MyDugsiStart learning

Surah Nuh in Tagalog: translation and audio

Surah 71 · نوح · Noah · 28 verses

Surah Nuh verse by verse: the Arabic with a recitation you can repeat, the transliteration, and the Tagalog translation by Dar Al-Salam Center. For the meaning of every word, see Surah Nuh word by word in English.

Verse 1

إِنَّآ أَرْسَلْنَا نُوحًا إِلَىٰ قَوْمِهِۦٓ أَنْ أَنذِرْ قَوْمَكَ مِن قَبْلِ أَن يَأْتِيَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ

Transliteration innā arsalnā nūḥan ilā qawmihi an andhir qawmaka min qabli an yatiyahum ʿadhābun alīmun

Tagalog Tunay na Kami ay nagsugo kay Noe sa mga kababayan niya, na [nagsasabi]: "Magbabala ka sa mga kababayan mo bago pa may pumunta sa kanila na isang pagdurusang masakit."

Verse 2

قَالَ يَـٰقَوْمِ إِنِّى لَكُمْ نَذِيرٌ مُّبِينٌ

Transliteration qāla yāqawmi innī lakum nadhīrun mubīnun

Tagalog Nagsabi siya: "O mga kababayan ko, tunay na ako para sa inyo ay isang mapagbabalang malinaw:

Verse 3

أَنِ ٱعْبُدُوا۟ ٱللَّهَ وَٱتَّقُوهُ وَأَطِيعُونِ

Transliteration ani uʿ'budū l-laha wa-ittaqūhu wa-aṭīʿūni

Tagalog na sumamba kayo kay Allāh, mangilag kayong magkasala sa Kanya, at tumalima kayo sa akin;

Verse 4

يَغْفِرْ لَكُم مِّن ذُنُوبِكُمْ وَيُؤَخِّرْكُمْ إِلَىٰٓ أَجَلٍ مُّسَمًّى ۚ إِنَّ أَجَلَ ٱللَّهِ إِذَا جَآءَ لَا يُؤَخَّرُ ۖ لَوْ كُنتُمْ تَعْلَمُونَ

Transliteration yaghfir lakum min dhunūbikum wayu-akhir'kum ilā ajalin musamman inna ajala l-lahi idhā jāa lā yu-akharu law kuntum taʿlamūna

Tagalog magpapatawad Siya sa inyo mula sa mga pagkakasala ninyo at mag-aantala Siya sa inyo hanggang sa isang taning na tinukoy. Tunay na ang taning ni Allāh, kapag dumating, ay hindi inaantala, kung sakaling kayo ay nakaaalam."

Verse 5

قَالَ رَبِّ إِنِّى دَعَوْتُ قَوْمِى لَيْلًا وَنَهَارًا

Transliteration qāla rabbi innī daʿawtu qawmī laylan wanahāran

Tagalog Nagsabi siya: "Panginoon ko, tunay na ako ay nag-anyaya sa mga kababayan ko sa gabi at maghapon,

Verse 6

فَلَمْ يَزِدْهُمْ دُعَآءِىٓ إِلَّا فِرَارًا

Transliteration falam yazid'hum duʿāī illā firāran

Tagalog ngunit walang naidagdag sa kanila ang pag-aanyaya ko kundi pagtakas.

Verse 7

وَإِنِّى كُلَّمَا دَعَوْتُهُمْ لِتَغْفِرَ لَهُمْ جَعَلُوٓا۟ أَصَـٰبِعَهُمْ فِىٓ ءَاذَانِهِمْ وَٱسْتَغْشَوْا۟ ثِيَابَهُمْ وَأَصَرُّوا۟ وَٱسْتَكْبَرُوا۟ ٱسْتِكْبَارًا

Transliteration wa-innī kullamā daʿawtuhum litaghfira lahum jaʿalū aṣābiʿahum fī ādhānihim wa-is'taghshaw thiyābahum wa-aṣarrū wa-is'takbarū is'tik'bāran

Tagalog Tunay na sa tuwing nag-anyaya ako sa kanila upang magpatawad Ka sa kanila ay naglalagay sila ng mga daliri nila sa mga tainga nila, nagtatalukbong sila ng mga damit nila, nagpupumilit sila, at nagmamalaki sila nang isang pagmamalaki.

Verse 8

ثُمَّ إِنِّى دَعَوْتُهُمْ جِهَارًا

Transliteration thumma innī daʿawtuhum jihāran

Tagalog Pagkatapos tunay na ako ay nag-anyaya sa kanila nang lantaran.

Verse 9

ثُمَّ إِنِّىٓ أَعْلَنتُ لَهُمْ وَأَسْرَرْتُ لَهُمْ إِسْرَارًا

Transliteration thumma innī aʿlantu lahum wa-asrartu lahum is'rāran

Tagalog Pagkatapos tunay na ako ay nagpahayag sa kanila at nagtapat sa kanila nang isang pagtatapat.

Verse 10

فَقُلْتُ ٱسْتَغْفِرُوا۟ رَبَّكُمْ إِنَّهُۥ كَانَ غَفَّارًا

Transliteration faqul'tu is'taghfirū rabbakum innahu kāna ghaffāran

Tagalog Kaya nagsabi ako: ‘Humingi kayo ng tawad sa Panginoon ninyo – tunay na Siya ay laging Palapatawad –

Verse 11

يُرْسِلِ ٱلسَّمَآءَ عَلَيْكُم مِّدْرَارًا

Transliteration yur'sili l-samāa ʿalaykum mid'rāran

Tagalog magpapadala Siya ng [ulan ng] langit sa inyo na nananagana,

Verse 12

وَيُمْدِدْكُم بِأَمْوَٰلٍ وَبَنِينَ وَيَجْعَل لَّكُمْ جَنَّـٰتٍ وَيَجْعَل لَّكُمْ أَنْهَـٰرًا

Transliteration wayum'did'kum bi-amwālin wabanīna wayajʿal lakum jannātin wayajʿal lakum anhāran

Tagalog mag-aayuda Siya sa inyo ng mga yaman at mga anak, gagawa Siya para sa inyo ng mga hardin, at gagawa Siya para sa inyo ng mga ilog.

Verse 13

مَّا لَكُمْ لَا تَرْجُونَ لِلَّهِ وَقَارًا

Transliteration mā lakum lā tarjūna lillahi waqāran

Tagalog Ano ang mayroon sa inyo na hindi kayo umaasam kay Allāh sa kabunyian

Verse 14

وَقَدْ خَلَقَكُمْ أَطْوَارًا

Transliteration waqad khalaqakum aṭwāran

Tagalog samantalang lumikha nga Siya sa inyo sa mga yugto?

Verse 15

أَلَمْ تَرَوْا۟ كَيْفَ خَلَقَ ٱللَّهُ سَبْعَ سَمَـٰوَٰتٍ طِبَاقًا

Transliteration alam taraw kayfa khalaqa l-lahu sabʿa samāwātin ṭibāqan

Tagalog Hindi ba ninyo napag-alaman kung papaanong lumikha si Allāh ng pitong langit na magkakapatong?

Verse 16

وَجَعَلَ ٱلْقَمَرَ فِيهِنَّ نُورًا وَجَعَلَ ٱلشَّمْسَ سِرَاجًا

Transliteration wajaʿala l-qamara fīhinna nūran wajaʿala l-shamsa sirājan

Tagalog Naglagay Siya ng buwan sa mga ito bilang liwanag at naglagay Siya ng araw bilang sulo.

Verse 17

وَٱللَّهُ أَنۢبَتَكُم مِّنَ ٱلْأَرْضِ نَبَاتًا

Transliteration wal-lahu anbatakum mina l-arḍi nabātan

Tagalog Si Allāh ay nagpatubo sa inyo mula sa lupa sa isang pagpapatubo.

Verse 18

ثُمَّ يُعِيدُكُمْ فِيهَا وَيُخْرِجُكُمْ إِخْرَاجًا

Transliteration thumma yuʿīdukum fīhā wayukh'rijukum ikh'rājan

Tagalog Pagkatapos magpapanumbalik Siya sa inyo rito at magpapalabas Siya sa inyo sa isang pagpapalabas.

Verse 19

وَٱللَّهُ جَعَلَ لَكُمُ ٱلْأَرْضَ بِسَاطًا

Transliteration wal-lahu jaʿala lakumu l-arḍa bisāṭan

Tagalog Si Allāh ay gumawa para sa inyo ng lupa na isang nakalatag

Verse 20

لِّتَسْلُكُوا۟ مِنْهَا سُبُلًا فِجَاجًا

Transliteration litaslukū min'hā subulan fijājan

Tagalog upang tumahak kayo mula rito sa mga landas na maluwang.'"

Verse 21

قَالَ نُوحٌ رَّبِّ إِنَّهُمْ عَصَوْنِى وَٱتَّبَعُوا۟ مَن لَّمْ يَزِدْهُ مَالُهُۥ وَوَلَدُهُۥٓ إِلَّا خَسَارًا

Transliteration qāla nūḥun rabbi innahum ʿaṣawnī wa-ittabaʿū man lam yazid'hu māluhu wawaladuhu illā khasāran

Tagalog Nagsabi si Noe: "Panginoon ko, tunay na sila ay sumuway sa akin at sumunod sa [taong] walang naidagdag sa kanya ang yaman niya at ang anak niya kundi isang pagkalugi.

Verse 22

وَمَكَرُوا۟ مَكْرًا كُبَّارًا

Transliteration wamakarū makran kubbāran

Tagalog Nanlansi sila ng isang panlalansing pagkalaki-laki.

Verse 23

وَقَالُوا۟ لَا تَذَرُنَّ ءَالِهَتَكُمْ وَلَا تَذَرُنَّ وَدًّا وَلَا سُوَاعًا وَلَا يَغُوثَ وَيَعُوقَ وَنَسْرًا

Transliteration waqālū lā tadharunna ālihatakum walā tadharunna waddan walā suwāʿan walā yaghūtha wayaʿūqa wanasran

Tagalog Nagsabi sila: ‘Huwag nga kayong mag-iwan sa mga diyos ninyo at huwag nga kayong mag-iwan kay Wadd, ni kay Suwā`, ni kay Yaghūth, ni kay Ya`ūq, ni kay Nasr.’

Verse 24

وَقَدْ أَضَلُّوا۟ كَثِيرًا ۖ وَلَا تَزِدِ ٱلظَّـٰلِمِينَ إِلَّا ضَلَـٰلًا

Transliteration waqad aḍallū kathīran walā tazidi l-ẓālimīna illā ḍalālan

Tagalog Nagligaw nga sila ng marami at huwag Kang magdagdag sa mga tagalabag sa katarungan kundi ng isang pagkaligaw."

Verse 25

مِّمَّا خَطِيٓـَٔـٰتِهِمْ أُغْرِقُوا۟ فَأُدْخِلُوا۟ نَارًا فَلَمْ يَجِدُوا۟ لَهُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ أَنصَارًا

Transliteration mimmā khaṭīātihim ugh'riqū fa-ud'khilū nāran falam yajidū lahum min dūni l-lahi anṣāran

Tagalog Dahil sa mga kamalian nila, pinalunod sila saka pinapasok sila sa isang Apoy, saka hindi sila nakatagpo para sa kanila bukod pa kay Allāh ng mga tagaadya.

Verse 26

وَقَالَ نُوحٌ رَّبِّ لَا تَذَرْ عَلَى ٱلْأَرْضِ مِنَ ٱلْكَـٰفِرِينَ دَيَّارًا

Transliteration waqāla nūḥun rabbi lā tadhar ʿalā l-arḍi mina l-kāfirīna dayyāran

Tagalog Nagsabi si Noe: "Panginoon ko, huwag Kang mag-iwan sa lupa mula sa mga tagatangging sumampalataya ng isang palagala.

Verse 27

إِنَّكَ إِن تَذَرْهُمْ يُضِلُّوا۟ عِبَادَكَ وَلَا يَلِدُوٓا۟ إِلَّا فَاجِرًا كَفَّارًا

Transliteration innaka in tadharhum yuḍillū ʿibādaka walā yalidū illā fājiran kaffāran

Tagalog Tunay na kung mag-iiwan Ka sa kanila, magliligaw sila sa mga lingkod Mo at hindi sila magkakaanak kundi ng masamang-loob na palatangging sumampalataya.

Verse 28

رَّبِّ ٱغْفِرْ لِى وَلِوَٰلِدَىَّ وَلِمَن دَخَلَ بَيْتِىَ مُؤْمِنًا وَلِلْمُؤْمِنِينَ وَٱلْمُؤْمِنَـٰتِ وَلَا تَزِدِ ٱلظَّـٰلِمِينَ إِلَّا تَبَارًۢا

Transliteration rabbi igh'fir lī waliwālidayya waliman dakhala baytiya mu'minan walil'mu'minīna wal-mu'mināti walā tazidi l-ẓālimīna illā tabāran

Tagalog Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin, sa mga magulang ko, sa sinumang pumasok sa bahay ko bilang mananampalataya, sa mga lalaking mananampalataya, at sa mga babaing mananampalataya. Huwag Kang magdagdag sa mga tagalabag sa katarungan kundi ng isang pagkapahamak."

Read Surah Nuh in another language

All languages

All 114 surahs in Tagalog: the Qur’an in Tagalog.

Learn it in MyDugsi

Tagalog translation: Dar Al-Salam Center, from Quran.com. Transliteration: Quran.com. Recitation: Mishary Alafasy, from EveryAyah.com. MyDugsi is a learning aid, not a replacement for a qualified teacher.