MyDugsiStart learning

Surah An-Nur in Tagalog: translation and audio

Surah 24 · النور · The Light · 64 verses

Surah An-Nur verse by verse: the Arabic with a recitation you can repeat, the transliteration, and the Tagalog translation by Dar Al-Salam Center. For the meaning of every word, see Surah An-Nur word by word in English.

Verse 1

سُورَةٌ أَنزَلْنَـٰهَا وَفَرَضْنَـٰهَا وَأَنزَلْنَا فِيهَآ ءَايَـٰتٍۭ بَيِّنَـٰتٍ لَّعَلَّكُمْ تَذَكَّرُونَ

Transliteration sūratun anzalnāhā wafaraḍnāhā wa-anzalnā fīhā āyātin bayyinātin laʿallakum tadhakkarūna

Tagalog [Ito ay] isang kabanatang pinababa Namin at isinatungkulin Namin. Nagpababa Kami sa loob nito ng mga talatang naglilinaw, nang sa gayon kayo magsasaalaala.

Verse 2

ٱلزَّانِيَةُ وَٱلزَّانِى فَٱجْلِدُوا۟ كُلَّ وَٰحِدٍ مِّنْهُمَا مِا۟ئَةَ جَلْدَةٍ ۖ وَلَا تَأْخُذْكُم بِهِمَا رَأْفَةٌ فِى دِينِ ٱللَّهِ إِن كُنتُمْ تُؤْمِنُونَ بِٱللَّهِ وَٱلْيَوْمِ ٱلْـَٔاخِرِ ۖ وَلْيَشْهَدْ عَذَابَهُمَا طَآئِفَةٌ مِّنَ ٱلْمُؤْمِنِينَ

Transliteration al-zāniyatu wal-zānī fa-ij'lidū kulla wāḥidin min'humā mi-ata jaldatin walā takhudh'kum bihimā rafatun fī dīni l-lahi in kuntum tu'minūna bil-lahi wal-yawmi l-ākhiri walyashhad ʿadhābahumā ṭāifatun mina l-mu'minīna

Tagalog Ang babaing nangangalunya at ang lalaking nangangalunya ay humagupit kayo sa bawat isa sa kanilang dalawa ng isang daang hagupit. Huwag kayong tangayin ng pagkahabag sa kanilang dalawa sa Relihiyon ni Allāh kung kayo ay sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw. Sumaksi sa pagdurusa nilang dalawa ang isang pangkat kabilang sa mga mananampalataya.

Verse 3

ٱلزَّانِى لَا يَنكِحُ إِلَّا زَانِيَةً أَوْ مُشْرِكَةً وَٱلزَّانِيَةُ لَا يَنكِحُهَآ إِلَّا زَانٍ أَوْ مُشْرِكٌ ۚ وَحُرِّمَ ذَٰلِكَ عَلَى ٱلْمُؤْمِنِينَ

Transliteration al-zānī lā yankiḥu illā zāniyatan aw mush'rikatan wal-zāniyatu lā yankiḥuhā illā zānin aw mush'rikun waḥurrima dhālika ʿalā l-mu'minīna

Tagalog Ang lalaking nangangalunya ay hindi mag-aasawa kundi ng isang babaing nangangalunya o isang babaing tagapagtambal. Ang babaing nangangalunya ay hindi mag-aasawa kundi ng isang lalaking nangangalunya o isang lalaking tagapagtambal. Ipinagbawal iyon sa mga mananampalataya.

Verse 4

وَٱلَّذِينَ يَرْمُونَ ٱلْمُحْصَنَـٰتِ ثُمَّ لَمْ يَأْتُوا۟ بِأَرْبَعَةِ شُهَدَآءَ فَٱجْلِدُوهُمْ ثَمَـٰنِينَ جَلْدَةً وَلَا تَقْبَلُوا۟ لَهُمْ شَهَـٰدَةً أَبَدًا ۚ وَأُو۟لَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلْفَـٰسِقُونَ

Transliteration wa-alladhīna yarmūna l-muḥ'ṣanāti thumma lam yatū bi-arbaʿati shuhadāa fa-ij'lidūhum thamānīna jaldatan walā taqbalū lahum shahādatan abadan wa-ulāika humu l-fāsiqūna

Tagalog Ang mga nagpaparatang sa mga malinis na babae, pagkatapos hindi nakapaglahad ng apat na saksi, ay hagupitin ninyo ng walumpung hagupit at huwag kayong tumanggap sa kanila ng isang pagsasaksi magpakailanman – ang mga iyon ay ang mga suwail –

Verse 5

إِلَّا ٱلَّذِينَ تَابُوا۟ مِنۢ بَعْدِ ذَٰلِكَ وَأَصْلَحُوا۟ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٌ رَّحِيمٌ

Transliteration illā alladhīna tābū min baʿdi dhālika wa-aṣlaḥū fa-inna l-laha ghafūrun raḥīmun

Tagalog maliban sa mga nagbalik-loob nang matapos niyon at nagsaayos sapagkat tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.

Verse 6

وَٱلَّذِينَ يَرْمُونَ أَزْوَٰجَهُمْ وَلَمْ يَكُن لَّهُمْ شُهَدَآءُ إِلَّآ أَنفُسُهُمْ فَشَهَـٰدَةُ أَحَدِهِمْ أَرْبَعُ شَهَـٰدَٰتٍۭ بِٱللَّهِ ۙ إِنَّهُۥ لَمِنَ ٱلصَّـٰدِقِينَ

Transliteration wa-alladhīna yarmūna azwājahum walam yakun lahum shuhadāu illā anfusuhum fashahādatu aḥadihim arbaʿu shahādātin bil-lahi innahu lamina l-ṣādiqīna

Tagalog Ang mga nagpaparatang sa mga maybahay nila samantalang hindi sila nagkaroon ng mga saksi maliban sa mga sarili nila, ang pagsaksi ng isa sa kanila ay apat na pagsaksi kay Allāh na tunay na siya ay talagang kabilang sa mga tapat.

Verse 7

وَٱلْخَـٰمِسَةُ أَنَّ لَعْنَتَ ٱللَّهِ عَلَيْهِ إِن كَانَ مِنَ ٱلْكَـٰذِبِينَ

Transliteration wal-khāmisatu anna laʿnata l-lahi ʿalayhi in kāna mina l-kādhibīna

Tagalog Ang [pagsaksing ikalima ay na ang sumpa ni Allāh ay sumakanya kung siya ay naging kabilang sa mga sinungaling.

Verse 8

وَيَدْرَؤُا۟ عَنْهَا ٱلْعَذَابَ أَن تَشْهَدَ أَرْبَعَ شَهَـٰدَٰتٍۭ بِٱللَّهِ ۙ إِنَّهُۥ لَمِنَ ٱلْكَـٰذِبِينَ

Transliteration wayadra-u ʿanhā l-ʿadhāba an tashhada arbaʿa shahādātin bil-lahi innahu lamina l-kādhibīna

Tagalog Magtutulak ng pagdurusa palayo [sa maybahay na] ito na sumaksi ito nang apat na pagsaksi kay Allāh na tunay na [ang asawang] iyon ay talagang kabilang sa mga sinungaling.

Verse 9

وَٱلْخَـٰمِسَةَ أَنَّ غَضَبَ ٱللَّهِ عَلَيْهَآ إِن كَانَ مِنَ ٱلصَّـٰدِقِينَ

Transliteration wal-khāmisata anna ghaḍaba l-lahi ʿalayhā in kāna mina l-ṣādiqīna

Tagalog Ang ikalimang [pagsaksi] ay na ang galit ni Allāh ay sumakanya nawa kung siya ay kabilang sa mga sinungaling.

Verse 10

وَلَوْلَا فَضْلُ ٱللَّهِ عَلَيْكُمْ وَرَحْمَتُهُۥ وَأَنَّ ٱللَّهَ تَوَّابٌ حَكِيمٌ

Transliteration walawlā faḍlu l-lahi ʿalaykum waraḥmatuhu wa-anna l-laha tawwābun ḥakīmun

Tagalog Kung hindi dahil sa kabutihang-loob ni Allāh sa inyo at awa Niya, at na si Allāh ay Palatanggap ng pagbabalik-loob, Marunong, [nagmadali sana Siya sa inyo ng kaparusahan].

Verse 11

إِنَّ ٱلَّذِينَ جَآءُو بِٱلْإِفْكِ عُصْبَةٌ مِّنكُمْ ۚ لَا تَحْسَبُوهُ شَرًّا لَّكُم ۖ بَلْ هُوَ خَيْرٌ لَّكُمْ ۚ لِكُلِّ ٱمْرِئٍ مِّنْهُم مَّا ٱكْتَسَبَ مِنَ ٱلْإِثْمِ ۚ وَٱلَّذِى تَوَلَّىٰ كِبْرَهُۥ مِنْهُمْ لَهُۥ عَذَابٌ عَظِيمٌ

Transliteration inna alladhīna jāū bil-if'ki ʿuṣ'batun minkum lā taḥsabūhu sharran lakum bal huwa khayrun lakum likulli im'ri-in min'hum mā ik'tasaba mina l-ith'mi wa-alladhī tawallā kib'rahu min'hum lahu ʿadhābun ʿaẓīmun

Tagalog Tunay na ang mga naghatid ng kabulaanan ay isang pulutong kabilang sa inyo. Huwag kayong mag-akalang ito ay masama para sa inyo, bagkus ito ay mabuti para sa inyo. Ukol sa bawat tao kabilang sa kanila ang kinamit niya mula sa kasalanan. Ang bumalikat sa kalakihan niyon kabilang sa kanila, ukol sa kanya ay isang pagdurusang mabigat.

Verse 12

لَّوْلَآ إِذْ سَمِعْتُمُوهُ ظَنَّ ٱلْمُؤْمِنُونَ وَٱلْمُؤْمِنَـٰتُ بِأَنفُسِهِمْ خَيْرًا وَقَالُوا۟ هَـٰذَآ إِفْكٌ مُّبِينٌ

Transliteration lawlā idh samiʿ'tumūhu ẓanna l-mu'minūna wal-mu'minātu bi-anfusihim khayran waqālū hādhā if'kun mubīnun

Tagalog Bakit nga ba hindi, noong narinig ninyo ito, nag-isip ang mga lalaking mananampalataya at ang mga babaing mananampalataya ng maganda sa mga sarili nila at nagsabing ito ay isang kabulaanang malinaw?

Verse 13

لَّوْلَا جَآءُو عَلَيْهِ بِأَرْبَعَةِ شُهَدَآءَ ۚ فَإِذْ لَمْ يَأْتُوا۟ بِٱلشُّهَدَآءِ فَأُو۟لَـٰٓئِكَ عِندَ ٱللَّهِ هُمُ ٱلْكَـٰذِبُونَ

Transliteration lawlā jāū ʿalayhi bi-arbaʿati shuhadāa fa-idh lam yatū bil-shuhadāi fa-ulāika ʿinda l-lahi humu l-kādhibūna

Tagalog Bakit nga ba hindi sila naghatid para rito ng apat na saksi? Kaya kung hindi sila naglahad ng mga saksi, ang mga iyon, sa ganang kay Allāh, ay ang mga sinungaling.

Verse 14

وَلَوْلَا فَضْلُ ٱللَّهِ عَلَيْكُمْ وَرَحْمَتُهُۥ فِى ٱلدُّنْيَا وَٱلْـَٔاخِرَةِ لَمَسَّكُمْ فِى مَآ أَفَضْتُمْ فِيهِ عَذَابٌ عَظِيمٌ

Transliteration walawlā faḍlu l-lahi ʿalaykum waraḥmatuhu fī l-dun'yā wal-ākhirati lamassakum fī mā afaḍtum fīhi ʿadhābun ʿaẓīmun

Tagalog Kung hindi dahil sa kabutihang-loob ni Allāh sa inyo at awa Niya sa Mundo at Kabilang-buhay ay talaga sanang sinaling kayo, dahil sa pinaggagawa ninyo, ng isang pagdurusang mabigat

Verse 15

إِذْ تَلَقَّوْنَهُۥ بِأَلْسِنَتِكُمْ وَتَقُولُونَ بِأَفْوَاهِكُم مَّا لَيْسَ لَكُم بِهِۦ عِلْمٌ وَتَحْسَبُونَهُۥ هَيِّنًا وَهُوَ عِندَ ٱللَّهِ عَظِيمٌ

Transliteration idh talaqqawnahu bi-alsinatikum wataqūlūna bi-afwāhikum mā laysa lakum bihi ʿil'mun wataḥsabūnahu hayyinan wahuwa ʿinda l-lahi ʿaẓīmun

Tagalog noong tumatanggap kayo niyon sa pamamagitan ng dila ninyo, nagsasabi kayo sa pamamagitan ng mga bibig ninyo ng wala kayong kaalaman hinggil doon, at nag-aakala kayong iyon ay magaan samantalang iyon sa ganang kay Allāh ay mabigat.

Verse 16

وَلَوْلَآ إِذْ سَمِعْتُمُوهُ قُلْتُم مَّا يَكُونُ لَنَآ أَن نَّتَكَلَّمَ بِهَـٰذَا سُبْحَـٰنَكَ هَـٰذَا بُهْتَـٰنٌ عَظِيمٌ

Transliteration walawlā idh samiʿ'tumūhu qul'tum mā yakūnu lanā an natakallama bihādhā sub'ḥānaka hādhā buh'tānun ʿaẓīmun

Tagalog Bakit nga ba hindi, noong narinig ninyo ito, kayo nagsabi: "Hindi nauukol sa amin na magsalita kami nito. Kaluwalhatian sa Iyo! Ito ay isang paninirang-puring mabigat."

Verse 17

يَعِظُكُمُ ٱللَّهُ أَن تَعُودُوا۟ لِمِثْلِهِۦٓ أَبَدًا إِن كُنتُم مُّؤْمِنِينَ

Transliteration yaʿiẓukumu l-lahu an taʿūdū limith'lihi abadan in kuntum mu'minīna

Tagalog Nangangaral sa inyo si Allāh na [huwag] kayong manumbalik sa tulad nito magpakailanman, kung kayo ay mga mananampalataya.

Verse 18

وَيُبَيِّنُ ٱللَّهُ لَكُمُ ٱلْـَٔايَـٰتِ ۚ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ

Transliteration wayubayyinu l-lahu lakumu l-āyāti wal-lahu ʿalīmun ḥakīmun

Tagalog Naglilinaw si Allāh sa inyo ng mga talata Niya. Si Allāh ay Maalam, Marunong.

Verse 19

إِنَّ ٱلَّذِينَ يُحِبُّونَ أَن تَشِيعَ ٱلْفَـٰحِشَةُ فِى ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ لَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ فِى ٱلدُّنْيَا وَٱلْـَٔاخِرَةِ ۚ وَٱللَّهُ يَعْلَمُ وَأَنتُمْ لَا تَعْلَمُونَ

Transliteration inna alladhīna yuḥibbūna an tashīʿa l-fāḥishatu fī alladhīna āmanū lahum ʿadhābun alīmun fī l-dun'yā wal-ākhirati wal-lahu yaʿlamu wa-antum lā taʿlamūna

Tagalog Tunay na ang mga umiibig na kumalat ang mahalay sa mga sumasampalataya, ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit sa Mundo at Kabilang-buhay. Si Allāh ay nakaaalam samantalang kayo ay hindi nakaaalam.

Verse 20

وَلَوْلَا فَضْلُ ٱللَّهِ عَلَيْكُمْ وَرَحْمَتُهُۥ وَأَنَّ ٱللَّهَ رَءُوفٌ رَّحِيمٌ

Transliteration walawlā faḍlu l-lahi ʿalaykum waraḥmatuhu wa-anna l-laha raūfun raḥīmun

Tagalog Kung hindi dahil sa kabutihang-loob ni Allāh sa inyo at awa Niya, at dahil si Allāh ay Mahabagin, Maawain, [kaagad sana kayong pinarusahan.]

Verse 21

۞ يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ لَا تَتَّبِعُوا۟ خُطُوَٰتِ ٱلشَّيْطَـٰنِ ۚ وَمَن يَتَّبِعْ خُطُوَٰتِ ٱلشَّيْطَـٰنِ فَإِنَّهُۥ يَأْمُرُ بِٱلْفَحْشَآءِ وَٱلْمُنكَرِ ۚ وَلَوْلَا فَضْلُ ٱللَّهِ عَلَيْكُمْ وَرَحْمَتُهُۥ مَا زَكَىٰ مِنكُم مِّنْ أَحَدٍ أَبَدًا وَلَـٰكِنَّ ٱللَّهَ يُزَكِّى مَن يَشَآءُ ۗ وَٱللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ

Transliteration yāayyuhā alladhīna āmanū lā tattabiʿū khuṭuwāti l-shayṭāni waman yattabiʿ khuṭuwāti l-shayṭāni fa-innahu yamuru bil-faḥshāi wal-munkari walawlā faḍlu l-lahi ʿalaykum waraḥmatuhu mā zakā minkum min aḥadin abadan walākinna l-laha yuzakkī man yashāu wal-lahu samīʿun ʿalīmun

Tagalog O mga sumampalataya, huwag kayong sumunod sa mga bakas ng demonyo. Ang sinumang sumusunod sa mga bakas ng demonyo, tunay na siya ay nag-uutos ng kahalayan at nakasasama. Kung hindi dahil sa kagandahang-loob ni Allāh sa inyo at awa Niya, walang dumalisay kabilang sa inyo na isa man magpakailanman; subalit si Allāh ay nagdadalisay sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh ay Madinigin, Maalam.

Verse 22

وَلَا يَأْتَلِ أُو۟لُوا۟ ٱلْفَضْلِ مِنكُمْ وَٱلسَّعَةِ أَن يُؤْتُوٓا۟ أُو۟لِى ٱلْقُرْبَىٰ وَٱلْمَسَـٰكِينَ وَٱلْمُهَـٰجِرِينَ فِى سَبِيلِ ٱللَّهِ ۖ وَلْيَعْفُوا۟ وَلْيَصْفَحُوٓا۟ ۗ أَلَا تُحِبُّونَ أَن يَغْفِرَ ٱللَّهُ لَكُمْ ۗ وَٱللَّهُ غَفُورٌ رَّحِيمٌ

Transliteration walā yatali ulū l-faḍli minkum wal-saʿati an yu'tū ulī l-qur'bā wal-masākīna wal-muhājirīna fī sabīli l-lahi walyaʿfū walyaṣfaḥū alā tuḥibbūna an yaghfira l-lahu lakum wal-lahu ghafūrun raḥīmun

Tagalog Huwag manumpa ang mga may kalamangan kabilang sa inyo at kaluwagan na [hindi] magbigay sa mga may pagkakamag-anak, mga dukha, at mga tagalikas sa landas ni Allāh. Magpaumanhin sila at magpalampas sila. Hindi ba kayo umiibig na magpatawad si Allāh sa inyo? Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.

Verse 23

إِنَّ ٱلَّذِينَ يَرْمُونَ ٱلْمُحْصَنَـٰتِ ٱلْغَـٰفِلَـٰتِ ٱلْمُؤْمِنَـٰتِ لُعِنُوا۟ فِى ٱلدُّنْيَا وَٱلْـَٔاخِرَةِ وَلَهُمْ عَذَابٌ عَظِيمٌ

Transliteration inna alladhīna yarmūna l-muḥ'ṣanāti l-ghāfilāti l-mu'mināti luʿinū fī l-dun'yā wal-ākhirati walahum ʿadhābun ʿaẓīmun

Tagalog Tunay na ang nagpaparatang sa mga malinis na inosenteng babaing mananampalataya ay isinumpa sa Mundo at Kabilang-buhay. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang mabigat,

Verse 24

يَوْمَ تَشْهَدُ عَلَيْهِمْ أَلْسِنَتُهُمْ وَأَيْدِيهِمْ وَأَرْجُلُهُم بِمَا كَانُوا۟ يَعْمَلُونَ

Transliteration yawma tashhadu ʿalayhim alsinatuhum wa-aydīhim wa-arjuluhum bimā kānū yaʿmalūna

Tagalog sa Araw na sasaksi laban sa kanila ang mga dila nila, ang mga kamay nila, at ang mga paa nila sa dati nilang ginagawa.

Verse 25

يَوْمَئِذٍ يُوَفِّيهِمُ ٱللَّهُ دِينَهُمُ ٱلْحَقَّ وَيَعْلَمُونَ أَنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلْحَقُّ ٱلْمُبِينُ

Transliteration yawma-idhin yuwaffīhimu l-lahu dīnahumu l-ḥaqa wayaʿlamūna anna l-laha huwa l-ḥaqu l-mubīnu

Tagalog Sa Araw na iyon, maglulubus-lubos sa kanila si Allāh sa paggagantimpala sa kanilang nararapat at makaaalam sila na si Allāh ay ang Katotohanan, ang Malinaw.

Verse 26

ٱلْخَبِيثَـٰتُ لِلْخَبِيثِينَ وَٱلْخَبِيثُونَ لِلْخَبِيثَـٰتِ ۖ وَٱلطَّيِّبَـٰتُ لِلطَّيِّبِينَ وَٱلطَّيِّبُونَ لِلطَّيِّبَـٰتِ ۚ أُو۟لَـٰٓئِكَ مُبَرَّءُونَ مِمَّا يَقُولُونَ ۖ لَهُم مَّغْفِرَةٌ وَرِزْقٌ كَرِيمٌ

Transliteration al-khabīthātu lil'khabīthīna wal-khabīthūna lil'khabīthāti wal-ṭayibātu lilṭṭayyibīna wal-ṭayibūna lilṭṭayyibāti ulāika mubarraūna mimmā yaqūlūna lahum maghfiratun wariz'qun karīmun

Tagalog Ang mga karima-rimarim ay ukol sa mga [taong] karima-rimarim at ang mga [taong] karima-rimarim ay ukol sa mga karima-rimarim. Ang mga kaaya-aya ay ukol sa mga [taong] kaaya-aya at ang mga [taong] kaaya-aya ay ukol sa mga kaaya-aya. Ang mga [taong kaaya-ayang] iyon ay mga pinawalang-sala mula sa sinasabi ng mga [naninirang-puring] ito. Ukol sa kanila ay isang kapatawaran at isang panustos na masagana.

Verse 27

يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ لَا تَدْخُلُوا۟ بُيُوتًا غَيْرَ بُيُوتِكُمْ حَتَّىٰ تَسْتَأْنِسُوا۟ وَتُسَلِّمُوا۟ عَلَىٰٓ أَهْلِهَا ۚ ذَٰلِكُمْ خَيْرٌ لَّكُمْ لَعَلَّكُمْ تَذَكَّرُونَ

Transliteration yāayyuhā alladhīna āmanū lā tadkhulū buyūtan ghayra buyūtikum ḥattā tastanisū watusallimū ʿalā ahlihā dhālikum khayrun lakum laʿallakum tadhakkarūna

Tagalog O mga sumampalataya, huwag kayong pumasok sa mga bahay na hindi mga bahay ninyo hanggang sa nagparamdam kayo at bumati kayo sa mga naninirahan sa mga ito. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo, nang sa gayon kayo ay magsasaalaala.

Verse 28

فَإِن لَّمْ تَجِدُوا۟ فِيهَآ أَحَدًا فَلَا تَدْخُلُوهَا حَتَّىٰ يُؤْذَنَ لَكُمْ ۖ وَإِن قِيلَ لَكُمُ ٱرْجِعُوا۟ فَٱرْجِعُوا۟ ۖ هُوَ أَزْكَىٰ لَكُمْ ۚ وَٱللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ عَلِيمٌ

Transliteration fa-in lam tajidū fīhā aḥadan falā tadkhulūhā ḥattā yu'dhana lakum wa-in qīla lakumu ir'jiʿū fa-ir'jiʿū huwa azkā lakum wal-lahu bimā taʿmalūna ʿalīmun

Tagalog Kaya kung hindi kayo nakatagpo sa mga iyon ng isa man ay huwag kayong pumasok sa mga iyon hanggang sa ipinahintulot sa inyo. Kung sinabi sa inyo: "Bumalik kayo," bumalik kayo. Ito ay higit na dalisay para sa inyo. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Maalam.

Verse 29

لَّيْسَ عَلَيْكُمْ جُنَاحٌ أَن تَدْخُلُوا۟ بُيُوتًا غَيْرَ مَسْكُونَةٍ فِيهَا مَتَـٰعٌ لَّكُمْ ۚ وَٱللَّهُ يَعْلَمُ مَا تُبْدُونَ وَمَا تَكْتُمُونَ

Transliteration laysa ʿalaykum junāḥun an tadkhulū buyūtan ghayra maskūnatin fīhā matāʿun lakum wal-lahu yaʿlamu mā tub'dūna wamā taktumūna

Tagalog Wala sa inyong paninisi na pumasok kayo sa mga bahay na hindi tinitirahan, na sa mga ito ay may isang natatamasa para sa inyo. Si Allāh ay nakaaalam sa anumang inilalantad ninyo at anumang inililihim ninyo.

Verse 30

قُل لِّلْمُؤْمِنِينَ يَغُضُّوا۟ مِنْ أَبْصَـٰرِهِمْ وَيَحْفَظُوا۟ فُرُوجَهُمْ ۚ ذَٰلِكَ أَزْكَىٰ لَهُمْ ۗ إِنَّ ٱللَّهَ خَبِيرٌۢ بِمَا يَصْنَعُونَ

Transliteration qul lil'mu'minīna yaghuḍḍū min abṣārihim wayaḥfaẓū furūjahum dhālika azkā lahum inna l-laha khabīrun bimā yaṣnaʿūna

Tagalog Sabihin mo sa mga lalaking mananampalataya na magbaba sila ng mga paningin nila at mangalaga sila sa mga ari nila. Iyon ay higit na dalisay para sa kanila. Tunay na si Allāh ay Mapagbatid sa anumang niyayari nila.

Verse 31

وَقُل لِّلْمُؤْمِنَـٰتِ يَغْضُضْنَ مِنْ أَبْصَـٰرِهِنَّ وَيَحْفَظْنَ فُرُوجَهُنَّ وَلَا يُبْدِينَ زِينَتَهُنَّ إِلَّا مَا ظَهَرَ مِنْهَا ۖ وَلْيَضْرِبْنَ بِخُمُرِهِنَّ عَلَىٰ جُيُوبِهِنَّ ۖ وَلَا يُبْدِينَ زِينَتَهُنَّ إِلَّا لِبُعُولَتِهِنَّ أَوْ ءَابَآئِهِنَّ أَوْ ءَابَآءِ بُعُولَتِهِنَّ أَوْ أَبْنَآئِهِنَّ أَوْ أَبْنَآءِ بُعُولَتِهِنَّ أَوْ إِخْوَٰنِهِنَّ أَوْ بَنِىٓ إِخْوَٰنِهِنَّ أَوْ بَنِىٓ أَخَوَٰتِهِنَّ أَوْ نِسَآئِهِنَّ أَوْ مَا مَلَكَتْ أَيْمَـٰنُهُنَّ أَوِ ٱلتَّـٰبِعِينَ غَيْرِ أُو۟لِى ٱلْإِرْبَةِ مِنَ ٱلرِّجَالِ أَوِ ٱلطِّفْلِ ٱلَّذِينَ لَمْ يَظْهَرُوا۟ عَلَىٰ عَوْرَٰتِ ٱلنِّسَآءِ ۖ وَلَا يَضْرِبْنَ بِأَرْجُلِهِنَّ لِيُعْلَمَ مَا يُخْفِينَ مِن زِينَتِهِنَّ ۚ وَتُوبُوٓا۟ إِلَى ٱللَّهِ جَمِيعًا أَيُّهَ ٱلْمُؤْمِنُونَ لَعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ

Transliteration waqul lil'mu'mināti yaghḍuḍ'na min abṣārihinna wayaḥfaẓna furūjahunna walā yub'dīna zīnatahunna illā mā ẓahara min'hā walyaḍrib'na bikhumurihinna ʿalā juyūbihinna walā yub'dīna zīnatahunna illā libuʿūlatihinna aw ābāihinna aw ābāi buʿūlatihinna aw abnāihinna aw abnāi buʿūlatihinna aw ikh'wānihinna aw banī ikh'wānihinna aw banī akhawātihinna aw nisāihinna aw mā malakat aymānuhunna awi l-tābiʿīna ghayri ulī l-ir'bati mina l-rijāli awi l-ṭif'li alladhīna lam yaẓharū ʿalā ʿawrāti l-nisāi walā yaḍrib'na bi-arjulihinna liyuʿ'lama mā yukh'fīna min zīnatihinna watūbū ilā l-lahi jamīʿan ayyuha l-mu'minūna laʿallakum tuf'liḥūna

Tagalog Sabihin mo sa mga babaing mananampalataya na magbaba sila ng mga paningin nila, mangalaga sila sa mga ari nila, huwag silang maglantad ng gayak nila maliban sa nakalitaw na mula rito, magpaabot sila ng mga belo nila sa mga dibdib nila, huwag silang maglantad ng gayak nila maliban sa mga asawa nila, o mga ama nila, o mga ama ng mga asawa nila, o mga lalaking anak nila, o mga lalaking anak ng mga asawa nila, o mga lalaking kapatid nila, o mga lalaking anak ng mga lalaking kapatid nila, o mga lalaking anak ng mga babaing kapatid nila, o mga kapwa babae nila, o mga minay-ari ng mga kanang kamay nila, o mga tagapaglingkod na hindi mga may pagnanasa kabilang sa mga lalaki, o mga batang lalaking hindi nakabatid sa mga kahubaran ng mga babae. Huwag silang magpadyak ng mga paa nila upang malaman ang ikinukubli nila mula sa gayak nila. Magbalik-loob kayo kay Allāh sa kalahatan, o mga mananampalataya, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay.

Verse 32

وَأَنكِحُوا۟ ٱلْأَيَـٰمَىٰ مِنكُمْ وَٱلصَّـٰلِحِينَ مِنْ عِبَادِكُمْ وَإِمَآئِكُمْ ۚ إِن يَكُونُوا۟ فُقَرَآءَ يُغْنِهِمُ ٱللَّهُ مِن فَضْلِهِۦ ۗ وَٱللَّهُ وَٰسِعٌ عَلِيمٌ

Transliteration wa-ankiḥū l-ayāmā minkum wal-ṣāliḥīna min ʿibādikum wa-imāikum in yakūnū fuqarāa yugh'nihimu l-lahu min faḍlihi wal-lahu wāsiʿun ʿalīmun

Tagalog Ipakasal ninyo ang mga walang-asawa kabilang sa inyo at ang mga maayos kabilang sa mga lalaking alipin ninyo at mga babaing alipin ninyo. Kung sila ay mga maralita, magpapasapat sa kanila si Allāh mula sa kabutihang-loob Niya. Si Allāh ay Malawak, Maalam.

Verse 33

وَلْيَسْتَعْفِفِ ٱلَّذِينَ لَا يَجِدُونَ نِكَاحًا حَتَّىٰ يُغْنِيَهُمُ ٱللَّهُ مِن فَضْلِهِۦ ۗ وَٱلَّذِينَ يَبْتَغُونَ ٱلْكِتَـٰبَ مِمَّا مَلَكَتْ أَيْمَـٰنُكُمْ فَكَاتِبُوهُمْ إِنْ عَلِمْتُمْ فِيهِمْ خَيْرًا ۖ وَءَاتُوهُم مِّن مَّالِ ٱللَّهِ ٱلَّذِىٓ ءَاتَىٰكُمْ ۚ وَلَا تُكْرِهُوا۟ فَتَيَـٰتِكُمْ عَلَى ٱلْبِغَآءِ إِنْ أَرَدْنَ تَحَصُّنًا لِّتَبْتَغُوا۟ عَرَضَ ٱلْحَيَوٰةِ ٱلدُّنْيَا ۚ وَمَن يُكْرِههُّنَّ فَإِنَّ ٱللَّهَ مِنۢ بَعْدِ إِكْرَٰهِهِنَّ غَفُورٌ رَّحِيمٌ

Transliteration walyastaʿfifi alladhīna lā yajidūna nikāḥan ḥattā yugh'niyahumu l-lahu min faḍlihi wa-alladhīna yabtaghūna l-kitāba mimmā malakat aymānukum fakātibūhum in ʿalim'tum fīhim khayran waātūhum min māli l-lahi alladhī ātākum walā tuk'rihū fatayātikum ʿalā l-bighāi in aradna taḥaṣṣunan litabtaghū ʿaraḍa l-ḥayati l-dun'yā waman yuk'rihhunna fa-inna l-laha min baʿdi ik'rāhihinna ghafūrun raḥīmun

Tagalog Magpakamabini ang mga hindi nakatatagpo ng pampakasal hanggang sa magpasapat sa kanila si Allāh mula sa kabutihang-loob Niya. Ang mga naghahangad ng kasulatan [ng paglaya] kabilang sa [mga aliping] minay-ari ng mga kanang kamay ninyo ay makipagsulatan kayo sa kanila [ng kasunduan] kung nakaalam kayo sa kanila ng kabutihan at magbigay kayo sa kanila mula sa yaman ni Allāh na ibinigay Niya sa inyo. Huwag kayong mamilit sa mga babaing alipin ninyo sa pagpapatutot, kung nagnais sila ng pagpapakalinis ng puri, upang maghangad kayo ng panandalian sa buhay na Mundo. Ang sinumang mamimilit sa kanila, tunay na si Allāh, noong matapos ng pamimilit sa kanila, ay Mapagpatawad, Maawain.

Verse 34

وَلَقَدْ أَنزَلْنَآ إِلَيْكُمْ ءَايَـٰتٍ مُّبَيِّنَـٰتٍ وَمَثَلًا مِّنَ ٱلَّذِينَ خَلَوْا۟ مِن قَبْلِكُمْ وَمَوْعِظَةً لِّلْمُتَّقِينَ

Transliteration walaqad anzalnā ilaykum āyātin mubayyinātin wamathalan mina alladhīna khalaw min qablikum wamawʿiẓatan lil'muttaqīna

Tagalog Talaga ngang nagpababa Kami sa inyo ng mga tandang naglilinaw, paghahalintulad mula sa mga nagdaan bago pa ninyo, at pangaral para sa mga tagapangilag magkasala.

Verse 35

۞ ٱللَّهُ نُورُ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ ۚ مَثَلُ نُورِهِۦ كَمِشْكَوٰةٍ فِيهَا مِصْبَاحٌ ۖ ٱلْمِصْبَاحُ فِى زُجَاجَةٍ ۖ ٱلزُّجَاجَةُ كَأَنَّهَا كَوْكَبٌ دُرِّىٌّ يُوقَدُ مِن شَجَرَةٍ مُّبَـٰرَكَةٍ زَيْتُونَةٍ لَّا شَرْقِيَّةٍ وَلَا غَرْبِيَّةٍ يَكَادُ زَيْتُهَا يُضِىٓءُ وَلَوْ لَمْ تَمْسَسْهُ نَارٌ ۚ نُّورٌ عَلَىٰ نُورٍ ۗ يَهْدِى ٱللَّهُ لِنُورِهِۦ مَن يَشَآءُ ۚ وَيَضْرِبُ ٱللَّهُ ٱلْأَمْثَـٰلَ لِلنَّاسِ ۗ وَٱللَّهُ بِكُلِّ شَىْءٍ عَلِيمٌ

Transliteration al-lahu nūru l-samāwāti wal-arḍi mathalu nūrihi kamish'katin fīhā miṣ'bāḥun l-miṣ'bāḥu fī zujājatin l-zujājatu ka-annahā kawkabun durriyyun yūqadu min shajaratin mubārakatin zaytūnatin lā sharqiyyatin walā gharbiyyatin yakādu zaytuhā yuḍīu walaw lam tamsashu nārun nūrun ʿalā nūrin yahdī l-lahu linūrihi man yashāu wayaḍribu l-lahu l-amthāla lilnnāsi wal-lahu bikulli shayin ʿalīmun

Tagalog Si Allāh ay ang liwanag ng mga langit at lupa. Ang paghahalintulad sa liwanag Niya ay gaya ng isang siwang na sa loob nito ay may isang ilawan. Ang ilawan ay nasa loob ng isang salamin. Ang salamin ay para bang ito ay isang tala na malaperlas na pinagniningas mula sa isang pinagpalang punong-kahoy na oliba na hindi isang silanganin at hindi isang kanluranin, na halos ang langis nito ay nagtatanglaw kahit pa man hindi ito nasaling ng isang apoy. Isang liwanag sa ibabaw ng isang liwanag, nagpapatnubay si Allāh tungo sa liwanag Niya sa sinumang niloloob Niya. Naglalahad si Allāh ng mga paghahalintulad para sa mga tao. Si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.

Verse 36

فِى بُيُوتٍ أَذِنَ ٱللَّهُ أَن تُرْفَعَ وَيُذْكَرَ فِيهَا ٱسْمُهُۥ يُسَبِّحُ لَهُۥ فِيهَا بِٱلْغُدُوِّ وَٱلْـَٔاصَالِ

Transliteration fī buyūtin adhina l-lahu an tur'faʿa wayudh'kara fīhā us'muhu yusabbiḥu lahu fīhā bil-ghuduwi wal-āṣāli

Tagalog Sa mga bahay na nagpahintulot si Allāh na iangat at banggitin sa mga ito ang pangalan Niya, may nagluluwalhati sa Kanya sa mga ito sa umaga at mga gabi

Verse 37

رِجَالٌ لَّا تُلْهِيهِمْ تِجَـٰرَةٌ وَلَا بَيْعٌ عَن ذِكْرِ ٱللَّهِ وَإِقَامِ ٱلصَّلَوٰةِ وَإِيتَآءِ ٱلزَّكَوٰةِ ۙ يَخَافُونَ يَوْمًا تَتَقَلَّبُ فِيهِ ٱلْقُلُوبُ وَٱلْأَبْصَـٰرُ

Transliteration rijālun lā tul'hīhim tijāratun walā bayʿun ʿan dhik'ri l-lahi wa-iqāmi l-ṣalati waītāi l-zakati yakhāfūna yawman tataqallabu fīhi l-qulūbu wal-abṣāru

Tagalog na mga lalaking hindi nalilibang ng isang kalakalan ni isang pagtitinda palayo sa pag-aalaala kay Allāh, pagpapanatili ng pagdarasal, at pagbibigay ng zakāh, na nangangamba sa isang araw na magpapalipat-lipat doon ang mga puso at ang mga paningin

Verse 38

لِيَجْزِيَهُمُ ٱللَّهُ أَحْسَنَ مَا عَمِلُوا۟ وَيَزِيدَهُم مِّن فَضْلِهِۦ ۗ وَٱللَّهُ يَرْزُقُ مَن يَشَآءُ بِغَيْرِ حِسَابٍ

Transliteration liyajziyahumu l-lahu aḥsana mā ʿamilū wayazīdahum min faḍlihi wal-lahu yarzuqu man yashāu bighayri ḥisābin

Tagalog upang gumanti sa kanila si Allāh ng higit na maganda sa ginawa nila at magdagdag Siya sa kanila mula sa kabutihang-loob Niya. Si Allāh ay nagtutustos sa sinumang niloloob Niya nang walang pagtutuos.

Verse 39

وَٱلَّذِينَ كَفَرُوٓا۟ أَعْمَـٰلُهُمْ كَسَرَابٍۭ بِقِيعَةٍ يَحْسَبُهُ ٱلظَّمْـَٔانُ مَآءً حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءَهُۥ لَمْ يَجِدْهُ شَيْـًٔا وَوَجَدَ ٱللَّهَ عِندَهُۥ فَوَفَّىٰهُ حِسَابَهُۥ ۗ وَٱللَّهُ سَرِيعُ ٱلْحِسَابِ

Transliteration wa-alladhīna kafarū aʿmāluhum kasarābin biqīʿatin yaḥsabuhu l-ẓamānu māan ḥattā idhā jāahu lam yajid'hu shayan wawajada l-laha ʿindahu fawaffāhu ḥisābahu wal-lahu sarīʿu l-ḥisābi

Tagalog Ang mga tumangging sumampalataya, ang mga gawa nila ay gaya ng isang malikmata sa isang mababang kapatagan, na inaakala ng uhaw na isang tubig. Hanggang sa nang dumating siya roon, hindi siya nakatagpo roon ng anuman ngunit nakatagpo ito kay Allāh sa tabi niya saka maglulubus-lubos Ito sa kanya sa pagtutuos sa kanya. Si Allāh ay mabilis ang pagtutuos.

Verse 40

أَوْ كَظُلُمَـٰتٍ فِى بَحْرٍ لُّجِّىٍّ يَغْشَىٰهُ مَوْجٌ مِّن فَوْقِهِۦ مَوْجٌ مِّن فَوْقِهِۦ سَحَابٌ ۚ ظُلُمَـٰتٌۢ بَعْضُهَا فَوْقَ بَعْضٍ إِذَآ أَخْرَجَ يَدَهُۥ لَمْ يَكَدْ يَرَىٰهَا ۗ وَمَن لَّمْ يَجْعَلِ ٱللَّهُ لَهُۥ نُورًا فَمَا لَهُۥ مِن نُّورٍ

Transliteration aw kaẓulumātin fī baḥrin lujjiyyin yaghshāhu mawjun min fawqihi mawjun min fawqihi saḥābun ẓulumātun baʿḍuhā fawqa baʿḍin idhā akhraja yadahu lam yakad yarāhā waman lam yajʿali l-lahu lahu nūran famā lahu min nūrin

Tagalog O gaya ng mga kadiliman sa isang dagat na pagkalalim-lalim na binabalot ng mga alon, na mula sa ibabaw ng mga ito ay may mga alon, na mula sa ibabaw ng mga ito ay may mga ulap. Mga kadilimang ang ilan sa mga ito ay nasa ibabaw ng iba. Kapag naglabas siya ng kamay niya ay hindi halos siya makakita nito. Ang sinumang hindi gumawa si Allāh para sa kanya ng isang liwanag ay walang ukol sa kanya na anumang liwanag.

Verse 41

أَلَمْ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ يُسَبِّحُ لَهُۥ مَن فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ وَٱلطَّيْرُ صَـٰٓفَّـٰتٍ ۖ كُلٌّ قَدْ عَلِمَ صَلَاتَهُۥ وَتَسْبِيحَهُۥ ۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌۢ بِمَا يَفْعَلُونَ

Transliteration alam tara anna l-laha yusabbiḥu lahu man fī l-samāwāti wal-arḍi wal-ṭayru ṣāffātin kullun qad ʿalima ṣalātahu watasbīḥahu wal-lahu ʿalīmun bimā yafʿalūna

Tagalog Hindi ka ba nakakita na kay Allāh nagluluwalhati ang sinumang nasa mga langit at lupa at ang mga ibon habang mga nagbubuka [ng mga pakpak]? Bawat [isa] ay nakaalam nga Siya sa pagdarasal nito at pagluluwalhati nito. Si Allāh ay Maalam sa anumang ginagawa nila.

Verse 42

وَلِلَّهِ مُلْكُ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ ۖ وَإِلَى ٱللَّهِ ٱلْمَصِيرُ

Transliteration walillahi mul'ku l-samāwāti wal-arḍi wa-ilā l-lahi l-maṣīru

Tagalog Sa kay Allāh ang paghahari sa mga langit at lupa, at tungo kay Allāh ang kahahantungan.

Verse 43

أَلَمْ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ يُزْجِى سَحَابًا ثُمَّ يُؤَلِّفُ بَيْنَهُۥ ثُمَّ يَجْعَلُهُۥ رُكَامًا فَتَرَى ٱلْوَدْقَ يَخْرُجُ مِنْ خِلَـٰلِهِۦ وَيُنَزِّلُ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مِن جِبَالٍ فِيهَا مِنۢ بَرَدٍ فَيُصِيبُ بِهِۦ مَن يَشَآءُ وَيَصْرِفُهُۥ عَن مَّن يَشَآءُ ۖ يَكَادُ سَنَا بَرْقِهِۦ يَذْهَبُ بِٱلْأَبْصَـٰرِ

Transliteration alam tara anna l-laha yuz'jī saḥāban thumma yu-allifu baynahu thumma yajʿaluhu rukāman fatarā l-wadqa yakhruju min khilālihi wayunazzilu mina l-samāi min jibālin fīhā min baradin fayuṣību bihi man yashāu wayaṣrifuhu ʿan man yashāu yakādu sanā barqihi yadhhabu bil-abṣāri

Tagalog Hindi ka ba nakakita na si Allāh ay nagpapausad ng mga ulap, pagkatapos nagbubuklod Siya sa mga ito? Pagkatapos gumagawa Siya sa mga ito bilang bunton saka nakikita mo ang ulan habang lumalabas mula sa loob nito. Nagbababa Siya mula sa langit ng mga bundok [ng mga ulap] na nasa mga ito ay may yelong ulan, saka nagpapatama Siya nito sa sinumang niloloob Niya at naglilihis Siya nito palayo sa sinumang niloloob Niya. Halos ang kislap ng kidlat nito ay nag-aalis ng mga paningin.

Verse 44

يُقَلِّبُ ٱللَّهُ ٱلَّيْلَ وَٱلنَّهَارَ ۚ إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَعِبْرَةً لِّأُو۟لِى ٱلْأَبْصَـٰرِ

Transliteration yuqallibu l-lahu al-layla wal-nahāra inna fī dhālika laʿib'ratan li-ulī l-abṣāri

Tagalog Nagpapasalitan si Allāh sa gabi at maghapon. Tunay na sa gayon ay talagang may maisasaalang-alang para sa mga may paningin.

Verse 45

وَٱللَّهُ خَلَقَ كُلَّ دَآبَّةٍ مِّن مَّآءٍ ۖ فَمِنْهُم مَّن يَمْشِى عَلَىٰ بَطْنِهِۦ وَمِنْهُم مَّن يَمْشِى عَلَىٰ رِجْلَيْنِ وَمِنْهُم مَّن يَمْشِى عَلَىٰٓ أَرْبَعٍ ۚ يَخْلُقُ ٱللَّهُ مَا يَشَآءُ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَىْءٍ قَدِيرٌ

Transliteration wal-lahu khalaqa kulla dābbatin min māin famin'hum man yamshī ʿalā baṭnihi wamin'hum man yamshī ʿalā rij'layni wamin'hum man yamshī ʿalā arbaʿin yakhluqu l-lahu mā yashāu inna l-laha ʿalā kulli shayin qadīrun

Tagalog Si Allāh ay lumikha sa bawat gumagalaw na nilalang mula sa tubig, saka mayroon sa kanila na naglalakad sa tiyan, mayroon sa kanila na naglalakad sa dalawang paa, at mayroon sa kanila na naglalakad sa apat. Lumilikha si Allāh ng anumang niloloob Niya. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.

Verse 46

لَّقَدْ أَنزَلْنَآ ءَايَـٰتٍ مُّبَيِّنَـٰتٍ ۚ وَٱللَّهُ يَهْدِى مَن يَشَآءُ إِلَىٰ صِرَٰطٍ مُّسْتَقِيمٍ

Transliteration laqad anzalnā āyātin mubayyinātin wal-lahu yahdī man yashāu ilā ṣirāṭin mus'taqīmin

Tagalog Talaga ngang nagpababa Kami ng mga tandang malinaw. Si Allāh ay nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya tungo sa isang landasing tuwid.

Verse 47

وَيَقُولُونَ ءَامَنَّا بِٱللَّهِ وَبِٱلرَّسُولِ وَأَطَعْنَا ثُمَّ يَتَوَلَّىٰ فَرِيقٌ مِّنْهُم مِّنۢ بَعْدِ ذَٰلِكَ ۚ وَمَآ أُو۟لَـٰٓئِكَ بِٱلْمُؤْمِنِينَ

Transliteration wayaqūlūna āmannā bil-lahi wabil-rasūli wa-aṭaʿnā thumma yatawallā farīqun min'hum min baʿdi dhālika wamā ulāika bil-mu'minīna

Tagalog Nagsasabi sila: "Sumampalataya kami kay Allāh at sa Sugo at tumalima Kami." Pagkatapos may tumatalikod na isang pangkat kabilang sa kanila nang matapos niyon. Ang mga iyon ay hindi ang mga mananampalataya.

Verse 48

وَإِذَا دُعُوٓا۟ إِلَى ٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ لِيَحْكُمَ بَيْنَهُمْ إِذَا فَرِيقٌ مِّنْهُم مُّعْرِضُونَ

Transliteration wa-idhā duʿū ilā l-lahi warasūlihi liyaḥkuma baynahum idhā farīqun min'hum muʿ'riḍūna

Tagalog Kapag inanyayahan sila tungo kay Allāh at sa Sugo Niya upang humatol ito sa pagitan nila, biglang may isang pangkat kabilang sa kanila na mga tagaayaw.

Verse 49

وَإِن يَكُن لَّهُمُ ٱلْحَقُّ يَأْتُوٓا۟ إِلَيْهِ مُذْعِنِينَ

Transliteration wa-in yakun lahumu l-ḥaqu yatū ilayhi mudh'ʿinīna

Tagalog Kung ukol sa kanila ang katotohanan, pupunta sila sa kanya habang mga nagpapahinuhod.

Verse 50

أَفِى قُلُوبِهِم مَّرَضٌ أَمِ ٱرْتَابُوٓا۟ أَمْ يَخَافُونَ أَن يَحِيفَ ٱللَّهُ عَلَيْهِمْ وَرَسُولُهُۥ ۚ بَلْ أُو۟لَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلظَّـٰلِمُونَ

Transliteration afī qulūbihim maraḍun ami ir'tābū am yakhāfūna an yaḥīfa l-lahu ʿalayhim warasūluhu bal ulāika humu l-ẓālimūna

Tagalog Sa mga puso nila ba ay may karamdaman, o nag-alinlangan sila, o nangangamba sila na kumiling si Allāh laban sa kanila at ang Sugo Niya? Bagkus ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan.

Verse 51

إِنَّمَا كَانَ قَوْلَ ٱلْمُؤْمِنِينَ إِذَا دُعُوٓا۟ إِلَى ٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ لِيَحْكُمَ بَيْنَهُمْ أَن يَقُولُوا۟ سَمِعْنَا وَأَطَعْنَا ۚ وَأُو۟لَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلْمُفْلِحُونَ

Transliteration innamā kāna qawla l-mu'minīna idhā duʿū ilā l-lahi warasūlihi liyaḥkuma baynahum an yaqūlū samiʿ'nā wa-aṭaʿnā wa-ulāika humu l-muf'liḥūna

Tagalog Tanging ang sasabihin ng mga mananampalataya kapag inanyayahan sila tungo kay Allāh at sa Sugo Niya upang humatol sa pagitan nila ay na magsabi sila: "Nakarinig kami at tumalima kami." Ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay.

Verse 52

وَمَن يُطِعِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ وَيَخْشَ ٱللَّهَ وَيَتَّقْهِ فَأُو۟لَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلْفَآئِزُونَ

Transliteration waman yuṭiʿi l-laha warasūlahu wayakhsha l-laha wayattaqhi fa-ulāika humu l-fāizūna

Tagalog Ang sinumang tumatalima kay Allāh at sa Sugo Niya, natatakot kay Allāh, at nangingilag magkasala sa Kanya, ang mga iyon ay ang mga magtatamo.

Verse 53

۞ وَأَقْسَمُوا۟ بِٱللَّهِ جَهْدَ أَيْمَـٰنِهِمْ لَئِنْ أَمَرْتَهُمْ لَيَخْرُجُنَّ ۖ قُل لَّا تُقْسِمُوا۟ ۖ طَاعَةٌ مَّعْرُوفَةٌ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ خَبِيرٌۢ بِمَا تَعْمَلُونَ

Transliteration wa-aqsamū bil-lahi jahda aymānihim la-in amartahum layakhrujunna qul lā tuq'simū ṭāʿatun maʿrūfatun inna l-laha khabīrun bimā taʿmalūna

Tagalog Sumumpa sila kay Allāh nang taimtim sa mga panunumpa nila na talagang kung nag-utos ka sa kanila ay talagang lilisan nga sila [para makibaka]. Sabihin mo: "Huwag kayong sumumpa. Isang pagtalimang kilala [na huwad ang nasa inyo]." Tunay na si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo.

Verse 54

قُلْ أَطِيعُوا۟ ٱللَّهَ وَأَطِيعُوا۟ ٱلرَّسُولَ ۖ فَإِن تَوَلَّوْا۟ فَإِنَّمَا عَلَيْهِ مَا حُمِّلَ وَعَلَيْكُم مَّا حُمِّلْتُمْ ۖ وَإِن تُطِيعُوهُ تَهْتَدُوا۟ ۚ وَمَا عَلَى ٱلرَّسُولِ إِلَّا ٱلْبَلَـٰغُ ٱلْمُبِينُ

Transliteration qul aṭīʿū l-laha wa-aṭīʿū l-rasūla fa-in tawallaw fa-innamā ʿalayhi mā ḥummila waʿalaykum mā ḥummil'tum wa-in tuṭīʿūhu tahtadū wamā ʿalā l-rasūli illā l-balāghu l-mubīnu

Tagalog Sabihin mo: "Tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo; ngunit kung tatalikod kayo, tanging kailangan sa kanya ang ipinapasan sa kanya at kailangan sa inyo ang ipinapasan sa inyo. Kung tatalima kayo sa kanya ay mapapatnubayan kayo. Walang kailangan sa Sugo kundi ang pagpapaabot na malinaw."

Verse 55

وَعَدَ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ مِنكُمْ وَعَمِلُوا۟ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ لَيَسْتَخْلِفَنَّهُمْ فِى ٱلْأَرْضِ كَمَا ٱسْتَخْلَفَ ٱلَّذِينَ مِن قَبْلِهِمْ وَلَيُمَكِّنَنَّ لَهُمْ دِينَهُمُ ٱلَّذِى ٱرْتَضَىٰ لَهُمْ وَلَيُبَدِّلَنَّهُم مِّنۢ بَعْدِ خَوْفِهِمْ أَمْنًا ۚ يَعْبُدُونَنِى لَا يُشْرِكُونَ بِى شَيْـًٔا ۚ وَمَن كَفَرَ بَعْدَ ذَٰلِكَ فَأُو۟لَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلْفَـٰسِقُونَ

Transliteration waʿada l-lahu alladhīna āmanū minkum waʿamilū l-ṣāliḥāti layastakhlifannahum fī l-arḍi kamā is'takhlafa alladhīna min qablihim walayumakkinanna lahum dīnahumu alladhī ir'taḍā lahum walayubaddilannahum min baʿdi khawfihim amnan yaʿbudūnanī lā yush'rikūna bī shayan waman kafara baʿda dhālika fa-ulāika humu l-fāsiqūna

Tagalog Nangako si Allāh sa mga sumampalataya kabilang sa inyo at gumawa ng mga matuwid na talagang magtatalaga nga Siya sa kanila bilang kahalili sa lupain gaya ng pagtalaga Niya sa mga kabilang sa bago pa nila bilang kahalili, talagang magbibigay-kapangyarihan nga Siya para sa kanila sa Relihiyon nila na kinalugdan Niya para sa kanila, at talagang magpapalit nga Siya sa kanila, noong matapos ng pangamba nila, ng isang katiwasayan. Sumasamba sila sa akin habang hindi sila nagtatambal sa Akin ng anuman. Ang sinumang tumangging sumampalataya matapos niyon, ang mga iyon ay ang mga suwail.

Verse 56

وَأَقِيمُوا۟ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتُوا۟ ٱلزَّكَوٰةَ وَأَطِيعُوا۟ ٱلرَّسُولَ لَعَلَّكُمْ تُرْحَمُونَ

Transliteration wa-aqīmū l-ṣalata waātū l-zakata wa-aṭīʿū l-rasūla laʿallakum tur'ḥamūna

Tagalog Magpanatili kayo ng pagdarasal, magbigay kayo ng zakāh, at tumalima kayo sa Sugo, nang sa gayon kayo ay kaaawaan.

Verse 57

لَا تَحْسَبَنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ مُعْجِزِينَ فِى ٱلْأَرْضِ ۚ وَمَأْوَىٰهُمُ ٱلنَّارُ ۖ وَلَبِئْسَ ٱلْمَصِيرُ

Transliteration lā taḥsabanna alladhīna kafarū muʿ'jizīna fī l-arḍi wamawāhumu l-nāru walabi'sa l-maṣīru

Tagalog Huwag kang mag-akala sa mga tumangging sumampalataya na mga mapagpapawalang-kakayahan sa lupa. Ang kanlungan nila ay ang Apoy. Talagang kay saklap ang kahahantungan.

Verse 58

يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ لِيَسْتَـْٔذِنكُمُ ٱلَّذِينَ مَلَكَتْ أَيْمَـٰنُكُمْ وَٱلَّذِينَ لَمْ يَبْلُغُوا۟ ٱلْحُلُمَ مِنكُمْ ثَلَـٰثَ مَرَّٰتٍ ۚ مِّن قَبْلِ صَلَوٰةِ ٱلْفَجْرِ وَحِينَ تَضَعُونَ ثِيَابَكُم مِّنَ ٱلظَّهِيرَةِ وَمِنۢ بَعْدِ صَلَوٰةِ ٱلْعِشَآءِ ۚ ثَلَـٰثُ عَوْرَٰتٍ لَّكُمْ ۚ لَيْسَ عَلَيْكُمْ وَلَا عَلَيْهِمْ جُنَاحٌۢ بَعْدَهُنَّ ۚ طَوَّٰفُونَ عَلَيْكُم بَعْضُكُمْ عَلَىٰ بَعْضٍ ۚ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ ٱللَّهُ لَكُمُ ٱلْـَٔايَـٰتِ ۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ

Transliteration yāayyuhā alladhīna āmanū liyastadhinkumu alladhīna malakat aymānukum wa-alladhīna lam yablughū l-ḥuluma minkum thalātha marrātin min qabli ṣalati l-fajri waḥīna taḍaʿūna thiyābakum mina l-ẓahīrati wamin baʿdi ṣalati l-ʿishāi thalāthu ʿawrātin lakum laysa ʿalaykum walā ʿalayhim junāḥun baʿdahunna ṭawwāfūna ʿalaykum baʿḍukum ʿalā baʿḍin kadhālika yubayyinu l-lahu lakumu l-āyāti wal-lahu ʿalīmun ḥakīmun

Tagalog O mga sumampalataya, magpaalam sa inyo ang mga [aliping] minay-ari ng mga kanang kamay ninyo at ang mga hindi umabot sa kahustuhang gulang kabilang sa inyo sa tatlong sandali: bago ng dasal sa madaling-araw, kapag nag-aalis kayo ng mga kasuutan ninyo [sa pamamahinga] sa tanghali at matapos ng dasal sa gabi. Tatlong [sandali ng] kahubaran para sa inyo [ito]; wala sa inyo at wala sa kanilang masisisi bukod sa mga ito. [Sila ay] mga lumilibot sa inyo: ang ilan sa inyo sa iba pa. Gayon naglilinaw si Allāh para sa inyo ng mga talata. Si Allāh ay Maalam, Marunong.

Verse 59

وَإِذَا بَلَغَ ٱلْأَطْفَـٰلُ مِنكُمُ ٱلْحُلُمَ فَلْيَسْتَـْٔذِنُوا۟ كَمَا ٱسْتَـْٔذَنَ ٱلَّذِينَ مِن قَبْلِهِمْ ۚ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ ٱللَّهُ لَكُمْ ءَايَـٰتِهِۦ ۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ

Transliteration wa-idhā balagha l-aṭfālu minkumu l-ḥuluma falyastadhinū kamā is'tadhana alladhīna min qablihim kadhālika yubayyinu l-lahu lakum āyātihi wal-lahu ʿalīmun ḥakīmun

Tagalog Kapag umabot ang mga bata kabilang sa inyo sa kahustuhang gulang ay magpaalam sila gaya ng pagpaalam ng mga kabilang sa bago nila. Gayon naglilinaw si Allāh para sa inyo ng mga talata Niya. Si Allāh ay Maalam, Marunong.

Verse 60

وَٱلْقَوَٰعِدُ مِنَ ٱلنِّسَآءِ ٱلَّـٰتِى لَا يَرْجُونَ نِكَاحًا فَلَيْسَ عَلَيْهِنَّ جُنَاحٌ أَن يَضَعْنَ ثِيَابَهُنَّ غَيْرَ مُتَبَرِّجَـٰتٍۭ بِزِينَةٍ ۖ وَأَن يَسْتَعْفِفْنَ خَيْرٌ لَّهُنَّ ۗ وَٱللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ

Transliteration wal-qawāʿidu mina l-nisāi allātī lā yarjūna nikāḥan falaysa ʿalayhinna junāḥun an yaḍaʿna thiyābahunna ghayra mutabarrijātin bizīnatin wa-an yastaʿfif'na khayrun lahunna wal-lahu samīʿun ʿalīmun

Tagalog Ang mga matanda kabilang sa mga babaing hindi nag-aasam ng pag-aasawa ay wala sa kanilang maisisisi na mag-alis sila ng mga [panlabas na] kasuutan nila habang hindi mga nagtatanghal ng gayak, gayong ang magpakahinhin sila ay higit na mabuti para sa kanila. Si Allāh ay Madinigin, Maalam.

Verse 61

لَّيْسَ عَلَى ٱلْأَعْمَىٰ حَرَجٌ وَلَا عَلَى ٱلْأَعْرَجِ حَرَجٌ وَلَا عَلَى ٱلْمَرِيضِ حَرَجٌ وَلَا عَلَىٰٓ أَنفُسِكُمْ أَن تَأْكُلُوا۟ مِنۢ بُيُوتِكُمْ أَوْ بُيُوتِ ءَابَآئِكُمْ أَوْ بُيُوتِ أُمَّهَـٰتِكُمْ أَوْ بُيُوتِ إِخْوَٰنِكُمْ أَوْ بُيُوتِ أَخَوَٰتِكُمْ أَوْ بُيُوتِ أَعْمَـٰمِكُمْ أَوْ بُيُوتِ عَمَّـٰتِكُمْ أَوْ بُيُوتِ أَخْوَٰلِكُمْ أَوْ بُيُوتِ خَـٰلَـٰتِكُمْ أَوْ مَا مَلَكْتُم مَّفَاتِحَهُۥٓ أَوْ صَدِيقِكُمْ ۚ لَيْسَ عَلَيْكُمْ جُنَاحٌ أَن تَأْكُلُوا۟ جَمِيعًا أَوْ أَشْتَاتًا ۚ فَإِذَا دَخَلْتُم بُيُوتًا فَسَلِّمُوا۟ عَلَىٰٓ أَنفُسِكُمْ تَحِيَّةً مِّنْ عِندِ ٱللَّهِ مُبَـٰرَكَةً طَيِّبَةً ۚ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ ٱللَّهُ لَكُمُ ٱلْـَٔايَـٰتِ لَعَلَّكُمْ تَعْقِلُونَ

Transliteration laysa ʿalā l-aʿmā ḥarajun walā ʿalā l-aʿraji ḥarajun walā ʿalā l-marīḍi ḥarajun walā ʿalā anfusikum an takulū min buyūtikum aw buyūti ābāikum aw buyūti ummahātikum aw buyūti ikh'wānikum aw buyūti akhawātikum aw buyūti aʿmāmikum aw buyūti ʿammātikum aw buyūti akhwālikum aw buyūti khālātikum aw mā malaktum mafātiḥahu aw ṣadīqikum laysa ʿalaykum junāḥun an takulū jamīʿan aw ashtātan fa-idhā dakhaltum buyūtan fasallimū ʿalā anfusikum taḥiyyatan min ʿindi l-lahi mubārakatan ṭayyibatan kadhālika yubayyinu l-lahu lakumu l-āyāti laʿallakum taʿqilūna

Tagalog Hindi sa bulag isang maisisisi, hindi sa pilay isang maisisisi, hindi sa may-sakit maisisisi, at hindi sa mga sarili ninyo na kumain kayo mula sa mga bahay ninyo, o mga bahay ng mga ama ninyo, o mga bahay ng mga ina ninyo, o mga bahay ng mga lalaking kapatid ninyo, o mga bahay ng babaing kapatid ninyo, o mga bahay ng mga tiyuhin sa ama ninyo, o mga bahay ng mga tiyahin sa ama ninyo, o mga bahay ng mga tiyuhin sa ina ninyo, o mga bahay ng mga tiyahin sa ina ninyo, o anumang nagtaglay kayo ng mga susi nito, o [bahay] ng kaibigan ninyo. Wala sa inyong maisisisi na kumain kayo sa kalahatan o nang hiwa-hiwalay. Kapag pumasok kayo sa mga bahay ay bumati kayo sa mga sarili ng isa’t isa sa inyo ng isang pagbating mula sa ganang kay Allāh, na pinagpalang kaaya-aya. Gayon naglilinaw si Allāh para sa inyo ng mga talata nang sa gayon kayo ay makapag-uunawa.

Verse 62

إِنَّمَا ٱلْمُؤْمِنُونَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ وَإِذَا كَانُوا۟ مَعَهُۥ عَلَىٰٓ أَمْرٍ جَامِعٍ لَّمْ يَذْهَبُوا۟ حَتَّىٰ يَسْتَـْٔذِنُوهُ ۚ إِنَّ ٱلَّذِينَ يَسْتَـْٔذِنُونَكَ أُو۟لَـٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ يُؤْمِنُونَ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ ۚ فَإِذَا ٱسْتَـْٔذَنُوكَ لِبَعْضِ شَأْنِهِمْ فَأْذَن لِّمَن شِئْتَ مِنْهُمْ وَٱسْتَغْفِرْ لَهُمُ ٱللَّهَ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٌ رَّحِيمٌ

Transliteration innamā l-mu'minūna alladhīna āmanū bil-lahi warasūlihi wa-idhā kānū maʿahu ʿalā amrin jāmiʿin lam yadhhabū ḥattā yastadhinūhu inna alladhīna yastadhinūnaka ulāika alladhīna yu'minūna bil-lahi warasūlihi fa-idhā is'tadhanūka libaʿḍi shanihim fadhan liman shi'ta min'hum wa-is'taghfir lahumu l-laha inna l-laha ghafūrun raḥīmun

Tagalog Tanging ang mga mananampalataya ay ang mga sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya. Kapag sila ay kasama sa kanya sa isang usaping nagbubuklod, hindi sila umaalis hanggang sa magpaalam sila sa kanya. Tunay ang mga nagpapaalam sa iyo, ang mga iyon ay ang mga sumasampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya. Kaya kapag nagpaalam sila sa iyo dahil sa ilan sa nauukol sa kanila, magpahintulot ka sa sinumang niloob mo kabilang sa kanila at humingi ka ng tawad para sa kanila kay Allāh. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.

Verse 63

لَّا تَجْعَلُوا۟ دُعَآءَ ٱلرَّسُولِ بَيْنَكُمْ كَدُعَآءِ بَعْضِكُم بَعْضًا ۚ قَدْ يَعْلَمُ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ يَتَسَلَّلُونَ مِنكُمْ لِوَاذًا ۚ فَلْيَحْذَرِ ٱلَّذِينَ يُخَالِفُونَ عَنْ أَمْرِهِۦٓ أَن تُصِيبَهُمْ فِتْنَةٌ أَوْ يُصِيبَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ

Transliteration lā tajʿalū duʿāa l-rasūli baynakum kaduʿāi baʿḍikum baʿḍan qad yaʿlamu l-lahu alladhīna yatasallalūna minkum liwādhan falyaḥdhari alladhīna yukhālifūna ʿan amrihi an tuṣībahum fit'natun aw yuṣībahum ʿadhābun alīmun

Tagalog Huwag kayong gumawa sa pagtawag sa Sugo sa gitna ninyo gaya ng pagtawag ng ilan sa inyo sa iba. Nalalaman nga ni Allāh ang mga tumatalilis kabilang sa inyo nang patago. Kaya mag-ingat ang mga sumasalungat sa utos niya na baka may tumama sa kanila na isang pagsubok o may tumama sa kanila na isang pagdurusang masakit.

Verse 64

أَلَآ إِنَّ لِلَّهِ مَا فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ ۖ قَدْ يَعْلَمُ مَآ أَنتُمْ عَلَيْهِ وَيَوْمَ يُرْجَعُونَ إِلَيْهِ فَيُنَبِّئُهُم بِمَا عَمِلُوا۟ ۗ وَٱللَّهُ بِكُلِّ شَىْءٍ عَلِيمٌۢ

Transliteration alā inna lillahi mā fī l-samāwāti wal-arḍi qad yaʿlamu mā antum ʿalayhi wayawma yur'jaʿūna ilayhi fayunabbi-uhum bimā ʿamilū wal-lahu bikulli shayin ʿalīmun

Tagalog Pansinin, tunay na sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at lupa. Nakaaalam nga Siya sa anumang kayo ay naroon at sa araw na pababalikin sila tungo sa Kanya kaya magbabalita Siya sa kanila hinggil sa anumang ginawa nila. Si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.

Read Surah An-Nur in another language

All languages

All 114 surahs in Tagalog: the Qur’an in Tagalog.

Learn it in MyDugsi

Tagalog translation: Dar Al-Salam Center, from Quran.com. Transliteration: Quran.com. Recitation: Mishary Alafasy, from EveryAyah.com. MyDugsi is a learning aid, not a replacement for a qualified teacher.