكُمْ ۖ وَسَخَّرَ لَكُمُ ٱلْفُلْكَ لِتَجْرِىَ فِى ٱلْبَحْرِ بِأَمْرِهِۦ ۖ وَسَخَّرَ لَكُمُ ٱلْأَنْهَـٰرَ

Transliteration al-lahu alladhī khalaqa l-samāwāti wal-arḍa wa-anzala mina l-samāi māan fa-akhraja bihi mina l-thamarāti riz'qan lakum wasakhara lakumu l-ful'ka litajriya fī l-baḥri bi-amrihi wasakhara lakumu l-anhāra

Tagalog Si Allāh ang lumikha ng mga langit at lupa at nagpababa mula sa langit ng tubig kaya nagpalabas Siya sa pamamagitan nito ng mga bunga bilang panustos para sa inyo. Pinagsilbi Niya para sa inyo ang mga sasakyang-dagat upang maglayag sa dagat ayon sa utos Niya at pinagsilbi Niya para sa inyo ang mga ilog.

Verse 33

وَسَخَّرَ لَكُمُ ٱلشَّمْسَ وَٱلْقَمَرَ دَآئِبَيْنِ ۖ وَسَخَّرَ لَكُمُ ٱلَّيْلَ وَٱلنَّهَارَ

Transliteration wasakhara lakumu l-shamsa wal-qamara dāibayni wasakhara lakumu al-layla wal-nahāra

Tagalog Pinagsilbi Niya para sa inyo ang araw at ang buwan habang mga umiinog. Pinagsilbi Niya para sa inyo ang gabi at ang maghapon.

Verse 34

وَءَاتَىٰكُم مِّن كُلِّ مَا سَأَلْتُمُوهُ ۚ وَإِن تَعُدُّوا۟ نِعْمَتَ ٱللَّهِ لَا تُحْصُوهَآ ۗ إِنَّ ٱلْإِنسَـٰنَ لَظَلُومٌ كَفَّارٌ

Transliteration waātākum min kulli mā sa-altumūhu wa-in taʿuddū niʿ'mata l-lahi lā tuḥ'ṣūhā inna l-insāna laẓalūmun kaffārun

Tagalog Nagbigay Siya sa inyo ng bawat hiningi ninyo. Kung magbibilang kayo ng biyaya ni Allāh ay hindi kayo makapag-iisa-isa sa mga ito. Tunay na ang tao ay talagang mapaglabag sa katarungan, palatangging sumampalataya.

Verse 35

وَإِذْ قَالَ إِبْرَٰهِيمُ رَبِّ ٱجْعَلْ هَـٰذَا ٱلْبَلَدَ ءَامِنًا وَٱجْنُبْنِى وَبَنِىَّ أَن نَّعْبُدَ ٱلْأَصْنَامَ

Transliteration wa-idh qāla ib'rāhīmu rabbi ij'ʿal hādhā l-balada āminan wa-uj'nub'nī wabaniyya an naʿbuda l-aṣnāma

Tagalog [Banggitin] noong nagsabi si Abraham: "Panginoon ko, gawin Mo ang bayang ito na matiwasay at paiwasin Mo ako at ang mga anak ko na sumamba kami sa mga anito.

Verse 36

رَبِّ إِنَّهُنَّ أَضْلَلْنَ كَثِيرًا مِّنَ ٱلنَّاسِ ۖ فَمَن تَبِعَنِى فَإِنَّهُۥ مِنِّى ۖ وَمَنْ عَصَانِى فَإِنَّكَ غَفُورٌ رَّحِيمٌ

Transliteration rabbi innahunna aḍlalna kathīran mina l-nāsi faman tabiʿanī fa-innahu minnī waman ʿaṣānī fa-innaka ghafūrun raḥīmun

Tagalog Panginoon ko, tunay na ang mga ito ay nagligaw sa marami sa mga tao. Kaya ang sinumang sumunod sa akin, tunay na siya ay kabilang sa akin; at ang sinumang sumuway sa akin, tunay na Ikaw ay Mapagpatawad, Maawain.

Verse 37

رَّبَّنَآ إِنِّىٓ أَسْكَنتُ مِن ذُرِّيَّتِى بِوَادٍ غَيْرِ ذِى زَرْعٍ عِندَ بَيْتِكَ ٱلْمُحَرَّمِ رَبَّنَا لِيُقِيمُوا۟ ٱلصَّلَوٰةَ فَٱجْعَلْ أَفْـِٔدَةً مِّنَ ٱلنَّاسِ تَهْوِىٓ إِلَيْهِمْ وَٱرْزُقْهُم مِّنَ ٱلثَّمَرَٰتِ لَعَلَّهُمْ يَشْكُرُونَ

Transliteration rabbanā innī askantu min dhurriyyatī biwādin ghayri dhī zarʿin ʿinda baytika l-muḥarami rabbanā liyuqīmū l-ṣalata fa-ij'ʿal afidatan mina l-nāsi tahwī ilayhim wa-ur'zuq'hum mina l-thamarāti laʿallahum yashkurūna

Tagalog Panginoon namin, tunay na ako ay nagpatahan ng ilan sa mga supling ko sa isang lambak na hindi may pananim, sa tabi ng Bahay Mong Binanal, Panginoon namin, upang magpanatili sila ng pagdarasal. Kaya gumawa Ka sa mga puso ng ilan sa mga tao na nahuhumaling sa kanila at magtustos Ka sa kanila mula sa mga bunga nang sa gayon sila ay magpapasalamat.

Verse 38

رَبَّنَآ إِنَّكَ تَعْلَمُ مَا نُخْفِى وَمَا نُعْلِنُ ۗ وَمَا يَخْفَىٰ عَلَى ٱللَّهِ مِن شَىْءٍ فِى ٱلْأَرْضِ وَلَا فِى ٱلسَّمَآءِ

Transliteration rabbanā innaka taʿlamu mā nukh'fī wamā nuʿ'linu wamā yakhfā ʿalā l-lahi min shayin fī l-arḍi walā fī l-samāi

Tagalog Panginoon namin, tunay na Ikaw ay nakaaalam sa anumang ikinukubli namin at anumang inihahayag namin. Walang nakakukubli kay Allāh na anuman sa lupa ni sa langit.

Verse 39

ٱلْحَمْدُ لِلَّهِ ٱلَّذِى وَهَبَ لِى عَلَى ٱلْكِبَرِ إِسْمَـٰعِيلَ وَإِسْحَـٰقَ ۚ إِنَّ رَبِّى لَسَمِيعُ ٱلدُّعَآءِ

Transliteration al-ḥamdu lillahi alladhī wahaba lī ʿalā l-kibari is'māʿīla wa-is'ḥāqa inna rabbī lasamīʿu l-duʿāi

Tagalog Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagkaloob para sa akin sa katandaan kina Ismael at Isaac. Tunay na ang Panginoon ko ay talagang Madinigin sa panalangin.

Verse 40

رَبِّ ٱجْعَلْنِى مُقِيمَ ٱلصَّلَوٰةِ وَمِن ذُرِّيَّتِى ۚ رَبَّنَا وَتَقَبَّلْ دُعَآءِ

Transliteration rabbi ij'ʿalnī muqīma l-ṣalati wamin dhurriyyatī rabbanā wataqabbal duʿāi

Tagalog Panginoon ko, gawin Mo ako na tagapagpanatili ng pagdarasal at ang [marami] kabilang sa mga supling ko, Panginoon Namin, at tanggapin Mo ang panalangin ko.

Verse 41

رَبَّنَا ٱغْفِرْ لِى وَلِوَٰلِدَىَّ وَلِلْمُؤْمِنِينَ يَوْمَ يَقُومُ ٱلْحِسَابُ

Transliteration rabbanā igh'fir lī waliwālidayya walil'mu'minīna yawma yaqūmu l-ḥisābu

Tagalog Panginoon namin, magpatawad Ka sa akin, sa mga magulang ko, at sa mga mananampalataya sa araw na magaganap ang pagtutuos."

Verse 42

وَلَا تَحْسَبَنَّ ٱللَّهَ غَـٰفِلًا عَمَّا يَعْمَلُ ٱلظَّـٰلِمُونَ ۚ إِنَّمَا يُؤَخِّرُهُمْ لِيَوْمٍ تَشْخَصُ فِيهِ ٱلْأَبْصَـٰرُ

Transliteration walā taḥsabanna l-laha ghāfilan ʿammā yaʿmalu l-ẓālimūna innamā yu-akhiruhum liyawmin tashkhaṣu fīhi l-abṣāru

Tagalog Huwag ka ngang mag-akalang si Allāh ay nalilingat sa anumang ginagawa ng mga tagalabag sa katarungan. Nag-aantala lamang Siya sa kanila para sa isang araw na mapatititig doon ang mga paningin.

Verse 43

مُهْطِعِينَ مُقْنِعِى رُءُوسِهِمْ لَا يَرْتَدُّ إِلَيْهِمْ طَرْفُهُمْ ۖ وَأَفْـِٔدَتُهُمْ هَوَآءٌ

Transliteration muh'ṭiʿīna muq'niʿī ruūsihim lā yartaddu ilayhim ṭarfuhum wa-afidatuhum hawāon

Tagalog Mga kumakaripas na mga nagtitingala ng mga ulo nila, hindi manunumbalik sa kanila ang sulyap nila habang ang mga puso nila ay hungkag.

Verse 44

وَأَنذِرِ ٱلنَّاسَ يَوْمَ يَأْتِيهِمُ ٱلْعَذَابُ فَيَقُولُ ٱلَّذِينَ ظَلَمُوا۟ رَبَّنَآ أَخِّرْنَآ إِلَىٰٓ أَجَلٍ قَرِيبٍ نُّجِبْ دَعْوَتَكَ وَنَتَّبِعِ ٱلرُّسُلَ ۗ أَوَلَمْ تَكُونُوٓا۟ أَقْسَمْتُم مِّن قَبْلُ مَا لَكُم مِّن زَوَالٍ

Transliteration wa-andhiri l-nāsa yawma yatīhimu l-ʿadhābu fayaqūlu alladhīna ẓalamū rabbanā akhir'nā ilā ajalin qarībin nujib daʿwataka wanattabiʿi l-rusula awalam takūnū aqsamtum min qablu mā lakum min zawālin

Tagalog Magbabala ka sa mga tao ng isang araw na pupunta sa kanila ang pagdurusa kaya magsasabi ang mga lumabag sa katarungan: "Panginoon namin, mag-antala Ka sa amin hanggang sa isang taning na malapit, sasagot kami sa paanyaya Mo at susunod kami sa mga sugo Mo." [Sasabihin:] "Hindi ba nangyaring kayo ay sumumpa bago pa niyan na wala kayong anumang pagtigil?

Verse 45

وَسَكَنتُمْ فِى مَسَـٰكِنِ ٱلَّذِينَ ظَلَمُوٓا۟ أَنفُسَهُمْ وَتَبَيَّنَ لَكُمْ كَيْفَ فَعَلْنَا بِهِمْ وَضَرَبْنَا لَكُمُ ٱلْأَمْثَالَ

Transliteration wasakantum fī masākini alladhīna ẓalamū anfusahum watabayyana lakum kayfa faʿalnā bihim waḍarabnā lakumu l-amthāla

Tagalog Tumira kayo sa mga tirahan ng mga lumabag sa katarungan sa mga sarili nila. Luminaw para sa inyo kung papaano ang ginawa Namin sa kanila. Naglahad Kami para sa inyo ng mga paghahalintulad."

Verse 46

وَقَدْ مَكَرُوا۟ مَكْرَهُمْ وَعِندَ ٱللَّهِ مَكْرُهُمْ وَإِن كَانَ مَكْرُهُمْ لِتَزُولَ مِنْهُ ٱلْجِبَالُ

Transliteration waqad makarū makrahum waʿinda l-lahi makruhum wa-in kāna makruhum litazūla min'hu l-jibālu

Tagalog Nanlansi nga sila ng panlalansi nila samantalang [nakatala] sa ganang kay Allāh ang panlalansi nila kahit pa nangyaring ang panlalansi nila ay upang maalis dahil dito ang mga bundok.

Verse 47

فَلَا تَحْسَبَنَّ ٱللَّهَ مُخْلِفَ وَعْدِهِۦ رُسُلَهُۥٓ ۗ إِنَّ ٱللَّهَ عَزِيزٌ ذُو ٱنتِقَامٍ

Transliteration falā taḥsabanna l-laha mukh'lifa waʿdihi rusulahu inna l-laha ʿazīzun dhū intiqāmin

Tagalog Kaya huwag ka ngang mag-akalang si Allāh ay sisira sa pangako Niya sa mga sugo Niya. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihan, May paghihiganti.

Verse 48

يَوْمَ تُبَدَّلُ ٱلْأَرْضُ غَيْرَ ٱلْأَرْضِ وَٱلسَّمَـٰوَٰتُ ۖ وَبَرَزُوا۟ لِلَّهِ ٱلْوَٰحِدِ ٱلْقَهَّارِ

Transliteration yawma tubaddalu l-arḍu ghayra l-arḍi wal-samāwātu wabarazū lillahi l-wāḥidi l-qahāri

Tagalog Sa Araw na papalitan ang lupa ng ibang lupa at ang mga langit, at lalantad sila kay Allāh, ang Nag-iisa, ang Palalupig.

Verse 49

وَتَرَى ٱلْمُجْرِمِينَ يَوْمَئِذٍ مُّقَرَّنِينَ فِى ٱلْأَصْفَادِ

Transliteration watarā l-muj'rimīna yawma-idhin muqarranīna fī l-aṣfādi

Tagalog Makakikita ka sa mga salarin sa Araw na iyon na mga pinaggagapos sa mga posas,

Verse 50

سَرَابِيلُهُم مِّن قَطِرَانٍ وَتَغْشَىٰ وُجُوهَهُمُ ٱلنَّارُ

Transliteration sarābīluhum min qaṭirānin wataghshā wujūhahumu l-nāru

Tagalog na ang mga damit nila ay yari sa alkitran at bumabalot sa mga mukha nila ang apoy,

Verse 51

لِيَجْزِىَ ٱللَّهُ كُلَّ نَفْسٍ مَّا كَسَبَتْ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ سَرِيعُ ٱلْحِسَابِ

Transliteration liyajziya l-lahu kulla nafsin mā kasabat inna l-laha sarīʿu l-ḥisābi

Tagalog upang gumanti si Allāh sa bawat kaluluwa sa nakamit nito. Tunay na si Allāh ay mabilis ang pagtutuos.

Verse 52

هَـٰذَا بَلَـٰغٌ لِّلنَّاسِ وَلِيُنذَرُوا۟ بِهِۦ وَلِيَعْلَمُوٓا۟ أَنَّمَا هُوَ إِلَـٰهٌ وَٰحِدٌ وَلِيَذَّكَّرَ أُو۟لُوا۟ ٱلْأَلْبَـٰبِ

Transliteration hādhā balāghun lilnnāsi waliyundharū bihi waliyaʿlamū annamā huwa ilāhun wāḥidun waliyadhakkara ulū l-albābi

Tagalog Ito ay isang pagpapaabot para sa mga tao at upang mapagbalaan sila sa pamamagitan nito, upang makaalam sila na Siya ay Diyos na nag-iisa lamang, at upang magsaalaala ang mga may isip.

Read Surah Ibrahim in another language

All languages

All 114 surahs in Tagalog: the Qur’an in Tagalog.

Learn it in MyDugsi

Tagalog translation: Dar Al-Salam Center, from Quran.com. Transliteration: Quran.com. Recitation: Mishary Alafasy, from EveryAyah.com. MyDugsi is a learning aid, not a replacement for a qualified teacher.