MyDugsiStart learning

Surah Al-Mujadila in Tagalog: translation and audio

Surah 58 · المجادلة · The Pleading Woman · 22 verses

Surah Al-Mujadila verse by verse: the Arabic with a recitation you can repeat, the transliteration, and the Tagalog translation by Dar Al-Salam Center. For the meaning of every word, see Surah Al-Mujadila word by word in English.

Verse 1

قَدْ سَمِعَ ٱللَّهُ قَوْلَ ٱلَّتِى تُجَـٰدِلُكَ فِى زَوْجِهَا وَتَشْتَكِىٓ إِلَى ٱللَّهِ وَٱللَّهُ يَسْمَعُ تَحَاوُرَكُمَآ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ سَمِيعٌۢ بَصِيرٌ

Transliteration qad samiʿa l-lahu qawla allatī tujādiluka fī zawjihā watashtakī ilā l-lahi wal-lahu yasmaʿu taḥāwurakumā inna l-laha samīʿun baṣīrun

Tagalog Narinig nga ni Allāh ang sabi ng [babaing] nakikipagtalo sa iyo hinggil sa asawa niya at dumaraing kay Allāh at si Allāh ay nakaririnig sa pagtatalakayan ninyong dalawa. Tunay na si Allāh ay Madinigin, Nakakikita.

Verse 2

ٱلَّذِينَ يُظَـٰهِرُونَ مِنكُم مِّن نِّسَآئِهِم مَّا هُنَّ أُمَّهَـٰتِهِمْ ۖ إِنْ أُمَّهَـٰتُهُمْ إِلَّا ٱلَّـٰٓـِٔى وَلَدْنَهُمْ ۚ وَإِنَّهُمْ لَيَقُولُونَ مُنكَرًا مِّنَ ٱلْقَوْلِ وَزُورًا ۚ وَإِنَّ ٱللَّهَ لَعَفُوٌّ غَفُورٌ

Transliteration alladhīna yuẓāhirūna minkum min nisāihim mā hunna ummahātihim in ummahātuhum illā allāī waladnahum wa-innahum layaqūlūna munkaran mina l-qawli wazūran wa-inna l-laha laʿafuwwun ghafūrun

Tagalog Ang mga nagsasagawa ng dhihār kabilang sa inyo sa mga maybahay nila [ay nagsinungaling]; ang mga ito ay hindi mga ina nila; walang iba ang mga ina kundi ang mga nagsilang sa kanila. Tunay na sila ay talagang nagsasabi ng isang nakasasama kabilang sa sinasabi at isang kabulaanan. Tunay na si Allāh ay talagang Mapagpaumanhin, Mapagpatawad.

Verse 3

وَٱلَّذِينَ يُظَـٰهِرُونَ مِن نِّسَآئِهِمْ ثُمَّ يَعُودُونَ لِمَا قَالُوا۟ فَتَحْرِيرُ رَقَبَةٍ مِّن قَبْلِ أَن يَتَمَآسَّا ۚ ذَٰلِكُمْ تُوعَظُونَ بِهِۦ ۚ وَٱللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرٌ

Transliteration wa-alladhīna yuẓāhirūna min nisāihim thumma yaʿūdūna limā qālū fataḥrīru raqabatin min qabli an yatamāssā dhālikum tūʿaẓūna bihi wal-lahu bimā taʿmalūna khabīrun

Tagalog Ang mga nagsasagawa ng dhihār sa mga maybahay nila, pagkatapos bumabawi sila sa sinabi nila, ay pagpapalaya ng isang alipin [ang panakip-sala] bago pa silang dalawa magsalingan. Gayon kayo pinangangaralan. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid.

Verse 4

فَمَن لَّمْ يَجِدْ فَصِيَامُ شَهْرَيْنِ مُتَتَابِعَيْنِ مِن قَبْلِ أَن يَتَمَآسَّا ۖ فَمَن لَّمْ يَسْتَطِعْ فَإِطْعَامُ سِتِّينَ مِسْكِينًا ۚ ذَٰلِكَ لِتُؤْمِنُوا۟ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ ۚ وَتِلْكَ حُدُودُ ٱللَّهِ ۗ وَلِلْكَـٰفِرِينَ عَذَابٌ أَلِيمٌ

Transliteration faman lam yajid faṣiyāmu shahrayni mutatābiʿayni min qabli an yatamāssā faman lam yastaṭiʿ fa-iṭ'ʿāmu sittīna mis'kīnan dhālika litu'minū bil-lahi warasūlihi watil'ka ḥudūdu l-lahi walil'kāfirīna ʿadhābun alīmun

Tagalog Ngunit ang sinumang hindi nakatagpo [ng mapalalaya ay kailangan sa kanya] ang pag-aayuno ng dalawang buwang nagkakasunuran bago pa silang dalawa magsalingan; ngunit ang sinumang hindi nakakaya [ay kailangan sa kanya] ang pagpapakain ng animnapung dukha. Iyon ay upang sumampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya. Iyon ay ang mga hangganan ni Allāh. Ukol sa mga tagatangging sumampalataya ay isang pagdurusang masakit.

Verse 5

إِنَّ ٱلَّذِينَ يُحَآدُّونَ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ كُبِتُوا۟ كَمَا كُبِتَ ٱلَّذِينَ مِن قَبْلِهِمْ ۚ وَقَدْ أَنزَلْنَآ ءَايَـٰتٍۭ بَيِّنَـٰتٍ ۚ وَلِلْكَـٰفِرِينَ عَذَابٌ مُّهِينٌ

Transliteration inna alladhīna yuḥāddūna l-laha warasūlahu kubitū kamā kubita alladhīna min qablihim waqad anzalnā āyātin bayyinātin walil'kāfirīna ʿadhābun muhīnun

Tagalog Tunay na ang mga sumasalansang kay Allāh at sa Sugo Niya ay dudustain kung paanong dinusta ang mga bago pa nila. Nagpababa nga Kami ng mga tandang malilinaw. Ukol sa mga tagatangging sumampalataya ay isang pagdurusang manghahamak,

Verse 6

يَوْمَ يَبْعَثُهُمُ ٱللَّهُ جَمِيعًا فَيُنَبِّئُهُم بِمَا عَمِلُوٓا۟ ۚ أَحْصَىٰهُ ٱللَّهُ وَنَسُوهُ ۚ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَىْءٍ شَهِيدٌ

Transliteration yawma yabʿathuhumu l-lahu jamīʿan fayunabbi-uhum bimā ʿamilū aḥṣāhu l-lahu wanasūhu wal-lahu ʿalā kulli shayin shahīdun

Tagalog sa Araw na bubuhay sa kanila si Allāh sa kalahatan saka magbabalita Siya sa kanila hinggil sa ginawa nila. Mag-iisa-isa niyon si Allāh samantalang lumimot sila niyon. Si Allāh sa bawat bagay ay Saksi.

Verse 7

أَلَمْ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ يَعْلَمُ مَا فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَمَا فِى ٱلْأَرْضِ ۖ مَا يَكُونُ مِن نَّجْوَىٰ ثَلَـٰثَةٍ إِلَّا هُوَ رَابِعُهُمْ وَلَا خَمْسَةٍ إِلَّا هُوَ سَادِسُهُمْ وَلَآ أَدْنَىٰ مِن ذَٰلِكَ وَلَآ أَكْثَرَ إِلَّا هُوَ مَعَهُمْ أَيْنَ مَا كَانُوا۟ ۖ ثُمَّ يُنَبِّئُهُم بِمَا عَمِلُوا۟ يَوْمَ ٱلْقِيَـٰمَةِ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ بِكُلِّ شَىْءٍ عَلِيمٌ

Transliteration alam tara anna l-laha yaʿlamu mā fī l-samāwāti wamā fī l-arḍi mā yakūnu min najwā thalāthatin illā huwa rābiʿuhum walā khamsatin illā huwa sādisuhum walā adnā min dhālika walā akthara illā huwa maʿahum ayna mā kānū thumma yunabbi-uhum bimā ʿamilū yawma l-qiyāmati inna l-laha bikulli shayin ʿalīmun

Tagalog Hindi mo ba napag-alaman na si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa? Walang anumang sarilinang pag-uusap ng tatlo malibang Siya ay ang ikaapat nila, ni ng lima malibang Siya ay ang ikaanim nila, ni ng higit na mababa kaysa roon, ni ng higit na marami kaysa roon malibang Siya ay kasama sa kanila nasaan man sila. Pagkatapos magbabalita Siya sa kanila, hinggil sa anumang ginawa nila, sa Araw ng Pagbangon. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.

Verse 8

أَلَمْ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ نُهُوا۟ عَنِ ٱلنَّجْوَىٰ ثُمَّ يَعُودُونَ لِمَا نُهُوا۟ عَنْهُ وَيَتَنَـٰجَوْنَ بِٱلْإِثْمِ وَٱلْعُدْوَٰنِ وَمَعْصِيَتِ ٱلرَّسُولِ وَإِذَا جَآءُوكَ حَيَّوْكَ بِمَا لَمْ يُحَيِّكَ بِهِ ٱللَّهُ وَيَقُولُونَ فِىٓ أَنفُسِهِمْ لَوْلَا يُعَذِّبُنَا ٱللَّهُ بِمَا نَقُولُ ۚ حَسْبُهُمْ جَهَنَّمُ يَصْلَوْنَهَا ۖ فَبِئْسَ ٱلْمَصِيرُ

Transliteration alam tara ilā alladhīna nuhū ʿani l-najwā thumma yaʿūdūna limā nuhū ʿanhu wayatanājawna bil-ith'mi wal-ʿud'wāni wamaʿṣiyati l-rasūli wa-idhā jāūka ḥayyawka bimā lam yuḥayyika bihi l-lahu wayaqūlūna fī anfusihim lawlā yuʿadhibunā l-lahu bimā naqūlu ḥasbuhum jahannamu yaṣlawnahā fabi'sa l-maṣīru

Tagalog Hindi ka ba tumingin sa mga sinaway laban sa sarilinang pag-uusap, pagkatapos nanunumbalik sila sa sinaway sa kanila at sarilinang nag-uusapan sila hinggil sa kasalanan, pangangaway, at pagsuway sa Sugo? Kapag dumating sila sa iyo ay bumabati sila sa iyo ng hindi ibinati sa iyo ni Allāh at nagsasabi sila sa mga sarili nila: "Bakit hindi tayo pagdusahin ni Allāh dahil sa sinasabi natin?" Kasapatan sa kanila ang Impiyerno. Masusunog sila roon, kaya kay saklap ang kahahantungan!

Verse 9

يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓا۟ إِذَا تَنَـٰجَيْتُمْ فَلَا تَتَنَـٰجَوْا۟ بِٱلْإِثْمِ وَٱلْعُدْوَٰنِ وَمَعْصِيَتِ ٱلرَّسُولِ وَتَنَـٰجَوْا۟ بِٱلْبِرِّ وَٱلتَّقْوَىٰ ۖ وَٱتَّقُوا۟ ٱللَّهَ ٱلَّذِىٓ إِلَيْهِ تُحْشَرُونَ

Transliteration yāayyuhā alladhīna āmanū idhā tanājaytum falā tatanājaw bil-ith'mi wal-ʿud'wāni wamaʿṣiyati l-rasūli watanājaw bil-biri wal-taqwā wa-ittaqū l-laha alladhī ilayhi tuḥ'sharūna

Tagalog O mga sumampalataya, kapag sarilinang nag-usapan kayo ay huwag kayong sarilinang mag-usapan hinggil sa kasalanan, pangangaway, at pagsuway sa Sugo, bagkus sarilinang mag-usapan kayo hinggil sa pagpapakabuti at pangingilag magkasala. Mangilag kayong magkasala kay Allāh na tungo sa Kanya ay kakalapin kayo.

Verse 10

إِنَّمَا ٱلنَّجْوَىٰ مِنَ ٱلشَّيْطَـٰنِ لِيَحْزُنَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَلَيْسَ بِضَآرِّهِمْ شَيْـًٔا إِلَّا بِإِذْنِ ٱللَّهِ ۚ وَعَلَى ٱللَّهِ فَلْيَتَوَكَّلِ ٱلْمُؤْمِنُونَ

Transliteration innamā l-najwā mina l-shayṭāni liyaḥzuna alladhīna āmanū walaysa biḍārrihim shayan illā bi-idh'ni l-lahi waʿalā l-lahi falyatawakkali l-mu'minūna

Tagalog Ang [masamang] sarilinang pag-uusap ay mula sa demonyo lamang upang malungkot ang mga sumampalataya at hindi siya makapipinsala sa kanila ng anuman malibang may pahintulot ni Allāh. Kay Allāh ay manalig ang mga mananampalataya.

Verse 11

يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓا۟ إِذَا قِيلَ لَكُمْ تَفَسَّحُوا۟ فِى ٱلْمَجَـٰلِسِ فَٱفْسَحُوا۟ يَفْسَحِ ٱللَّهُ لَكُمْ ۖ وَإِذَا قِيلَ ٱنشُزُوا۟ فَٱنشُزُوا۟ يَرْفَعِ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ مِنكُمْ وَٱلَّذِينَ أُوتُوا۟ ٱلْعِلْمَ دَرَجَـٰتٍ ۚ وَٱللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرٌ

Transliteration yāayyuhā alladhīna āmanū idhā qīla lakum tafassaḥū fī l-majālisi fa-if'saḥū yafsaḥi l-lahu lakum wa-idhā qīla unshuzū fa-unshuzū yarfaʿi l-lahu alladhīna āmanū minkum wa-alladhīna ūtū l-ʿil'ma darajātin wal-lahu bimā taʿmalūna khabīrun

Tagalog O mga sumampalataya, kapag sinabi sa inyo na magpaluwang-luwang kayo sa mga pagtitipon ay magpaluwang kayo, magpapaluwang si Allāh para sa inyo. Kapag sinabi sa inyo na tumindig kayo ay tumindig kayo, mag-aangat si Allāh ng mga antas sa mga sumampalataya kabilang sa inyo at mga binigyan ng kaalaman. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid.

Verse 12

يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓا۟ إِذَا نَـٰجَيْتُمُ ٱلرَّسُولَ فَقَدِّمُوا۟ بَيْنَ يَدَىْ نَجْوَىٰكُمْ صَدَقَةً ۚ ذَٰلِكَ خَيْرٌ لَّكُمْ وَأَطْهَرُ ۚ فَإِن لَّمْ تَجِدُوا۟ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٌ رَّحِيمٌ

Transliteration yāayyuhā alladhīna āmanū idhā nājaytumu l-rasūla faqaddimū bayna yaday najwākum ṣadaqatan dhālika khayrun lakum wa-aṭharu fa-in lam tajidū fa-inna l-laha ghafūrun raḥīmun

Tagalog O mga sumampalataya, kapag sarilinang nakipag-usap kayo sa Sugo ay maghandog kayo, bago ng sarilinang pag-uusap ninyo, ng isang kawanggawa. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo at higit na dalisay. Ngunit kung hindi kayo nakatagpo, tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.

Verse 13

ءَأَشْفَقْتُمْ أَن تُقَدِّمُوا۟ بَيْنَ يَدَىْ نَجْوَىٰكُمْ صَدَقَـٰتٍ ۚ فَإِذْ لَمْ تَفْعَلُوا۟ وَتَابَ ٱللَّهُ عَلَيْكُمْ فَأَقِيمُوا۟ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتُوا۟ ٱلزَّكَوٰةَ وَأَطِيعُوا۟ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ ۚ وَٱللَّهُ خَبِيرٌۢ بِمَا تَعْمَلُونَ

Transliteration a-ashfaqtum an tuqaddimū bayna yaday najwākum ṣadaqātin fa-idh lam tafʿalū watāba l-lahu ʿalaykum fa-aqīmū l-ṣalata waātū l-zakata wa-aṭīʿū l-laha warasūlahu wal-lahu khabīrun bimā taʿmalūna

Tagalog Nabagabag ba kayo na maghandog kayo, bago ng sarilinang pag-uusap ninyo, ng mga kawanggawa? Kaya kapag hindi ninyo nagawa at tumanggap si Allāh sa inyo ng pagbabalik-loob ay magpanatili kayo ng pagdarasal, magbigay kayo ng zakāh, at tumalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya. Si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo.

Verse 14

۞ أَلَمْ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ تَوَلَّوْا۟ قَوْمًا غَضِبَ ٱللَّهُ عَلَيْهِم مَّا هُم مِّنكُمْ وَلَا مِنْهُمْ وَيَحْلِفُونَ عَلَى ٱلْكَذِبِ وَهُمْ يَعْلَمُونَ

Transliteration alam tara ilā alladhīna tawallaw qawman ghaḍiba l-lahu ʿalayhim mā hum minkum walā min'hum wayaḥlifūna ʿalā l-kadhibi wahum yaʿlamūna

Tagalog Hindi ka ba tumingin sa mga tumangkilik sa mga taong nagalit si Allāh sa mga iyon? Sila ay hindi kabilang sa inyo at hindi kabilang sa mga iyon. Sumusumpa sila sa kasinungalingan habang sila ay nakaaalam.

Verse 15

أَعَدَّ ٱللَّهُ لَهُمْ عَذَابًا شَدِيدًا ۖ إِنَّهُمْ سَآءَ مَا كَانُوا۟ يَعْمَلُونَ

Transliteration aʿadda l-lahu lahum ʿadhāban shadīdan innahum sāa mā kānū yaʿmalūna

Tagalog Naghanda si Allāh para sa kanila ng isang pagdurusang matindi. Tunay na sila ay kay sagwa ang dati nilang ginagawa!

Verse 16

ٱتَّخَذُوٓا۟ أَيْمَـٰنَهُمْ جُنَّةً فَصَدُّوا۟ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ فَلَهُمْ عَذَابٌ مُّهِينٌ

Transliteration ittakhadhū aymānahum junnatan faṣaddū ʿan sabīli l-lahi falahum ʿadhābun muhīnun

Tagalog Gumawa sila sa mga panunumpa nila bilang panangga kaya sumagabal sila sa landas ni Allāh, kaya ukol sa kanila ay isang pagdurusang manghahamak.

Verse 17

لَّن تُغْنِىَ عَنْهُمْ أَمْوَٰلُهُمْ وَلَآ أَوْلَـٰدُهُم مِّنَ ٱللَّهِ شَيْـًٔا ۚ أُو۟لَـٰٓئِكَ أَصْحَـٰبُ ٱلنَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَـٰلِدُونَ

Transliteration lan tugh'niya ʿanhum amwāluhum walā awlāduhum mina l-lahi shayan ulāika aṣḥābu l-nāri hum fīhā khālidūna

Tagalog Hindi makapagpapakinabang para sa kanila ang mga yaman nila ni ang mga anak nila laban kay Allāh sa anuman. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mananatili,

Verse 18

يَوْمَ يَبْعَثُهُمُ ٱللَّهُ جَمِيعًا فَيَحْلِفُونَ لَهُۥ كَمَا يَحْلِفُونَ لَكُمْ ۖ وَيَحْسَبُونَ أَنَّهُمْ عَلَىٰ شَىْءٍ ۚ أَلَآ إِنَّهُمْ هُمُ ٱلْكَـٰذِبُونَ

Transliteration yawma yabʿathuhumu l-lahu jamīʿan fayaḥlifūna lahu kamā yaḥlifūna lakum wayaḥsabūna annahum ʿalā shayin alā innahum humu l-kādhibūna

Tagalog sa Araw na bubuhay sa kanila si Allāh sa kalahatan saka manunumpa sila sa Kanya kung paanong nanunumpa sila sa inyo. Nag-aakala sila na sila ay [nakabatay] sa isang bagay. Pansinin, tunay na sila ay ang mga sinungaling.

Verse 19

ٱسْتَحْوَذَ عَلَيْهِمُ ٱلشَّيْطَـٰنُ فَأَنسَىٰهُمْ ذِكْرَ ٱللَّهِ ۚ أُو۟لَـٰٓئِكَ حِزْبُ ٱلشَّيْطَـٰنِ ۚ أَلَآ إِنَّ حِزْبَ ٱلشَّيْطَـٰنِ هُمُ ٱلْخَـٰسِرُونَ

Transliteration is'taḥwadha ʿalayhimu l-shayṭānu fa-ansāhum dhik'ra l-lahi ulāika ḥiz'bu l-shayṭāni alā inna ḥiz'ba l-shayṭāni humu l-khāsirūna

Tagalog Nakagapi sa kanila ang demonyo kaya nagpalimot ito sa kanila ng pag-alaala kay Allāh. Ang mga iyon ay ang lapian ng demonyo. Pansinin, tunay na ang lapian ng demonyo ay ang mga lugi.

Verse 20

إِنَّ ٱلَّذِينَ يُحَآدُّونَ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥٓ أُو۟لَـٰٓئِكَ فِى ٱلْأَذَلِّينَ

Transliteration inna alladhīna yuḥāddūna l-laha warasūlahu ulāika fī l-adhalīna

Tagalog Tunay na ang mga sumasalansang kay Allāh at sa Sugo Niya, ang mga iyon ay kabilang sa mga pinakakaaba-aba.

Verse 21

كَتَبَ ٱللَّهُ لَأَغْلِبَنَّ أَنَا۠ وَرُسُلِىٓ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ قَوِىٌّ عَزِيزٌ

Transliteration kataba l-lahu la-aghlibanna anā warusulī inna l-laha qawiyyun ʿazīzun

Tagalog Nagtakda si Allāh: "Talagang mananaig nga Ako mismo at ang mga sugo Ko." Tunay na si Allāh ay Malakas, Makapangyarihan.

Verse 22

لَّا تَجِدُ قَوْمًا يُؤْمِنُونَ بِٱللَّهِ وَٱلْيَوْمِ ٱلْـَٔاخِرِ يُوَآدُّونَ مَنْ حَآدَّ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ وَلَوْ كَانُوٓا۟ ءَابَآءَهُمْ أَوْ أَبْنَآءَهُمْ أَوْ إِخْوَٰنَهُمْ أَوْ عَشِيرَتَهُمْ ۚ أُو۟لَـٰٓئِكَ كَتَبَ فِى قُلُوبِهِمُ ٱلْإِيمَـٰنَ وَأَيَّدَهُم بِرُوحٍ مِّنْهُ ۖ وَيُدْخِلُهُمْ جَنَّـٰتٍ تَجْرِى مِن تَحْتِهَا ٱلْأَنْهَـٰرُ خَـٰلِدِينَ فِيهَا ۚ رَضِىَ ٱللَّهُ عَنْهُمْ وَرَضُوا۟ عَنْهُ ۚ أُو۟لَـٰٓئِكَ حِزْبُ ٱللَّهِ ۚ أَلَآ إِنَّ حِزْبَ ٱللَّهِ هُمُ ٱلْمُفْلِحُونَ

Transliteration lā tajidu qawman yu'minūna bil-lahi wal-yawmi l-ākhiri yuwāddūna man ḥādda l-laha warasūlahu walaw kānū ābāahum aw abnāahum aw ikh'wānahum aw ʿashīratahum ulāika kataba fī qulūbihimu l-īmāna wa-ayyadahum birūḥin min'hu wayud'khiluhum jannātin tajrī min taḥtihā l-anhāru khālidīna fīhā raḍiya l-lahu ʿanhum waraḍū ʿanhu ulāika ḥiz'bu l-lahi alā inna ḥiz'ba l-lahi humu l-muf'liḥūna

Tagalog Hindi ka makatatagpo ng mga taong sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw na nakikipagmahalan sa sinumang sumalansang kay Allāh at sa Sugo Niya, kahit pa man ang mga ito ay mga magulang nila o mga anak nila o mga kapatid nila o angkan nila. Ang mga iyon ay sinulatan Niya sa mga puso nila ng pananampalataya at inalalayan Niya sa pamamagitan ng isang espiritu mula sa Kanya. Magpapapasok Siya sa kanila sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito. Nalugod si Allāh sa kanila at nalugod sila sa Kanya. Ang mga iyon ay ang lapian ni Allāh. Pansinin, tunay na ang lapian ni Allāh ay ang mga matagumpay.

Read Surah Al-Mujadila in another language

All languages

All 114 surahs in Tagalog: the Qur’an in Tagalog.

Learn it in MyDugsi

Tagalog translation: Dar Al-Salam Center, from Quran.com. Transliteration: Quran.com. Recitation: Mishary Alafasy, from EveryAyah.com. MyDugsi is a learning aid, not a replacement for a qualified teacher.